Chapter - 5

673 41 23
                                    

Hapon na ng makabalik ng bahay sina Daryll. Agad nilang kinalikot na magkakapatid ang bago niyang laptop sa silid. Inggit na inggit si Dean na tinatawanan lang ni Dionne at Daryll.

" Grabe paborito ka talaga ni papa. Laki ng budget na binigay para sa laptop mo hmp!"

" Hahaha kuya, galingan mo na lang sa university mo para next yr may bago ka rin. At saka peborit naman tayo lahat ni papa at mama."

" Ako kaya ang favorite kasi only girl ako noh."

" Ganun mga punyemas kayo! Ako ang panganay kaya di paborito ganun?!"

"Favorite ka kaya nila kuya noh! Di mo lang alam. Ikaw kaya unang nagka laptop, tapos may kotse kana sa manila. Tapos magtatampo ka pa! Baliw ka ba?! Hahaha. Lahat tayo mahal ni papa at mama kaya lang isa isa tayong pinagbibigyan ng mga gusto natin at huwag natin abusuhin. Hintay lang kuya malay mo ikaw na sunod may bago." Si Daryll.

"Narinig mo yun kuya?, makinig ka kasi kay kuya Daryll, eh mas matured pa itong magisip sayo eh hahaha!"

" Haisssstt diyan na nga kayo at makapanood ng basketball!"

" Hayyyy pikon much ang politician in the future haha!"

" Hayaan mo na ate, baliw ka rin eh."

" Hayaan mo siya, ganyan lang yan mamaya ok na ang mood niyan....teka ano yan?.....violin?"

" Piano yan ate! Baliw ka din hahaha kitang kita na nga violin eh hahaha!"

" Letse ka! San galing yan? Wala ka naman ganyan ah!"

" Huwag kang maingay ate baka marinig ka ni mama."

" Eh san nga yan galing?!"

" Kaninang umaga sa paglilibot libot ko napunta ako sa attic....andaming gamit pala dun mga vintage na at ang iba halatang mamahalin......biglang pumasok si Mona kaya kaming dalawa tumingin tingin mga gamit na naroon.....hanggang nakita niya iyan.....nilinis ko dahil ok naman puwedeng gamitin at patugtugin pa. Lilinisan ko mamaya ng pang pakintab."

" My Gossssshh! Bunso di ka ba kinikilabutan, di mo alam sino huling gumamit nyan halatang antigo na baka may nakatirang kung ano sa violin na yan! Ngiiiii!!"

" Katulad ka rin ni mona ate walang passion sa old things.Takot ka sa mga luma hayan sa kababasa mo ng mga horror sa Wattpad nabuang ka na hahaha."

" Paki mo noh! Ang ganda kaya ng horror lalo na yung mga gawa ni jhavril. Yung Garage sale kataketch yun! Gusto ko yun! Yung Yanna ba lang diko pa inuumpisahan basahin. Hayyy naku mgbasa ka rin kasi sa watty nakakatuwa kaya. Lalo na yung mga readers na nag aabang sa update ng author at ang mga readers na nagaaway away pati sa author hahaha lalo na si jhavril at si E_L_I_A_H hahaha ang cute nila at  kulang na lang magbasagan ng mukha hahaha."

" Lam mo ate gusto ko basahin ay romance, fantasy at drama. Pero sige susubukan ko ang horror mo hahaha."

" At yang violin na yan. God pang garage sale na yan ngiiiiiii! Maski like ko magbasa ng horror pagdating naman in real life ayoko noh!"

" Ang ganda kaya nito. Huwag ka kasing magisip ng bad tungkol dito. Isipin mo ang magandang bagay halimbawa ang nakaraan ng violin na ito. Isipin mo na marahil ito ang ginamit na instrumento para haranahin ng may ari nito kung lalaki siya ang kanyang mahal o kaya naman ay ito ang nagsilbing libangan ng may ari kapag siya ay nalukungkot.....sa totoo lang iba pakiramdam ko ng makita ko ang violin na iyan....parang may saya na lungkot na ewan. Para bang gusto kong alamin kung may malaki bang kinalaman ang violin na ito sa mga taong tumira dito.....at bakit naiwan siya dito at di dinala ng may ari.....ang isiping yun ang nagpapalungkot sa akin ate. Kasi ang musical instrument ay parang kakambal daw yan ng musician saan man sya mapunta dapat dala at kasama niya ito....alam mo bang ibig kong sabihin ate???"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon