Chapter - 12

527 40 154
                                    

Lumipas ang isang linggo at masasabing napalagay na rin si Daryll sa bago niyang paaralan. Nalaman na rin niya mga activities na ginagawa taon-taon ng star section pati ng buong paaralan. Pati mga club at organizations ng school ay agad din niyang nalaman ngunit wala siyang balak sumali. Maraming nakipagkilala sa kanya na magiliw naman niyang kinakausap. Nakilala siya dahil naging usap-usapan ang naging audition na ginawa niya sa music hall kung saan maraming humanga sa kanyang mga estudyante at maging mga guro.

Katulad ng dati ay hindi pa rin nagbago ang pakitungo sa kanya ni lucas at ginagawa ng katatawanan ang inamin niyang pagkatao.

Pero kahit ganun pa man ay marami pa ring humanga kay Daryll. Ngunit hindi maiwasang may katulad ni lucas ang gustong hiyain siya. Pero hindi na lang niya ito pinapansin. Ibang usapan na siyempre kapag pisikal na dahil lalaban siya at hindi magpapaapi na lang.

Mas lalo silang naging close ng kanyang mga kaibigan at ipinagtatanggol siya kapag may mga estudyanteng nais siyang i-bully.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan.

Agosto at Intramurals na ng school.

Bawat yr ng star section ang section A and B at ang regular section ay may paligsahan. Ito ay sa larangan ng musika at sports. Ang  section A, B, C and D ay may sariling team para sa mga sports na sasalihan nila. Hindi sila kasali sa regular section ng yr na kasali sa sports.

Ang Star Section A and B din mula first yr hanggang second yr lang din ang kasali sa larangan ng paligsahan ng musika.

Si Daryll na itinalagang vice president ng klase ay naatasan ng kanilang class president na manguna sa pagbuo ng grupo. Kasali nila sa bubuuing grupo ang Third yr Section B. Bawat yr na kasali ay bubuuin lamang ng 20 members at sila ang magre-represent ng buong yr sa paligsahan sa larangan ng musika.

Kaya agad niyang ipinatawag ang section B para sa isang meeting.

Sa isang malaking classroom ay ginanap ang meeting nila. Ang class president nila at president at vice ng section B ay naroon din.

Maingay at lahat ay abala sa mga daldalan kaya nabadtrip si Daryll. Kaya sumigaw na ito....

" STOPPPPPPPP! HINDI BA KAILANGANG SAKA NA MUNA ANG DALDALAN! NANDITO TAYO PARA MAG MEETING! INTRAMS NA AT TWO WKS NA LANG. SA FIELD NG MUSIC LANG ANG HINIHINGI NG BUONG THIRD YR NA SANA AY MAG CHAMPION TAYO KAYA DAPAT AY GALINGAN NATIN!"

" Tama si Daryll! Konting behave naman third yr na kayo at para kayong mga first yr. Remember Sabi ng Adviser natin ay 7 yrs ng hindi nanalo ang third yr. Palaging second, third o kulelat! Gusto nyo bang sa batch nyo ay kulelat pa rin?!" Dagdag pahayag ng class president nila.

" NO!!!" Sigaw ng lahat.

" Good! Kaya makinig muna tayo sa sasabihin ni Daryll."

" WALA MAS LALO TAYONG KULELAT SA TAONG ITO KASI MAY SALOT!" Sigaw ni Lucas, ang iba naman ay natawa ng palihim.

Nagpanting ang tenga ni Daryll.
" Sa palagay ko ay hindi salot ang dahilan kung bakit matatalo tayo ngayong taon Lucas!" Nakangising turan ni Daryll.

Sumagot ding nakangisi si Lucas.
" Eh ano at sino?!!"

" Eh di ang tulad mong walang modo! Wala ka man lang bang ibang bukambibig kundi sabihan ako na salot! Tao ako lucas! Hindi ako salot! Inaano ba kita para tratuhin mo ako ng masama at ang mga tulad ko na wala namang ginagawang masama sayo! Isang beses ko lang sasabihin sayo at hindi ko na uulitin! Matanda ka na hindi ka na bata para hindi maunawaan ang lahat ng sasabihin ko!...Kung akala mo na hindi ako nasasaktan sa sinasabi mo at ng mga katulad mong bully ay hindi yun totoo! Tao ako lucas! Nasasaktan,natatakot, natutuwa, at nalulungkot din kaya sana itrato ninyo akong normal!Bago lang ako sa paaralang ito at mahal ko na ito. Kaya ginagawa ko lahat para maging maayos ang pananatili ko rito. Masakit lang isipin na kaedad ko kayo pero ang iba sa inyo ay parang mga bata kung umasta." Sa sinabing iyon ni Daryll ay hindi na niya mapigilang lumuha at agad niyang pinahid. Natahimik ang lahat lalo na si lucas na lubos na tinamaan sa sinabi ni Daryll. Kitang-kita niya ang pagluha nito na nakatingin sa kanya. At ang tinging iyon ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam at damdamin sa kanya. Kaya napayuko na lang siya. Lahat ng estudyanteng naroon ay tila tinamaan at natahimik lahat. Nilapitan si Daryll ng class president na dalawa at pinaupo muna. Ang dalawang class president na ang nagpatuloy muna. Sa kinalalagyan ni lucas ay pilit niyang tinitignan si Daryll na nakaupo na malungkot at naka cross arms. Hindi niya maipaliwanag pero naapektuhan siya ng matindi sa nangyari. Hindi niya inaasahan na maglalabas ng saloobin ang kinaiinisang binatilyo.

Nang matapos ang meeting ay nakapili na ng dalawawpung kasali sa naturang bubuuing grupo ng third yr section A and B. Ang mga ito ay ang pinakamagagaling sa larangan ng kanilang skilss sa pag-gamit ng instrumento o sa pagkanta.

Ang mga kaibigan ni Daryll ay napili at ilang kaklase niya at sa section B ang mga magagaling sa pagkanta. Sa larangan naman ng instrumento ay si Daryll ang nanguna, si Kiro, si Ali, at si Lucas na tumanggi pa. Sa gitara at flute kasi ito mahusay. Ilang estudyante pa na galing sa section A and B ang idinagdag at at nakabuo na sila.

" So, final na ang list na ito, tandaan ninyo nakasalalay sa atin ang panalo ng third yr ngayong taon. Sana paghusayan natin. Alam nyo ba kung bakit hindi ninyo kailangang tumanggi?....dahil kaya nga kayo nasa star section dahil may kakayahan kayo ang abilidad ninyo ay kailangan ninyong ipakita. Ano bang rason kung bakit? Dahil kailangang ma develop ito ng husto. Sayang ang abilidad ninyo kung hindi ninyo paghuhusayan." Pahayag ni Daryll.

" Pero paano tayo magpapraktis? Hindi kasi dapat nalalaman ng ibang yr ang kakantahin ng grupo at kung paano sila magpraktis. Kung dito naman sa school ay maraming areas na puwede. Pero maaring may maka spy kaya dapat ingat talaga tayo." Dagdag pahayag ni Lexi.

" Paguusapan namin yan ng mga officers kasama ang advisers natin. Sa ngayon ay maari nang makalabas muna ang ibang hindi napili. Maari na kayong pumunta sa mga sports na sasalihan ninyo. Galingan ninyo alam kung kaya ninyo yan, nating lahat." Hikayat ni Daryll sa mga estudyante at nagtayuan na ito na pumapalakpak.

" Ang mga napili ay manatili muna dahil paguusapan natin ang kantang ilalaban natin. Kailangang  maganda ito at kakaiba, may choreography dapat." Ang adviser nina daryll na siya ng nasa harapan para sa mapipiling kanta. Sa laptop ay naghanap na ito ng maari nilang kantahin. Tagalog man at ingles ay pinakinggan nila kung puwedeng kantahin ng maramihan o choir group.

" Mam puwede po bang maghanap din bawat isa sa amin, tapos bukas ay i-present namin para madami tayong pagpilian?" Tanong ni Daryll.

" Puwede, alam ko na maraming makabagong awitin ngayon na puwede sa group singing....pero maraming old songs na magandang kantahin sa chorale. Nasa trainor ninyo kung anong atake at choreography ang gagawin natin para mapaganda ito."

" Sino mam, ang trainor namin?" Tanong ng presidente nina Daryll.

" Si Miss Elisse Henson, yung bagong adviser ng section B. Magaling yun at bata pa, sa Maynila yun dati nagturo. Taga dito kasi siya kaya lumipat na siya dito sa Lopez."

" Ayos yan mam!" Sigaw ni Ali na binatukan ni Lucas.

" Pero, may isa pang magiging trainor na makakasama si Miss Henson. Hindi siya guro pero dati siyang estudyante dito noon. Isa siya sa pinakamatalino at pinakamagaling sa pagkanta at pagtugtog ng tatlong instrumento din. Piano, gitara at flute. Sa panahon niya ay taon, taon ang panalo kung anong yr na siya. Naputol lang ito ng maka graduate na siya at lalo na ng mawala na siya sa lugar natin. Matagal bago ko siya nakumbinsi noon na magtrain ulit na pumayag naman kaya bumalik ang panalo palagi noon ng third yr. Muli itong naputol ng magpasya siyang magquit dahil sa mga pangyayari sa buhay at pamilya. Pero ganun pa man nanatili ko siyang kaibigan noon pa man."

" Pero mam, ilang taon na po siya?"

" I think 66 na siya, matanda siya sa akin ng limang taon. Next yr retired na ako. Kaya this yr galingan nyo at yun sa tulong niya. Huwag ninyong ismolin ang taong yun, dahil wala ni isa sa inyo ang nasa kalingkingan niya. Wait.....i think si Daryll, the way he plays piano and guitar ay parang pareho may damdamin bawat pagtipa mararamdaman mo."

" Lalaki po siya Mam?" Tanong ni Lucas.

" Oo Mr. Lucas Montecillo! Walang iba kundi ang lolo mo si Emmanuel Montecillo!" Nakangiting sagot ng guro kay lucas.

" Yessss!" Sigaw ni Daryll at mga kaibigan niya dahil alam nila kung gaano ito kagaling.

" ANAK NG PATING NAMAN!" Maktol ni Lucas na napapadyak pa.

Tumingin sa kanya si Daryll na nakangisi kaya naasar ito. Walang nagbitiw ng tingin pero si Daryll di nakatagal sa titig ni Lucas.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang