Chapter - 15

452 36 22
                                    

Tulad ng inaasahan sa nakitang performance ng star section 3rd yr ay sila nga ang nanalo. Tuwang-tuwa ang lahat na third yr sa panalo ng grupo. Nagbunyi ang lahat sa entablado at nagkayakapan pa si Daryll at lucas na di sinasadya. Ngunit agad ding bumitiw sa isat-isa.

Sa pag-uwi ay pinasabay ng papa ni daryll  ang mga kaibigan niya  sa van kung saan ito ang nagmaneho.

" Guys, nagpahanda ako ng dinner sa bahay kaya samin na kayo sumabay." Ang papa ni Daryll habang naglalakad ang grupo papuntang parking.

" Yes na yes po tito! Tsibugan eh!"

" Grabe ka talaga ali! Basta kainan hindi mo mapapalampas!" Pagpuna ni Gabriella kay ali.

" Ikaw din! Grabe ka talaga, pag ako nagsalita hindi mo pinapalagpas ang pagkakataong magkomento! Trip na trip mo talaga ako pre!" Sabay kindat ni Ali kay Gabriella

" Sipain kita diyan makita mo!"

" Tama na yan guys! Dapat masaya kayo sa pagkapanalo." Ang mama ni Daryll. Natahimik naman ang lahat.

Sa parking ay sumakay na nga sila. Ngunit may tumawag kay lukas sa isang sasakyan na naka park din malapit sa van.

" Lukas sakay!"

Nagulat si lukas sa nakita.

" Papa?!"

" Sakay na! Uwi na tayo sabay ka sa akin!"

" Pero pa sa kanila na lang po. Magsi-celebrate pa kami sa pagkapanalo namin sa bahay ni Dr. Montealegre papa po ng classmate ko."

" Susuwayin mo ba ako?! Pag sinabi ko sumunod ka!"

" Sige na apo! Sumunod ka na sa papa mo." Walang nagawa si lukas kundi sumakay sa kotse ng papa niya. Nanatili namang nakatingin lang mga kaibigan niya, at mga magulang ni Daryll hanggang sa sila ay naunang makaalis sa parking. Naiwan pa dun ang mga kaibigan niya na malungkot sa nangyari.

" Kelan ka pa natutong lumapit sa lolo mo?!" Hindi umimik si lucas. " Yung anak ng Doktor di ba bakla yun?!" Hindi pa rin umimik si lucas. " Sumagot ka!!!"

" Opo papa!"

" Di ba sabi ko sayo na huwag kang lalapit sa mga bakla! Kanina sa stage, anong ibig sabihin nun?! Nagyakapan pa kayo sabay titigan! Huwag kang magkaila dahil nandoon ako!"

" Wala po yun pa!"

" Siguraduhin mo lang! Ayokong napapalapit ka sa mga ganun! Pinalaki ko kayo na tuwid kaya nakita ko kayong bumali! Babaliin ko talagang mga buto ninyong magkakapatid!"

Lukas POV

Sa naririnig kong mga sinasabi ni Papa ay natakot ako. Alam ko sa sarili ko na ibang klase dumisiplina si papa sa aming magkakapatid. Siya ay isang pulis at hepe siya ng pulisya sa bayan. Istrikto at nakakatakot kaya naman madaming may galit sa kanya sa pagkakaalam ko. Galit siya sa mga bakla noon pa man. Natuklasan ko din na kaya siya galit sa bakla dahil ang lolo namin na si Emmanuel Montecillo ay isang bakla. Ngunit hindi mo ito makikitaan ng kabaklaan noon pa man. Itinanim lang ni papa sa aming isipan na hindi mabuti ang maging bakla at salot ito at isang sakit na nakakahawa. Kaya naman lumaki kami ng kuya ko na basta may bakla inaaway namin, pinagkakatuwaan o inaapi......

Pero ang lahat ng iyon ay pagkukunwari ko lamang para mapanatiling maayos kami papa. Ayokong mang-api ng kapuwa lalo na kung sila ay alanganin dahil sila ay tao din. Nasasaktan din ako lalo na kapag nakikita kong nakakapanakit ako ng tulad nila lalo na ang lolo ko at ngayon nga ay ang isang tao na hindi ko man pinapahalata ay nakuha niya ang atensyon ko. Nasaktan ako noong pinagsalitaan ko siya ng di maganda na tila pinandidirihan ngunit ng makita ko siyang umiyak ay parang nadurog ang puso ko.

Pagkukunwari lang ang ipinapakita kong di magandang trato sa kanya....dahil ang totoo gusto ko siyang maging kaibigan kahit ganun pa man siya......si Daryll.

------------------------------------------------------

Sa tahanan ng mga Montealegre ay masaya ang lahat sa salo-salo. Naroon pa din ang biruan ng lahat. Ngunit napansin ni Ybonne na tahimil si Daryll kahit ito ay ngumingiti dahil hindi ito nagsasalita.

" Friend....naka mute ba ang peg?"

" Baliw!"

" Oo nga pre tahimik ka bigla kanina pa sa van? May iniisip ka ba o namimiss?" Sabay kindat ni Ali kay Daryll kaya napa-pout siya at sumimangot dito. " Tumigil nga kayo! Napagod lang ako noh!"

" Alam mo anak nakakapagod talaga....lalo na kapag nagsisimula ng mainlab ang iyong puso." Ngiting biro ni Berna sa anak. Kaya nagtawanan ang lahat.

" MAMA! Ano bang pinagsasabi mo?! Baliwan lang!"

" Anak....itago mo man ito sa iyong salita...pero sa iyong galaw at iyong mga mata ay nakikita iyon....may hinahanap ka di ba?"

" Kakainis ma! Ako ang ginagawa  ninyong appetizer ah,!"

" Hayyy naku friend! Deny pa more!" Buti pa lafangggg lang tayo mga friend at minsanan lang iteyyyy!"

Natapos ang dinner at sabay-sabay uling umuwi ang mga kaibigan ni Daryll na magkakalapit lang. Si Lolo manuel naman at muling inihatid ni Daryll sa tahanan nito.

" Lolo salamat po sa tulong ninyo....masaya po ako na nanalo kami."

" Walang anuman apo.....noon pa man karangalan ko ng tumulong sa mga tao sa kahit anong paraan." Sagot ni lolo manuel matapos mabuksa ang pintuan. " Pasok ka muna iho, parang gusto mo pang makipagkuwentuhan, may gusto ka bang sabihin o itanong?"

Pumasok si Daryll at inilawan ni lolo manuel ang buong sala maging ang ilaw sa labas at gate. Umupo si Daryll sa sofa at nagtungo naman sa kusina si lolo manuel. Paglabas ay may dala na itong isang slice ng chocolate cake.

" Apo kain ka nito, ako gumawa niyan....konti lang kinakain ko niyan kasi si manang at Lexi ang madalas kumain ng gawa ko." Nakangiting alok ni lolo manuel kay Daryll.

" Wowww! Favorite ko ito lo! Salamat!" Agad humiwa si daryll at isinubo ito." Sarap lo! Nagme melt sa bibig!"

" Salamat apo."

" Lolo, di po ba kayo natatakot talagang mag-isa dito?"

" Sanay na ako. Halos mahigit dalawampung taon na."

" Lo......bakit ganun ang papa ni lukas....parang galit siya sa inyo ang sama naman nun....pati si lukas ay idinadamay niya sa ginagawa niya sa inyo!"

" Apo.......huwag mo na lang pansinin.....matagal ng ganun sa akin ang anak ko at maging ang mga apo ko." Sa sinabing iyon ni lolo manuel ay di nito napigilang malungkot na naramdaman agad ni Daryll.

" Lolo....hindi ko man po alam ang dahilan pero hindi po tama iyon....magulang pa rin po niya kayo."

Napatingin si lolo manuel sa malaking portrait sa wall kung saan naroon ang kanyang pamilya...ang kanyang papa, mama, ate at kuya.

" Matagal na akong nanabik sa isang pamilya apo....matagal ng panahon at gabi-gabi ay ipinagdarasal ko na mayakap kong muli ang aking mga anak at lalong-lalo na ang aking mga apo.....na ni minsan hindi ako nabigyan ng pagkakataon."

" Ha?! Grabe naman po yun lo?! Natiis nila kayo ng ganun?!" Tumango si lolo manuel kay Daryll na naluha na.

" Totoo yun apo....masakit na maging sa kasal nila ay hindi ako naimbitahan.....ang sakit-sakit nun apo na nasa labas lang ako na pinapanood ang maligayang araw ng mga anak ko, nang magkaroon ako ng mga apo ay ni isa ay hindi ko nalalapitan, nahahawakan o nayayakap man lang."

Sa narinig ay di napigilang magtaka kung bakit ganun na lang ang trato ng mga anak kay lolo manuel.

" Lolo.....alam ko na usapang pamilya ito.....maari ko po bang malaman ang dahilan talaga?"

Ngumiti ng tila humihingi ng pang-unawa si lolo manuel kay Daryll.

" Hayaan mo apo....sa darating na mga araw ay ikukuwento ko sayo ang lahat-lahat ng naging dahilan at ang pinag-ugatan nito mula pa noong aking kabataan....sa ngayon umuwi ka na muna at magpahinga....gabing-gabi na apo.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now