Chapter - 6

550 41 56
                                    

Araw ng Linggo at ang araw ng pag alis ni Dionne at Dean paluwas ng Maynila. Hindi humihiwalay si Daryll sa kuya at Ate niya. Mami miss nya ang mga ito. Nag aasaran man sila pero mahal na mahal nila ang isat isa. Dobleng lungkot kay Daryll dahil magisa na lang siya pati ate niya ay sa Maynila na rin.

" Mukhang malungkot ka bunso?"

" Mamimiss kasi kita ate eh..."

" Ganun eh ako?!

" Siyempre kayong dalawa kuya noh!"

" Mami miss ka rin namin bunso....mag ti txt ka lagi samin o tatawag ha, alagaan mo si papa at mama. Ikaw na lang nandito para sa amin kailangang maging matured ka na sa mga bagay bagay, remember 15 kana."

" Alam ko yun kuya noh!"

" Huwag kang malungkot eh ang lapit na lang nito sa manila baka nga sa friday night dito kami or saturday if wala kaming klase depende sa magiging schedule namin. Kaya ikaw pagbutihin mo ang pag aaral mo ha."

" Sir, mam tayo na po sa bayan ganitong oras daw kasi dumadaan mga bus papuntang manila."

" Pano pa, ma, bunso babay na muna..." si dean.

Nagyakapan ang maganak at hinatid na nila ito ng tanaw habang papalayo ang kotse. Naunang pumasok sa bakuran ang mama at papa ni daryll at nanatili lang siya sa labas habang pinagmamasdan mga dumadaang tao ang iba ay nakangiti sa kanya na tinutugunan naman niya....ang iba ay seryoso lang at tinatanaw ang kanilang bahay na tila inaalam na may nakatira na.

Hanggang isang trysikel ang huminto sa tapat ng bahay sa harapan nila. Bumaba ang isang di katandaang ale na may mga pinamili na tila galing sa palengke. Binuksan nito ang bakal na gate at muling isinara at diretso na sa loob. Kumatok sa main door at ilang saglit lang ay bumukas ito.

Sa kinalalagyan ni Daryll ay kitang kita niya ang lalaking nagbukas nito, mababakas sa mukha nito ang gandang lalaki nito kahit may edad na marahil ng kabataan nito ay may itsura ito dahil mistisuhin kahit matanda na at may ilang puti na sa buhok.  Matangkad ito tulad ng kanyang papa, ngunit katamtaman ang pangangatawan. Pumasok sa loob ang ale at ng isasara na ng matanda ang pinto ay napatingin ito sa gawi ni daryll. Ngumiti ito sa binatilyo na tinugunan naman nito. Saka isinara ang pinto.

Daryll's POV

Siya si lolo manuel di ako maaring magkamali....hindi pa naman pala siya sobrang tanda at parang isa siyang galing sa mga pamilyang noong panahon mga lahing español. Istriktong siyang tignan pag seryoso pero mabait ng ngumiti.

Papasok na sa bakuran si Daryll ng may sumutsot sa kanya....

" Psssssss! Hi pogi kayo ang bagong lipat diyan?"

Lumingon si Daryl at nakita niya ang apat na  tao sa may kalsada dalawang  babae at dalawang lalaki. Pinagmasdan niya muna ito at napagtanto niya na binabae ang lalaki sa galaw ng katawan at mga kamay. Ang babae naman ay alam niyang iba din, siga at tila astig ito sa galaw pero makikitang maganda ito at ang binabae ay mababakas na magandang lalaki din ito. Ang isa pang babae at lalaki ay nakangiti lamang na nakatingin sa kanya at sa tantiya niya ay mga kaedad lamang niya ang mga ito.

" Ah...eh kami nga....kalilipat lang namin isang linggo na."

Lumapit agad ang binabae at nakipagkamay kay Darll.

" Emeyged ang pogi mo pala sa malapitan. Dioskooolordddd may bagong pogi ditey sa barrangay natin ahaha."

Binatukan naman ng kasama nitong babae ito.

" Enebeyen wagas makapangbatok!....haisssstt by the way pogi ako pala si Ybonne....and you are???"

" Ah...eh Daryll Montealegre...."

" Dude ako pala si Gabriel, ito naman si Lexi at Kiro half japanese yan..."

Kinamayan din ni Daryll ang babae na may pangalang Gabriel,Lexi at Kiro.

" Gabriel?! Wtf! Gabriella or Ella itawag mo sa kanya Pogi!"

" Sapak gusto mo! Eh kung sabihin ko din tunay mong pangalan ha! Bonifacio?! Pa Ybonne, ybonne ka pa diyan ang ibon mo nakatali! Hahaha!"

" Tse! Panira ka talaga!....by the way pogi, magkakaklase pala kami at magkakabarkada na rin...nakikita mo yung kantong yun sa crossing sa kanan dun balay namin katapat namin ang balay ni Gabriella. Si kiro naman ay dun sa kaliwa, si Lexi dun pa sa unahan. Third yr na kami sa pasukan."

" Ako din third yr, tansferee ako at bukas mag eenroll din kami ng anak ng kasambahay namin."

" Wow sana magkaklase tayo pogiiiii! Sana sa star section ka din tulad namin. Sa star section kasi dun inilalagay ang mga talented na student sa arts, music and sports. Kaming apat sa musics kami."

" Hindi ko din alam eh, tansferree kasi ako."

" Pero may talent ka di ba???"

" Ummmm meron naman...pianist ako at marunong ako sa guitar and im learning na din sa violin."

" Ayos yan bro! Dami mo palang alam na instrument. Guitar lang ako, si lexi, ybonne at gabriel, singing sila inclined. Sigurado pasok ka sa amin. Isa lang kasi ang pianist sa section namin at karamihan sa singing at sports." Si Kiro.

" Ah ganun ba.....bahala na kasama ko naman si mama bukas...."

" Ilang kayong magkakapatid Daryll?" Si Lexi.

" Tatlo kami, kaaalis lang ni ate at kuya college na sila at sa maynila na nag aaral."

" Ay bunso ka pala..."

" Oo....si mama, papa, manang, manong at anak nila kasama namin dito. Doktor si papa sa hospital sa bayan. Social worker naman si mama."

" Ay ang galing naman ng family ninyo."

" Hehehe hindi naman....pasok kayo sa loob muna may tambayan naman sa loob eh."

"Ayyyy pogi wag na muna next time na lang pupunta pa kasi kami sa isa naming member sa choir." Tanggi ni Ybonne.

" Wow san kayo kumakanta?"

" Sa simbahan sa bayan, minsan naman diyan sa kapilya ng baranggay natin. Pero mamayang hapon sa bayan kami."

" Ang galing nyo naman."

" Mas magaling ka pogiiii kaso 3 instrument kaya mo." Pagpapa cute ni Ybonne kay Daryll.

" Next time dadaan kayo dito para naman may mga kaibigan na akong bago dito, puwede ba yun?"

" Of course!!!" Sabay sabay na sagot ng apat.

" Sige baka may puntahan pa kayo, baka hanap na ako ni papa at mama sa loob."

" Sige pogiiii babayyy." Humalik pa si Ybonne sa pisngi ni Daryll na ikinabigla nito.

Nang naglalakad na ang apat ay muling tinawag ni Daryll si Ybonne kaya napalingon ang apat.

" Ybonne?!"

" Yessss pogiiii!"

" Daryll na lang.....at saka ano pala.....di tayo talo." Nakangiting turan ni Daryll. Nakanganga naman ang apat na tila di makaunawa sa sinabi ni Daryll.

" Anong ibig mong sabihin pogi ah este daryll???"

" Di tayo talo....pareho tayo hehehe."

Biglang nanlaki ang mata ng apat.

" Oh sige na ingat kayo ha, babayyyy pasok na ako sa loob."

Nang makapasok si Daryll saka lang tila nahimasmasan si Ybonne....

" Pakisampal nga ako Gabriell! Gosssssshhh humihina na yata gaydar ko, hindi ko siya naamoy owmaygawddddd!"

Natawa na lang ang tatlo at ipinagpatuloy ang paglalakad.

" Guwapo siya kasi hindi mo yun akalain noh hahaha." Si Lexi.

" Haissssttt oo sobra para siyang korean hearthrob sa mata at buhok, at may height grabe sa tingin ko pagpunta niyan sa iskul bukas maraming nganga, aasa at pagkatapos sawi haissssssttt."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------


A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now