92.

6.7K 165 66
                                    


92. Untold 🙊

"The lesser you care, the happier you will be."

Aisha's (short) POV

"Mr. Perez, patawarin niyo po ako ngunit hindi ko po matatanggap yang alok niyo." Ibinalik ko sakanya yung sobreng naglalaman ng dalawang milyon.

Ngumisi naman siya at tumingin sa malayo. "Biglaan naman yata yang desisyon mo iha'?"


"Pasensya na po, pero hindi po ako yung tipo ng babae na binabayaran para lang sa anak niya. Bat' hindi niyo nalang po hayaan si Kayden na mahalin yung taong gusto niya? Bat kailangan niyo pa po siyang ipilit sa iba?"


Napapalo siya ng malakas sa lamesa na ikinagulat ko. Galit siyang tumingin sa mga mata ko. "Ganyan ka ba pinalaki ng Elsy na yon? Ano bang alam mo ha? Baka nakakalimutan mo, ako ang Daddy ni Kayden. Wala kang karapatan na sabihan ako kung anong dapat na gagawin ko dahil alam ko kung ano ang dapat!" Padabog siyang tumayo at kalmadong inayos yung necktie niya. "Mas pinahamak mo lang ang sarili mo dahil sa ginawa mo ngayon." Tapos naglakad na siya paalis.


Napayuko ako sa kinauupuan ko. Hindi ko pinagsisisihan tong desisyon ko dahil alam kong tama ako. Hindi ko alam kung pagbabanta yung huli niyang sinabi pero kung sakaling yun nga ang ibig niyang sabihin, pwes hindi lang ako ang makakalaban niya.


Hinintay ko munang makaalis yung sasakyan niya bago ako lumabas ng restaurant.


Matamlay akong naglakad patungo sa park hanggang sa nakakita ako ng mauupuan ko. Umupo ako dun at tahimik na dinamdam yung hangin na dumadampi sa mukha ko.


Isang linggo na ang nakalipas nung sabihin ko kay Mr. Perez ang lahat. Sinabi ko sakanya na ako ang ampon ni Nay' Elsy. Akala ko magagalit siya nung nalaman niya yun pero hindi, mas natuwa pa nga siya eh. Nakipagkita siya sakin kanina dahil gusto niyang ipaalam yung plano niyang ipakasal na kami ni Kayden sa susunod na buwan. Hindi ako pumayag dahil alam ko kung sino ang mas nararapat kay Kayden. Alam ko kung gano niya kamahal si Cate.


Napabuntong hininga ako. 😧 Ano ba tong pinasok ko? Natatawa tuloy ako sa sarili ko. 😌 Bat' ba ako pumayag sa plano ni Kayden? Ayst! Kung di ko lang siya kaibigan eh, at kung di lang malapit si Nay' Elsy sakanya baka binalewala ko na yung gusto niya. 3rd year highschool ko lang siyang naging classmate dito sa Korea. Kahit isang taon lang kami naging magkaklase ang lalim na rin ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Galit na galit nga ako nung nalaman kong lumipat na siya ng school at sa Pilipinas pa talaga. Panong hindi ako magagalit eh hindi niya pinaalam sakin na lilipat na siya nun. Nalaman ko nalang nung first day of school dahil rinig sa buong klase yung paglipat ng Perez na yun.


Ang totoo kasi niyan nagustuhan ko talaga siya. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Kayden Skye Perez? Yea, manyak siya. Kasabwat niya kaya ako sa paninilip ng mga panty ng mga teacher namin, atsaka kasama namin si Erika. Oo nga pala, asan na kaya yon? Bat' ngayon ko lang yata siya naalala? Hmp.


Isang linggo nga pala akong tumira sa bahay nila Kayden at kasama yun sa pagpapanggap namin bilang mag bf/gf. Nung asa kwarto kaming dalawa wala siyang ibang bukambibig kundi pangalan ni Cate.  Napakaswerte ni Cate, sobra. Nung pumasok naman kami sa Summerville University hindi ako makatakas sa mga masasamang tingin sakin ng mga estudyante. Bukod sa lagi kong kasama si Kayden na crush na crush nila eh ang sweet niya pa sakin. Hindi naman siya laging sweet, pag matyetyempuhan lang namin na nakatingin samin si Cate dun lang siya magpapanggap na sweet sakin. Ako naman na feelingera, iniimagine ko na totoong ginagawa niya yun sakin at hindi dahil para kay Cate. Pero syempre hindi ko naman balak agawin si Kayden kay Cate, nakatadhana na sila eh. 😏


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now