Chapter - 10

539 36 32
                                    

Hi po mga readers...Happy 500+ reads. Salamat sa patuloy na pagsubaybay.

Sana patuloy nyong samahan si Daryll, Lolo Manuel at iba pang tauhan hanggang sa huli.

Maraming salamat kay
jhavril na nagbigay sakin ng do's and dont's sa pagsusulat.

Kay benjiecapistrano1, E_L_I_A_H, davinciboi,ronielyndelarosa, na patuloy na sumusuporta sa story ko maski na konti lang nagbabasa hehehe. Ingat kayo palagi and Godbless. :)

------------------------------------------------------

Agad ng nakapagenroll si Daryll at bago magtanghalian ay natapos na siya at si mona. Hindi pa sila umuwi at nagpahatid na lang si Berna at ang anak sa Hospital na pinagtatrabahuan ng asawang doktor.

Si mona at ang kanyang tatay na lang ang magkasamang umuwi.

Sa opisina ng asawang doktor ni Berna ay doon nila hinintay ng anak na si Daryll ang asawa na kasalakuyang abala sa trabaho nito bilang doktor. Nanood na lang ng TV si daryll at tinawagan naman ni Berna ang ilang kaibigang ang adhikain ay pagtulong sa mga nangangailangan dahil may proyekto ang kanyang kinaaanibang NGO sa bayan.

Tinawagan din niya ang anak na nasa Maynila si Dean at Dionne na tuwang-tuwa din sa ibinalita ng ina ang tila konsyertong audition na ginawa ni Daryll.

Nag skype na lang ang mag-iina para makita nila ang isat-isa. Pagkalipas ng isang oras ay dumating na rin ang amang doktor at nakihalubilo sa mag-iina niya na abala sa pag-uusap.

Hanggang sa tinapos na ni Daryll ang usapan dahil gutom na gutom na siya.

Pasado ala una ay nagtungo na sila sa isang maliit na town mall ng bayan. Doon na sila ng papa at mama niya kumain ng lunch. Tawang-tawa ang magasawa dahil sa dami ng order ng anak.

" Mukhang hindi ka naman gutom niyan anak?" Nakangiting tanong ni Dr. Montealegre sa anak.

" Papa pangasar! Tatlong number po ginawa ko sa audition kaya nakakagutom."

" Sige na nga ikaw na ang concert king anak."

" Kayo talaga pa!" Sabay pout ng nguso ni Daryll sa ama.

" Kain na tayo, mamaya ng daldalan at akoy gutom na rin." At agad inayos ni Berna ang plato ng asawa at anak para malagyan ng gusto niyang ipakain dito.

" Ang mama mo talaga anak palagi na lang tayong binibeybi."

" Oo nga papa...."

" Ganun! So ayaw nyo?!" Pagtatampo kunwari ni Berna sa mag-ama.

" Sus! Si Hon tampo-tampuhan." Biro ni Dr. Montealegre sa asawa.

" Uyyyy si mama umaarte....kilitiin mo nga yan papa."

Sumunod naman ang papa ni Daryll kaya nagkilitian ang dalawa at nagkayakapan at nagkiss sa lips na nakita ni Daryll.

" Ang sweet naman mukhang masusundan pa yata ako." Sabay hagikhik ni Daryll.

" Bakit anak gusto mo pa ba ng bunsong kapatid?" Tanong ng papa ni Daryll.

" Oo naman papa noh! Masaya kaya may bata sa bahay. Nami-miss ko na nga mga pinsan ko sa bicol eh."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon