66.

8.1K 223 83
                                    


"When love is real, it finds a way."

FEB. 14

"Eto okay lang ba?"

"Nope. Mukha kang dinuguan jan."

"Buset naman Sunny! Lahat nalang ng damit na sinukat ko puro nalang may pintas!"

"Hay naku Ara! Okay na yung simpleng damit jan basta kulay red! Tignan mo nga si Cate, naka t-shirt lang tapos pants. Eh ikaw halos sasabak ka ng Santacruzan sa pinag sususuot mo."

"Eh syempre kailangan maging handa ngayon kasi first time kong magkaroon ng ka date sa valentines!"

Napasapo si Sunny sa noo niya. "Anak ng tipaklong naman oh! Hindi mo na kailangang magpabongga kasi hindi ka naman na niya nililigawan. Remember? Kayo na kaya so no need to effort!"

"Ah kaya pala ganyan ang suot mo. Tinalo mo pa si Aling Dionesia sa rami ng perlas mo haha!"

"Che!"

Olraaayt! 8:30 nung nagpahatid ako kay KD sa bahay nila Ara. Ganto naman kasi lagi pag may event sa school, mag aayos kami sa bahay nila Ara. Sabi ko kay KD na antayin nalang niya ako sa school.

"Gutom na ako." Reklamo ko.

"Oo saglit lang."

"Kanina pa yang saglit na yan." Yung saglit niya umabot na ng isang oras. -_-

After how many years~ este isang oras at kalahati ay sawakas at paalis na rin kami. Pagdating namin ng school tawa ng tawa tong dalawang kasama ko. Panay raw kasi naka red yung mga estudyante. Halos mag exorcist ako sa batuhan pagkasabi nila nun kasi ang shunga eh. Malamang na naka red lahat kasi valentines day. 😒

Nagtungo kami sa may field kung saan may mga booths at kung anu ano pang mga ewan para sa mga lovers. Sa gym naman may event at mga 1:30 pa gaganapin. Habang busy yung dalawa kong kasama na nagpapa face paint eh naisipan kong itext si KD.

[TO: KD♥]

Asan ka? :)

After 15 seconds~

One message received

[From: KD♥]

May inaayos lang ako. Puntahan kita maya. Wag kang magpapa date sa iba habang wala ako ha? 💪👊

Wahaha! Talagang may kamao at muscle pa sa dulo. Ang cute talaga ni KD. Tsaka bat ako mag papa date sa iba kung anjan naman na siya. :') Teka, tinatanong ko kung asan siya tapos di nga pala niya sinabi. 😬

[To: KD♥]

May inaayos san?

One message received~

[From: KD♥]

Dito. Basta wag kang magpapadate jan, okay? 😚

Dito?! Ang dami kayang 'dito', nang- iinis ba tong KD na to? 😑

[To: KD♥]

San jan?

One message received~

[From: KD]

Dito lang. Wag kang sasama pag may nag aya sayong aso-este lalake ha? Akin ka lang at ako lang ang ka date mo. Arrasso?

Enebeyen. Ayoko na nga siyang kulitin. Kundi lang ako kinilig sa text niya eh. Lokohin ko nga wahaha.

[To: KD♥]

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now