64.

8.9K 246 34
                                    

"Hindi lahat ng tama ay dapat, at hindi lahat ng dapat ay tama."


[Paalala: wag pang ipeplay ang media hanggat di pa sinasabi sa part ng story. Salamat. 😊]


CATE's POV

Waaaaah Tyson!!!

Bigla akong tumayo tapos tumakbo papunta sakanya para yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan eh. 😟 "Bwisit ka! Sobrang namiss kita!"

Naramdaman ko na rin ang yakap niya. Halos maiyak ako dito. "Namiss din kita, sobra." Bulong niya.

Ilang saglit pa ay may humatak sakin kaya napunta ako sa gilid. Pagkakita ko sina Sunny at Ara niyakap rin si Tyson. Langya, moment namin yun eh. 👿

"Tyson bat wala ka man lang pasabi na ngayon ka uuwi?" Tanong sakanya ni Sunny tapos inalis na nito yung yakap niya kay Tyson.

"Para surprise."

"May pasurprise surprise ka pang nalalaman!" Sabay hampas sakanya ni Ara.


"Oh Ara, kayo na pala ni Paulo ah haha!" Pag iiba ni Tyson ng usapan.


"Ay oo nemen! Wala ka kasi kaya naging kami, chos! Haha."

"Anong kinalaman ko jan ha?"

"Eh yan si Ara crush ka niyan!" Pagsisingit ni Sunny sa usapan nila.

Andito lang ako sa may sulok at pinapanood silang masayang nag uusap. Hindi lang ako makapaniwalang nandito na talaga si Tyson. Pero bat' nakikita ko sa mga mata niya na may halong lungkot? Yung nakangiti siya pero ang lungkot ng mga mata niya. May problema ba? Aysh, siguro sa susunod ko nalang itatanong. Oo nga siguro matutuwa sila Ryan pag nalamang nandito na si Tyson. Buo nanaman ang tropa. 😁

"Oy Cate, bat ka nakatulala jan? Ayaw mo bang nandito na ako? Sige alis na ako." Akmang hahakbang na sana palabas si Tyson kaso pinigilan ko siya.

"Adik ka! Masaya lang ako noh kasi nandito kana. Alam na ba nila KD?" Tanong ko.

"Hindi pa. Kaya nga surprise eh? Haha."

"So pahiya ako?"

Ginulo niya yung ibabaw ng buhok ko. "Ang cute mo talaga. Teka, may nabalitaan ako ah." Biglang naningkit yung mga mata ni Tyson.

"Ano yun???" Sabay na tanong namin nila Ara at Sunny.

"Pinalitan na ni Ugok yung pwesto ko sa sayaw? Sumasayaw na siya?"

Nagtinginan kaming tatlo tapos nagtawanan. "Haha oo! Sumasayaw na si KD." Sagot ko.

"Aba, gusto kong mapanood yan. Kelan ba sila magpeperform?" Excited niyang tanong.

"Mamaya na,pwede bang samahan mo muna kami dito?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya at inilapag agad yung bag niya sa may sahig at tinulungan na kami sa ginagawa namin.

After a few minutes --

"Sawakas tapos na!" Sabay punas ko sa pawis ko. Grabe, medyo napagod ako dun ah.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now