62.

9.5K 221 68
                                    


"Everything is temporary, don't get attached. Just flow with the moment and be happy" 👍😊


RYAN's POV

Pinulot ko yung phone ko tapos nagulat ako nung may malakas na busina at humaharurot na kotse sa may harap ko... hanggang sa -----

Pagkamulat ko ng mga mata ko nakadapa na ako. Ramdam ko ring may mabigat na nakapatong mula sa likuran ko kaya naupo agad ako at napahawak sa may braso ko. Nanlaki mata ko nung makita siya. Sinagip niya ba talaga ako? 😮

"Okay ka lang?" Tanong niya habang pinapagpag yung dumi sa may uniform niya.

"Bat mo ginawa yun?" Tumayo ako tapos tinulak siya ng mahina.

"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka muna?" Nakangisi niyang sabi.

"Hinayaan mo nalang sana akong mabangga."

"Sa tingin mo matutuwa yung mga tropa mo pag nalaman nilang wala ka na?"

"Ano bang pake mo?"

"May pake ako kasi may pinagsamahan tayo."

Iniwas ko tingin ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sabihin yung salitang salamat sakanya, matapos kasi lahat ng ginawa niya. Pero sige, lalakasan ko loob ko bilang pagsagip niya sa buhay ko.

"Salamat."

"Wala yun. Yan lang gusto kong marinig kaya sige alis na ako. Sa susunod mag ingat ka." Sabay tumalikod na siya at dumiretso sa nakaparadang kotse niya.

Naisip ko na ang laki ng utang na loob ko sakanya. Sa susunod nalang ako babawi. Nagpunta na ako sa may kotse ko at napasapo sa manibela ko. "Buset." Singhal ko. "Sino naman kaya gagawa nun saken? Wala naman akong kaaway-- teka, marami nga akong kaaway pero matagal na yun. Goodboy naman na ako tsaka kung sakaling babawi siya bat' ngayon pa? Bat' di pa noon? Tsaka wala naman akong mamamatay tao na kaaway ah?"

Pinaandar ko na yung kotse ko at dumiretso na ng bahay. Pagkarating ko ay sa kwarto agad ang punta ko at nahiga agad sa kama kahit di pa nakakapagbihis. Kailangan kong ipaalam to kina Kayden, baka kasi mapahamak sila. Dibale magkikita naman kami bukas ng mga yun kaya bukas ko nalang sasabihin.

--

"Hoy bangon!"

Pagkagising ko isang hampas ng unan ang sumalubong sakin. Putspa naman oh, ang sakit. 😖


"Hoy Ry! Kumain kana!"


Naupo ako sa may kama habang unti unti kong binubukas ang aking mga mata. Bumungad sakin ang beastmode kong kuya. Ano naman kayang problema nito? Psh.


"Bakit ba?" Inis kong tanong.

"Alas dose na noh. Hindi kapa nagbibihis tapos di ka pa kumakain. Umayos ka nga!" Hinampas nanaman niya ako sa bandang batok ko. Mahal talaga ako ng kuya kong to'. 😒 Pusuan natin! ❤ Haha 😂

"Oo na magbibihis na at kakain na rin." Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko sabay sara ng pinto. Oh diba? Di na umangal ang gago. 😂 Pero alas dose na, imagine katagal kong natulog? Amazing! 😆

Pagkatapos kong magbihis eh bumaba na agad ako para kumain. Hindi man lang nila ako ginising kanina nung kumakain sila. Hay naku Ryan, masanay ka na.

--

Maaga akong pumasok at maaga ko ring tinext yung tropa na maaga din silang pumasok dahil may mahalaga akong sasabihin sakanila.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now