Chapter 9 [Ungol pa more]

21.5K 500 27
                                    


.

.

.

Pagkagising ko nakita ko na siyang nagluluto. Sinilip ko siya sa kusina tapos nakita kong ang saya saya niya sa ginagawa niya, anyare kaya kay KD?


Pagkatapos kong magbrush ay .. ay.. ay.. hindi ko alam kung pupuntahan ko siya sa CR, hindi ba't awkward yung nangyari kagabi? Para sakin awkward yung halikan namin, ewan ko lang sakanya.


Dahan dahan akong nagpunta ng sala. Linggo ngayon at gusto kong manood ng cartoons, favorite ko pa naman ang spongebob, parang bata lang eh noh? XD


Swinitch ko yung TV tapos nagulat ako kasi ang lakas ng volume kaya narinig kong nahulog ni KD yung sandok niya sa gulat. Gusto kong matawa ng malakas dito.. magugulatin pala siya haha!

Anyways, hininaan ko na yung volume ng tv. Hinanap ko si Spongebob at ang saya ko kasi kaka start lang.


"CL gutom kana?" Narinig kong tanong niya mula sa kusina.


"Hindi pa!" I yelled back tapos narinig ko yung mga yapak ng mga paa niya na papunta saakin. Oh no! What should I do na.

"Bakit mukhang nanginginig ka yata?" Speaking of the handsome devil.


"Weh? Hindi naman eh." Sambit ko na di makatingin sakanya, yung tingin ko diretso lang sa TV.


"I think it's about last night, am I right?" Yes you're right! So change topic KD okay? Gusto kong sabihin yan kaso wala akong lakas ng loob kaya hindi na.


"Last night ka jan! Eh wala naman nangyari eh." Patay malisyang sagot ko.


"Are you sure na wala?" At this time tumingin ako sakanya na nakangiti ng nakakaloko sakin. I gave him a death glare para naman sabihing wag namin yun pag usapan.


"Ano ba pinagsasasabi mo?" Kunot noong tanong ko. Kunwari raw na amnesia ako today.


"Lul! Nagkiss tayo kagabi diba?" Lumapit siya sakin tapos tinap yung ulo ko na parang bata., "I know you know that, nag mammaang maangan ka pa huh, wag ka ng ma awkward CAITLIN." diniinan pa talaga yung pangalan ko ah.


"Sunog na niluluto mo!" Pag iiba ko ng topic tapos .. WTF hinipo niya yung legs ko bago umalis! .., "..KAYDEN! BASTOOOOS MO!!" Pahabol kong sigaw tapos narinig ko nanaman siyang tumawa.


A few minutes later


Tinawag niya na ako para kumain kaya pumunta na rin ako. Sabi nga niya na wag daw akong ma awkward. Nabuhayan ako nung nakita ko yung niluto niya na asa lamesa.


"Wow fried rice tapos chicken curry!" Masigla kong sabi.


"Is that your favorite?" Tanong niya habang nilalapag yung mga plato sa lamesa.


"Hindi, pero I think masarap yan." Tugon ko.


"Ilang beses ko bang ireremind sayo na mas masarap yung nagluto." Pagkasabi niya nun y pinisil niya yung pisngi ko tsaka umupo. Binigyan ko naman siya ng nakakatakot na titig pero di siya natakot.


Kumain kami ng tahimik, masasabi ko talagang masarap yung luto niya. Pwede na nga siya mag asawa eh, ang swerte naman ng babae na makakakuha kay KD.


Pagtapos naming kumain ay nagvolunteer na ako para maghugas pero pinagalitan niya ako kasi sabi niya gusto niya siya ang maghugas kaya naligo nalang ako habang naghuhugas siya.


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon