Chapter 21.3.3

191K 3.9K 129
                                    

CHAPTER 21.3.3

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

Hindi naman din nagtagal ay nagbukas ang elevator sa top floor. Fully carpeted ang buong area at agad kong natanawan ang wooden double door. Isinuksok niya 'yung card key at agad na nabago ang kulay pulang ilaw sa kulay green.

Naglahad siya ng kamay matapos na itodo nang bukas ang pinto. Tumango ako at naglakad na tila prinsesa habang papasok. Agad na bumungad ang expansive room at natanawan ko agad ang mga building sa paligid dahil sa full glass wall.

Tumunog ang pinto matapos niyang isarado iyon at naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang kamay sa aking baywang.

"It's beautiful in here isn't it?" Saglit ko siyang nilingon bago ibalik ang tingin sa buong paligid. Fully carpeted din ang buong area at sa mga muebles pa lang ay para bang mga importanteng tao talaga ang tumutuloy doon. Sobrang haba din ng leather sofa na nakaharap sa malaking flat screen tv na nakadikit sa wall. May bar counter din na adjacent sa kusina na hitsura pa lang ay pang mayaman na rin. Stylish din ang dining area na may maliliit pang chandeliers sa tapat ng tila pang 12 katao na table. Dalawang pinto rin ang nakikita ko at iyon marahil ang kwarto.

Hinawakan ni Dalton ang aking kamay at hinila ako palapit sa full glass wall. Pagtanaw ko pa lang ay agad akong nakaramdam nang lula at hindi ko naiwasang mapabaling sa kanya.

"Why?" Bahagya pa siyang kumunot at hinaplus-haplos ang aking baywang.

"Nalulula ako sa taas." Tiningala ko siya at hinaplos lang niya ang aking pisngi.

"I don't think you should be afraid of heights, pumpkin."

"Huh? Bakit naman?"

"Because you're my heaven." Nangingiti pang dugtong niya at hindi ko naiwasang paikutin ang aking mga mata. It's corny yeah, pero dahil siya ang nagsabi ay ang cute pa rin!

"Kailan mo pa natutunang bumanat, Ace?"

"Narinig ko lang kina Vaughn at Terrence." Nangingiti pang sabi niya at mas hinapit ako palapit sa kanya. "But I meant it, pumpkin." Seryoso pang sabi niya at muling hinaplos ang aking pisngi pababa sa leeg. "You're my heaven... and I love you so much."

"I love you too, Ace."

Yumuko siya at sinakop ang aking labi. Noong una'y sobrang banayad lang at sobrang nakakabitin, pero nang lumaon ay hindi ko naiwasang mapakapit sa kanyang t-shirt at gusto kong diinan pa niya ang paghalik. Napangiti siya sa aking labi at para bang mas lalo pang nang-inis at inilalayo ang kanyang labi! Iniikot ko ang aking kamay sa kanyang leeg at mas lalo lang siyang napangiti!

"You do missed me..." Nanunukso pang sabi niya habang maninipis na halik na naman ang iginagawad niya sa aking labi.

"Ace..."

"Say you want me to kiss you hard, pumpkin and I'll do." Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at parang 'di ko kayang sabihin!

"Ace..." Hinampas ko siya sa dibdib at napahalakhak lang siya ng malakas.

"Say it, pumpkin. Say it." Demand pa niya at sobrang nag-iinit na ang aking pisngi.

"Abuso ka na, Ace." Lumayo ako at nalaglag ang kanyang panga sa ginawa ko. Akala mo makakaisa ka ha!

"W-what? Don't you want me to kiss you hard?" Kumunot ang kanyang noo at alam kong siya man ay nabitin.

"Bahala ka sa buhay mo!" Inirapan ko siya at naglakad palapit sa sofa.

Pero gan'un na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hapitin sa baywang at iniikot paharap sa kanya.

"Fine." Umismid pa siya. "I'll just do." At mabilis na naman niya akong siniil ng halik sa labi.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon