Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing

139K 920 82
                                    

[Laureen's POV]

Wala si Luigi, pag-uwi ko.

Hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Hanggang sa nakatulog na ako sa pag-iiyak.

-------------------------------------------------------------------------

Nagising na lang ako ng may kumalampag na ingay sa loob ng kwarto.

"Luigi....", mahinang sabi ko sa kanya pagkakita ko sa kanya sa may harap ng cabinet.

Hindi nya ako pinansin.

Tumingin ako sa oras sa iphone ko. 10:00am.

"Luigi, anong ginagawa mo?"

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita?", sagot ni Luigi.

"Luigi, wag naman o. Wag ka naman umalis o", sabi ko sa kanya.

"No point -- staying here. Dumating na sina Lolo. Andyan na sila sa baba", sabi ni Luigi.

"Dumating na sila?", tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba narinig? Kung hindi nila ako tinawagan na pumunta dito, wala ako ngayon dito Laureen", sabi ni Luigi sa akin.

"Pero kelangan ba umalis ka na agad?"

"Kinausap ko na sila. Sinabi kong gusto ko na bumalik sa condo ko", sagot ni Luigi sa akin.

"Akala ko ba Sunday night ka pa aalis? Diba magmomovie marathon pa tayo. Magde-date pa tayo diba?"

Nakita kong umiling lang si Luigi.

"Luigi magusap naman tayo o", inawat ko sya sa paglalagay ng mga damit nya sa bag nya.

"Anong paguusapan natin Laureen? Tungkol sa inyo ni Billy?"

"Luigi, ano bang pinagsasabi mo?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon