The More You Hate. The More Y...

By annneo6

134K 3.3K 29

How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope wit... More

Prologue
Chapter 1: Tingin
Chapter 2: Memories
Chapter 3: Crush
Chapter 4: Sleep
Chapter 5: Cafeteria
Chapter 6: National Bookstore
Chapter 7: Tagaytay
Chapter 8: Sunog
Chapter 9: Park
Chapter 10: Ligaw?
Chapter 11: First Day
Chapter 12: Doc Vin
Chapter 13: New School
Chapter 14: Cafeteria
Chapter 15: Dati
Chapter 16: Ninja
Chapter 17: Mayabang
Chapter 18: Invitation
Chapter 19: Gift
Chapter 20: Hari ng delubyo
Chapter 21: Report
Chapter 22: Dean Office
Chapter 23: Good mood
Chapter 24: Libre
Chapter 25: Ulan
Chapter 26: Practice
Chapter 27: Laro
Chapter 28: Champion
Chapter 29: Boyfriend
Chapter 30: Garden
Chapter 31: Patawad
Chapter 32: Sakit
Chapter 33: Ngiti
Chapter 34: Mr. Romeo
Chapter 35: Acquaintance Party
Chapter 36: Song
Chapter 37: Babe
Chapter 38: The Truth
Chapter 39: Parking lot
Chapter 40: Mommy?
Chapter 41: Sleep Over
Chapter 42: Salamat Yabang
Chapter 43: Dagat
Chapter 44: Move On
Chapter 45: Winnie
Chapter 46: Heartbeat
Chapter 47: Noodles
Chapter 48: Dance Blish
Chapter 49: Sayaw
Chapter 50: Carnival
Chapter 51: Mafia Queen
Chapter 52: Mahal na atah kita?
Chapter 53: Official
Chapter 54: Family
Chapter 55: Ampon
Chapter 56: The Past
Chapter 57: Meet Aile
Chapter 58: New Student
Chapter 59: Te Amo
Chapter 60: Dean
Chapter 61: The Old Friend
Chapter 62: Organization
Chapter 63: Lambing
Chapter 65: Selos
Chapter 66: Good Mood
Chapter 67: Frat Gangster
Chapter 68: Plan
Chapter 69: Moments
Chapter 70: Friendship
Chapter 71: Yabang
Chapter 72: Bakla
Chapter 73: Punishment
Chapter 74: Daddy
Chapter 75: Lola
Chapter 76: Visitors
Chapter 77: Basketball
Chapter 78: PSP
Chapter 79: Clinic
Chapter 80: Red Group
Chapter 81: Diamond
Chapter 82: Jace
Chapter 83: Away-Bati
Chapter 84: Sports Fest
Chapter 85: Meet Again
Chapter 86: Dreams
Chapter 87: I wish
Chapter 88: Our Children
Epilogue

Chapter 64: Kaba

1K 36 0
By annneo6

Zyra POV

"Kaizer ko sasali ka ba----ops, sorry, andiyan ka pala, zyra. I didn't mean that, ah. Akala ko kasi wala ka diyan"

"Oh, andiyan ka rin pala natasha akala ko kasi chanak yun pala ikaw. Kamukha mo ba yun? Napag-kamalan kasi kita. Sorry, ah" napabungisngis yung mga kasama ko dahil sa sinabi ko.

"Are you saying ba na chanak ako? My gosh! I'm not chanak, FYI"

"Ang sabi ko akala ko CHANAK" sumama tuloy yung mukha niya.

"Inaaway mo na naman ba ako, zyra?!" Muntik na tuloy akong matawa.

"Inaaway ba kita, Natasha? Sa pagkaka-alam ko kasi nagsasabi lang ako ng totoo. Sabi nga nila dapat maging honest. So, naging honest lang naman ako, Natasha. Ikaw ba? Hindi honest?" Kumuyom yung kamao niya. Pikon. Tumayo ako. "Gusto mo bang maki-join, natasha?"

"And what's kapalit?"

"Natasha, may binanggit ba akong kapalit. Sa pagkaka-alam ko wala" tumaas yung kilay niya.

"Okay, fine" sabay upo niya. Binigyan ko siya ng pagkain. Syempre, yung bago. Akin sana yun kaso ibibigay ko na sa kaniya.

"Eat well, ah?" Inirapan niya lang ako at kumain na siya. "Oh, guys. Tara na. Baka malate tayo" Tumayo sila yabang. Natigilan si Natasha at tumingin sakin. "Oh, natasha kumain ka lang, ah. Aalis na kami, ah. Baka kasi malate kami" lalakad na sana kami ng huminto ako. "Natasha, masarap ba?"

"Duh, of course"

"I'm glad nagustuhan mo, natasha. Alam mo binili ko pa yan sa labas. Tag-lilima yang kanin tapos yung ulam naman tagbe-bente. Bali twenty-five nagastos ko" agad siyang dumura-dura.

"How dare you-----argghhhh! Yuck! Oh, my, gosh! Kadiri! I hate you so much! Pagbabayaran mo ito, zyra! Humanda ka talaga sakin"

"Oh, bakit? Akala ko ba nagustuhan mo? Tinanong pa kita, diba! Sabi mo nagustuhan mo. Ibig sabihin nasasarapan ka. Kung hindi ko siguro sinabi baka naubos mo agad yan ng nakangiti. Bakit ngayon? Diring-diri ka? Akala ko ba nagustuhan mo?"

"How dare you! Your so rude to me!" Natawa tuloy ako. Ibang klase ito.

"Bakit ako? Hindi ba't ikaw. Teka, akala ko ba ayaw mo ng away? Pero, bakit nagsisimula ka"

"Let's go" seryosong sabi ni yabang. Ngumiwi ako at tumango-tango.

"Oh, alis na kami. Ingat ka, ah. Sa susunod kasi huwag kang uto-uto" sabay alis ko.

Alam kong gaganti si natasha sakin. Impossibleng hindi. Depende na lang kung aasarin siya ni Samantha. At si Samantha ang gagantihan niya. Kasalanan niya naman, eh. Lumapit siya sakin.

---

"Kyaahhh, excited na ako sa camping" tili ni yanna. Ang saya-saya niya talaga, haha. Umupo kami.

"Ang sabihin mo excited kang makasama si jace"

"A-Ah, hindi ah"

"Sus, bakit namumula yang mukha mo?" Asar din ni lanie.

"H-Hindi kaya. Kayo talaga mabiro"

"Para ka ng kamatis" natawa kami ni lanie ng sabihin iyon ni jayson.

Umayos naman si yanna at pinakalma ang sarili. Ang cute niyang mamula. Bakit ba todo deny siya?

"Zyra, may naghahanap sayo" napatingin kami kay rosa. Sino namang naghahap sakin?! Tumayo ako.

"Sino?"

"Tignan mo na lang, hehe"

"Okay----"

"Kyaahhh, fafa kaizer"

"Ang gwapo niya talaga"

"Huhu, sinusundo na niya ako, guys!"

"Ambisosiya! Ako kaya"

"Hi kaizer"

Tili nila. Napangiwi naman ako. Mga assuming katulad ko. Si yabang? Susunduin ako? Tsk, baka may sasabihin o ibibigay.

"Bakit ba ang tagal mo?!" Napatingin ako kay yabang. Ngumiwi ako at lumapit sa kaniya.

"Bakit ba?"

"Anong bakit ba?!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Kanina pa kaya kita hinihintay sa labas! Sinong hindi maiinis ang tagal-tagal mo" napangiwi ako at tumingin kay rosa.

"Bakit hindi mo ako tinawag agad?!"

"Ah, hehe. Kakalabas ko rin yun, eh" napabuga na lang ako ng hangin. Kinuha ko yung gamit ko at lumapit kay yanna.

"Halika na. Baka andiyan sa labas si jace" kinikilig siyang tumango-tango. Tumingin ako sa kanilang lahat. "Bye, guys. See you tomorrow"

"Bye ingat" tumalikod na ako. Tumingin ako kay yabang. Naka-poker face siya sakin. Ngumiti ako ng pilit. Sa sobrang pilit labas lahat ng ngipin.

"Tsk. Let's go"

"Bakit ba ganiyan mukha mo? Anyare ba sayo? Huy, yabang!" Hinila-hila ko yung damit niya na parang bata. Napabuga siya ng hangin. May ginawa ba akong mali?

"May gusto ba siya sayo?"

"Ah? Sino?"

"Yung lalaki"

"Sino nga!"

"Yung kamember mo. Yung laging dumidikit sayo!" Natawa ako sa sinabi niya.

"Si jayson? Haha"

"Jayson ba yun? Ang pangit ng pangalan"

"Grabe ka, ah! Tsaka, wala siyang gusto sakin noh!"

"Hindi yan ang nakikita ko sa mata at kilos niya" humarap siya sakin. "Pandak, may gusto siya sayo" pinisil ko yung ilong niya.

"Wala siyang gusto sakin. Ano ka ba! At isa pa, kung magka-gusto man siya sakin..... Hinding-hindi pa din kita iiwan dahil ikaw lang ang nagmamay-ari sa puso ko. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo" napangiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita, zyra" nalungkot yung mata niya. "Zyra, nakiki-usap ako sayo. Huwag na huwag mo akong iiwan. Ayaw ko ng maiwan. Takot na takot na akong maiwanan. Kaya please huwag mo akong iiwan" hinawakan ko yung pisngi niya. Paulit-ulit kong tinatanong kung bakit ako nagka-gusto sa kaniya. Ngayon alam ko na ang sagot... Deserve niyang mahalin at deserve niyang hindi maiwanan.

"Mahal na mahal din kita, zyzeir. Huwag kang matakot dahil pangako hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita iiwanan dahil pag ginawa ko siguro yun baka pati sarili ko saktan ko na" niyakap niya ako. Napangiti ako at napapikit. Ang sarap ng yakap niya.

Natigil ako ng maramdaman kong nababasa yung balikat ko. At dun ko napagtantong umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? Ang oa naman ng lalaking toh.

"Huwag mo akong iiwan, zyra *hik*"

"Oo naman----yabang?" Bumigat kasi siya. Halos matumba na siya sakin. "Yabang?" Ginungun ko siya at hindi siya gumalaw. Kinakabahan na tuloy ako. "Zyzeir?! Gumising ka nga hindi magandang biro yan! Zyzeir?!" Pilit ko siyang ginugungun pero hindi siya gumagalaw. Nanginginig na din ako dahil sa kaba. Ayaw niyang magsalita o gumalaw man lang. "Yanna?! Yanna!"

"Oh, bakit-----oh, my, gosh!"

"T-Tulungan mo ako, yanna! Nakiki-usap ako"

"A-Anong nangyari?"

"H-Hindi ko alam!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit siya nagka-ganiyan! May sakit ba siya? Inakay namin si yabang palabas ng music room. Pagkalabas namin. Nakita namin sila xylorh.

"X-Xylorh! *hik* tulungan niyo kami" agad silang napatingin samin. Kita ang gulat sa mata nila.

"Couz, anong nangyari kay kaizer. K-kaizer" ginungun na din siya ni zana.

"Anong nangyari?" Tanong din ni Lance.

"H-Hindi ko alam. Kanina nag-uusap lang kami tapos maya-maya bigla na siyang nagka-ganiyan, *hik*"

"Oh, my, gosh, kaizer wake up" gising nila kc.

"Dalhin natin siya sa hospital" suggest ni taylor. Tumango-tango ako.

"A-Ano pang hinihintay niyo?! Tara na!"

---

"Doc, kamusta ho siya?" Tanong ko pagkalabas niya.

"He's okay now, hija. He really need rest kaya siya nahimatay. Kailangan niya ding kumain sa tamang oras kasi nalilipasan niya na ito. Mabuti na lang at dinala niyo agad siya dito kaya nabigyan ko agad siya ng gamot. Ahm, sorry pero yun lang ang pwede kong ibigay na information. And sorry I have to go na. Excuse me" sabay alis niya. Nangunot naman noo ko. Napaka-awtoridad na doctor!

Anong klase doctor yun? Doctor pa ba yun? Nagmamadali parang kakainin ko naman siya. Tsk, hindi naman siya pagkain. Mataba nga pero hindi siya masarap!

Isa pa yung yabang na yun! Hindi kumakain sa tamang oras! Hindi ko naman pwedeng ibigay lahat ng oras ko sa kaniya dahil may importante rin akong ginagawa. Sorry, yabang kung hindi kita nabibigyan ng oras. Busy na nga ako sa organization tapos busy pa ako sa trabaho at pag-aaral. Busy din akong mag-isip ng plano. Kaya sorry talaga. Siguro kailangan kong bumawi sayo. Ikaw naman ang uunahin ko.

"Zy, hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni jace. Napatingin ako sa kaniya.

"Ah, sige. Mauna na kayo. Susunod na lang ako"

"Are you okay?" Tanong ni Fred. Tumango-tango naman ako.

"Yeah, I'm okay. Sige na. Baka hinihintay niya na kayo"

"Okay" sabay alis nila.

Umupo ako at tumingala sa kisame. Paulit-ulit kong tinatanong. Karapat-dapat ba ako kay yabang? Kasi hindi ko siya nabibigyan minsan ng oras. Kasi feeling ko ang taas-taas niya at parang ang hirap niyang abutin. Hindi ko alam kung bakit siya nagka-gusto sakin. Eh, hindi naman ako perfect.

Hindi ko alam kung bakit ang swerte ko dahil mayroon akong zyzeir sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na may darating pa sa buhay ko. Talaga ngang ang buhay ay napaka-raming surpresa.

Ngayon kailangan kong bumawi kay yabang. Kailangan kong patunayan na deserve niya ako. Kailangan kong patunayan na hindi lang pakikipag-laban ang alam ko at hindi lang kumain ng kumain ang alam ko. Kailangan kong patunayan na. Kailangan ko siya sa buhay ko at kailangan ko siya habang humihinga pa ako.

Mahal na mahal kita, Zyzeir Kaizer Lopez.

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 766 41
THIS IS THE BOOK 2 OF ONE OF THE MARCOSES (if you haven't read the book 1, its better to read it first before this. ♡) Copyright © HildaGray
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
67.6K 2.7K 76
Ma-inlove sa bestfriend ang isa sa pinakamahirap na sitwasyon, pero para sa'kin ang pinakamahirap na sitwasyon ay yung yayayain mo yung bestfriend mo...