The More You Hate. The More Y...

By annneo6

133K 3.3K 29

How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope wit... More

Prologue
Chapter 1: Tingin
Chapter 2: Memories
Chapter 3: Crush
Chapter 4: Sleep
Chapter 5: Cafeteria
Chapter 6: National Bookstore
Chapter 7: Tagaytay
Chapter 8: Sunog
Chapter 9: Park
Chapter 10: Ligaw?
Chapter 11: First Day
Chapter 12: Doc Vin
Chapter 13: New School
Chapter 14: Cafeteria
Chapter 15: Dati
Chapter 16: Ninja
Chapter 17: Mayabang
Chapter 18: Invitation
Chapter 19: Gift
Chapter 20: Hari ng delubyo
Chapter 21: Report
Chapter 22: Dean Office
Chapter 23: Good mood
Chapter 24: Libre
Chapter 25: Ulan
Chapter 26: Practice
Chapter 27: Laro
Chapter 28: Champion
Chapter 29: Boyfriend
Chapter 30: Garden
Chapter 31: Patawad
Chapter 32: Sakit
Chapter 33: Ngiti
Chapter 34: Mr. Romeo
Chapter 35: Acquaintance Party
Chapter 36: Song
Chapter 37: Babe
Chapter 39: Parking lot
Chapter 40: Mommy?
Chapter 41: Sleep Over
Chapter 42: Salamat Yabang
Chapter 43: Dagat
Chapter 44: Move On
Chapter 45: Winnie
Chapter 46: Heartbeat
Chapter 47: Noodles
Chapter 48: Dance Blish
Chapter 49: Sayaw
Chapter 50: Carnival
Chapter 51: Mafia Queen
Chapter 52: Mahal na atah kita?
Chapter 53: Official
Chapter 54: Family
Chapter 55: Ampon
Chapter 56: The Past
Chapter 57: Meet Aile
Chapter 58: New Student
Chapter 59: Te Amo
Chapter 60: Dean
Chapter 61: The Old Friend
Chapter 62: Organization
Chapter 63: Lambing
Chapter 64: Kaba
Chapter 65: Selos
Chapter 66: Good Mood
Chapter 67: Frat Gangster
Chapter 68: Plan
Chapter 69: Moments
Chapter 70: Friendship
Chapter 71: Yabang
Chapter 72: Bakla
Chapter 73: Punishment
Chapter 74: Daddy
Chapter 75: Lola
Chapter 76: Visitors
Chapter 77: Basketball
Chapter 78: PSP
Chapter 79: Clinic
Chapter 80: Red Group
Chapter 81: Diamond
Chapter 82: Jace
Chapter 83: Away-Bati
Chapter 84: Sports Fest
Chapter 85: Meet Again
Chapter 86: Dreams
Chapter 87: I wish
Chapter 88: Our Children
Epilogue

Chapter 38: The Truth

1.1K 30 0
By annneo6

Zyra POV

Nang mabusog ako sa kinakain ko tumingin ako sa mga kasama kong umiinom pa rin ng beer.

"Baka malasing kayo niyan. Magdri-drive pa naman kayo pauwi" paalala ko sa kanila.

"Nandiyan ka naman kaya okay lang" ngising sabi ni jace na sinang-ayunan nila.

"Ginawa niyo pa akong alila niyo, ah" natawa na lang sila at uminom ulit.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni shadow kanina. Gusto niya ako? Bakit niya ako nagustuhan? Eh, hindi naman ako perfect, eh. Hays.

Ang dami-dami ko ng problema. Dumagdag pa ito. Shadow naman sana makisama ka naman. Ni hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit mo pinatanggal si dean carl Bilang isang detective.

Kukuha na sana ako ng wine ng ilayo agad iyon ni yabang. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Bakit mo nilayo? Eh, iinom ako" inis na sabi ko.

"Akin toh. Kumuha ka ng iyo" napanganga ako sa sinabi niya. At least na kumuha sumandal na lang ako sa upuan ko. Nakakatamad tumayo.

Kumuha ako ng fries sa plato niya. Eh, siya lang may fries eh. Edi, dito ako kukuha. Wala akong paki kung magalit siya.

Hindi niya naman napapansin, eh kaya okay lang, hehe. Halos ako na maka-ubos sa fries niya. Ang sarap-sarap kasi.

Bigla akong nag-iwas ng tingin ng titingin na siya sakin. Agad din akong uminom ng tubig para hindi niya mahalata na may kinakain ako.

Kunot noo siyang tumingin sa fries niya na iisang piraso na lang. Tsaka siya kunot noong tumingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw ba nag-ubos ng fries ko?" May pagka-inis niyang sabi.

"Pinag-bibintangan mo ba ako?"

"Bakit hindi? Eh, ikaw lang naman ang katabi ko"

"Porket katabi mo ako. Ako na agad? Baka ubos mo na ng hindi mo namamalayan"

"Ni hindi ko pa nga natitikman tapos ubos ko agad?"

"Aba, malay ko sayo. Pagbibintangan mo ako, eh kumakain ako ng spaghetti"

"Pag hindi ka umamin. Isususpend kita ng dalawang buwan----"

"Oo na! Oo na! Ako na kumain kaya huwag mo na akong isuspend"

"Tsk, aamin din pala. Kailangan pang takutin bago umamin" bulong niya pero sapat na yun para marinig ko. "At dahil sa ginawa mo...." Ngumisi siya.

"At dahil sa ginawa ko? Ano?"

"Ihahatid mo ako pauwi" napanganga ako sa sinabi niya.

"What?!"

"Ano? Aangal ka pa?" Mayabang niyang sabi. Inis kong dinampot yung ice cream at kinain yun. Kailangan kong kumalma. Tumingin ako kay xylorh na ngayon ay ninanakawan ng halik si joy.

"Restroom lang ako" paalam ko at umalis na. Palusot ko lang iyon dahil iba talaga ang pupuntahan ko.

Nang makarating ako sa garden. Agad akong umupo sa ilalim ng puno kung saan kami dati naka-pwesto ni yabang. Mahangin kasi dito kaya dito ako pumunta.

Tumulala lang ako sa malayo habang hinahayaang tumulo ang mga luha ko. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Bakit kung kailan umiiwas na ako sa kaniya siya naman tong lapit ng lapit?

Minsan hindi ko rin alam kung ano ba talagang trip samin ng tadhana. Nakakasawa na at nakakapagod na. Hindi ko alam kung deserve ko pa ba ito sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Siguro deserve ko toh kasi hindi ako mabuting tao.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nakahinga ako ng maluwag ng mag-isa lang siya.

"I-Ikaw? A-Anong ginagawa mo d-dito?"

"Magpapa-hangin" tumango lang ako at tumalikod na sa kaniya. "Hanggang kailan mo ako lolokohin?"

Nanlamig ako sa sinabi niya. Alam na ba niya ang totoo? Nilingon ko siya at deretso lang siyang nakatingin sakin.

"Pag-sawa na ako" sabay iwas ko ng tingin.

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Niloko mo ako, zy! Niloko mo ako. Bakit mo nagawa sakin yun, ah? Bakit ka nagsinungaling sakin? Bakit kailangan mong mag-panggap na nagkaroon ka ng amnesia kahit ang totoo ay hindi ka naman nagkaroon ng amnesia" napa-iyak na naman ako dahil sa sinabi niya.

"I-I'm sorry, huhuhu. I'm sorry. Please, patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang lahat, huhu. I'm sorry"

"Paano mo nagawa sakin yun, zy? Alam mo bang sobra akong nasaktan nun? Tell me. Sinong nag-utos sayo niyan? Sino ang nagsabi sayo na magpanggap ka" umiling ako ng umiling.

"Hindi mo na kailangan pang malaman, *hik*"

"Tapos ngayon hindi mo sasabihin kung sino----"

"Kasi mapapahamak ka! Mapapa-hamak kayo. Ayoko ng pati kayo ay madamay pa sa pesteng gulong toh. Kaya please lumayo ka na lang muna sakin. Huwag mo muna akong k-kausapin. Kalimutan na n-natin ang nakaraan---ops, mukhang nauna ka ng nakalimot sa nakaraan, *sniff*"

"Anong bang pinag-sasabi mo, ah? Nasisiraan ka na ba? Ang tagal kong hinintay toh tapos ganiyan na lang sasabihin mo?! Ginagawa mo ba akong tanga, zy?" Napahagulgul na ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang nasisiraan na, xylorh! Hindi mo na alam ang pinag-sasabi mo. At isa pa. Tumigil ka na nga! May girlfriend ka na kaya dapat sa kaniya mo na ibigay ang buo mong atensyon" pinunasan ko ang luha ko kahit nakamaskara pa rin ako. "Paano mo nalaman ang totoo?"

"Pumunta ako sa hospital kung saan ka noon naka-confined. Tapos tinanong ko kung nagkaroon ka ba talaga ng amnesia. At sinabi niyang hindi!" Napatulo na naman ang luha ko sa sinabi niya.

"Bakit mo ginagawa toh? Xylorh, bakit kailangan mong gawin toh. Hindi mo ba alam na nanloloko ka na ng tao? May girlfriend ka na at si joy yun! Mabait na tao si joy, xylorh. Mabait siyang tao hindi man niya ipakita yun mararamdaman mo naman yun. Kaya please xylorh. Huwag mong sasaktan si joy. Nakiki-usap ako sayo. Ito na lang ang tanging magagawa ko sa kaniya sa dami ng kasalanang ginawa sa kaniya noon ng dati kong kaibigan" Nakiki-usap ko ng sabi sa kaniya. Napayuko naman siya at sinuntok ang pader na mas lalo kong kinaiyak.

"Paano yung nararamdaman ko sayo? Hahayaan ko na lang?"

"Kung kinakailangan, oo! *sniff*"

"Tang*na, zy. Bakit? Bakit mo ito ginagawa? 3 years kitang hinintay tapos ganto lang pala ang mapapala ko sa pagbabalik mo?" Kung alam mo lang, xylorh! Kung alam mo lang. Pero, mali pag sinabi ko ang nararamdaman ko sayo. Isang pagkakamali na ayaw kong mangyari. "Hindi mo na ba ako gusto, ah?"

"H-Hindi na. Because, I-I already move on" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Napa-upo na siya habang umiiyak na mas lalo kong kinaiyak ng sabunutan niya ang sarili niya.

"Bakit, zy? May bago ka na bang gusto? Ah? Kaya ba hindi mo na ako gusto kasi may iba ka ng gusto?" Itong araw na ito ng pinaka-malas.

"Wala ako ibang gusto, xylorh. Wala! Kaya tumayo ka na diyan at puntahan mo na yung girlfriend mo baka hinahanap ka na niya"

"Pag wala na ba akong girlfriend. Babalikan mo na ako? Gugustuhin mo na ba ulit ako?"

"Hindi. Kung ano-ano ang pinag-sasabi mo. Wala ka mang girlfriend h-hindi na kita m-magugustuhan pa" mas lalo siyang napa-iyak sa sinabi ko. Tahimik naman akong humagulgul ng iyak. Ang sakit-sakit, grabe.

Tumayo siya at mabilis akong niyakap na kinaiyak ko na ng todo at niyakap rin siya pabalik.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, zyra" bulong niya sa tenga ko na kinailing ko.

"Hindi tama ito, xylorh. Sana maintindihan mo. Siguro hindi tayo ang para sa isa't-isa. Tanggapin na lang natin yun" niyakap niya ako ng mahigpit at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Hinayaan ko na lang siya kasi baka ito na ang huli naming yakapan.

Kumalas siya sa yakap at inayos niya ang sarili niya. Natawa naman ako sa itsura niya kasi mukha siyang batang umiyak.

"What?!" Nguso niyang sabi kaya piningot ko ang ilong niya.

"Mukha ka kasing bata, hahaha"

"Ano kamo?"

"Pag sinabi ko na hindi ko na uulitin pa"

"Aba, linya natin yan, ah"

"Linya ko!"

"Linya ko"

"Ko! Xylorh"

"Ko, zyra!" Nagsamaan kami ng tingin at natawa. Mukhang tanga lang.

At sa wakas natanggal din ang tinik sa lalamunan ko kaya nakakahinga na ako ng maluwag. Salamat dahil sa wakas ayos na rin kami ni xylorh. Hindi man kami total na ayos tulad ng dati pero okay na rin yun at least na magloko at sinungaling pa ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko piniling magmakasarili ngayon. Dati-dati naman mas gusto kong magmakasarili para makuha ko lang ang gusto ko pero ngayon iba na. Mas pinipili ko ng magparaya. Siguro dahil nagbago na ako ngayon. Siguro narealize ko na. Na mas masayang magparaya kesa maging selfish.

Siguro yun ang natutunan ko sa lahat ng sakit na dinanas ko noon. Nang dahil sa sakit nagbago ako. Nang dahil sa sakit nag-iba ako. Siguro tama sila. Pag nasaktan ka magbabago at magbabago ka talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.8K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
133K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
79.6K 356 5
This story has a mature content. kaya di pwede sa mga bata o isip bata. Kaya kailangan ng gabay ng magulang ang mga sumusunod na eksena dahil naglala...