The More You Hate. The More Y...

By annneo6

133K 3.3K 29

How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope wit... More

Prologue
Chapter 1: Tingin
Chapter 2: Memories
Chapter 3: Crush
Chapter 4: Sleep
Chapter 5: Cafeteria
Chapter 6: National Bookstore
Chapter 7: Tagaytay
Chapter 8: Sunog
Chapter 9: Park
Chapter 10: Ligaw?
Chapter 11: First Day
Chapter 12: Doc Vin
Chapter 13: New School
Chapter 14: Cafeteria
Chapter 15: Dati
Chapter 16: Ninja
Chapter 17: Mayabang
Chapter 18: Invitation
Chapter 19: Gift
Chapter 20: Hari ng delubyo
Chapter 21: Report
Chapter 22: Dean Office
Chapter 23: Good mood
Chapter 24: Libre
Chapter 25: Ulan
Chapter 26: Practice
Chapter 27: Laro
Chapter 28: Champion
Chapter 30: Garden
Chapter 31: Patawad
Chapter 32: Sakit
Chapter 33: Ngiti
Chapter 34: Mr. Romeo
Chapter 35: Acquaintance Party
Chapter 36: Song
Chapter 37: Babe
Chapter 38: The Truth
Chapter 39: Parking lot
Chapter 40: Mommy?
Chapter 41: Sleep Over
Chapter 42: Salamat Yabang
Chapter 43: Dagat
Chapter 44: Move On
Chapter 45: Winnie
Chapter 46: Heartbeat
Chapter 47: Noodles
Chapter 48: Dance Blish
Chapter 49: Sayaw
Chapter 50: Carnival
Chapter 51: Mafia Queen
Chapter 52: Mahal na atah kita?
Chapter 53: Official
Chapter 54: Family
Chapter 55: Ampon
Chapter 56: The Past
Chapter 57: Meet Aile
Chapter 58: New Student
Chapter 59: Te Amo
Chapter 60: Dean
Chapter 61: The Old Friend
Chapter 62: Organization
Chapter 63: Lambing
Chapter 64: Kaba
Chapter 65: Selos
Chapter 66: Good Mood
Chapter 67: Frat Gangster
Chapter 68: Plan
Chapter 69: Moments
Chapter 70: Friendship
Chapter 71: Yabang
Chapter 72: Bakla
Chapter 73: Punishment
Chapter 74: Daddy
Chapter 75: Lola
Chapter 76: Visitors
Chapter 77: Basketball
Chapter 78: PSP
Chapter 79: Clinic
Chapter 80: Red Group
Chapter 81: Diamond
Chapter 82: Jace
Chapter 83: Away-Bati
Chapter 84: Sports Fest
Chapter 85: Meet Again
Chapter 86: Dreams
Chapter 87: I wish
Chapter 88: Our Children
Epilogue

Chapter 29: Boyfriend

1.3K 31 0
By annneo6

Zyra POV

"Nakaluto ka nga ng egg. Sunog naman" mas lalo silang nagtawanan dahil doon. Shems! Napapahiya na ako dito, ah. Bwiset talaga si zana kahit kailan.

"Oh, nahiya naman ako sa inyong mga tumatawa! Lalo ka na!" Sabay duro ko kay yabang na nginisihan ako.

"Marunong akong magluto. Huwag mo akong itulad sayo"

"Yabang! Napaka-yabang. Eh, kayo" singhal ko sa iba.

"Marunong kami" sabay-sabay nilang sabi. Napataas naman ang kilay ko.

"Sa arte niyong yan. Impossible"

"Hindi porket ganito kami tuulad muna kami sayo" sabi ni taylor.

"Tsk, huwag mo nga akong ginaganiyan, taylor. Baka ibalik kita sa Indonesia"

"Kababalik ko nga lang, eh. Pababalikin mo ulit ako?" Napa-ngiwi na lang ako. Bakit ba andito tong mga toh?

"Ah, Ms. Zyra Vic" napatingin kami sa nagtawag sakin at nakita namin ang isang estudyante.

"Oh? Bakit?"

"Pinapa-punta po kayo sa CIS" lahat kami nagulat sa sinabi niya.

"Anong gagawin ko dun? Sino nagpapapunta?"

"Si dean Carl po"

"Ah? Bakit daw?"

"May sasabihin daw po siya sa inyo"

"Bakit ako lang? Eh, kami lagi ni lance ang magkasama tuwing inuutusan niya"

"Hindi ko rin po alam Ms. Vic. Hinihintay po kayo doon ni dean Carl"

"As in ngayon? Ngayong ala sais?"

"Opo"

"Eh, delikado na doon ng ganitong oras lalo na at wala ng ka-ilaw-ilaw sa lugar na iyon"

"Sorry, ms. Vic. Napag-utusan lang ako" tumango na lang ako bago siya umalis.

"Huwag ka na kayang pumunta, couz. Alam mo namang marami ng nababalita diyan" teka, baka ipapahanap niya sakin yung folder na kinuha ko. Shit. Hindi niya pwedeng malaman na nasa akin yun!

"Bakit ba lagi kang inuutusan ni dean Carl?" Tanong ni mike na kinakibit balikat ko.

"Ah! Alam ko na. Kasi maganda ako" napa-ubo silang lahat sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Tutuloy ka pa ba?" Tanong ni luis na kinakibit balikat ko.

"Siguro. Wala namang mawawala sakin kapag pumunta ako"

"Samahan na kita" sabay akbay sakin ni ashero.

"Bye, zyra" sabi ng mga ka-member ko sa banda.

"Bye. Ingat kayo. May multo pa naman diyan sa parking lot"

"Waahhhhh, zyra!" Natawa ako ng nagsigawan silang lahat. Mukhang Shunga.

"Makapang-asar ka, eh. Takot ka din naman" pang-aasar sakin ni Bryant.

"Sshhh, maririnig nila. Yun pa gawing alas sakin"

"Whatever, zyra"

"Ops, paano? See you on monday" nakangiting sabi ko.

"Pupunta ka sa CIS?" Gulat na gulat na sabi ni ashley.

"Oo, bakit? Sasama ka?"

"Ayoko, takot ako"

"Tatanong ka pa hindi ka naman pala sasama" napatingin ako sa kanila. "Sino sasama?----aray"

"Huwag ka ng pumunta"

"Si couz parang hindi ako kilala"

"Isa. Sige ka. Hindi ka na nila titirhan sa handa" pananakot niya.

"Oo nga pala! May lechon doon" pang-aakit ni Bryant. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tatawagan ko si tita na tirhan ako, tsk. Maiwan ko na kayo. Bye" sabay lakad papalayo. Kailangan kong sumipot kay dean Carl kasi pag hindi ako sumipot tiyak na paghihinalaan niya akong ako nga ang kumuha ng black folder.

"Tumawag ka kapag may emergency" tinaas ko ang kanang kamay ko upang senyasan si zana na 'okay'

---

Nang makarating ako sa CIS. Tama nga ako. Sobrang dilim na ng lugar na ito. Bukod sa madilim sobrang tahimik din ng lugar.

Mabilis kong tinawagan si ninja.

"Nasaan ka?" Bungad ko agad ng masagot niya na ang tawag.

"Nasa likod ng sasakyan mo"

"Good" si ninja ang nagbabantay dito sa CIS upang manmanan lahat ng kinikilos ni dean Carl. "Alam mo na ang gagawin mo"

"Of course, bye" sabay patay niya ng tawag.

Bumuga muna ako ng hangin bago bumaba sa kotse.

May nakita akong liwanag sa dating cafeteria kaya lumapit ako doon. At tulad ng inaasahan nandoon si dean Carl na may kasamang limang lalaki.

"Good evening, dean" bati ko ng makalapit.

"Oh, miss vic. Mabuti nandito ka na"

"Ah, sorry dean kung nalate ako"

"No, it's okay, it's okay. Sit down, sit down, hija" tumango ako at naupo.

"Bakit niyo ho pala ako pinapunta dito?"

"Gusto ko sanang itanong kung may nakita kang black folder"

"Black folder? Sorry, dean pero hindi ko nakita. Saan niyo ho ba tinago?"

"Ay, ganun ba? Ah?"

"Saan niyo ho kako tinago baka nandoon lang yun"

"No, no, no, hinahanap na ng mga tauhan ko kaya na nila yun" tumango na lang ako at tumingin sa paligid.

"Sayang tong campus noh, dean?"

"Oo nga, eh. Kung sino man ang gumawa nito. Hinding-hindi ko papatawarin"

"Dapat lang, dean. Kapag nalaman niyo ho kung sino sabihin niyo ho agad sakin. Ako na ho ang maghahawak ng kaso niya"

"Talaga, hija? Maraming salamat talaga. Buti na lang dumating ka sa buhay ko kundi naku baka hindi ko na alam ang gagawin ko"

"Naiintindihan ko ho kayo. Huwag ho kayong mag-alala dahil marami pang nagmamahal sa inyo"

"Marami salamat talaga, hija. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang mga tulong mong ito"

"Hindi ho ako humihingi ng kapalit, dean" tumayo ako. "Mauuna na ho ako, dean. May pupuntahan pa ho kasi ako"

"Ganun ba, hija? Sige, salamat sa oras mo" ngumiti at tumango ako bago umalis.

Nang maka-sakay ako sa kotse ko agad kong tinawagan si ninja.

"Nalagay na ba nila?" Tanong ko ng sagutin niya ang tawag.

"Oo, mission complete" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Ang tinutukoy ko ay yung fake na black folder. Sinabi ko kasi na mag-lagay sila ng fake na black folder doon sa laboratory club. Para hindi isipin ni dean Carl na nawawala yung black folder niya.

"Good. Paano? May dadaanan pa ako, bye" sabay patay ko ng tawag.

---

Nang makarating ako sa bahay nila Bryant pumasok agad ako sa loob.

Gutom na ako. Dito pa lang naaamoy ko na ang mabangong mga handa.

Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng makita kong andidito sila yabang. As in silang lahat. Baka inimbinta ni Bryant. Bait naman.

Dumeretso agad ako sa mahabang mesa kung nasaan ang mga pagkain. Syempre, dalawa ang plato ko. Nagpatulong na rin ako sa waiter na tulungan akong kumuha ng mga kakainin ko.

Nang matapos umupo na ako sa isang tabi. Nilapag naman ng waiter sa harap ko ang pagkain ko bago siya umalis.

Mabubusog ako nito, hehe.

Habang kumakain ako nag-iimagine ako. Nag-iimagine ako na sana ganito lagi ang kinakain ko sa condo.

Hays, ang sarap-sarap.

"At talagang nag-sosolo ka?" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bumungad sila sa harap ko.

"Kaya pala nag-iisa ka kasi marami kang kinuhang pagkain" iling-iling na sabi ni Bryant.

"Dun na nga kayo--"

"Ma'am, ito na po yung pinakuha niyo" sabi ng waiter at nilapag ang mga dessert sa mesa ko. Ngumiti ako ng malaki bago siya umalis.

"What the!!" Gulat na gulat na sabi nila.

"Ano ba?! Dun na nga kayo! Panira kayo. Nawawalan ako ng ganang kumain pag andito kayo"

"Aba, napaka-arte mo din ano, pandak?"

"Huy, akin yan" pilit kong kinukuha sa kaniya ang dalawang dessert ko. Waahh, yung favorite flavor ko pa naman kinuha niya. Kainis na yabang toh!

"Akina na toh" tsk, sana hindi ko na siya nilagyan ng coat sa balikat para manigas siya sa sakit doon sa library.

"Akina na yan----"

"Ang dami mo pang pagkain"

"Ano ba paki mo? Kumuha ka kaya ng pagkain mo"

"Ayoko nga. Akin na toh" sabay lakad niya palayo.

"Bwiset ka! Hari ka ng kayabangan!" Inis kong sigaw at nagpatuloy sa pagkain. Tinaasan ko naman sila ng kilay kaya napailing-iling na lang sila.

May araw ka rin sakin, yabang!

---

"Good morning" bati ko sa mga katrabahuhan ko.

"Good morning" bati din nila.

Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumunta sa kusina.

"Good morning" natawa kami ni thea ng sabay naming sabihin iyon.

"Kamusta ang buhay?" Tanong ko at nagsimula ng mag-hugas.

"Ayun, nothing change. How about you?"

"Same. Ang iisipin ko na lang ay yung sports festival"

"Malapit na pala yun, ano?"

"Mmm, sa tingin ko tayo-tayo ang maglalaban sa sports festival"

"Mmm, gaganapin yun sa guma academy, diba?"

"Mm, then sa ISI na ang huli. Dun na ang finale. Dun na din ia-announce kung sinong mananalo" tumango-tango siya sakin.

Nang mag-tanghali pumunta na kami ni thea sa canteen kung saan kami kumakain.

Tulad ng dati siya ang nag-order ng kakainin namin. Maya-maya lang ay dumating na siya kaya nagsimula na kaming kumain.

"May tanong ako. Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman"

"Talaga? Hanggang ngayon ba, eh kayo pa rin?"

"Hindi na. Kasi nag-break kami last year"

"Hindi sa pagiging chismosa pero magiging chismosa na ako. Bakit kayo nag-break?"

"Nahuli ko siyang nakikipag-halikan sa ibang babae kaya ayun nakipag-break ako sa kaniya. Sawa na rin kasi ako sa relasyon namin, eh"

"Mm, iba na talaga mga lalaki ngayon noh? Ginagawa na lang tayong laruan"

"Sinabi mo pa. Ikaw? Nagkaroon ka rin ba dati ng boyfriend?" Magsasalita na sana ako ng mag-ring ang cellphone niya. Kaya tumayo siya at nag-excuse muna sakin.

Hays.

Continue Reading

You'll Also Like

408K 19.2K 92
Fanfiction #3 Althea has always had a huge crush on Simon Marcos first. Hoping to be noticed by him, she did everything. Pero ibang Marcos yata ang...
45.8K 988 35
A spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice...
1.4M 45.8K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
6.4M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...