The More You Hate. The More Y...

By annneo6

134K 3.3K 29

How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope wit... More

Prologue
Chapter 1: Tingin
Chapter 2: Memories
Chapter 3: Crush
Chapter 4: Sleep
Chapter 5: Cafeteria
Chapter 6: National Bookstore
Chapter 7: Tagaytay
Chapter 8: Sunog
Chapter 9: Park
Chapter 10: Ligaw?
Chapter 11: First Day
Chapter 12: Doc Vin
Chapter 13: New School
Chapter 14: Cafeteria
Chapter 16: Ninja
Chapter 17: Mayabang
Chapter 18: Invitation
Chapter 19: Gift
Chapter 20: Hari ng delubyo
Chapter 21: Report
Chapter 22: Dean Office
Chapter 23: Good mood
Chapter 24: Libre
Chapter 25: Ulan
Chapter 26: Practice
Chapter 27: Laro
Chapter 28: Champion
Chapter 29: Boyfriend
Chapter 30: Garden
Chapter 31: Patawad
Chapter 32: Sakit
Chapter 33: Ngiti
Chapter 34: Mr. Romeo
Chapter 35: Acquaintance Party
Chapter 36: Song
Chapter 37: Babe
Chapter 38: The Truth
Chapter 39: Parking lot
Chapter 40: Mommy?
Chapter 41: Sleep Over
Chapter 42: Salamat Yabang
Chapter 43: Dagat
Chapter 44: Move On
Chapter 45: Winnie
Chapter 46: Heartbeat
Chapter 47: Noodles
Chapter 48: Dance Blish
Chapter 49: Sayaw
Chapter 50: Carnival
Chapter 51: Mafia Queen
Chapter 52: Mahal na atah kita?
Chapter 53: Official
Chapter 54: Family
Chapter 55: Ampon
Chapter 56: The Past
Chapter 57: Meet Aile
Chapter 58: New Student
Chapter 59: Te Amo
Chapter 60: Dean
Chapter 61: The Old Friend
Chapter 62: Organization
Chapter 63: Lambing
Chapter 64: Kaba
Chapter 65: Selos
Chapter 66: Good Mood
Chapter 67: Frat Gangster
Chapter 68: Plan
Chapter 69: Moments
Chapter 70: Friendship
Chapter 71: Yabang
Chapter 72: Bakla
Chapter 73: Punishment
Chapter 74: Daddy
Chapter 75: Lola
Chapter 76: Visitors
Chapter 77: Basketball
Chapter 78: PSP
Chapter 79: Clinic
Chapter 80: Red Group
Chapter 81: Diamond
Chapter 82: Jace
Chapter 83: Away-Bati
Chapter 84: Sports Fest
Chapter 85: Meet Again
Chapter 86: Dreams
Chapter 87: I wish
Chapter 88: Our Children
Epilogue

Chapter 15: Dati

1.4K 33 0
By annneo6

Zyra POV

"May tao sa loob?" Tanong ko kay zana ng lumabas siya sa room ni dadu. Nailipat na pala ng kwarto si dadu. Total malapit na siya maka-recover.

"Wala. Bilisan mo. Balita ko. Kumain lang sila sa labas" tumango ako at inayos ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Naiwan naman si zana sa labas upang sabihan ako pag-nandiyan na sila.

Nang maka-pasok ako nakita ko agad si dadu na nakangiti saakin. Napangiti din ako at mabilis siyang niyakap.

"Dadu" naiiyak ko ng banggit sa kaniya. Miss na miss ko na siya.

"My princess" bulong niya at hinalikan ako sa ulo. Napatulo na ang luha ko ng sabihin iyon ni dadu. Nakakamiss ang boses niya lalo na kapag sinasabihan niya ako niyan.

Parehas sila ng tatay ko ng tawag saakin. My princess ang tawag sa akin. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam nun.

"Dadu, miss na miss po kita"

"Miss na miss na rin kita, princess. My princess. Uwi ka na" napa-iyak ako lalo sa sinabi niya at umiling.

"Sa ngayon, dadu. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro mas mabuti na muna kung lumayo ako sa inyo para makapag-isip ako ng tama"

"Hija, 3 years ka na naming hindi nakaka-sama. Alam mo bang hindi maka-tulog ang mga magulang mo kakahanap sayo? Lagi ring sinisisi ng mama mo ang sarili niya kung bakit ka umalis. Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin kami sayo. Hindi namin alam kung nakaka-tulog ka ng maayos o kung may maayos ka bang pinag-tutulugan. Kung hindi kaya nakaka-kain ka ba sa tamang oras. Hija, minu-minuto. Hindi ka nawala sa isip namin" napahagulgul na ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam na ganun na rin kahirap ang pinag-dadaanan nila. Pero, bakit ganun? Nanaig pa rin ang sama ng loob ko sa pamilya ko? Siguro, masakit talaga yung nagawa nila saakin. Ang hirap kasing tanggapin. Magulang mo sila pero parang hindi ka tinuring anak.

"Sorry, dadu. Pangako. P-pag-iisipan ko ng mabuti iyan. Sa ngayon hayaan niyo po muna ako. Gusto ko munang mag-isip ng tama"

"Naiintindihan kita, hija. Pangako yan, ah?" Tumango ako at niyakap siya lalo. "Kapag hindi mo na kaya, hija. Huwag kang matatakot lumapit saaming mga nagmamahal sayo. Dahil kahit gaano kahirap ang pag-daanan mo basta kasama mo kami. Malalagpasan mo agad ito" parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Siguro, kailangan ko na ring ilabas ang tunay kong nararamdaman. Pero, paano ko ba sisimulan? Ang dami na kasing nabago. At isa pa. Baka huli na ako.

---

"Oh, sayo na" sabay lagay ni zana sa plato ko ng steak.

"Ayaw mo lang, eh"

"Hehe, sige na"

"Kamusta naman kayo ni luis? Balita ko malapit na ang anniversary niyo"

"Ayun, ayos lang naman. Tsaka, normal lang sa isang relasyon ang mag-away pero dapat agad din kayong magka-intindihan para hindi lalo lalala ang pinag-aawayan niyo" sabi niya "Oo nga noh. Malapit na anniversary namin. Balak sana naming pumunta ng palawan"

"Sa resort niyo?"

"Hindi. Sa resort nila Xylorh"

"Bakit doon pa?"

"Wala lang. Ang ganda kasi ng lugar na yun. Ang dami ding nadagdag na puno"

"Ganun ba? Siguro nga mas lalong gumanda"

"Oo mas lalong gumanda. Malapit na nga pala birthday ni Xylorh, ano? Excited ka na ba?" Napahalukipkip ako at tumungo.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung iinvite niya ako" sabay buga ko ng hangin. "Panigurdo naman kasing si joy ang kasama niya. Alam mo deserve ni joy ito, eh"

"Ah? Bakit naman?"

"Mabait na tao si joy. At nung nagka-sagutan kami kanina. Parang laging hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko. Nagmamatapang lang siya para hindi siya maging talunan. Nakakatawa nga, eh. Ang laki ng pinag-bago niya pero hindi naman nabago ang ugali niya. Mabait na tao si joy. Alam ko yun. Hindi man kami nag-uusap nun. Nakikita ko naman noon ang pananalita at kilos niya at hanggang ngayon. Nakikita ko pa rin yun ngayon. Tulad na lang nung nagkasagutan si joy at kc. Sa totoo lang nanginginig na ang kamay nun ni joy kaso syempre may hawak siyang panyo kaya hindi masyado mahalata" mahabang sabi ko na kinanganga niya.

"Linaw ng mata mo, ah" puri niya. "Bakit nga pala ganun ang sinasabi ni Stella sayo?"

"Laging binubully ni pat si joy noong first year high school pa lang kami"

"Bakit naman binubully ni pat si Stella?"

"Kasi mag-pinsan sila. Hate na hate ni pat si joy kasi. Lagi na lang si joy ang nakikitang magaling sa mata ng mga kamag-anak nila. Lalo na sa mga magulang niya. Minsan ding pinalayas si pat ng mga magulang niya kasi muntik ng nilunod ni pat si joy sa swimming pool"

"Oh my god. Nasaan na si pat?"

"Nandoon na ulit sa bahay nila. Humingi siya ng tawad kay joy pero fake lang iyon. Dahil kilala mo naman si pat. Best actress ang role niya sa buhay. Nang mapatawad siya ni joy. Ayun, naka-balik na siya sa bahay nila. Pero, makalipas lang ng ilang araw. Hindi sinasadyang mahulog ni joy ang make up foundation ni pat. Kaya ayon inaway niya ulit si joy. Pero, dahil wala ang mga kamag-anak nila doon. Nilampaso ni pat ang mukha ni joy sa putik"

"Oh my god. Grabe naman pala si pat. At nakakaawa naman si joy. Bakit hindi siya lumaban? Inaapi na siya pero bakit hindi pa rin siya lumaban?"

"Takot si joy kay pat. Masyado ng natrauma si joy kay pat kaya iniiwasan niya na ito"

"Hmm, bakit pati ikaw dinadamay niya?"

"Syempre, kaibigan ko noon si pat. At ako naman si tanga. Sinusuportahan na lang ang lahat ng ginagawa niya kay joy. Wala naman kasi akong paki sa kanila"

"Ah, kaya sa tingin niya pati ikaw kasabwat ka"

"Yeah, maybe. Hays, ayaw ko na muna silang isipin"

"Pero, gusto ko pa silang pag-usapan"

"Edi, pag-usapan niyo ng anino mo"

"Aarrgghhh, couz" natawa na lang ako habang nagsisi-sigaw siya diyan.

---

Nang makarating kami ni zana sa ISI. Bumaba na kami sa kotse niya. Yeah, nakisabay lang ako sa kaniya. Masakit kasi paa ko.

Natalisod kasi ako sa hagdan ng hospital kagabi. Sakit kaya nun. At isa pa. At least na tulungan ako ni zana tinawanan niya ako ng malakas. Sa sobrang tawa niya. Napapahiga na siya sa sahig.

"Masakit pa ba paa mo? Haha" binatukan ko nga siya.

"Ikaw kaya matisod? Tapos tatanungin kita ng ganiyan? Taena, parang na-kuryente yung paa ko nun" tinawanan niya na naman ako ng malakas kaya pinag-titinginan na kami ibang students.

"Hahaha, ang pangit pa ng paka---hahaha, bagsak mo nun, hahaha. Para kang nag-dive, hahaha" pati tuloy ako natawa.

"Hahaha, bwiset ka. At least na tulungan mo ako. Tinawanan mo pa ako"

"Hindi ko kasi mapigilan. Nakakahiya yun, couz. Ang dami pang naka-tingin" napatakip ako ng mukha ng maalala ko iyon. Shems, nakakahiya.

Hindi ko man sila tignan nun. Alam kong nagpipigil na ng tawa yung mga tao doon, taena talaga this.

"Tumahimik ka na! Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko yan"

"Hindi ka pala naka-tulog kagabi tapos pumasok ka na sa kwarto mo. Nagkwe-kwentuhan pa tayo nun eh"

"Hindi ka pala naka-tulog kagabi tapos pumasok ka pa ngayon" dahan-dahan naming nilingon ni zana yung nag-salita sa likod namin at ganun na lang gulat ko ng makita yung F3.

"A-ah?" Tangang sabi ko. Napailing ako ng mukha akong shunga doon. "A-ano sabi m-mo?"

"Pag sinabi ko na ayaw ko ng ulitin" linya naming pareho yan. \(^o^)/

Napatingin ako kay luis na nakangisi saakin habang si jace parang nagda-daydream.

"Huy!" Gulat namin ni zana kay jace na muntik ng mabaliktad sa pagkakatayo ng magulat siya. Natawa naman kami ng malakas. Mukha siyang shunga doon.

"Ano ba?! Bakit kayo nang-gugulat? Alam niyo bang nagda-daydream ako?"

"Sa sobrang pagka-daydream mo. Unti-unti ka ng umaangat"

"Ah? Talaga? Dapat ba akong huwag ng magdaydream. Baka kasi lumipad na ako papuntang mars" nagtawanan ulit kami ng sabihin niya iyon. Kahit kailan shunga ito.

"Oo. Huwag na nga. Baka sa sobrang pag-daydream mo. Hindi mo namamalayan nahahalikan mo na yung poste" nanlaki ang mata niya at napa-hawak sa bibig niya.

"Nahalikan ko yung poste? Swerte niya naman. Siya na ang first kiss ko" napanganga na kami sa katangahan niya. Hindi na shunga. Tanga na.

Nakakatawa lang isipin na parang bumalik kami sa dati. Hays, kung ganito ba araw-araw, eh. Sinong hindi matutuwa?

I really miss you, guys. Hindi man kayo ang unang dumating sa buhay ko pero nagpapasalamat pa rin ako kasi dumating kayo sa buhay ko.

I'm so lucky to have you, guys.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
90.2M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...