Lie Again

By thesweetest_thing

944 76 3

What if love can destroy us? Zadie and Cloud are exchange students from Hixson University. Because of this... More

LIE AGAIN
Prologue: Lie Again
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23 (Girls)
Chapter 23 (Boys)
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Announcement!
BOOK 2!

Chapter 29

6 1 0
By thesweetest_thing

Zadie's POV:

Nagising ako dahil sa napakalamig na tubig na bumuhos sa'kin. Nang mag-angat ako ng tingin ay isang demonyo ang nakita kong nakangisi sa'kin.

"Akala ko anghel, demonyo pala," bulong ko ngunit sapat lang para marinig niya. Narinig ko ang pagtawa ng mga lalaking dumukot sa'kin kaya napangisi ako.

"Sige tumawa kayo! Tumawa kayo nang tumawa at isasama ko kayo sa pagkamatay ng babaeng 'to!" galit na sigaw nito dahilan para mapatigil sila.

Matapang ko namang sinalubong ang mga tingin niya sa'kin. "Anong kailangan mo sa'kin?"

"Bastos ka talagang bata ka kahit kailan, nagsisi talaga ako na naging anak kita!" sigaw nito sa'kin na ikinatawa ko.

"Mas nagsisisi kami na naging ina ka namin"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Muli akong humarap dito at ningisian siya. Alam kong pambabatos ang ginagawa ko pero sa mga katulad niyakahit siya pa ang totoo kong ina, hindi niya deserve ang paggalang ko.

"How dare you! Pasalamat ka at inuluwal ko pa kayo ng kapatid mong isa pang walang kwenta! Sana nga pinalaglag ko nalang kayo!" sigaw nito sa'kin.

I clenched my fist in anger. Bakit kailangan pa naming magpasalamat sa kaniya ni Zion? Kailan ba siya naging ina samin?

"Kung alam ko lang na gagamitin mo si Dad para pabagsakin ako, sana matagal na kitang pinatay! Kayo ng walang kwenta mong kakambal!"

"Sana nga! Sana nga pinalaglag mo nalang kami! Sana nga hindi mo nalang kami iniluwal at nang hindi rin namin makilala ang isang tulad mo! Walang kang kwentang Ina!" sigaw ko rito nang muli niyang banggitin ang pangalan ni Zion.

Sa pangalawang beses ay muli akong nakatanggap ng sampal sa kaniya ngunit wala akong pakialam kahit paulit-ulit niya akong saktan, wag lang si Zion. Huwag na huwag lang niyang idadamay at sasabihan ng mga masasakit na salita ang kapatid ko.

"Ano bang ginawa namin sa'yo? Anong bang ginawa namin at hindi mo kami matanggap-tanggap?"

Wala sa sariling natawa ako sa mga lumabas sa bibig ko. Bakit ko pa ba tinanong iyon?

"Dahil lahat nalang ay aagawin niyo sa'kin! Ang atensyon ni Dad, ni Mom, at ni Zoren!" sagot sa'kin nito. Hindi makapaniwalang tumingin naman ako sa kaniya. Sobrang immature niya ba? Kulang ba siya sa atensyon?

"Dahil lang doon?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. I smirked as I stared at her. Mata sa mata. "Gusto mo palang na sa'yo lahat ng atensyon, bakit hindi ka magpasikat?"

"Shut your mouth! Wala kang alam! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!"

"Bakit? May alam ka rin ba sa pinagdadaanan namin? Inisip mo ba 'yung mararamdaman at naramdaman namin dahil sa mga ginawa mo? Wala ka ngang pakiramdam!" sagot ko rito. Muli na naman akong nakatanggap ng sampal sa kaniya.

Naramdaman ko na ang pamamanhid ng mga pisngi ko, ngunit hindi ko magawang makakilos dahil nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.

"Dapat kang mamatay, kayo ni Zion. Dahil kung hindi, sa inyo mapupunta ang lahat ng mga pinaghirapan ko at ni Dad. Hindi ako makakapayag, Zadie. Mas gugustuhin ko pang mapunta kay Zarine ang lahat kaysa sa inyong magkapatid!"

"Edi kuhanin mo! Diyan ka naman magaling, e. Sarili mo lang ang iniisip mo, sakim ka Mrs. Villin. Lahat ng luho gusto mo nasa mga kamay"

"Tumahimik ka! Ikulong niyo siya rito at huwag na huwag niyo siyang papatakasin hangga't hindi pa ako nakakabalik!" sigaw nito habang nakatingin sa mga tauhan niya. Nakangising bumaling muli ito sa'kin. "Hayaan niyo siyang mabulok dito!"

"Hindi mangyayari 'yon Mrs. Villin, hahanapin nila ako, at kapag nanguari 'yon, katapusan mo na," matapang sa sagot ko rito at mahinang tumawa. Napatigil naman ako nang ilabas nito ang cellphone ko.

"Hayaan mong basahin ko sa'yo ang minessage ko sa mga kaibigan mo," nakangising nitong sambit at pinagpipindot ang cellphone ko. "I'm sorry at hindi ako nakapagpaalam. Huwag kayong mag-alala at safe akong nakauwi. Hindi nga lang muna ako makakapasok ng ilang araw dahil may mga kailangan akong asikasuhin. Cloud, ikaw munang bahala sa kanila."

"Walang hiya ka! Ibalik mo sa'kin 'yan!" sigaw ko ngunit malakas lang itong tumawa at lumabas sa silid na pinagkukulungan sa'kin. "Mrs. Villlin bumalik ka rito!"

Inis na pinagtatanggal ko ang mga tali sa kamay ko ngunit masyado iyong mahigpit. Malakas akong napabuntong-hininga at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

Nang dahil sa kasakiman niya ay nagawa niya 'to sa'kinsa sarili niyang anak. Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko kailangan iyakan ang babaeng 'yon. Hindi niya deserve kahit ang isang patak ng mga luha ko.

"Pakawalan niyo siya at bigyan ng tira-tirang pagkain!" utos ng isang lalaki sa mga kasamahan niya at nakangising tumingin sa'kin. "Hindi mo ba ako nakikilala?"

I smirked. Sinalubong ang mga tingin niya. "Paano ko naman makakalimutan ang isang kagaya mo Harvey?"

"Mabuti naman at hindi mo ako nakalimutan, mahal ko. Kung sumunod ka nalang sana sa gusto ko at ng magulang mo, hindi mangyayari sa'yo 'to," saad nito at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Inis kong tinabig ang kamay nito nang tanggalin nila ang nakatali sa'kin.

"Kahit kailan hindi ako magpapakasal sa isang kagaya mo. Wala akong pakialam kung patayin niyo ako, huwag lang kaming magsunod-sunuran sa gusto niyo!" sagot ko rito.

Siya ang ipinagkasundo sa'kin nila Mrs. Villin bilang mapapangasawa ko. Kapalit no'n ay tatanggapin niya kami sa pamilya nila ni Zion.

"Napakataas talaga ng pride mo, mahal ko. Lalo tuloy akong nahuhulog"

"Nakakadiri ka! Ayokong makita ang pagmumukha mo!" putol ko rito na siyang dahilan nang pagkawala ng mga ngiti niya. Napadaing ako nang iharap nito ang mukha ko sa kaniya at mahigpit na hinawakan iyon.

"Pwes magsanay ka na dahil araw-araw mong makikita ang mukhang 'to," saad pa niya at tumalikod sa'kin. Kinuha nito ang tray na dala-dala ng kasama niya at ipinatong sa harapan ko. "Kumain ka na, mahal ko."

Nang makaalis sila ay inis kong inilayo sa'kin ang tray. Mga pinaghalong ulo ng isda, mga buto ng manok at kanin na may mabahong amoy ang laman niyon at isang basong tubig. Anong akala nila sa'kin, hayop? Wala talaga silang kasing sama!

Naglakad ako papunta sa gilid at doon naupo. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na umiyak.

Deserve ko ba ito? D

eserve ko ba ang ganitong sitwasyon? Ano bang mali sa'kin? Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?

"D-daddy, please.. tulungan niyo ko," bulong ko at mahigpit na niyakap ang mga tuhod ko. Kung nandito lang sana si Zion, kung nandito lang sana siya hindi ako panghihinaan ng loob.

"Mommy pakaawalan niyo ako rito! Mommy!" umiiyak kong sigaw habang pilit kong binubuksan ang pinto.

"Mabubulok ka r'yan! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag na huwag na kayong babalik dito?! Napakakukulit niyo!" sigaw nito sa'kin kaya napahagulgol nalang ako.

"Pakawalan mo ang kakambal ko, mommy! Pakawalan mo si Zadie!" rinig kong sigaw ni Zion kaya agad akong napatayo at kumatok-katok sa pinto.

"Zion! Zion tulungan mo 'ko!" sigaw ko rito. Napaatras ako nang bumukas ang pinto. Malakas nitong itinulak si Zion at muling isinara 'yon.

"Magsama kayo r'yan! Mga walang kwenta!"

Agad akong gumapang papunta kay Zion at niyakap ito. Ako 'yung mas matanda samin pero ako 'yung walang magawa.

"I-I'm s-sorry, Zion. S-sorry!" umiiyak kong bulong dito habang nakayakap sa kaniya. Saming dalawa, si Zion ang may pinakamalakas na loob. Sobrang tapang niya at hindi siya natatakot. Samantalang ako, takot na takot ako sa madilim na lugar.

"Nandito na 'ko Zad, nandito na si Zion. Huwag ka nang matakot," bulong sa'kin nito. Napasigaw ako nang may gumalaw na kung ano sa sulok at dahil madilim sa bodega na pinagkulungan samin ay hindi namin iyon makita.

"Ayoko na rito! Ayoko na rito, Zion! Buksan niyo 'tong pinto!" sigaw ko habang nagkakakatok sa pintuan ng bodega.

Pinunasan ko ang mga luha ko at mapait na napangiti nang maalala ko ang unang beses na kinulong kami ni Mrs. Villin sa bodega. Simula noon ay hindi na kami bumalik pa ni Zion sa bahay nila sa sobrang takot.

Nang makaramdam ako ng pagod at antok ay isinandal ko na lamang ang ulo ko sa pader. Sana isang panagip lang lahat ng 'to.

***

"Gumising ka riyan! Hoy babae!"

Nagising ako nang dahil sa malakas na pagsipa sa'kin. Nang makita ko si Mrs. Villin sa harap ko ay agad akong lumuhod dito.

"P-pakawalan niyo na ako, gagawin ko po ang lahat. Parang awa niyo na!" pagmamakaawa ko rito. Nangako ako kay Zion na hinding-hindi na ako muling magmamakaawa sa kanila, ngunit ito nalang ang tanging paraan na alam ko.

"At bakit naman ako maawa sa isang kagaya mo? Sino ka ba sa tingin mo?" saad nito kaya agad akong nag-angat ng tingin dito kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.

"A-anak niyo ho ako"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. Galit na galit ang mukha nitong ibinuhos sa'kin ang isang basong tubig at ibinalibag iyon.

"Nahimasmasan ka na ba? Natauhan ka na ba sa mga pinagsasabi mo? Hindi kita anak at kahit kailan ay hindi ko matatanggap na anak kita!" sigaw sa'kin nito at hinila ang buhok ko.

"Mrs. Villin nasasaktan po ako!"

"Talagang masasaktan ka sa gagawin ko!" sigaw nito at malakas akong itnulak. Napadaing ako nang bumagsak ako sa mga bubog dahil sa inihagis nitong baso. Hindi ko pinansin ang mga dugong tumutulo sa mga kamay at binti ko at lumuhod ulit sa harapan niya.

"Parang awa niyo na, gagawin ko ang lahat. Nagmamakaawa po ako sa inyo."

"Gagawin mo ang lahat? Then, get lost! Huwag ka nang lumapit kila Dad! Kayo ni Zion, umalis na kayo! Magpakalayo-layo kayo, at wala kayong dadalihin na kahit ano!" sigaw sa'kin nito na ikinatigil ko.

"M-Mrs. Villin"

"Bakit? Hindi mo kaya?! Hindi mo kaya kasi gusto mong agawin ang lahat samin!" muling putol nito sa'kin at malakas akong itinulak. Malakas akong napadaing nang tumusok sa pisngi ko ang bubog dahilan para magdugo rin iyon.

"W-wala naman ho akong kinukuha sa inyo"

"You can't fool me anymore, bitch! Alam ko na ang plano mo! Anong pinakain mo kay Dad at ikaw ang ginawa niyang tagapag-mana?!" sigaw sa'kin nito na ikinatigil ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"A-anong plano? W-wala"

"Ikulong niyo siya, ikulong niyo siya atlagyan niyo ng takip ang bibig ng babaeng 'yan!" utos nito sa mga tauhan niya at nagmamadaling umalis. Matapos akong lagyan ng panyo sa bibig ay mabilis na pinaalis ni Harvey ang dalawang lalaki.

"Bitawan mo 'ko! Huwag kang lalapit sa'kin!" sigaw ko rito at umatras nang umatras.

Kinuha niya ang mga kamay ko at tinaliian iyon ng puting tela na galing sa damit niya. Hinawakan pa nito ang baba ko at sinuri ang sugat ko sa kaliwang pisngi ngunit agad kong inilayo sa kaniya ang mukha ko.

"Z-Zadie"

"Umalis ka na! Iwan niyo na ako rito!" sigaw ko at gumapang papunta sa isang sulok at niyakap muli ang mga tuhod ko.

Lumuluhang pinagmasdan ko ang mga dugong tumutulo sa mga binti ko at ang kamay kong nakatali ng puting tela. Napapadaing na lang ako sa tuwing hahawakan ko ang pisngi ko. Kailan ba ako makakaalis sa impyernong 'to?

***

3rd Person's POV:

Naalimpungatan ang dalaga nang marinig niyang nagkakagulo ang mga nagbabantay sa kaniya. Mahigpit niyang niyakap ang mga tuhod habang isinisiksik ang sarili sa sulok dahil sa takot. Rinig na rinig niya ang mga putukan ng baril sa labas na mas lalong nakadagdag sa takot niya.

Samantala, kasama ng kaniyang mga tauhan at ng kaniyang kapatid ay pinasok nila ang pent house. Nang malaman niya sa kapatid na wala ang anak ay agad siyang gumawa ng paraan para mahanap ito.

"Hanapin mo na si Zadie, kuya!" sigaw sa kaniya nang kapatid nito kaya agad siyang tumakbo paakyat ng hagdan at sinilip ang bawat silid ngunit hindi niya matagpu-tagpuan ang hinahanap. Muli siyang bumaba nang makita nito ang isang lalaki na nakatutok ang baril sa kapatid.

"Harvey!"

"T-tito Zoren?" tawag nito sa kaniya. Bakas ang matinding gulat sa mukha ng binata nang makita niya ang ama ni Zadie. Binitawan nito ang baril niyang hawak at lumuhod sa harapan niya.

"P-patawarin niyo po ako Tito! Patawarin niyo po ako!" paulit-ulit nitong saad sa kaniya ngunit imbes na sagutin ay kinuwelyuhan lang ito ni Zoren. Nag-aalab ang mga mata niyang tiningnan ang binata.

"Nasaan ang anak ko?! Sabihin mo Harvey kung hindi ay papatayin kita!" sigaw nito sa binata. Walang namang nagawa ang binata kung hindi ang ituro nito ang kinaroroonan ng dalaga. Mabilis niyang pinuntahan ang anak at hinanap iyon sa silid.

"Zadie"

"Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit sa'kin!" umiiyak at paulit-ulit na binibigkas ng dalaga. Gano'n na lamang ang pagsisisi ng lalali nang makita ang kalagayan nito.

"Z-Zadie, anak. S-si PapaS-si Mr. V-Villin ito. Ligtas ka na"

Napahinto ang lalaki nang bigla siyang yakapin ng dalaga. Mga yakap na matagal na niyang gustong hilingin sa anak. Hindi na nito napagilan pa ang mga luha habang niyayakap pabalik ang dalaga.

"A-ayoko na rito, ayoko na po rito," humahagulgol nitong bulong sa kaniya ngunit bago pa makapagsalita ang lalaki ay nawalan na ito ng malay.

"Z-Zadie? Zadie! Zadie gumising ka anak!" sigaw nito habang inaalog ang dalaga. Binuhat niya ito palabas ng pent house at dinala sa sasakyan niya. "Halika na Chan!"

Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan. Hindi siya mapakali at panay ang lingon sa anak na walang malay. Hindi siya makapaniwala sa sinapit nito sa kamay ng asawa niya. Nang makarating sa kaniyang tinutuluyan ay agad niyang ginamot ang dalaga.

"Anong plano mo kuya? Siguradong magagalit na naman sa'yo ang impakta mong asawa kapag nalaman niya 'to"

"Wala na akong pakialam, Chan. Halos patayin niya ang anak ko! Nakita kong takot na takot ang anak ko!" putol nito sa kapatid. Maging siya ay nagulat sa pagtaas ng boses niya kaya agad din siyang humingin ng paumanhin sa kapatid.

"Dapat malaman 'to ni Mr. Hix"

"Huwag na, sigurado akong hindi rin gugustuhin ni Zadie na malaman 'to ng Daddy niya," sagot niya sa kapatid bago pa nito matapos ang sasabihin. "Sa ngayon, kakausapin ko muna ang asawa ko."

"Ako munang bahala sa kaniya kuya, bumalik ka kaagad dito. Paniguradong hahanapin ka ng anak mo."

***

Zadie's POV:

Mabilis akong napabangon nang mapagtanto kong hindi rito ang silid ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, ngunit wala akong maalala na nagpunta ako rito.

"Gising ka na pala"

"S-sir Chan?" gulat kong tawag dito nang pumasok ito. May dala pa siyang tray.

"Ako nga hija, wala ka bang naaalala?" saad nito kaya napahawak ako sa ulo ko. Wala akong maalala bukod sa mga putok ng baril at

"S-si Mr. Villin! Nasaan po siya?" tanong ko rito ngunit ngiti lang ang isinagot nito sa'kin. "S-sir Chan"

"Kumain ka muna Zadie, kailangang magkalaman ang tiyan mo," putol sa'kin nito. Agad ko namang nilantakan ang pagkaing ibinigay nito sa'kin.

Dalawang araw na akong hindi nakakakain, dahil puro tira-tira lang ang binibigay nila sa'kin.

"Dahan-dahan naman Zadie"

"Gutom na gutom na po kasi ako," namumungalang sagot ko at nang maubos ang pagkain sa bibig ko ay agad akong uminom ng tubig. "Bakit po pala ako nandito?"

"Iniligtas ka ni Kuya Zoren, Zadie. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ka pumapasok. Ang sabi naman ni Cloud ay may inaayos ka raw, kayo ng mga magulang mo," kwento sa'kin nito na ikinatigil ko. Napatingin naman ako sa mga sugat ko. Naka-benda ang magkabila kong kamay at maging ang mga sugat ko sa binti. "Si Kuya Zoren ang gumamot sa'yo, pati na ang sugat mo sa pisngi."

Napahawak naman ako sa kaliwang pisngi ko at pilit na ngumiti kay Sir Chan. Matapos kong kumain ay muli ako nitong pinagpahinga kaya nanatili lang ako sa kwarto hanggang sa pumasok si Mr. Villin.

"Z-Zadie"

"Mr. Villin!" tawag ko rito, mabilis siyang nilapitan at niyakap na ikinagulat nito. Natigilan naman ako nang ma-realize ko ang ginawa ko at mabilis na lumayo rito. "P-pasensya na po."

"It's okay hija, nabigla lang din ako," sagot nito sa'kin. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa kama habang naupo naman ito sa upuan. "Kamusta ang lagay mo?"

"O-okay naman po. Maraming Salamat po pala sa pagliligtas sa'kin, Mr. Villin. Hindi ko po inaasahan, pero maraming salamat po talaga," sambit ko dito at saka yumuko. Sobrang nahihiya tuloy ako sa mga nagawa ko sa kaniya. Iniligtas parin niya ako despite of what I've done to him.

"Anak kita, Zadie. Natural ililigtas kita," sambit naman nito sa'kin na ikinatingin ko sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan nito ang mga kamay ko. "Hindi man maganda ang relasyon natin, anak parin kita at handa kong isugal ang buhay ko, masigurado ko lang na ligtas kayo."

"M-Mr. Villin"

"Patawarin mo sana ako Zadie. Patawarin mo sana ako sa mga panahong hinahayaan ko ang nanay mo na itaboy kayo. Patawarin mo sana ako sa mga panahong hinahayaan ko na saktan ka niya. Patawarin mo ako anak at wala akong magawa"

"Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, Mr. Villin. Balang araw ay babayaran ko po lahat ng 'yon, pero hindi po gano'n kadali na ang nais niyo," putol ko dito matapos kong bawiin ang kamay ko.

Maraming taon ang nakalipas pero sa mga taong 'yon, wala kaming ibang hinangad kung hindi ang makalaya sa mga kamay nila kung hindi rin naman nila kami matatanggap. Wala kaming ibang hinangad kung hindi ang mamuhay ng normal pero ipinagkakait nila samin iyon.

"Naiintindihan ko anak, gusto ko lang malaman mo na hindi na ako ang Mr. Villin na iyon. Mahal na mahal kita anak, kayo ng mga kapatid mo."

Dugdug.Dugdug.

***

Lie Again

by: thesweetest_thing

Follow. Vote. Comment.






















Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.5K 9
2 tom dylogii ,,Agony"
73.7K 170 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
4.1K 442 34
What kind of poem would you write if you stopped caring about everybody else? Confessions of a Tired Poet is a collection of short poems that gives y...
769 76 49
This is not just a poem/ motivational book. It's a perception of a 17/18-year-old girl about the world or things that affected her and others too. I...