I'm sorry for the spoiled and short update guys but I hope you'll gonna enjoy reading this. 🙂
135TH ROSE || When a Man Cries
- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -
Ilang araw din ang nakalipas simula nung makipaghiwalay si Michelle kay Tric ay hindi na sila nagkikita at nagkakausap. Palaging wala si Tric, maging si Dae ay minsanan nalang n'ya kung makita. Buti nalang si Dae at nakikita n'ya sa linggong ito ngunit si Tric ay ni anino'y hindi n'ya nakita.
Aaminin ni Michelle na walang gabing hindi s'ya umiiyak dahil sa ginawang pananakit n'ya kay Tric—lalo na nung makita n'yang umiiyak ito dahil sa kanya. Ayaw n'ya talagang gawin sa totoo lang. Pero, ito lamang ang naisip n'yang paraan para matigil na ang gulo.
Nakatingin s'ya sa kanyang salamin matapos n'yang maisuot ang suit ng kanyang uniporme. Kinurot pa n'ya ang kanyang pisngi para sikapin ang sariling ngumiti.
Kahit ano'ng gawin kong pagprotekta sa kanila para hindi sila masaktan, sa huli pala ay ako lang rin ang mananakit sa kanila.
Pero sa halip na ngumiti'y napaluha na lamang s'ya at napahikbi.
“Langga, halika na handa na ang almusal—” mula sa pagbukas n'ya ng pinto ng kwarto ng kanyang pamangkin ay rinig na rinig n'ya ang pigil na hikbi at pagluha ng dalagita habang nasa harap ito ng salamin. “Langga, okay ka lang?”
Tahimik na pinunasan ni Michelle ang kanyang mga luha at huminga nang malalim para hindi s'ya mapahikbi. Hinarap n'ya ang kanyang baklang tiyuhin at ngumiti. “Okay lang po ako, Mama Rona.”
Alam na alam ni Mama Rona ma kahit sabihin ni Michelle na okay lang s'ya, alam n'yang may pinagdadaanan ito.
Tahimik n'yang nilapitan ang kanyang pamangkin at niyakap ito nang mahigpit. “Okay lang, langga. Ilabas mo lang 'yan. Andito lang ako para aluin ka.”
Ang kanina pang gustong pigilan ni Michelle na mga luha ay hindi na n'ya tuluyan pang napigilan. Tuluyan na s'yang naiyak at humagulgol sa balikat ng kanyang tiyuhin.
“Mama Rona, nasaktan ko na naman s'ya,” hagulgol n'ya. “Nasaktan ko na naman ang lalaking mahal ko.”
“Sige lang langga, ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Andito ako para makinig sa'yo,” niyakap pa nang mahigpit ni Mama Rona si Michelle at mas lalo pa itong humagulgol.
Gusto ni Mama Rona na 'wag nang pumasok si Michelle dahil wala ito sa kondisyon para pumasok sa eskwelahan pero ayaw naman 'yon na gawing rason ni Michelle. Nasasaktan s'ya, oo. Pero hindi tamang rason na lumiban sa klase para lang magmukmok.
Kaso para ngang wala s'ya sa eskwelahan dahil sa sobrang lutang n'ya. Daig pa n'ya ang umabsent sa sitwasyon na iyon. She’s physically present but mentally absent. Hindi n'ya maiwasang lumingon sa upuang nasa likuran n'ya. Halos mag-iisang linggo ng bakante iyon. Napabuntong-hininga na lamang s'ya at nagpatuloy na lamang sa kanyang ginagawang pakikinig at pagsusulat ng mga kailangang isulat ngunit sa halip na ang leksyon na isinulat sa pisara ang kanyang isusulat ay ibang salita ang kanyang naisulat.
I’m sorry.
Napakagat na lamang ng ibabang labi si Michelle, pinipigilan ang sarili na maiyak. Huminga na lamang s'ya nang malalim.
Desisyon mong iwan s'ya. Panindigan mo iyon… kahit masakit.
“Here’s one of the photos that I took from Dubai and it was featured in Austin’s travelogue with, of course, my name on it,” mangiti-ngiting pinakita ni Price ang ilan sa mga litratong kinuha n'ya sa Dubai kasama s'yempre ang iniidolo n'yang photographer.
“Woah, that’s awesome Price! Finally, you got what you wanted!” pumapalakpak pa si Kezie habang nakatingin si France sa nasabing travel magazine.
Kasalukuyang nasa refectory sina Michelle, Quia, Chantal at ang labing-anim na lalaking kaklase nila. Nasa table nila sina Luke, Riel, Price, Kezie, France at Raven at 'yung iba naman ay nasa kabilang table na nakadikit rin sa kanila. Para nga silang nagfi-fiesta dahil sa ingay nila (pero hindi naman sila ganoon kaingay). Dinner break muna nila kasi bago magpatuloy sa GAT/PAT review nila.
“Riel, give me some of that chicken curry!” sabi ni Nolan na medyo katabi lang ni Raven.
“Sure,” agad namang inabot ni Riel kay Nolan ang baunan n'ya na may lamang chicken curry. Kinuha muna iyon ni Raven kay Riel bago ito tuluyang iabot kay Nolan.
“Ang takaw mo talaga, Nolan,” natatawang komento ni Tyrone na kakauwi lang buhat sa Thailand para sa last stop ng world tour concert ng banda nila.
“Ako lang ang natatanging matakaw na may abs!” untag n'ya.
“Absolute fats!” natawa naman ang iba sa sinabi ni Errol at agad naman silang nagbangayan ni Nolan.
“Kumain na nga kayo. Ang ingay n'yo masyado.”
“Bugnutin mo naman Storm! Chill man, chill!”
“Kapag itong si Storm pina-date ko sa mga babaeng kilala ko, I’m sure hindi na 'yan magiging bugnutin lalo na kapag nakalasap na 'yan ng langit. Hahahaha!”
“That’s disgusting to hear, Kaizzer. Stop that!”
“Sus, pa-virgin pa 'tong si Leogne. Hahahaha!”
“Tahimik, Kai. Masasapak na talaga kita. I rather do it with my future wife than having flings. I don’t wanna have STD.”
“Manners, everyone. Nasa hapag tayo.”
“May dalaw ka ba ngayon? Hahaha!”
“Baka gusto mong magkaroon ng dalaw sa ilong mo, Nolan?”
“Basag ka na naman Nolan! Hahahahaha!!!”
“Heh!”
Kahit masaya ang paligid ay hindi magawa ni Michelle na makitawa o ngumiti na lamang sa mga kasama n'ya. Masyadong mabigat at masakit ang loob n'ya.
“Hindi mo nagalaw ang pagkain mo,” bahagyang napatingin si Michelle kay Luke habang naglalagay ito ng kaunting beef steak sa plato n'ya. “You better eat up. Ayokong nakikita kang ganyan.”
Isang munting ngiti ang sumilay sa labi ni Michelle. “Salamat.”
“Want some, Mich?” nakangiting inabot ni Quia sa kanya ang isang serve ng strawberry cupcake.
Strawberry.
Muling napakagat ng ibabang labi si Michelle nung maramdaman n'yang nagbabadya na namang tumulo ang kanyang mga luha. Huminga s'ya nang malalim at sinikap ngumiti sa harap ni Quia kasabay ng kanyang pagtango. Ngumiti na rin ang kanyang kaibigan sa kanya bago nito nilapag ang platitong may strawberry cupcake sa tabi ng plato n'ya.
Nakailang maliliit na subo si Michelle mula sa kanyang pagkain nung biglang hinihingal na pumasok si Arsean sa refectory papunta sa lugar nila.
“Guys! Michelle!” nagpapanic n'yang tawag sa mga ito.
Napatingin naman sila kay Arsean na ngayon ay hinihingal na itinukod ang kanyang mga kamay sa mesa.
“What’s wrong, Arsean? What’s with the panic?” nakakunot-noong tanong ni Nathaniel.
“Ano'ng problema, Arsean?” tanong rin ni Michelle.
“P-Pres, si-si Tric,” napalunok muna si Arsean bago dinugdungan ang kanyang sinabi. “Si Tric…”
Nanlalaking mga matang napatayo si Michelle mula sa kinauupuan. “A-Ano?”
“He was terribly drunk when he drove his car. Iniwasan n'ya 'yung six-wheeler truck at doon s'ya nabangga sa punongkahoy. Mabuti nalang may concern citizen na tumulong sa kanya,” wika ni Arsean habang sinasabayan ang mabibilis na yabag ni Michelle. Kasama silang magkakaibigan na sumama kay Arsean sa ospital nito kung saan naka-confine si Tric.
Tinungo nila ang private ward kung saan nananatili ang binata. Naroon si Dae sa labas ng nasabing ward na kagat-kagat ang kanyang kuko. Agad silang lumapit doon.
“What are you doing here?!” ramdam ni Michelle ang galit sa boses ni Dae ngunit wala s'yang pakealam doon. Gusto n'yang makita si Tric. Gusto n'yang malaman ang kalagayan nito.
“Si Tric… gusto ko s'yang makita,” nanginginig s'ya sa sobrang pag-aalala sa binata.
Dae scoffed as she glared at her. “Now, you have the nerve to know what his condition right now?! It’s your fault, you bitch!”
“Jung Da Eun, you’re too much! Just let Michelle enter that bloody room!” inis na untag ni Chantal.
“Why would I do that?! Kung hindi dahil sa babaeng 'to, hindi maaaksidente si Tric! Hindi masasaktan ang fiancé ko!” agad tinulak ni Dae si Michelle. “You have no right to get inside this room! I don’t want him to see you so get out of here!”
“Stop that, Da Eun! Stop pushing her goddamnit!” panay ang pigil nina Quia at Chantal kay Dae habang hawak ni Luke at Raven si Michelle na wala atang balak labanan si Dae.
“Stop that, Jung Da Eun!” sita ni Nathaniel sa kanya at pinigilan na rin si Dae sa panghahampas kay Michelle nung hindi na nakayanan ng dalawang babae ang pagiging agresibo nito.
“Just get the fuck out of here! You don’t deserve to see Tric! I will not allow you to see him!”
“Alam ko!” napasigaw na rin si Michelle kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha at natigilan ang lahat ng naroon, kahit si Dae. “Alam kong hindi ko deserve na makita s'ya dahil sinaktan ko s'ya! Alam ko 'yun dahil ginawa ko 'yon para sa'yo!”
Nanginig ang ibabang labi ni Dae habang nakatingin sa humihikbing si Michelle.
“Sa tingin mo ba ginusto ko lahat ito, ha?! Sa tingin mo ba ginusto kong makitang halos lumuhod na sa pagmamakaawang 'wag ko s'yang hiwalayan para sa'yo at sa papa n'ya?! Sa tingin mo ba madali para sa akin na nakita s'yang nasasaktan na wala naman s'yang ibang ginawa kundi ang maging tapat at mahalin ako?! Sa tingin mo ba madali para sa akin ang saktan ang lalaking buong puso kong minahal?! Hindi! At kailanman hindi mo 'yon maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko!” panay parin ang pagluha at paghikbi ni Michelle habang nananatiling tahimik ang lahat ng naroon. “Pero ginawa ko parin iyon para maging maayos ang lahat at para sa'yo kasi alam kong magiging maayos ang sitwasyon n'ya sa'yo. Kahit masakit ginawa ko parin dahil ayoko s'yang maging miserable sa piling ko.”
Hindi na rin maiwasan nk Dae na maluha sa sinabi ni Michelle
“Nagmamakaawa ako sa'yo…” nahihikbing untag ni Michelle. “Kahit sa huling sandali… gusto kong makita si Tric.”
Hindi alam ni Tric kung nasaan s'ya sa mga sandaling ito. Basta nararamdaman n'yang mabigat ang pakiramdam at ang ulo n'ya ngunit nagbibigay ng gaan ng loob n'ya ang malumanay na haplos sa pisngi n'ya.
Unti-unting binuksan ni Tric ang kanyang mga mata. Sa una'y nanlalabo pa ang kanyang paningin kaya nanghihina s'yang kumurap-kurap at kalauna'y lumilinaw ang kanyang paningin at nakita n'ya ang mukha ni Michelle na ngayon ay nakatingin sa kanya.
He flaunted a sad, painful smile with his hoarse voice. “Am I dreaming again?”
Umiling-iling si Michelle at binaba ang kanyang kamay papunta sa kamay ni Tric. Kitang-kita n'ya ang puting benda sa ulo ni Tric maging ang nanghihinang, matamlay na mukha nito. “Hindi ka nananaginip. Ako ito.”
Nanatiling tahimik si Tric habang nakatitig sa kanya. Hindi nakatakas sa mga mata ni Tric ang mugtong mga mata ng dalaga. “Why… why are you crying?”
“Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako,” sinikap n'yang ngumiti sa binata kahit alam n'yang alam nito na nagsisinungaling s'ya.
“I know you when you lie.”
“Bakit ka nag-drive nang lasing?” bakas sa boses ni Michelle ang inis sa ginawa ng lalaki.
“I was… I was about to go home but this thing happened,” Tric tried to flaunt a smile but failed. “I’m so clumsy as fuck.”
“Bakit ka naglasing?”
Pumikit s'ya sa naging tanong ng binata. “I can’t forget you by simply making myself busy or by sleeping. You kept on haunting me that’s why I came up with the idea of making myself being drunk.”
“Sa tingin mo ba, tama ang ginawa mo? Tignan mo ang ginawa mo sa sarili—”
“You don’t know what I feel,” he stared at her and she can feel the pain in his eyes. “You don’t know how painful for me seeing the girl I love breaking up with me… walking away from me,” sansala n'ya.
Bumigat ang paghinga ni Michelle ngunit sinikap n'yang magsalita. “Alam ko pero… hindi ako hihingi ng tawad dahil mas lalo lang kitang masasaktan kapag ginawa ko iyon.”
“Why do you keep on pushing me away from you?” nagsimula na namang mamaos ang boses ng binata. “Why are you doing this for them?”
“Hindi ko ito ginagawa para sa kanila,” tuluyang naluha si Michelle. “Ginagawa ko ito para sa'yo.”
“Do you… do you even love me, Michelle?”
Hindi ito sinagot ni Michelle. Sa halip ay dahan-dahan s'yang yumuko palapit sa mukha ni Tric at dahan-dahang siniil ang kanyang mga labi sa binata, binubuhos ang kanyang emosyon at pagmamahal n'ya sa halik na iyon.
Tric can taste her salty tears from her lips brushing into his. He can taste the pain and love from her kiss. He love it when Michelle initiates the kiss because he felt accepted and loved. But now, he can’t help but shed tears because of the kiss.
Because he can taste that this might be the end.
Hiniwalay ni Michelle ang kanyang mga labi sa binata at hinaplos ang mukha ng binata. “Our parting may be painful but I’m doing this for a reason. A reason to make you settled and be happy… because I love you more than anything, boo.”
Tahimik na lumabas si Michelle sa ward ni Tric at agad s'yang sinalubong ni Dae na blangkong nakatingin sa kanya. Akmang sisinghalan na s'ya nito ngunit ngumiti s'ya rito.
“Ingatan mo si Tric para sa akin. Punan mo ang mga naging pagkukulang ko sa kanya. Gusto kong maging maligaya s'ya sa piling mo.”
Hindi na nagawa pang magsalita ni Dae dahil agad s'yang tinapik ni Michelle bago ito lumakad palayo.
Alam at ramdam ng kanyang mga kaklase ang lungkot n'ya at ang kagustuhan n'yang mapag-isa kaya walang ni isang sumunod sa kanya.
Huminga nang malalim si Dae bago unti-unting binuksan ang pintuan ng ward ni Tric at doon, bumungad sa kanya ang pagtaas-baba ng mga balikat ni Tric at ang tahimik na hagulgol nito habang nakaharap ang likod nito sa kanya.
My halmeoni once said that harabeoji cried because of her when they broke up. They passed many challenges and heartaches. Halmeoni once gave up for them but harabeoji is persistent to fight for her. That’s what they been through before they became happy.
Halmeoni said that once a man cried for you, it means you’ll not gonna let go of that guy because no one can replace you in his heart.
When a man cries for you, it means he loves you more than anything else.
Muling sinara ni Dae ang pintuan kasabay ng pagtulo ng maliit na likido mula sa kanyang mga mata.
-----
To be continued...