Sorry for the very slow and short update for today, guys. I'm not feeling well because of my toothache as well as my fever but I still hope you'll enjoy reading this chapter. :)
Special shoutout to Althea Merrah Dag-uman Sebag, my youngest reader that I've known (because she's actually a Grade 6 pupil), I am so happy that you love 18RLOTE. Thank you so much for reading this baby. Lovelotes. ♥
Chapter 134 is up. Enjoy reading. ♥
134TH ROSE || Is it a misery to love you?
- MICHELLE SUMASTRE -
"Sir, maawa naman po kayo sir! Malapit na po namin mabayaran ang lahat ng balanse namin sa lote! 'Wag n'yo naman kaming paalisin!" mabibilis na yabag ang ginawa ko nung marinig ko ang nagmamakaawang boses ni Mama Rona.
"Oo nga ser! Nasa kontrata po iyon, hindi ba? Sinabi sa kontrata na may kalahating taon kami para mabayaran ang lote. Malapit na po naming mabayaran ang balanse namin at konti nalang iyon kaya hindi n'yo kami pwedeng paalisin!" narinig ko ring sabi ni Shakira.
"I'm sorry, Mr. Sumastre pero nakahanap na kami na willing na buyer ng lupang tinatayuan ng restaurant n'yo. Babayaran n'ya nang buo ang lupa at since ako ang may-ari ay may karapatan akong ibenta iyon sa kanya at paalisin kayo," sabi ng nung lalaking kausap ni Mama Rona.
"Ser, hindi naman po pepwede iyon. Malapit na naming matapos bayaran ang lupang ito kaya hindi n'yo pwedeng ibenta ito sa iba. Nasa kasunduan natin iyon!" halos maiyak na si Mama Rona habang nagmamakaawa sa may-ari ng lupa. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Mama Rona dahil dugo, pawis at buhay n'ya ang restaurant at salon kaya mahirap sa kanyang pakawalan ito.
"I'm sorry, Mr. Sumastre pero may willing buyer kami na dodoblehin pa ang bayad kesa sa bayad ninyo," anito.
"Hindi naman po siguro tama iyon, sir. Regular na nagbabayad ang tiyuhin ko sa inyo tapos ibebenta n'yo lang sa ibang tao dahil lang sa dodoblehin n'ya ang pagbili sa lupa? Hindi naman makatarungan iyon, sir!" bwelta ko.
"Ako ang may-ari ng lupa kaya may karapatan akong ibenta iyon sa iba!" inis na tugon ng may-ari sa akin.
"Sino po ba ang bibili ng lupang ito para i-priority ninyo nang ganyan?"
"Si Mr. Baek Byung Soo."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko mula sa kanya kung sino ang bibili sa lupang tinatayuan ng restaurant ni Mama Rona.
Hininto ko ang scooter sa harap ng building ng Castellon Group of Companies. Matapos kong bumaba at tanggalin ang helmet mula sa ulo ko at nilagay sa scooter ay huminga ako nang malalim at pinasok ang nasabing building.
Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay hinarangan ako ng dalawang guard. "Hey, kid. Who are you? Do you have any appointments?"
Tahimik akong lumunok bago sumagot. "I-I'm Michelle Sumastre, Tric Marion Baek's classmate and I am here to talk to Chairman Baek."
Nagkatinginan naman ang dalawang guard at agad kinuha nung isang guard ang walkie-talkie na nasa tagiliran n'ya at may kung sino s'yang kinakausap doon habang panay ang pagsulyap n'ya sa akin. Matapos n'yang makipag-usap sa kausap n'ya sa walkie talkie ay muli n'ya akong tinignan at pinapasok na nila ako.
Huminga ako nang malalim at nagtanong sa receptionist kung saan ang opisina ni Chairman Baek. Nung malaman ko na kung saan ay dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 50th floor kung saan naroon ang kanyang opisina.
Gusto kong umatras sa binabalak kong pag-komprunta kay Chairman Baek dahil sa kabado at natatakot ako. Malalaking tao na ang binabangga ko dahil sa relasyon namin ni Tric at 'di hamak naman na mababa lang ang antas ko kumpara sa kanila.
Pero hindi ko naman sila pwedeng hayaan na galawin nila ang pamilya ko. Ako ang kalaban dito at walang kinalaman ang pamilya ko dito.
Wala na akong panahon para magpakaduwag. Kailangan ko sila harapin na mag-isa.
Agad kong binuksan ang double doors at bumungad sa akin si Chairman Baek na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Hinarangan ako ng kanyang mga bodyguards at agad n'yang itinaas ang kanyang kamay.
"Let her. She has an appointment with me. Please leave us alone."
Yumuko naman sa kanya bilang paggalang ang dalawang guards bago nilisan ang kanyang opisina, iniwan kaming tatlo ng kanyang sekretarya.
"You startled me in your surprise visit, Miss Sumastre. What can I do for you?" halata sa kanyang mukha na napipilitan s'yang ngumiti sa akin.
"Alam ko po... alam ko po na ayaw n'yo po sa akin para sa anak n'yo. Pero, hindi n'yo naman po kailangang idamay ang pamilya ko," ramdam ko sa boses ko ang panginginig ng aking sistema sa mga sandaling iyon.
"You already know that my son is now engaged with Jung Da Eun which happens to be your classmate. You've witnessed that because you're there, in the engagement party, right?" pinagsiklop n'ya ang kanyang kamay habang nakatingin sa akin. Mula sa kanyang mga mata at sa kabuuhan ng kanyang mukha, makikita kong nakuha nga ni Tric ang features ng kanyang mukha, maging ang dating ng kanyang pagsasalita at mannerism. Pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng galit sa kanya. "Yet you're sneaking out with my son and you've dating each other secretly. Do you think I can let it slide?"
"Mahal ko po si Tric," matapang kong wika sa kanya. "Mahal namin ang isa't isa at sa kanya lang ako maniniwala at magtitiwala."
"Fuck that love, kid! Love can't save you in this misery that you want to enter!" unti-unting nagtaas ng boses si Chairman Baek. "I raised and I molded Tae Hyun the way he is right now and you want me to let him end up with a peasant like you? Is this some kind of joke?"
"Tawagin n'yo na ako sa kung ano ang gusto n'yong itawag sa akin. Insultuhin n'yo na ako kung iyan ang gusto n'yo pero 'wag na 'wag n'yong huhusgahan ang nararamdaman ko para sa anak n'yo dahil lang sa dukha ako," ani ko.
"Michelle Sumastre, are you willing to see your family suffer and become miserable because of your crazy love towards my son?" he smirked. "I don't think so. You can't even stand seeing your uncle suffer because of you, how much more if your family back in Pagadian? Do you want to see them miserable too? I. Don't. Think. So."
Unti-unting tumulo ang mga luha ko sa sinabi n'ya. Alam ko namang sa laban kong ito sa ama ni Tric, alam kong talo na ako. Masyado lang akong bulag sa ideyang andyan si Tric para sandalan ko ngunit maging s'ya ay wala ring magagawa.
"What I want you to do is easy as one, two, three, Michelle. You just have to break up with my son. Cut your ties to him and stay away from him and I can ensure your family's safety and peace. Everything will be back to normal if you did. No one will be miserable," sabi n'ya. Sinenyasan n'ya ang kanyang sekretarya sa gilid n'ya at agad nilagay ng kanyang sekretarya ang dalawang briefcase at binuksan iyon. "I can provide you money for you to start again. It's twenty million pesos. If it's not enough, I can give you more to support your family. In exchange, you'll promise that you'll cut your ties to my son and you will stay away from him."
Isang mapait na ngiti ang iginawad ko sa kanya. "Nakakatawang isipin na binibili n'yo ang buhay at desisyon namin na para bang ginawa kami para hamakin n'yo lang. Pantay tayong ginawa ng Diyos. Hindi n'yo mabibili sa ganyang kaliit na halaga ang mga buhay at desisyon namin."
Nanatiling blangko ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
"Kung ano man ang ugnayan at desisyon namin ni Tric sa isa't isa ay sa amin na lamang iyon. Walang kinalaman ang kayo at ang pamilya ko para idamay ninyo rito. Kung ano man ang kahihinatnan naming dalawa sa relasyon naming iyon, desisyon na namin iyon," lumunok ako, sa pagbabakasakaling maibsan ko ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawa. "Hindi n'yo kailangang gamitin ang pamilya ko bilang panakot at suhulan ako para gawin ang desisyon ko. Hindi n'yo kailangang gawin ito dahil lang sa mahirap ako. Hindi n'yo kailangang gawin ito dahil alam kong rerespetuhin ni Tric ang desisyon ko."
Yumuko ako bilang paggalang sa kanya at hindi ko na s'ya hinintay pang magsalita dahil agad akong lumabas ng kanyang opisina.
"Michelle," rinig na rinig ko ang boses n'ya habang naglalakad sa tahimik na naglalakad sa lobby ng aming building. Alas sais na ng gabi at nandito parin kami sa eskwelahan. Hanggang alas siete pa kasi kami rito dahil sa puspusan naming pagrereview para sa GAT/PAT.
Ilang araw ko ring hindi nakita si Tric dahil abala ito sa Korea at sa kompanya nila kaya nga hindi na s'ya nagagawi sa aming bahay. Nagtetext rin s'ya pero wala akong balak na sagutin ang mga iyon kahit na aaminin kong namimiss ko na s'ya.
"Hey baby," unti-unting dumako ang tingin ko sa kanya nung maramdaman kong nasa tabi ko na s'ya. "I've been calling you a couple of times. Hindi mo ba ako narinig?"
Narinig kita. Hindi lang basta narinig. Memoryado na ng sistema ko ang boses mo. Ang boses mo na nagiging isa sa rason bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang boses mo na gusto kong marinig kaysa sa nauusong kanta sa panahong ito. Ang boses mo na...
"Sorry, hindi ko narinig..." malumanay kong tugon sa kanya.
"Ang lalim ata talaga ng iniisip mo kaya mo ako hindi narinig," he smiled sheepishly. "Don't stress yourself on the GAT/PAT exam. I know you can do it. I'm a proud folk here because I have a smarty-pants girlfriend."
Tipid akong napangiti. Ngunit alam kong malungkot ang ngiting iyon.
Girlfriend. Ang sarap pakinggan ng salitang iyan mula sa'yo.
Tumango naman ako bilang tugon.
"It's our break time. You wanna eat something? I'll treat you," mangiti-ngiti s'yang naunang maglakad sa akin.
Gusto kong makita araw-araw ang ngiti mong iyan, Tric. Gusto kong ako ang dahilan kung bakit ka ngumingiti at masaya.
Ngunit alam kong hindi pwede.
"Tric Marion Baek."
Ngumuso si Tric. "Baby, I told you not to call me by my name. It's not fair! You should call me boo."
"Tric..." nagsimulang bumigat ang aking paghinga. "Tapusin na natin 'to."
Kumunot ang noo n'ya. "What are you... what are you saying?"
"Makikipaghiwalay na ako sa'yo."
Ilang segundo s'yang tumitig sa akin at bahagyang natawa bago ako nilapitan at hinawakan ang pulsuhan ko. "Shit, baby! You almost got me on that. Stop pranking me and let's eat dinner together. Hindi mo alam kung gaano kita namiss tas magpa-prank ka ng ganyan. Sa susunod 'wag ka nang lumapit kay Nolan. Nahahawa ka na eh."
Pumiglas ako sa kanyang pagkakahawak. "Seryoso ako, Tric. Makikipaghiwalay na ako sa'yo."
"Baby, did I do something wrong?" gusto kong nang maiyak sa dating palang ng boses n'ya. Nagiguilty s'ya sa isang bagay na alam kong wala s'yang nagawang kasalanan.
Pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan ko s'yang maitulak palayo nang sa gano'n ay masisiguro ko nang hindi na s'ya kailanman makakalapit sa akin at bumalik na sa dating ayos ang lahat.
"Napapagod na ako, Tric. Napapagod na akong magtago. Napapagod na akong makasama ka at napapagod na ako sa relasyon natin. Kaya, maghiwalay na tayo."
Hindi ako kailanman napagod na mahalin ka, Tric Marion Baek.
Bago pa man n'ya makita ang rumaragasang luha sa aking mga mata ay naglakad na ako palayo sa kanya pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay niyakap na n'ya ako mula sa likuran. Pigil na pigil ang paghikbi ko habang niyayakap n'ya ako nang mahigpit.
"Baby, don't do this. Don't leave me like this..." his voice broke as he said those words.
Pumiglas ako mula sa pagkakayakap n'ya at hinarap s'ya. "Ano ba sa salitang 'napapagod' ang hindi mo maintindihan, Tric Marion Baek?! Napapagod na ako sa relasyon nating ito! Ayoko na! Itigil na natin ito!"
"Stop this, Michelle! I know you're lying! I know you can't do this because I know you!" ramdam ko na ang sakit sa kanyang pagsigaw.
"Hindi mo ako lubusang kilala kaya itigil na natin ang kahibangang ito. Layuan na natin ang isa't isa," akmang aalis na ako ngunit agad n'ya akong binilanggo sa kanyang mga braso kaya napasandal ako sa pader.
"Did my father threat you to break up with me?" namamaos n'yang tanong. "I told you that I will fight for us. I will fight for us against the odds. What I want you to do is to trust and believe me! Why the fuck are you doing this?!"
"Dahil ayokong maging miserable ka at malugmok dahil sa akin!" tuluyan na akong napahikbi. "Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan dahil sa akin! Masyado ka nang miserable dahil sa akin at gusto na kitang palayain dahil do'n!"
"Do you really think I am fucking miserable because of you?! Fuck, Michelle what kind of nonsense thought is that! Hindi ko kailanman naisip na maging miserable—"
"Sa ngayon," sansala ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. "Sa tingin mo ba magiging masaya parin tayo kapag ipagpapatuloy natin ito? Ikaw at ako laban sa pamilya mo, laban sa mundo mo. Hindi mo kakayanin iyon, Tric. Hindi mo kakayanin iyon dahil ikaw si Tric Marion Baek."
Tatlong segundo s'yang natahimik bago magsalita. "Is it a misery to love you?"
Kasabay ng matapang kong tingin ay ang pagtulo ng luha ko. "Oo."
Kinagat n'ya ang ibaba n'yang labi at kasabay ng kanyang mapait na ngiti ang pagtulo ng kanyang luha. "You're a terrible liar, Michelle Sumastre. You love breaking promises and left me picking the shards until it'll make me bleed."
Unti-unti s'yang naluha sa harap ko at mas lalo akong nanghinang nakikita s'yang nababasag ang puso dahil sa akin.
Isinara ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at inilapat ko ang nanginginig kong mga labi sa nakaawang n'yang mga labi. Nalalasahan ko ang maalat n'yang mga luha ngunit nanatili parin ang mga labi ko sa kanya. Unti-unti kong naramdaman ang pagtugon n'ya sa aking mga halik habang kinukulong n'ya ako sa kanyang mga bisig. Mas malalim ang kanyang mga halik na pakiramdam ko ay lahat ng emosyon at pagmamahal na gusto n'yang maramdaman ko ay binubuhos n'ya sa halik na iyon, kinukumbinse akong 'wag lumayo sa piling n'ya.
At mas nasasaktan lang ako.
Marahan ko s'yang tinulak palayo ngunit nanatili ang kanyang noo na nakadikit sa akin.
"Kajima... please don't leave me, baby."
Pumikit ako nang mariin dahil ayokong makita ulit s'yang lumuluha. Unti-unti kong nilagay sa kamay n'ya ang kwintas na binigay n'ya sa akin nung 18th birthday ko na simbolo ng pagmamahal n'ya sa akin na hindi ko napansin nung mga panahong iyon.
"Patawarin mo ako, Tric Marion Baek."
Muli akong napahikbi at muli s'yang tinulak palayo. Umalis ako sa lugar na iyon at iniwan ang lalaking mahal kong nag-iisa at umiiyak ng dahil sa akin.
18th law of the elite: Never fall in love with an elite for you will become his biggest misery...
We already broke the laws of the elite...
...yet those are still haunting our lives.