121ST ROSE || Surprise Blowout
- MICHELLE SUMASTRE -
"Halika, bilis!" kahit medyo hinihingal ako sa pag-akyat sa Namsan Tower habang hinihila si Tric ay hindi ko na iyon iniisip. Andito kami sa Namsangongwon-gil, Yongsan 2(i)ga-dong, Yongsan-gu sa Seoul kung saan makikita ang Namsan Tower o ang Seoul Tower (ang haba ng address nalula ako sa pag-memorize). Andito na rin lang ako sa Korea eh 'di lulubus-lubusin ko na bago kami umuwi sa Pilipinas mamaya.
"Aish, ya, babo ahjumma. You should be careful and stop walking so fast!" medyo hindi na napapabilis ang lakad ko dahil pinipigilan ako ni Tric na lumakad nang mabilis. Medyo nababalutan kasi ng snow ang daraanan papunta sa gusto kong puntahang parte sa Namsan tower. Hindi ko na s'ya pinansin dahil abala ako sa paghahanap ng lugar na iyon.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ko nung makita ko ang parteng hinahanap ko sa lugar na iyon. "Eto nga! 'Yung Locks of Love!"
"How did you know about this place?" tanong ni Tric at nararamdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin habang nakatingin ako sa mga locks na naroon.
"Sa mga pinapanood kong Korean Dramas," humarap ako sa kanya at ngumiti nang malapad.
"Babo," bahagya s'yang natawa sa sinabi ko. "Pero wala tayong locks para ilagay dito. Hindi mo kasi ako sinabihan kanina na balak mong pumunta rito eh."
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko sa kanya at agad pinakita ang dalawang padlocks na binili ko—baby blue at baby pink. "Charan~"
"Where did you get that?"
"Dumaan kami kanina nina Hye Ra at Seul Gi sa Namchang-dong, Jung-gu, do'n sa Namdaemum Market. Medyo malapit naman 'yun sa Mapo-gu kaya dumaan kami doon. Hindi ko alam nung una kung bakit naisipan nina Hye Ra na dumaan kami doon. 'Yun pala pinabili nila ako ng dalawang padlock at sinabihan ako na pumunta ng Namsan Tower kasama ka. S'yempre nagkainteres naman akong pumunta kaya pumayag na ako. Gusto sana nila akong librehin sa pagbili ng padlocks pero umayaw ako," ngumiti ako sa kanya at binigay sa kanya ang kulay baby blue na padlock. "Magsulat ka na d'yan. Magsusulat na rin ako!"
Pinakita ko sa kanya ang hawak kong pentel pen at hinarap ang mga locks of love na naroon. Medyo nag-loading pa ako sa kung ano ang isusulat ko kaya sumilip muna ako kay Tric.
"이처럼 영원히 사랑하고 지내자 "
Bahagya akong napanguso habang nakikita s'yang tahimik na nagsusulat. Buti pa s'ya may naisip nang isulat. Hindi ko nga lang maintindihan. Hindi naman ako marunong magbasa ng Korean eh. Hahaha.
"Ah, alam ko na," biglang sumagi sa isip ko 'yung nabasa kong quote habang nagba-browse sa google nung isang araw. Nagustuhan ko kasi ang quote na iyon kaya minemorize ko talaga.
"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage." – Lao Tzu.
Mangiti-ngiti kong tinignan ang sinulat kong quote sa padlock. Sinulat ko naman ang 'Michi x Tric' sa baba ng nasabing quote at nilagyan ito ng heart sa hulihan. Lihim akong humagikhik sa aking sinulat. Dati-rati'y pinagtatawanan ko ang mga kaklase kong babae kapag vinavandal nila ang kani-kanilang mga notebook ng pangalan nila at pangalan ng crush nila tulad nito. Pero, hindi ko lubos maisip na ginagawa ko na rin ito ngayon. At natutuwa naman ako dahil ginagawa ko na ito kasama ang lalaking mahal ko.
Akmang i-la-lock ko na ang padlock na hawak ko sa isa sa mga nagkukumpulang padlocks na naroon nung maramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa mga nanlalamig na mga kamay ko mula sa likuran at pinagsamang i-lock ang padlock na hawak n'ya at ang padlock ko bago n'ya ako tuluyang yakapin mula sa likuran.
"Icheoleom yeongwonhi saranghago jinaeja," napatingin naman ako kay Tric na ngayon ay nasa balikat ko ang kanyang baba at nangingislap ang mga matang nakatingin sa akin. "'Yun ang sinulat ko sa padlock."
"Ano'ng ibig sabihin no'n?"
Ngumiti naman s'ya sa akin. "Let's love and stay like this forever."
Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago ako pumihit paharap sa kanya. Nanatili ang ngiti n'ya sa akin habang hinahawakan ang bukas n'yang overcoat. Agad ko naman s'yang niyakap at naramdaman ko naman ang pagbalot ng overcoat n'ya sa akin kasabay ng kanyang mga braso na ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap.
This is really where I belong.
"I love you," bulong n'ya sa ibabaw ng aking ulo.
Ngumiti ako. "Nado saranghaeyo, boo. O, marunong na akong mag-Korean. Turo 'yan sa akin ni Hye Ra."
"You should learn more, baby," he chuckled as I felt his lips on my forehead. I closed my eyes and savor the moment while I'm in his arms.
Yes, let's love and stay like this forever...
"Class pres, good morning!" gusto ko sanang batukan si Price dahil mas ginulat n'ya ako sa pagkuha n'ya ng stolen shot kesa sa malakas na pagbati n'ya sa akin.
Pero hindi ko nalang ginawa 'yun. "Good morning din. Ang saya-saya mo ah?"
"Yes, I am! Wanna know why?" he grinned from ear-to-ear. "Senior Austin is offering me a photography training with him as my trainer. Isn't it amazing?"
Tuwang-tuwa akong pumalakpak para sa kanya. "Waah, congrats, Price! Finally, natupad na rin ang pinapangarap mong maturuan at makasama sa larangang iyan si Sir Austin."
"Salamat, Class pres," Price smiled at me in a giddy manner. Natutuwa naman ako dahil do'n dahil magagawa na rin n'ya ang matagal na n'yang hangarin.
"Class pres, you'll join us in the refectory later, right? May bago akong recipe na pinag-aralan kagabi at sana magustuhan mo 'yon!" sabi ni Riel habang inaakbayan si Price.
"Ano na namang recipe iyon, Riel?" tanong ni Leogne sa kanya na nakaupo sa isa sa mga mesa na nasa gilid ko. Mukhang hinahanda n'ya ang sarili n'yang hindi matawa sa magiging sagot ni Riel. Baka iniisip n'ya na Pancit Canton ang naluto ni Riel dahil sa reaksyon n'ya.
"Pochero!" Riel grinned at us. "I learned it from our new maid."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya at bahagyang pumalakpak. "Talaga? Pochero?"
Kumunot naman ang mga noo nina Leogne at Price. "What was that?"
Paboritong pagkain ko 'yung Pochero! "Sige ba! Excited na akong matikman iyon!"
"Great!" lumapad pa ang ngiti ni Riel sa akin.
"What's that dish, Riel? Mind telling us?" agad s'yang kinulit nina Leogne at Price.
"Secret! Basta, makikita n'yo rin mamaya!"
"Ngayon mo na kasi sabihin!"
"Ayoko nga! Tinatamad akong mag-describe ng itsura no'n!"
"Chelle..." napatingin agad ako kay Nathaniel na prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan ng classroom namin.
Ngumiti naman ako at hinarap s'ya. "Good morning."
Ngumiti rin s'ya sa akin at tumango. "Can you make a coffee for me? I still haven't taken my breakfast and I just arrived from Chicago."
Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. "Sige ba basta ikaw."
He let go a husky chuckle and we walked out of our classroom.
Ang daming naikwento si Nathaniel sa akin habang naglalakad kami papuntang SSG office. Pansin ko nga, naging madaldal nga ngayon si Nathaniel at nakakapanibago 'yon para sa akin. Pero hindi bale, natutuwa nga ako at naging ganito s'ya sa akin kesa nung una nung magtapat s'ya ng pag-ibig sa akin. Para bang nagiging maayos na rin ang lahat sa pagitan naming dalawa.
"We're actually planning to launch a jumbo airplane in Canada, Chicago and New York. I hope the board will agree about it," at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang narinig si Nathaniel na nagdarasal na sana'y ma-aprubahan ng board of directors ng kumpanya nila ang suhestyon o proposal n'ya. Dati-rati'y gusto n'ya na kung ano ang gusto n'ya'y 'yon na ang masusunod at wala na s'yang pakealam sa opinyon ng ibang tao. Nakakatuwa talaga ang pagbabago ng pananaw n'ya sa opinyon at opinyon ng ibang tao. Magandang senyales 'yon na nagsisimula nang magtiwala at makinig sa ibang tao si Nathaniel. Hindi na s'ya ganoon ka-egocentric.
Marahan ko naman s'yang tinapik sa kanyang balikat. "Alam kong ma-a-aprubahan nila iyon. S'yempre, malaki rin ang kikitain kapag jumbo plane ang gagamitin. Lalo na kapag may mga events na kailangan i-cater lahat ang mga pasahero at hindi na nila kailangang mag-separate ng flight. Tsaka, 'wag kang masyadong kabahan at manalig ka lang na maa-aprubahan iyon. Sus, ikaw pa? Malaki kaya ang tiwala namin sa'yo."
Ngumiti naman s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang aking ulo. "Thank you for the encouragement, Chelle."
"What are friends are for, 'di ba?"
He slightly smiled. "Yeah, friends."
Nung nasa harap na kami ng SSG Office ay agad n'yang binuksan ang pinto para makapasok kaming dalawa ngunit natigilan naman s'ya at napatitig sa kung saan. Sinundan ko naman ang titig n'ya at bumungad sa akin si Honey Stephanie na naghahanda ng pagkain at kape sa ibabaw ng mesa n'ya.
Gulat at kaba ang nakikita ko sa mukha ni Honey habang hinahagod ang kanyang batok. "I-I made a breakfast and coffee from you. Nalaman ko kasi sa secretary ni Daddy na magkasabay kayong dumating dito sa Pilipinas at alam kong dumiretso ka na rin dito sa Empire Academy kaya alam kong wala ka pang agahan."
Nanatiling tahimik na nakatingin si Nathaniel sa kanya kaya bahagya s'yang yumuko at agad akong napatingin kay Nathaniel. Tahimik ko naman s'yang siniko para kausapin si Honey pero nanatili s'yang tahimik at blangkong nakatingin sa kanyang fiancée.
Napansin kong huminga nang malalim si Honey bago magsalita. "K-Kung ayaw mo sa hinanda ko, a-aalisin ko nalang sa mesa—"
"It looks delicious. Are you the one who cooked it?" sa tantya ko ay sabay kaming napatingin ni Honey sa kanya.
"E-Eh?" unti-unting tumango si Honey. "Y-Yes."
Tumikhim muna si Nathaniel bago lumapit sa mesa n'ya kung saan nakatayo roon si Honey. "You bothered yourself making a breakfast for me."
"No, no. Not at all. I..." she trailed off. "I really want to make a breakfast for you. I know you don't want a heavy breakfast but I know you're tired from work so I made a full-carbohydrate breakfast for you."
"Hmm," Nathaniel nodded. "Thank you."
Napangiti naman ako habang pinapanood silang dalawang mag-usap. Buti nalang wala akong makikitang tapunan ng pagkain at kape part two sa opisinang ito.
Napailing na lamang ako. Hay naku, Nathaniel. Dapat ma-realize mo na talaga kung gaano ka ka-swerte kay Honey dahil kahit tinataboy mo s'ya nang tinataboy ay mahal ka parin nito. Masasabi ko talaga na tunay ang pagmamahal ni Honey kay Nathaniel. At sana man lang ay ma-realize iyon ni Nathaniel.
Mukhang nagkakamabutihan na sila sa kanilang pag-uusap ay minabuti ko nang umalis sa nasabing opisina. Wala na ring rason para gawan ko pa ng kape si Nathaniel dahil nagawan na s'ya ni Honey. Dahan-dahan kong sinara ang pintuan ng SSG Office at naglakad na pabalik ng aming classroom. Ilang lobby pa ang dinaanan ko at saktong pagliko ko ay sumalubong sa akin ang isang chinitong lalaki dahilan para muntik akong mabangga sa kanya. Mayroon din s'yang kasamang lalaki na nasa tabi n'ya na nasa mga late-20s o mid-30s na. Medyo may katandaan na ito at sa tantya ko ay medyo magkasing-edad lang sila ng papa ni Nathaniel. At gaya rin ng papa ni Nathaniel ay intimidating ang presensya nito. Bakas ang superiority sa kanyang pagmumukha.
Agad akong yumuko bilang paghingi ng dispensa. "I-I'm sorry po, Sir. Hindi ko po sinasadya na muntikang mabangga sa inyo. Pasensya na po talaga at hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko."
Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa aking balikat dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya. "It's okay, Miss."
Muli akong yumuko bilang pagbati at pagbigay galang. "Pasensya na po talaga at salamat po."
Tumango ito at nanatili ang titig n'ya sa akin. Palihim naman akong napangiwi dahil sa dating ng kanyang pagtitig sa akin. Hindi ko alam pero parang hinuhusgahan n'ya ako sa dating ng pagtitig n'ya sa akin. "M-May dumi po ba ako sa mukha?"
Umiling ito at ngumiti. "Nothing. I was just thinking if I met you somewhere. Your face looks familiar."
"Ehehe, baka nga po," narinig ko agad ang school bell. Magsisimula na ang klase namin. "Umm, excuse me po sir ha? Babalik na po kasi ako sa classroom. Nice to meet you po."
Muli akong yumuko bilang paggalang sa kanya. Agad akong umalis sa harap n'ya at dali-daling naglakad papunta sa aming classroom.
"Geunyeoneun johjiman geumanhan gachiga eobs-seubnida. Geunyeoneun jasin-ui segyee soghaji anh-eumeulo adeul-egeneun jeoghabhaji anhseubnida. Geunyeoneun geuleul silmang-e ppatteulil geos-ida."
(She's good but she's not worth it. She's not fit for my son because she doesn't belong to his world. She'll put him to downfall.)
♪ Hello angel geurim gata
(Hello angel, you're like a painting)
haneureul bomyeon neoman boyeo
(You're all I see when I look to the skies)
City street lights buri kkeojigo
(City street lights, even if the lights go out)
dari sarajeodo nuni bushin geon
(And the moon disappears, it's bright because)
haneuri tteoreoteurin byeol
(I have a star that fell from the skies)
geuge baro neonikka ~
(And it's you) ♪
Agad kong kinuha ang aking cellphone na nasa aking bulsa habang inaayos ang mesa sa restaurant. Alas sais na at abala kami nina ate Joy, Britney, Beyonce, Rihanna, Shakira at Julie sa paghahanda sa restaurant. Kailangan matapos namin ito bago pa dumating ang taong inaasahan namin. Tinipa ko naman ang aking cellphone para sagutin ang nasabing tawag. "Hello, Boo?"
"Are you ready? I'll be there within five minutes. I'll pick you up."
"Sorry, Boo hindi ako pwedeng umalis ngayon—ate 'yung balloon akin na!—abala kasi kami ngayon eh. Sorry talaga hindi matutuloy ang lakad natin ngayong gabi," ani ko habang sinisipit sa balikat ko ang cellphone at inaayos ang mga dekorasyon.
"Why are you busy?"
"Naghahanda kasi kami ng surprise blowout kay Mama Rona. Birthday n'ya kasi ngayon eh. Sorry, hindi kita nasabihan. Ngayon ko lang kasi naalala eh," sagot ko at agad dumiretso sa mesa matapos kong ayusin ang mga balloons.
"Oh, really? It's his birthday today?" tumango naman ako habang nakikinig sa kanya sa kabilang linya. "Okay. I'll be there."
"Ha? Teka Boo—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad na n'ya akong binabaan ng tawag. Binalik ko na lamang ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Bebeh Michelle! Tulungan mo muna kami rito sa paghalo sa spaghetti!"
"Opo!" dumiretso agad ako sa kusina para tulungan si Britney sa paggawa ng spaghetti.
Nung matapos ko na s'yang tulungan ay agad ko nang dinala ang mga tapos nang naluto na pagkain sa mesa. Sakto namang nailagay ko na ang Pancit guisado sa mesa nung biglang bumukas ang pintuan ng restaurant.
"Hello, class pres!" bati sa akin nina Errol, Nolan, Price, Riel, Kezie, Hans at Leogne habang may dala-dala silang mga regalo at mamahaling pagkain. Nasa likod naman nila sina Nathaniel, Luke, Chantal, Quia, Ryuuji, Tyrone, France, Kaizzer, Raven, Mark, Arsean, Storm at Tric na may dala-dala ring mga mamahaling pagkain, drinks, cake at mga regalo.
Isang gulat na tingin kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi ang iginawad ko sa kanila. "Andito kayo lahat? Paano n'yo nalaman?"
Agad naman nilang tinuro si Tric habang si Tric naman ay itinaas ang kanyang kanang kamay. Nakasuot s'ya ng puting hoodie jacket na may tatak na 'privè' sa middle chest part ng nasabing hoodie jacket. "I told them. We wanna surprise your uncle too on his birthday."
Napangiti naman ako sa kanila. "Salamat sa inyo. Salamat at dumating kayo."
"By the way, where's the birthday celebrant?" tanong ni Chantal habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Bumili si Mama Rona ng supplies para sa salon. Maya-maya babalik na rin iyon," isang ngiting malapad ang iginawad ni ate Joy sa kanila matapos n'yang ilagay ang mga plato sa mesa.
"What are we waiting for? Let's set these cuisines on the table. Ihanda na natin lahat para ready na tayo sa surprise!" excited na sabi ni Riel at agad naman nilang inayos ang mga pagkaing dala nila sa mesa.
"Bakit ang dilim dito? Mga bakla? Joy? Michelle, langga? Asa'n kayo? Bakit ang dilim dito? Hay, asa kaha nangadto katong mga bataa?"
Pagkabukas na pagkabukas ni Mama Rona ng mga ilaw ay agad binuksan nina Storm, Luke, Kaizzer, Hans at France ang party poppers at agad kaming sumigaw lahat. "Happy Birthday!"
Gulat ang gumuhit sa mukha ni Mama Rona kasabay ng kanyang gulat na ngiti at naluluhang mga mata. Agad naman namin s'yang nilapitan nina ate Joy, Rihanna, Shakira, Britney, Julie at Beyonce para yakapin. "Happy Birthday, Mama Rona!"
"Huhuhu. Nagulat talaga ako," mangiyak-ngiyak n'yang sabi.
"Akala mo nakalimutan namin, ano? S'yempre hindi naman namin pwedeng makalimutan ang birthday ng pinakamaganda at pinakamamahal naming Madir sa whole wide world! Pak!" tugon sa kanya ni Rihanna at muli s'ya nitong niyakap nang mahigpit.
"Happy Birthday, Mama Rona! Gurang ka na!" natatawang sabi ni Britney at agad s'yang binatukan ni Mama Rona.
"Excuse me, 24 years old pa kaya ako!"
"20 years ago 'yun Mama Rona 'wag kang feeling bagets," natatawang sabi ni Beyonce at muli naming niyakap nang mahigpit si Mama Rona.
"Salamat sa inyo, mga bebeh ko~" mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama Rona.
"O, tama na ang dramahan at lumafang na tayo. Gutom na si aketch!" natatawang reklamo ni Shakira at agad naman kaming nagsipuntahan sa mesa at masayang-masayang kumain.
Nagkulitan pa sina Errol at Nolan dahil nilagyan nila ng icing ng cake ang mukha ng isa't isa at dinamay pa nila si Mama Rona. Hindi lang 'yon, pati sina Nathaniel at iba pa ay dinamay nila. Akala ko nga matitigil sila sa pagkukulitan nung nilagyan nila ng icing sa mukha sina Luke at Nathaniel pero lintek lang ang walang ganti sa kanila dahil gumanti na rin sila sa paglagay ng icing sa mukha nina Errol at Nolan. Napuno ng tawanan at kulitan ang kainan namin sa birthday ni Mama Rona.
"'Yung strawberry shortcake 'wag mong ipagdamot sa'kin Chantal!"
"Sweets are too bad for you, Quia. You'll get carbs. Sige ka, magiging DUFF ka talaga namin!"
"Isang slice lang naman eh!"
"You consumed three slices in a row, Quia!"
"Kamukha mo 'yung balloon na unggoy, Nolan! Hahahaha!"
"Alisin mo 'to sa leeg ko, Errol! Ouch!"
"You wanna have some champagne?"
"Sure, sure."
"Kuya, don't drink too much. You're driving us home!"
"It's just a champagne, Chantal. What the hell?"
"France, gusto mo?"
"Sure."
"Bakit ka andito sa labas?" unti-unti namang dumako ang tingin ni Tric sa akin habang nakatayo s'ya sa likod ng restaurant. May mini garden kasi si Mama Rona sa likod ng restaurant at madalas akong tumambay dito dahil may Bermuda grass at maganda ring tignan ang kalangitan dito kapag gabi. "Pagod ka ba?"
"Not really," ngumiti naman s'ya sa akin.
"Nag-e-enjoy ang lahat sa loob. Salamat kasi dinala mo sila rito," wika ko.
"I am actually regretting in bringing them here. Ang ingay kasi nila," he smiled, he was actually lying about telling me that he's regretting about the thought of bringing our classmates here.
"Tuwang-tuwa nga si Mama Rona dahil andito kayong lahat," mangiti-ngiti kong wika sa kanya.
"I forgot the feeling of celebrating my birthday like this when I was a kid," aniya. "Simula nung naging abala na sa negosyo sina Abeoji at Eommonim, minsan nalang ako nakakaranas ng masayang birthday blowout. Lalo na nung mawala si Eommonim..."
"N-Nasaan na ba ang mama mo," napatingin naman s'ya sa akin at agad naman akong napakamot ng ulo at nag-iwas ng tingin. "Alam kong wala ako sa lugar magtanong pero kasi, ano..."
"Hindi ko na s'ya nakita kailanman..." napatingin muli ako sa kanya habang s'ya naman ay napatingin sa kung saan. "Simula nung umalis s'ya sa bahay namin, hindi ko na s'ya nakita pang muli. Ang narinig ko mula sa secretary ni Abeoji at mula kay Mr. Choi ay na-paralyzed daw si Eommonim dahil sa isang car accident. She can't walk, nor talk, nor move because of it. Gusto ko s'yang makita at gusto kong ako mismo ang mag-alaga sa kanya ngunit ayaw ni Abeoji. Hindi rin alam nina Mr. Choi kung saan namamalagi si Eommonim ngayon. I felt like I am a worthless son to my own mother. Kahit naman nagalit ako sa kanya dahil iniwan n'ya ako, hindi naman maiaalis 'yung pangungulila ko sa kanya..."
"Namimiss mo talaga s'ya?"
Bahagya naman s'yang tumango. "Sobra. I wanna see her... so bad. And I'll do everything just to see her again."
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Tric at agad namang dumako ang paningin n'ya sa aming mga kamay. Hinawakan na rin n'ya nang mahigpit ang aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri.
"Hello, good evening everyone. So, I am here to sing a song for our birthday celebrant, Mama Rona. I hope you'll gonna love this, Madame," narinig naming sabi ni Tyrone mula sa loob at agad naman n'yang pinatugtog ang electric keyboard na nasa mini stage ng restaurant.
"Shall we dance?" napatingin naman ako kay Tric. Kitang-kita ko kung paano naglamlam ang tingin n'ya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Marahan naman n'ya akong hinila palapit sa kanya at dinala ang mga kamay ko papunta sa kanyang mga balikat. Naramdaman ko naman ang kanyang mga kamay sa aking bewang at paunti-unti kang sumabay sa ritmo ng kanta ni Tyrone.
♪ What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
Got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all, all of me
And you give me all, all of you ~ ♪
Isang munting hagikhik ang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa maamong mukha ni Tric. "Naalala ko nung 18th birthday ko... nung sinayaw n'yo ako sa harap ng maraming tao. Nakadama ako ng hiya no'n pero hindi naman maiaalis sa akin na sobra akong natuwa na nagpa-surprise party kayo para sa akin. Para akong nasa isang fairytale na sinasayaw ng labingwalong prinsipe. Dinaig ko pa si Cinderella."
"Hmm," tumango naman si Tric bilang tugon. "I remembered it... and I am so happy that I'm your last dance."
"Masaya rin ako na dumating kayo... dumating ka sa buhay ko," sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos kong sabihin iyon. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pagluha ni Tric kaya sa halip na mag-iwas s'ya ng tingin ay sinapo ko ang kanyang mukha para makita s'yang lumuluha. "Alam kong ang sama kong pakinggan pero... ang gwapo mong tignan kapag umiiyak."
He smiled as his tears fell on his cheek. "You're so mean. So, you wanna see me wrecked, huh?"
Umiling naman ako at unti-unting pinunasan ang kanyang luha. "Ang gwapo mong tignan kapag umiiyak. Pero mas gwapo ka kapag hindi. Mas gwapo ka kapag ngumingiti."
♪ How many times do I have to tell you
Even when you're crying you're beautiful too
The world is beating you down, I'm around through every move
You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues
I can't stop singing, it's ringing, in my head for you
My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all, all of you
Give me all of you
Cards on the table, we're both showing hearts
Risking it all, though it's hard
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you
I give you all, all of me
And you give me all, all of you ~ ♪
Mas lalo n'ya akong hinila palapit sa kanya at unti-unti n'yang inilapat ang kanyang malalambot na mga labi sa akin. Niyakap ko ang kanyang leeg at mas pinalalim n'ya ang kanyang halik.
Doon ko napagtanto kung gaano ko kamahal ang isang Tric Marion Baek.
"Michelle, pakihatid nga itong mga kape sa Table 5. Para hindi sila mabagot habang hinihintay 'yung pagkain nila," wika ni Julie sabay abot sa akin ng dalawang mug ng kape.
"Okay," agad ko naman itong tinanggap at hinatid sa Table 5 kung saan nakaupo ang isang babae at isang lalaki. "Eto po muna, magkape po muna kayo habang hinihintay n'yo pong maluto ang agahan n'yo.
Ngumiti naman sa akin ang babaeng customer. "Thank you."
Ngumiti naman ako sa kanya at yumuko bilang pagbati.
"Michie!" napatingin naman ako kay Joy na kakapasok lang ng restaurant at may hawak s'yang malaki at malapad na box at sobre.
"Bakit, Joy?" agad naman akong lumapit sa kanya.
"May nagpapabigay sa'yo nito kanina," agad naman n'yang binigay sa akin ang nasabing box at sobre.
"Talaga?" napakurap naman ako at sinuri ang nasabing box. Sa box palang ay masasabi kong mamahalin ang bagay na nasa loob nito.
Humagikhik naman si Joy bilang tugon. "Masyadong sweet si Tric sa'yo. Umagang-umaga binibigyan ka na ng regalo. Nilalanggam ako sa inyo jusko."
Agad naman akong namula sa sinabi ni ate Joy. "Hindi naman..."
"O, s'ya, mauna na ako sa kusina at tutulungan ko muna 'yung mga bakla sa loob," nakangiting paalam n'ya sa akin at agad s'yang nagtungo sa kusina.
Napailing naman ako at agad kong nilagay sa mesa ang box na bigay n'ya sa akin at maharang binuksan. Agad naman akong nakaramdam ng gulat kasabay ng pagkunot ng aking noo nung makita ko ang isang puting cocktail dress na nasa loob. Agad ko itong hinawakan at sinuri. "Para saan ito?"
May lakad na naman ba kami ni Tric na hindi n'ya sinasabi? Hay naku talagang Buang na Alien na iyon. Nagdedesisyon na naman na hindi inaalam ang side ko. Bossy as ever.
Agad ko namang binuksan ang sobreng binigay sa akin ni Joy kasabay ng box. Bahagya naman akong nakaramdam ng gulat at pagtataka nung makita ko ang nasa loob mismo ng sobre. "Invitation?"
Binuksan ko agad ito at binasa ang nilalaman. "You're invited to the Business Party of Castellon-Baek Group of Companies... from, Baek Byung Soo."
PS: Sorry for all the typographic errors, misspelling, putting wrong punctuation marks and the grammatical errors and wrong usage of words in this chapter and this story. I am still on the process of editing this story so I hope you understand me. :)
READ ME!!! READ ME!!! READ THE AUTHOR'S NOTE!!!
A/N: Hey guys! Sorry for this spoiled UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ I am really busy in my BLEPT review. I hope you'll understand me guys. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. Thank you so much readers!
You can add me on my FB second account:
Maxielinda Sumagang-Byun II ==> https://web.facebook.com/maxielinda.sumagangbyunii.5
BTW, for those who asked me what is the name of our readers' group, fan page and such, here it is:
FB Group => XIELO || MaxielindaSumagang's Readers Garden
Link: https://web.facebook.com/groups/212636939196907/?_rdc=1&_rdr
FB Page = > Love Stories ni Maxie WP-MaxielindaSumagang's Stories
Link: https://web.facebook.com/LoveStoriesniMaxielindaOfficial
18RLOTE FB Page => 18 Roses: Laws of the Elite-MaxielindaSumagang
Link: https://web.facebook.com/18RLOTEWattpadOfficial
Please do join and like guys! Let's have some fun!!!
Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^