114TH ROSE || She's not an Elite!
- MICHELLE SUMASTRE -
Matapos kong makita ang nasabing artikulo tungkol sa akin at sa tunay kong pagkatao na hindi ako isang nouveau riche at hindi ako isang elite ay agad kong nilisan ang lugar na iyon. Ngunit alam ko naman hindi lang hanggang do'n sa lugar na iyon ang mga panghuhusga at mapangmatang tingin ang matatanggap ko. Kahit saan ako magpunta ay naroon ang mapanghusga at mapangmatang tingin ang tinatapon sa akin ng lahat. Para akong naglalakad na walang ulo dahil pinag-uusapan ako kung saan-saan.
Alam ko namang darating ang panahong malalaman ng lahat ang tungkol sa akin... pero masyadong napabilis ang pangyayari. Hindi ko ito napaghandaan.
Hindi rin ako nakatakas sa mga mapangmatang tingin sa loob ng aming classroom. May mga tingin na natatanggap ko tulad sa labas at may iba namang naguguluhan habang nakatingin sa akin. May iba naman na gustong magtanong ngunit hindi nila magawa dahil ayaw ata nilang madamay sa gulo.
Ayoko namang umasa kina Quia at Chantal pagdating sa mga problemang ganito pero para bang nanghihina ako habang tumatagal ako sa lugar na ito.
Dahan-dahan naman akong napatayo nung dumating ang guro namin sa Speech and Oral Communication. "Please, give respect."
Walang sinuman ang sumunod sa akin. Nanatiling tahimik ang iba habang ang iba naman ay sinamaan ako ng tingin na para bang sinasabi nila na 'sino ako para utusan sila'.
"Please, give respect," ulit ko ngunit wala namang sumunod. Napatingin ako sa aming guro at inimuwestra n'ya ang kanyang kamay para paupuin ako.
"Good morning, class."
"Good morning, Madame."
Isang mabigat na paghinga ang ginawa ko kasabay ng paghawak ko nang mahigpit sa aking mga kamay.
Nag-iisa na ako sa lugar na ito...
Ayoko sanang umuwi ngayong tanghalian pero kasi wala akong choice. Kung mananatili ako sa refectory o kahit saan sa Empire Academy, makakatanggap lang ako ng mapanghusgang tingin at mga salita mula sa kanya kaya uuwi nalang ako. Hindi ko alam kung papasok ba ako mamaya o hindi basta ang gusto ko, makaalis ako sa lugar na ito.
Alam kong kaduwagan ito ngunit mas mabuti nang umiwas kesa ang lumaban na alam ko namang hindi ko maipapanalo. Lalo pa't alam na ng lahat na hindi talaga ako isang Elite.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagpapaandar ko ng scooter ni Mama Rona. Tahimik kong binabaybay ang daan palabas ng Empire Academy nung bigla na lamang may nadaanang kung ano ang scooter dahilan para tumilapon ako maging ang scooter ni Mama Rona. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa sugat ko sa aking palad maging sa aking tuhod na grabe ang pagdugo. Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga schoolmates ko sa Senior High building at agad kong nakita 'yung wire na naging dahilan kung bakit tumilapon ako at ang scooter ni Mama Rona.
Isa na naman ba ako sa biktima ng massive bullying nila rito?
Bago pa man ako makatayo ay may kung sino'ng sumabunot at humawak sa akin para pumirmi ako sa aking kinauupuan.
"A-Aray! Bi-Bitawan mo ako Myrtle! Ano bang ginagawa mo sa akin?!"
Mas lalo pang hinawakan nang mahigpit ni Myrtle ang aking buhok. Masyadong masakit ang pagsabunot na iyon lalo pa't nagkasugat rin ako sa noo. "And who are you to command something like that to me?! What? Because you're our so-called class president you'll command something like that? Yeah, right. But sadly, we can't do that. I can't do that. Why? Because you're not an elite, bitch!"
Pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko dahil sa malakas na sampal ni Myrtle. Ramdam na ramdam at nalalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig. Muli naman n'ya akong sinabunutan. "Ah!"
"I can't believe it. I can't believe that we let you deceived us for so long. You're such a bitch for lying to us about your freaking identity, you cheap waitress!" isang sampal rin ang natanggap ko mula kay Stacey.
Napaigik naman ako nung hinawakan ni Myrtle nang mahigpit ang aking panga. "How does it feel that your goody-good reputation was ruined, Michelle Sumastre? It's so painful in the ass and bad, right? 'Yan, 'yan ang ginawa mo sa amin akala mo santa-santita ka pero ikaw naman pala itong may tinatagong baho! You're a nasty, toxic student of this institution!"
"Ah!" agad naman akong tinulak nina Stacey pahiga sa maalikabok na semento ng Empire Academy.
"Look here, guys!" narinig kong sigaw ni Myrtle. "This girl, our oh so goody-good class president in 12-1 named Michelle Sumastre deceived us for a long time! She pretended to us that she's a nouveau riche and she's an elite. She ruined everything on us! She even stole Nathaniel's rank in the Power 20. Akala namin talagang mabait s'ya ngunit sa likod pala no'n ay may tinatago pala s'yang sikreto sa ating lahat. And guess what? She's a freaking waitress in a cheap restaurant! Yeah, right everyone. SHE'S NOT AN ELITE!"
"She's such a great pretender!"
"At first, I really idolized her because she's the very first class president on the 12-1's batch but I never though she'll be this nasty."
"She's so disgusting."
"A big fat liar!"
"A social climber!"
Nanghina ako sa naging reaksyon ng mga taong naroon—kung gaano sila mandiri sa akin at kung anu-ano pang panghuhusga at masasakit na salita ang tinatapon nila sa akin.
"Let's punish her!" agad naman silang nagtapon ng kung anu-ano sa akin—mula sa pagkain, itlog, tubig na may yelo at harina mula sa balloon na pinapaputok nila sa akin na sobrang sakit dahil natamaan ang sugat ko at hindi ako masyadong makagalaw dahil parang napilay ang kanang paa ko dahil sa pagtilapon ko.
Napaubo na lamang ako at nanginig nung paulit-ulit nila akong tapunan ng tubig na may yelo at balloon na may harina. Hindi ko na nakayanang protektahan ang sarili ko sa sobrang pagod at panginginig buhat ng pagbubuhos nila sa akin ng malamig na tubig at pagtatapon nila ng kung anu-ano sa akin kaya humandusay na lamang ako sa semento at hinayaan na lamang silang gawin ang gusto nilang gawin sa akin.
Naluluha na lamang ako habang iniisip ang lahat-lahat. Wala akong ibang iniisip kundi ang makaalis sa impyernong lugar na ito at umuwi sa pamilya ko sa Pagadian.
Hindi ko na kaya... pagod na pagod na ako.
Narinig ko na lamang ang tilian ng mga babaeng naroon at nakarinig ako ng parang may nagsusuntukan sa paligid. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko na lamang ginawa dahil alam kong wala rin akong maaaninag.
"Michelle..." naramdaman kong may kung sinong humawak sa akin at naramdaman ko ang katawan ko na umangat sa hinihigaan kong semento. Naramdaman ko naman ang marahan na pagtapik sa aking pisngi. "Breathe, Michelle. Breathe."
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. "Tric..."
"Sorry... I'm late," agad n'yang nilagay sa balikat n'ya ang aking braso at binuhat ako na parang bagong kasal. Naaninag ko naman sina Luke, Raven, Nathaniel, Storm, Price, Nolan at Kaizzer na sinusuntok ang mga lalaking involve sa nangyari. "Nathaniel..."
"Yes?"
"Tell Arsean to ready a private ward. I am taking Michelle in their hospital," naramdaman ko ang paghawak ni Tric nang mahigpit sa akin. "And I want you to punish everyone who were involve in this incident. Expel them, I don't care. I just want them to get punished."
"K-King!"
"King! Bakit kami ang kailangang parusahan? Bakit hindi s'ya?! Niloko n'ya tayong lahat at nagpanggap s'yang isang elite!" narinig ko ang galit na boses ni Myrtle. "Hindi lang 'yon, she also ruined everything and she broke our laws!"
"So? Ano naman ngayon kung nagpanggap s'ya? May naapakan ba s'yang tao habang nagpapanggap s'ya? Wala, hindi ba? At hindi si Michelle ang gustong sumira sa ating klase. Ikaw ang gustong sumira no'n. So stop being an immature brat, Myrtle. And stop doing such worthless, nonsense and childish decisions. Kapag nagpatuloy ka pa, hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin ka at sirain kung ano ang meron ka," hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ng mga taong naroon dahil naglakad na paalis si Tric doon sa komusyon habang buhat-buhat ako.
"You're so stupid. Bakit hinayaan mong gawin nila ito sa'yo? Asa'n na ba 'yung Michelle na kilala ko na walang inuurungan sa lahat ng bagay? I thought you'll gonna knock their heads off and scold them the way you scold me and those 17 scumbags."
Hindi na lamang ako nag-komento. "Sorry..."
"Don't say sorry. Wala ka namang kasalanan sa nangyari," aniya at inayos n'ya ang pagkakakarga sa akin.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Sorry... hindi ko sinasadyang saktan ka."
Naramdaman ko naman ang pagtigil n'ya sa paglalakad. Kahit wala akong lakas na kumapit sa kanyang suit ay sinikap ko paring kumapit doon. Doon na ako humagulgol. "Hindi ko ginustong iwan kang nag-iisa nung mga panahong iyon. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Patawarin mo ako."
Naramdaman ko ang paglalim n'ya ng paghinga kasabay ng paghawak n'ya ng mahigpit sa akin. "Don't cry. It will just make me feel bad seeing you crying like that."
Hindi ako nakinig sa kanya sa halip ay yumakap ako nang mahigpit sa kanya at umiyak sa kanyang balikat habang karga-karga n'ya ako.
Gusto kong magsinungaling sa sarili ko pero hindi ko kaya. Namimiss ko talaga si Tric Marion Baek.
"Ang sabi ni Arsean ay manatili ka muna rito ng isang gabi. Pwede ka nang lumabas bukas. Nagamot na nila ang sugat mo pati ang pilay mo," sabi ni Tric habang nakaupo s'ya sa edge ng hospital bed na inookupahan ko. Dinala n'ya kasi ako sa ospital ni Arsean para dito daw ako gamutin. Ewan ko ba sa kanya. Hindi naman grabe 'yung ginawa ng mga tao sa akin eh pwede naman akong dalhin sa clinic. Hindi na n'ya ako kailangang i-admit. "Susunod 'yung ibang mga kaklase natin dito pati sina Chantal at Quia. Alalang-alala silang dalawa sa'yo."
Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya. "Alam ko. Umm, Tric..."
Napatingin naman s'ya sa akin. "What?"
"Salamat... salamat kasi dumating ka para iligtas ako."
Bahagya naman s'yang tumikhim. "The Board will conduct a public hearing about your case tomorrow. I want you to be ready for that."
Bumuntong-hininga ako at dumako ang tingin ko sa naka-benda kong kamay. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko doon ngayong alam na ng buong eskwelahan kung sino ako."
"You don't have to be worried about it. Nabunyag lang na hindi ka isang nouveau riche at isa ka lang scholarship student. It's not like you murdered someone that you'll be afraid to face them tomorrow," aniya. "So, you don't have to worry and you don't have to be afraid."
"Hmm," tumango ako bilang tugon. Naramdaman kong hinawakan n'ya ang aking kamay at may nilagay s'yang isang medallion na may logo ng school. Parang crest, kumbaga.
Napatingin naman ako sa kanya. "A-Ano ito?"
"Ipinapasa ko na sa iyo ang Royal Medallion ko bilang Royal Icon ng Empire Academy," sagot n'ya.
"B-Bakit mo pinapasa sa akin ito?"
"Wala rin akong paggagamitan at wala rin akong maisip na iiwang legacy ng batch natin sa eskwelahang iyon. Maybe I'll just give you the right to decide for our legacy before we graduate. You are our class president so you have the power on that medallion and you have the power to make a change."
"Kahit ba nalaman na ng lahat ang tungkol sa akin, tinuturing n'yo parin akong class president?"
"Yes, because we selected you to become one so stop asking such vague questions like that," sabi n'ya sabay tayo. "I have to go now. May byahe pa ako sa Korea mamayang gabi kaya hindi ko kayo masasamahan dito. I hope everything will go well tomorrow."
"Tric..."
Tumingin naman s'ya sa akin. "What is it again?"
"Pwede mo ba akong yakapin?" wala sa sarili kong nasabi. Oo alam kong para akong baliw para mag-request ng gano'n sa kanya pero, gusto ko talaga s'yang yakapin sa hindi ko malamang dahilan.
Tahimik lang na nakatitig sa akin si Tric na parang nakikiramdam s'ya sa paligid namin. Ilang segundo kami natahimik bago s'ya nagpakawala ng malalim na paghinga. "No, I can't."
Para akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nung marinig ko ang sagot n'ya. Napakunot na lamang ako ng noo. "B-Bakit?"
Bumuntong-hininga na lamang s'ya at tinapik ang aking ulo. "You have to rest now and you have to gain your energy. I have to go now."
Bago pa man ako makapagsalita ay umalis na s'ya sa private ward na inookupahan ko.
Ang sakit na nireject n'ya ako ah?
Napabuntong-hininga na lamang ako at nagbaba ng tingin sa medallion na ipinagkatiwala n'ya sa akin. Pinalandas ko ang aking mga daliri sa guhit nito at tinitigan.
"You are our class president so you have the power on that medallion and you have the power to make a change."
"Sa tingin mo ba, Tric. Magagawa ko ang sinabi mo?" huminga ako nang malalim kasabay ng paghiga ko sa kama.
Lord, kung ano man po ang mangyayari sa akin sa hearing na iyon, kayo na po sana ang bahala sa akin.
PS: Sorry for all the typographic errors, misspelling, putting wrong punctuation marks and the grammatical errors and wrong usage of words in this chapter and this story. I am still on the process of editing this story so I hope you understand me. :)
READ ME!!! READ ME!!! READ THE AUTHOR'S NOTE!!!
A/N: Hey guys! Sorry for the very very late UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ and sorry if this is so spoil because I am really busy in my BLEPT review. I hope you'll understand me guys. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. Thank you so much readers!
You can add me on my FB second account:
Maxielinda Sumagang-Byun II ==> https://web.facebook.com/maxielinda.sumagangbyunii.5
BTW, for those who asked me what is the name of our readers' group, fan page and such, here it is:
FB Group => XIELO || MaxielindaSumagang's Readers Garden
Link: https://web.facebook.com/groups/212636939196907/?_rdc=1&_rdr
FB Page = > Love Stories ni Maxie WP-MaxielindaSumagang's Stories
Link: https://web.facebook.com/LoveStoriesniMaxielindaOfficial
18RLOTE FB Page => 18 Roses: Laws of the Elite-MaxielindaSumagang
Link: https://web.facebook.com/18RLOTEWattpadOfficial
Please do join and like guys! Let's have some fun!!!
Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^