Hello guys! Before you proceed to this chapter, I want you to know that the readers of 18RLOTE, the ROSE ELITEs has its official GC! Yey! How to join? Just join our group XIELO II MaxielindaSumagang Readers' Garden (link on the author's note) for more details. I really wanna talk to you there guys! And I'll apologize if I will be hiatus for the next five days because I'll be going to Zamboanga City again to get my Transcript of Records in the WMSU Main Campus. I hope you'll understand me guys. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. And here's the Chapter 106 guys! Enjoy reading! XOXO ♥
106TH ROSE || Babysitters
106TH ROSE || Babysitters
- MICHELLE SUMASTRE -
Dahan-dahan kong sinara ang pintuan ng conference room at bumuntong-hininga. Natapos ang hearing sa kaso ko sa sanction na isang buwang community service nina Myrtle, Fiona, Stacey at Sia—tutulong sila sa lahat ng teachers at sa lahat ng gawain sa buong high school department. S'yempre, hindi maitatago nina Quia ang inis at galit sa naging desisyon ng board pero para sa akin ay okay na rin 'yun. Malapit nang magtapos ang school year at malapit na kaming grumaduate sa high school. S'yempre, ayoko namang ipagkait sa kanila ang i-enjoy ang nalalapit na pagtatapos ng school year tsaka mas okay na rin ang community service kesa sa suspension o expulsion lalo pa't sa Empire University kami magka-college.
Hindi ko naman maiwasang mapuna ang masamang tingin sa akin ng grupo ni Myrtle. Alam kong anytime pwede nila akong awayin ulit pero hindi naman nila magawa dahil laging nakaaligid sa akin sina Chantal at Quia. Minsan naman 'yung labingwalong mokong. Madalas ko silang kasama sa lunch. Halinhinan sila kumbaga. Minsan sina Tric, Raven, Mark, Ryuuji, Tyrone, Errol at Nolan. Minsan naman sina Price, Leogne, Kezie, France at Storm. Minsan naman sina Luke, Nathaniel, Kaizzer, Arsean, Hans at Riel. Ang awkward nga eh kasi hindi naman kumakain sa refectory ang mga kumag na ito pero dahil sa akin ay kumakain na sila tuwing lunch dito para mabantayan ako.
Bumuntong-hininga ako habang tinutusok-tusok ang beef steak na inorder ni Quia para sa akin. Napatingin ako kay Luke na maganang kumakain sa tapat ko. Kaming dalawa lang ang nasa table dahil nasa buffet table at counter pa ang mga kasama namin. Si Quia naman ay bumalik do'n dahil nagki-crave raw s'ya sa strawberry cake.
"Hindi n'yo naman kailangang samahan ako palagi sa lunch dahil lang sa nag-aalala kayo. Okay lang naman ako eh tsaka... wala naman sigurong balak sina Myrtle na awayin na naman ako," wika ko.
Mataman naman akong tinignan ni Luke. "You don't want our company?"
"Hi-Hindi naman sa gano'n pero—"
"Then we're not leaving," sansala n'ya. Muli naman s'yang kumain. "We promised that we're always be here to protect you. Ayaw naming may manakit na naman sa'yo. So, you should fucking get used to it—"
Natahimik naman s'ya nung sinubuan ko s'ya ng pagkain. "Oo na, sige na. 'Wag ka nang magalit. Tsaka 'wag ka ngang magmura. Masakit sa tenga."
"As far as I remembered, you cussed too. 'Yung araw na nakipag-ayos ka kay Quia," he smirked at me.
"Oy, dala lang 'yun ng bugso ng damdamin noh?" angal ko.
"Yeah right. But still, you said bad words," natawa naman s'ya habang nakikita akong nakanguso. Ngayon ko lang napansin na malalim at manly ang boses at pagtawa ni Luke. Bale, malalim ang boses n'ya parang nasa kweba ka lang kapag naririnig mo ang boses n'ya. Hahaha.
Aminado ako, kung wala lang siguro si Mark sa puso ko, malamang nagustuhan ko na itong si Luke kahit walang filter ang bibig n'ya.
Kaso mukhang imposible rin iyon. Maliban sa nararamdaman ko sa kanya bilang kaibigan, hindi na hihigit doon ang trato ko sa kanya.
"You can have my picture. It'll last long," napakurap naman ako matapos kong marinig iyon kay Luke. Hindi ko kasi namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
Tumikhim naman ako at nag-isip ng alibi. "Hindi 'yung mukha mo ang tinititigan ko. 'Yung tenga mo. Malapad eh."
Ngayon ko lang rin napansin ang tenga n'ya. Hahaha. "Tangkag man diay ka noh?"
[*TRANS: Malapad pala ang tenga mo noh?]
Pinanlakihan n'ya agad ako ng mga mata. "The fuc—How dare you?"
Bumungisngis naman ako. "Ang cute talaga ng mga tenga mo. Bagay sa'yo eh. Tsaka, alam mo ba do'n sa lugar namin. May mga paniniwala sa mga tulad mo. Ang sabi nila, kapag daw malapad ang tenga mo, mahaba daw ang buhay mo."
Agad naman n'yang tinakpan ang mga tenga n'ya at kitang-kita ko ang pamumula n'ya. Hala, si Luke? Nagba-blush? "Stop it, Michelle! Stop staring at my ears!"
"Oo na, hindi na."
Bumuntong-hininga naman s'ya at inalis ang kanyang mga kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang mga tenga.
"Pero ang cute talaga ng mga tenga mo, Luke."
"Shit, Michelle! Stop it!"
"Maghulog ka sa cussing jar mamaya! Hahaha!"
"It's your fault—fu—fudge it!"
"Hahahaha!"
Sabado ngayon at sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako!
Ay, hindi pala. May usapan pala kami ni Ryuuji na gagawin namin ang Chapter 1 at 2 ng thesis namin. Wala sina Huang Chen, Lorelie at Jhon Clifford dahil may kanya-kanya silang appointment kaya kami nalang muna ni Ryuuji ang gagawa sa dalawang bahagi ng thesis namin. Nangako naman 'yung tatlo na tutulong sa survey at data gathering namin kaya wala na kaming problema doon.
Doon kami gagawa ni Ryuuji ng Chapter 1 at 2 sa bahay nila dahil may computer at printer sila. Wala namang problema sa akin 'yon at pwedeng-pwede naman akong pumunta sa kanila dahil alam ko naman ang address at sasalubungin naman ako ni Ryuuji doon.
Kaso nga lang, may problema...
♪ BLACKPINK! Ah yeah ~ Ah yeah ~
BLACKPINK! Ah yeah ~ Ah yeah ~
Eh~ chakan eolgure geureochi motan taedo
(My face is kind but not my attitude)
ganyeorin mommae sok garyeojin Volume-eun du baero
(Thin body frames with hidden volume twice as much)
geochimeopshi jikjin guji bojin anchi nunchi
(We go forward without holding back, no need to be cautious)
Black hamyeon Pink urin yeppeujanghan Savage
(Black then Pink, we're pretty savage)
weonhal ttaen daenoko ppaetji
(If I want it, I'll take it from you straight up)
neon mweol haedo kallo mul begi
(Even if you want something, it's like cutting water with a sword)
du sonen gadeukan Fat check
(In my hands is a fat check)
gunggeumhamyeon haebwa Fact check
(If you're curious, do a fact check)
nun nopin kkokdaegi
(My standards are way up top)
mul mannan mulgogi
(Like a fish in water)
jom dokae nan Toxic
(I'm kind of intense, I'm toxic)
You hokae I'm foxy
(You fall for me, I'm foxy)
du beon saenggakae
(Think twice)
heunhan namdeulcheoreom chakan cheogeun mot hanikka
(Cuz I can't act nice like everyone else)
chakkakaji ma
(Don't misunderstand)
shwipge useojuneun geon nal wihan geoya
(My easy smiles are for myself)
ajigeun jal moreugetji
(You still don't really know)
guji weonhamyeon Test me
(But if you really want me, test me)
neon bul bodeushi ppeonhae
(It's obvious, like looking at fire)
manmanan geol weonhaettamyeon
(If you wanted something easy)
Oh wait til' I do what I do
Hit you with that ddu-du ddu-du du
Ah yeah ~ Ah yeah ~
Hit you with that ddu-du ddu-du du
Ah yeah ~ Ah yeah ~ ♪
"Joy, hinaan mo nga 'yang volume ng kanta mo. Baka umiyak na itong bata eh."
Ngumuso naman s'ya at sinunod ang sinabi ko. "Okay."
Panay parin ang karga ko sa bata. Narinig ko agad ang pag-ring ng cellphone ko kaya agad ko 'tong kinuha sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Ryuuji. "Hello?"
"Where are you? I thought you'll be here. It's almost an hour but you're not here," sabi n'ya sa kabilang linya. Napatingin agad ako sa wall clock ng restaurant at napasinghap dahil alas onse na ng tanghali. Usapan kasi namin ay alas nuebe kaso eto nga, may binabantayan akong bata.
"Sorry, Ryuuji. May problema kasi—" agad namang umiyak ang batang karga ko. "Shh~ baby tahan na~"
"Why? And... why I'm hearing a baby crying over there?" tanong n'ya.
"Anak 'to ni Rihanna pinabantayan sa akin. Sasali kasi si Britney sa Gay Pageant at engrande daw ang Gay Pageant na iyon kaya ginawa s'yang makeup artist. Sumama na rin 'yung iba sa kanila para daw may moral support kaya naiwan kami ni ate Joy dito para magbantay nitong anak n'ya. Ginawa kaming babysitters n'ya. Sorry talaga, Ryuuji ha? Hindi talaga ako makakapunta d'yan ngayon," sagot ko habang pinapatahan ang anak ni Rihanna na umiiyak.
"It's okay, I understand. Ako na pupunta d'yan," sabi n'ya. At oo, medyo nakakapagsalita na s'ya ng Tagalog pero madalas nagkakamali s'ya. Parte naman 'yan ng pagsasanay kaya okay na rin 'yon. At least, marunong na s'ya.
"Ha?" wala na akong narinig na sagot mula sa kabilang linya dahil binaba na ni Ryuuji ang tawag. Bumaling naman ako sa batang hawak ko at inaalo. "'Wag ka nang umiyak Baby Ariana. Shh~ Baby Ana, Baby Ana, do not cry~ do not cry~ don't you know I love you, don't you know I love you~ very much, very much~"
"Michie, baka gutom na s'ya. Gawan ko muna s'ya ng gatas," wika ni Joy sabay punta sa kusina.
Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-aalo kay Baby Ariana. Napansin kong bumukas ang pintuan ng restaurant at bumungad sa akin si Ryuuji na may dalang squicky toy na Pikachu at bag ng laptop. Agad naman s'yang lumapit sa akin.
"Hey there, baby," aniya sabay pisil nung squicky toy na Pikachu dahilan para gumawa ito ng tunog na ikinatahimik naman ni Baby Ariana. Agad n'ya itong binigay sa bata na medyo kumalma na matapos n'yang matanggap ang laruan.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" wala sa sarili kong natanong sa kanya.
Kumunot naman ang noo n'ya. "I told you that I will be the one to come to your place if you can't come to my house," bahagya naman n'yang inangat ang laptop. "I brought my laptop so we can work here while you're babysitting."
"Ah, sabi ko nga," tumango-tango ako bilang tugon ngunit hindi na iyon nakita ni Ryuuji dahil nasa bata na ang atensyon n'ya.
"Peek-a-boo!" isang masaganang tawa mula sa bata ang narinig ko.
Nakangiti naman akong napatingin kay Ryuuji. "Mukhang marami kang alam sa mga bata ah?"
Umiling naman si Ryuuji at ngumiti habang hinahawakan ni Baby Ariana ang daliri n'ya. "No, not really. I just saw Honoka-neesan doing this to their daughter so I imitated it. I never thought this is really effective on babies."
Nanatili na lamang akong nakangiti kay Ryuuji.
Pareho kaming napatingin sa pintuan ng restaurant nung bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong pumasok sina Nathaniel, Nolan, Errol, Price, Riel, Tyrone, Leogne, Tric, Raven, Mark, Hans, Luke, Storm, France, Kezie, Arsean at Kaizzer.
"Good noon, Michelle! We just wanna eat lunch—" natigilan sina Nolan at Errol at nanlalaki ang mga matang tumingin sila sa amin ni Ryuuji.
Nagsalubong agad ang kilay ko. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?"
"Gusto sana naming kumain dito..." usal ni Price.
"Sorry, close ang restaurant ngayon. Wala sina Mama Rona rito kaya close kami," si Joy na mismo ang sumagot sa kanila.
"Michelle, bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi n'yo sinabi ni Ryuuji ang tungkol dito? Bakit hindi n'yo sinabi sa amin?!" tanong ni Nolan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryuuji bago s'ya tinignang muli. "Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Bakit... bakit hindi n'yo sinabi sa amin na may anak na kayong dalawa?" dramatikong aniya.
Umawang agad ang bibig ko. Ano raw? Hala, nabuang na ni ron.
Sasagot na sana akong pero biglang nagsalita si Ryuuji. "Yes, we have a baby. So, what now?"
Pinanlakihan ko agad ng mga mata si Ryuuji at agad bumulong. "Ano bang sinasabi mo?! Nababaliw ka ba?!"
Kumindat naman sa akin si Ryuuji dahilan para umawang pang lalo ang bibig ko.
"Kailan pa?!" sumabat na ngayon sa usapan si Errol.
"Just few months ago," nagkitbit-balikat naman si Ryuuji.
Natampal ko agad ang sarili kong noo sa naging usapan nila. Nasa likod ko naman si ate Joy at pinipigilan ang kanyang pagtawa.
"Yay, live telenobela na pala itong pinapanood ko," bungisngis n'ya sa likuran ko. Isa pa 'tong isip bata eh.
"Bakit—" nanlaki ang mga mata ni Nolan. "Bakit mo 'to ginawa kay Michelle?! Bakit mo s'ya binuntis?! Binabalak mo bang sirain ang kinabukasan n'ya, ha?!"
I mentally rolled my eyes. Isa lang ang masasabi ko. Napaka-OA ni Nolan.
"Hey, stop that Nolan. You're overreacting!" napailing naman si Nathaniel sa kadramahang nagaganap.
"Pinakasalan mo ba s'ya, ha?!" galit n'yang tanong, hindi pinansin ang sinabi ni Nathaniel.
"Why should I do that? I don't wanna be in cage. I don't wanna tie myself to her. I don't wanna marry her," Ryuuji smirked.
"You're a jerk, Sawada!" napasinghap ako nung sinugod ni Nolan si Ryuuji ng suntok. Nakisali naman sina Errol, Riel, Hans at Kezie at pinagtutulungan nila si Ryuuji. Pipigilan ko na sana sila kaso bigla silang natigilan dahil si Hans mismo ang umawat sa kanila.
"Hey, stop!"
"What?!" iritang tanong nina Nolan at Errol sa kanya.
"Come to think of it. If Michelle was pregnant months ago, dapat napansin nating lumaki ang tiyan n'ya. At hindi naman palaging kasama ni Ryuuji si Michelle," inosenteng wika ni Hans sa kanila.
Nagkatinginan naman silang apat sa isa't isa. "Oo nga noh?"
Umalingawngaw agad ang tawa ni Ryuuji kahit pumutok ang labi n'ya sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Nolan. "Hahaha! I got you all!"
"Walangya ka Sawada! Waley kang mag-joke!"
"That's the most effective prank I've ever done!" tumatawa parin si Ryuuji.
"Stop laughing, you dimwit!"
"I got you all hahahaha!"
Napailing naman sina Luke at Nathaniel sa kanila. "Not all of us, really."
"They're such an idiot," agad namang lumapit si Tric sa akin at hinawakan ang maliit na kamay ni Baby Ariana. "Eto ba 'yung anak ni Rihanna na sinasabi nila?"
"Rihanna? Sino 'yun?" tanong ni Nolan nung tinulungan na n'yang tumayo ang tumatawang si Ryuuji.
"Stop laughing, Sawada!"
"Ang sakit ng ulo ko sa kakatuwa! Hahahahaha!"
"You mean, masakit ang tiyan mo sa kakatawa?"
"Ay walang tawad. Hahaha!"
"You mean, patawad?"
"'Wag ka ngang tumawa at mag-Tagalog, Sawada. Mukha kang timang."
"Sorry. Hahaha. Your facial expression is really epic," Ryuuji kept on laughing. "I can't help it!"
"Ikaw'ng Hapon ka kapag 'di ka tumigil sa kakatawa hindi ka na talaga aabot ng umaga!" pagbabanta ni Nolan sa kanya. "Anyway, sino nga ulit si Rihanna?"
"Sa pagkakatanda ko, s'ya 'yung baklang parang bouncer na nagtatrabaho rito," sagot ni Errol sa kanya.
"Oo. Nasa isang beauty pageant kasi silang lahat para suportahan si Britney kaya kaming dalawa lang ni Joy ang naiwan dito."
Nangalumbaba naman si Joy. "Ang unfair nga eh. Hindi kami makapanood."
"Tsaka, ano'ng ginagawa ni Ryuuji dito?" tanong naman ni Storm at bahagyang tinuro si Ryuuji.
"She's not able to go to my place to make our thesis so I went here," nagkibit-balikat naman si Ryuuji. "We're groupmates, you see."
"Paano nagkaroon ng anak 'yung Rihanna? Don't tell me transgender s'ya?" inosenteng tanong ni Kezie.
"Hindi, Kezie," umiling ako. "Bunga ng isang one night stand itong si Baby Ariana. Gusto sana s'yang ipalaglag nung babae pero pinigilan s'ya ni Rihanna. Sabi n'ya, susuportahan n'ya 'yung babae tsaka ang anak n'ya. Nung ipinanganak na si Baby Ariana, ayaw s'yang kilalanin ng tunay n'yang ina kaya kinuha s'ya ni Rihanna para alagaan. Tutal, dugo't laman din n'ya itong batang ito tsaka matagal na raw s'yang nangangarap magkaroon ng anak na babae kaya eto, andito si Baby Ariana."
"That Rihanna is such a good father," sabi ni Storm.
"Yeah. Hands up for him—her?" ani Nolan. "Him. Him nalang. Ayan, nage-gender confused na ako."
Napansin ko namang natahimik sina Tric, Raven, Tyrone at Nathaniel. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng pananahimik nila.
"Michie, bumili muna tayo ng makakain nila. Mukhang nakalimutan ni Mama Rona na bumili ng food supply," suhestiyon ni Joy.
"Ay, oo nga pala. Pero, paano si Baby Ariana?"
"Hala, oo nga pala si Baby Ariana. Ako nalang ang mamamalengke?"
"Hindi, tutulungan kita. Pero ayoko namang dalhin si Baby Ariana kasi mainit sa labas."
"Kami nalang magbabantay!" napatingin kaming dalawa sa labingwalong mokong sa harap namin.
"Err... sure kayo? Marunong ba kayong magbantay ng bata?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman! May mga kapatid kaya kaming lahat kaya marunong kaming mag-babysit!" Kezie grinned on us.
"Maliban kay Tric, may mga kapatid kaming lahat kaya 'wag kang mag-alala kay Baby. Kami na ang bahala sa kanya," dagdag pa ni Tyrone.
"O sige..." ngumiti naman ako sa kanila. Agad ko namang pinabuhat kay Ryuuji si Baby Ariana. "Kayo na ang bahala kay Baby Ariana ah? Bibili lang kami ng makakain para sa inyo sa palengke para makapagluto na kami. Balik kami agad."
"Okay~" magiliw na sagot nila. Nagpaalam na rin kami sa kanila at lumabas na ng restaurant para pumunta sa palengke.
- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -
"I tell you honestly guys, I don't fucking know how to take care of babies!" reklamo ni Luke habang nagpabalik-balik sa paglalakad.
"You're not alone, Luke," Price shrugged nonchalantly.
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Luke sa kanila. "Who the fuck suggested to babysit that kid?!"
Agad namang nagturuan sina Kezie, Tyrone, Errol at Nolan sa isa't isa. Mas lalo namang nainis si Luke. "Just fucking answer my question and fucking stop pinpointing to each other!"
"Hey, everyone of us agreed with the idea of babysitting the baby. You can't blame us because you agreed with it too," protesta ni Nolan.
"Oo nga! 'Wag mo kaming sisihin!" segunda naman ni Errol.
"Look, let's stop fighting over this. Michelle entrusted the baby to us and we promised her that we'll take good care of the baby so might as well, we'll do it for her," wika ni Storm.
Luke let go an exasperated sigh as he pinched the bridge of his nose. "Fuck this."
Natigilan silang lahat nung biglang umiyak ang baby habang nakahiga sa crib. Agad naman silang napatingin dito at na-estatwa silang lahat habang naririnig ang iyak ni Baby Ariana, wala silang ginawang ni isang galaw at mistulang nasa isang horror movie sila.
"What should we do?" tanong ni Mark.
"Get the feeding bottle," sabi ni Nathaniel nung siniko n'ya si Nolan na nasa tabi n'ya.
"Bakit ako?" tanong ni Nolan. Pinanlakihan naman s'ya ng mga mata ni Nathaniel. "Oo na, eto na, eto na kukunin ko na 'yung dede."
"Ang sagwa pakinggan, Nolan," napangiwi naman si Errol at agad naman s'yang sinamaan ng tingin ni Nolan bago ito pumunta sa kusina.
"Ah kuchi kuchi kuchi kuchi ~" pilit namang pinapatawa ni Mark si Baby Ariana pero mas lalo lang itong umiyak. "Bakit ayaw n'yang tumahan?"
"Move," sabi ni Ryuuji at sinubukan naman n'yang patawanin rin si Baby Ariana. "Peek-a-boo!"
Mas lalo lang umiyak si Baby Ariana.
"Ayaw parin tumahan," napakamot ng ulo Ryuuji. "It was really effective earlier."
"Ako nga patatawanin ko ang batang 'yan," sabi ni Errol. Bumwelo naman s'ya para gawin ang binabalak n'ya. "Bulaga!"
Mas grabe pa ang pag-iyak na ginawa ni Baby Ariana.
Agad namang binatukan ni Raven si Errol. "'Wag mong takutin!"
"Hindi ko kaya s'ya tinakot!"
"O, eto na! Eto na 'yung feeding bottle!" humihingal na binigay ni Nolan ang feeding bottle kay Nathaniel. Agad namang binigay ni Nathaniel ang nasabing feeding bottle kay Baby Ariana pero tinabig lang nito ang feeding bottle at mas lalo lang umiyak.
"She's still crying," napakamot naman ng ulo si Nathaniel.
"Fuck! What the fuck does that kid want?!" inis na wika ni Luke at dinuro pa ang bata.
"Luke, your language," umismid naman si Luke sa pagsaway sa kanya ni Tric.
"Hindi s'ya gutom. Pinatawa namin s'ya pero iyak parin s'ya ng iyak," parang pagod na wika ni Mark.
"Rinig na rinig ko 'yung iyak ng bata sa banyo. Ano'ng ginawa n'yo?" napatingin naman sila kay Kaizzer na kakadating lang.
"Ang tagal mo atang mag-banyo. Ano'ng ginawa mo do'n? Nanood ng porn?" tanong ni Kezie sa kanya. Sinamaan agad n'ya ng tingin si Kezie at nag-peace sign lang ito.
"We already gave her her feeding bottle and we even did everything just to stop her from crying but she's still crying harder," frustrated na sagot ni Leogne kay Kaizzer.
"Tabi nga muna kayo," agad tinungo ni Kaizzer ang crib ni Baby Ariana. Inabot naman n'ya ang bata at hinipo ang tiyan nito kasunod ay ang diaper. "Puno na ang diaper n'ya. Pumu-poo s'ya."
"What?!" bulalas nilang lahat maliban kay Kaizzer.
Parang nasa operasyon sa ospital silang lahat habang si Baby Ariana ay inosenteng nakatingin sa kanilang lahat habang nakahiga sa baby mattress sa ibabaw ng mesa ng restaurant. Itinaas ni Kaizzer ang kanyang mga kamay na nakabalot ng plastic food gloves. Naka-face mask silang lahat habang nakatingin kay Baby Ariana.
"Get ready for the operation," panimula ni Arsean. "Separate the waste materials from the clean materials."
Tumango naman silang lahat sa sinabi ni Arsean. Akmang bubuksan na ni Kaizzer ang diaper ni Baby Ariana nung pinigilan s'ya ni Hans. "Wait."
"What?" Kaizzer frowned at him.
"The baby is a girl," anito.
"And?"
"She might be a baby but she's still a girl," Hans muttered worriedly. "We're all boys here."
Natigilan naman silang lahat. "What the..."
"Pipikit nalang tayo habang pinapalitan natin s'ya ng diaper," napangiwi naman si Kaizzer.
"Imposible 'yun. Sensitive masyado ang balat ng mga babies. Baka magkamali tayo," pumalag naman si Price.
"Edi 'wag nating tignan ang part na 'yon at mag-focus nalang tayo sa diaper," huminga sila nang malalim at dahan-dahang tinanggal ni Kaizzer ang diaper ni Baby Ariana. Medyo hirap s'yang gawin iyon dahil naka-semi-closed ang mga mata n'ya habang ginagawa iyon.
Halos masuka silang lahat dahil sa nakakadiring amoy mula sa diaper ni Baby Ariana. Agad binigay ni Kaizzer ang maruming diaper kay Errol at nandidiring tinapon ni Errol ang diaper sa malapit na basurahan.
"Wet wipes," agad inabot ni Mark kay Kaizzer ang baby wipes.
"Baby powder," inabot naman ni France ang baby powder kay Kaizzer.
"Diaper," inabot naman ni Riel ang diaper.
"'Yung lampin," inabot naman ni Raven ang lampin.
"Safety pin," inabot naman ni Leogne ang safety pin.
Nakahinga naman sila nang maluwag nung matapos nilang palitan ng diaper at bihisan si Baby Ariana.
"The operation is successful. Thank you for your hard work," halos mag-cheer na silang lahat sa sinabi ni Arsean.
Pero panandalian lamang ang kasiyahan nilang iyon dahil may narinig sila mula mismo kay Baby Ariana kasabay ng pagtawa nito.
"Baby wipes," ani Kaizzer. "Baby wipes!"
Halos maglupasay na sila sa sahig dahil sa sinabi ni Kaizzer.
Isa na namang nangangamoy na operasyon ang magaganap.
"Hays, bakit ayaw parin n'yang tumahan?" halos maiyak na si Nolan habang kinakarga si Baby Ariana. Ilang minuto na n'yang sinasayaw at hinihele si Baby Ariana pero panay parin ang iyak nito. Pagod na pagod narin sina Nathaniel sa pagbibigay ng kung ano-ano kay Baby Ariana para patahanin ito. Ginawa na nila lahat ng tips sa YouTube pero wala paring epekto sa bata. Halos maghalinhinan na sila sa pagkarga pero ayaw parin nitong tumahan.
"Ang sakit na ng braso ko. Pakiramdam ko hindi ko na s'ya kayang kargahin."
"Ako din," halos matunaw na ang iba sa kanilang kinauupuan dahil sa sobrang pagod.
"I wonder if I am like this when I was a baby."
Bumuntong-hininga si Luke at agad na nilapitan si Nolan. "Ako na ang kakarga sa kanya."
Nanlaki naman ang mga mata ni Nolan sa sinabi ni Luke. "Si-Sigurado ka?"
Isang blangkong tingin ang ipinukol ni Luke sa kanya. "Do I look like I'm fucking kidding here?"
Nasa imagination kasi ni Nolan na baka 'pag panay parin ang iyak ni Baby Ariana ay baka maisipan ni Luke na itapon s'ya sa langit gaya ng nangyayari sa Team Rocket sa Pokèmon. Pero kahit nag-aalangan s'yang ipagkatiwala ang bata kay Luke, binigay parin n'ya ito kay Luke. "O-O, sige. Sabi mo eh."
Nagulat at namangha naman si Nolan nung hindi na umiyak si Baby Ariana sa halip ay tumatawa na ito habang karga-karga ni Luke. Napaayos naman ang lahat sa kanilang pag-upo at manghang napatingin kay Luke. Hindi sila makapaniwalang tumatawa ngayon ang bata habang hawak ni Luke.
"Ano'ng ginawa n'ya?" wala sa sariling natanong ni France.
"Hindi ko alam eh. Binigay ko lang sa kanya ang baby tas ganyan na, tumahan at tumatawa na," sagot ni Nolan sa kanila.
Napansin ni Luke na may gustong abutin si Baby Ariana sa kanya kaya bahagya n'yang niyuko ang kanyang ulo. Agad naman nitong hinawakan ang kanyang tenga at agad itong tumawa habang pinipisil ang tenga n'ya.
Luke chuckled at the baby. "You like my ears too?"
The baby coos and giggled as a reply.
Nakangiti silang lahat habang nakatingin kay Luke at sa baby.
Bumukas ang pintuan ng restaurant at napatingin sila kay Michelle at Joy na inosenteng nakatingin sa kanila. "May nangyari ba?"
Napangiti silang labingwalo sa kanilang dalawa kasabay ng pagtawa ni Baby Ariana sa bisig ni Luke.
"Nothing. The baby's fine."
Buong araw nakabantay ang labingpitong lalaki kay Baby Ariana habang sina Michelle at Ryuuji ay abala sa paggawa ng Chapter 1 at 2 ng kanilang thesis. Si Joy naman ay abala rin sa paghahanda ng kanyang instructional materials para sa demonstration n'ya sa isang Science High School dahil do'n s'ya mag-aapply para maging teacher. LET passer na s'ya at mataas na rin ang kanyang ranking nung nag-apply s'ya kaya nabigyan s'ya ng item.
Kinagabihan, nagdesisyon silang lahat na mag-movie marathon. Natapos na kasi sina Michelle at Ryuuji sa Chapter 1 at 2 ng kanilang thesis kaya pwede na silang mag-relax. Hindi pa nakakauwi sina Mama Rona dahil nagse-celebrate ang mga ito sa pagkapanalo ni Britney bilang Miss Gay Manila at sasabak s'ya sa Super Sireyna sa TV kaya nagce-celebrate ang mga baklita sa bar. Mabuti na rin pala at hindi sumama sina Joy at Michelle. Ayaw ring umuwi ng mga mokong dahil nag-aalala ang mga ito dahil baka may akyat-bahay na pumasok. Wala naring nagawa si Michelle dahil mapilit ang mga ito.
Mistulang nagka-camping sila sa restaurant dahil naglatag sila ng mga mattress sa sahig para gawing higaan at upuan habang nanonood. Kinuha nina Joy at Michelle ang mga throwpillows at mga extrang unan sa kwarto ng mga bakla para gamitin ng mga lalaki. Mabuti nalang at mabango ang mga ito. Nasa uluhan ang sofa kung saan nakaupo si Michelle habang hinihele si Baby Ariana na tulog na sa kanyang mga bisig habang kagat-kagat nito ang feeding bottle. Pinagitnaan s'ya nina Tric at Luke at nasa tabi nila sina Nathaniel, Raven, Mark, Tyrone at Storm. Malaki-laki naman ang sofa kaya nagkasya silang walo. 'Yung iba naman ay nasa kani-kanilang mattress at nakaupo. Nasa single couch naman si Joy.
Pinanood nila ang animated film na "Coco". Nung una ay halos pag-awayan nila iyon dahil gusto nila ng action film pero dahil ang nasabing pelikula ang gusto ni Michelle ay umayon na lamang sila.
Nasa parte na sila ng pelikula kung saan kinakantahan ni Miguel, ang bidang batang lalaki ang kanyang great-grandmother na si Coco para maalala nito ang amang si Hector na nasa Land of the Dead na nanganganib nang maglaho.
"Mama Coco?" Miguel sniffled. His tears rolled down from his cheek as he picked his great-great grandfather, Hector's guitar and faced his great grandmother, Mama Coco. "Your papa, he wanted you to have this."
Miguel strummed the guitar. His grandma Elena was about to stop him but his father stopped his grandma.
"Mama, wait!"
"Remember me~" Miguel started singing. His voice was about to broke because of his tears but he still managed to sing the song. "Though I have to say goodbye, Remember me~"
Mama Coco's fingers slowly moved as he continued singing the song. "Don't let it make you cry~ for even if I'm far away~"
Their family members were shocked when they saw Mama Coco slowly moved and settled her gaze to Miguel.
"I hold you in my heart I sing a secret song to you each night we are apart~ Remember me, though I have to travel far..."
Mama Coco suddenly joined Miguel from singing. "Remember me, each time you hear a sad guitar~ know that I'm with you the only way that I can be..."
Grandma Elena, Mama Coco's daughter's eyes started to pool in tears while looking at her mother sang with Miguel. She can't help to smile as her tears run down her cheek while looking at her mother. "Until you're in my arms again~ Remember me~"
Miguel ended the song with the last strum in his great-great grandfather's guitar. Mama Coco smiled at Miguel and his great grandson smiled at her too. She moved her gaze towards her crying daughter when she heard her sniffled. "Elena? What's wrong, mija?"
Elena shook her head, feeling happy for her mother when she finally remembered her. "Nothing, Mama," she sniffled. "Nothing at all."
Mama Coco faced Miguel. "My papa used to sing me that song."
Miguel sniffled as his tears started to fall. "He loved you, Mama Coco. Your papa loved you so much."
Nakarinig ng mga pagsinghot si Michelle at agad s'yang napalingon sa mga kaklase n'ya. Kitang-kita n'ya ang masaganang luha mula sa mga mata ni Tric habang nakatakip ang likod ng kamay nito sa kanyang bibig—marahil ay pinipigilan ang kanyang paghikbi. Kitang-kita rin n'ya ang pagluha ni Raven at kapag lumilingon si Nolan ay binabatukan s'ya ni Raven para humarap muli sa TV. Si Tyrone naman ay maluha-luhang nakatingin sa TV habang si Nathaniel ay inaalis ang tingin n'ya sa TV para punasan ang kanyang mga luha. Si Luke ay tahimik lang sa tabi n'ya ngunit hindi naman nakatakas kay Michelle ang namumuong luha sa mga mata ng binata. Tahimik ang lahat habang pinapanood ang eksenang iyon sa pelikula. Marahil ay masyadong sentimental ang eksenang iyon lalo pa't pinapakita roon ang pagmamahal ng anak sa kanyang ama at ang ama sa kanyang anak.
Hinawakan ni Michelle nang mahigpit ang kamay ni Tric nung hindi na nito mapigilan ang paghikbi. Napatingin naman si Tric sa kanya at ngumiti na lamang s'ya bilang tugon. Si Luke naman ay tinatapik ang likod ni Nathaniel nung 'di na rin nito mapigilan ang pag-iyak. Pumagitna naman si Mark kina Tyrone at Raven na ngayon ay parang mga bata kung humagulgol. Tinapik naman ni Joy at Price si Storm nung napansin nilang naluluha na rin ito habang nakatuon ang atensyon sa pinapanood.
Ngumiti naman si Tric kay Michelle at unti-unting sumandal sa balikat nito habang hawak-hawak si Baby Ariana. Gano'n lang sila hanggang sa matapos ang pelikula.
"Kapag may time tayo punta ulit tayo do'n sa bar! Shocks ang daming gwapings!" sabi ni Beyoncè habang naglalakad sila papunta sa restaurant. Pasado alas diyes na ng gabi nung makauwi sila mula sa bar.
"Korak ka d'yan besh. Mesherep seleng tegnen~" natawa naman sila sa sinabi ni Julie. "Lalo na 'yung isang bouncer doon, Felix Bakat! Otoko!"
"Oy, lasing na si Julie mga bakla," ani Britney habang hawak ang korona, bouquet at trophy n'ya. "Pero infairness si madir, may gusto sa kanya 'yung bouncer na papable! Pokish! Amph!"
"Uyyy~ si Mama Rona~ finally may nagkainteres na rin sa'yo madir~" kantyaw ni Shakira kay Mama Rona.
Nag-flip hair naman si Mama Rona. "Aba s'yempre, dyosa ata 'tong kausap n'yo."
"Charot!"
"Okay lang kaya si Ariana ko?" napatingin naman sila kay Rihanna na kitang-kita sa mukha ang pag-aalala sa anak na naiwan.
"Hay nako bakla, 'wag iketch mag-alala sa junakis mo. Alam ni atashi na inaalagaan nina Michelle at Joy ang junakis mo," tinapik naman ni Mama Rona ang balikat n'ya.
"Naku, flatch ka nga madir," huminga naman nang maluwag si Rihanna. "Mapagkakatiwalaan ang dalawang 'yon kaya 'di dapat ako mag-alala."
"Flaggak ka d'yan."
Panay parin ang tawanan ng mga bakla habang pinag-uusapan ang tungkol sa mga lalaki sa bar. Akmang bubuksan na nila ang pintuan ng restaurant nung sinalubong agad sila ni Joy at sinenyasan na tumahimik.
Kumunot naman ang mga noo nila at sumenyas din kung bakit. Panay parin ang senyas ni Joy na dapat ay tumahimik muna sila bago pumasok kaya sumenyas sila na naka-zipper na ang mga bibig nila at tahimik na sila. Ngumiti naman si Joy at pinagbuksan agad sila ng pintuan.
Sa una ay nagulat sila nung makita ang mga lalaki sa loob ng restaurant na natutulog. Nakadantay si Nolan kay Errol at tahimik na natutulog ang iba sa mga mattress at pinagkakasya ang mga sarili. Natutulog sa single couch si Storm at nakasandal sa isa't isa sina Nathaniel at Luke. Maging sina Tyrone, Mark at Raven ay nakasandal rin sa isa't isa. Si Michelle naman ay nakasandal sa balikat ni Tric habang nakabalot ang bisig ng binata sa kanila ni Baby Ariana na mahimbing na natutulog sa braso ni Michelle.
Napangiti silang lahat sa kanilang nakita.
"Sabi ko naman sa'yo, okay lang ang anak mo."
Kinuha naman ni Joy ang kanyang cellphone at tahimik na kinunan silang lahat ng litrato—lalung-lalo na ang dalawang taong nakakuha ng atensyon nila.
PS: Sorry for all the typographic errors, misspelling, putting wrong punctuation marks and the grammatical errors and wrong usage of words in this chapter and this story. I am still on the process of editing this story so I hope you understand me. :)
READ ME!!! READ ME!!! READ THE AUTHOR'S NOTE!!!
A/N: Hey guys! Sorry for the very very late UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ and sorry if this is so spoil. Sorry for the late update and for being hiatus and I'll advance my apologies if I will be hiatus for the next five days because I'll be going to Zamboanga City again to get my Transcript of Records in the WMSU Main Campus. I hope you'll understand me guys. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. Thank you so much readers!
You can add me on my FB second account:
Maxielinda Sumagang-Byun II ==> https://web.facebook.com/maxielinda.sumagangbyunii.5
BTW, for those who asked me what is the name of our readers' group, fan page and such, here it is:
FB Group => XIELO || MaxielindaSumagang's Readers Garden
Link: https://web.facebook.com/groups/212636939196907/?_rdc=1&_rdr
FB Page = > Love Stories ni Maxie WP-MaxielindaSumagang's Stories
Link: https://web.facebook.com/LoveStoriesniMaxielindaOfficial
18RLOTE FB Page => 18 Roses: Laws of the Elite-MaxielindaSumagang
Link: https://web.facebook.com/18RLOTEWattpadOfficial
Please do join and like guys! Let's have some fun!!!
Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^