18 ROSES: Laws of the Elite |...

By MaxielindaSumagang

3.1M 93.9K 19K

πŸ‘‘ Wattys 2017 'The Breakthroughs' Winner πŸ‘‘ Wattpad's "Talk of the Town" (July 15, 2021) Highest Rank:: Ran... More

18 ROSES: LAWS OF THE ELITE
~ THE ROSE AND THE ELITES (CHARACTERS) ~
β™₯β™₯ 18 ROSES: LAWS OF THE ELITE Character Profile β™₯β™₯
[CHECKPOINT] AUTHOR'S NOTE !!!!!!!!!!
STATUS: FOR REVISION 🌹
THE LAWS OF THE ELITES
1ST ROSE || Welcome to the Empire
2ND ROSE || The Laws of the Elite
3RD ROSE || Michelle Sumastre, The Appointed Class President
4TH ROSE || Billionaire's Watch
5TH ROSE || Nouveau riche is in Danger!
6TH ROSE || Shape Up
7TH ROSE || Operation: Make them join the Outside School! (The Start)
8TH ROSE || Mission Number 1: Convince the Childhood Friends!
9TH ROSE || Mission Number 2: Convincing the Rude Kid!
10TH ROSE || Mission #3: Convincing the Prankster, Chef and Business angel!
11TH ROSE || Mission #4: Convince the Popstar! (Tyrone x Errol)
12TH ROSE || Mission #5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)
18 ROSES: Laws of the Elite || Valentines Day Special
13TH ROSE || Mission Number 6: Convincing the Car Racers!
14TH ROSE || Mission Number 7: Convincing the Higher Officers!
15TH ROSE || Mission Number 8: Convincing the Model! (Price Kurt Roxas)
16TH ROSE || Mission #9: Convincing the Pet Lover and Mr. Nice Guy!
17TH ROSE || Mission #10: Convincing the Badass!
18TH ROSE || Mission #11: Convincing the Cold Billionaire!
19TH ROSE || Nursing the Nouveau-riche
20TH ROSE || Mission Possible!
21ST ROSE || The Mysterious attendee of the PTA Meeting
22ND ROSE || The Person Sitting Next to Me
23RD ROSE || Group the Opposites
24TH ROSE || Paintball
25TH ROSE || Campfire's Burning under the Starry Sky
CHAPTER 25.5 || Extra Chapter
26TH ROSE || Crossing the line of the Elites
27TH ROSE || Rhythm of Their Feelings
28TH ROSE || The Truth behind The Negative Traits
29TH ROSE || Hernandez's Challenge to Baek
30TH ROSE || Unexpected
31ST ROSE || A Cup Of Creamy Coffee
32ND ROSE || Foods, Pictures and Equation
33RD ROSE || Wounds in the Rain
34TH ROSE || The Art Of Liking Someone
35TH ROSE || Across His Chinky Brown Eyes
36TH ROSE || So, Class Pres is a Waitress
37TH ROSE || Secret Meeting for Her Birthday
38TH ROSE || 18 Roses for Michelle
18RLOTE Song Special || My House (μš°λ¦¬μ§‘)
39TH ROSE || Gifts from Those Boys
40TH ROSE || Timeline
18RLOTE Theme Songs (both in Trailer and per Chapters) [PART I]
41ST ROSE || The Walls that Surround Them
42ND ROSE || Doraemon Pen
43RD ROSE || Will You Take Me? (λ°λ €λ‹€μ€„λž˜?)
44TH ROSE || Hold My Hand, We'll Run
45TH ROSE || Please, Don't Make Me Worry Again
46TH ROSE || The Petition
47TH ROSE || The Writings on the Wall
48TH ROSE || Stalker
49TH ROSE || The Prince Charming and the Knight
50TH ROSE || Career Guidance Day
51ST ROSE || True Colors
52ND ROSE || Cussing Jar
53RD ROSE || Unidentified Feelings
54TH ROSE || Palpitation
55TH ROSE || Krim Stix
56TH ROSE || A Hug for Raven
57TH ROSE || Convenience
58TH ROSE || Iris Lee
59TH ROSE || New Found Friends
60TH ROSE || Telling How You Feel
61ST ROSE || Meet the KNIGHTS
62ND ROSE || Assumption and Apology
63RD ROSE || Michelle meets Tricia Marie
64TH ROSE || Torn Between The Two
65TH ROSE || Sad Smiles
66TH ROSE || Casting the School Festival's Play
67TH ROSE || Cinderella and the... Ten Princes?
68TH ROSE || The Christmas Auction
69TH ROSE || Merry Christmas, Elites
70TH ROSE || The Sudden Confession
18RLOTE Theme Songs (per Chapters) [PART II]
71ST ROSE || Jokes are Half Meant
72ND ROSE || Daisuki... dayo.
73RD ROSE || Those Boys To The Rescue!
74TH ROSE || Revealed
75TH ROSE || Strategy
76TH ROSE || Tric's Mark
77TH ROSE || Ji Hye Ra
78TH ROSE || A Warm Hug for Apology
79TH ROSE || A Confession On Pictures
80TH ROSE || Price Kurt Roxas
81ST ROSE || Price Kurt Roxas (Pt.2)
82ND ROSE || Storm Gonzaga
83RD ROSE || Storm Gonzaga (Pt.2)
84TH ROSE || Kaizzer Ariel Roberts
85TH ROSE || Errol Ruiz Collama
86TH ROSE || Jude Nolan Hernandez Jr.
87TH ROSE || Leogne Gio Walter
88TH ROSE || Riel Dela Torre
89TH ROSE || Arsean Deligero
90TH ROSE || Kezie Charles Olivier
91ST ROSE || France Derrick Yzon
92ND ROSE || Hans Rhien Obianda
93RD ROSE || Tyrone Meodoza
94TH ROSE || Ryuuji Sawada
18RLOTE Special Chapter || Summer Special (Pt. 1)
18RLOTE Special Chapter || Summer Special (Pt. 2)
95TH ROSE || Luke Hemmings
96TH ROSE || Kurt Nathaniel Gatcheco
97TH ROSE || Rex Raven Delos Reyes (Pt. 1)
99TH ROSE || Mark Viel MontaΓ±o
100TH ROSE || Tric Marion Baek (Pt. 1)
101ST ROSE || Tric Marion Baek (Pt. 2)
102ND ROSE || Tric Marion Baek (Pt. 3) -- CHAPTER 102 PART 1
102ND ROSE || Tric Marion Baek (Pt. 3.5) -- CHAPTER 102 PART 2
103RD ROSE || Turning Away
104TH ROSE || Quia, Let's Make Up
105TH ROSE || Breathe, Michelle. Breathe.
106TH ROSE || Babysitters
107TH ROSE || In a Relationship with Naizze Tiu
108TH ROSE || Take You Home
109TH ROSE || You don't know what I feel
110TH ROSE || The Warmth that Filled the Spaces
111TH ROSE || 18 Poems for Michelle
112TH ROSE || A Promise That You Broke
113TH ROSE || Myrtle's Suspicions
114TH ROSE || She's not an Elite!
115TH ROSE || Breaking All The Laws
116TH ROSE || Kiss You Goodbye
117TH ROSE || Gihigugma tika...
118TH ROSE || The Woman To Date, The Woman To Marry
119TH ROSE || Scooter
120TH ROSE || Holding My World
121ST ROSE || Surprise Blowout
122ND ROSE || If You
123RD ROSE || At the Other Side of the Door
124TH ROSE || Jung Da Eun
125TH ROSE || I Miss You
126TH ROSE || Reunited
127TH ROSE || Let Me Be With You
128TH ROSE || Hide
129TH ROSE || Her Friend, His Lover
130TH ROSE || Class 12-1 is in love with You
131ST ROSE || Frame-Up
132ND ROSE || Let's See How Far
133RD ROSE || Don't Leave
134TH ROSE || Is it a misery to love you?
135TH ROSE || When a Man Cries
136TH ROSE || Kiss and Make Up (ν‚€μŠ€ν•˜κ³  보자)
137TH ROSE || Written in the Stars
138TH ROSE || I'm sorry... I love you.
139TH ROSE || She's Gone
140TH ROSE || The Meaning of Tae Hyun
141ST ROSE || Tenant
142ND ROSE || Cold Eyes
143RD ROSE || Stay
144TH ROSE || Flight, Rain and Serendipity
145TH ROSE || La Vie En Rose
146TH ROSE || Look Up the Sky
147TH ROSE || Amor animi arbitrio sumitur, non ponitur.
PLEASE READ: IMPORTANT ANNOUNCEMENT
148TH ROSE || Been Through
149TH ROSE || Water, Pulses and Voices
150TH ROSE || Back to the Place where We Met
151ST ROSE || Those Boys Gave Me 18 Roses
[SPECIAL SEGMENT] Ask Us Anything: 18RLOTE Interview Special
[SPECIAL SEGMENT] Ask Us Anything: 18RLOTE Interview Special (Part 2, FINAL)
Special Chapter || Midnight
BLUE ROSE [Special Chapter 2]
YELLOW ROSE [Special Chapter 3]
WHITE ROSE [Special Chapter 4]
PINK ROSE [Special Chapter 5]
152ND ROSE (Finale) || My Answer is You, Forevermore
EPILOGUE
FINAL AUTHOR'S NOTE: A THANK YOU LETTER
18 ROSES: Laws of the Elite "Fun Facts"
FULL CHARACTERS OF 18 ROSES: LAWS OF THE ELITE
18RLOTE Characters || The Primary / Main Characters
18RLOTE Characters || The Secondary Characters
18RLOTE Characters || The Cameos
18RLOTE Characters || Characters who appeared in the Special Chapters
18RLOTE Theme Songs (both in Trailer and per Chapters)
[18RLOTE English] THOSE BOYS GAVE ME 18 ROSES
PLEASE, PLEASE READ: IMPORTANT ANNOUNCEMENT
[18RLOTE Special Chapter] HANDSOME RICH BOYS GC
SPECIAL NOTE: Author's Note #FangirlingIncluded
18RLOTE Christmas Special || A Letter for Doctor Tric Marion Baek (Part 1)
18RLOTE Christmas Special || A Letter for Doctor Tric Marion Baek (Part 2)
18RLOTE Special Chapter || I'm Loving You
18RLOTE Characters, ZEPETO Version (PART 1)
18RLOTE Characters, ZEPETO Version (PART 2)

98TH ROSE || Rex Raven Delos Reyes (Pt. 2)

8K 366 57
By MaxielindaSumagang

98TH ROSE || Rex Raven Delos Reyes (Pt. 2)

- REX RAVEN DELOS REYES -


Pero hindi sa lahat ng panahon ay magiging masaya ka...

Kaakibat noon ang isang sakit na hindi mo inakalang darating sa pagkakataong iyon.



"Hindi mo naman ako kailangang samahan sa mall eh," bahagyang ngumuso si Sam habang nilalakad ko s'ya pauwi. Nagpaalam kasi s'ya sa akin na pupunta s'ya ng mall para bumili ng bagong sapatos at nung malaman kong wala s'yang kasama kahit sino ay sinamahan ko na s'ya.

Lumingon agad ako sa kanya at bahagyang naningkit ang aking mga mata. "Samantha De Castro, tinataboy mo ba ako?"

Ngumuso ulit s'ya. "Hindi naman Raven. Ang akin lang kasi, ayoko na kasing abalahin ka na samahan ako sa mall. Pagod ka na nga galing sa part-time job mo tapos aabalahin pa kitang samahan ako. Okay lang naman akong mag-isa eh."

Agad ko namang ginulo ang buhok n'ya. "Hindi okay sa akin 'yon. Simula ngayon ay sasamahan na kita sa lahat ng lakad mo at gusto kong antabayanan ka dahil lagi mo namang tinataboy ang mga bodyguards mo."

Ngumiti s'ya nang malapad at agad inilingkis ang kanyang braso sa akin. "I never thought you'll be this overprotective, Rex Raven Fajardo. It feels good. Oo na po, magpapasama na po ako sa inyo sa kung saan man ako pupunta."

Napatingin ako sa kanya. "Ginagawa ko lang 'to para sa seguridad mo at dahil na rin sa kondisyon mo. Baka kung saan-saan ka na naman mahimatay tapos baka kung sino pang makakita sa'yo—"

Agad n'yang pinisil ang ilong ko. "Yes, I know and I love it because your attention will always on me so don't be too grumpy."

"Tss," agad kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Agad kong inalis mula sa pagkakalingkis n'ya ang aking braso at agad s'yang inakbayan. "Sa susunod, 'wag mo nang takasan ang nurse mo at ang mga bantay mo ha?"

"Opo," tumango s'ya at ngumiti nang malapad sa akin. "I love you, Raven."

Parang may kung anong karera sa loob ng dibdib ko dahil sa pagdadagungdong nito dahil sa sinabi sa akin ni Samantha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pero isa lang ang alam ko—masaya ako sa sinabi n'ya.

Tumikhim ako at mas inakbayan pa s'ya palapit sa katawan ko. "Halika na, alas siete na. Iuuwi na kita."

Tanging bungisngis lang ang nakuha kong sagot sa kanya kaya napangiti na lamang ako habang binabaklay namin ang daan pauwi.

"Ang sweet n'yo naman~ nakakainggit," natigilan kaming dalawa sa paglalakad nung makasalubong namin si Brandon, ang kanang-kamay ng leader ng Red Spade na isa sa mga kalaban ng gang namin.

"Raven... si-sino sila?" bulong ni Samantha sa akin. Hindi ko s'ya sinagot at bahagya ko s'yang pinatago sa likod ko.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" tinuon ko ang aking paningin sa anim na lalaking nasa harap ko kasama na roon si Brandon.

"Hinanap ka namin, Fajardo. Kasi bukod sa miss na miss ka na ng boss namin, maniningil na rin kami ng utang sa'yo," agad n'yang pinalagutok ang mga buto sa kanyang mga daliri.

"Uy, mukhang maganda 'yang chics na kasama mo d'yan Fajardo ha?" dinilaan naman ng isa sa mga kasama ni Brandon ang ibabang labi nito at ngumiti ng nakakaloko. "Tisay. Mukhang masarap. Pagkatapos mo n'yan ako naman ang sunod ah?"

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Samantha. "Ayokong patulan kayo at ayoko ng gulo. Pwede bang paraanin n'yo na kami?"

Agad namang nagtawanan sina Brandon. "Ayaw mo ng gulo? Wow, ngayon ko lang 'to narinig sa pinagyayabang na kanang-kamay ni Kris ah? Bakla ka ba Fajardo?"

"Ang sabihin mo, Brandon, Duwag s'ya! Hahahahahaha!!!"

Sasagot na sana ako pero biglang pumihit sa aking harapan si Samantha at hinarap ang anim na lalaki sa harap namin. "Hindi kabaklaan ang tawag do'n, kuya. Ito ang tamang paraan sa pag-iwas sa walang katuturan na away. Ang pagpapakita ng katapangan ng isang tao, hindi n'ya kailangan ng dahas para patunayan sa lahat na matapang s'ya. At isa pa, kung sino man ang duwag sa inyong dalawa, ikaw 'yon dahil kailangan mo pa ng kasama para lang harapin si Raven. Hindi ba't kaduwagan iyon?" walang emosyon na turan ni Samantha kay Brandon.

"Samantha!" mariin kong bulong sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"I am not your damsel in distress anymore, Raven. I promised to you that I will protect you, didn't I? So I'll do it now. I'll protect you no matter what."

Natigilan ako sa kanyang sinagot sa akin. "Samantha..."

"Tarantado ka pala eh!" bago paman n'ya ambahan ng suntok si Samantha ay agad ko nang tinulak si Samantha sa may poste para magtago at hinarap ang anim na lalaking umaatake ngayon sa akin.

"Hello kuya Kris! Tulungan mo kami! Pinagtutulungan si Raven ng taga-ibang gang! Please kuya tulungan mo kami!"

Matinding palitan ng suntok ang ginawa naming pito ngunit hindi maitatangging lumalamang sila sa akin dahil madaya silang makipaglaban.

Naitumba ko naman ang apat sa mga kasama ni Brandon at umaamba na rin s'yang gumanti sa akin. Bago pa man ako masuntok muli ni Brandon ay agad ko s'yang sinipa sa tiyan at sinuntok sa kanyang panga dahilan para lumagapak s'ya sa semento.

"Raven!" saktong pagkalingon ko ay humapas ang baseball bat sa likod ni Samantha dahilan para mapahawak s'ya nang mahigpit sa aking mga braso at umubo ng dugo. Nagmistulang estatwa ako na nanigas sa aking kinatatayuan habang unti-unti kong nakikita si Samantha na unti-unting bumibitaw sa akin at matumba sa semento. Lumipat ang tingin ko sa isa sa mga kasama ni Brandon na may hawak ngayon ng baseball bat at nanginig s'yang masaksihan ang pagtumba ni Samantha sa semento. Bago pa man s'ya makatakas ay agad ko s'yang nilapitan at inambahan ng suntok at nung matumba s'ya ay agad akong umupo sa kanyang tiyan at pinagsusuntok s'ya. Nagdidilim ang paningin kong pinagsusuntok ang kanyang mukha. Halos maghingalo na s'ya sa kakasigaw na tumigil na ako ngunit hindi ko parin s'ya tinigilan at pinagsususuntok ko pa ang kanyang mukha.

"Mamatay ka na! Mamatay ka na!" sigaw ko habang pinagsususuntok s'ya.

"Raven!" bago ko pa muling masuntok ang mukha nung lalaki ay agad kong naramdaman na may dalawang taong humigit sa akin patayo at palayo doon sa nakahandusay na lalaki. "Raven! Tumigil ka na! Mapapatay mo s'ya!"

"Kris... si Sammy," mistulang nabalik ako sa aking kamalayan nung marinig ko ang pangalan ni Samantha. Agad akong lumingon sa kinaroroonan n'ya at pumiglas sa pagkakahawak ni Kris sa akin.

"Sam... Sam... Samantha," agad ko s'yang dinaluhan at niyakap sa aking mga bisig. "Samantha, andito na ako. Andito na sina Kris. Ligtas na tayo."

Ngunit sa halip na salita ay isang pagsinghap at paghinga ang tanging narinig ko mula sa kanya. Unti-unting umangat ang kamay n'ya at dumampi ito sa aking pisngi bago s'ya tuluyang mawalan ng malay.

"Sam! Samantha! Samantha gumising ka!" bahagya ko s'yang niyugyog at agad akong bumaling kina Kris. "Kris! Dalhin natin s'ya sa ospital!"



Ilang minuto akong nakatingin sa umiilaw na signage ng Emergency Room nung bumukas ang pintuan nito at lumabas mula roon ang doktor. Nung makatayo na kaming lahat ay sakto ring dumating doon ang mga magulang ni Samantha at ang personal nurse n'ya.

"Doctor, what happened? How's my daughter?!" bakas sa boses ni Mrs. De Castro ang sobrang pag-aalala sa kanyang anak.

"I don't know how to say this Mrs. but your daughter is in coma and we still can't assure if her condition is now stable because she's still under observation. Matinding tama sa likod ang natamo n'ya idagdag mo poa ang maselan at malalang kondisyon n'ya dahil sa kanyang lung cancer. I'm sorry, Mrs. De Castro but we can't do anything but to wait until she wakes up. Please excuse me," bahagyang umiling at tinapik ng doktor ang balikat ni Mrs. De Castro bago ito umalis.

"I'm sorry, Madame. Naging pabaya ako. Hindi ko po nabantayan si Samantha," mangiyak-ngiyak na sabi ng personal nurse ni Samantha na si Rosemarie.

Blangko lang na nakatingin si Mrs. De Castro sa kanya bago nalipat ang paningin nito sa akin.

"M-Ma'am, I'm so—" bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay agad n'ya akong sinansala ng isang sampal.

"Matagal na akong hindi sang-ayon sa pakikipagkaibigan ng anak ko sa mga tulad ninyo dahil bukod sa wala na kayong nagawang matino sa mga buhay ninyo, puro basag-ulo lang ang alam ninyong gawin. Pero wala akong magawa dahil ayokong mag-rebelde s'ya dahil lang sa ayaw namin sa inyo lalo na sa'yo kaya hinayaan nalang namin s'yang makipagkaibigan sa'yo pero eto pa ang nagawa mo sa kanya? Wala kang ibang nagawa kundi ang ilagay sa alanganin ang buhay ng anak ko!" agad n'ya akong dinuro. "From now on, I don't want to see your face here. I don't want you to go to our house at ayoko na ring makita kang lumalapit sa anak ko. Banned na kayong lahat sa bahay ko lalo na ikaw kaya 'wag na 'wag ka nang lumapit sa anak ko!"

"Hon, please calm down," agad na pinigilan ni Mr. De Castro si Mrs. De Castro sa balak nitong pagsampal ulit sa akin. "Please, boy. Give us a favor. Umalis na kayo rito."

"Raven, tara na," ani Kris sabay hila sa akin habang ako naman ay nakatingin parin sa pintuan ng Emergency Room kung saan kitang-kita ko ang paglalagay nila ng mga aparato kay Samantha. Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata bago kami tuluyang makalabas ng ospital.



Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung mangyari ang insidenteng iyon. Wala na rin akong nakuhang balita tungkol kay Samantha. Binisita ko naman s'ya sa bahay nila ngunit hindi ako hinayaang makapasok dahil sa banned na ako sa bahay nila. Mabuti na lamang at naging kaibigan ko ang personal nurse ni Samantha kaya nalalaman ko kung ano na ang nangyayari sa kanya. Natutuwa naman ako dahil hindi na s'ya comatose...

"Bah, parang pasan mo ang langit at lupa sa buntong-hininga mo ah?" napatingin naman ako kay Drew, isa sa mga kasamahan ko sa mini-mart na nag-aayos ng mga stocks ng junkfoods.

"Namimiss na n'ya kasi 'yung tisay na si Samantha. Ilang linggo na iyong hindi nagagawi rito eh," bumungisngis naman si Agnes.

"Miss mo naman pala bakit hindi mo puntahan sa bahay nila? Madalas ka namang nando'n 'di ba?" usisa naman ni Paolo habang nagma-mop palapit kay Agnes na ngayon ay nag-aayos rin ng mga stocks sa shelf.

Tanging buntong-hininga ang itinugon ko sa kanilang mga sinabi. Pwede ko naman s'yang puntahan sa ospital eh at kaya ko s'yang ipaglaban sa mga magulang n'ya. Pero napaka-inconsiderate ko naman kung dadagdag pa ako sa problema ng pamilya nila. Hihintayin ko munang humupa ang galit ng mga magulang n'ya sa akin bago ko sila suyuin para na rin sa aming dalawa ni Samantha.

Bahagya akong napapitlag nung biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya agad ko itong sinipat at sinagot ang tawag. "Hello, Kris. Napatawag ka?"

"Raven..." bahagyang kumunot ang noo ko nung marinig ko ang balisang tono sa kanyang pagbanggit sa pangalan ko.

"Kris, may problema ba?"

"Raven, 'wag ka sanang mabibigla," tumikhim s'ya na para bang gusto n'yang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. "Raven, si Samantha... wala na s'ya."

"Ano? A-Ano'ng ibig mong sabihing wala na?"

Tumikhim muli s'ya at rinig na rinig ko ang pagragalgal ng boses n'ya. "Wala na si Samantha, pare. Patay na s'ya... kanina lang."

Hindi ko namalayang nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa pagkagulat matapos kong marinig ang binalita ni Kris sa akin. Nawalan ako bigla ng lakas na tumayo dahilan para bigla akong mapaupo sa sahig.

Naramdaman ko ang mga mata ng mga katrabaho ko na nakatoon na sa akin at agad akong dinaluhan. "Raven? Ano'ng nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?"

Namalayan ko na lamang ang sarili ko na humahagulgol at agad na bumaha ang luha sa aking mga mata.

Ang babaeng kinaiinisan ko dahil sa pagiging maingay at feeling close n'ya... ang babaeng naging dahilan kung bakit naniniwala akong may rason pa para maging masaya... ang babaeng nagsilbing anghel sa buhay ko at ang nangakong hinding-hindi ako iiwan kahit na ano'ng mangyari... wala na. Nawala s'ya... at hindi ako nabigyan ng pagkakataong makita s'ya kahit sa huling sandali ng buhay n'ya.

"I love you, Raven."

Ang mas pinagsisisihan ko... ay hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko rin s'ya kamahal.



Nagdaan ang ilang araw na naging buwan hanggang sa naging taon hanggang sa nakatapos ako ng Grade 10, walang araw na hindi ko naaalala si Samantha. Walang araw din na hindi ko nararanasan ang impyerong buhay sa loob ng aming bahay. Matapos ng nangyari kay Samantha ay nakapagdesisyon akong tumiwalag sa Black Propaganda para makalimot at magbagong buhay. Sa totoo lang, mahirap para sa akin ang tumiwalag. Ngunit ito lang ang naisip kong paraan para makalimot sa nangyari kay Samantha. Para narin maibsan ang sakit na nararamdaman ko na sa tingin ko ay masyadong imposibleng mabura at takasan.

Simula nung nangyari kay Samantha at nangyayari sa akin ngayon sa kamay ng aking stepfather, mas lalong lumayo ang loob ko sa mga tao. Masyado na rin akong tipid kausap. Maraming gustong makipagkaibigan sa'kin kahit mukha akong bayolente pero hindi ko magawang pakisamahan sila. Natatakot ako. Sapat na iyong nangyari sa amin ni Samantha. Ayoko nang may taong mapapalapit at mapapahamak dahil sa akin.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad ako pauwi. Alas sais pa ng gabi ngunit maaga akong pinauwi ng aming manager dahil hindi ko napigilang basagin ang pagmumukha nung bastos na customer sa mini-mart kanina. Binastos kasi n'ya si Agnes kaya hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin s'ya. Ayun, bukod sa pinagalitan ako ng aming manager ay kinaltasan n'ya ang sweldo ko at pinauwi nang maaga. Hay, nag-iipon pa naman ako para sa tuition fee ko sa darating na pasukan at sa pang-araw araw namin ni mama sa bahay (dahil ang stepfather kong nawalan na ng kalinga sa aming mag-ina isang taon na rin ang nakalipas ay hindi na kami binibigyan ng pera) tapos kinaltasan pa ng manager ko. Hay, buhay nga naman. Kung sana lang talaga ay naging mayaman lang ako, hindi na ako magtatrabaho sa mini-mart. Magpapatayo na lamang ako ng sarili kong negosyo at bibigyan ko ng maginhawang buhay ang mama ko.

Bakit ba naman kasi nangyari ito sa buhay ko? May nagawa ba akong malaking kasalanan sa Diyos para parusahan n'ya ako nang ganito?

Isang buntong-hininga ang muli kong pinakawalan bago umakyat sa aming bahay. Medyo luma na rin ang bahay namin at hindi ito pininturahan. Hindi na rin ito masyadong nalilinisan kaya maalikabok ang bawat sulok ng bahay. Hindi naman ito ganito dati... nung buhay pa ang kapatid ko at masaya pa ang pamilya namin.

Hindi pa man ako nakakaapak sa loob ng kusina ay rinig na rinig ko ang iyak at palahaw ni mama sa kwarto nila ni papa. Wala sa sarili akong lumapit doon at bahagyang binuksan ang nakaawang at medyo sira naming pintuan. Kitang-kita ko kung paano sinasabunutan at sinasampal ni papa si mama at minumura gaya ng 'malandi', 'marumi', 'putangina' at kung ano-ano pang masasakit na salitang sinasabi n'ya ngayon kay mama. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa at pagod sa mukha ni mama at maging ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

Hindi ko na talaga kaya ang nakikita ko.

Nagdidilim na paningin kong kinuha ang isang bote ng beer sa gilid ng pintuan at agad akong pumasok ng kwarto nina mama. Agad kong tinulak si papa sa may bintana at binasag sa kanyang ulo ang boteng hawak ko. Bahagya akong napaatras nung makita ko ang dumudugo n'yang mukha.

"Walanghiya kang bata ka! Manang-mana ka sa nanay mong haliparot! Mga putangina kayo!" bago pa man n'ya ako ng suntok ay agad ko nang sinaksak sa kanyang tiyan ang hawak kong basag na bote. Humihiyaw s'ya sa sobrang sakit at nagmamakaawang itigil ko na ang pagsaksak sa kanya ngunit pinagpatuloy parin ang pagsaksak ko sa basag na bote sa kanyang katawan. Nilalamon ako ng sobrang galit sa kanya sa mga sandaling iyon. Nilalamon ng sobrang pagkasuklam sa kanya ang buong kamalayan ko.

Mamatay ka na! Mamatay ka na!

"Raven anak! Anak tama na!" nabalik ako sa realidad nung hilahin at yakapin ako ng mangiyak-ngiyak na si mama. Hinihingal akong napatingin sa aking duguang mga kamay hanggang sa gumapang ang paningin ko sa aking stepfather na ngayon ay nakahandusay na sa aming harapan—patay.

"Mama... na-napatay ko s'ya..." naramdaman ko ang luhang dumaloy sa aking mata matapos kong sabihin iyon. Tanging hagulgol lang ang narinig ko kay mama habang niyayakap n'ya ako nang mahigpit.

Hindi... nakapatay ako ng tao. Hindi ko dapat ginawa iyon!

"Anak! Anak Raven bumalik ka dito anak!" hindi ko na pinakinggan ang pagtawag sa akin ni mama dahil agad na akong lumabas ng kanilang kwarto palabas ng aming bahay. Nasa sidewalk na ako nung marinig ko ang sirena galing sa sasakyan ng mga pulis dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo.

"Ano'ng nangyayari dito?! Bakit duguan ka?!" maotoridad na tanong ng pulis nung lumabas s'ya ng police car at itinutok sa akin ang baril.

Mangiyak-ngiyak kong itinaas ang aking mga kamay at sinagot ang tanong sa akin ng pulis. "Pi-Pinatay ko po ang papa ko. Gi-ginawa ko lang po 'yun para protektahan ang mama ko sa pangmamaltrato n'ya. Susuko po ako... pakiusap 'wag n'yo lang po akong barilin ako lang po ang pamilya ni mama. Hindi pa po ako pwedeng mamatay."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng pulis at agad n'ya akong nilapitan. Hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol nung maramdaman ko ang pagtapik n'ya sa aking balikat. Pinunasan n'ya muna ang aking duguang kamay gamit ang kanyang puting panyo bago ako nilagyan ng posas.

"Halika na," nanatili akong nakayuko nung maramdaman ko ang bahagyang pag-akbay sa akin ng pulis at iginiya naman n'ya ako sa police car.

"Anak..." agad akong napahinto sa pagpasok ng sasakyan at napatingin ako kay mama na ngayon ay nakabalot sa aming puting kumot at mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin. Kahit magulo ang nakapangkong kulot na buhok ni mama at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang mga pasa galing sa kamao ng aking ama-amahan, masasabi kong maganda s'ya nung dalaga pa s'ya.

Hindi ko mapigilang maluha habang nakatitig kay mama na ngayon ay lumuluha dahil sa akin. "Mama..."

Hindi ko lubos maisip na iyon na pala ang huling sandali na masisilayan ko ang kanyang mukha.



"Raven..." unti-unting bumukas ang aking mga mata at agad kong naaninag ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ng kwarto kung saan ako namamalagi. Kahit hindi pa nakabukas ang kurtina ay nakakapasok pa rin doon ang liwanag mula sa araw. Dahan-dahan akong bumaling kay Michelle na ngayon ay nakaupo sa aking hinihigaang kama at nakangiti sa akin. "Sorry, nagising kita. Baka kasi lumamig na itong pagkaing dinala ko. Masarap kasi itong kainin habang mainit pa."

"Ano'ng oras na?" malumanay kong tanong sa kanya.

"Alas siete y media na ng umaga," sagot n'ya. "Dumaan lang ako para kamustahin ka tsaka may dinala akong mga gamit para sa'yo."

Dahan-dahan akong sumandal sa headrest habang nakatingin sa kanya. "Okay lang naman ako dito dahil binabantayan naman ako nina Price, Riel at Arsean. Hindi ka na dapat nag-abala pang pumunta rito."

Sa totoo lang, masaya ako at nandito s'ya para kamustahin ako. Pero kasi, nahihiya ako dahil sa pag-amin ko sa kanya kagabi na gusto ko s'ya. Maybe I shouldn't feel bad about it dahil na-misinterpret n'ya 'yung sinabi kong gusto ko s'ya dahil inisip n'yang gusto ko s'yang maging kaibigan. Pero nakakahiya parin dahil wala ako sa tamang huwisyo na umamin sa kanya na gusto ko s'ya nang gano'n kabilis.

At hindi ko akalaing masakit rin pala talagang ma-friendzone.

Bahagya s'yang ngumuso. "Hindi naman pe-pwede 'yun. Ako ang dahilan kung bakit andito ka sa ospital dahil kinalaban mo 'yung mga gangsters na kumidnap sa akin kaya obligasyon kong alagaan ka hanggang sa paggaling mo kaya 'wag ka nang umangal d'yan, Rex Raven Fajardo Delos Reyes!"

Isang malungkot na ngiti ang iginawad ko sa kanya. "I don't deserve such clean, honorable surname."

Agad na kumunot ang noo n'ya. "Eh?"

Umiling agad ako. "Wala 'yun. May narinig ka lang ata na kung ano. S'ya nga pala, ano ba 'yang dinala mo?"

"Ah, eto ba?" agad n'yang inangat ang dala n'yang baunan. "Tinolang isda tapos Fried tilapia. Sabi ni Riel paborito mo daw ang mga 'to lalo na ang Fried tilapia kaya pinagluto kita."

Bahagya akong napangiti sa sinabi n'ya. "Tamang-tama, gutom na gutom na ako. Masarap nga ang mga iyan para sa almusal."

Bumungisngis naman s'ya at agad nilapag ang dala n'yang baunan ng tinolang isda, piniritong tilapia at kanin sa table for bed. Agad naman n'yang binigay sa akin ang kutsara't tinidor at nagsimula na rin akong kumain. "Hmm. Masarap."

"Talaga?" kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata.

Tumango naman ako habang kumakain. "Hmm. Pwede ka nang mag-asawa."

"Luh s'ya ang advance n'yang mag-isip!" natatawang sabi n'ya.

"Totoo naman kasi," sabi ko habang ngumunguya.

Tanging bungisngis ang nakuha kong tugon sa kanya. "Ay, s'ya nga pala Raven. May dinala ako para sa'yo."

Napatingin naman ako sa kanya habang ngumunguya. "Ano 'yun?"

May kung anong kinuha s'ya sa ilalim ng aking higaan at bumungad sa akin ang dalawang paper bag. Una n'yang binuksan ang medium size na paper bag at iniharap sa akin ang laman nito. "Ta-da~ eto 'yung tatlo pang volume ng Slam Dunk na kasunod nung binili mo! Imported 'to galing Japan. Sinabihan ko si Ryuuji na bilhan ako ng mga volume na ito ng Slam Dunk para sa'yo baka sakaling mabagot ka rito sa ospital. Authentic manga 'yan galing Japan kaya ingatan mo!"

Bahagya akong natawa habang tinatanggap ang tatlong karugtong na volume ng Slam Dunk na binili n'ya sa akin nung isang araw. "Ibang klase ka talaga, babae."

"Grabe s'ya. 'Di ba pwedeng magpasalamat ka nalang?" ngumuso naman s'ya bago kinuha ang isa pang item na nasa loob ng medyo malaking paper bag at agad akong natigilan nung makita ko ang gamit na iyon.

Agad kong hinawakan ang jacket na hawak n'ya. "Bakit nasa iyo ito?"

"Suot mo 'to nung niligtas n'yo ako sa gang na nakalaban mo. Hindi mo ata napansin na habang nakikipaglaban ka sa mga gangster na iyon, hindi mo namalayang napunit ito kaya inayos ko s'ya para sa'yo," unti-unting lumakbay ang tingin ko sa kanyang mukha at agad naman s'yang ngumiti sa akin. "Napapansin ko kasi na lagi mong suot ang jacket na iyan kahit may kalumaan na kaya sa tingin ko ay malalim ang sentimental value nito para sa'yo kaya inayos ko."

Agad akong napakagat ng labi matapos kong marinig ang sinabi ni Michelle. Pilit kong tinatago ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

"Et alas me ut conteram: et somnia exaltatus fueris et ego..." napatingin muli ako kay Michelle matapos n'yang sabihin iyon. "Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n'yan kaya tinanong ko si Nathaniel. Hindi ko maiwasang mapangiti nung nalaman ko ang meaning n'yan. Ibig sabihin pala n'yan, They might break my wings, but I will dream and soar high. Sa tingin ko, gusto ng designer ng jacket na iyan na kahit pilit kang hinihila ng mga tao pababa, mananatili ang tiwala mo sa sarili mo para matupad ang mga pangarap mo."

Muling sumilay ang ngiti sa labi ko. Oo, may tiwala sa akin si Samantha na kailanman ay hinding-hindi ko babaliin para sa kanya.

Agad akong tumikhim at medyo nag-iwas ng tingin. "Tumigil ka nga d'yan, babae. Ang drama mo."

"Sabing Michelle ang pangalan ko tsaka malamang babae ako. Mukha ba akong bakla sa paningin mo?" ngumuso pa s'ya.

"Mukha kang pato," natatawang sabi ko.

"Ikaw naman mukhang tamaraw. Laging nakabusangot—aray!" agad ko namang pinitik ang noo n'ya nung pilit n'yang gayahin ang mukha ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Michelle."

"Ano?" panay parin ang himas n'ya sa kanyang noo.

"Usog ka nga palapit sa akin," ani ko.

"Bakit?" nakakunot-noong tanong n'ya.

"'Wag ka ngang matanong basta usog ka nahihirapan akong abutin ka masakit parina ng likod ko," sabi ko at pinakita ko pa ang pangiwi ng mukha ko sa kanya na para bang nasasaktan talaga ako.

Ngumuso ulit s'ya. "Oo na, eto na uusog na."

"Umusog ka pa," unti-unti kong inabot ang pisngi n'ya matapos s'yang umusog ng tatlong beses palapit sa akin. Hinila ang mukha n'ya palapit sa mukha ko at unti-unti kong dinampi ang aking mga labi sa kanyang noo.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako na para bang nako-konsensya ako. Hindi ko alam kung gusto ko ba s'ya bilang s'ya o gusto ko lang s'ya dahil nakikita ko si Samantha sa kanya.

Pero isa lang ang alam ko. Hindi mahirap gustuhin ang isang Michelle Sumastre.





PS: Sorry for all the typographic errors, misspelling, putting wrong punctuation marks and the grammatical errors and wrong usage of words in this chapter and this story. I am still on the process of editing this story so I hope you understand me. :)

READ ME!!! READ ME!!! READ THE AUTHOR'S NOTE!!!

A/N: Hey guys! Sorry for the very very very very very very late UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ and sorry if this is so short and spoil. Sorry for the late update and for being hiatus because I am suffering in headache, cough and fever because of stress so pardon me for this poor update. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. Thank you so much readers!

You can add me on my FB second account:

Maxielinda Sumagang-Byun II ==> https://web.facebook.com/maxielinda.sumagangbyunii.5

BTW, for those who asked me what is the name of our readers' group, fan page and such, here it is:

FB Group => XIELO || MaxielindaSumagang's Readers Garden

Link: https://web.facebook.com/groups/212636939196907/?_rdc=1&_rdr

FB Page = > Love Stories ni Maxie WP-MaxielindaSumagang's Stories

Link: https://web.facebook.com/LoveStoriesniMaxielindaOfficial

18RLOTE FB Page => 18 Roses: Laws of the Elite-MaxielindaSumagang

Link: https://web.facebook.com/18RLOTEWattpadOfficial

Please do join and like guys! Let's have some fun!!!

Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^

Continue Reading

You'll Also Like

116K 8.7K 76
And so? An epistolary.
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
651 111 18
You can find in this book the Completed/ On Going/ Upcoming/ One Shot Somniator Stories. Included in the book is the Description, Genre, Stories Stat...
219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...