79TH ROSE || A Confession On Pictures
[A/N: Hirap akong maglagay ng dedication as of this moment dahil nagloloko si Wattpad dahil nadedelete ang chapter kapag iniedit ko 'to o naglalagay ako ng dedication. Medyo late na rin akong mag-update next week dahil under maintenance pa raw si Wattpad (kaya pala hirap akong mag-update last time at hirap makita 'yung Chapter 77). So, yeah I'll be updating next Saturday kapag medyo okay na itong site ni Wattpad. I hope you guys can wait for me. You'll wait for me, right? Possible magti-triple or double update ako next week. We'll see. I love you guys~ enjoy reading.
I also do have Sweek account guys! Parang wattpad rin ang site na iyon at convenient rin s'ya basahin. Nagpost na ako ng isang story doon at possible na ipopost ko rin ang 18RLOTE doon so you can follow me there to with my username @MaxielindaSumagang
By the way, advance Happy Pasalamat Festival sa mga kababayan ko sa Pagadian City! Pit Senyor!]
- MICHELLE SUMASTRE -
"Ano?! Magpinsan kayong dalawa ni Tric?!" halos umalingawngaw na ang boses ko sa loob ng refectory/dining hall ng Empire Academy Senior High matapos akong kausapin nina Hye Ra at Seul Gi. Matapos kasi ng insidente kahapon at nung pumunta si Tric kagabi sa bahay namin para humingi ng sorry ay masyadong nakonsensya ang magpinsan sa kanilang ginawa sa aming dalawa ni Tric kaya eto sila at kinakausap ako para humihingi ng sorry. In short, planado nila ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ni Tric. Tama ang narinig n'yo, magpinsan sina Tric at Hye Ra. Magkapatid ang papa ni Tric at mama ni Hye Ra kaya first degree cousins sila. Andito sila para linawin ang lahat ng mga nangyari at humingi ng apology pero sa halip na humingi ng sorry ay tawa ang narinig ko mula sa kanilang dalawa.
"I told you Seul Gi, she will be dead surprise when we tell her about our connection with Tae Hyun-oppa," natatawang sabi ni Hye Ra.
"Yeah jinjja!" tumawa rin si Seul Gi. Planado rin pala 'yung pagkakabangga n'ya sa akin sa SSG Office sa hindi ko malamang dahilan.
"Teka nga sandali naguguluhan ako," agad naman akong napatingin kay Hye Ra. "Kung magpinsan kayo, bakit mo ginawa sa akin 'yung kahapon?"
Bahagya naman s'yang natawa. "You know eonni, we knew that Tae Hyun-oppa is so choosy when it comes to girls and we barely see him with girls well... except sa amin nina Seul Gi at Seon Mi-eonni. Kahit nga ang makipagdate sa mga babaeng anak ng business partners ng parents namin ay hindi n'ya ginagawa. He's not a womanhater pero sadyang ilag lang s'ya sa babae. Gano'n na talaga si Tae Hyun-oppa not until one day, nung bumalik s'ya ng Korea para bisitahin ang business nila at kami naring magpipinsan ay bigla ka n'yang naikwento sa amin. For the first time in our lives, narinig namin s'yang magkwento tungkol sa isang babae na hindi namin ka-relative at hindi namin kilala which comes to be you, Michelle-eonnie."
'Wag na kayong magulat kung marunong marunong magtagalog si Hye Ra. Sila ni Seul Gi eh marunong talaga silang magtagalog dahil tinuruan sila ni Madame Agatha. Kahit purong Koreana silang dalawa ay kailangan nilang matutong magtagalog para kung sakaling bumisita daw sila sa Pilipinas ay hindi na sila mahihirapan.
Tumango naman si Seul Gi bilang pagsang-ayon. "Majjayo, eonni. Naging curious kaming makilala ka dahil sa mga kwento ni Tae Hyun-oppa tungkol sa'yo kaso ayaw naman n'yang ipakilala kami sa'yo kaya kami na mismo ang gumawa ng paraan para makilala ka."
Sumikdo naman ang puso ko sa sinabi nilang dalawa. Seryoso? Si Tric kinikwento ako sa dalawang 'to? "A-Ako? Kinikwento ni Tric? B-Bakit naman n'ya ako kinikwento sa inyo?"
Seul Gi shrugged. "Eojjeomyeon geuga dangsin-eul joh-ahagi ttaemun-e dangsin-eun geuui gwansim-eul eod-eossseuyo."
Agad naman s'yang kinalabit ni Hye Ra para patahimikin. "Dagchyeo, Seul Gi-yah. Tae Hyun-oppaneun uliga geunyeoege eotteohge neukkineunji iyagihamyeon ulileul jug-il geosseoyo."
"Geunyeoneun geugeos-eul al gwonligaitda!"
"Geurae, ara.Geundae, Tae Hyun- oppaga jagi hante eotteohge neukkineunji malhae jul il-iya. Gedaga ulineun geuga jeongmallo geunyeoleul joh-ahago jeongmallo seololeul joh-ahaneunji hwagsilhaji anhaesseoyo."
Kumunot naman ang noo ko sa sinasabi nilang hindi ko naman maintindihan. Jusmiyo Marimar bakit ba ako nilalapitan ng mga alien? Tabang mga langit!
"Hye Ra," agad namang napatingin si Hye Ra sa akin. "Simula nung isang araw hanggang kahapon... bakit mo ginawa iyon?"
"Eh? Mwoga?" aniya.
"Bakit ka nagpanggap na kababata ka ni Tric na nainlove sa kanya at bakit mo... bakit mo ako inaway kahapon?" gusto ko talagang malaman ang rason n'ya kung bakit inaway n'ya ako nang ganoon na akala mo totoong lover s'ya ni Tric tapos hindi naman pala dahil magpinsan sila.
"Actually, eonni... that's Seul Gi's idea," pinanlakihan naman s'ya ng mga mata ni Seul Gi.
"Ya, Hye Ra-yah! Jeongsin nagasseo?! That's not my idea! That's yours!" nag-make face naman si Hye Ra sa pag-angal ni Seul Gi at agad namang ngumuso si Seul Gi. Hay nako, ang cute ng dalawang 'to. Kaya pala parang may kamukha si Seul Gi kasi medyo hawig s'ya kay Tric kumpara kay Hye Ra. [*TRANS: Are you out of your mind?]
"It doesn't matter who's who. We actually did that because we wanna prove something," sabi ni Hye Ra.
"Ano naman iyon?"
"Man-yag dangsin-i jeongmallo Tae Hyun-oppa-e daehan aejeong-eul gajigo itdamyeon dangsin-eun geuege majneun sonyeoibnida," nagkatinginan naman sina Hye Ra at Seul Gi at nagkangitian.
"Keureochi, nae mari geu mariya."
Bahagya akong napakamot ng ulo. "Wala talaga akong maintindihan sa mga sinabi ninyo parang sasabog na ang ulo ko kapag pinapakinggan ko kayo. Pwede n'yo naman sigurong tagalugin, 'di ba?"
Bumungisngis na lamang silang dalawa. "Nevermind it, eonni."
Binuksan naman ni Seul Gi ang kanyang hawak na baunan at nilapag sa harap ko. "Maeumkkeot meogo, eonni. Eat a lot. That's bibimbap. You gonna try it. It's delicious."
Bahagya naman akong tumango. "Umm... salamat, Seul Gi."
"Eto rin eonni, try mo," pinakita rin ni Hye Ra ang dala n'yang baunan. "It's samgyeopsal. Masarap din 'yan. That's Tae Hyun-oppa's favorite."
Agad naman akong napatingin sa kanya. "Talaga? Paborito ito ni Tric?"
Ngumiti naman sa akin si Hye Ra at tumango. "Ne, eonni."
Napangiti naman ako sa sagot n'ya at tinikman 'yung pagkaing sinasabi n'yang samgyeopsal. "Hmm... masarap."
"'Di ba eonni masarap? Sabi ko naman sa'yo eh. Kain ka pa eonni."
Ganoon lang ang naging takbo ng tanghalian ko kasama sina Seul Gi at Hye Ra. Nalaman ko rin na close si Tric sa kanyang mga pinsan dahil only child lang s'ya kaya tinatrato na rin s'ya ng mga pinsan n'ya na kapatid at kung anu-ano pang kinikwento nila tungkol sa buhay nila at sa buhay ni Truc. Kung minsan ay binubuksan ko 'yung paksa tungkol sa nangyari sa amin ni Hye Ra nung mga nakaraang araw kung bakit n'ya iyon ginagawa sa akin ngunit wala akong makuhang sagot dahil nililihis nila 'yung topic. I really smell something fishy.
"Hey, babo ahjumma. What are you doing? Why are you covering your face?"
Hiyang-hiya talaga ako kapag nakakasalubong o nakakausap ko si Tric dahil naaalala ko 'yung paghingi n'ya ng sorry dahil sa ginawa ng pinsan n'ya sa akin pero kahit hindi ko naman talaga kasalanan ay grabe parin 'yung hiya na nararamdaman ko dahil bumabalik sa alaala ko 'yung mga sinabi ko kay Hye Ra nung nagkasagutan kami sa locker room. Naku naman! Sana hindi iyon malaman ni buang na alien dahil panigurado manunuya na naman ang mokong na iyon sa akin. Andami na n'yang alam tungkol sa akin at anytime pwede na n'ya akong i-blackmail. Huhuhuhu! Nakakainis! Bakit ko ba kasi pinatulan 'yung trip ng mag-pinsan kaya eto, nangangamba parin ako baka malaman ni Tric 'yung mga nasabi ko kay Hye Ra. Naku naman sana hindi!
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase namin sa World Literature. Tungkol na kasi sa Modern English Era ang paksa namin kaya panigurado mahaba-haba ang klase namin ngayon kaya agad akong pumunta sa locker room para kunin ang notebook at mga libro ko. Nung pumasok ako sa locker room ay apat lang kaming naroon at medyo maingay 'yung kasama ko sa loob dahil panay ang tsismisan nila. Mukhang Grade 11 ang mga ito. Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko nalang sila pinansin at agad kong binuksan ang locker ko ngunit sa halip na ang libro sa World Literature ang kunin ko, isang kulay kremang papel na may naka-ipit na pulang rosas ang umagaw sa atensyon ko kaya ito ang kinuha ko.
"Sino kaya ang naglagay nito sa locker ko?" bahagya akong ngumiti at inamoy ang pulang rosas bago ko binuksan ang kulay kremang papel at binasa ang nakasulat doon.
Michelle, can I have your time? I hope you can go to my photo gallery house and meet me. I will wait for you there at 5 o 'clock PM. Hope to see you there. – Price.
Kumunot naman ang noo ko matapos kong mabasa ang nakasulat sa kremang papel. Naninibago ako kay Price Kurt dahil ngayon lang ata n'ya ako hindi tinawag na class president. Damang-dama ko talaga ang seryosong aura n'ya kahit binasa ko lang ang liham n'ya sa kremang papel na hawak ko. Huminga ako nang malalim. Mukhang kailangan kong siputin si Price dahil baka may importante s'yang sasabihin sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako at inipit na lamang sa aking libro ang liham pati na rin ang rosas bago ako bumalik sa aming classroom.
Alas-singko na ng hapon nung nagpaalam ako kina Chantal at Quia na umuwi. Ah, hindi pala. Hindi naman talaga ako uuwi. Kailangan ko lang talagang siputin si Price dahil may importante daw s'yang sasabihin sa akin. Sakto at dinala ko ang notes ko sa araw na ito para maibigay sa kanya. Buong araw s'yang absent eh.
Sa halip na mag-jeep ay nagtaxi na lamang ako papunta sa address na sinasabi ni Price sa akin. Alam ko mahal ang pamasahe pero hindi na ako nag-jeep dahil baka matagalan ma-late pa ako sa napagkasunduan naming oras ni Price. Hindi ko naman kasi ugaling hindi sumipot sa mga importanteng usapin. Sana talaga dinala ko ang scooter ni Mama Rona para makatipid sa pamasahe. 'Di bale nalang, minsan lang naman 'to eh. Ilang araw na lang makakabili na rin ako ng bagong bike. Hahaha!
"Manong, eto na po ang bayad," agad ko namang inabot sa taxi driver ang pamasahe ko nung bumaba na ako sa bahay ni Price. Agad na ring umalis ang driver matapos kong maibigay ang aking bayad.
Tahimik lang akong nakatingin sa kabuuhan ng bahay ni Price Kurt. Dapat hindi na ako magulat kung malaki man ang bahay nila dahil Elite naman s'ya pero nagulantang pa rin ako sa gara ng bahay nila.
Hindi pa man ako nakakapag-door bell ay biglang bumukas 'yung gate at binati ako ng isang maid doon. "Hello, miss. Ikaw po ba si Michelle Sumastre?"
Nag-aalangan akong tumango sa kanya. "O-Opo, ako nga po."
Sumilay naman ang matamis na ngiti sa nasabing maid. "Mr. Price Kurt is waiting for you. Come, follow me."
Tumango naman ako bilang sagot at sumunod na lamang sa kanya. Bumungad sa akin ang napakagandang garden ng bahay nila. Maraming mga bulaklak at napakalinis tignan ng Bermuda grass at parang gustung-gusto kong magpagulong-gulong doon. Pumasok na rin kami sa bahay nina Price. Maganda naman ang bahay nina Price, malaki, malinis at cozy. Parang mga usual na bahay lang na nakikita mo sa mga commercials o kaya sa mga pelikula na bahay ng mga mayayaman. Tahimik lang kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nina Price at iginiya ako ng maid sa isang kwarto doon na pumasok. Mukhang studio ang nasabing kwarto. Bumungad sa akin ang mga naka-frame na litrato sa loob. Mostly kalikasan, city lights at kung anu-ano pang pang-photography.
Napangiti naman ako habang nakatingin sa nasabing mga larawan. "Ang galing ni Price. Para na s'yang professional sa pagkuha ng mga litrato."
Napatingin naman ako sa kabila at bumungad sa akin ang napakagandang litrato ng isang babae. Kamukhang-kamukha ito ni Price at parang mature version n'ya ito. Marahil kapatid n'ya o nanay. Pero masasabi kong maganda ang lahi nina Price dahil sa babaeng iyon. Marami ring nakapaskil na pictures sa isang wall do'n. Kuha sa polaroid at DSLR camera ang mga random pictures na iyon.
Wala sa sarili akong napalingon sa isang puting pinto ng kwartong iyon. Unti-unti akong lumapit doon at pumasok at agad namang bumungad sa akin ang mas maraming naka-frame na pictures na parang nasa exhibit ako. At ang mga nakaframe na pictures na iyon... ay ako.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at kung ano ang itsura ko nung nakita ko ang mga nasabing litrato kung saan puro mukha ko ang naroon. Pero isa lang talaga ang sigurado ako... gulat na gulat ako.
May litrato doon kung saan lumingon ako sa kung saan habang nakaupo ako sa aking upuan. May isa ring picture doon na nakatingala ako sa kalangitan habang tinatangay ng hangin ang aking buhok. May isa ring nagbabasa ako ng libro. May isa rin na masaya akong kumakain sa glass house. May isa din doon na natutulog ako habang nakahilig sa katabi kong crinop. Panigurado eto 'yung sa Outside School kung saan nakahilig ako kay Tric sa halip na kay Mark. May picture din doon na may dala akong pekeng rifle nung laro namin sa Outside School. May isa rin akong picture doon na nakangiti habang naka-side view. May isang litrato doon na may kausap ako habang malapad ang ngiti ko. May isa rin akong picture doon na nasa demonstration table ako at mukhang ito 'yung meeting namin sa school festival. May isang picture doon na lumingon ako sa camera. May picture din na naka-gown ako ng Cinderella, eto marahil 'yung sa play namin. Karamihan sa mga litratong naroon ay stolen shot o mga litratong hindi ko alam na kinukunan ako.
Pero ang pinaka-kapansin-pansin sa mga litratong naroon ay 'yung inaamoy ko ang unang rosas na natanggap ko sa 18 roses ko. Inaamoy ko ito habang nakatingin sa kung saan. At inaamin ko, ang ganda ng pagkakakuha sa litratong ito.
"Do you like it?" napalingon naman ako sa boses na nanggaling sa aking likuran at nakita ko si Price na nakatayo roon. Doon mismo sa baba ng malaking portrait ko na kinuha nung 18th birthday ko.
"Hi-Hindi ko alam ang sasabihin ko Price. Hindi ko alam kung magagandahan ba ako o magugulat lang talaga ako sa lahat ng nakita ko. P-Paano mo ito nagawa? Ang ibig kong sabihin... paano mo ako nakunan ng mga litrato?" tanong ko.
Price smiled at me. "Simple lang... naging instant stalker mo ako simula nung naging magkaklase tayo. Nagustuhan mo ba?"
Luminga-linga ako sa paligid at ngumiti. "Oo naman, sobra. Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang lahat ng ito? Sobrang ganda kaya ng pagkakakuha."
"It's because my subject is already beautiful," napatingin akong muli kay Price.
"Price... ano palang ibig sabihin nito? Bakit mo pala ako... pinapunta rito?"
Pumikit s'ya at huminga nang malalim bago n'ya nilahad sa akin ang iba't ibang kulay ng rosas. "I've been hiding this feeling from the very first day that I saw you. You know, I am trying my best just to forget this because of the laws of the elite but... the more I am trying to forget and erase this feeling... the more it grew stronger and stronger and now, I can't really hide this anymore..."
"A-Ano'ng ibig mong sabihin, Price?"
He looked at me intently as he held my hand. "Michelle Sumastre, I like you. I really, really like you."
A/N: OMO! OMFG! It's another confession! After Nathaniel, Raven and Nolan, here comes Price! What might happen next? I know you're excited about it so stay tuned guys!
Hey guys! Sorry for the very very very very very short UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ Sorry if this is update is sooo spoil. Hahaha. Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^