66TH ROSE || Casting the School Festival's Play
[A/N: Some of the scenes of this chapter was inspired from the Japanese anime Kamigami no Asobi (Mischiefs of the Gods) episode 10. 'Yung medyo nasa last na scene ng chapter na ito. Hahaha.
Sa araw na ito ay dalawang chapters na munang ito ang i-po-post ko. Oo ganun na nga, double update ako ngayon kasi next Thursday na siguro ulit ako makakapag-update dahil babyahe ako from Pagadian City to Cagayan de Oro City to Davao City this December 15, 16 at 17 para sa first booksigning ko sa Davao. Hahaha! Anyways, sino'ng taga-Davao dito? Punta kayo sa 'The Korean Boys are into Me' booksigning ko sa Bajada, Davao City ha?
PS. Kasabay namin si virgin writer owwSIC a.k.a. Sic Santos. Kitakits nyahahaha! ^^]
- MICHELLE SUMASTRE -
Paano ako napasok sa lugar na ito?
Hindi naman ako pinanganak na mayaman, at imposible para sa akin ang pagtungtong sa prestihiyosong eskwelahan na iyon.
Ngunit... paano nga ba ako napasok sa Empire Academy?
Sa isandaang nag-take ng kauna-unahang scholarship exam na ginawa ng elite private school, Empire Academy ay labingwalo lamang ang pinalad na makapasok.
Kung inaakala ninyo na ginawa ito ng Empire Academy para lang tulungan kaming mga walang maipantustos sa pag-aaral, nagkakamali kayo.
Para saan ba ang ginawa nilang scholarship exam kung hindi naman nila layuning tumulong?
Simple lang, ang subukin ang kakayahan naming mga kabilang sa Social Welfare Group kung kaya ba namin ang standards ng Empire at isampal sa amin ang katotohanan kung gaano kami hindi sinuwerte sa buhay nung mapasok namin ang mundo ng mga Elites.
"Do you know why you are here?" tanong ng school chairman ngunit mistulang si Banker s'ya ng Deal or No Deal o si Kuya ng Pinoy Big Brother dahil hindi namin makita ang kanyang pagmumukha at tanging ang puting screen na nakaharang sa pagitan naming labingwalong estudyante at sa kanya ang aming nakikita.
"Dahil po... dahil nakapasa po kami sa scholarship exam n'yo po," sagot nung lalaking kasamahan namin.
"Exactly. But, that's not really the reason why you're here," aniya.
"Kung gano'n... ano po ang rason bakit kami nandito bukod sa pagpasa namin sa scholarship exam?" sabi rin ng babaeng kasamahan namin.
"This school was already intoxicated by those rotten brats, by those elites. We're keeping on changing our grading system and curriculum in order to chase their standards. At mapapatunayan naming nag-improve nga ang curriculum namin sa pamamagitan ninyo," sagot ng chairman.
"Kami? Bakit naman po kami?" tanong nung isa pa naming kasama.
"The reason why we recruit you by letting you take our first ever scholarship exam ay para hayaan kayong makapasok sa school na ito. Which is really good for you lalo na 'pag grumaduate kayo. But then, just like the other crappy schools, hindi kayo pwede pakampante dahil lang naipasa n'yo ang exam ng Empire Academy at scholar na kayo. Remember, 'pag bumaba sa 1.75 ang GWA ninyo, that means you have to leave the Empire Academy's premises at once. In short, kick out. And there's nothing you can do about it. Once you got failed, you'll pack up, leave and go to other schools."
Marahas na singhap ang narinig ko sa buong kwartong iyon. Tanda ng sobrang nagulat sila sa kondisyon ng chairman.
"And I know you don't want to let it happen since you already stepped in this number one elite private school in the Philippines. At hindi lang 'yun, napakaswerte n'yo pa dahil lahat ng benefits na nakukuha ng mga estudyante ng Empire Academy ay nakukuha't natatamasa n'yo rin. So, all you have to do is to top the exam, enter the top 100 list and you're good until you graduate. If you fail, then you'll say goodbye to this ground. Is that clear?"
"Yes, chairman," untag naming lahat.
"Your documents about your financial, social and family standing as well as your background will be hidden for your safety in massive bullying here. So be careful once you begin your journey here in Empire Academy and once you encounter the elites. Hindi n'yo magugustuhan ang mangyayari sa inyo once malaman nila ang tungkol sa inyo. It's your choice or susundin n'yo ako ngunit ang maipapayo ko lang sa inyo, don't make any connection and relationship with an elite kung gusto n'yo pang maka-graduate sa lugar na ito. Is that understood?"
"Yes, chairman."
Unti-unting bumukas ang mga mata ko nung maramdaman ko ang sinag ng araw sa aking mukha. Napaupo ako sa aking higaan at nag-inat. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Kung paano pinagsalitaan ni Myrtle ng ganun si Quia. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para makalimutan iyon at agad nagtungo sa kwarto para maligo.
Pagkatapos ng ilang minuto kong maligo ay agad na rin akong nagbihis at hinanda ang aking sarili para pumasok sa eskwelahan. Pagkababa ko mula sa aking kwarto ay agad akong sumabay kina Mama Rona sa agahan.
Pagkatapos ng tatlong subo ko sa pagkain ay agad akong uminom ng tubig at tumayo. "Mama Rona, muadto na ko." [*TRANS: Aalis na po ako / Pupunta na po ako.]
"Teka, langga. Kaunti lang 'yung nakain mo ah?"
"Wala po kasi akong ganang kumain eh," pagkatapos kong ilagay ang baunan ko sa bag ay agad kong ikinalwit ito sa aking likuran. "Alis na po ako."
"O sige, mag-ingat ka. Gamitin mo 'yung scooter ko," tumango naman ako bilang sagot at pagkalabas ko ng bahay ay agad kong tinungo ang scooter at minaneho ito papuntang Empire Academy.
Tatlong subjects rin ang tinapos namin sa mga oras na iyon nung makatanggap ako ng text message mula sa aming adviser. Wala daw s'ya sa araw na ito dahil sa isang importanteng seminar kaya inatasan n'ya akong manguna sa meeting namin tungkol sa aming booth para sa school festival.
Bumuntong-hininga naman ako. As if naman may choice akong tanggihan si Sir. 'Pag ginawa ko namang tanggihan s'ya, ipapamukha lang n'ya sa akin na ako ang class president kaya dapat gawin ko ito. 'Di ba ang saya lang? Kaya ako napag-iinitan nina Myrtle dahil dito eh.
Agad naman akong napatingin kay Mark at sakto namang napatingin s'ya sa akin. Isasantabi ko muna 'yung pagiging heartbroken ko sa kanya. Trabaho muna, walang personalan. "Pumunta na tayo sa harap. Sisimulan na natin ang meeting."
Tumango naman s'ya at isang masiglang ngiti ang iginawad n'ya sa akin na sinuklian ko naman ng isang tipid na ngiti. Agad kaming tumayo at tinungo ang demonstration table.
Napunta naman sa aming dalawa ang atensyon ng lahat at agad naman akong nagsulat sa blackboard ng 'five days to go: School Festival'. "Alam kong alam n'yo na rin na ilang araw nalang, school festival na ng Empire Academy. Since wala rito ang ating homeroom teacher dahil may kailangan s'yang daluhan na seminar ay kailangan na nating mag-decide ng booth para sa ating klase. Any suggestions for our booth?"
"Fashion Boutique!" kaagad na nagtaas ng kamay si Sia.
Agad naman nag-'nah' ang lahat sa kanyang suggestion.
"Only you girls love that fashion boutique," ani Nolan. Umismid naman si Sia sa kanya.
"How about jewelry shop?"
"Movie house?"
"Horror house! Nyahahaha!"
"Dude, that is so cheap. Hahaha."
"A booth full of exquisite cuisines?"
"No! Antiques!"
"No! Our booth must serve some sweet desserts! Pastries!"
"No! No! I insist the fashion boutique!"
"No! Not that!"
"That's too cheap for a business."
Bahagya kong pinisil ang bridge ng ilong ko. "Isa-isa lang hindi tayo magkakaintindihan eh."
Napansin ko namang nagtaas ng kamay si Ryuuji kaya agad naman akong napatingin sa kanya. "Yes, Ryuuji?"
"I suggest that our booth will be a cafè," agad namang napatingin ang lahat sa kanya.
"Seryoso ka, Ryuuji? Ba't 'yan ang naisip mo? Maganda naman ang jewelry shop, 'di ba?" ani Leogne.
"Yeah right. And Fashion Boutique is also good!"
"Yeah and an antique shop just like in Greece!"
"Tsaka ang cheap ng cafè!" angal ni Nolan.
"Oo nga. Bar nalang para mas maganda," ngumiting aso naman si Kaizzer.
"That's prohibited here, Kai," ani Errol.
"I bet the other classrooms and the other year levels already had that idea. I bet also that the other classes also got your ideas like sweet desserts house, dairy house and such. So I bet our class' booth is a cafè. In cafè, we can serve anything under the sun such as foods, desserts, beverages or souvenirs such as pictures, chains, jewelries and such just like in Japan. How was that?" sagot naman ni Ryuuji.
"Hmm... I get his idea. Pwede iyon tapos dito lang sa classroom natin gagawin since malaki naman ang classroom natin," sagot ni Quia.
"We can also have the French cafè ambience in our booth wherein we will dress like a butlers and a maids," dagdag pa ni Mark. "With that, mas makakapag-participate rin tayong lahat. Right?"
"Whatever you say, Prince Mark, I'll go for it!" sabi ni Fiona at agad naman s'yang tinarayan ni Myrtle.
"Shut up, Fiona."
"Okay. So, cafè ang final suggestion n'yo. Sino ang sang-ayon na cafè ang booth natin?" agad namang nagsitaasan ang halos lahat sa mga kaklase namin. "29 out of 35. Majority wins. So, cafè na ang booth ng Class 12-1."
"Kanino naman tayo kukuha ng budget for our booth? As of last year, si Kezie at France ang gumastos sa lahat ng expenses sa booth namin. So who will be the one to sponsor it?" tanong ni Hans na ikinatigil naming lahat.
Oo nga noh? Medyo mapapalaki ang expenses namin dahil cafè ang napili naming gagawin sa booth. Mula sa pagkain, beverages such as kape at tools and equipments na gagamitin sa cafè ay mahal na. Naku naman, bakit hindi ko naisip 'yun?
We heard Leogne chuckled and all our attention were on him. "You don't have to worry about our expenses in the cafè booth. Because..." agad naman n'yang pinakita ang isang pamilyar na card. "We already saved up 2.5 million from our cussing jar. So, I bet this is already enough to start our cafè. This is our class' money so we should use it in our booth."
Everyone clapped and cheered after hearing Leogne's solution in financing our booth. Isang mangha at masayang tingin ang ipinukol ko sa kanya matapos kong marinig ang sinabi n'ya. So these elites really saved up 2.5 million pesos in the cussing jar? Hindi na dapat ako magulat pero nagulat parin ako. So elites do really have so much time in their hands.
"Okay, since settled na tayo sa finance ng ating booth, sa mga tutulong para sa design para sa cafè, menu list, at ang sasali sa staff ng ating cafè, magpalista kayo sa akin, kay Quia, kay Leogne at kay Mark mamaya after our morning session," sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ko. Sa tingin ko, mukhang konti lang ang tutulong sa amin sa booth. Hay naku.
Nagsibalikan naman kami sa aming mga upuan nung dumating na ang aming teacher sa Music and Arts at naging tahimik naman kaming lahat sa pagpasok n'ya.
"Good morning class."
"Good morning, Madame Sinclair."
Napatingin naman s'ya sa blackboard. "So, you're planning about what you're going to prepare in the school festival few days from now?"
Agad naman kaming tumango bilang sagot. "Yes, madame."
Nilagay naman n'ya agad ang kanyang hawak na libro at box sa demonstration table. "That's good to hear that you're actually holding a meeting about it. As far as I remember, last year, your SSG President Gatcheco was the one who assigned your class in a certain booth, right? Nag-iba ata ang ihip ng hangin."
"Umm," tumikhim naman ako bago sumagot. "Hinahayaan na n'ya po kasi ang bawat klase na mag-decide para sa kani-kanilang mga booths basta magpasa lang ng application at proposal ukol dito at mapasok lang ito sa specifics ng ideal booths para sa theme ng school festival."
"Hmm... that's new to hear. I never thought your President is now hearing your suggestions. Anyway, speaking of school festival, I bet you already knew that in the first day of the school festival, may gagawing pagtatanghal sa entablado. In short, theater play, right?" aniya.
Agad naman nagsitanguan ang lahat. "Yes, madame. Last year, nagparticipate ang lahat ng Grade 9 for the theater play."
"May ganun pala dito?" bulong ko kay Quia habang nakatingin s'ya kay Madame Sinclair.
Tumango naman si Quia bilang sagot. "Oo. At s'ya ang nag-ho-hold no'n. S'ya rin ang pumipili ng year level o klase na tatanghal sa play."
Napangiti naman ako sa sagot ni Quia. "Maganda pala kung gano'n."
Umismid naman s'ya. "Not really. Kung alam mo lang kung gaano kataas ang standards n'ya about theater plays like hello? We're not theater actors and actresses. We're not like Thespis. Kung gusto n'ya ng perpektong theater play na papasok sa taste n'ya, eh 'di s'ya ang tatanghal sa stage."
"Bakit parang nanggagalait ka sa lagay na 'yan?" tahimik akong natawa habang nakatingin kay Quia.
"Kasi naman, 'yung klase na under sa subject n'ya, natalo sa theater play nung last year. I think it's the last year's 9-1. Natalo sila ng 9-3 kasi Grade 9 lahat ang nagkaroon ng play competition kaya nung natalo ang buong klase, ayun, binagsak n'ya lahat. Alam mo namang 90 ang pinakamababang grade na makukuha mo sa grading system ng Empire Academy kaya below that grade, considered na na bagsak iyon. And she gave the whole class an 87 grade. Considered as fail. Ganyan s'ya kalupit at ka-perfectionist when it comes to her forte, the theater. Kahit sampung kalahok lang sa 9-1 ang nagparticipate sa play, buong klase ang binagsak n'ya," sagot ni Quia.
I felt shivers in my spine. "Grabe, ang lupit nga n'ya."
"Gano'n nga kaya no wonder takot ang lahat na under ng klase n'ya na ma-assign sa theater play for the school festival dahil hindi lang presentation ang theater play sa school festival, it's a competition. And once you lose, you will also lose your grade."
Napalunok ako sa sinabi ni Quia.
"And as of this year's theater play competition. Hindi na s'ya by class, kundi... by year."
Lahat ng mga kaklase ko ay napasinghap sa sobrang gulat. "W-What do you mean, Madame?"
Mukhang takot nga ang mga kaklase ko basta magsisimula ng mag-topic ng theater play si Madame Sinclair. Sa ekspresyon palang talaga, alam mo na ang takbo ng isip nila.
"All the first class of Grades 8 to 12, you'll be the one to perform different theater plays in our school festival. And I really do have high expectations on it dahil buong section As ng Grades 8 to 12 ang mag-pe-perform. Isn't it exciting?" Madame Sinclair gave us her cunning smile.
"OMG," si Myrtle.
"My goodness, is she serious?! Naku naman, ang malas naman!" pinipigilan naman ni Quia ang magdabog.
"We're going to do the theater play? Seriously? No way!"
"What the—? No, no the effin' way!"
Rinig na rinig ko ang bulungan at kitang-kita ko ang disappointment, anxiety at takot sa mukha ng mga kaklase ko. Seryoso, ganito sila ka-takot sa theater play na pinapagawa ni Madame Sinclair?
"And, I will be choosing the lucky 11 students to perform a play as your representative for the school festival," Madame Sinclair immediately shook the box three times and put it on the table again. Dahan-dahan naman s'yang bumunot sa isa sa mga gold card na kasinlaki ng ATM card na naroon.
Pigil ang paghinga ng mga kaklase ko habang nakatingin sa kanya. 'Yung iba ay namamawis ng sobrang lamig habang 'yung iba ay hindi mapakali.
Natutuwa akong mag-perform ng theater play sa entablado. Pero sa nakikita kong ekspresyon ng mga kaklase ko, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatakot o hihilingin kong hindi sana ako ang mabunot sa mga sandaling iyon.
Matapos n'yang mabunot ang labing-isang golden cards, agad n'ya itong binasa. "So, the 11 participants for the Grade 12-1's theater play are... Kurt Nathaniel Gatcheco, Kezie Charles Olivier, France Derrick Yzon, Luke Hemmings, Leogne Gio Walter, Jude Nolan Hernandez Jr., Price Kurt Roxas, Rex Raven Delos Reyes, Ryuuji Sawada, Tric Marion Baek and... Michelle Sumastre.
"What the fudge! No way!" narinig kong angal ni Luke.
"I-I'm not one of the participants! You're just joking!" angal rin ni Nolan.
"No, I'm not joking here, Mr. Hernandez."
Damang-dama ko ang kaba at tension sa buong klase namin sa mga sandaling iyon. Mas lalong lumala nung ngumiti sa amin si Madame Sinclair.
"Do your best to win, Class 12-1. If you fail to win the competition, your grade will fail also. Not just the eleven participants. But all of you. ALL of you."
"That old hag Sinclair is really unreasonable as ever," napailing si Nathaniel sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan. Matapos sabihin ni Madame Sinclair ang kanyang mga napili para mag-present ng stage play ay agad kaming dumiretso sa SSG Office para ipaalam kay Nathaniel at Tric na napili sila bilang isa sa mga participants at para makapag-meeting kami para sa gagawin. Mabuti na lamang at sila ni Tric lang ang tao sa loob kaya pwede kaming mag-meeting.
"Seryoso ba s'ya? Five days nalang ang natitira sa atin para mag-practice sa theater play n'ya kuno tapos aasikasuhin pa natin ang booth natin," pinaikot-ikot naman ni Nolan ang daliri n'ya sa tapat ng kanyang tenga. "Mukhang malala na ang pagkakaluwang ng turnilyo sa ulo ng matandang 'yun. Baliw na ata 'yun porket menopausal."
"There's no problem in our booth since naroon naman si Mark, Quia at ang iba pang officers para asikasuhin iyon. Pero 'yung sa play lang tayo magkaka-problema," sabi ni Nathaniel at agad s'yang umikot sa mesa parahap sa amin at umupo sa edge. "Madame Sinclair has high expectations to us and she also has high standardsin stage plays. Once we fail her standards, hindi lang tayo ang babagsak. Buong klase natin ang babagsak."
"My point is..." ani Nolan. "If she wants an oh-so perfect stage play, we'll never make it in time. We only have five days left to prepare."
"I like watching theater plays but this... we're going to perform it? It's a pressure!" angal ni Leogne.
"Kaso, wala na tayong magagawa kundi ang gawin na lamang ang stage play kesa ang bumagsak tayo sa subject n'ya," tsaka hindi ako pwedeng bumagsak ng isang subject kundi bababa ang GWA ko manganganib ang scholarship ko—kung scholarship mang matatawag iyon! "Kailangan nating magtulungan dahil sa atin nakasalalay ang kapalaran ng mga kaklase natin sa subject n'ya."
"Aim for the play to be successful. That's the master plan," sabi ni Kezie.
Agad akong tumayo at hinarap silang lahat. "Alam nating makakaya natin 'tong gawin. Medyo mahirap dahil kinukulang na tayo sa panahon pero 'wag nating isipin ang pampepressure sa atin ni Madame Sinclair kasi mas lalo lang tayong hindi makakapag-focus sa play natin. Gawin nating motivation at challenge ang sitwasyon na ito para magawa natin nang maayos ang play. Alam nating magagawa natin 'to basta sama-sama, basta tulung-tulong!"
Luke tsked. "You're same as ever, Sumastre."
Kumurap ako. "Ha?"
I heard Raven snorted but I didn't pay any attention at all.
Tric shrugged. "Well, I guess we have to do it. As if we have a choice."
"If we're putting on a play, first we should decide what we're going to do," untag ni Leogne.
"I know! I know!" with enthusiasm, Price raised his hand. "Cinderella! We'll going to dramatize Cinderella!"
"Cinderella?" tumawa naman agad si Nolan. "Seryoso ka ba d'yan, Price? Pambata naman 'yan eh! Iba nalang!"
"Hindi kaya pambata. The movie adaptation of it last 2016 is beautiful! Lily James is so beautiful and stunning! Tsaka, kung Cinderella ang gagawin nating play, mas madali na natin s'yang gawin since lahat naman tayo alam na iyon. Tsaka, we're running out of time so that's the best play we can make," depensa ni Price. "Kung gagawin natin ang play, gawan nating ng twist gaya doon sa movie. Mas maganda 'yun para medyo hindi boring ang play."
"I guess he's right. Tsaka, mas mape-perfect natin s'ya kasi madali at maikli lang s'ya. I'm sure, hindi tayo magkakamali sa play na iyan unlike the other classes dahil panigurado, 'yung mahahaba at mahirap i-memorize ang gagawin nilang play and may possibility na magkamali pa sila do'n, 'di ba?" sabi naman ni Kezie.
"You're right, I guess," sang-ayon nila.
"So... since si Michelle lang ang babae sa grupo natin, s'ya ang magdadala sa character ni Cinderella," dagdag ni Kezie.
"Ha... ako? P-Pero..."
"Kung ganoon, ako ang magiging Prinsipe since ako naman ang nag-suggest!" Price beamed at agad naman s'yang dumungaw sa akin since nasa likod naman s'ya ng kinauupuan ko.
"You're pretty into this, Price Kurt," puna ni Luke.
"Well, we're talking about Cinderella's Prince! You remember the ending? The Prince married Cinderella and they lived happily ever after!" excited na sabi ni Price.
"I get it now..." usal ni France.
"He marries her..." silang lahat maliban kay Price.
Teka nga muna, ano'ng nangyari sa kanila? Ngayon lang ba nila narinig na nagkatuluyan si Prince Charming at si Cinderella?
"He's the star that leads Cinderella to her happily ever after so might as well I will do the character since I'm the one fit for it!" aniya.
Dahan-dahan namang tumayo si Kezie. "The character opposite to Cinderella that gives her the happily ever after, I see. Well then, I believe I am the best suited to lead Cinderella to her happily ever after."
"No, that role is fcking perfect for me. I am fcking tall and handsome, a prince material," sabat naman ni Luke.
"I am the perfect match for her since I can give her what she wants. So I must be the Prince!" sabat rin ni Leogne.
"A-Ah, t-teka lang sandali lang ha—"
Natigilan naman ako nung sumingit rin si Nolan. "Stop, stop guys. Stop it. As a natural-born star, I will be the one to play the role of the prince."
"Haha. Nakakatawa naman kayo. Lalo na ikaw, Nolan."
Sumama naman ang tingin ni Nolan kay Raven. "Ano'ng nakakatawa ha, Raven?!"
"Nakakasiguro ba kayong kayang protektahan ng mahihinang katulad n'yo si Cinderella?" kalmado ngunit puno ng sarcasm ang boses ni Raven sa mga sandaling iyon.
"Ano'ng sabi mo?!" angal ni Kezie.
"Kung ako ang magiging prinsipe, hindi na kailangang mangamba at matakot ni Cinderella dahil alam n'yang kaya ko s'yang protektahan," nakangising sabi ni Raven.
"The prince, opposite Cinderella..." napatingin naman agad si Raven kay Ryuuji na katabi lang n'ya.
"'Wag mong sabihing gusto mo rin maging Prinsipe ni Cinderella, Sawada?" kumunot naman ang noo ni Raven habang nakatingin kay Ryuuji.
"Hai. It's a good role," sagot ni Ryuuji.
"Nakikisali ka rin sa gulo, Ryuuji," komento n'ya. "Pero hindi kita hahayaang makuha mo ang pagiging Prinsipe ni Cinderella!"
"Ano bang pinagsasabi n'yong lahat? Lahat kayo ay hindi nababagay maging Prinsipe. Dahil ako lang, ako lang ang bagay na Prinsipe para kay Cinderella," bahagya pang ngumiti si Nathaniel sa akin.
"Ako ang nababagay para maging Prinsipe!" angal ulit ni Nolan.
"Hindi, ako ang nababagay bilang Prinsipe!"
"Shut the fck up, dimwits! It should be me!"
"I'm interested, as well."
"I am the one deserves to be her prince."
"Ako nga kasi dahil ako ang natural-born star sa ating lahat!"
"Ako nga kasi talaga!"
"Dapat matapang s'ya at malakas kaya ako ang nababagay sa kanya!"
"The prince that suits Cinderella..." napatingin naman ang lahat kay Tric na prenteng nakasandal sa kanyang mesa. "The one that deserves to be her prince... is not how he is suited to be one, how he looks, how he can give anything for her or how he can protect her. Cinderella deserves the prince who will stay with her in all the good and bad times. The prince who will support her dreams or make her a better person. Someone who can accept her flaws and who will never judge her when he knew her darkest past and deepest secrets. And that's the prince Cinderella deserves to have. That prince that thinks for his one and only Cinderella's happiness."
Nawalan ng imik ang lahat sa sinabi ni Tric at marahas ngunit tahimik akong napasinghap matapos kong marinig ang kanyang sinabi. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko dati eh. Lalo na 'yung sumagot s'ya nung nakaraang Gay pageant. Parang may hidden meaning... hindi ko lang matukoy kung ano...
"T-Teka lang ha, kumalma muna kayong lahat, okay?" tumayo ako muli sa aking kinauupuan. "Alam ko na, para walang away, mag-isip nalang tayo ng ibang kwentong pang-stage play na maraming characters."
Napatingin naman silang lahat sa akin. "Ibang kwento?"
"Oo. Gaya ng... Puss in Boots, The Ugly Duckling, The Gingerbread Man, ah! The Tortoise and the Hare! Hindi, 'yung Phantom of the Opera! Pwede ring The Little Mermaid! 'Yun! Maraming characters na involved doon!" suhestyon ko.
"Ayoko. Mas pambata pakinggan," sabi ni Nolan at sumang-ayon naman si Price at Kezie sa sinabi n'ya.
"Ha?? Bakit ayaw ninyo??"
"Kung hindi natin babaguhin ang play, sino ang magiging Prinsipe?" tanong ni France. Buti pa si France matinong kausap. Huhuhu.
"Ako!" silang lahat maliban kay France s'yempre.
"We'll never settle this in this way since everyone wants to be the prince," napailing na lamang ako sa sinabi ni France.
Bumuntong-hininga na lamang ako. "Wala na akong magagawa. Gagawin na lamang natin 'to."
Napatingin ulit silang lahat sa akin. "Ha? Ang alin?"
Napatingin ako sa paligid at nahuli ng atensyon ko ang isang bondpaper at ballpen sa ibabaw ng mesa ni Nathaniel. Agad akong naupo sa swivel chair ni Nathaniel at nagsulat doon ng mga roles sa Cinderella na bubunutin naming lahat. Medyo pinalayo ko sila para hindi nila makitang lahat ang sinusulat ko. Ang sakit nga sa ulo dahil panay bangayan parin nila kung sino ang magiging Prinsipe. Hay naku talaga.
Pagkatapos ng ilang segundong pagsusulat ay agad kong nirolyo isa-isa ang mga papel at inilagay sa bakanteng box. Tumayo agad ako at agad silang nilapitan. "Eto na! Draw lots tayo."
"Draw lots?"
Tumango agad ako. "Oo. Ang mga characters sa Cinderella ay nandito sa mga nakarolyong papel. Bubunot tayo nang sabay-sabay para walang dayaan na magaganap."
"Ha? Bubunot ka rin, Michelle? Ayaw mong maging si Cinderella?" tanong agad ni Leogne.
"Hindi. Bubunot rin ako para patas tayong lahat ng role."
"Ha?"
"Sige na, bumunot na tayo para makapag-practice na tayong lahat."
"O-Osige," sabi ni Price.
"Sige... isa... dalawa... tatlo... bunot!"