63RD ROSE || Michelle meets Tricia Marie
[A/N: Dedicated kay Tricia Marie 'nakalimutan ko ang apilyedo' XD na member ng Wattpadislove group! ^^ Salamat sa pagpapahiram mo ng pangalan mo sa akin. Hihihi! Enjoy reading this chapter. Thank you sa support ng 'Wattpadislove GC 30 Flaternity is Love' family sa akin. Saranghaeyo~ ♥♥♥]
- MICHELLE SUMASTRE -
"Eto na, kumain ka na. Sorry natagalan. Naghanap pa kasi ako ng Knorr sinigang na seasoning powder eh," untag ko sabay lapag ng isang platong kanin at isang mangkok ng sinigang sa mesa. Alas syete na kasi ng gabi nung manatili sa restaurant si Tric. Maaga kasi kaming nagsara dahil naghahanda sina Mama Rona, Joy at ang iba pa sa pageant ni Beyoncè. Alam n'yo naman, all around support ang pamilya namin sa ganito.
Matapos itabi ni Tric ang kanyang coat sa kabilang upuan ay agad n'yang hinarap ang pagkain.
"Hmm. Smells good," komento n'ya at bahagyang napatingin sa akin. "Let's eat."
Umiling ako bilang sagot. "Busog na ako tsaka para sa'yo talaga 'yang niluto ko. Pambayad utang dun sa libre mong pagkanta. Hahaha."
"Pft. Silly," agad naman n'yang tinikman ang sinigang at agad namang umasim ang mukha n'ya. "So sour but it's good!"
"Sabi sa'yo eh," sabi ko ngunit hindi na n'ya ako pinansin at agad n'yang nilantakan ang kanin at ang sinigang. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya kasi para s'yang isang buwang 'di kumain dahil sobrang gana n'yang kumain. Nanatili lang kaming tahimik at tanging ang pagtunog ng kutsara at tinidor sa plato ni Tric ang maririnig. Nararamdaman ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Gusto n'ya rin atang makipag-usap pero hindi n'ya alam kung paano sisimulan kaya nanatili na lamang s'yang tahimik.
Agad naman akong napatingin sa kanya nung may bigla akong naalala. "Tric, alam mo bang nakakasama sa tao ang pagkain ng maaasim, lalo na ng sinigang?"
Napatingin naman sa akin si Tric habang sinusubo ang kutsara. "I didn't know it because it's my first time to eat this stuff. Is it bad?"
"May balita kasi na nakakamatay daw ang sobrang pagkain ng maaasim, lalo na ng sinigang," seryosong sagot ko.
"Really? How come?" interesanteng tanong n'ya habang sinusubo ang kanin.
"Oo totoo 'yun. May kapitbahay kasi kaming nurse sa Pagadian. Sobrang gustung-gusto n'yang kumain ng sinigang. Mula agahan, tanghalian, merienda, hapunan, kahit hatinggabi habang nag-re-review s'ya ng lessons n'ya puro talaga sinigang ang kinakain n'ya. Narinig ko nga sa mga kaklase n'ya, namatay daw s'ya dahil sa pagkain ng sinigang," napansin ko agad na natigilan si Tric sa pagkain at maang s'yang nakatingin sa akin. "At dahil dakilang tsismosa ako at dahil sa sobrang curiosity ko, nag-imbestiga ako kung ano talaga ang tunay na rason ng pagkamatay n'ya. At nung nag-imbestiga ako, totoo talagang namatay s'ya dahil sa sinigang. Nung gabing namatay s'ya..."
"What happened?" seryoso at puno ng kyuryosidad na tanong ni Tric.
"Tumawid s'ya para bumili ng sinigang sa katapat na eatery... at ayun, nasagasaan s'ya ng kotse at namatay."
Parang biglang nadulas ang siko ni Tric sa mesa matapos n'yang marinig ang salaysay ko. 'Yung tipong seryoso kang nakikinig tapos jinojoke ka lang pala? Ganoon ang naging ekspresyon n'ya.
Isang masaganang tawa n'ya ang bumalot sa tahimik na restaurant ni Mama Rona. Nakitawa na rin ako sa kanya at naging magaan ang loob ko nung makita ko s'yang tumatawa. "It's so funny. Jinjja."
"Oo kaya! Hahaha! Akala mo kung ano na noh?" tumango s'ya habang tawa parin kami ng tawa. Matapos ng ilang segundong tawa namin ay natapos na rin s'yang kumain at uminom s'ya ng tubig.
"Okay ka na?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Tumango naman s'ya at bahagyang ngumiti. "Yeah."
Agad naman kaming binalot ng katahimikan matapos kong magbigay ng corny'ng joke sa kanya ngunit gusto ko paring tuloy-tuloy na ang pag-uusap naming dalawa lalo pa't bumabalik na naman ang malungkot na aura n'ya sa sandaling iyon.
"Pwede mong... pwede kang mag-share sa akin kung gusto mo," bahagya ko s'yang ningitian nung tumingin s'ya sa akin.
Tipid naman s'yang ngumiti at tinignan n'ya 'yung natitirang sinigang sa loob ng mangkok.
"May nangyari ba sa bahay n'yo kanina kaya ka... kaya ka umiyak? A-Ano'ng nangyari? Pwede mong sabihin sa akin..." untag ko.
Bahagya n'yang ipinilig ang kanyang ulo at bumuntong-hininga. "It's an issue between me and my dad and... and I don't wanna talk about it. Maybe next time, if I am ready. Is it okay if you'll wait?"
Tumango naman ako bilang tugon. "Oo naman. Sanay naman akong maghintay eh."
He chuckled a little. "Yeah, right. You waited for Mark to notice your unrequited love for him four months ago."
Agad ko namang hinampas ang braso n'ya. "Tigilan mo nga ako tungkol d'yan!"
"Aw! Apa. Okay, okay sorry," bahagya naman s'yang natawa at inirapan ko naman s'ya. "By the way, thank you for the sinigang."
"Bayad na utang ko ah?" ani ko. Tumango naman s'ya bilang tugon.
"And... thank you for accompanying me. I know you're busy but you still stayed here to be with me so I thank you for that," ngumiti naman ako sa kanya. Agad naman s'yang tumayo at sinuot ang kanyang coat. "I should get going."
Tumayo naman ako. "Samahan na kita sa labas."
"Arasseo," tumango naman s'ya matapos ayusin ang coat n'ya. Akmang lalabas na kaming dalawa sa restaurant nung biglang pumasok si Julie na hingal na hingal.
"Michie! May emergency sa bahay! Si Beyoncè kasi...!" nakaramdam agad ako ng pangamba matapos kong marinig ang sinabi ni Julie at agad ko s'yang sinundan papunta sa bahay ni Mama Rona. Katabi lang naman ng bahay ni Mama Rona ang restaurant kaya isang liko lang ay andoon ka na.
Isang palahaw na iyak ang bumungad sa amin nung makapasok kami sa bahay ni Mama Rona. Nasa salas sina Shakira, Britney, Rihanna, Joy at Mama Rona habang si Beyoncè ay nakaupo sa single couch at halos hindi na ma-drawing ang mukha n'ya dahil sa sobrang pagngiwi nito at nakayakap ito sa sariling tiyan. Mukhang sa kanya galing ang palahaw na iyon.
"Mama Rona, unsa'y nahitabo?" tanong ko agad kay Mama Rona nung makalapit na kami sa kanila. [*TRANS: Ano'ng nangyari?]
"He's pale," hindi ko namalayang nakasunod sa amin si Tric at agad n'yang pinuntahan si Beyoncè at agad na sinuri.
"Si Beyoncè kasi kanina pa 'yan pabalik-balik ng CR kasi daw masakit daw ang tiyan n'ya," nag-aalalang sabi ni Mama Rona.
"He's dehydrated. Ilang beses po ba s'yang pabalik-balik sa CR?" tanong agad ni Tric.
"P-Pito ata o wa-walong beses na," si Joy ang sumagot tila mangha s'yang nakatingin kay Tric.
"Did you ask him if how's his bowel? Is it hard to release or watery?" tanong agad n'ya.
"Ti-Tinanong namin s'ya kanina. Sabi n'ya matubig tapos masakit daw ang tiyan n'ya," sabi ni Rihanna. Sa kanilang apat na beki, si Rihanna ang may maton na katawan na parang pang bouncer na beki.
"It's LBM," napatingin naman si Tric sa akin. "Get some clean cotton and a glass of water. He looks really dehydrated."
Tumango naman ako at agad na tinungo ang refrigerator at nagsalin ng tubig sa baso. Agad ko namang tinungo ang kusina kung saan naroon ang first aid kit at kinuha ang bulak. Bumalik naman ako kay Tric at binigay sa kanya ang tubig at bulak ngunit binalik n'ya sa akin ang pakete ng bulak.
"Get some cotton for me," tumango naman ako at agad s'yang sinunod. Pagkabigay ko sa kanya ng bulak ay agad n'ya itong sinawsaw sa tubig at agad na dinampi sa tuyong labi ni Beyoncè.
"Bakit hindi nalang natin s'ya bigyan ng tubig kung uhaw na uhaw pala s'ya?" nakakunot-noong tanong ni Britney.
"No. Hindi natin s'ya pwedeng biglain sa pag-inom ng tubig. Mas lalong sasakit ang tiyan n'ya kung binigla natin s'ya. Pakalmahin muna natin s'ya bago painumin ng tubig. By the way, do you have any near drugstores here? Please buy loperamide for him," sabi ni Tric at inulit ang pagdampi ng basang bulak sa labi ni Beyoncè at medyo kumalma naman si Beyoncè.
"Aketch na ang bibili!" agad na presinta ni Julie at agad s'yang lumabas ng bahay.
"I heard it's your pageant tonight but I am afraid that you'll not be able to compete in this condition," seryosong sabi ni Tric na animo'y parang doktor s'ya at pasyente n'ya si Beyoncè at pinagbabawalan n'ya itong gumawa ng mga bagay-bagay.
"Nosebleed is atashi. Hindi ba marunong magtagalog ang fafa na itey?" agad ko namang siniko si Rihanna.
"Hindi! Hindi pwede! Pinakahihintay ko ang pageant na ito! Lahat ginawa ko at nag-ensayo ako para sure na sure kong makuha ang korona kaya hindi pwedeng dahil lang sa impaktang LBM na 'to ay aatras ako!" puno ng determinasyong sabi ni Beyoncè kahit hinang-hina na s'ya.
"I know it's your dream. But we should prioritize your condition than taking risk. Isipin mo, kung ipagpipilitan mo pang tumungo sa pageant na iyon, paano kung lalala ang LBM mo doon? Paano sa pagrampa mo eh kelangan mong magbanyo? Paano kung bigla kang mahimatay? Mas lalong lalala ang sitwasyon mo kung ipagpipilitan mo pa at mapapahiya ka lang. Hindi mo makukuha ang inaasam mong korona kahit ano pa ang gawin mo," seryosong sabi ni Tric.
"Tric, kumalma ka rin," sabi ko sabay hawak sa braso n'ya.
"Alam kong masakit pero isipin mo ang mangyayari sa'yo kapag nagpumilit ka. Sasabihin mong LBM is such an ordinary ailment but when you run out of water because you have irregular bowel movement, pwede mong ikaospital 'yan or worst ikamatay iyan. Isipin mo, marami pang next time. Marami pang Gay contest na sasalihan, iisa lang ang buhay mo," untag ni Tric.
Nagbaba ng tingin si Beyoncè at unti-unting humagulgol. "Bakit sa lahat ng araw ngayon pa na pageant ko? Pinangarap ko ang pageant na 'to na maipanalo eh. Nagrenta pa si Mama Rona ng pagkamahal-mahal na gown tapos hindi naman pala matutuloy. Alam ko rin na hindi ka makakarelate sa akin. Pero kasi, eto ang pangarap ko. Eto ang goal ko sa taon na ito."
Agad naman s'yang nilapitan ni Mama Rona at inalo. "Tahan na, beshiewa... may next time ka pa naman eh~ malay mo, hindi na Miss Gay ng Barangay ang sasalihan mo kundi Super Sireyna na sa TV devah? Kaya don't cry na~ ang pangit mo na nga papangit ka pa lalo."
Mas lalo pang humagulgol si Beyoncè kaya agad naming sinamaan ng tingin si Mama Rona. "Jokijoki lang naman 'yon! Kayo naman hindi mabiro~"
"May naisip ako," agad namang lumipat ang atensyon namin kay Joy. "What if may po-proxy kay Beyoncè sa pageant? Pwede naman 'yun diba?"
"Oo nga noh, ba't 'di ko naisip 'yon? Grabe besh ang talino mo! Amph!" agad namang nag-apiran sina Rihanna at Joy.
"Ang tanong, sino ang papalit kay Beyoncè sa pageant?" natahimik naman ang lahat sa naging tanong ni Britney.
"Oo nga noh? Ba't hindi ko rin naisip 'yon," agad namang dumako ang tingin ni Rihanna kay Britney. "Ikaw nalang kaya bakla?"
"Oy hindi ako pwede! Sumali na ako do'n last year kaya hindi na pwede ang beauty ko doon," angal n'ya. "Ikaw nalang Shakira!"
"No, no, no, no way!" pabirit n'yang sabi. "Baka nakakalimutan n'yo, before kay Britney sumali rin kami ni Julie tas humantong sa awayan kaya hiatus muna si atashi."
"Ikaw nalang Rihanna!" turo ni Joy.
"Oy hindi ako pwede! Super Sireyna ang gusto ko hindi 'yung pam-barangay na pageant at hindi n'yo ako mapipilit na sumali d'yan kung ayaw n'yong jombagin ko kayo!"
Narinig na naman namin ang maarteng palahaw ni Beyoncè na tila wala na talagang pag-asang makuha ang korona.
"Kung gano'n, sino ang papalit kay Beyoncè doon?" bakas sa boses ni Joy ang kawalang-pag-asa.
"Sandali lang mga bakla," agad naman kaming napatingin kay Shakira na parang naka-focus s'ya sa kung ano. Dahan-dahan naman s'yang lumapit kay Tric at pinaikutan n'ya ito na parang kinikilatis. "Ay itong si fafa mga bakla pwedeng-pwede! Ang slim hindi halatang maton!" agad naman n'yang kinilatis ang braso at kamay nito. "Oy hindi balbon, makinis at ang puti. Ang ganda pa ng kamay ang slim~"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko kay Shakira. "Ha?!"
"Ha? Seryoso ba kayo d'yan?" sabay na tanong ni Mama Rona at Joy.
"Ano?" kumunot naman agad ang noo ni Tric.
Agad naman akong napakapit sa braso ni Tric. "Sha, hindi pwede si Tric. Hindi s'ya pwede sa gano'n! Baka sumabog lang ang venue!" agad naman akong sinamaan ng tingin ni Tric. "Joke lang."
"Pero wala na tayong option! S'ya nalang ang pag-asa namin!" sabi ni Shakira.
"You want me to compete in that Gay pageant?" agad namang tumango ang tatlong bakla. "No, I don't want to."
"Ay bakit naman koya? Hindi ka naman kilala doon tsaka hindi ka naman makikilala kapag minake upan ka nitong si Rihanna!" ani Shakira.
"Korak!"
"Tsaka isa pa, ang gwapo mo tapos mukha ka namang babae kaya pwedeng-pwede ka doon! Tsaka isa pa, ngayong gabi lang naman koya, pagkatapos nito wala na! Mission accomplish na!"
"Korak!"
"Sabagay, may punto ang baklang si Shakira," ani Mama Rona. "Maganda nga 'tong si Tric 'pag naging babae."
Kumunot naman ang noo ko. "Pati ba naman ikaw Mama Rona?!"
"No, no," agad na winagayway ni Tric ang kamay n'ya. "I will not dare to do that thing! Hindi n'yo ako mapipilit sa gusto n'yo. For the love of Pete I am a straight dude!"
"Magpapanggap ka lang naman na beki, koya~" pabebeng sabi ni Britney. "Juice ko nakakalerkey!"
"Still, I don't want to. Shireo."
"May kasabihan tayo mga bakla," Shakira crossed his arms as he looked at Tric. "Kung hindi madala sa santong dasalan..."
"Idaan sa santong paspasan!" walang sire-seremonyang hinawakan nina Rihanna at Britney ang mga braso ni Tric at hinila agad ito.
Gulat ang rumehistro sa mukha namin ni Tric nung dalhin s'ya nina Rihanna, Shakira at Britney paakyat ng kwarto.
"Ya! Let me go! Aish! Let me go! Fck it!" sigaw ni Tric hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Rihanna.
"Hala, ano ang gagawin nila kay Tric?!" sabi ko.
Agad namang hinawakan ni Mama Rona ang aking mga balikat. "Kumalma kalang langga, wala silang gagawing masama sa boylet mo."
"H-Hindi ko po s'ya boyfriend!" angal ko.
"Lah? Sinabi ko lang boylet mo hindi as in boyfriend. Defensive much bby?" nanunuksong tanong ni Mama Rona kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Si Mama Rona talaga pahamak!!!
Parang hindi ako mapakali habang nakaupo sa single couch habang rinig na rinig ko ang sigaw ni Tric at pagpigil sa kanya nung tatlong bakla. Si Beyoncè ay kumalma na matapos s'yang painumin ni Julie ng gamot pero paminsan-minsan ay bumabalik parin s'ya sa CR para magbawas na naman pero hindi na gaya kanina na kakatapos lang n'yang magbanyo, babalik na naman s'ya..
Matapos ng ilang minuto ay bumaba na si Shakira na sobrang lapad ng ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. Agad naman kaming napatayo ni Mama Rona, Joy, Julie at ako sa aming mga kinauupuan. "Mga beks, I would like to introduce to you, our candidate for tonight's gay pageant... tsantsararan~"
Napatingala kaming apat sa hagdanan at halos mahulog na panga ko sa lupa sa sobrang gulat nung makita ko si Tric na nakasuot ng puting mumurahing cocktail dress at nakasuot s'ya ng wig na kulay coffee brown. Hindi ko talaga s'ya nakilala nung nasa malayo s'ya. Pero nung bumaba s'ya sa hagdanan... ayon! Tinalbugan ang beauty ko!
"Damn, why is this so short?" napangiwi si Tric habang inaayos ang palda ng cocktail dress na suot n'ya. "And why is this so high?!" inayos rin n'ya ang sandals na suot n'ya.
"Seryoso, si Tric Marion Baek ba 'tong kaharap ko?" wala sa sarili kong natanong. Pakshet bhai gwapa kaayo si Tric sa iyang make up!
"Isn't it obvious, this is me babo ahjumma," akmang tatawa ako nung bigla n'ya akong pigilan. "Don't laugh, stupid!"
"O-Oo na," sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
"Beh, sa pageant, hindi mo pwedeng sabihin na Tric Marion ang pangalan mo, oke? Screen name ang gagamitin mo. Screen name. Kagaya ko, Raymond Cinco ang totoo kong pangalan at Rihanna ang screen name ko. Ganern!" ani Rihanna.
"May naisip na akong screen name mo, boy. At ang screen name mo ay..." pa-thrill ni Shakira. "Tricia Marie!"
Agad naman akong humagalpak ng tawa sa sinabi ni Shakira at agad naman akong sinamaan ng tingin ni Tric. "Hoy bebe Michelle, ba't ka tumatawa? May nakakatawa bas a sinabi ko?"
"Wala lang po. Hahahaha!" Tric Marion tapos Tricia Marie? Bah! Imba! Female version ni Tric pala 'tong kaharap ko.
Tric tsked. "Babo ahjumma. Kasalanan mo 'to eh!"
"Lah? Bakit ko naman kasalanan? Wala akong ginawa sa'yo oy!" natatawang sabi ko.
"Basta Tricia Marie, 'yung prinaktis mo do'n sa kwarto mo 'wag mong kalimutan oke?" paalala sa kanya ni Shakira.
"Okay," matamlay na sagot ni Tric.
"'Yung rampa 'wag na 'wag mong ipapalya 'yon," dagdag n'ya.
"Okay."
"At ang introduction mo 'wag na 'wag mo ring kalimutan iyon."
He heaves a sight. "Okay."
Agad naman s'yang iniwan nung tatlong bakla para ayusin ang mga gamit n'ya para sa pageant. Tahimik akong tumatawa nung sinamaan n'ya ako ng tingin. Agad ko namang itinikom ang bibig ko para hindi s'ya magalit pero pigil na pigil parin ang tawa ko sa mga sandaling iyon
Naupo sa single couch na inupuan ko kanina at nilahad ang kanyang kamay sa harap ko. "Gimme your phone."
"Ha? Bakit?"
"Just give it to me and stop asking questions. Tsk," sabi n'ya at gumuhit agad ang iritasyon sa mukha n'ya.
Napakurap ako ng dalawang beses bago ko dinukot mula sa bulsa ko ang cellphone at binigay sa kanya.
"Bebe Michelle! Tulungan mo muna kaming ayusin 'tong gown na susuotin mamaya ni Tricia Marie!" sigaw ni Britney.
Pigil na pigil ang tawa ko habang tinutulungan silang mag-pack ng mga susuotin ni Tric mamaya sa pageant. Hindi parin mapigilang matawa sa naging sitwasyon ngayon.
Ang Cold billionaire at King ng Empire Academy, sasali ng gay pageant? Hala, imba! Anbelibabol!
Matapos ng ilang anik-anik sa pag-ayos ko ng mga gamit ng mga bakla ay agad akong lumapit kay Tric. Sakto rin na nilagay n'ya sa hawak n'yang pink purse ang cellphone ko.
"Uy teka ang cellphone ko akin na!"
"I'll return it to you later after this damn pageant," bahagya naman akong nakangiti habang nakatingin kay Tric. Ewan ko ba, may option naman s'yang hindi s'ya magpapilit mag-represent para kay Beyoncè pero bakit ginawa n'ya paring magpaayos at magdamit babae para lang tulungan kami? Ang weird lang ni Tric minsan.
His glaring eyes is piercing at me. "What?"
Umiling naman ako. "Wala lang. Advance thank you."
He frowned. "Why?"
"Dahil sa pagtulong mo kay Beyoncè," I answered.
He tsked. "I didn't help him. I was just forced by these three feeling women, babo ahjumma."
Bahagya na lamang akong natawa sa sinabi n'ya. Hindi ka talaga marunong magsinungaling, Tric Marion Baek.
"Michelle langga! Bebe Tricia Marie! Halina kayo rito magsisimula na ang pageant!" sigaw ni Mama Rona sa labas.
Agad namang tumayo si Tric ngunit napapansin kong nahihirapan s'yang maglakad sa high heels na suot n'ya kaya agad kong in-offer sa kanya ang braso ko. "Kumapit ka sa'kin."
He slightly bit his lower lip as he shyly wrapped his arms on mine. "I realize now how difficult to be a woman."
Natawang nailing na lamang ako sa komento n'ya at agad kaming lumabas ng bahay ni Mama Rona.
Masyadong maingay ang covered court ng village namin dahil sa nasabing gay pageant. Dahil na kay Tric ang cellphone ko ay ang tablet na lamang ni Beyoncè ang hiniram ko para kunan ng video si Tric. Nagpaiwan si Julie dahil sa kondisyon ni Beyoncè kaya s'ya ang nagka-ideyang i-video ang coverage ng nasabing gay pageant.
Pang-walo sa sampung kandidata ng nasabing pageant si Tric kaya todo antabay kami sa kanya.
"Oy! Oy! 'Yung manok na natin ang susunod!" agad namang nag-cheer sina Rihanna, Britney, Shakira, Mama Rona at Joy kay Tric habang nagwawagayway ng mga pink pompoms. Cheerleading squad lang? "Go Tricia Marie! Go Tricia Marie! Go! Go! Go!"
Tric walked on the stage as graceful as a swan which makes me jaw dropped. Hindi halatang straight na lalaki si Tric dahil daig pa n'ya ako sa paggalaw at pagrampa n'ya sa entablado. With that charming smile of him and his meaningful deep eyes, he captivated the audience in just a flick of his slender hands.
He is so beautiful, I admit.
"Ladies and Gentlemen, standing infront of you is no other than the goddess descended from Mt. Olympus named Tricia Marie! At naniniwala ako sa kasabihang ang hindi lumingon sa pinanggalingan... malamang natulala sa aking kagandahan! I thank you!" untag n'ya sabay flip ng kanyang pekeng buhok at yumuko na parang prinsesa.
Masigabong palakpakan ang pumuno sa covered court matapos n'yang i-introduce ang sarili n'ya at halos hindi ako magkamayaw sa pagpalakpak sa sobrang tuwa dahil sa ginawa n'ya. Akalain mo 'yun? May ganitong side pala ang isang Tric Marion Baek? Nakakatawa na nakaka-proud na ewan!
Matapos ng nasabing production number ay sumunod ang talent showcase. Gaya ng nakasanayan kong pakinggan at panoorin, kumanta si Tric ng kanta ni Meghan Trainor at John Legend.
♪ I found myself dreaming
In silver and gold
Like a scene from a movie
That every broken heart knows we were walking on moonlight
And you pulled me close
Split second and you disappeared and then I was all alone
I woke up in tears
With you by my side
A breath of relief
And I realized
No, we're not promised tomorrow
So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you
Like I'm saying goodbye wherever we're standing
I won't take you for granted 'cause we'll never know when
When we'll run out of time so I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you
In the blink of an eye
Just a whisper of smoke
You could lose everything
The truth is you never know
So I'll kiss you longer baby
Any chance that I get
I'll make the most of the minutes and love with no regrets
Let's take our time
To say what we want
Use what we got
Before it's all gone
'Cause no, we're not promised tomorrow
So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you
Like I'm saying goodbye wherever we're standing
I won't take you for granted 'cause we'll never know when
When we'll run out of time so I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you
Hey~
Whoa
I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you
Like I'm saying goodbye wherever we're standing
I won't take you for granted 'cause we'll never know when
When we'll run out of time so I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you~ ♪
Napangiti ako habang pinapakinggan ko s'yang kumakanta. Tric never failed to make me smile when he sings like he speaks her heart out. At gaya kanina, matapos ng kanyang presentation ay humakot na naman s'ya ng isang masigabong palakpakan. "Number 8! Number 8! Number 8! Woooohhhh!!!"
Naging kabado rin kami sa pagpili ng mga judges ng kandidata para sa Top 5 at sobrang tuwa namin dahil nakuha si Tric dahil s'ya ang last na tinawag. Akala nga namin hindi s'ya makukuha dahil halos lahat kasi sa mga kandidata ay ang e-exotic ng talent showcase at s'ya lang 'yung ordinaryo ang pinakita.
Nanatili lang ang atensyon namin kay Tric nung tinawag na s'ya para sagutin ang question and answer ng nasabing patimpalak. Suot n'ya ang champagne-colored long gown na hiniram ni Mama Rona sa fashion house ng kanyang lola. Oo, may ganoong shop ang lola n'ya. Mayaman sila eh, natural lang iyon.
"Good evening, Miss Tricia Marie. You look so gorgeous in your night gown," nang-aakit na sabi nung host. Hmph. Batukan ko kaya s'ya?
With grace, he smiled at the host. "Thank you for the compliment."
"Ano ang nararamdaman mo sa sandaling ito, Miss Tricia Marie. Kinakabahan ka ba?"
Bahagyang umiling si Tric. "Nope. Because I'm confident that I'll bring home the crown to my family."
Agad namang nagsigawan ang mga kasamahan ko. "Manalo, matalo dyosa ka parin! Wooh!"
"I love you Number 8!!!" napatingin kaming dalawa ni Joy do'n sa babae sa kabila at kumakaway sa kanya at mukhang nagpapa-cute. Bahagya namang sumama ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba, papansin masyado.
Tuhimikhim ako at agad na kinuha ang pompoms kay Joy at sumigaw. "Saranghaeyo, Tae Hyun-oppa! Hwaiting!!!"
"Hwaiting!!!" sigaw naming dalawa ni Joy.
Sa'n ko ba natutunan 'to? Ah, kay Joy. Nanood s'ya ng MelOn Music Awards nung nakaraang araw tapos eto ang sinisigaw n'ya kapag nagla-live stream s'ya.
Napatingin naman sa akin si Tric na parang nagulat s'ya sa sinigaw ko. But he manage to smile and waved at me.
Napatingin ulit kami ni ate Joy do'n sa babae at parang naggagalait pa sa amin 'yung babaeng nauna 'yung baba kesa sa ilong n'ya.
"Nappeun gijibae," bulong ni ate Joy pero hindi ko naman maintindihan. [*TRANS: Bad b*tch]
"Oh, grabe ang supportive naman ng family mo, Miss Tricia Marie. By the way, are you ready to answer the question from the board of judges?" tanong ng host.
Tumango naman si Tric. "Yes."
"Okay. So, your question goes to our chairman of the board of judges, Madame Tessie Valconcha."
"Hello, Miss Tricia Marie. I will be the one assigned to give you a question at eto nga pala ang tanong ko para sa iyo. Ano ang gagawin mo kung nalaman mong may ibang mahal ang taong mahal mo?" tanong nung isa sa mga hurado.
Teka sandali lang, nagpaparinig ba 'tong judge na ito sa akin? Grabe s'ya, ansama!
Kinuha naman ni Tric mula sa host ang microphone. "Thank you for that wonderful question, madame. All I can say is... it's painful. Masakit malaman na may ibang mahal ang taong mahal ko lalo na kung nag-assume ako na may nararamdaman s'ya para sa akin. Expectations and assumptions make human hurt. Lalo na kung 'yung taong mahal mo ay pinapakitaan ka ng kasweet-sweetan na akala mo may nararamdaman s'ya sa'yo pero 'yun naman pala, wala. If that person loves somebody more than me, then I should let him go and be happy. There's this old saying that if that person destined to be yours, then he or she will come back to you but if that person is not the right one, then stop chasing him or her and let her go. But the important thing is, dapat ma-realize ko sa sarili ko na hindi lang s'ya ang nag-iisang taong mamahalin ko at hindi lang s'ya ang taong pwede akong mahalin. Kailangan ko lang tumingin sa aking paligid. Dahil malay ko..." tahimik akong napasinghap nung dumako ang tingin n'ya sa akin. "'Yung katabi ko... s'ya na pala ang destiny ko. I don't believe forever do exist because there's no such word existing nowadays, for us humans. Only God has that word, has that promise. We both grew old, we both hurt each other more than ways in one and we both perish because of that. But if that person is the one destined for me, then I'm willing to tie our red strings of fate and spend the rest of my lifetime and grow old with that person. I thank you!"
Cheers, yells and claps filled the whole covered court as Tric ended his answer. Pero parang wala akong narinig nung nanatili ang titig ni Tric sa akin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi nung ngumiti s'ya na para bang sinasabi n'yang magiging ayos lang ang lahat.
"Ang aking korona..." mangiyak-ngiyak na hinawakan ni Beyoncè ang korona at unti-unti n'yang nilagay ito sa kanyang ulo. Kinabit naman nina Joy at Julie ang mga sash na nakuha ni Tric mula sa pageant maging ang bouquet. "Ang aking korona! Panalo ako mga kapatid! Huhuhuhu!"
Napailing ako habang mangiti-ngiting pinapanood si Beyoncè na parang drama queen habang suot ang korona at inaalo s'ya nina Rihanna, Britney at Shakira. 11PM nung matapos ang nasabing pageant at si Tric ang itinanghal na Miss Gay ng aming village. Medyo nakakahiya sa reputasyon n'ya ang masali at manalo sa gay pageant ngunit proud naman ako sa kanya dahil ginawa n'yang isalba ang pangarap ni Beyoncè.
Napatingin naman ako kay Mama Rona habang chinacharge n'ya ang kanyang cellphone. "Mama Rona, nasaan po si Tric?"
"Si bebe Tric? Nasa kwarto mo naligo. Sinabi ko sa kanyang dito na s'ya magpalipas ng gabi at doon na s'ya matulog sa kwarto mo," sagot n'ya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Ano po?! Sa kwarto ko?! Pero Mama Rona hindi s'ya pwede sa kwarto ko! Sa ibang kwarto nalang s'ya!"
"Wala na tayong ekstrang kwarto langga at hindi naman s'ya pwedeng makitulog sa kwarto ng mga baklang 'to dahil baka pagsamantalahan s'ya do'n kaya mas mabuti na lamang na doon na s'ya sa kwarto mo," aniya.
"P-Pero Mama Rona, hindi ako sanay na may lalaki—"
"Hoy mga bakla isali n'yo sa picture taking ang nag-iisang dyosang si atashi!" agad na tumabi si Mama Rona kay Beyoncè at nagpapicture sila ng maraming shots kay Joy.
Napailing na lamang ako at bumuntong hininga saka umakyat papunta sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Tric na nagpupunas ng kanyang buhok habang suot ang oversized tshirt na stripes ni Mama Rona at jogging pants. Hindi ko maiwasang hindi humanga dahil kahit ano pa man ang suotin ni Tric, he is still good-looking.
Lord, nasaan ang hustisya sa pagiging good-looking ng mga elites na tulad n'ya?!
"Here," nabalik ako sa realidad at napatingin ako sa kanya nung inabot n'ya sa akin ang aking cellphone.
Agad ko naman itong kinuha. "Salamat."
Tumango naman s'ya at inayos ang kanyang damit.
Gulat at nanlalaki ang mga mata ko nung makita kong nag-iba ang wallpaper ng cellphone ko. "Tric! Bakit selfie mo 'tong wallpaper ko?!"
Oo, selfie n'ya nung nagdamit babae s'ya. Kaurat nga eh ang ganda n'ya dito dinaig n'ya ako!
Akmang ibabalik ko ang wallpaper kong si InuYasha nung bigla s'yang magsalita. "Don't you dare change it until three weeks."
Napakurap naman ako habang nakatingin sa kanya. "Bakit?"
"Just don't change it. Hindi mo rin pwedeng ipakita 'yan sa ibang tao. If you did, you're dead," banta n'ya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya. "Bakit naman?"
"You'll get cursed kung susuwayin mo ang sinabi ko," sagot n'ya na wala man lang bahid ng emosyon sa mukha n'ya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "A-Ano?! Masusumpa?! Ako?! A-Ano'ng klaseng sumpa?!"
"Neoreul-wihan naui salang-eun jeojuhanda," aniya.
Agad ko namang inangat ang cellphone ko sa direksyon n'ya. "T-Tanggalin mo 'to! Tanggalin mo 'tong sumpang 'to sa cellphone ko!!!"
Umiling s'ya. "No, I can't do that. I have no idea how to break it. Kaya maghintay ka na lamang ng three weeks bago mo palitan iyan."
Napalunok naman ako at agad na nilapag ang cellphone ko dahil sa sobrang takot.
Teka, pinaglololoko ata ako nitong buang na alien na ito eh!!!
Napatingin naman s'ya sa paligid. "Hey, Michelle. Where do I—"
"Sa sahig!" sansala ko sa kanya at parang nagulat pa s'ya sa pagtaas ng boses ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at kinuha 'yung manipis na foam at nilapag sa sahig at nilagyan ko pa ng maraming bedsheet at kumot. "D-Dito ka matutulog sa sahig."
"But—" hindi ko na s'ya pinakinggan at agad akong tumungo sa aking kama at pumikit. Narinig ko pang bumuntong-hininga si Tric at pinatay ang ilaw at ang tanging lampshade lamang ang nagbibigay liwanag sa aking silid. Tumahimik na rin ang paligid matapos no'n. Mukhang natutulog na si Tric.
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata at matulog ngunit hindi ko magawa sa hindi ko malamang dahilan. Nagpagulung-gulong ako sa aking higaan at lahat wala paring epekto. Frustrated akong naupo sa aking kama at bumuntong-hininga. Bahagya ko namang sinilip si Tric sa gilid ng aking higaan at mukhang tahimik s'yang nakahiga.
"Umm, Tric... gising ka pa ba?" tanong ko.
"Why?" tahimik akong napasinghap sa naging tugon n'ya.
"Umm... wala lang, itatanong ko sana kung okay ka lang d'yan sa baba matutulog?"
"You said that I will be sleeping here, didn't you? So, why are you asking?" aniya. Ang cold naman ni buang na alien. Galit ba s'ya?
"M-Maginaw kasi d'yan sa sahig kaya tinatanong kita kung okay ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya agad akong bumuntong-hininga. Mukhang galit sa'kin 'tong mokong na 'to.
Akmang babalik na ako sa pagkakahiga nung bigla s'yang magsalita. "Did you lock the door?"
Kumurap-kurap muna ako bago sumagot. "Oo. Bakit?"
"Good."
"Ha? Bakit—waaah ano'ng ginagawa mo?!?!" eh sino ba namang hindi magugulat eh bigla na lamang s'yang tumayo at niyakap ako pahiga sa kama!
Omyghad! P-Pagsasamantalahan ba ako—
"'Wag kang feeling. Hindi kita pagsasamantalahan, babo ahjumma. Maginaw sa sahig at hindi ako sanay matulog do'n," napaismid ako sa sinabi n'ya. Mindreader ata 'tong mokong na 'to eh.
"B-Bumalik ka do'n sa baba!" tinulak-tulak ko s'ya palayo ngunit mas lalo lang n'ya akong niyakap nang mahigpit.
"Aish, neo sikkeureo jinjja. Just shut up and sleep, babo ahjumma. This is your payment for making me as a proxy in that gay pageant," may halong iritasyon sa boses n'ya.
Tumahimik na lamang ako matapos n'yang sabihin iyon. Hindi ko kaya kasalanan na pinagdiskitahan s'ya nina Rihanna noh? Tsk.
Katahimikan na rin ang bumalot sa pagitan naming dalawa nung mga sandaling iyon. Kahit nakapikit ako'y dilat na dilat naman ang aking diwa dahil katabi ko si Tric Marion Baek. Huhuhu, paano ako makakatulog nito?
"You know what... I wanna curse those three ugly ducklings because they pushed me to replace the other ugly duckling just to compete in that gay pageant. I felt humiliated wearing ladies' clothes and even wore the gown in my grandma's shop in front of many people. But..." he paused. "When I saw you and your family cheered, shouted and giving all your support for me without minding if I win or lose in that competition... I felt so happy. I felt like I won a one-million lottery because of that. I never felt and experienced that before. Maybe I should thank that ugly ducklings for that experience."
I chuckled as I closed my eyes. "How's the feeling being Tricia Marie?"
I felt his forehead and the tip of his nose against mine as he hugged me tight. "Being Tricia Marie is humiliating yet happy because I felt how it likes to have a supportive family. But I wanna be the Tric Marion Baek you've always known."
Tumango naman ako bilang tugon at bahagyang napakapit sa kanyang tshirt habang niyayakap n'ya ako.
"Michelle. About earlier, did you just yell 'saranghaeyo, Taehyun-oppa'?" narinig kong tanong n'ya.
"Oo... bakit?" inaantok na tugon ko sa kanya.
"Are you aware of what you just said?"
"Oo..." inaantok ko paring tugon sa kanya.
"Why did you yelled it?" tanong n'ya.
"Eh kasi naiinis ako do'n sa babae kanina na sinigawan ka ng I love you kaya sinigaw ko 'yun," bahagya akong humikab.
"Dangsineul... jiltu?" narinig kong tanong n'ya pero hindi ko maintindihan at dahil sa antok ko, 'hmm' na lamang ang nasagot ko.
Naramdaman kong niyakap n'ya ako nang mahigpit ngunit hindi ko na s'ya magawang sitahin dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko.
"Michelle... neoreul wihae jeongmal yeolsimhi sseumyeon... neo nareul gikkeoi jab-eul su issni?" sabi n'ya ngunit hindi na iyon umabot sa aking pandinig dahil nilamon na akong ng antok habang nakakulong sa kanyang mga bisig.
A/N: Hey guys! Sorry for the very very very very very late UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ Sorry if this is double update is sooo spoil. I'll make it up to you in the next chapter. Hahaha. Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^