44TH ROSE || Hold My Hand, We'll Run
- MICHELLE SUMASTRE -
Ding! Dong! Ding!
"Finally, we'll going home!" untag ni Lorelie sabay inat. Kakalabas lang namin ng building matapos ang isang oras na torture sa Trigonometry.
"You're always excited to go home, Lorelie," Chantal snorted.
"Hey, it's not like that. Torture naman kasi 'yung Trigonometry so I wanna have a beauty rest so bad," sabi ni Lorelie sabay paypay ng sarili.
"Beauty rest? Nagpapahinga rin pala ang kagandahan? Walang sinabi sa akin na ganyan sina Mommy at Daddy," inosenteng turan ni Raine.
Agad namang lumipat ang tingin namin sa kanya at agad namang napasinghap si Lorelie. "My gosh, Raine Charlotte Jianoran. Saang kweba ka ba tinago ng mga magulang mo at ganyan ka ka-inosente? I am not speaking literally. I am speaking figuratively. Grabe. Your innocence and ignorance drives you to forever."
Hinawakan ko naman ang magkabilang braso ni Raine mula sa likuran. "'Wag ka nga."
"Hey, she's not that innocent anymore unlike the first time we met her way back Grade 7. She even called Leogne, Nolan and Errol a 'gunggong'. D'you remember that in our Outside School? She even shouted it to them. She don't like cussing but she cussed that time," natatawang turan ni Honey.
"Hindi naman ata cussing word ang 'gunggong'," nakakunot noong untag ni Quia.
"Hell, yeah. 'Gunggong' is another term for jerk," Chantal snorted again.
"I didn't know it's a cussing word. I just heard it from Errol when he called Nolan a 'gunggong'," depensa ni Raine.
Napailing na lamang kaming apat sa sagot ni Raine.
"Bad influence talaga ang mga 'yun," ani Quia.
"Everyone, I have to go now. My dad called me earlier and he wants me to troubleshoot our stocks so, byebye guys!" sabi ni Honey sabay kaway sa amin at dumiretso na sa kanyang kotse.
"Bye!"
Sunod-sunod ring nagsialisan ang mga kasama namin dahil rin sa kanya-kanyang business meeting kaya heto ako ngayon, mag-isang lalabas ng Empire Academy.
Dahil nakakaramdam ako ng pagkabagot at masyado pang maaga para dumiretso sa restaurant, nakapagdesisyon akong pumunta ng National Bookstore at bilhin ang Book 2 ng "To All The Boys I've Loved Before". Hindi naman kasi sinabi ni ate Joy na putol pala ang binigay n'yang libro at may Book 2 pa iyon. Nung ma-check kong may 900 pesos pa ako sa aking wallet ay agad na akong pumasok sa nasabing bookstore.
Dumiretso agad ako sa romance section at hinanap ang "P.S. I still love you" na libro, iyon ang Book 2 ng "To All The Boys I've Loved Before". Napangiti naman ako dahil nahanap ko lang iyon kasi magkatabi lang ng shelf ang Book 1 at Book 2. Kumuha ako ng isang kopya ng book at agad na naglakad papunta sa counter.
Agad namang naagaw ang atensyon ko dun sa lalaking nakatalikod na kapareho ko ng suot na uniform. Nakatayo s'ya sa may manga section ng National Bookstore at tinitignan ang isang librong nasa shelf at mukhang tinitignan pa n'ya ang synopsis sa likod niyon. Kumunot naman ang noo ko nung maaninag ko kung sino ang lalaking iyon.
"Raven?" agad naman s'yang napaigtad nung tawagin ko s'ya sa pangalan n'ya at agad na tumingin sa akin. Mukhang nagulat nga s'ya sa presensya ko. Nung makalapit na ako sa kanya ay medyo tinago pa n'ya ang hawak n'yang libro.
"H-Hoy, babae. A-Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat n'yang tanong.
Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "May pangalan ako Rex Raven Delos Reyes at Michelle iyon. Ano pa bang ginagawa ko rito sa National Bookstore? Malamang bumibili ng libro," bahagya ko namang inangat ang librong hawak ko. "Eh, ikaw. Ano bang binibili mong libro?"
"H-Hindi ako bumibili. N-Nagbabasa lang ako. Bakit? Bawal?" singhal n'ya.
Umismid naman ako at agad tumingin sa likuran n'ya. "Patingin nga, ano bang libro iyan?"
"'Wag ka ngang makealam!" aniya pero hindi naman ako nakinig sa kanya.
Nung hahawakan ko na ang braso n'ya ay agad n'yang inangat ang libro para hindi ko makuha.
"Patingin na kasi Raven!" at dahil mas matangkad s'ya sa'kin ay bahagya akong nag-tiptoe para maabot ang nasabing libro. Hindi ko kasi masyadong makita ang cover dahil winawagayway n'ya iyon.
Nagtaka naman ako bakit parang natigilan s'ya kaya agad akong napatingin sa kanya. Tahimik akong napasinghap nung namalayan kong ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Bahagya naman s'yang kumurap at tumikhim bago nag-iwas ng tingin at binaba ang kanyang kamay. "'Wag ka na ngang makealam."
Kumunot naman ang noo ko. "Ano namang kinakahiya mo sa pagbabasa ng manga ng Slam Dunk?"
Nanlaki naman ang mga mata n'ya sa sinabi ko. "H-Hoy, babae! Ano bang pinagsasasabi mo?"
Binigyan ko naman s'ya ng nanunudyong ngiti. "Hindi kaya masamang maging fan ni Hanamichi Sakuragi," bahagya naman akong bumungisngis at ginaya ang boses nung tatlong cheerleader sa nasabing anime series. "L-O-V-E Rukawa! Rukawa! L-O-V-E Rukawa! Rukawa!"
"Tsk. Baliw," aniya at agad naman s'yang nag-walk out sa harap ko at pumunta sa counter.
Ngumuso naman ako habang tinitignan ang likod n'ya. "Ang sungit talaga ng lalaking 'to. Tsk."
Sumunod naman ako sa kanya sa counter at pumila. Nanatili lang kaming tahimik habang s'ya'y kinukuha ang kanyang wallet mula sa kanyang backpack. Nung buksan n'ya ang kanyang wallet ay agad kong napansing may nahulog na bagay mula doon kaya agad kong pinulot. Napapantastikuhan akong napatitig sa bagay na iyon. Isa iyong litrato ng isang babae at masasabi kong maganda at angelic ang mukha ng babaeng iyon. Napaka-cute rin ng ngiti ng babaeng iyon.
"Wow, Raven. Ang ganda pala ng girlfriend mo," nakangiting komento ko.
Naramdaman ko naman ang mabilis na pagpihit n'ya at agad na hinablot mula sa mga kamay ko ang nasabing litrato. Nagulat naman ako sa ginawa n'ya at agad na napatingin sa kanya. "Ano bang problema—"
Natigilan naman ako nung makita ko ang paggalaw ng mga ugat n'ya sa mukha at napa-tiim bagang naman s'ya. "Ano ba Sumastre?! Sa susunod nga 'wag kang makulit at 'wag kang makealam sa buhay ng may buhay."
Magsasalita pa sana ako para idepensa ang sarili ko ngunit nanatili akong tahimik dahil baka mauwi pa sa argumento naming dalawa iyon. Pero hindi ko maitatangging medyo nagulat at nasaktan ako sa pagtaas ng boses n'ya. Oo dapat masanay na akong lagi n'ya akong sinisinghalan pero ewan ko ba, parang ang sakit naman kasi ng dating ng mga sinabi n'ya sa akin.
Nung matapos n'yang mabayaran ang manga ng Slam Dunk na hawak n'ya'y agad s'yang lumabas ng National Bookstore. Sinundan ko ang papalayong bulto ni Raven at bumuntong-hininga.
"345 pesos po ma'am," isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa cashier at agad s'yang binayaran. Pagkakuha ko sa librong binayaran ko ay agad akong lumabas sa nasabing bookstore.
Tahimik akong napasinghap nung makita ko si Raven na nakatayo sa harap ng pintuan ng at tinitignan ako. Ano na namang problema ng isang 'to? 'Wag mong sabihing hinihintay n'ya ako?
Tumikhim s'ya at malamig ngunit kalmadong tumingin sa akin. "'Yung kanina... gusto kong humingi ng sorry. Sorry kung napagtaasan kita ng boses."
Lumamlam naman ang tingin ko sa kanya. Kahit naman pala mahilig s'yang suminghal at magalit, marunong naman s'yang malaman ang pagkakamali n'ya at humingi ng sorry.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Okay lang 'yun. Sorry din kung pinakekealaman kita."
Tumikhim s'yang muli. "Gusto mo, sabay na tayong umuwi?"
"Umm... sige pero hanggang sa Tandang Sora street lang ako," sabi ko kahit ang totoo ay dun lang ako titigil para hindi n'ya malaman ang totoong pagkatao ko. Mahirap na eh.
Tumango naman s'ya at tipid na ngumiti. Agad ko namang pinasok sa bag ang binili kong libro at nilapitan ang bisikleta ko pagkatapos ay sabay na kaming naglakad paalis ng National Bookstore.
[ Background Music: BTS – "Run" ]
Ilang metro pa ang layo namin sa National Bookstore nung hinarang kami ng anim na lalaki. Bahagyang bumigat ang aking paghinga. Seryoso? Bakit sobrang lapitin sa ganito si Raven? May balat ba s'ya sa pwet?
"Uy, Delos Reyes! Long time no see ah? Kamusta? Tagal na nating 'di nagkita ah?" maangas na tanong nung lalaking nasa gitna.
"Wow, ang ganda naman ng chics na kasama mo," nanginig naman ako nung makita kong dinilaan ng isa pang lalaki ang pang-ibabang labi n'ya. "Mukhang masarap. Bigay mo na sa amin 'yan."
Bahagya namang tumingin si Raven sa akin nung hinawakan ko ng mahigpit ang braso n'ya. Nawala na sa isip ko na may hawak akong bike at hinayaan ko na lamang na mahulog iyon sa tabi ko.
"Jeremy, ano'ng ginagawa mo rito?" kalmadong tanong ni Raven.
The guy named Jeremy scoffed as he looked proudly at Raven. "Ano pa ba? Edi maniningil ng utang sa'yo. Baka nakakalimutan mo? Ang dami mo ng atraso sa tropa namin?"
"Pwede namang pambayad mo ng utang ang babaeng kasama mo," sabi ulit nung manyak.
"Wala akong atraso sa inyo. Kayo lang ang gumagawa ng paraan para magkaroon ako ng atraso sa inyo. Pwede ba, tama na? Ayoko ng gulo," sagot ni Raven.
Agad namang nagtawanan ang anim na mokong. "Wow, Raven. Sinabi mo ba talaga 'yan? 'Ayaw mo ng gulo' kamo? Bakla ka ba ha?"
Naramdaman ko ang pag-stiff ni Raven at agad n'yang kinuyom ang mga kamao n'ya. Agad ko namang hinawakan ang isa n'yang kamao para pigilan ang bugso ng galit n'ya.
"Ano? Sabihin mo? Nababakla ka? Duwag!" akmang hahawakan nung Jeremy ang kwelyo ni Raven ngunit malakas kong tinabig ang kamay n'ya at agad silang hinarap habang nasa likod ko si Raven.
"Hindi kaduwagan at kabaklaan ang pag-iwas sa gulo at hindi naman matatawag na matapang ang isang tao dahil lang sa gumagamit s'ya ng dahas at kamao," kalmadong sabi ko.
Napamaang naman silang nakatingin sa akin habang pinagpapatuloy ko ang mga sinasabi ko. "Porket mga gangster kayo at marunong kayong makipaglaban, masasabi n'yo ng matapang kayo? Porket umiiwas sa gulo si Raven, tatawagin n'yo na agad s'yang duwag at bakla? Ang totoong katapangan, hindi 'yan naipapakita sa kung gaano ka kagaling makipagsuntukan sa kapwa mo. Ang totoong katapangan, iyon ay marunong kang makipaglaban sa mga problema mo sa buhay at kahit gaano man kadami ang problema mo, natutuo ka paring ngumiti. Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang n'yo? Kung gano'n, wala pala kayong kwenta at kayo ang mas duwag. Nagiging siga lang kayo kapag may kasama. Pero kapag wala? Bumabahag ang mga buntot n'yo."
"S-Samantha..." bulong ni Raven ngunit hindi ko naman masyadong marinig dahil mas nag-focus ako sa anim na lalaking kaharap namin.
"Tumahimik ka!" gulat na gulat ang buong sistema ko nung makatanggap ako ng isang malakas na sampal mula kay Jeremy. Naging dahilan iyon para matumba ako mula sa kinatatayuan ko. Napangiwi naman ako nung makaramdam ako ng hapdi sa gilid ng labi ko kaya agad kong dinampi ang aking daliri at nakita ko naman ang dugo mula sa sugat na iyon. Pumutok pala ang labi ko.
Lumipat naman ang tingin ko kay Raven na nanginginig habang nakakuyom ang mga kamao n'ya. 'Yung anim na lalaki ay panay parin ang pag-provoke sa kanya. Grabe, ngayon lang ako naka-engkwentro ng mga tulad nila. Ang halang ng mga bituka. Mga peste sa lipunan. Paano kaya sila pinalaki ng mga magulang nila at naging ganito sila?
"R-Raven..." usal ko at agad namang nanlaki ang mga mata ko nung ambahan s'ya ng suntok nung Jeremy at agad naman n'ya itong sinuntok na may pagdidilim ng kanyang aura. "Raven!"
Parang siyang-siya pa si Raven sa pagsuntok ng mga kalaban n'ya. Mas marami s'yang natatamo na suntok ngunit parang masaya pa s'ya doon at agad na inambahan ng malalakas na suntok, tadyak at sipa ang mga kalaban n'ya na kung titignan mo'y parang gustung-gusto n'yang patayin ang mga ito. Eto ang ikalawang beses na makita kong ganito si Raven.
"Putang*ina mamatay ka na!" sigaw nung manyak at agad na inambahan ng suntok si Raven. Napahiyaw naman s'ya nung pilipitin ni Raven ang braso n'ya at walang sere-seremonyas s'yang binugbog. Gano'n din ang ginawa ni Raven sa iba pang kasamahan nito.
Kahit hindi pa nakakarecover sa pagkabigla ang katawan ko dahil sa sampal na natamo ko mula dun sa Jeremy ay agad akong tumayo at nilapitan si Raven tsaka niyakap mula sa likuran. "R-Raven, 'wag mong gawin 'yan. 'Wag mong gawin ang gusto nila. Labanan mo ang galit mo. T-Tama na please."
Naramdaman ko agad ang pagbigat ng paghinga ni Raven at unti-unti s'yang kumalma nung hawakan n'ya ang braso ko at ipinihit n'ya ako sa tabi n'ya. Gumala naman ang tingin ko sa grupong kalaban n'ya na mukhang naka-recover na mula sa suntok, sipa at tadyak na nakuha nila kay Raven.
"Poprotektahan kita. 'Wag kang matakot. Hawakan mo nang mahigpit ang kamay ko," kalmadong sabi ni Raven.
Napatingin naman ako sa kanyang kamay na nakalahad. Agad ko namang hinawakan ang kamay n'ya. He intertwined his fingers on mine and without a word, we ran away from those bad guys.
Mga pagmumura at kung anu-ano pang kasuklam-suklam na mga salita ang narinig ko sa mga lalaking nakalaban namin habang hinahabol nila kami ngunit hindi iyon nagawang ihinto ang aming pagtakbo palayo sa mga lalaking iyon. Sa una ay natakot ako nung habulin nila kami ngunit paunti-unti'y nawala iyon dahil medyo malayo na kami sa kanila at mukhang hindi na kakayanin ng katawan nila ang habulin kami.
Nanatili lang ang tingin ko sa mga kamay namin ni Raven at maging kay Raven habang tumatakbo kami.
Hindi ko alam ngunit sa kabila ng takot ko sa kanya dahil sa masamang tingin n'ya at may pagkamainitin rin s'ya ng ulo... hindi ko maiwasang makaramdam na magaan ang loob ko sa kanya kapag kasama ko s'ya at pakiramdam ko'y safe ako at wala akong dapat ikatakot.
"Poprotektahan kita. 'Wag kang matakot. Hawakan mo nang mahigpit ang kamay ko."
Hingal na hingal kaming huminto sa may bridge. Hindi na namin natanaw ang anim na lalaki. Panigurado, nailigaw na namin ang mga iyon. Hinang-hinang napasandal ako sa sementadong railings ng nasabing bridge habang si Raven nama'y nakaharap at nakahawak doon. Pareho kaming habol ang aming hininga.
"Ano bang -haah- atraso mo sa mga iyon? Bakit lagi kang nakakaengkwentro ng away? Nung una, ibang grupo. Nung nakaraan, ibang grupo. Tas ngayon, ibang grupo na rin. 'Yung totoo, ilan bang grupo ang kalaban mo?" tanong ko sa pagitan ng aking paghingal.
"Iisang grupo lang ang mga iyon. Puro gangster. Dati kasi, may gang rin ako at ako ang right hand nung gang leader namin. 'Yun 'yung mga panahon na may problema ako sa aking pamilya kaya napasok ako sa gang. Mahigpit naming kalaban sina Jeremy nung mga panahong iyon... at lagi naman naming natatalo ang gang nila. Nung mamatay ang mama ko, sinabi ko sa sarili ko na magbabago na ako. Tumiwalag ako sa gang at pinutol ko lahat ng mga koneksyon ko sa kanila at nagbagong buhay. Naging tahimik naman ang buhay ko nun. Pero, hindi ko lubos maisip na matutunton nila ako at babalikan nila ako. Hah," sagot ni Raven kasabay ng isang mapait na tawa.
"Nagsisisi ka ba na sumali ka sa gang?" wala sa sarili kong tanong.
"Kahit naging tunay kong kaibigan ang mga nasa gang ko noon... masasabi kong... oo, nagsisisi ako't sumali ako doon," mapait n'yang sagot. "Dahil... nawala ang importanteng tao sa buhay ko para lang maprotektahan ako at para lang tumigil ako sa pakikipag-basag ulo. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Pero sa kabilang banda, hindi ko rin pinagsisisihan ang pagsali ko sa gang. Dahil 'yun ang naging dahilan para makilala ko s'ya."
Sumilay ang ngiti sa aking labi. "At alam kong naging masaya rin s'ya at nakilala n'ya ang isang Rex Raven Delos Reyes na handa s'yang protektahan."
Napatingin naman sa akin si Raven at tipid na ngumiti kasabay ng paglahad n'ya ng kanyang kamay. "Pwede ko bang... h-hawakan ang kamay mo? Kahit ngayon lang."
Ngumiti naman ako sa kanya't humarap sa sementadong railings at hinawakan ang kamay n'ya. Hindi pa s'ya nakontento at pinagsiklop n'ya ang aming mga kamay. Tumingin naman ako sa kanya at isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ngumiti rin ako sa kanya at pareho naming tinanaw ang kalmadong tubig at kalangitan.
A/N: Hey guys! Sorry for the late UD, XIELOs~ Sorry if it's kinda spoil. I'll make it up to you in my next updates. Thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Thank you so much to your support because the 18RLOTE is now one of the winning nominees/shortlist of #Wattys2017! Yay! Party party! Thank you so much to that XIELOs!!! Hoping for your undying support until the end! Hope you'll support 18RLOTE in the final round of #Wattys2017! I badly need all of your support guys! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^