40TH ROSE || Timeline
- MICHELLE SUMASTRE -
"Eto na po ang order n'yong two grilled chicken leg with rice and with drinks," nakangiting untag ko sa customer matapos kong ihatid ang order nila. Pagkatapos nilang magpasalamat ay agad naman akong pumunta sa counter at binigay ang walang laman na tray kay Joy.
"Uy, mukhang good mood si Mars Michie ko ngayon ah? Ano'ng meron? Share naman~ dahil ba sa surprise party mo kagabi?" tanong agad ni Joy habang nagpupunas ng mga tray. Naikwento ko kasi sa kanya lahat dahil hindi pala s'ya umuwi sa bahay nila kagabi nung 'kidnapin' daw ako kuno ni Quia. Hinintay pa talaga n'ya akong umuwi. Hahaha. Kaloka 'tong si ate Joy.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Maliban do'n, masaya ako dahil tinawagan na rin ako sa wakas nina Mamang at Papang kagabi. Bumati sila ng happy birthday sa akin tas sinabi rin nila sa akin ang magandang balita."
"Ano naman ang good news na iyon?"
"May trabaho ng nakuha si Papang. Isa na s'ya sa delivery personnel ng JRS Express. Delivery boy or man or kung ano pang tawag sa kanila kumbaga. Hindi naman kalakihan ang sweldo pero laking pasasalamat ko rin sa Diyos at nakakuha na rin ng trabaho si Papang kaya hindi na s'ya makakapag-abroad. Si Mamang naman, nagsisimula na raw s'yang magnegosyo ng banana-cue, camote-cue at barbeque. Nakakatuwa nga eh kasi dininig ng Diyos ang panalangin ko na sana hindi mahirapan sina Mamang at Papang doon sa'min dahil wala ako do'n para tulungan sila," nakangiting tugon ko.
"Grabe, Mars. Ang bata-bata mo pa pero dinaig mo na ang auntie ko dahil mas matanda ka pang mag-isip sa kanya. At talagang kapakanan muna ng mga magulang mo bago ang sarili mo ang iniisip mo. Ikaw na talaga ang napakabait na anak," sabi ni Joy sabay lipat ng imaginary crown daw kuno n'ya sa ulo ko. "Sa'yo na talaga ang korona."
Natawa na lang ako sa komento n'ya. "Hindi naman. Natural lang talaga sa isang anak ang gustong mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya habang malayo s'ya sa mga ito."
Umismid naman si Joy. "Hindi rin Mars. 'Yung ibang mga anak d'yan parang nasa langit na kapag wala na sila sa puder ng mga magulang nila kasi nagagawa na nila ang mga gusto nila kasi nga wala ang mga magulang nila, wala nang sasaway sa kanila."
"Magsisisi rin sila sa bandang huli dahil gano'n ang iniisip nila. Pero kahit gano'n, kung hindi na sila tanggap ng mga kaibigan nila at ng buong mundo, wala silang ibang matatakbuhan kundi ang mga magulang nila. Kasi, kahit pagbalik-baliktarin man nila ang buong mundo, walang hihigit pa sa pamilya na tanggap ang buong pagkatao n'ya at handang dumamay sa kanya kapag kinamuhian na s'ya ng buong mundo," sabi ko.
"Wow, hugot 'yun Mars ah? Ang lalim 'di ko abot!" natawa naman kaming pareho sa sinabi ni Joy.
Dagli naman akong natigilan nung biglang sumingit sa isip ko ang eksena sa pagitan nina Raven at ng kanyang ama na si Senador Delos Reyes.
Hindi ko rin maiwasang mapaisip kung bakit may ibang mga magulang na tila kinamumuhian ang kanilang mga anak? Ang sabi ni Mamang sa akin, ang mga anak ay isang regalo mula sa Diyos pero bakit gano'n? May mga nag-e-exist na mga magulang na parang ayaw nilang mabuhay ang kanilang mga anak at kung mabuhay man ay hindi nila ito kayang mahalin nang taos-puso. Hay...
"Oy Michie, bakit hindi ka pa nag-o-online?" tanong n'ya.
Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Online? Saan?"
"Sa Facebook! 'Di ba binigay ko na sa'yo ang e-mail at password mo? Don't tell me, hindi mo pa binubuksan iyon?"
Napakamot naman ako ng ulo. "Oo... hindi ko pa nga nabubuksan iyon."
"Hay naku ikaw talaga. May wi-fi dito sa restaurant at sa bahay ni Mama Rona hindi ka naman nag-o-online? Buksan mo mamaya ang FB mo ah? Kailangan makita kong may profile picture at cover photo na iyon at dapat may post ka rin do'n. I'll be watching you," sabi n'ya.
Bahagya naman akong natawa. "Mang-i-istalk ka Joy?"
"Oo naman! Kaya dapat buksan mo 'yon mamaya."
"Oo na po~"
"Mukhang wala ng customer Michie, Julie. Mag-close na tayo? Inaantok na rin ako eh tsaka 9PM na," untag ni ate Joy sabay hikab. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Julie kaya agad naman kaming naglinis ng restaurant at sinara na iyon.
"Hay salamat~" nakangiting usal ko sabay higa sa aking kama. Sabi ng iba, ang pinakanakakapagod daw gawin sa mundo ay ang magtrabaho—kaya siguro ay maraming tamad. Pero ewan ko ba, ayokong matapos ang araw ko ng hindi nagtatrabaho at kapag nagtatrabaho ako, parang satisfied pa akong matulog sa gabi. Weird ba ang ganoong ugali?
Matutulog na sana ako nung bigla kong maalalang nangako pala ako kay ate Joy na bubuksan ko daw 'yung FB account ko. Kinapa ko naman ang side table dahil dun ko madalas nilalagay ang cellphone ko. Pagkakuha ko ay agad kong binuksan iyon at bumungad naman sa akin ang isang text message mula sa isang unknown number. Baka scam na naman ito na nanalo daw ako ng isang milyon. Prsh. Kung ganoon naman pala, sana na-claim ko na ang isang milyon na iyon at ibibigay kina Papang at Mamang at hindi na ako kailangang umalis ng Pagadian para lang mag-aral sa Maynila. Mga paasa talaga.
Kahit hindi ko feel buksan ang message ay binuksan ko na lamang iyon. Baka kasi importante.
From: +63***********
Hey, don't you dare take it off. I'll be watching you.
Kumunot naman ang noo ko matapos mabasa ang message. Agad naman akong nag-tipa ng reply.
Reply: Ha? Kinsa ka? Sino ka po?
Wala pang five seconds ay dumating na agad ang reply. Ang bilis naman ata mag-tipa ng isang 'to?
From: +63***********
Tric Marion Baek.
Ha? Si Buang na Alien pala 'to? Bakit unknown number? Sa pagkakatanda ko ay sinave ko naman ang number n'ya sa phonebook ko.
Michelle: Ah, sorry. 2nd number mo?
Tric: New number. Just delete the old one.
Michelle: O, bakit naman biglaan ang pag-change mo ng numero?
Tric: 'Coz there are many sasaengs who keep on texting me that's why I changed my number.
Eh? Seseng? Ano 'yun? Isda? Baka sisig, 'yung pagkain.
Michelle: Ang sisig nagtetext sa'yo? Naku, Tric. Malala na ang pagka-buang mo. Kumain ka na kaya muna? Nalipasan ka ata eh.
Tric: Aish. It's sasaeng not sisig. It's a sort of an obsess stalker. Babo ahjumma.
Michelle: Sorry naman. Eh sa nakakabuang 'yang Korean mo eh. Oo nga pala bago ko nakalimutan, ano'ng ibig sabihin nung text mo kanina?
Tric: Tsk.
Kumunot naman ang noo ko sa reply n'ya. O, ano na namang problema n'ya?
Michelle: Ano bang ibig sabihin nung text mo kanina? Pwede mo naman sigurong i-ellaborate, 'di ba? Uso mag-ellaborate baka 'di mo alam.
Tric: Just don't take it off.
Michelle: Ha? Ang alin?
Tric: The necklace that I gave to you. Wear it everyday. Don't you dare take it off. If you did, you'll be dead. Arasseo? Okay, good night.
Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa naging reply at naging conversation breaker naming dalawa. Napatingin naman ang sa kwintas na bigay n'ya sa akin na nasa side table ko rin. Dapat daw isuot ko araw-araw ang kwintas dahil kung hindi ko daw susuotin, mamamatay daw ako? Nakakapangilabot naman ang sinabi n'ya. Ano 'yun? May agimat ang kwintas n'ya? Kaloka.
Bumuntong-hininga na lamang ako at binuksan ko na lamang ang facebook app na ininstall ni ate Joy sa cellphone ko. Pagkabukas ng nasabing app ay agad kong tinipa ang e-mail address at password ko tsaka nag-log in. Madali naman akong nakapasok dahil malakas ang wi-fi ni Mama Rona. Kaya pala laging tambay sa amin si Joy para mag-download at manood ng music videos at drama ng mga Koreano. Pagkabukas ko ay agad dumako ang tingin ko sa 20 friend requests ko. Tinipa ko naman iyon at agad akong napaismid dahil puro Arabo at Indian ang naroon. Agad ko namang inignore at mi-nark as spam ang lahat ng iyon. Bahala na walang kaibigan sa facebook, basta hindi ako makikipagkaibigan sa mga Arabo at Indian. Naalala ko kasi nung chinat 'yung kaklase ko sa facebook nung nasa Pagadian ako ay may mga ka-chat s'yang Indian at Arabo at ang babastos. Sabihan ba naman s'ya ng "show me your boobs" at "give me you nude pictures I'll pay you money" hindi ka ba malalaswaan? Grabe lang.
Agad naman akong naglagay ng profile picture. 'Yung selfie ko na naka-suot ng gown ni Quia at 'yung cover photo ko naman ay quotation mula sa libro ni Jenny Han na To All the Boys I loved Before na 'Life doesn't have to be so planned. Just roll with it and let it happen.' Ewan ko ba kung bakit pero nung nabasa ko ang quote na 'yan mula sa librong binigay ni ate Joy ay tumatak na sa akin ang quote na iyan.
Dumako naman ang tingin ko sa friends ko na naroon. 25 friends. Isa doon si ate Joy at Julie. 'Yung iba naman puro mga fans ng Kpop. Mabuti na rin 'yung may mga friends kang gano'n. At least hindi bastos.
Maya-maya'y may nag-pop na friend request at bumungad sa akin ang account ni Quia. Agad ko namang tinanggap iyon. Wala palang sampung segundo nung tinanggap ko ang nasabing request ay agad namang nag-pop ang messenger ko.
Aquamarine Quia Ledesma: You didn't tell me you have a facebook account. Kung hindi ko pa naisipang i-search ang pangalan mo dito sa FB ay hindi ko pa malalamang may account ka.
Michelle Sumastre: Sorry talaga Quia. :( Hindi naman kasi ako ang gumawa ng account na ito tas ngayon ko lang nabuksan. Sorry~
Aquamarine Quia Ledesma: Hahaha. It's okay. Halata naman kasi. Mukhang kahapon pa ginawa ang account mo. Sa mismong birthday mo pa talaga.
Michelle Sumastre: Ah, oo. Kahapon lang talaga. Regalo daw kasi ni ate Joy sa akin.
Aquamarine Quia Ledesma: 'Yung kaibigan mong workmate mo rin? Hahaha. How sweet of her.
Michelle Sumastre: Oo nga eh. Ah, Quia. Mamaya na tayo mag-usap ha? Tinatawag na kasi ako ng kalikasan eh kailangan ko lang ilabas baka sumabog ang pantog ko mahirap na. Hahaha!
Aquamarine Quia Ledesma: Hahaha! Silly. Sige na go na.
Mangiti-ngiti kong nilapag ang cellphone ko sa kama at agad na nagtungo sa CR. Matapos ng humigit-kumulang isang minuto na nilabas ko ang tawag ng kalikasan ay naghugas ako ng kamay bago tuluyang lumabas ng CR at umupo ulit sa kama. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at binuksan ang facebook. Hindi na online si Quia. Marahil ay nakatulog na iyon. Agad ko namang napansin ang 18 friend requests kaya agad ko namang binuksan iyon. Bumungad sa akin ang account ni Chantal, Mark, Raven, Nathaniel, Hans, Luke, Ryuuji, Tyrone, Errol, Nolan, Riel, Leogne, Storm, Kezie, France, Price Kurt, Arsean at Kaizzer. Puro 1 mutual friend silang lahat at alam ko namang si Quia lang ang mutual friend na iyon kaya agad kong kinonfirm lahat ng iyon. Puro private ang lahat ng accounts na iyon kaya panigurado, konti lang ang friends nila. Maya-maya'y lumabas ang 17 notifications sa FB ko kaya agad ko namang binuksan iyon.
Mark Viel Montaño posted on your timeline. Just now
Rex Raven Delos Reyes posted on your timeline. Just now
Kurt Nathaniel Gatcheco posted on your timeline. Just now
Hans Rhien Obianda posted on your timeline. Just now
Luke Hemmings posted on your timeline. Just now
Sawada Ryuuji posted on your timeline. Just now
Tyrone Meodoza posted on your timeline. Just now
Errol Ruiz Collama posted on your timeline. Just now
Jude Nolan Hernandez Jr. posted on your timeline. Just now
Riel Dela Torre posted on your timeline. Just now
Leogne Gio Walter posted on your timeline. Just now
Storm Gonzaga posted on your timeline. Just now
Kezie Charles Olivier posted on your timeline. Just now
France Derrick Yzon posted on your timeline. Just now
Price Kurt Roxas posted on your timeline. Just now
Arsean Solomon Deligero posted on your timeline. Just now
Kaizzer Ariel Roberts posted on your timeline. Just now
Kumunot naman ang noo ko dahil halos silang lahat ay sabay sa pag-post daw kuno ng timeline ko. Agad naman akong bumalik sa timeline ko at bumungad sa akin ang post nila.
Mark Viel Montaño > Michelle Sumastre
Thank you for accepting. By the way, you're so pretty last night.
Kinilig naman ako sa post n'yang ito. Binasa ko naman 'yung ibang post nila sa timeline ko.
Rex Raven Delos Reyes > Michelle Sumastre
👍
Tipid naman ng isang 'to. Thumbs-up lang talaga? Prsh.
Kurt Nathaniel Gatcheco. > Michelle Sumastre
Thank you for accepting. Don't forget your promise.
Umismid naman ako sa post n'ya. Oo na! Ikaw na mahilig sa creamy white coffee. Bumili nalang kaya s'ya sa Nescafè? Daming arte eh.
Hans Rhien Obianda > Michelle Sumastre
Thank you for accepting.
Luke Hemmings> Michelle Sumastre
Thanks.
Isa pa 'tong sira ata ang keyboard. Ang tipid n'ya eh.
Sawada Ryuuji > Michelle Sumastre
こんにちは。どうもありがとう。
See translation (Hello. Thank you.)
Pati rin itong si Ryuuji, member ata ng alien squad ni Tric. Alam n'yang di ako maalam magbasa ng Japanese alphabet, talagang nag-japanese pa s'ya sa timeline ko. Pasalamat talaga ako at may 'see translation' si Facebook.
Tyrone Meodoza > Michelle Sumastre
Thank you for accepting, our new fangirl!
Errol Ruiz Collama > Michelle Sumastre
Thank you for accepting.
Jude Nolan Hernandez Jr. > Michelle Sumastre
Thank you! O, may manners na ako ah?
Loko talaga 'tong si Nolan.
Riel Dela Torre > Michelle Sumastre
Thank you for accepting. Here's my menu today! Hahaha
[insert pasta picture]
Leogne Gio Walter > Michelle Sumastre
Thank you for accepting. ;)
Storm Gonzaga > Michelle Sumastre
Tss. Thanks.
Isa pa 'tong may topak tulad ni Raven. Problema ng mga 'to?
Kezie Charles Olivier > Michelle Sumastre
Thank you for accepting, class pres!!!
France Derrick Yzon > Michelle Sumastre
Thank you for accepting.
Price Kurt Roxas > Michelle Sumastre
Thank you for accepting, class pres. :)
Arsean Solomon Deligero > Michelle Sumastre
Thank you for accepting, class pres! :D
Kaizzer Ariel Roberts > Michelle Sumastre
Hey, Honey. Thank you for accepting. ;)
"Grabe," 'yan na lamang ang nasambit ko matapos kong mabasa ang post ni Kai. Lecheng lalaking 'to bukod sa manyak ay napaka-babaero pa. I-di-delete ko sana ang post n'ya pero bakas isipin nilang ang rude ko. Bumuntong-hininga na lamang ako at ni-like na lamang ang lahat ng post nila sa timeline ko.
Mukhang wrong choice ata ang i-confirm sila as friends ko. Ang gulo na nga ng buhay ko dahil sa kanila, pati ba naman timeline ko sa facebook iniinvade nila? Hay, mga elites talaga.
A/N: Hey guys! Sorry for the late UD, XIELOs~ Sorry if it's kinda spoil. I'll make it up to you in my next updates. Thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Thank you so much to you support because the 18RLOTE is now one of the winning nominees/shortlist of #Wattys2017! Thank you so much to that XIELOs!!! Hoping for your undying support until the end! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^