35TH ROSE || Across His Chinky Brown Eyes
- MICHELLE SUMASTRE -
Pagkatapos ng nakakainspire at nakakainlove na pag-uusap namin ni Mark ay dumiretso na ako sa SSG Office dahil sa pinatawag ako ni Nathaniel. Nakatatlong katok muna ako bago ako pinagbuksan ng isa sa mga officers na naroon. In fairness, maganda ang isang ito.
"Yes, may I help you?" magalang at friendly n'yang tanong sa akin.
"Ah, I am Michelle Sumastre. I have an appointment with President Gatcheco," sagot ko sa kanya. At ewan ko ba kay Nathaniel kung bakit nagpauso s'ya ng ganito dito sa Empire Academy eh wala naman kami sa isang kompanya. Tsk.
"Ah! The class president of Class 12-1 and the new Top 1 of Power 20!" tuwang-tuwa n'yang sabi sabay lahad ng kamay n'ya. "I am your huge fan and it's such a great day that I met you personally! Hi! I am Naizze Tiu. SSG's Grade 12 Senator."
Bahagya naman akong tumango at naiilang na tinanggap ang kamay n'ya at humigpit naman ang pagkakahawak n'ya sa akin at nakipag-shake hands. Idol talaga? Ang awkward lang. "Hehehe. Nice to meet you."
"Come in. Kanina ka pa hinihintay ni Pres," pangiting sagot n'ya at sabay kaming pumasok sa loob ng opisina.
"Pres, Sumastre's here," sabi n'ya pagkatapos ay ngumiti s'ya sa akin at nagpaalam na umalis.
Pinaikot naman ni Nathaniel ang swivel chair n'ya at humarap sa akin. "Good afternoon, class pres."
"Magandang hapon din," bati ko sa kanya. "Ano palang kailangan mo sa'kin? Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" 'yun na kasi ang naging usapan namin. Kapag pinatawag n'ya ako, magpapagawa lang s'ya ng kape sa akin. O, 'di ba? Ginawa pa akong utusan ng kumag na 'to? Nakakainis.
"I love too. But first, may iuutos ako sa'yo," sagot n'ya.
Napairap na lamang ako sa hangin dahil sa sagot n'ya. "Hindi naman ako isa sa SSG Officers para utusan mo."
"But you are the 12-1's class president and it is your duty to take the responsibility in 12-1's business," kaswal n'yang sabi.
Bumuga naman ako ng hangin at tinignan s'ya. "Ano naman 'yun?"
Tumikhim naman s'ya at binigay sa akin ang isang kulay gold na folder. Agad ko namang binuksan ang folder at napakunot naman ang noo ko. "Teka, eto 'yung agreement sa event ng acquaintance party ah? Tapos na naming pirmahan 'to eh."
"Yes, tapos n'yo ng pirmahan 'yan with your External Vice President, Secretary and Treasurer. Pero magiging null ang agreement sa event kapag may kulang na pirma. At ang pirma ni Tric Marion Baek, which happens to be your Internal Vice President ang kulang. So all you have to do is to go to his house and let him sign it. Don't worry, I'll excuse you from your class."
"Scoffs. Eh kasi naman hindi talaga namin s'ya napapirma neto dahil nasa Korea at Japan s'ya," sabi ko naman.
"Kaya nga puntahan mo s'ya sa bahay nila para papirmahan 'yan sa kanya. Ayaw mo naman siguro magka-penalty ang Class 12-1 dahil hindi kayo nag-participate sa agreement, hindi ba?"
Napaismid naman ako. Ang galing talagang mamblackmail ng isang 'to. "Tsk. Oo na, oo na. Ge, alis na ako."
Agad naman akong tumalikod. Akmang lalabas na sana ako ng opisina ngunit tinawag na naman n'ya ako. "Sumastre."
Lumingon naman ako sa kanya. "Ano 'yun?"
"My coffee?" he smiled sheepishly. "My creamy white coffee?"
"Hindi ako walking coffee shop," bumuga naman ako ng hangin bago bumalik doon at ipagtimpla s'ya ng kape. Nung ma-satisfy ko s'ya nung ibigay ko sa kanya ang kape ay agad naman akong umalis doon at pumunta sa bahay ni Tric.
In-off ko naman ang cellphone ko nung matanggap ko ang message ni Nathaniel na nakasaad ang address ni Tric. Magtetext s'ya ng address eh andito na ako sa bahay ni Tric. Late reaction rin 'tong si Nathaniel minsan.
"Tao po?" sigaw ko sabay doorbell. Nakatatlong 'tao po' at doorbell ako bago ako pinagbuksan ng dalawang guards nina Tric maging ang apat na naka men in black slash bodyguard ni Tric ay naroon.
"What can I do for you, miss?" tanong nung isa sa mga bodyguards ni Tric.
"Ah, hello. I'm Michelle Sumastre, Tric Marion Baek—I mean, Baek Tae Hyun's classmate. I need to talk to him about something related to our school."
Nakabulungan naman ang apat na men in black na kaharap ko at agad namang kinuha nung kausap ko ang cellphone n'ya at mukhang may tinatawagan. Hindi ko rin maintindihan dahil wikang Koreano ang ginamit nila sa pag-uusap. Kainggit. 'Yung bodyguard naka iPhone pa. Tutyal.
Napatingin naman sa akin ang bodyguard na kausap ko kanina pagkatapos n'yang tumawag sa kung sino. "Get inside, miss."
"Kamsanida," sabi ko.
He chuckled. "That's kamsahamnida, Agassi."
"E-Eh? Ah! Oo nga pala. Hehehe. Sorry po. A-Ah, kamsahamnida," naiilang pa akong ngumiti sa kanya kasabay ng pag-bow ko. Tengne, nakakatanga ang Korean.
Agad naman nila akong inescort papasok ng mansyon nina Tric at hanggang ngayon ay naloloka parin ako dahil sa laki, gara at karangya ng mansyon nila.
Nung makapasok na ako, kasama ang mga bodyguards sa enggrandeng sala nina Tric ay agad naman kaming sinalubong ng butler ni Tric na si Mr. Choi sa pagkakatanda ko.
"Hello, Miss Michelle. You visited us again. How are you?" nakangiting tanong n'ya.
Ngumiti rin ako sa kanya. "Okay lang po ako, sir. Hehehe. Ah, andito po kasi ako para makausap si Tric. Ilang araw ko po kasing 'di s'ya nakikita sa school eh may appointment po s'ya sa SSG eh ako po 'yung napag-utusan. Andito po ba s'ya?"
Bahagya naman s'yang tumango. "Yes, Miss. Just go to his room."
"Ah, salamat po. Kasinida—ay I mean, kamsahamnida," sabi ko sabay yuko.
Ngumiti naman s'ya sa akin at nakiyuko na rin. Agad naman akong umakyat sa enggradeng hagdanan nila para puntahan si Tric sa kanyang kwarto.
Matapos kong maligaw dahil nakalimutan ko kung saang banda ang kwarto ni Tric, finally ay nakita ko rin iyon. Inayos ko muna ang hawak kong folder bago kumatok. "Tric? Tric? Tric, si Michelle Sumastre ito kaklase mo. Pwede ba kitang makausap? Importante lang."
Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Marahil ay soundproof ang kwarto n'ya. Tatawagin ko sana si Mr. Choi nung wala sa sarili kong pinihit ang doorknob at bumukas ang pinto. "Ay grabe, bukas naman pala ito. Akala ko mamamaga ang kamay ko sa kakakatok eh bukas naman pala ito."
Tahimik lang akong pumasok sa kwarto ni Tric na kasinlaki lang ng bahay ko sa Pagadian. Prsh. Edi s'ya na mayaman. Lumingon-lingon naman ako sa paligid at hinanap s'ya. "Tric? Yuhoo~ Tric andito ka ba?"
Naagaw naman ang atensyon ko nung makarinig ako ng mahinang paghilik. Dumako naman ang atensyon ko sa isang dark green sa single couch na nakatalikod sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit dito at bumungad sa akin si Tric na mahimbing na natutulog. Sa itsura nito ay mukhang kakagaling lang nito sa isang business meeting dahil bukod sa nagkalat sa sahig ang suitcase at folders n'ya ay hindi man lang n'ya magawang magpalit ng damit.
Wala sa sarili akong napatitig sa mukha n'ya. Kahit ang sama ng ugali ng lalaking 'to ay hindi mo talaga maitatangging bukod sa propesyonal itong gumalaw at magsalita ay ang gwapo pa nito.
Hindi ko namalayang sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi na agad namang nawala nung mapagtanto ko ang kagagahang ginagawa ko. Marahas akong umiling at tahimik na tinampal ang pisngi ko. Myghad Michelle! 'Wag kang magnanasa sa taong tulog at mortal mo pang kaaway!
Bahagya akong bumuntong-hininga at agad na pinulot ang mga nakakalat n'yang gamit sa sahig at inayos iyon sa malaking study table n'ya. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kanyang kama para kumuha ng kumot at kinumutan siya. Nagtungo naman ako sa mesa n'ya at pinaandar ang coffee brewer.
Saktong pagkatapos na pagkatapos ng pagtimpla ko ng kape ay narinig ko ang boses ni Tric na bagong gising.
"Ugh... nu-nuguya?"
Napalingon naman ako sa kanya habang nagkukusot s'ya ng mga mata. Halata nga sa ikinikilos n'ya ang pagod na nadarama. "O, gising ka na pala."
Napatingin naman s'ya sa akin at halata ang gulat sa mukha n'ya. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?"
Hindi ako sumagot sa halip ay umupo ako sa maliit na upuang kaharap n'ya at inabot sa kanya ang kape. "Uminom ka muna. Mamaya ko na sagutin ang tanong mo."
Tinanggap naman n'ya ang kape at tahimik na sumimsim nito. Katulad ng ekspresyon ni Nathaniel ay gano'n rin naman ang ekspresyon n'ya. Bahagya naman s'yang ngumiti. "Hmm. Johta. Massisseo."
Kumunot naman ang noo ko nung napatingin s'ya sa akin. Founder ata 'to ng alien squad ng mga foreigner naming mga kaklase.
Nilapag naman n'ya ang hawak n'yang mug sa center table at napatingin sa akin. "Why are you here?"
"Inutusan kasi ako ni Nathaniel na dalhin ito sa'yo. Kulang kasi 'yung pirma mo eh. Kailangan n'ya 'yung sign mo para maipasa iyan sa Principal natin," sabi ko sabay abot ng dala kong folder sa kanya.
Tahimik naman n'yang tinanggap iyon at tinignan. "Is that all?"
Kumurap naman ako. "Bukod do'n... gusto rin kitang kamustahin. Ilang araw ka naring 'di pumapasok eh."
Teka sandali, nasabi ko 'yon?! Hindi 'yun ang gusto kong sabihin!!!
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko dahil napatingin agad s'ya sa akin. "Jinjja?"
"Umm..." nausal ko naman bago ako tumango.
Sumilay naman ang tipid na ngiti sa kanyang mukha. "Manjukseureoweoyo."
Kumunot ulit ang noo ko sa sinabi n'ya. "Ha?"
"Nevermind what I'm saying. Thank you for the coffee anyway," sagot n'ya at tumango naman ako. Agad naman s'yang tumahimik at itinuon ang atensyon n'ya sa agreement para sa acquaintance.
Napansin ko namang napahawak s'ya sa noo n'ya at bahagyang minasahe iyon. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay tumayo ako at pumunta sa likuran n'ya. Mukhang nagulat pa s'ya nung dahan-dahan ko s'yang hinila para sumadal sa couch na kinauupuan n'ya.
"H-Hey, what are you doing?" tumingala pa s'ya sa akin.
Ngumiti na lamang ako sa kanya at dahan-dahang minasahe ang ulo n'ya. Mula sa tensyonado n'yang katawan ay naging kalmado ito. Minasahe ko naman s'ya mula ulo papuntang balikat at pabalik na rin sa ulo.
"Alam mo, masyado ka pang bata para gawin ang trabaho ng mga matatanda. Hindi ka naman si Superman para gawin lahat ng trabaho. Tao ka hindi robot kaya matuto ka ring magpahinga. Sige ka, hindi ka makaka-graduate n'yan," sabi ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa n'ya. "You said last time that I am superman?"
Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Sinabi ko 'yon? Seryoso?"
"Yes. But I guess, you already forgot it," sagot n'ya at agad naman n'yang hinawakan ang kamay ko dahilan para matigilan ako at makaramdam ng kakaiba. "Anyway, thank you for the massage."
Bahagya naman akong tumango at ngumiti sa kanya. "Ano'ng thank you? May bayad 'yun!"
"How much?"
"Hmm... next time na kita sisingilin. Wala akong maisip eh. Hahaha."
Mahina naman s'yang natawa at iginiya ako palapit sa inuupuan ko kanina. "I'll just sign this so you can go home. I know your family will be worried if you can't come home on time."
Nagkibit-balikat naman ako. "Sasabihin ko nalang na galing ako sa bahay mo para hindi nila ako tadtarin ng tanong. Tutal naman nakausap mo na sila sa telepono."
Umiling naman s'ya at binasa ulit ang agreement. Hindi ko alam kung bakit titig na titig ako sa singkit n'yang mga mata. Para kasing may kakaiba. "Ang lungkot mo siguro."
Natigilan naman s'ya sa pagbabasa at napatingin sa akin. "Why did you say so?"
Bahagya ko namang tinuro ang mga mata n'ya. "Nababasa ko d'yan eh. Kahit pa ngumiti ka o tumawa o magalit o magpaka-authoritarian, nahahalata ko sa mga mata mo na hindi umaabot d'yan ang nararamdaman mo kasi nababalot ka ng kalungkutan. Sabi nga nila 'di ba na ang mga mata ang salamin ng kaluluwa. So, kung ano ang tunay na nararamdaman mo, nakikita 'yan sa mga mata mo. Magsinungaling ka man sa salita pero hindi sa mga mata mo."
"Tss..." bahagya naman s'yang ngumiti. "You sounded like a poet. Seriously?"
"Hays. Kainis. Kalimutan mo nalang 'yung sinabi ko. 'Di mo naman maintindihan eh," sabi ko.
"I understand everything you said. But then, my emotions, what I think and what I want to do doesn't matter or concern them. Maybe because I was born with the surname of Baek just to be a business successor and a ruler... not as a human, not as their child."
Parang may tumarak sa puso ko nung marinig ko ang sinabi n'ya. Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko simula at sa t'wing nakakausap at nakakasalamuha ko ang mga Elites na tulad nila. Tama nga ang sinabi ng Values Teacher namin nung nasa Pagadian pa ako na hindi lahat ng mahirap ay malungkot dahil sa kahirapang natatamasa nila at hindi lahat ng mayayaman ay masaya sa swerte at karangyaang natatamasa nila.
At ang kaharap ko ngayon, hindi s'ya ang Tric Marion Baek na emontionless at cold-hearted sa lahat. Hindi s'ya 'yung ruthless businessman na sinasabi nila. Hindi s'ya ang Tric Marion Baek na inaasar ako at hindi s'ya 'yung mortal kong kaaway. Ibang Tric Marion Baek ang kaharap ko. Across his chinky brown eyes, there's these unnamed emotions that I can't name but I can feel.
"Pagod ka na ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Tipid s'yang ngumiti sa akin habang pinipirmahan ang laman ng folder. "Tired is an underestimation to what I feel."
"Kung pagod ka na sa mundong ginagalawan mo, ba't 'di mo subukang lumabas? May mas interesting at masayang gawin na dapat gawin ng isang tao na wala sa business world," sabi ko.
"Like what?" tanong ko.
"Maging malaya bilang ikaw at maging masaya," ngumiti ako sa kanya. "May mundo akong alam kung saan mo magagawa iyan."
Bahagya naman s'yang ngumiti. "I wanna go in that world soon. Nareul geogiro deryeodajullae?"
Will you take me there?
A/N: Hey guys! Sorry for the late UD, XIELOs~ Sorry if it's kinda spoil. I'll make it up to you in my next updates. Today is raining hard again. Keep safe everyone. Always bring your umbrella. Btw, Happy National Heroes to all the heroes who sacrificed their life in order to give us independence. Thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Hope you'll support this on #Wattys2017! Thank you so much XIELOs~ enjoy reading~ ^O^