MayWard Short Stories

Bởi Iamram

112K 4.4K 2K

Compilation of MayWard stories, moments and kilig memories. Warning this is only my imagination and what if's... Xem Thêm

Angel's Heart
Utak O Puso (part One)
Utak O Puso (part Two)
My What If's!
My What If's No. 2
My Lady In Black ( Part 1)
My Lady In Black ( Part 2)
My Lady In Black ( Part 3)
My Lady In Black ( Part 4. 1 Finale)
My Lady In Black ( Part 4. 2 Finale)
My What If's No. 3 (Germany Version)
MAY Special Someone! ( Part 1)
MAY Special Someone! ( Part 2)
MAY Special Someone! (Part 3)
MAY Special Someone! ( Part 4)
MAY Special Someone ( Part 5 Finale)
MAY Someone Special! ( Part 5 Finale)
@Thirty (Part 1)
@Thirty (Part 2)
@Thirty (Part 3 Finale 1)
@Thirty ( Part 3 Finale 2)
No Label ( Her POV )
No Label ( His POV )
No Label ( Last Part)
My What If's No. 4 (Camiguin Version)
Sweet Serendipity Part 1
Sweet Serendipity Part 2
Sweet Serendipity Part 3
Sweet Serendipity Part 4
Sweet Serendipity Part 5
Sweet Serendipity Part 6 Finale
My Nerdy-Promdi Love
That Night ( Part 1)
That Night (Part 2)
That Night (Part 3)
That Night (Part 4)
That Night (Part 5)
That Night (Part 6)
That Night (Part 7)
That Night (Part 8)
The Choice
Pursuing My Dreams :)
Memories

The Girl At The Bus

8.8K 233 71
Bởi Iamram

Sa Hindi inaasang pagkakataon may darating na tatatak sa buhay mo. Naisin mo man, akuin ito kung hindi naman para sayo. Hindi magiging sayo.


MONDAY

Rush hour at heto si Edward nakikipagsiksikan sa mga tao sa isang iskinita sa Baclaran. Pansinin siya ng mga tao lalo ng mga kababaihan sapagkat tisoy siya. He is half German sa side ng father niya at Filipino sa side  naman ng mother niya. Mainit kaya kahit medyo madilim na ng mga oras na iyon ay kitang-kita ang pamumula ng pisnge niya.
Kailangan niya makatawid sa kabilang kalsada kung saan merun mga colurum ng mga bus byaheng Tanza,Naic at Tarnate. Yun kasi ang pinaka mabilis na byahe papunta sa nabiling bahay ng ate niya sa Naic. Nakiusap sa kanya si Ate Laura na kung maaari siya muna ang tumao sa bahay nito sa loob ng limang araw dahil pupunta ito sa Palawan para isang trip ng mga NGO sa isang tagong orphanage. Ang pamilya nila ay isang pilantropo, pinanganak man sila nag may kaya sa buhay pero pinatili ng kanilang mga magulang ang pagiging low profile at maging matulungin sa kapwa lalo na sa na ngangailangan. Yan ang purpose na kinalakihan nilang magkapatid.

"Tanza... Naic... Tarnate... lalakad na!" sigaw ng kondoktor.

Dali-dali siyang sumakay sa papaalis ng bus. Buti na lang at kunti pa lang ang mga tao kaya nakakuha siya ng mauupuan sa bandang gitna. Alam niyang hindi pa ito aalis dahil hindi pa puno ang bus o tamang sabihin hindi pa sisikan na parang sardinas . Sanay na siya sa ganun sistema nung bata pa siya naitanong na ito sa kanyang mommy Cathy bakit ganoon? ang paliwanag sa kanya ay sinusulit lang daw ng driver ang byahe dahil malayo. Buti nga ngayon may Cavitex ang kalaban na lang nila ang matingding traffic papasok ng express way.

Sinuksuk niya sa tenga ang headphone niya at inayos ang sarili para maging komportable  kung sakaling makatulog man siya byahe. Namg biglang may nakakuha ng atensyon niya.

Isang babae matangkad at balingkitnitan ang katawan. Morena ito at nakasuot ng office uniform. kapansin-pansin ito dahil sa taas nito at para sa kanya alanganin ito na nakatayo dahil wala ng available na upuan para dito. Nais niya sana i-offer ang upuan niya kaya lang napakalayo nito sa kanya at sigurado siya kapag tumayo siya ibang tao ang makikinabang sa upuan puro maton pa naman ang malapit sa kanya.

Naramdaman niyang umaardar na ang bus. At nais na niyang matulog pero ang diwa at tingin niya ay nasa babaeng matangkad. Napansin niyang napatingin ito sa kanya at ngumiti. Gaganti rin sana siya ng ngiti subalit muling bumaling ito sa hawak hawak nitong tablet.

"Ano ka ba naman Edward baka akala mo lang ikaw ang nginingitian niya yun pala busy siya sa kausap sa tablet kaya ngumingiti ito!" sabi ng utak niyang mukang dissapointed sa naisip.

Maayos nakapasok angg bus nila sa Cavitex at medyo mabilis na rin ang byahe. Muling bumaling siya sa babae. Nakangiti pa rin ito at mukhang tuwang tuwa habang tumitipa sa tablet.

"Masayang masaya ata ang babae ito sa kausap niya sa tablet! pero ang ganda talaga ng ngiti niya nakakahawa!" .

Pumikit siya, pero hindi niya maiwasan ngumiti dahil sa babaeng may magandang ngiti.

"Novelita.. Novelita.. yung mga baba diyan padaanin ng makaalis na tayo agad!" sigaw ng kondoktor.

Pagdilat niya ang mga mata sakto naman napatingin pa rin siya sa babaeng may magandang ngiti. Sakto naman nahuli niya itong nakatingin sa kanya at may ilang segundo rin siguro bago nito binawi ang tinggin sa kanya. Napapailing na nalang si Edward sa nangyayari.

"akala ko basketball lang mabagal at mahalaga ang bawat segundo pati ata sa babaeng ito tila bumabagal rin oras  ko!"

Nakita niyang kumilos ang babae para mag-give way sa pasaherong baba. Akala niya mauupo na ito sa nabakanteng upaun pero nakita niyang may inalalayan itong bata para makaupo  at na natili ito nakatayo. Muling umusad ang bus.

"Mukang mabait rin siya!"

Nakakaramdam siya ng kaba na kada hinto ng bus ay maaari  narin bumaba at tuluyan at mawala sa paningin si Ms. Smiley "Akalain mo yun nakaisip ako agad ng codename niya!"naiiling na lang talaga siya naiisip niya.

"Farmville....Farmville.. yung mga baba diyan!" sigaw ng kondoktor.

Nang muli akong tumingin kay Ms. Smiley ngumiti ito sa kanya at tuluyang bumaba.

"Sayang" yun na lang ang tangi nasabi niya sarili.

Tuesday

Muli na naman susugod si Edward sa maraming tao sa Baclaran. Mainit ang ulo niya dahil hindi parin niya makukuha sa kasa ang kanyang kotse kaya heto tuloy pa rin ang pakikipagpatentero niya sa mga tao sa Baclaran.

"Sana naman makasabay ko ulit si Ms. smiley para naman bawi kahit pagod!" bulong ni Edward sa sarili.

"Tanza... Naic... Tarnate.. lalakad na!" sigaw ng kondoktor.

Dali-dali siyang sumampa sa bus. Madami ng tao at halos mapuno na ang bus. Luminga linga siya  umaasa na sana makita niya nag nais makita.Pero wala, "wala siya!" kaya nilagay niya ulit niya at nakinig ng musika habang nakahawak sa upuan para hindi sya matumba.

Umuandar na ang bus at lumapit na ang kondoktor para maningil ng pamasahe. Dahil na busy siya sa pakikinig habang nakapikit hindi na niya napansin na siya na pala ang sinisingil nito. Pasalamat na lang siya sa babaeng kumalabit sa kanya. Tinanggal niya ang headseat at tumingin siya rito. "Si Ms. Smiley!" sigaw ng utak niya.

"Bayad mo raw!" sabay nguso nito sa kondoktor.

"Ay oo nga pala, Naic pare!" sabay abot niya ng bayad.

Muli niyang tiningnan si ms. Smiley pero busy na ito sa tablet nito. Kagaya pa rin kahapon busy ito sa pagtipa sa Tablet kung minsan ay tumatawa. Nahihiya naman siyang dungawin kung ano ginagawa nito basta ang alam niya busy ito.

Pero masaya siya dahil nakita niya muli ito kahit walang salitang namamagitan sa kanila tumataba na ang puso niya.

Tumayo ang katabi nito ng makarating na sa gate three kaya umusod ito.

"Upo ka na kanina ka pa nakatayo diyan!" sabi nito sa kanya sabay ngiti.

"ahhh sige salamat!"

"Nakakatuwa naman marunong ka pala magtagalog akala ko foreigner ka!" sabi nito sa kanya.

"Pinay ang nanay ko kaya marunong akong magtagalog!"

Nginitian siya nito at muling ibinalik ang tingin sa tablet na hawak nito. Si Edward pumikit at ninamnam ang mga sandali na katabi si Ms. Smiley

"Farmville yung baba diyan malapit na!" sigaw  ng kondoktor.

"Sige mauna na ako sayo!" paalam nito at tumayo lumakad palabas ng bus.

Nginitian na lang ito.

Wednesday

Baclaran day at siguradong mas maraming tao kesa sa bus. Pero si Edward isa lang dalangin ang makita ang nagmamay-ari ng magandang ngiti. Palinga-linga siya  sa paligid umaasang makita niya ito. Pero nalungkot siya dahil wala na ito. Ngayon araw pa naman sana niya napagdesisyonan na magpakilala rito.

May dumating na bus at kanyang tulakan ang mga tao para makasakay lang. Wala na tuloy choice kundi humabol at sumakay.

Buwis buhay talaga ang pagsakay ng bus lalo na kung marami ng tao muntikan na sana siya mahulog kung hindi lang sa dahil humatak sa kanya.

"Salamat!" sabi niya rito sabay tingin dito.

Ngumiti lang ito  sa kanya ito sa tumango at binalik ang atensyon sa tablet niya.

Biruan mo nga naman yung hinahanap niya nasa bus lang pala!

Nabawasan na ang tao sa bus nagkaupo na rin sila.

"Grabe noh ang dami tao pagwenesday!" biglang sabi ni Edward.

"Baclaran day kasi!"sabi nito sabay balik sa pagtipa ng tablet.

"Salamat nga ulit kanina!" wala na kasing masabi si Edward  para mag-open ng panibagong usapan.

"Wala yun!" ngumiti ito sa kanya.

"Alam mo ang ganda ng smile mo!" hindi naiwasan sabihin ni Edward.

'Huh!" napatingin na ito sa kanya.

"Farmville nah! yung mga baba diyan magsilapit na!" sigaw ng kondoktor.

"Ahh sige una ako!" sabay nito.

Nilamukos ni Edward kamay sa mukha dahil sa frustration.

THURSDAY

Suntok sa buwan ang pagg-aabang ni Edward sa babaeng hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang pangalan.

"Mukang magse-settle na lang ako sa Ms. Smiley niya" natatawang sabi niya sarili.

"Pagnagkita kami ngayon at nagkausap kami ng medyo matagal siya na talaga!"

Pagsakay niyasa bus byahen Tarnate maluwag ito  at kaunti lang ang tao. Umupo siya sa pandalawahang tao sa may bintana. Isinout niya ulit ang headset niya at pumikit.

Tired day sobrang daming rush sa office. Sabayan pa ng makulit niyang officemate slaSh bestfriend niyan si Marco. Hinihiritan na naman kasi siya nito na idate niya ang bestfriend ng girlfriend nitong si Kisses. Blind date, big no siya sa ganun kaya lang sa ginagawa niya ngayon sa paghihintay sa babaeng hindi niya kundi ang magandan ngiti nito. Di ba parang mas malala pa ito!. atlist sa blind date nirefer ng kaibigan niya at alam nito ang pangalan. Samantalang yung babaeng hinihintay niya, ngiti lang at ilang salita ang pinanghahawakan niya.

"Haist nakaka-frustrate ang ganito!" napalakas na sabi niya.

Napadilat siya ng maramdaman niya na parang may nakatitig sa kanya.

"Opppss ikaw pala!" gulat niya.

"Alam mo nakakatuwa talaga na nagtatagalog ka tapos muka kang foreigner!" nakangiti ito at inayos ang pagkakaupo niya.

"Sorry narinig mo ba ako?" tanong niya.

"Na your cursing!?" tumango-tango ito.

"Ohhh mcfreeze pampalamig ng ulo!" sabay anot nito sa kanya.

"No..no.. thank you na lang!" tanggi niya.

"Ano ka ba binili ko talaga yan para sayo!"

"Huh! kilala mo ako? saka alam mo talaga magkakasabay tayo?" nagtatakang tanong niya.

"Pang-Four days na tayo nagkakasabay, alam ko na aware ka na monday palang tinitingnan kita! O straw!" sabay abot nito sa kanya.

"Salamat! alam mo talaga magkakasabay tayo huh!" nakangting sabi ni Edward.

"Hindi inisip ko lang, kasi three days na kitang nakikita at nakakasabay. Pero kung hindi kita makita ngayon ako na lang kakain ng lahat ng ito!"

Natawa si Edward sa sinabi nito.

Himala ata hindi mo hawak ang tablet mo?"

"Rest time niya!" sabay subo ng fries.

"Di nga! taga ka cavite ka talaga?" sana naman hindi niya mahalata na fishing ako.

"Hindi, this week lang!" sabi nito.

"Same tayo this week lang din pinababantayan ng ate ko ang bahay niya!" sabay kuha ko ng fries.

Tumango lang ito habang kumakain.

"Ikaw?" tanong ni Edward.

"Huh! anong ako?"

"Ikaw anong ginagawa mo sa Cavite?"

"To look for something!" simpleng sagot nito.

"Ahh may hinahanap ka pala!"

"Yup and I guess nakita ko na!" nakangiting sabi nito.

"You have very beautiful smile!" hindi napigilan sabi ni Edward.

"sinabi mo na yan sa akin!" sabay ngiti nito sa kanya.

Patuloy ang usapan nila ng kung anu-ano bagay hanggang sumigaw na ulit ang kondoktor na nasa Farmville.

"So bye na ulit! sana magkita ulit tayo bukas!" paalam ni Ms. Smiley.

Sobrang overwhelming si Edward sa usapan nila kaya ng hahabulin na niya ito para itanong ang pangalan ay umadar naulit ang bus.

"Ay Edward minsan tanga mo rin e, kanina mo pa kausap ni hindi mo lang natanong ang pangalan!" pagalit niya sa sarili.

FRIDAY

Inabangan talaga ni Edward ang babae. Inakyat niya lahat bus na nakatambay na may byaheng pa Tarnate. Pero wala ito.

"Hindi pwedeng mawala siya ng wala man lang akong nagagawa to make her stay in my life!" kagabi napagtanto niya na gusto niya ang babae kaya gusto niyang kilalanin ito.

"May hinihintay ka?!" sabi ng babaeng nasa likod.

He knew this voice, kaya agad niya ito hinarap at nginitian lumapit siya rito. Gusto niya itong yakapin sa sobrang katuwaan pero syempre inisip niya na baka pagginawa niya iyon magtatakbo ito palayo sa kanya.

"Tara na dumadami na ang mga tao!" aya nito sa kanya.

Umakyat sila sa bus at umupo sa bakanteng upuan.

"Akala ko hindi na kita muli makikita!" sabi ni Edward.

"Ako ba ang hinahanap mo kanina? sorry nakita kasi kita kanina na labas pasok sa mga bus na kapark".

"Kanina ka pa dito?" gulat niyang sabi.

"Oo tatawagin nga sana kita kaya lang hindi ko pala alam ang pangalan mo?" nakangiting sabi nito.

"John!" sagot agad ni Edward.

"Huh?!"

"My name is Edward John Barber and you are?"

"Ahh John pala! Im -----"

"Ms. Bayad po!" sabi ng kondoktor.

"Ahh wait lang kuya!" kumuha ito ng pera sa bag.

"Kuya dalawa na isang Naic at Farmville!" sabay abot nito ng Five hundred.

"UY huwag na ito na pambayad ko!" awat nito sa kanya.

"Okay lang kahapon nilibre mo ako hayaan mo naman ako ngayon!"

"Ok sige!" nakangiting sabi nito.

Sinuklian siya ng kondoktor at umlis.

"Nasaan na nga ba tayo?"tanong nito.

"Your name!"

"Ahh right! may is ------" bigla naman nagring phone niya.

"Sige na sagutin mo na baka importante!" sabi nito.

"Wait lang huh! sandali lang ito!" kinuha niya ang cell phone niya.

To him dismay he saw the name of Marco on the screen. "Wrong timing naman ito!" naiinis na sabi niya isip niya.

"Brad!?" sabi niya.

"Oh parang galit naistorbo ba kita? bitin ba o nakabaon pa rin?" biro nito.

"Baliw, anong merun? kung hindi importante pwede mamaya na lang!" apila niya.

"Mukang busy ka, sino yan chick ba?" narinig niya kasama nito ang girlfrend.

"Pwede ba kayo na lang muna mag-usap muna ng girlfriend mo!" naiinis na si Edward sa kakulitan ni Marco.

"Wait brad just to inform you na tuloy na ang double date natin with Kisses bestfriend sa Sunday. Finally pumayag na rin siya. Kaya huwag mo ako ipapahiya na hindi ka sisipot" sabi nito.

"Honestly, yan lang ang dahilan kung bakit ka tumawag?"

"Bakit importate yun, everything about my girlfriend is important!"

"What ever Marco, pwede naman yan mamaya pag-usapan o pwedeng hindi na kasi ever since naman Im not interested diyan diba!"

"Brad naman.. please hindi ka magsisi!" pakiusap nito.

"Will talk about that later, not now please im busy!" sabay cat nito sa call.

"So what is your name again?" tanong ni Edward sa babae.

Pero pag harap niya tulog na ito habang nakatukod ang isang siko sa bintana. Medyo nakabuka pa ngaang bibig nito at bakas sa mukha nito ang matinding pagod at puyat.Hindi niya na lang ito ginising at pinagmasdan habang natutulog ito.Hindi niya namalayan nakatulog na rin siya.

"Yung mga baba sa farmville magsilapit na!"

Naalimpungantan silang dalawa. Nagulat ang babae nakahilig pala siya kay Edward.

"O sige tulog ka pa medyo malayo ka pa naman !"

"Wait i don't get your name and your number. Pwede bang magkita tayo after this night.. what I mean is I want to know you more!" seryosong sabi niya rito.

Nagkantinginan sila dalawa at parang huminto ang mga oras sa pagitan nila.

"Im Mar----"

"Your married ?!" tanong ni Edward sa babae pero nakatingin siya sa kamay na inabot niya sa kanya. Kitang-kita nito ang wedding ring nito.

"Farmville nah, wala na bang baba dyan?......" sigaw ng kondoktor.

"Ay ako po manong, sandali lang po!" dali-dali ito tumayo para bumaba pero hawak pa rin ni Edward ang kamay nito.

"John nice meeting, and thank you for this wonderful weekdays, it really means a lot to me. And I will never forget you.." hinatak nito ang kamay tuluyan na itong umalis..

Wala na si Ms. Smiley kasabay nang pagbaba nito sa bus. Ang pagtatapos ng munting oras ni Edward sa kanya. Sing bilis ng pagpatakbo ng driver ang pagkawala nito sa buhay niya.

"She's married hindi na pwede...!" tanging nasabit ni Edward sabay pangiti ng mapait.

TWO DAYS AFTER...

"Oh pare akala ko hindi mo kami sisiputin ni Kisses!" salubong ni Marco sa kanya.

"Akala ko ba blind date ito? bakit kasama buong tropa?" nagtatakang tanong ni Edward.

Nakita niya kasi kasama sila Yong , Christian at Aizan. Kasama nito ang mga girlfriend nila.

"Hindi ko na pinush yung blind date mukang mas kailangan mo ng karamay ngayon!" nakwento na niya kay Marco kahapon ang lahat lahat tungkol kay Ms. Smiley.

"Ayos ka  rin dumamay huh pinamumukha mo talaga sa akin na ako na lang single sa grupo!" sabay bigwas nito sa tiyan nito.

"Aray ko naman, darating naman si ate Maymay kaya don't worry your not alone!" sabi nito habang hinihimas ang nasaktan  tiyan

"Uy pare nadyan ka na pala!"  puna ni christian sa kanya.

"Anong pinagkakagulahan nila?" tanong ni Marco.

"Yung blog ni ate Maymay, nagtreanding sa twitter #dearjohn niya!" sabi ni Aizan.

"Blogger siya?" tanong ni Edward.

"Ay hindi ba nakwento sayo ni Marco na writer si ate Maymay!" sabi ni Kisses.

"Talaga lang huh!" walang sa mood na sagot niya.

"Kaya nga siya late ngayon dahil dumaan pa siya sa publisher niya!"

"Hon, matatagalan ba siya, mainipin kasi itong si Edward?"

"Hindi naman siguro, isa-submit niya lang yung sinulat natapos na kasi yung book niya!" sagot nito.

"Wow no writer's block na?"

"No sweetheart, nakatulong talaga yung pagpapatira namin sa kanya sa Cavite sa bahay ng pinsan ko. Tingnan mo nakakuha tuloy ng inspirasyon.

Biglang tuloy na curious si Edward sa kwentuhan nito.

"Talaga ibig sabihin may nagustuhan na siya? hindi pwede yun paano si Edward?" apila ni Yong.

"Wait hindi pa naman tapos ang kwento kasi hindi naman happy ending ang story ng "The Guy At The Bus". Dami tuloy nacu-curious kay #dearjohn na yan!" sabi ni Kristine.

"E sino ba namn hindi macu-curious sobrang gwapo naman ng pagkaka-describe ni Ate May kay John. matangkad,Tisoy, matangos ilong, may magagandang mata dahil sa pilik mata, mapupulang check,perfect set ng mga ngipin at killer smile. Tingnan mo tuloy lahat ng single gusto ng sumakay sa bus byaheng Tarnate magkajowa lang ng ganyan kagwapo!" sabat ni Fen.

"Byaheng Tarnate?!"

"Yes!" sabi ni Kisses.

"Grabe, taas naman pala ng standard ni ate May. kaya pala hindi nagkakaboyfriend!" sabi ni Christian.

"Di bale base naman description mo parang si Edward naman ang dini-des-cri-be sa blog. Pare diba byaheng Tarnate ka rin last week?" nagtatakang sabi ni Marco.

"Imposible, the girl that I met sa bus was married na, kasal na siya!" malungkot na sabi ni Edward.

"Hala bai, ate May said sa blog akala ni John kasal na siya kasi nakita nitong may wedding ring siya!" sabi ni Viv.

"Letse naman kasi bakit may suot kasi pekeng wedding ring?" inis nasabi ni Kristine.

"Kasi pinu-portray niya or in-character siya ng bidang sinusulat niya. Kaya she bought fake wedding ring!" pag-e-explain ni Kisses.

"Paki sabi sa kaibigan mo pakitapon na yun na yung singsing na yan!" sabi ni Yong/

"Pwede ko bang basahin ang blog niya?!"

"Ahh sige, oh?" inabot ni Kisses ang ipad niya.

The Guy At The Bus
By MMcrazythought's

Sa mga panahon kailangan konghanapin ang sarili ko, ikaw ang natagpuan ko.....

MONDAY
Hindi ako ang tao madaling magka-interest sa isang tao pero ng makita kita nagpupunas ng pawis sa malapad mong noo nakuha mo na ako.Halata sa sarili mong hindi ka sanay sa ganun karaming tao. Pero nakakatuwa isang foreigner na wala kaarte-arte  sa katawan. Ang tangos pa ng ilong mo (kaingit)........................

TUESDAY
Ewan ko ba kahit wala naman akong pasok sa opisina feeling magsuot ng uniform para madala ko ang katauhan ni Zia(main character sa book na sinusulat niya) makipagsabayan sa mga taong nagmamadali O excuse ko lang ito sa sarili ko para sakaling o umaaasa ako na makita ka muli sa parehas na lugar kung saan kita nakita kahapon. Sakto nasa Baclaran na ako bigla akong naduwag. Naiisip ko kasi kungsakali makita kita ano naman ngayon. Wala rin naman manyayari. Kaya dapat hanggang maaga itigil ko na itong munting pag-asang sumusilay sa aking puso. Pero nakakatuwa naman ang pagkakataon kung kailan ayaw ko na at sumuko na ako saka ka pa tumayo sa harap ko. Ewan ko ba sinaniban ako ng lakas ng loob para kalabitin ka para sa bayad mo e pwede naman si manong kondoktor ang gumawa nun sayo. Salamat kay ate na bumaba sa gate Three at nagka-chance ako makatabi. Sobrang na-amaze ako na marunong ka palang magtagalog ayaw pa naman kitang kausapin kasi baka ma-nosebleed ako. Sobrang worth it ang pagiging baliw ko na araw na iyon dahil nakaroon ako ng chance na makausap kahit saglit lang.

WEDNESDAY

Dahil feelingera ako pumunta ulit akong Baclaran hindi ko na naiisip Baclaran day pala. Naipit tuloy ako sa matinding traffic. Ang gaga ko lang ginawa ko iyon para sayo!. Pero dahil naiinis ako sa sarili at hirap sumakay ng bus. Ang hirap lahat nagpinaggagawa ko nakipagbrasuhan ako sa mga lalaki kahit nakatayo makauwi lang. Itigil na ang kagagahan ito.Pero dahil madaming tao malapit sa pintuan maraming gustong sumakay hindi maiwasang magkatulakan. Biruin mo sa payat kung ito naiisip ko pang ilaban ang buto ko basta makatulong sa taong malapit nang mahulog palabas ng bus. Agad ko hinabol ang kamay niya para hatakin buti na lang may kinapitan ako. Pero laking gulat ko sa daming pwedeng mahulog ikaw pa. Patay ako!, imbis na ikaw ako na ata ang nahulog sayo!

Thursday

Dahil hulog na ako sayo lulubusin ko na ang kagagahan ko. Kahit matagal akong maghintay aabangan kita kailangan magkausap tayo. Bumili ako ng mcfreeze at fries kung sakaling matagal akong maghintay mabubusog ako. SAkto nakita kitang umakyat sa isang bus kaya ako  si sunod naman. Buti hindi ka masungit kahit hindi mo ako kilala kinakausap mo ako. Salamat dahil sayo nagkaroon ako ng madaming idea para mabuhay ko ang katauhan ni Zia. SAlamat kahit wala kwenta ang pinag-uusapan natin mukang aliw na aliw ka rin.

Friday

Assumera ako dahil feeling ko hinahanap mo ako. Masaya ako dahil kahit huling araw na ng kahibangan ko sayo napagbigyan pa rin ako makasama ka. Salamat Lord God dahil sa taong katabi ko na may kausap sa cellphone niya.Muli bumalik gana ko sa
pagsusulat. Kahit puyat ako dahil walang tulog natapos ko na ang buhay ni Zia. Pinilit ko pumunta ng Baclaran para mapagbigyan ang ang akng puso. Pero hindi ko na kinaya antok at pagod nakatulog ako. Pero okay lang nang malaman ko paggising ko ay nakahilig ako sa balikat ay sobrang kinilig ang mga split ends ko.Bonus pa ng malaman ko ang pangalan mo John at malas ko nang mapagkamalan mo akong kasal na. lintik kasing singsing ni Zia bakit kasi may-asawa pa ang napili kong main character, pwede naman dalaga may boyfriend.

So Dear John,

I know imposible na ulit tayo magkita pero salamat pa rin. Sa kahahanap ko sa sarili ko ikaw ang natagpuan ko. Salamat dahil sayo, muling kong nakita ang sarili kong tumitipa sa laptop at punung-puno ng ideya para mga taong binubuo ng mga imahinasyon ko. Salamat sa kakaibang pakiramdam na akala ko ko sa mga libro at sa mga isinulat ko lang pwede maranasan.Salamat karanasan hindi ko akalain magagawa ko pala.Salamat sa limang araw na pagpapangiti sa akin.

At kung mabibigyan ulit ako nangpagkakataon na na sabihin sayo ang pangalan ko at linawin sayo na  dalaga pa ako.. sana lang talaga magkaroon.. sana lang talaga...

____________

"Esski, sorry late ako huh!"

"Ate May, okay lang ang importante nandito ka na!" Tumakbo si Kisses  hinalikan at yumakap sa kanya.

"Grabe ate sikat na si #dearjohn at sikat ka na rin!"  Balita nito sa kanya.

"What?!" Nagtatakang tanong nito.

"Umabot na ng one millions reaction ang blog mo at lahat gusto na rin sumakay ng bus at makatagpo ng isang John!" Bibong kwento nito.

"Web Hindi nga!" Dali dali nito kinuha ang tablet niya at binasa ang comments.

Natatawa siya sa mga reaksyon ng mga tao. Merun hater and bashers. Pero MA's nag focus siya magagandang comments.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Maganda pa rin ang mga ngiti mo!" Sabi ni Edward habang naka tingin sa babaeng  may hawak na tablet.

"John!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"So your not married?" Lumapit na ito sa kanya.

Umiling ito at ngumiti. Ngumiti rin si Edward.

"So we can start again inducing ourselves! By the way I'm Edward John Barber!" Sabay about ng kamay niya rito.

"I'm Mar---" tumingin muna ito Kay Edward sabay ngumiti.

"Marydale Maymay Entrata, see wala na yung singsing so definitely I'm not married!" Sabay abot nito sa kamay niya.

Pero kung para kayo sa isa't isa, kahit napakadaming pang hadlang . Paglayuin man kayo ng kapalaran gagawa at gagawa ito ng daan para pagtagpuin kayo ulit.
TADHANA
ang tawag diyan...

UNEDITED

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Try ko lang ito sana magustuhan nyo rin.

Feel free to react pwede nyo sabihin kung pangit yung story.  I'm not a pro so tumatanggap ako ng ganun in order to improve my writing skill.

Si Zia pala ay ang main character sa sinusulat Maymay ang dahilan kung bakit siya nagka-writer block.

Please pa-vote na lang po thanks and enjoy reading...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

97.8K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
526K 16.4K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
39.4K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...