Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 59 First Day of Recollection

83 1 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 59 💔 First Day of Recollection

Abby's POV

Buong byahe eh papunta sa Baguio eh tulog na tulog ako. Nine hours na byahe din yun. Kaya sulit na sulit.

Pero kaya naman pala napakasarap ng tulog ko kanina at pakiramdam ko eh napakalambot ng paligid, may malaking unan akong sinusubsuban. May neck support din ako na hindi ko naman alam kung kanino. Abat may pakumot pa. May mga kaklase akong babae na agad humanggit nung mga yun nang magising ako.

Nagpasalamat ako kasi akala ko tinulungan nila ako. Pero hindi ko maintindihan dahil pinag-iirapan ako. Ano bang problema nila? Wala naman akong matandaan na hiniram ko yun o kinuha ah.

Huminto ang na bus. Unang bumaba yung mga teachers. Kami naman, naiwan pa sa loob para sa kung anu pa man. Kaso ang matigas ang ulong si Bryan, bumaba na kaagad.

"Hoy ikaw! Kahit kelan talaga pahamak ka.",sabi sakin ni Hollymaw habang hinahaplos iyong malaking unan na yakap ko kanina.

"Inaano ba kita ha?",sabi ko.

Inirapan lang nya ako pero hindi naman sya sumagot. Abnormal na babae.

Maya-maya lang, pinababa na rin kami.

"Haba ng tulog natin ah.",sabi ni Jester na napasabay sakin sa paglalakad.

"Napuyat nga ako.",natatawa ko namang sabi.

Napatingin sya sa bitbit kong maleta na hirap na hirap ako sa pagbuhat.

"Akin na nga.",sabi nya at agad na iyong kinuha sa akin bago pa ako makatanggi.

"Salamat.",sabi ko.

Nauuna syang maglakad kaya hindi ko mapigilang matitigan yung mga muscles nyang nagfi-flex. Ganda rin ng katawan nito ni Jester eh. Pero may mas gaganda pa ba naman sa katawan ni...

Agad akong napakagat sa labi nang sa pagbaba ko sa bus ay mapatingin ako kay Bryan na nakatayo doon sa isang gilid habang sakbat sa isang balikat yung backpack nya. Para syang model. Pero manloloko pa din.

Bahagya pa atang nanlaki ang mga mata ko nang bigla din syang mapatingin sa akin.

"O ayan na.",sabi ni Jester na itinaas yung handle ng maleta ko.

Kung si Bryan nakabackpack lang, ako naman todo maleta.

"Salamat.",sabi ko at ipinwesto na yun para hilahin.

Ngumiti lang si Jester.

"Dun na ako sa pila namin.",sabi nya.

Tumango lang ako at pinanood sya na maglakad papunta sa pila ng boys.

Mula nung araw na nanood kami ng sine ni Jester, parang naging mas malapit kami sa isa't isa. Nakakatuwa rin naman kasi na may nakakasama ako, nakakakuwentuhan. Lalo pa ngayon na hindi kami ganoon kaayos nina Chloe. Si Ingrid nga, minsan ko nalang rin makasabay. Hati kasi ang oras nya sa amin. Kaya kapag wala akong makasabay, si Jester na ang nag-aaya sakin. He became like, a boy bestfriend to me.

Pero hindi naman si Jester nag-oopen nung mga bagay na inaasahan ni kuya at paulit-ulit nyang ipinaaalala sakin. Na ginagawa daw 'to ni Jester para palihim na manligaw. Pero hindi naman yun ang tingin ko. Nakikipagkaibigan lang yung tao. Tsaka, natural syang gentleman kaya siguro nabibigyan ng kulay.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalibot ang tingin sa paligid. So this is Camp John Hay. Nasa labas palang kami actually.

Pero sa loob, tanaw ko na yung gubat. Yung mga nakalawit na zipline, yung super lawak na open field. Sa labas nung camp eh may mga nakapalibot na kainan.

Pero ang masama, ang bilin sa amin ay bawal lumabas ng camp. Sa three-day stay namin, doon lang kami sa loob ng gubat.

Doon kami matutulog. Sa tent. Doon kami kakain na kami pa mismo ang magluluto sa mga kahoy na kami pa mismo ang nagdala. Pero actually wala akong dala. May mga baon naman akong delata kaya okay lang kahit di na ako mag-apoy.

Kanin lang.

Pero okay lang. Magdadiet na nga muna ako.

"Okay boys, lipat sa kabilang pila.",sabi noong si Mr. Ingram.

Paghihiwalayin na ang mga babae at lalaki. Doon kasi sila magtatayo ng tent sa ibang bahagi ng gubat. Voice of America grounds ata ang tawag sa pagiistayan namin kung hindi ako nagkakamali ng dinig doon sa faculty.

"Bye Jester!",sabi ko habang kumakaway.

Napangiti sya at kumaway din. Napansin ko naman ang panlilisik ng mata ni Bryan. Ano na naman bang problema ng isang yun?

Naunang umalis yung mga lalaki. Sumuot sila doon sa gubat.

Hindi ko mapigilang mamangha. Eh kasi naman yung gubat parang yung nasa Hunger Games. Madaming puno tapos, super lawak. Basta. Napakaganda kaya. Nadidinig ko pa yung mga huni ng ibon eh.

"Let's go girls.",sabi ng teacher na nakaassign samin.

"Abby!"

Nilingon ko si Ingrid. Sya yung nagsabi na magdadala ng tent. Kami nalang daw magkasama sa tent. Si Chloe naman daw kasi kasama ng iba nyang kaklase.

"Excited na ako.",sabi ni Ingrid na kumuyabit sa braso ko.

Napatawa lang ako sa kanya at nagpatuloy lang kami sa pagsunod sa pila.

"Ui Abby, anong meron sa inyo ni Jester ha?",tanong nya bigla.

"Ano? Wala. Magkaibigan pa din kami.",sabi ko.

"Nanliligaw?"

"Hindi ah.",sagot ko.

"Eh? Parang.",nakataas ang kilay nyang sabi.

"Lahat nalang kayo ganyan ang sinasabi.",napapangiwi kong sambit.

"Eh halata naman kasing may gusto sayo ang isang yun.",sabi ni Ingrid.

"Manahimik ka nga. Baka may makarinig sayo. At tigil-tigilan mo na rin ang pag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Jester at sa akin dahil magkaibigan lang talaga kami.",sabi ko.

"Okay. Sabi mo eh.",sabi nya.

Nang makarating kami sa mismong pagtatayuan daw eh pinaghanap na kami ng pwesto at pinababa na muna sa amin yung mga gamit namin.

Doon sa pinakalikod ng ibang pwesto kami napapunta kasi napakabagal maglakad ni Ingrid.

Hindi pa kami pinagpatayo ng tent dahil wala pa kaming kain ng panghalian at feeling ko madededo na ako sa gutom.

Mabuti nalang kasi pinatawag kami para papuntahin doon sa grand accomodation area para palamunin nang sabay-sabay.

Pagdating namin doon, nauna na pala sa amin yung mga lalaki. Hai malas!

"Ingrid bilis! Baka naubos na!",sabi ko at hinila na sya kaagad papunta doon sa buffet table.

"Hai naku Abby. Kahit kelan ka talaga.",patawa-tawa nyang sabi.

"Wow! Ang dami!",halos isigaw ko nang makita yung napakadaming pagkain doon sa lamesa.

Dali-dali na akong kumuha ng plato at sumandok ng pagkain.

"Aba Abby hinay-hinay lang.",sabi ni Ingrid.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpuno ng plato ko. Nang matapos ay luminga-linga ako para maghanap ng mapupwestuhang lamesa. Kaso andaming tao. Puno na ata.

"Abby!",nadinig kong sigaw sa di kalayuan.

Natanaw ko si Jester na kumakaway. Nandoon sya sa malaking lamesa kasama yung mga kaibigan nyang halong babae at lalaki. At mukang maluwag pa sa pwesto nila.

"Tara dun na tayo.",sabi ko kay Ingrid at nauna nang maglakad papunta doon.

Binati ako ng mga kaibigan nya. Bumati naman ako pabalik.

"Hai salamat. Makakakain na din.",nasabi ko at nagsimula na sa pagkain.

Habang kumakain ay nakikipagkuwentuhan din ako sa mga katable namin. Mababait naman sila.

Nang matapos kumain ay muli na kaming pinapila para pabalikin sa gubat. Magtatayo kami ng tent at pagkatapos ay magluluto ng sari-sarili naming pagkain. Hindi naman na kami magluluto ni Ingrid dahil madami din syang dalang delata.

"Bye Abby! See yah.",sabi ni Jester habang naglalakad sya papunta sa pila ng mga lalaki ng section namin. "Text me.",sabi pa nya.

Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Oo nagtitext kami ni Jester. Eh ganun naman talaga ang magkakaibigan diba? Nagkukumustahan.

Napalingon ako sa gilid ko nang makarinig ako doon ng isang malutong na 'tangina'. Napako ang tingin ko sa namumula ang tenga na si Bryan. Yung iba namang lalaki mga nakasimangot din. Kaya hindi ko tuloy alam kung kanino nanggaling.

Pero hindi ko nalang yun pinansin at sumabay na sa pila nang sabihan kami ng proceed.

Pagdating namin sa gubat ay dali-dali na kaming nagpunta ni Ingrid sa pwesto namin at masayang itinayo ang tent. Foldable lang pala na binabasiksikan ng mga bakal sa gilid ang dala nya kaya madali nalang itayo.

Nang maitayo namin ang tent ay agad na kaming pumasok sa loob para magpahinga habang pinapanood yung ibang mga babae na nagtatayo ng kani-kanilang mga tent. Yung iba nag-aapoy na para magluto ng hapunan nila.

Nakabukas yung dizipper na pinto ng tent namin ni Ingrid. Nakatapat doon ang ulo ko dahil nakahiga ako habang nakadekwatro pa ang mga paa.

Dinampot ko yung phone ko nang marinig na tumunog iyon. May text si Jester.

Jester:

Kamusta? May dinner na kayo?

Agad akong nagtype ng reply.

Ako:

Delata. Hindi kami marunong gumawa ng apoy eh. Hahaha.

Jester:

Pahirapan nga din dito eh. Pero kaya mo, walang kanin?

Hindi ko napigilang mapatawa sa reply nya. Nagtype ako ng reply.

"Kaya pala tuwang-tuwa. Jester na naman!",nadinig kong sabi ni Ingrid.

"Wag ka ngang magulo dyan!",sabi ko habang nakataas pa ang phone at nagtatype.

"Nandito kase si kuya.",sabi ni Ingrid.

Naibaba ko yung phone ko at napatingala. Nakita ko kaagad yung sapatos ni kuya. Pero madami pa eh. Dumapa ako at itinaas ang tingin ko.

"Hi Abby!",bati ng nakangising si Koden.

Nanlaki naman ang mga mata ko at dali-daling napabalikwas ng upo. Itinago ko sa bulsa ng jacket ko yung phone ko bago ako lumabas ng tent.

Hindi ako mapakali dahil sa katotohanan na kasama pala nila na nahuli akong tumatawa sa text ni Jester si Bryan.

Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya pero kasi...kasi si Bryan. Yung tingin nya. Hindi ko maintindihan kung gustong mananapak o nagtatampo?

"Jester na naman? Gabi-gabi na kayong magkatext at nagtatawagan, hindi ka pa din nasasawa?",kunot ang noong sabi ni kuya.

"Pake mo ba? Tsaka manahimik ka nga kuya.",gigil kong bulong sa kanya. Nakakahiya.

Lumayo ako at pumamewang.

"Bakit ba?",tanong ko.

"Pahingi kaming pagkain.",sabi nya.

"Ano?!"

"Pahingi kaming pagkain Abby. Cause you see, we didn't took food dahil mabigat. Eh sa akala namin may bilihan dito.",sabi ni Koden.

"Hindi rin naman kami marunong gumawa ng apoy sa kahoy.",sabi ni Chanz.

"Hai naku! Konti lang din dala ko. Hindi kakasya sa inyong lima.",sabi ko.

"Eh sino bang may sabi na sayo lang kami hihingi?",nakaismid na sabi ni kuya.

Napataas ang kilay ko.

"Girls! We came here to ask for help. Will you please bless us some food for three days? Wala kami kasing dala na kahit ano.",announce ni Koden.

Napabuntong-hininga nalang ako nang agad-agad eh nagsunuran yung mga uto-utong kababaihan ng Patterson University.

Uto-uto? Diba ako rin yun?

Agad na inilabas ni Koden at Chanz yung mga baon nilang ecobag na pagkalalaki na malay ko kung saan nila nakuha. Halos mapuno ng pagkain yun parehas.

Mga cup noddles, mga loaf bread, nga delatang imported, mga chitchirya, biscuit at kung anu-ano pa.

Habang nanghihingi sila ay sinamantala ko na ang pagrireply kay Jester. Nakailang text na sya eh. Nasa kalagitnaan na ako ng reply ko nang bigla naman iyong magring.

Napatingin sakin si kuya. Tinaasan ko lang sya ng kilay bago tumalikod at sagutin yung tawag.

"Hello?"

["Bakit ang bagal mo ata magreply?"]

"Ah ano kasi, may inasikaso lang ako. Napatawag ka?"

["Nothing. Wala lang akong magawa. Whazup?"]

"Nothing is up. Pero yari ka sakin kapag nakita ulit kita. Sasapukin kita. Oo naman noh kaya kong walang kanin. Grabe 'to.",natatawa kong sabi.

Tumawa din sya sa kabilang linya.

["I'm just kidding. Natutuwa lang ako sayo."]

"Whatever Jester Morales."

Napairap ako sa hangin habang nangingiti pa. Loko talaga.

"Jester Morales!",ulit ni kuya sabay hanggit sa phone ko.

"Seamus!"

"Aba't!",nanlalaki ang mga matang sabi ni kuya habang nakataas ang phone ko na hawak nya. Pinatay nya yun.

Pinanliitan ko sya ng mata sabay sundot sa kili-kili nya. Nabitawan nya yung phone ko na agad ko namang nasalo. Napatawa ako at binelatan sya ng todo.

"Umalis ka na nga. Istorbo.",sabi ko sabay pasok na sa tent namin. "Bye. Good night."

Sinara ko yung pinto ng tent namin. Nagtext nalang ako kay Jester na magpapahinga na ako. I get what kuya wants. Do not give motives. Pero hindi naman eh. I just act as who I really am. Ayoko kasi ng mga mapagpanggap.

~♥~

Sa loob kami ng tent kumain ni Ingrid habang nanonood ng movie sa phone nya. Ang loka tatlong power bank ang dala.

Nang pumatak ang alas nueve, malakas at istriktong boses ni sir Ingram ang umalingawngaw sa speakers.

"Proceed to the activity area, now.",sabi nya.

Agad naman na kaming pinapila ng mga assigned teachers. Tapos nilead nila kami palabas ng gubat.

Nakajogging pants ako at jacket. Napakalamig naman kasi at napakahamog. Kaya nakahood pa ako.

Dinala kami sa malawak na openfield ng Camp John Hay. Nandoon na agad yung mga lalaki. Hindi naman na ako nagtataka kung bakit palagi silang nauuna.

Eh syempre mga babae, matagal magsigayakan. Hindi tulad nila na madalas basta na.

"Sit down students.",sabi ni sir.

Naupo kami sa malawak na damuhan. Naririnig ko pa yung maarteng complains ng ibang estudyante. Basta naupo lang kami.

"Good evening students.",bati ng speaker.

"Good evening.",sabay-sabay naming bati.

"Tonight, we will teach you the meaning and the importance of recollection. Ano ba ang recollection? How important it is to youths like you?

This years recollection will teach the art of meditating, treasuring memories, knowing thyself better, appreciating life, and letting go of all life's burdens."

Letting go of life's burdens. Muka ngang kailangan ko itong recollection na ito. Marami ako nung burdens na yun eh. Bigat na bigat na nga ako eh.

Sa gabing yun, itinuro nga sa amin kung ano nga ba talaga ang recollection. Parang history and deeper meanings, ganun. Pinipilit kong makinig pero inaantok ako eh. I hate histories kase. Minsan boring.

Pero kahit papano, may mga natututunan naman akong inspiring words.

Makalipas ang tatlong oras na salitaan, pinalayas na rin kami sa wakas at pinabalik sa mga tent namin. Antok na antok na din ako eh.

Pinauna na ako ni Ingrid sa tent namin dahil may dadaanan lang daw sya sa isang kaklase.

Nasa loob na ako at nakapagpaliy na ng pantulog. Nang maya-maya eh dumating na din si Ingrid. Ang kaso, may kasama syang hindi ko inaasahan.

Natulala ako at hindi malaman ang sasabihin.

"Ingrid, anong ibig sabihin nito?",tanong ni Chloe.

"Dito ka matutulog kasama ko, diba sabi mo?",sabi ni Ingrid.

Napatingin sakin si Chloe.

"S-Sabi nya kasi sa mga kaklase mo ikaw sasama.",sabi ko.

"Ingrid you said the same to me.",sabi ni Chloe.

So sinet up kami ng bruha?

"Sige na Chloe. Pasok na.",sabi ni Ingrid sa istriktong boses sabay hanggit kay Chloe nung bag nya.

Pinasok nya yun sa tent. Nakatayo lang si Chloe doon sa labas at tila nag-iisip kung papasok ba o hindi. Gumalaw naman na ako at umisod doon sa pinakagilid. Di kalaunan, pumasok na din si Chloe. Nasa gitna naming dalawa si Ingrid.

"Ai sandali! Girls natatae ako. Balik ako ah.",sabi ni Ingrid.

"Sama ako.",sabi ko.

"Hindi na. Dyan ka na. Madali lang ako.",sabi nya sabay sara pa doon sa pinto ng tent.

Nadinig ko yung mga yabag ni Ingrid palayo. Pasimple akong tumingin kay Ingrid na nakatingin pala sakin.

Napabuntong-hininga ako at tinry ko buksan iyong zipper ng tent. Kaso walanghiya talaga iyong bruha na yun. Sa labas nga pala inilock!

Napasinghap ako at nanatili nalang nakaupo. Hindi nagsasalita si Chloe. Hindi lang din ako. Ano bang sasabihin ko? Wala. Wala naman akong gustong sabihin eh.

Sinulyapan ko ulit si Chloe na nakatingin pa din sakin pero wala namang sinasabi. Baliw na ata 'tong ex-bestfriend ko na ito eh. Bakit 'to ganito makatingin?

"H-Hi.",halos pabulong ko nang sabi.

Tinitigan nya ako nang matagal. Doon ko napansin na nangingilid na yung mga luha nya.

"Abby I'm sorry.",sabi nya kasabay ng tuluyang pagbagsak ng mga luha nya.

At ganun din kabilis na nagtubig ang sarili kong mga mata.

"I'm sorry for being so selfish. I'm sorry na mas pinahalagahan ko ang pagmamahal ko kay Dean kesa sayo. Sa friendship natin. Sorry kung inisip ko na dahil mahal mo si Bryan, okay lang nagamitin ka namin. Hindi ko naisip na pwede ka pa ring masaktan sa katotohanan ng palabas namin. I'm sorry for forgetting that before I became Dean's girlfriend, I was your sister. I was your bestfriend."

Tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng mga luha nya. Gayundin yung sa akin.

"Chloe, masakit talaga yung ginawa nyo. Nakakatangang isipin na nagawa nyo akong pagmukaing boba at utu-uto. Nagamit nyo ako nang walang kaide-ideya.

Chloe promise. Tinry ko na ilagay ang sarili ko sa sitwasyon mo. Pero hindi ko magawa. Kasi yung lalaking naiimagine ko, yun yung lalaki na sya mismong kasama sa naglaro sakin.

Sinusubukan kong intindihin pero hindi ko talaga magawa. Kaya sorry kung hindi ko kayang intindihin."

Napatungo sya at napahikbi.

"I understand why you feel that way. Alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan eh. Napakatanga ko na pumayag na gamitin ka. What I just gave importance to was my relationship with Dean. But Abby, miss na kita. Miss ko na yung kabaliwan nating tatlo. Yung mga lakad natin na walang kwenta, mga usapang panay kalokahan. Lahat-lahat. I'm sorry that I can't make you understand kung bakit nga ba talaga ikaw. Pero Abby, here I am. Here I am, asking for your forgiveness. Kahit patawarin mo nalang ako. Hindi ako umaasa na babalik tayo sa dati, but please. I just want your forgiveness before I go back."

Nagpunas ako ng mga luha sa pisngi kasabay ng pagkunot ng noo.

"Go back? Go back where?",tanong ko.

Napakagat sa labi si Chloe. Muli syang napahikbi.

"Pagkatapos ng graduation, ibabalik na ako nina Mommy sa States.",sabi nya.

"Ano?",halos pabulong ko nang sabi. Pakiramdam ko lalong lumabas ang mga luha ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Edi sana...Edi sana nagkaroon pa tayo ng maraming oras na magkasama. Nakakainis ka naman Chloe eh. Bakit ngayon mo lang sinabi? Inisip mo na umalis nang hindi nagpapaalam sakin noh? Ang sama mo."

Napahikbi ako nang matindi.

"A-Abby. Abby I'm sorry.",sabi ni Chloe. "Galit ka sakin. I didn't think you'll care. Akala ko mas matutuwa ka na mapalayo nalang ako."

Napabalik muli ang tingin ko sa kanya.

"You didn't think I'll care? Chloe bestfriend mo ako. Kahit na anong mangyari bestfriend mo pa din ako. Kaya hindi pupwede na basta-basta mo nalang ako iiwan. Na hindi ka manlang magpaalam."

"Abby..."

"Hindi ko man naiintindihan kung bakit ako Chloe, malinaw sa akin na nagawa mo lanh yun dahil sa pagmamahal. Sometimes with love, you tend to do a lot of stupid things. Kahit nasaktan ako dahil sa nagawa mo, mas masasaktan ako kung tuluyang mawawala at masisira ang friendship natin. Kaya oo Chloe. I am giving you my forgiveness. Sister tayo eh. Mahal kaya kita."

Napapikit nang mariin si Chloe at napatakip sa bibig. Parang hindi pa sya makapaniwala.

Mumulat sya at tinignan ako.

"Totoo?",sabi nya.

"Ayaw mo?",biro ko.

"Syempre gusto!",sabi nya at mabilis na lumapit sakin at yumakap. "I love you too bes."

Napangiti ako at kiniss sya sa pisngi, bago din sya yakapin nang mahigpit.

I am finally reconcilled with my bestfriend. Ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Continue Reading

You'll Also Like

169K 9.3K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
557K 29.8K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...