Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 63 Be with Me

88 1 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 63 💕 Be with Me

Limang buwan na ang nakakaraan mula noong recollection namin.

Limang buwan na ang nakakaraan mula nang makagraduate kami ng high school. (which Bryan Leonard Esguerra graduated as the Valedictorian of the batch.)

Limang buwan na ang nakakaraan mula nang umalis si Chloe pabalik ng America.

Limang buwan na ang nakakaraan nang payagan na sila ni tita na magkasama kahit na long distance pa.

At limang buwan na rin na nanliligaw sakin etong si Brylen Esguerra.

Nilingon ko si Bryan na nagmamaneho sa sasakyan nya. Nakaupo ako sa front seat habang kanina pa syang pinagmamasdan.

Akalain mo nga naman. Talagang go, go, go pa din 'tong isang 'to kahit na inabot na sya ng limang buwan.

Kahit na hindi ko sya hinohold hands kapag namamasyal kami. Kahit hindi ako paakbay o pahawak sa bewang. Kahit hindi ko sya kinikiss at pinapakiss. Minsan lang, sa noo at sa ulo. Hindi ko sya tinatawag na babe. Hindi ako nag-a-I love you back. Wala. Parang normal lang talaga na nanliligaw kahit na parehas naming alam ang katotohanan yung tungkol sa tunay kong feelings.

"Babe baka naman matunaw na ako nyan.",sabi nya sabay lingon sa akin.

Nakangisi pa sya.

"Bakit? Feeling mo naman tinitignan kita eh napasulyap lang naman ako.",palusot ko na kunwari ay cool na cool pa.

Humarap ako sa kalsada.

Kasusundo nya lang sakin kanina sa school. Yup college freshmen na kami. Nakakalungkot kang kasi magkahiwalay kami ng school. Eh kasi naman doon ako gusto ni Mommy sa Wexford University kung saan sila gumraduate ni Dad. Si Brylen naman sa Creighton University kung saan naman graduate ang karamihan sa angkan nila. Katulad ni kuya Bryle.

Speaking of kuya Bryle, tatlong buwan na ang nakakaraan nang manganak na si ate Lena sa pangatlo nilang anak. Handsome baby boy. Black hair, hazel brown eyes, fair skin, named Brion Leicester Esguerra. Kamuka ni kuya Bryle. Pero medyo masingket.

"Ang hilig mo magpalusot eh halata naman.",sabi nya.

"Tigilan mo nga ako.",sabi ko.

Tumawa sya.

"Nga pala. How was your book?",tanong ni Bryan.

Napangiti ko at nagtaas ng hintuturo.

"Number one best selling science discovery book of the month! Ikaapat na beses na.",proud kong sabi.

"Wow. Congratulations.",sabi nya. "So proud of you babe."

"Thank you.",sabi ko.

Yung science discovery book na yun, iyon yung mga science discoveries ko nun nung nagpunta kami ng Cebu para sa immersion. Yung about sa matamis na tubig dagat, at doon sa pearls.

Publishing company na pagmamay-ari nina Jester ang syang mismong kumuha sa akin para sumulat ng libro tungkol doon.

Ganito kasi yun. Diba naging close kami ni Jester noh? Akala ng lahat dahil may crush sakin yung tao, puporma kaya nakipagclose sakin. Pero, nagkamali pala kaming lahat.

"Uhm, Abby, matagal ko na 'tong sabihin sayo. Siguro ngayon, kailangan mo nang malaman.",sabi nya isang araw nang makipagkita sya sa isang coffee shop.

"A-Ano yun?",tanong ko.

Mukang alam ko na kung ano.

"Diba kasi manliligaw mo naman si Brylen..."

Napabuntong-hininga ako.

"Jester. I'm sorry. Hindi kita gustong saktan pero, I want to be honest. Mahal ko si Bryan. Malapit ko na syang sagutin. At nagkasundo kami na, wala nang ibang pwedeng manligaw sakin kundi sya lang.",sabi ko.

"Ha?",halatang walang ideya at naguluhan nyang sabi.

"Yun yung sasabihin mo diba? K-Kung pwedeng manligaw?",sabi ko.

Napaawang ang bibig ni Jester. Napailing sya na para bang naguluhan. Medyo natatawa pa sya.

"Abby alam ko. Alam kong mahal mo si Brylen. Kahit nung naghiwalay kayo, alam ko na mahal mo pa din sya. So, kahit gusto kita, hindi ako kailanman nagtangka na ligawan ka. Kasi gusto kong igalang yung feelings mo. Yung feelings nyo ni Brylen. I'm sorry Abby but I think, we had some misunderstanding here. H-Hindi yun yung gusto kong sabihin."

Halos hilingin ko sa sa langit na bumuka ang lupa at lamunin na ako nito sa mga oras na iyon.

"Hala? Nakakahiya. Ui sorry. A-Akala ko...Sorry Jester.",sabi ko.

Napangiti lang sya at tumango.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman. Maybe I did act that way.",sabi nya.

"A-Ano yung gusto mong sabihin?",agad kong tanong para ibaling na ang kahihiyan ko.

"Well, remember dun sa immersion natin? I heared about your discoveries about the pearls and the beautiful waters of that hidden baranggay in Cebu. Naikwento kita kay Dad and he said, I should invite you sometime para makausap ka nya. Cause you see Abby, he wants you to write a book about it. A Science discovery book perhaps. Ayun sana yung matagal ko nang gustong sabihin pero nahihiya lang talaga ako. Besides, there's this thing about Brylen..."

"A-Anong tungkol kay Bryan?",tanong ko.

"His robot.",sabi ni Jester. "Yung robot na ipinrisent nya sa class natin. The robot of underwater discovery."

"Oo. Natatandaan ko yun. Nandoon yun sa school. Hiningi ni Mam.",sabi ko.

"Dad want to see it also on your book. He wants it feautured there.",sabi ni Jester.

Napanganga ako.

"T-Totoo ba? Susulat ako ng libro?",hindi makapaniwala kong sabi.

"If you are interested, then I'll tell Dad immediately to set an appointment with you.",sabi nya.

"Oo naman! Payag na payag ako. Just text me when.",mabilis kong sabi.

"Great.",sabi nya.

So ayun nga. Nung araw na yun, napahiya man ako, eh lubos naman akong nabless dahil sa magandang balita ni Jester. So pumayag ako.

Nagsulat ako ng isang Science diacovery book. Para syang scrap book na travel book ang datingan eh. May mga pictures pa. At doon sa page kung saan nakafeature iyong robot ni Bryan, may picture din sya dun.

Ewan pero isa na rin ata sa mga dahilan kung bakit pumatok ang book ko eh dahil sa nakabalandrang muka ni Bryan eh. Ang gwapo nya kasi doon. Eh kasi nga, ako ang kumuha nun mismo. At pinangiti ko sya!

"Bryan, gutom na 'ko.",sabi ko habang nakadungaw sa labas kung saan hile-hilera ang food chains.

Umuulan sa labas. Medyo malamig pa.

"Dinner na tayo? Where do you want?",tanong nya.

"Kahit saan basta sa masarap.",sagot ko.

"Lahat naman masarap sayo.",pang-asar nyang sabi.

"Che.",sabi ko lang.

Tumawa sya at inihinto na yung sasakyan nya.

"Le Chef?",sabi nya.

"Sosyal mo talaga.",sabi ko.

"Babe bumaba ka nalang. Gusto mo din naman eh.",sabi nya habang pinagtatawanan pa din ako.

Kinuha ko yung folding umbrella ko sa bag at inabot yun kay Bryan. Kinuha nya yun tapos bumaba na sya para sunduin ako sa seat ko.

Nang makababa ay inakbayan nya ako at pumasok na kami sa resto.

Kinuha ko yung panyo ko nang makapasok kami at pinunasan ang mga muka kong medyo nabasa. Nang makita ko na basa din yung muka ni Bryan ay nagkusa na akong punasan iyon dahil nagtitiklop pa sya ng payong.

"Thank you.",nakangiti nyang sabi.

"Welcome. Halika na. Gutom na ako eh.",sabi ko at sya nang naunang naglakad para maghanap ng mapupwestuhan.

Doon ako nagpunta sa may mga sofa para medyo mainit sa pakiramdam.

"You feel cold. You wear this.",sabi ni Bryan na ibinibigay sakin yung jacket nya.

"Eh ikaw? Hindi ka nilalamig?",tanong ko.

"I'm fine babe. Just wear it.",sabi nya.

Napangiti lang ako at kinuha na yun.

"Thanks.",sabi ko at sinuot na yun. Medyo malaki at mahaba yun kaya lawlaw sa kamay ko. Nagmuka tuloy akong hanger. Pero okay lang kasi naibsan naman yung lamig.

Nang lumapit sa amin yung waiter para hingin yung order namin ay mabilis naman akong nakapili. Chicken barbeque at kanin. Tapos mushroom soup.

At dahil alam ni Bryan na mukang kukulangin pa ako sa kanin at ulam, nagdagdag pa sya.

Hindi naman mapapansin dahil sa table cloth kaya itinaas ko yung paa ko na hinubad ko sa sapatos doon sa inuupuan naming sofa ni Bryan. Nagindian seat ako.

Natamaan ng tuhod ko yung hita nya kaya napatingin sya sa paa ko. Napataas ang kilay nya na nakatingin sakin. Tapos bigla syang natawa at nailing-iling.

"Kumportable eh.",sabi ko.

"Oo na. Sanay naman na ako.",sabi nya.

Oo naman. Paanong hindi sya masasanay eh palagi naman nya akong nakikitang ganito. Kahit nga sa loob ng kotse nya eh.

"Bryan.",tawag ko.

"Yeah?"

Mula doon sa transparent walls ng resto ay napatingin sya sakin.

"M-May nababanggit pa ba sina Mam Frida tungkol sa babae na pwedeng iarrange marriage sayo",mahina kong tanong.

Parang nagulat sya sa muli ko na namang pagtatanong. Hindi naman kasi ito yung unang beses na tinanong ko sya tungkol dito. Napakunot ang noo nya.

"I already told you Abby. Hindi mo na dapat yan iniisip.",tanging sagot na naman nya.

Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa dumating na iyong mga order namin.

Natahimik nalang ako habang kumakain. Eh kasi naman mukang nagalit sya sa pagtatanong ko eh.

"Babe, may problema ba?",malambing nyang tanong ilang saglit lang.

"Wala.",sabi ko lang habang tutok ang atensyon sa kinakain.

Bakit ba kasi ayaw nalang nyang sagutin? Ang simple naman ng tanong ko eh. May nababanggit ba ang empire nila tungkol sa babaeng gustong iarrange marriage sa kanya. Eh bakit hindi nya ako masagot ng diretso?!

At kung makasimangot pa sya eh akala mo napakakulit ko. Paano kayang hindi eh wala naman akong nakukuhang sagot.

"Hey, please don't  get mad.",sabi nya kasabay ng magaang haplos sa braso ko.

"Hindi ako galit.",sabi ko habang patuloy lang sa pagkain. Hindi ko sya nilingon. Naku kahit mahal ko 'tong lalaki na 'to baka kung anong masabi ko sa kanya dahil sa pagsisikreto nya.

"You are. Babe, look at me.",sabi nya.

Nagmatigas ako at hindi sya sinunod.

"Abby, please.",sabi nya at madahan akong hinawakan sa baba at ibinaling sa kanya. "Wag ka nang magtampo."

Iniwas ko ang baba ko sa kamay nya. Hindi ko napigilang mapakunot ang noo.

"Bryan bakit ka ba kasi nagsisikreto? Bakit hindi mo sabihin sakin yung totoo? Bakit sa tuwing tinatanong kita ganyan nalang lagi yung sagot mo?",sabi ko.

"Babe...Please. Wag na nating pag-usapan oh.",sabi nya.

"Eh gusto ko nga kasing malaman. Ano ba? Bryan may nababanggit na ba ang pamilya mo tungkol sa arrange marriage mo?",tanong ko.

Hindi pa sya agad makapagsalita.

"Meron na noh?",sabi ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Who is the girl?",tanong ko habang nakatitig sa nakatungo at nag-iisip nyang muka. "Bryan Esguerra who is the girl?"

"Some half-French lady I do not even know yet. That's what they just said. And next week, uuwi sila ng family nila para makipag-usap."

Napabuntong-hininga na naman ako. Napapikit ako nang madiin para pigilan ang mga nangingilid kong luha.

"Kelan mo pa nalaman?",tanong ko.

"Last, last month.",sabi nya.

"Then why didn't you tell me?"

Nakita ko ang pag-iigting ng bagang nya.

"Bryan why didn't you tell me? Bakit nilihim mo pa?"

"Because I was scared!",sagot nya. Medyo napataas ang boses nya dahilan para mapatingin sa kanya ang ilan sa mga customers ng resto.

"Scared of what?",naguguluhan kong tanong.

"Na kapag nalaman mo iiwan mo ako.",halos pabulong na nyang sabi. "Now that you know. Yun yung gagawin mo diba? You'll gonna leave me. Pababayaan mo nalang ako."

Hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Inisip mo ang bagay na yan?",hindi makapaniwala kong sabi.

"Hindi naman imposible na gawin mo diba?",sabi nya.

"You don't trust me then."

Sya naman ang hindi agad nakapagsalita.

"You said you love me. Pero hindi mo naman pala ako pinagkakatiwalaan. Paano mo naisip na iiwan kita nang dahil lang sa ganoong sitawasyon? You know how I feel Bryan.",sabi ko kasabay ang tuluyan nang pagpatak ng mga luha ko sa mata.

Namungay ang mga mata nya.

"Talk to me kapag sigurado kang buo na ang tiwala mo. Please. Just take me home now.",sabi ko. Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto ng resto.

"Abby...",tawag nya habang sumusunod na din sakin.

Hindi ko na sya nilingon. Kinuha ko iyong payong namin sa rack at binuksan yun.

Nilingon ko si Bryan na agad naman nang sumilong.

"Abby let's talk. Now.",sigaw nya.

Masyado kasing malakas ang ulan at hindi kami gaanong magkarinigan.

Hindi ako nagsalita at hinawakan iyong pinto ng sasakyan para buksan nang kamalas-malasan eh bigla namang liparin ng malakas na hangin iyong payong namin.

"Argh!" Nasipa ko iyong gulong ng sasakyan ni Bryan. Hindi ko mapigil ang pag-iyak.

"Abby come on. Sumilong tayo.",sabi ni Bryan na hinawakan ako sa pulsuhan para hilahin. Pero hinila ko yung kamay ko sa kamay nya.

"Paano na 'ko?",tanong ko.

Nilingon nya ako sa naguguluhang mga mata. Nakatitig ako sa mga mata nya kung saan malalaking patak ng tubig ulan ang tumutulo sa talukap at umaagos sa mahahabang pilik.

"Kung meron na, paano na ako?",napahikbi ako.

Nakatunganga lang sya sakin.

"Palagi akong nagtatanong kasi palagi akong nag-aalala. Palagi ko yung naiisip kasi palagi ko ding narirealize na paano kung maengage ka? Girlfriend mo ako pero may fiancé ka? Kapag kinasal ka, iiwan mo nalang ako ganun? Ayoko nang may kahati Bryan.

At natatakot rin ako kasi kahit anong gawin ko, sa huli alam ko na ako pa rin iyong maiiwan at maiiwan. Wala akong magagawa kasi kailangan mong sundin ang pamilya mo.

Pero dahil mahal kita isinantabi ko iyong takot na yun. Hinayaan kitang makasama ko. Hinayaan kitang mahalin ako. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog pa sayo nang higit sa nararamdaman ko noon. Kasi gusto ko na, mapaghiwalay man tayo sa huli, balang araw masasabi at masasabi ko pa din sa sarili ko na nagawa kitang mahalin hanggang sa araw na sukuan tayo ng tadhana. Nagawa kong iparamdam sa lalaking mahal ko kung gaano katindi yung nararamdaman ko.

Alam mo ba yung totoong dahilan kung bakit pinanligaw kita? Kung bakit kahit mahal kita eh hindi pa din kita sinagot agad. Bryan kasi ayoko na dumating yung panahon na kapag kailangan mo nang pumili, mahihirapan ka pa.

Mahihirapan ka pa na saktan ako kasi girlfriend mo na ako. Pero Bryan kung ngayon kailangan mo nang pumili okay lang. Pipilitin kong intindihin. Alam ko na kailangan mong sumunod kasi kung hindi baka masira lang ang buhay mo. Alam ko kung gaano kahalaga ang tradisyon nyong yun. Kung kailangan mong sumunod Bryan, hahayaan kita. Kakayanin ko..."

"Abby..."

"Bryan makinig ka sakin. Mahal kita pero ayoko na mahihirapan ka dahil sa pagsuway sa pamilya mo nang dahil lang sakin. Be with them...Be with the girl they will..."

"Shh... Babe, no.. Hush..Hush."

Napapikit ako nang ipatong nya sa labi ko iyong hintuturo nya.

"I love you, okay? And no one can ever stop me from loving you. No one can stop me from chasing you. I am scared to lose you because of my family, but I am more scared to lose you without even giving a fight. Just please don't leave me. Be with me. I've never love like this before Abby. That's why I am willing to do everything to hold on to this. Just be with me, okay?",sabi nya.

Napaiyak ako lalo at yumakap nalang sa kanya.

"Abby, okay?",bulong nya sa puno ng tenga ko habang lalong diniinan ang yakap sa akin. Sumubsob sya sa buhok ko na basang-basa na dahil sa ulan.

"Yes Bryan. I will be with you. Hindi kita iiwan. We will fight together.",I said.

"Thank you. Thank you...",sabi nya habang paulit-ulit akong hinahalikan sa ulo.

Sumakay na kami ni Bryan sa kotse. Napagdesisyunan namin na dumaan muna sa condo nya para makapagpalit ako. Ayaw nya naman daw kasi na humarap ako kela Mommy nang ganito. Tsaka maiigi na din siguro na pakalmahin ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanila kasi yung mga mata ko mugtong-mugto pa dahil sa pagiging emosyonal.

May ilan akong damit sa condo ni Bryan dahil bumibisita naman ako doon minsan. Hindi naman overnight. Kapag lang nakikiligo ako may mga naiiwan akong gamit na pinapalaundry nya.

Mahigpit na hawak ni Bryan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa condo nya. Ramdam ko pa din ang emosyon nya dahil sa kanina naming napag-usapan.

Huminga ako nang malalim at hinigpitan din ang hawak sa kanya.

Saglit nya akong binitawan para buksan iyong pinto ng condo. Nauna akong pumasok at binuksan ang mga ilaw sa sala nya.

Nagtext na ako kanina kay Mommy na baka gabihin ako dahil sa maulan nga. Masyado pa pating baha sa mga daanan at delikado kung pipilitin naming sumuong.

"Mauna ka nang magshower. Just call me if you're done.",sabi ni Bryan na naghubad na noong shirt nya.

Napatungo naman ako at tumango nalang. Pumasok ako sa banyo at nagsimula na sa pagsha shower.

Hindi ko lubos maisip kung gaano magiging katindi yung sakit oras na mawala si Bryan sakin. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko alam kung kaya ko na sa isang iglap, lalo pa ngayon na mas lalo na syang napamahal sakin, bigla nalang syang mawawala.

Pero sa kabila ng takot ay ikinatutuwa kong malaman na handa si Bryan na ipaglaban ako kahit sa pamilya nya.

Ngayon ay mas lalo kong napapatunayan na totoo ngang mahal na mahal nya ako.

Pagkatapos kong magshower ay nagsuot ako ng bathrobe at lumabas na ng banyo. Naabutan ko si Bryan na kalalabas lang ng kusina.

"Tapos na ako. Ikaw na.",sabi ko.

Tumango sya.

"Your clothes are inside my closet. Kunin mo nalang.",sabi nya.

"Sige.",sabi ko at pumasok na sa kwarto nya.

Nagpunta ako sa closet nya at binuksan yun. Nakita ko nga yung mga damit ko doon na panay nakahanger pa. Panay dress ang nandoon kaya kumuha nalang ako ng isa at isinuot yun. Pagkatapos ay nagtuyo na ako ng buhok.

Lumabas ako dala iyong suklay ni Bryan at naupo na muna sa sala. Binuksan ko iyong t.v. at nanood habang nagsusuklay.

Maya-maya lang ay napatingin ako sa pinto ng c.r. nang bumukas yun. Lumabas si Bryan na nakatuwalya lang ang bewang. Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin.

Sumara iyong pinto ng kuwarto nya. Ilang saglit lang, muli iyong bumukas at iniluwa si Bryan na nakapants at shirt na.

Naglakad sya palapit sakin at naupo sa tabi ko.

"Rain's still heavy.",sabi nya habang nakatingin sa news update na pinapanood ko.

"Oo nga. Paano? Mukang matatagalan pa ata ako dito.",buntong-hininga ko.

"Ayaw mo ba?",tanong nya.

Napalingon ako sa kanya.

"Hindi naman yan yung ibig kong sabihin.",sabi ko.

Napanguso sya. Hindi ko naman napigilang mapangiti.

"Napakatampuhin mo.",sabi ko.

"Eh parang ayaw mo naman akong makasama eh.",sabi nya.

"Psh. Hindi ah. In fact, gusto ko pang magstay kasi may gusto akong sabihin sayo.",sabi ko.

Bahagyang napakunot ang noo nya.

"What?",sabi nya.

Ngumiti ako at tumayo. Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"Babe, what?",hiyaw nya mula doon sa sofa.

"Sinasagot na kita.",sabi ko habang dire-diretsong naglakad papunta sa ref.

Hindi sya nagsalita. Binuksan ko iyong ref para kumuha ng pitchel. Nagsalin ako sa baso at uminom.

Nang makainom ay sinara ko na ang ref. At halos malaglag ko ang baso sa gulat nang paglingon ko ay matagpuan si Bryan na nasa harap ko na.

"What did you say?",sabi nya.

"Narinig mo naman eh.",sabi ko at tumalikod sa kanya para ilagay yung baso sa lababo.

Hinawakan nya ako sa braso at inikot paharap sa kanya.

"I want to hear it again.",sabi nya.

"Bryan Esguerra, sinasagot na kita. Girlfriend mo na ako, boyfriend na kita. Okay na?",sabi ko.

Unti-unting gumuhit ang isang napakagandang ngiti sa labi nya.

"Okay na okay.",tumatango nyang sabi at agad akong niyakap. "Thank you.",malambing nyang sabi.

Niyakap ko sya pabalik.

"I love you.",sabi ko at bahagya syang hinalikan sa ulo.

Kumalas sya at tinitigan ako sa mga mata.

"Mas mahal kita.",sabi nya habang hinahaplos ako sa pisngi.

Napangiti ako sa sinabi nya. Binigyan nya ako ng nakakatunaw na titig. At yung palad nya na nasa pisngi ko, ang init-init. Sobra akong napapaso.

"Can I kiss you?",bulong nya.

Napalunok ako.

"You always can.",sagot ko.

Napangiti sya at dahan-dahan ay pinaglapat ang mga labi namin. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga at ang bagong ligong amoy ng katawan nya.

Napahigpit ang yakap ko sa leeg nya. Napahigpit din ang kapit ng isa nyang kamay sa bewang ko.

I miss his kisses. Ilang buwan ko ba syang hindi nahalikan? Lima lang naman.

Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw pa din ako kahit na kaiinom ko lang. Pero alam kong hindi sa tubig. Kundi sa halik ng lalaking ito.

Unti-unti kong pinaghiwalay ang mga labi ko at sinagot ang mga halik nya. Napasandal ako sa lababo.

Nagulat ako nang iangat ako ni Bryan. Pero hindi nya pinutol ang paghalik sa akin. Sa pag-angat nya sa akin ay ipinulupot ko ang mga binti ko sa bewang nya. Nasa likod ko ang mga braso nya.

And his kisses became more agrresive. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa katawan. My eyes were closed pero damang-dama ko na naglalakad sya. Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng bahay nila dahil abala ako sa pagpapakasasa sa labi nya.

Hanggang sa maya-maya lang, naramdaman ko nalang ang malambot ja kama na nilapatan ng likod ko.

Dahan-dahang kuamalas si Bryan sa paghalik sa akin. Hindi ko napigilang mapadaing. Lalo na nang maramdaman ko ang mga labi nya na humahalik sa panga ko pababa sa leeg ko. Para akong lalagnatin. Pakiramdam ko ay bigla akong nalasing.

Dumapo ang kamay ko sa buhok nya at pinasada ang mga daliri ko doon nang paulit-ulit habang patuloy ang pagdaing sa mga halik nya. Hindi ko rin alam kung bakit paulit-ulit ko syang tinatawag.

"Dammit.",paos ang boses nyang bulong sa may balikat ko. Bahagya nya iyong kinagat-kagat dahilan para hindi ko sinasadyang bahagyang mahila ang buhok nya.

Hanggang sa, hindi ko na namalayan ang mga sunod na nangyari. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakawala na sa suot kong sunday dress kanina.

Alam ko kung anong pwedeng mangyari. Pero hindi ako nagsisisi na hinahayaan ko si Bryan. Dahil kung meron man akong pagbibigyan ng sarili ko, wala na iyong iba pa kundi ang pinakamamahal kong lalaki na ito.

"I love you Abby.",bulong ni Bryan at muling siniil ng mainit na halik ang aking mga labi.

I love you all the more Brylen Esguerra.











Continue Reading

You'll Also Like

94.2K 4.6K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
622K 15.8K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
467K 9.6K 57
Meet Elaine Co, pretty, witty and wealthy! Nasa kanya na ang lahat maliban sa isa, iyon ang matamis na 'OO' ng lalaking pinakamamahal niya! Meet Sky...
92.5K 560 3
History repeats itself. Kung ano ang puno, siya ang bunga. Paano mo nga ba maiiwasan ang temptasyon. Is there a rule to avoid everything that has bee...