Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 61 Voice of Love

78 2 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 61 💕 Voice of Love

Nakabalik na kami at lahat sa tent ay hindi pa rin ako mahinto sa pag-iyak. Ngawa ako nang ngawa dahil sa sinabi ni Bryan kanina.

I love you. It's all the truth I know now.

Pinagtitinginan at pinag-uusapan na naman ako. Nakatingin sila doon sa papel na nasa dibdib ko habang naglalakad kami pabalik sa kampo. Paano nag-iisa lang naman yung papel na nakakapit sa dibdib ko.

Hinigit ko yun pagpasok namin ng tent. Napahikbi ako habang tinititigan yun.

"Abby...",alo ni Ingrid.

Napapikit ako nang mariin at dinala sa mga labi ko iyong papel na kanina ring hinalikan ni Bryan.

"I miss him...",nasabi ko nalang.

Niyakap ako ni Chloe at Ingrid.

"Shh...",alo ni Chloe habang hinahagod ako sa likod.

"What if he's just lying again?",sambit ni Ingrid.

Napatango ako habang mariing nakahawak doon sa maliit na pulang papel.

"I-I don't think so.",mahinang sabi ni Chloe.

Napatingin kami sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?",tanong ko.

Napabuntong-hininga sya at tinitigan ako.

"Hindi mo manlang ba naitatanong sa sarili mo Abby? Na bakit sa dinami-rami ng babae na nagkakagusto naman sa kanya, bakit ikaw? Knowing na kapatid ka pa ng bestfriend nya, bakit walang takot, na ikaw?"

"Dahil gusto nyang mapaniwala ang pamilya nya. Para makatakas na sya dun sa arrange marriage nyo. Syempre diba kasi kung isang haliparot ang gagamitin nya, madali syang mabubuko.",iritadong sagot ni Ingrid.

Masakit, pero mukang tama si Ingrid.

"No. Ikaw, dahil gusto nya. Hindi mo manlang ba yun naramdaman nung magkasama kayo? Right from the start he has something special for you. Kasi ako kitang-kita ko yun. Damang-dama ko yung sincerity kay Bryan. Honestly noon, kahit kami ni Dean nalilito kung nagpapanggap pa ba si Bryan o ano. Kaya kanina, when he said he loves you and that is the truth he knows now, wala akong pagdadalawang-isip na naniwala."

"Chloe naman...",saway ni Ingrid.

Umiiling-iling si Chloe.

"Isa lang naman ang dahilan kung bakit nagawa ni Bryan yun eh.",sabi nya.

Napalunok ako at bahagyang napakunot ang noo.

"A-Ano?",halos pabulong ko nang tanong.

"Si Dean."

"S-Si Dean?"

Marahang tumango si Chloe. Naupo sya nang maayos at bumuntong-hininga.

"Brylen Esguerra since he was a kid knows their family tradition. Na kada-isang lalaking sa pamilya ay sasailalim sa tinatawag na arrange marriage once they are in the right age. Sabi sakin ni Dean, wala naman daw talagang pakealam si Bryan dun. Na okay lang sa kanya kasi tanggap nya yung kultura ng pamilya nila. Pero nagbago yun nung malaman namin na kami pala ang nakaengage.

Dahil sa brotherhood nila ni Dean, nag-isip talaga sya ng paraan kung paano kami mapapaglayo. Gumawa sya ng paraan para putulin ang engagement namin. Kaya..."

"Nadamay ako?",sabi koi.

Napatungo si Chloe.

"Continue.",kalmado kong sabi.

"Nasira na ang engagement namin. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na iaarrange pa si Bryan sa iba."

Napakunot ang noo ko.

"Iaarrange pa din sya?",hindi makapaniwala kong tanong.

"To a girl na hindi na naman nya kilala. Mahal ka nya Abby. Gumagawa sya ng paraan ngayon para magkaayos kayo, hindi para gamitin ka ulit. Kundi para ipaglaban ka sa pamilya nya. Mahal mo pa rin naman sya diba? Kaya nasa sayo kung ano yung magiging kapalaran nya.

You accept him again and you will fight together, or leave him and he will be someone's property forever. You choose Abby."

Hindi ako nakapagsalita. Dinarama ko lang yung sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Sunod-sunod din ang hikbi ko.

Accept him and fight with him, or leave him and let him be someone's property?

Wala akong iniwang sagot kela Chloe at Ingrid. Nahiga lang ako sa gilid ng tent habang hawak-hawak pa din iyong papel galing kay Bryan.

Hanggang sa, tuluyan na akong makatulog dahil sa pag-iyak nang pag-iyak.

~♥~

"I-I'm going."

Pabulong man ang boses ay dinig na dinig ko ang sinabing iyon ni Chloe sa kausap nya sa phone.

Nanatili akong nakapikit at dinadama yung mga galaw nya. Pasimple ko syang sinilip sa gilid ng mga mata ko. Nagsuot sya ng jacket at dahan-dahan na binuksan iyong zipper ng tent. Nakita ko yung dala nyang flashlight at phone.

Saan sya pupunta?

Nanatili akong nagtutulog-tulugan hanggang sa makalabas sya. Dinig ko yung maingat nyang mga yabag palayo.

Bumangon ako at niyugyog si Ingrid.

"Bruha...",tawag ko.

Umungot sya at agad na nagmulat.

"Ano ba? Anong oras palang.",sabi nya. Binuhay nya yung phone nya at tinignan ang oras. Pasado alas-dose na ah.

"Si Chloe, lumabas.",bulong ko.

"Baka naman iihi lang.",sabi nya.

"Edi sana nagpasama yun. Tsaka may kausap sya sa phone eh. May kikitain sya.",sabi ko naman.

Nanlaki ang mga mata nya at sinilip iyong higaan ni Chloe. Dali-dali syang napaupo.

"Tara sundan natin. Baka kung saan magsuot yun.",sabi ko.

"Oo nga.",sabi nya. "Teka magjacket tayo. Maginaw."

Nagsuot kami ng jacket at tahimik na lumabas ng tent. Dahan-dahan kami kasi baka magising yung mga taga-faculty.

"Saan naman kaya nagpunta yun?",bulong ni Ingrid.

"Hai naku.",napapakamot sa ulo kong sabi. Kinakabahan ako sa babaeng yun eh.

"Ui Abby, Ingrid."

Napatingin kami sa tumawag. Kaklase ata sya ni Ingrid. Mukang galing sa c.r.

"Hinahanap nyo si Chloe?",bulong nya.

"Oo. Alam mo kung nasaan sya?",tanong ni Ingrid.

"Natanaw ko syang nagsuot doon sa gubat eh. Pipigil ko nga sana kaso ang layo naman sakin.",sabi nya.

"Nagsuot sa gubat?",hindi makapaniwala kong tanong.

"Sigurado ka ba?",tanong ko.

"Oo sigurado ako si Chloe yun.",sabi nito.

"Sige. Salamat.",sabi namin.

Hinintay namin na bumalik yung babae sa tent nya. Nagtinginan kami ni Ingrid at makahulugang tumango sa isa't isa.

Luminga-linga kami para tignan kung may nakatingin. Nang masigurong wala, sabay kaming sumuot sa gubat, palayo sa kampo namin, dala ang pag-asa na makikita namin si Chloe sa malawak na gubat na 'to.

Lampas kalahating oras na ata kaming naglalakad ni Ingrid eh wala pa din kaming natatagpuan na kahit anong sign kung nasaan si Chloe. Hanggang sa may maalala ako.

"Ingrid, malakas talaga ang kutob ko na si Dean ang kikitain ni Chloe eh. So kung ganun, hindi sila magsistay sa masusukal na parte. Hindi kaya...nasa may ilog sila? Hindi pa natin yun napuntahan.",sabi ko.

Tumango-tango si Ingrid.

Maglalakad na sana kaming muli nang may matanaw kaming isang bulto ng lalaki na nakatingin sa direksyon namin.

Agad na bumilis ang kabog ng puso ko. Parehas kaming hindi makagalaw ni Ingrid. Lalo pa akong kinabahan nang pisilin nya ang braso ko.

Tatakbo na sana kami at sisigaw nang bumilis ang lakad nung lalaki palapit samin. Pero nang marealize ko kung sino yun ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Abby? Ingrid? What are you doing here?",tanong ni Dean sa amin.

"Ha? E-Eh hinahanap namin si Chloe. Ikaw? Bakit ka nandito? Kasama mo ba sya? Anong ginawa mo sa kanya?",sunod-sunod kong tanong.

"Relax Abby. Oo kasama ko si Chloe kanina. Sinundo ko sya sa bungad ng camp area nyo kanina kasama si Brylen."

"Eh nasan na sya ngayon?",tanong ni Ingrid.

"Pagkatapos naming mag-usap, she asked me to leave her and Brylen alone. Dahil gusto nya daw 'to kausapin. May importante daw syang itatanong. So Brylen said na sya nalang ang maghahatid kay Chloe pabalik. Nasa may ilog sila."

"Tara sundan natin.",sabi ni Ingrid. Bago pa ako makapagsalita ay nahila na nya ako.

"Ui sandali.",pabulong-sigaw ni Dean.

Naramdaman ko naman na sumunod sa amin si Dean.

"Shh...",senyas ni Ingrid na nauuna sa paglalakad.

Nanahimik naman ako at naging marahan ang paghakbang. Matunog kasi ang mga tuyong damo na natatapakan namin.

Nagtago si Ingrid doon sa likod ng isang malaking puno. Sumunod naman kami ni Dean.

Nakaupo si Bryan sa isang bato. Sa opposite na bato naman ay nakaupo din si Chloe. Nakatalikod sila sa amin at nakaharap doon sa ilog.

Nagsasalita si Chloe.

"...masakit na iwan si Dean. Masakit na iwan sya sa sitwasyon namin. Long distance na, secret relationship pa. Mahal na mahal ko yung lalaki na yun eh. Nakakainis lang kasi naipit kami sa ganitong kahirap na problema."

Napabuntong-hininga si Chloe. Nadinig ko din ang buntong-hininga ni Dean mula sa likod ko.

"Ikaw Bryan. Talaga bang nasasaktan ka na nawala si Abby sayo?",tanong ni Chloe.

Nakita kong nilingon sya ni Bryan.

"Sobra.",mahinang sagot ni Bryan.

Pakiramdam ko dahil lang sa word na yun maiiyak na ako. Sobrang nasasaktan sya na nawala ako sa kanya?

"Bryan, yung gusto kong itanong...minahal mo ba talaga si Abby?"

Napalunok ako sa tanong na yun. Minahal nga kaya ako ni Bryan? Ano yung mga pinadama at ipinaranas nya sakin? Totoo ba ang mga yun? O parte lang ng palabas nya?

Mahabang minuto na hindi nakasagot si Bryan. Pero hindi rin kami umalis. Hindi ako umalis. Gusto kong marinig yung sagot.

"Hindi.",sagot nya matapos ang mahabang katahimikan.

Napakagat ako sa labi at napapikit nang mariin.

"Hindi ko sya minahal Chloe, dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa din sya."

Agad akong napamulat at napatitig sa direksyon ni Bryan.

"I knew it. You love her ever since.",sabi ni Chloe.

Bumuntong-hininga si Bryan. Napanganga nalang ako nang marahan syang tumango.

"But until now, I just can't understand how I fell this far, this deep. This strong. Marami na akong nakilalang babae pero, ngayon lang ako nagkaganito.

Siguro kasi sa lahat ng nakilala ko, si Abby ang pinakamakulit. Pinakanakakaaliw in the sense na hindi nya kailangang magflirt. Yung halakhak nya ang ikinatutuwa ko kapag kasama ko sya eh."

Malungkot syang napatawa.

"Yung ngiti nya na natural lang. Hindi tulad sa iba na pacute. She smiles naturally. Yung alam mo na mula talaga sa puso. Wala syang arte sa buhay. Napakasiba nya. Napakagaslaw. Napakaingay. Napakabaliw. Pero mahal na mahal ko pa din. Kinahulugan ko pa rin nang matindi. At leche kasi nasaktan ko lang sa huli."

Wala nang tigil ang luha ko. Wala na...

"Ni hindi ko alam kung maaayos ko pa kung ano yung nawala sa amin. Sobrang hirap lang na sumubok nang sumubok pero parati namang pinagtutulakan palayo. Ayaw nyang makinig. Ni ayaw nya akong makita.

And it fucking hurts everytime she say na ginamit ko lang sya. Na ginirlfriend ko lang sya para gamitin sa problema natin."

Tama si Chloe.

"Pero hindi naman kasi eh. Noon pa man gusto ko na sya. Tanga lang ako na ayaw pang umamin kahit sa sarili ko mismo.

Palagi ko na syang nakikita noon. First year palang kami nang maging magkakatropa kami nina Seam. Kapag pumupunta kami sa kanila, nandoon sya. Naabutan pa nga namin sya minsan sa sala na nakanganga at natutulog. And she just looks so cute."

Kahit bumubuhos ang luha ay hindi ko napigilang mapangiti. Loko-loko.

"Minsan sa graden nila. Naggagawa sya noon ng doodle sa mga papel. Maraming beses ko na ring nahuli na idinodoodle nya yung pangalan ko. And she was just so talented.

Sa school, madalas ko syang nahuhuling nakatingin. Pero kapag hindi na nya ako tinitignan, ako ang napapatitig pabalik. She just looks so beautiful. Ang simple-simple nya. And she catches my eyes just so stubbornly."

"Bryan...",mahinang-hina kong bulong. Sana hindi panaginip na nadidinig ko sa kanya ang mga salitang 'to.

"Gustong-gusto ko rin ang tapang nya. Hindi sya palaaway, pero ayaw na ayaw nya nang naaapi. Lumalaban at lumalaban talaga.

Natatawa ako kapag nagbablush sya kapag nahuhuli ko syang nakatingin. Lalo na kapag kinakausap ko sya. Yung pag-uutal nya nakakaaliw. Naisip ko, mahiyain din sya. Kaso minsan lang. Dahil mas madalas syang makulit.

Oo. Noon naiinis ako. Kasi ayoko na ganun sya sakin. Sumusunod. Nangungulit. Ayoko na maging katulad sya ng ibang babae sa campus. I like her. At ayoko na sya yung gumagawa ng paraan. Kung sya halos anim na taon akong gusto, hindi nya alam ganun din naman ako. Kasi tangina lang. Halos anim na taon din nya akong tinorpe."

Literal akong napamulaga at napanganga. T-Totoo ba talaga?

"Girl...Si Bryan umaamin na.",bulong ni Ingrid na halatang nagugulantang din.

"Hindi ko alam kung ano bang problema ko. Alam ko namang gusto nya ako. Pero ayaw ko pa din namang umamin. Maybe its my pride? Yung katotohanan na sa tanang buhay ko, simula nang matuto akong mambabae, wala pa akong isang sinuyo. Wala pa akong kahit isang niligawan.

And maybe because kapatid sya ni Seam. Nahihiya akong sabihin na gusto ko yung kapatid nya. Nakakabobo nga eh. Pakiramdam ko napakabakla ko na para sa isang babae lang mukang tinakasan ako ng tapang at lakas ng loob.

Noon pa man gusto ko na si Abby. At sa bawat araw na nagdadaan na nakakasama ko sya noon at natititigan sa malayo, unti-unti ko na syang minamahal.

And Chloe, it's just so stupid of me na ginawa kong dahilan yung naging sitwasyon natin nina Dean para makasama sya. Para sa wakas, masabi kong yung babaeng gusto ko, finally sa akin na."

Nakatagilid na si Chloe kay Bryan kaya kitang-kita ko ang pagkalaglag ng panga nya.

"And it hurts to see and to know that she is suffering in pain because of those selfish acts of mine. Damn it. I just hope na kaya kong ipaliwanag sa kanya."

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba pero nadinig kong humikbi si Bryan. Hanggang sa makita ko nalang na tinatapik na sya ni Chloe sa balikat.

Nakatungo sya at nakalagay ang mga palad sa muka.

Napakagat ako sa labi at napaiyak nalang din. Ang tanga-tanga ko na hindi ko sya hinayaang magpaliwanag. All this time ako pala yung naglalayo sa sarili ko sa katotohanan na gusto kong matuklasan.

Hindi lang pala ako ang nasaktan sa aming dalawa.

"Damn. I'm sorry.",sabi ni Bryan na napahilamos ng mga palad sa muka.

"It's okay Bryan. I understand. Masaya akong malaman na ganyan ang nararamdaman mo para kay Abby. Sana lang talaga, mabigyan ka na ng pagkakaton na sabihin sa kanya ang mga ito.",sabi ni Chloe.

"Hindi na kailangan Chloe.",sabi ko kasabay ng paglabas sa punong tinataguan namin.

Napatayo si Bryan. Gayundin si Chloe na parehong gulat.

"A-Abby?",gulat pero halos pabulong na sabi ni Bryan.

Ramdam ko pa rin ang pagtulo ng mga luha ko palabas ng mga mata.

"Narinig ko lahat. Alam ko na lahat.",sabi ko.

Namungay ang mga mata nya. Hindi sya nakagalaw, hindi nakapagsalita. Naramdaman ko ang pag-alis ni Chloe. Kasunod ay ang mga yabag nila palayo.

Nakita ko pa ang pamamasa ng mga mata nya. He cried. Pangalawang beses na na makita ko syang umiiyak. At tsaka ko lang naalala na iyong unang beses, ay dahil din sa akin.

"Totoo ba yung mga sinabi mo?",mahina kong tanong habang nananatili sa tatlong metro ang layo namin.

"Kung anuman yung mga narinig mo, kahit isa dun Abby. Walang halong kasinunglingan o pagpapanggap. Matagal ko nang gustong sabihin, explain to you. But it became just hard. Well I can't blame you though. Alam ko dahil sa ginawa ko sobra kang nasaktan. But that made me scared to even think na hindi na tayo kelanman magkakaayos. Na kelanman, hindi mo na malalaman kung gaano kita kamahal. Kung gaano kita minahal. Cause what you'll always remember, is just my betrayal when we're together."

Napahikbi ako at mabilis na nagpunas ng mga luha gamit ang likod ng palad ko.

"Bakit naman hindi mo sinabi? Bakit naman nagpakatorpe ka pa? Eh kung niligawan mo ako, totoong malaki naman ang pag-asa mo eh. Bakit naman sa ganung paraan mo pa ako inanggkin?"

Nag-ingting ang bagang nya.

"I'm sorry.",malungkot ang mga mata nyang sabi.

"Do you love me?",mariin kong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata nya. "Gusto ko na sagutin mo nang mula sa puso. Ng totoo. Gusto ko yung totoo lang... Do you love me Bryan?"

"Yes. Yes, I love you.",sagot nya habang nakatitig din sa mga mata ko.

Napapikit akong muli. Para akong matutunaw sa mga mata nya.

"With all my heart. I love you Abby."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nasabihan na nya ako ng I Love You noon. Pero kinalimutan ko dahil nalaman ko na kunwari lang iyon.

Pero sa mga oras na ito, iba sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay lumulundag ang puso ko. Lalo pa't ngayon alam ko na, na mahal talaga ako ng lalaking ito.

Mumulat ako at tinignan syang muli. Nakatitig pa din sya sakin sa mapupungay nyang mga mata.

Ako naman patuloy sa pagngawa.

"Totoo yan ah. Walang charot-charot?!",sabi ko.

"H-Ha?",parang naguluhan nyang tanong.

"Pwera biro?"

Bahagyang napakunot ang noo nya pero mabilis naman syang umiling.

"Pwera biro.",sabi nya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Bakit?",sabi ko nang makalapit ako. Mga dalawang ruler nalang ang layo namin.

"Bakit ano?",halos pabulong at tila kinakabahan nyang tanong.

"Bakit ako?"

Napaawang ang labi nya. Pero hindi sya nakapagsalita.

"Bakit ako?",ulit ko.

"H-Hindi ko alam.",halos pabulong na nyang sabi. "I'm sorrry. Hindi ko alam. It just happened. It just came. Hindi ko namalayan. I-I don't really know. I just woke up and I realized, mahal ko na pala yung kapatid ni Seam."

Umiiling pa sya. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nya para ipaintindi sa akin ang kanyang sagot.

Tinitigan ko syang muli sa mga mata. Namumungay iyon at mukang nag-aalala sa maari kong sabihin.

Pero hindi ako nagsalita, at walang anu-ano'y mabilis na humakbang palapit sa kanya at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg nya nang sobrang higpit.

Napasubsob ako sa leeg nya at halos mapahagulgol ng iyak sa sobrang saya.

"Mahal din kita.",nanginginig kong sabi.

Naramdaman ko ang mga braso nya na pumulupot naman hanggang sa taas ng likod ko. Hinalikan nya ako sa ulo habang yakap-yakap.

"Wala na talaga 'tong charot-charot ah.",sabi ko sa leeg nya.

Kumalas sya sakin at tinignan ako. Masaya na ang kanina'y malungkot nyang mga mata. Napangiti din ako at hinawakan sya sa pisngi.

"You don't have to answer. Your eyes tells me yes.",sabi ko. At wala na namang pasintabi ay hinalikan sya sa labi.

Lalong humigpit yung yakap nya sa likod ko. Napaiyak na naman ako sa saya.

Mahal ako ni Bryan! Mahal ako ni Bryan.

Kumalas ako at tinignan sya.

"I'm sorry for being a jerk..."

Hindi ko na sya pinatapos at muling sinunggaban yung labi nya.

"...hindi ko sinasadya na saktan ka. Natakot lang ako na..."

I gave him a peck again.

"...natakot lang ako na baka hindi magwork out at..."

Pinutol ko na naman sya sa pamamagitan ng pagbibigay ng magaang halik.

Kaso kada halik ko eh mukang naghihintay lang syang kumalas ako para makapagsalita sya ulit.

"...at masaktan lang kita."

"Subukan mo pang magsalita ulit pagkatapos ng halik ko magkalimutan na talaga tayo.",sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata nya. Pero laking gulat ko nang kabigin nya ako sa bewang at halikan nang pagkadiin. Napahawak nalang ako sa magkabila nyang balikat.

Sinandal nya yung noo nya sa noo ko at saglit na kumalas.

"Sabihin mo munang okay na tayo.",bulong nya.

"May pagka-ungas ka rin pala minsan eh noh, Brylen Esguerra? Nakailang nakaw ako ng halik sayo kani-kanina lang tapos tingin mo hindi pa tayo okay nun?"

Unti-unti syang napangiti. Pinulupot nya sa bewang ko yung parehas nyang braso. Sobrang dikit na ng mga katawan namin.

"Tayo na ulit?",ngiting-ngiti nyang sabi.

Tinaasan ko sya ng kilay at pinitik sa ilong. Napanguso sya.

"Hindi.",sabi ko habang ipinupulupot ang mga braso ko sa leeg nya.

"Bakit? Sabi mo mahal mo din ako.",kunot na kunot ang noo nyang sabi.

"Eh...May gusto akong gawin ka para sakin.",sabi ko.

Bahagyang tumaas ang kilay nya. Bigla nya akong hinalikan. Pumikit lang ako at hinayaan sya. Nang kumalas sya, magsasalita na sana ako pero inismack naman nya ako. Paulit-ulit. Mga walo ata yun bago ako mapatawa at takpan yung bibig nya.

"O ano? Naumay ka na?",sabi nya na may nakakaloko pang ngiti.

"Eh Bryan hindi naman yun yung gusto kong gawin mo. Siraulo.",natatawa kong sabi sabay pisil sa mga labi nya.

Hinawakan nya yung pulsuhan ng kamay kong nakahawak sa bibig nya.

"Eh ano ba kasi?",sabi nya.

"Mahal mo ba ako talaga? Kahit ano gagawin mo para sakin?",nanghahamon kong sabi.

"Yes. So just tell me, please.",sabi nya.

Napangiti ako at muli ay niyakap sya sa leeg. Niyakap naman nya ang bewang ko. Hinanday ko ang baba ko sa balikat nya at bumaling para bumulong sa tenga nya.

"Ligawan mo 'ko."

Hindi sya nakapagsalita kaagad. Kakalas na sana ako pero hinigpitan nya ang yakap sakin.

"Liligawan kita.",bulong nya kasabay ng paghalik sa ulo ko.

At dahil doon ay lalong naglulundag ang puso ko dahilan para kamuntikan ko na naman syang mahalikan. Kaso naalala ko, manliligaw ko palang pala sya.

Tsaka na. Ang mahalaga ngayon, alam ko na ang totoo. I've learned how to listen to love. At eto yung sabi ng love na yun.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
529K 19.4K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...