Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 58 He's also in Pain

83 1 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 58 💔 He's also in Pain

Bryan's POV

"Alis na."

"What?",nakakunot ang noong sabi ni Bitchany.

I rolled my eyes at nilagpasan nalang sya. Wala akong napala sa pagsunod ko. Nabadtrip lang ako ng todo.

Bwisit na Jester yun. Pinopormahan ata nun si Abby eh. Naalala ko kasi yung sinabi sakin nun ni Abby. May gusto sa kanya yung Jester na yun!

Kung noon na kami pa sinabi nito na wala syang balak manggulo, ngayon naman na wala na raw kami ayon kay Abby, feeling nya pwede na?! Tangina!

Dapat talaga tinodo ko ang pagtadyak sa upuan nya kanina sa sinehan eh. Para tumalsik sya at masubsob sa kung saan. Damn him.

Who gave him the right to laugh with my Abby? To talk to her. To wrap his arms around her? Pasalamat sya hindi ko balak mag-eskandalo sa harap nung babaeng kasama nya.

"Brylen!",matinis ang boses na tawag ni Bethany.

Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Urgh!",asar nyang sabi at naglakad na palayo.

Hindi ko naman talaga yun kasama eh. Nakita ko lang dito. Napakatanga pa dahil pinahuli ako kela Abby. Sa ayaw ko lang mabisto kaya sumama na ako kunwari sa kanya eh.

Dammit. Abby's laugh na ako ang nagiging dahilan noon, ngayon yung Jester na yun na. At kung makapagpapunas pa ng labi! Gusto ata nun ng lalaki na yun na basagin ko muka nya eh.

I ride my car at nagmaneho na pauwi.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makarating sa bahay at bumaba sa sasakyan. 

Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v.

"Good evening Dad.",I greeted nang hindi tumitingin sa kanya.

"Good evening. Saan ka galing?",sabi nya.

"Mall.",I said. Dire-diretso na akong naglakad paakyat sa kwarto.

Nahiga ako sa kama at napatulala na naman sa kisame. Fuck. I really miss Abby. Ni hindi nya ako kinakausap. Binantaan na rin nya ako tungkol sa paglapit at pagkausap ko sa kanya.

Her words hurt. It stabs literally. Pero alam ko naman na higit pa ang nagawa ko sa kanya. So maybe I deserve her treatment anyway.

Dinukot ko sa bulsa yung phone ko. I stared at my wallpaper. Kaming dalawa lang naman.

I opened my messages para makita na hindi pa din nya sineseen man lang yung mga chat ko. Ni hindi ko alam kung binasa manlang nya ba kahit isa lang sa mga text messages ko.

Naiintindihan ko naman kung sobra syang galit eh. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na kami, at parang malabo nang mabalik sa dati.

Iniurong ng empire ang desisyon para ipakasal ako kay Chloe. Dahil si Chlole daw, dadalhin na pabalik sa States. Para sa parusa nya na pakikipagrelasyon kay Dean secretly.

Yup. They knew what happened to us. They knew what we did.

At mas pinili pa nilang ibigay sakin yung pinakamahirap na parusa. They left me hanging. Iniwan nila ako na walang choice. Iniwan nila akong nag-iisip para sa kung ano bang susunod na mangyayari. Ikakasal ba ako, o hindi. Kung ipapakasal man ako, kanino?

I'm already turning 18 this month. Malamang pagkatapos ng birthday ko may desisyon na. Pero kung noon wala akong pakealam, ngayon parang napakabigat na ni hindi pa manlang kami nagkakaayos ni Abby, pwede na akong magkaroon ng bagong babae sa buhay na ni hindi ko naman yata kayang mahalin dahil sa naiwan ko para sa babae na una kong minahal.

But how can I explain if she doesn't even want to listen. Napakadami kong gustong sabihin pero lahat nakatago, nakakimkim kasi hindi dumadating yung araw na magiging handa sya sa pakikinig. Ni hindi ko rin alam kung saan magsisimula sa pagpapaliwanag.

Dumapa nalang ako sa kama at pumikit. Nagdaan na naman ang araw na hindi ko manlang nakausap si Abby. Nagdaan na naman ang isang araw na hanggang tingin lang ako sa malayo.

I guess, balik ako sa dating gawi.

~♥~

Dumating ang araw ng recollection. I woke up early because it was said on the letter that students should be at the campus at sharply 5:30 in the morning.

But I did not do it to obey the time on the letter. But just to leave the house earlier. Nagpaalam naman na ako kela Mommy at Dad kagabi. And right now, I just want to leave immediately.

Hindi ko itatanggi na masama ang loob ko sa kanila. 'Cause I always thought, why can't they fight for me? Why can't they tell the empire heads, kayna grandma Frida, kayna grandpa Thad, grandpa Josh, na ayoko.

Kung noon okay lang sa akin na ikasal kasi tradisyon ng pamilya namin, ngayon gustong-gusto ko nang ipagduldulan sa lahat na hindi kasal ang nanay ko sa tatay ko. Esguerra man ako sa dugo, hindi kelanman mababago yung katotohanan na Esguerra akong anak sa labas.

Pagkagising ko, mga 4:50, I received a message from ate Lena saying mag-iingat ako at mag-ienjoy.

Alam na nya ang nangyari. Yung kagaguhan ko. Pero pilit pa rin nya akong inintindi.

Gustuhin ko man na magpunta sa kanila para doon muna magstay at somehow, marelax-relax na rin, ayoko naman na si ate Lena pa ang maistress sa mga problema ko.

Buntis pa naman yun.

Seven months na syang buntis sa pangatlong anak nila ni kuya. Balita ko, solo daw yun. Kambal, then solo ang kasunod.

Buti pa pamilya nila going strong. Eh kami ni Abby? Going tragic.

Nagpahatid ako sa driver papunta sa campus. I was quiet and still a bit sleepy dahil sa partying kagabi. I think I still have a heavy hangover.

But what gave me the absolute shit was when I saw Abby at the bar. She was with Jester. Fuck that asshole. Kaya naparami lalo ang inom ko eh.

Just staring at Abby's face while laughing, knowing that the reason is some guy who obviously likes her.

Hindi ko naman pwedeng itanong kay Seam kung nanliligaw ba yung tukmol na yun kay Abby. Pero kung ibabase ko sa mga nakikita ko, I can say that there is really already something happening.

Napapalunok nalang ako kapag naiisip ko. Paano na ako? Am I already too late?

I've tried a lot to approach Abby. Naroon na kapag natatimingan ko syang naglalakad mag-isa, para akong aso na bigla nalang susunod. Pero damang-dama ko kung paano sya tumakbo. Kung paano sya umiwas. Everytime, she makes me feel that I am no worth for her time.

Sa classroom, kinakapalan ko na ang muka ko na tabihan sya. I try to talk to her kahit yung mga pasimpleng, "nakakabagot noh?". Nagmumuka mang tanga, pilit kong sinasabi lahat ng pwede kong sabihin. Pero sya, tahimik lang.

Nababadtrip pa ako kapag hindi naman ako ang tumatabi, iyong Jester na yun!

Sobra kong pakiramdam na nagkabaliktad kami. Kung sya noon ang gumagawa ng paraan para mapalapit sakin, ngayon naman, ako na. Para lang bumalik sya sakin.

If she'll give me another chance, I swear to do everything and risk anything to have her back. Desperado mang pakinggan, that's how it is. Masama ang tama ko eh.

When we finally arrived, dinig na dinig ko na agad ang ingay ng students na nag-iipon-ipon sa open field. They have too many baggages. To think na within the three day stay, nagkasya lang sa isang travelling bag ang lahat ng gamit ko.

Si Chanz na kasi ang pinagdala namin ng tent. Kanya-kanya kasing dala gayung kanya-kanyang grupo naman. The rule is just, magkahiwalay ang grounds na tatayuan ng tents ng mga babae at lalaki. So kaming lima, as usual, magsasama-sama na naman.

Nagpunta na agad ako sa pila ng section namin dahil isasakay na kami sa bus. My eyes immediately and automatically searched for Abby. Wala pa sya. Malamang parehas sila ni Seam tinanghali ng gising.

Later on, natanaw ko na sa may gate sina Seam at Abby na bumababa sa sasakyan na madalas ko nang nakikitang naghahatid kay Abby ngayon. Yun yung sasakyan nila na may driver na hindi na nya sinakyan nung maging kami nun. Hatid-sundo ko sya eh. Pero ngayon, balik nga sa dati.

Muka pang sabog si Seam na iisang backpack lang din ang dala nang maglakad sya papunta sa pila ng section nila.

I turned my attention to Abby na may hila-hilang maleta at papalapit na sa pila ng mga babae. She looks tired. But still so beautiful on that gray jacket of hers.

Nakita ko pa syang humikab.

"Morning Abby!",I heared some guy said.

At hindi ako nagkamali. It was the stupid bastard Jester again.

Nagkunwari nalang ako na walang pakealam sa kanila. But the real thing is, I was all ears on them.

"Good morning.",humihikab na namang sabi ni Abby.

"Puyat ah.",Jester said.

"Oo eh. Pero, salamat pala sa paghatid kagabi ah. Kung hindi mo pa ako inihatid, baka madaling araw na akong nakauwi sa pagsabay kay kuya.",Abby said.

What?! Sabay silang umuwi kagabi?

"That's nothing. But you better sleep on the bus Abby. Para makapagpahinga ka.",Jester said.

"Oo naman. Salamat sa concern.",Abby said.

"Anytime.",the asshole said tsaka pa sya bumalik sa pila nya.

Pasimple akong lumingon kay Abby na nakatingin sa wrist watch nya. Ngayon ko lang napansin na wala sa kahit saang pulsuhan nya yung regalo kong bracelet.

Did she threw it? If not, where did she put it?

Kahit simpleng bracelet lang yun na napansin kong hindi na nya sinusuot, parang napakasakit na. Is this love thing this really sensitive and heart hitting?

Pakiramdam ko ang O.A ko na eh.

I was stunned when Abby turned her head towards me. And I was stuck on those beautiful eyes again.

Sya na naman ang unang umiwas. I don't even understand kung bakit tuwing nangyayari yun, palagi nalang sya ang unang umiiwas. Is she shy? Scared? O talagang nasusuklam nalang sya na tignan ako? Ouch.

Tinawag na ang lahat. And as usual when it comes to school travels, nakahilera sa upuan sa bus ang students. The alternate arrangement. Alphabetical.

Natapat ako sa dalawahang upuan. Nasa bungad. And the Conell was on the three chair row na nasa tapat ng inuupuan ko. Malas lang kasi nandoon sya sa dulo. Doon sa tabi ng bintana.

After some chitchats of the teachers and some school staffs, sa wakas ay pinaandar na rin ang sasakyan.

Heading off to Camp John Hay, Baguio City.

Isinuot ko ang headset ko at pumikit nalang. This is going to be a very long trip.

~♥~

Nagising ako sa mahina pero nakakairitang hagikgik ng mga babae mula sa kung saan. Tinanggal ko na kasi kani-kanina lang yung headset ko. Pagkatapos ng ilang minuto, eto ang madidinig ko? Nakakademonyo naman oh.

I opened my eyes to see that they were all looking at Abby na nakapikit, obviously tulog na pauntog-untog na ang ulo sa salamin nung bus.

Seriously? Hindi ba manlang sya nagigising sa sakit nun? Kung sa bagay. Tulog mantika nga pala 'tong babae na 'to.

Tinignan ko yung katabing lalaki ni Abby. Nakataas ang ulo nitong nakasandal sa upuan at nakangangang natutulog. Yung kasama nyang babae sa row pinagtatawanan din sya.

"Someone's gonna fix her or I'll still need to teach all of you a lesson for having fun of her?",I said to the bitches.

The laughters died down.

Sindak na napatango iyong babae na nasa row nila Abby. She immediately fix Abby's head. May isa na naglagay ng unan doon sa may salamin. Ang isa ay tumayo para lagyan ng neck support yung si Abby. At ni hindi manlang nagising ang prinsesa ko sa pinaggagawa sa kanya.

Nang masiguro kong kumoortable na si Abby, muli na akong bumalik sa tulog. But I did not wear my headset para kung sakaling may marinig na naman akong kalokohang ginagawa nila kay Abby, sakin sila mayayari.

Continue Reading

You'll Also Like

171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...