Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 57 Cinema with Jester

91 3 1
By ArmagedonXena

CHAPTER 57 💔 Cinema with Jester

"Your graduation day is fast approaching students. And every year before that memorable day, a more memorable experience will be etched within your hearts and minds. Every Patterson University almuni been through this kind of experience which is called, recollection. Within three days, you will be gathered to collect old memories together and at the same time, make new ones. It is compulsory. None should be left behind. Here are your letters."

Nandito ang lahat ng Grade 12 students sa great hall para sa announcemet nga daw.

So now I know what that announcement is. Recollection pala. Na dapat kasama kaming lahat.

Tinanggap ko nalang yung letter na ibibigay sa magulang. Ano pa bang choice ko? Kahit ayoko namang sumama, kelangan pa rin talaga. Kapag di ba naman ako nakagraduate eh.

Kahit pa ata magbayad ako nung fee na 250 hindi pa din pwede na wala ako sa attendance eh. Kaasar naman.

Nang maitago ko na yung letter sa bag ko, agad na akong tumayo at naglakad palabas ng great hall. Kasabay ko si Ingrid.

"OMG girl! Basahin mo! Camping pala ang paandar nila.",sabi ni Ingrid na hawak-hawak iyong letter nya.

Hinila ko sa kanya yung papel at tinignan yun.

At nakalagay nga sa when ay ang mga katagang Camp John Hay, Baguio City. Nakalagay pa sa mga what to bring ay mga gamit na pang-camping. Hanep.

"So?",walang gana kong sabi.

"Ano ba? Zombie reaction ka na naman? Anong so ka dyan? Ayos na ayos nga ito eh. Camping-camping. Gubat-gubat! Nakakaexcite kaya.",sabi nya.

"Whatever Ingrid.",sabi ko lang.

Napatingin ako sa nagtatawanang grupo nina kuya. Oo. Tatlong araw na ang nakakaraan nang magkaayos-ayos sila nina Bryan at Dean. Eh brothers pa nga rin eh kahit anong mangyari. Pero yung totoo, talagang ikinasisiya ko naman iyon.

Nagtatawanan yung mga lalaki maliban kay Bryan na nahuli ko na namang nakatingin sakin.

Tinupad nga nya yung hiling ko na lumayo sakin at wag na akong kausapin. Kahit nga sa partner activities and project na ginagawa namin hindi kami nag-uusap eh. Kanya-kanya lang. Kapag may mali akong nagagawa, nakikita ko nalang na naitama na nya.

Ayun. Hindi nga kami nag-uusap, eh ilang na ilang naman ako sa panay nyang panininitig at pagsulyap nang pagsulyap.

Eh sa hindi ko naman maiwasan na mapatingin kasi nadadala ako. Pero ewan. Bwisit sya!

Kami ni Chloe, hindi pa din kami maayos. Ewan ko ba. Hindi din kasi sya nag-approach. Balita ko din kay Ingrid na pinaghiwalay sila ni Dean.

Nung malaman ko yung balita na yun, hindi ko din maintindihan kung bakit sa kabila ng sakit, para pa ding dinikdik yung puso ko nung malaman yun. Masakit na maisip si Chloe na umiiyak at nagdurusa kahit na iyon yung ipinaranas nila sa akin nang gamitin nila ako.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Chloe. Nakita ko sya na tahimik na naglalakad kasama ng mga classmates niya.

Napatingin sya sa akin ngunit agad din naman syang nag-iwas. Palagi nalang.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Naghiwalay na kami ni Ingrid. Naglalakad na ako papasok sa classroom namin nang bigla naman akong banggain ni Hollymaw dahilan para kamuntikan na akong masubsob sa sahig kundi lamang ako nakahawak sa pintuan.

Pero mabuti na lamang rin at nabunggo ako sa kung sinuman sa likod ko na agad akong naalalayan sa magkabilang braso.

"What the fuck?!",nadinig kong sambit ng iritadong boses sa likod ko.

Agad akong napaayos ng tayo nang makilala ang boses.

"B-Bryan.",sindak na sabi ni Hollymaw habang nakatingala sa likod ko.

Napairap nalang ako sa hangin at naglakad papunta sa table ko.

"Umayos ka.",sambit ni Bryan kay Hollymaw kasabay ng pagbibigay dito ng matalim na titig.

Tapos ay nilampasan nya ito at iritadong naglakad papunta sa upuan nya. Ano na naman bang problema nya? Balik na naman sya sa pagsusungit? Nung kami pa naman hindi naman na sya---

Napakagat ako sa labi at napapikit nang mariin. Ano ba 'tong mga iniisip ko?

Nakakainis.

Pero okay. Inaamin ko na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa din sya. Gabi-gabi pag-uwi ko ng bahay. Kapag mag-isa nalang ako at nakatunganga sa kisame. Yung masasayang alaala naaalala ko. Kung paano nya ako kausapin, lambingin, yakapin, halikan, kulitin, kahit na alam ko nang kunwari lang ang lahat.

Kapag nabubuksan ko ang phone ko at social media accounts, sya nang sya ang naiisip ko. Mapatingin lang ako sa mga simpleng bagay, sya pa din. Naiiyak nalang ako kapag naalala na wala na nga pala. Tapos na ang kaligayahan ni Abbielyn.

Pinatakam lang ako ng tadhana sa crush ko. Pero sa huli, ginitak-gitak naman ang puso ko. Okay na sana eh noh?

Eh sa anong gagawin ko? Masakit eh.

Namimiss ko sya eh. Kahit gaanong kasakit na, mahal na mahal ko pa din sya.

Eh sino ba naman kasing dakila ang makakamove on agad ng pagkabilis-bilis sa kabila ng ganung kasiyahan?! Well, what I mean is, truthful lover na makakamove on agad nang ganun kabilis. At isa pa, first love ko si Bryan ui!

Eh kita mo nga si Bryan wala nang pakealam sakin. So ibig sabihin, hindi talaga sya truthful lover.

"Ang lalim ng iniisip ah."

Napahinto ako sa pag-iisip ng kung anu-ano at napalingon kay Jester.

"Naku hindi naman. Nagrirelax lang.",sabi ko.

"Stress ka ba? Bakit kailangan mong magrelax?",tanong nya.

Ah oo. Stress ako. Stress na stress ako sa pagi-emote sa ex kong manloloko't manggagamit.

"Uhm, medyo lang.",sabi ko na nangingiti pa.

"Well, kung ganun, payag ka na sumama sakin manood ng sine mamaya? The Oceanic Waves. Latest movie for surfers.",taas baba ang kilay na sabi nya.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko.

Yun yung movie na palagi kong napapanood ang trailer sa t.v! Gusto ko sanang panoorin eh kaso...kaso wala akong kasama. Eh paano ang lagi ko lang naman kasama sa panonood ng sine ay...

Napiling ulit ako.

"A-Ayaw mo?",sabi ni Jester.

"Ui hindi!",malakas na malakas kong sabi sabay hawak sa braso nya.

Sa sobrang lakas ng boses ko napatingin halos lahat ng mga kaklase ko.

Napahalakhak si Jester.

"Chill.",sabi nya.

Napangibit naman ako.

"Gusto ko ano ba! Gustong-gusto ano. Sige! Mamaya na agad kung gusto mo.",sabi ko. At sa sobrang excitement ay napisil pa ang braso nya.

"Yah sure. But...aw.",natatawang sabi nya sabay tingin sa braso nya na kinakapitan ko pa din.

Ako naman ang napahalakhak.

"Arte mo.",sabi ko sabay bitaw na. "Wala pa yan sa tunay kong pisil noh."

Natawa sya at nailing-iling.

"Mukang magbabago ata ang isip ko sa panonood kasama ka.",sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit naman? Eh nayaya mo na ako!",reklamo ko.

"Will you lower your voice Abby?",natatawang saway ni Jester.

Napatawa ako at medyo lumapit sa kanya.

"Eh bakit ba naman? Dahil lang sa pisil ko?",bulong ko.

"Hey. The Oceanic Waves is a romcom and action movie. Masyado kang maiexcite. At nakikinita-kinita ko na ang mangyayari sakin mamaya sa kada eksena.",bulong nya pabalik.

Hindi ko napigilan na mapahalakhak. Napatungo lang ako nang may mga kaklase na naman akong naagaw ang atensyon.

Yumuko ulit ako at nagpatuloy sa pagkausap kay Jester.

"Hoy Jester. Kung ayaw mo, edi wag mo. Basta sasabay ako sayo papuntang sinehan ah.",sabi ko.

"Joke lang. Oo na. Sunduin nalang kita sa inyo pagkauwi mo. Mga, 3:20."

"Call.",mabilis kong sabi.

Hindi naman kasi kami pwedeng maggala na nakauniform. Bawal sa rules ng school yun. So kelangan ko pang umuwi.

Ngumiti sya at tumango.

Ayos! Manonood ako ng pelikulang maganda mamaya.

~♥~

"Bye Abby.",sabi ni Jester nang makalabas kami ng classroom.

"Bye bye. 3:20?"

"3:20.",sagot nya.

Tumango lang ako at dali-dali nang nagpunta sa parking para puntahan yung kotse ni kuya. At sakto dahil nandoon na sya.

Agad na kaming sumakay.

"Ah kuya. Sasama ako kay Jester manood ng sine mamaya. 3:20 susunduin nya ako sa bahay.",sabi ko.

"Jester?"

"Oo si Jester.",sagot ko na tila nawiweirduhan kung bakit kung makatanong sya eh parang hindi nya kilala si Jester.

"Diba may gusto sayo yun?",walang pakundangan nyang sabi.

"Eh sa ano? Manonood lang naman kami ng sine. Yung The Oceanic Waves. Kasi alam nya na gusto ko din yun dahil parehas kaming surfer.",katwiran ko.

"Alam mo ang ibig kong sabihin Abby.",sabi nya.

Napabuntong-hining ako.

"Eh hindi naman siguro.",sabi ko sa napakababang boses.

"You can never tell. Pero ingat lang. Baka mapaasa mo yung tao gayung alam ko naman na si Bryan pa din ang tinitibok nyang---"

"Seriously kuya? Talagang ganyan mo iduduldol?",putol ko.

Humalakhak naman sya. Kaabnormalan.

"Just kidding.",sabi nya. "Oo na sige na. Ikaw na ang bahala kay Jester. Basta magtext o tumawag ka kung may kailangan ka."

"Ai ai, Captain!",sabi ko sabay salute pa.

Nailing lang si kuya.

Pagdating namin sa bahay agad na akong sumugod sa meryenda. Kaunti lang kinain ko dahil mamaya sa cinema, kakain ako ng popcorn na madami.

Pagkatapos magpaalam kay Mommy ay dumiretso na ako sa kwarto para magpalit.

Nang maayos ang sarili ay agad na akong bumaba. At saktong-sakto dahil nandoon na si Jester. Naabutan ko silang nagbabatian ni Mommy.

"Mommy. Alis na po kami.",sabi ko at kumiss na sa pisngi nya. "Pasabi nalang po kay kuya."

"Sige. Ingat kayo.",sabi ni Mommy.

Nagpaalam na din si Jester kay Mommy pagkatapos ay sumakay na sa sasakyan para magmaneho.

"Wala namang assignments so we can have fun all the way we want. What do you think?",sabi ni Jester.

"I think, you are definitely right. Pero mas okay kung lilibre mo kong popcorn.",biro ko.

Napatawa si Jester.

"Inunahan mo ako ah.",sabi nya.

"Sorry. Mabilis lang talaga ako pagdating sa mga ganyang usapan.",sabi ko.

"Whatever.",natatawa nyang sabi habang naiiling pa.

Nang makarating kami sa mall, sabay kaming bumaba ni Jester ng sasakyan at naglakad papasok.

Agad kaming bumili ng ticket.

"Ako na.",sabi ni Jester nang iabot ko sa kanya yung pera ko.

"Hindi na. Eto na nga. Ibayad mo na. Popcorn ang gusto kong libre.",sabi ko at ibinasiksik sa kamay nya yung pera.

"Hai Abby.",sabi lang nya at ibinayad na nga yun.

Nang makabili ng ticket, nagpunta kami sa bilihan ng pagkain.

"Extra Large. Cheese.",sabi nya doon sa tindera.

"Ang galing mo!",sabi ko na nangingiti pa.

"Syempre.",sabi nya.

Nang mapatingin ako doon sa mga tindera, hindi ko maiwasang mapuna yung nagniningning nilang mga mata habang nakatingin kay Jester. Gwapo kasi eh. Lalo na't smiling face.

"Hotdog pa po.",sabi ko. "With extra hot chili sauce."

"Gusto mo?",alok ko kay Jester na natatawa pa ding nakatingin sakin. Umiling lang sya.

"Wag mo nga akong pagtawanan.",saway ko habang kinukuha yung mga pagkain ko. Este namin.

Iced tea ang biniling inumin ni Jester.

Dumadampot ako doon sa hawak kong lagayan ng popcorn na hawak ni Jester nang mapatingin ako sa isang tila pamilyar na lalaki.

Bryan?

Napakurap pa ako nang ilang beses. Wala na sya doon. Nasaan na nagpunta?

Hindi kaya naghahallucinate na ako?

"Tara na.",sabi ni Jester. "Okay ka lang? You look troubled."

"Ha? Oo okay lang. Tara.",sabi ko at agad nang sumunod sa kanya.

Pero bago pumasok ng cinema, nilingon kong muli iyong pwesto kanina. Wala talaga.

Napabuntong-hininga nalang ako at napailing. Lakas ata ng imagination ko.

Sa loob ng sinehan, enjoy na enjoy lang kami ni Jester habang kumakain. Kahit may pinagdadaanan, kahit papano ay sumaya ako. Ngayon lang kaya ulit ako nakapag-enjoy. Thanks to this happy, bubbly guy.

"I'm happy you're happy.",sabi bigla ni Jester.

"Thanks to you.",nangingiti ko pa ding sabi nang lingunin sya. Humahalalhak kasi ako.

"Anything for you.",nakangiti nyang sabi.

Napatitig ako sa kanya, ngunit agad din na napaiwas ng tingin. Napakagat ako sa labi. Eto na nga ba ang sinasabi ng pogi kong kuya eh.

Magsasalita pa sana si Jester nang bigla nalang umuga yung upuan nya. Magkatabi kami kaya naramdaman ko din yun. Parang may sumipa nung upuan nya mula sa likod kaya agad kaming napalingon doon.

Madilim kaya wala kami gaanong makita. Pero doon napako ang tingin namin sa lalaki na katapat ng upuan ni Jester na gulat at tulala.

"What?",parang nairitang sabi ni Jester.

"N-Nothing. Sorry man.",sabi nung lalaki. Hindi naman namin sya kilala eh.

Hindi nalang sya pinansin ni Jester at nagpatuloy nalang kami sa panonood.

"Hai naku Jester.",sabi ko habang pilit na kumakalma sa paghalakhak.

Tumawa din sya. Nang magsandal ako sa upuan, naramdaman ko doon yung braso nya na nakahanday pala. Kaya parang naakbay sya sakin.

Naisip ko, baka nangangawit lang sya. So, hinayaan ko nalang.

Nagulat na naman kami nang bigla na namang gumalaw yung upuan ni Jester. Mas malakas yung pagkakauga.

Tinanggal nya yung braso nya sa upuan ko at lumingon sa likod. Lumingon din ako doon.

Wala na yung lalaki kanina. Babae na ang nandoon na mukang nagulat din. Pinasada ko ang tingin ko sa mga katabi nya. Bakante yung isang upuan. Tapos doon sa sunod na upuan, may lalaking nakaupo doon na nakacap at mukang nakajacket. Nagtatali sya ng sintas ng sapatos.

"I-It's not me.",umiiling na sabi noong babae na mukang natakot ata.

"Hayaan mo na.",sabi ko nalang para matapos na.

Napabuntong-hininga si Jester at ibinalik na ang tingin sa screen. Ganundin ako. Nanahimik na si Jester at nakahalukipkip lang na nakaupo sa upuan nya hanggang sa matapos na ang palabas.

"Okay ka lang? Masyado kang nababadtrip dyan eh.",sabi ko paglabas namin ng sinehan.

Napasinghap lang sya at naiiling-iling.

"Chill.",sabi ko.

Napabuntong-hininga lang sya. Naku po naman! Ano ba naman kasing problema doon nung upuan ni Jester at panay ang uga?

Napailing nalang ako at tumingin-tingin sa paligid. Hanggang sa matanaw ko iyong tindahan ng ice cream.

"Ah alam ko na! Halika!",sabi ko at hinigit ang kamay ni Jester at pinagkahila-hila sya papunta doon.

"Dalawa pong cookies n' cream ice cream in cone.",sabi ko. "Eto ang magpapalamig ng ulo mo.",sabi ko.

Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak pa rin pala. Narealize ko kasi bahagyang hinigpitan ni Jester ang hawak doon.

Hindi ako magkaintindihan kung bibitawan ko ba yun o ano. Kung hihigitin ko ang kamay ko. Hindi kaya mabastos ko nun si Jester knowing na...crush ako ng isang 'to?

Halos mapatalon naman ako sa tuwa nang biglang tumunog ang phone ko. Kaya automatic na na napabitaw ako kay Jester para sagutin yun.

"Kuya."

["Asan ka na?"]

"Nandito pa. Wag kang mag-alala. Pauwi na din ako."

["Bilis-bilisan mo ah. Mag-aalasais na."]

"Oo. Akong bahala."

Pagkatapos nun, pinatay na ni kuya ang tawag.

"Kuya talaga. Di manlang nagba-bye muna eh.",nasabi ko habang itinatago ko yung phone ko sa bag.

Napatunghay ako nang matunugan kong tapos nang sandukin yung ice cream namin. Kinuha ko yun at iniabot kay Jester yung isa.

"Libre ko na 'to.",sabi ko sabay abot nanung bayad.

Napangiti naman sya. "Thanks.",sabi nya.

"Welcome. Tara upo tayo.",sabi ko.

Naupo kami doon sa may benches at kumain ng ice cream habang nanonood sa mga nagdaraang tao.

Hanggang sa maya-maya, nakita ko si Bitchany na sumigaw pa ng,

"Brylen!"

"I knew it.",nadinig kong iritadong bulong sa hangin ni Jester.

Napatingin ako sa tinitignan ni Bitchany. At nakita ko si Bryan na tila natulalang nakatingin kay Bitchany.

Hindi ko napigilan ang paggitgit ng ngipin. So totoo nga. May alam talaga ang isang ito. Eh sa sya ang naglabas ng voice scandal na yun eh. Nakasama talaga ng ugali. At kita mo nga naman. Mukang may date pa sila ng ex kong walanghiya.

Nang makaabot kay Bryan si Bitchany at agad itong kumuyabit sa braso nito at humalik pa sa pisngi.

Halos umusok naman ang ilong ko. Kung pwede ko lang ibato yung hawak kong ice cream sa kanila.

"Abby.",tawag ni Jester.

"Huh?",sagot ko habang nakatunganga pa din kayna Bryan.

Kay Bryan actually na inakbayan si Bitchany.

"Yung ice cream mo nagkakayat na.",sabi ni Jester.

Napatingin ako sa kamay ko. Puro tulo na nga ng ice cream.

"Aish.",nareact ko at dali-daling binuksan yung sling bag ko para kumuha ng panyo. Kaso hindi ko naman mahanap.

Naramdaman ko nalang na pinupunasan ni Jester yung kamay ko gamit yung panyo na. Nilipat ko sa kabilang kamay ko yung ice cream ko. Hinayaan ko nalang na punasan nya yung kamay ko kasi hindi ko naman kaya.

Nagpatuloy naman ako sa pagsimot nung ice cream ko habang pinapanood sya.

"Parang bata eh.",nangingiting sabi ni Jester.

"Sorry naman.",sabi ko sabay himod ulit. "Eto naman.",sabi ko sabay lipat nung ice cream ko doon sa nalinisan nyang kamay.

Binigay ko sa kanya yung nakayatan. Napatawa sya at nailing. Pero pinunasan din naman iyon.

"Yung ice cream mo?",tanong ko.

"Ubos na.",sabi nya.

"Ang bilis.",sabi ko.

Nang matapos si Jester sa pagpupunas ay tumunghay na din sya. Hindi ko naman napigilang mapatawa nang makita yung kayat nya sa bibig.

"What?",sabi nya.

"Ikaw ang parang bata eh.",sabi ko.

"Why?",sabi nya.

"Ayan oh. Meron ka pang ice cream sa labi.",sabi ko habang turo-turo yun.

Kinapa nya yung labi nya. Kaso hindi nya matamaan.

"Sige pa. Meron pa.",natatawa kong sabi.

Hinawakan nya yun ulit. Nahawakan nga nya at pinunas kaso lalo namang nagkayat.

"Ako nga!",sabi ko sabay hanggit nung panyo nya. "Ai?",sabi ko nang makapa na basang-basa na yun dahil ipinunas sa kamay ko. Ang bastos ko naman kung ipupunas ko pa sa nguso nya noh?

Kaya binitawan ko nalang at ginamit ang thumb ko para tanggalin yung kayat sa bottom lip nya. Sa gilid lang naman. Natatawa ako kasi sya talaga ang parang bata.

"Abby!"

Napalingon ako sa nagsalita. At nakita ko na papalapit samin si Bitchany na kaladkad si Bryan sa kamay.

Ibinaba ko ang kamay ko mula sa lips ni Jester at nilingon sila. Nadie put yung ngiti ko bigla eh. Kaso hindi ko itinigil ang pagkain ng ice cream. Eh sa magkakayat na naman ako eh.

"Bakit?",malamig kong tanong, sinlamig ng ice cream ko.

"Nagdidate kayo?",nakangisi nyang sabi.

Ayoko na ng plastikan. Nabubwisit talaga ako sa pagmumuka nito.

"Wag mo akong kausapin ah. Hindi ako natutuwa sayo. Naaalibadbadan ako sa boses mo lalo na dyan sa pagmumuka mo. Kaya kung ayaw mong masapak lumayo-layo ka sakin Bethany.",sabi ko sabay subo na ng dulo mung kinakain kong ice cream.

Napalingon ako kay Jester na muntik nang mapatawa.

Tumayo na ako. "Tara na Jester. Baka may mga nguso lang akong mapadugo dito.",sabi ko at nauna na sa paglalakad.

"Bitch!",nadinig kong sigaw ni Bethany.

"Di ko tinatanong pangalan mo!",sigaw ko pabalik.

"Chill.",natatawang sabi ni Jester na inakbayan pa ako.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Give me three minutes."

Napahalakhak sya.











Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 235K 65
His Punishments can kill you
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...