A/N: Sa mga nagtatanong po ng school uniform ng mga students ng Empire Academy, 'yung uniform po ng "Boys over Flowers" ('yung Korean version 2009 ah? Hindi 'yung Japanese na Hana Yori Dango) ang ginamit ko. So, yeah. Hahaha. Enjoy reading~
16TH ROSE || Mission Number 9: Convincing the Pet Lover and Mr. Nice Guy! (Sawada Ryuuji x Mark Viel Montaño)
- MICHELLE SUMASTRE -
"Babae!" nagulat naman ako nung bigla akong tinapik ni Quia sa balikat.
"Quia! Bakit? Bakit ka nanggugulat?!" tanong ko sa kanya habang hinahagod ang dibdib ko. Sa susunod talaga iiwasan ko na talaga ang pag-inom ng kape!
"Ay sorry girl~ ginulat ba kita?" hindi ba halata, Quia? Prsh.
Hinarap naman n'ya sa akin ang upuan n'ya bago umupo sa tapat ko. "Tell me, where did that jerk took you?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya. "Ha?"
Agad namang tumirik ang mga mata n'ya at tumingin sa akin. "What I mean is, where did Price Kurt took you? He just took you away from me yesterday. Where did he took you?"
"Ah, 'yun ba?" napakamot naman ako ng ulo bago itinuloy ang sagot ko. "Sa parang isang studio. Photoshoot. Emergency kasi 'yon dahil nag-back out ang partner n'ya para sa magazine photoshoot n'ya kaya ayun... napasubo akong sumama sa kanya."
"So, how was it?" lumapad naman ang ngiti n'ya.
Nagkibit-balikat naman ako. "Nakakailang sa una tapos kalaunan parang wala lang. Parang normal lang."
"Woah~ ume-experience na si sister ah?" natatawa n'yang sabi.
"Loka. Hindi noh? Hindi ko naman gagawin 'yun kung hindi s'ya nagmakaawa sa'kin."
"Michelle!" napatingin naman kami kay Chantal na nasa may pintuan ng classroom namin mabilis na lumapit sa akin. "Haven't you seen it??"
Kumunot naman ang noo naming dalawa ni Quia. "Ang alin?"
"The magazine!" naghihysterical na sagot n'ya.
"Ano'ng magazine?" nakakunot-noong tanong ko.
"The Etude Magazine! That magazine! Your magazine! It was released today! Look!" agad namang pinakita ni Chantal ang magazine na tinutukoy n'ya.
At kung pwede lang malaglag ang panga ko sa mesa, malamang kanina pa nalaglag iyon.
"Gosh, Michelle Sumastre! Is that you? I mean, is that really you?!" gulat na bulalas ni Quia sabay turo sa magazine. 'Yung cover kasi ng magazine ay 'yung naka-purple gown ako at naka-black and white tuxedo si Price at nakahawak s'ya sa bewang ko habang nakatagilid ang mukha n'ya, it looks like he's taking a glimpse on his back which is the camera. Ako naman ay nakaharap at bahagyang nakadikit ang kaliwang kamay ko sa balikat n'ya at ang kanang kamay ko ay may hawak na red Holland rose.
Ang caption? "Beautiful as a Red Rose"
Ako ba talaga 'yan? Ang ganda naman masyado! Seryoso!
Napakurap-kurap na lamang ako. Wala akong masabi sa sobrang ganda ng cover at sa sobrang gwapo ni Price sa mismong cover. Expected na 'yun dahil model s'ya.
"I can't believe this! You're freaking sexy... and seductive... and hot... and gorgeous!" parang mawawalan na nga ng hininga si Quia matapos n'yang sabihin iyon. "Ah, add the fierce for you two."
"And believe it or not, nag-sold out ang magazine n'yo in just 1 day! Amazing, right? Michelle, it's such a slay! An all-kill in magazine industry!" napa-slow clap naman si Chantal matapos n'yang sabihin iyon.
'Yung mga kaklase naman namin na nakinig sa usapan namin ay panay rin ang kanilang papuri. Ang iba ay nagsisipulan pa at nagpalakpakan rin habang hawak ang magazine ng The Etude. Sobrang namula ang mukha ko dahil sa mga narinig ko kaya panay na lamang ang pagyuko ko na parang intsik habang nagpapasalamat sa kanila.
Natahimik naman kaming lahat nung pumasok si Mr. Ishigawa, ang aming Japanese language professor.
Tumayo naman ako. "Everyone, pay respect."
"Ohayou gozaimasu, Ishigawa-sensei," bati naming lahat.
Tumango naman s'ya. "Ohayou. Alright, get your books and let's have our practice conversation."
Agad naman naming kinuha ang aming mga libro at nagsimula na ang discussion ni Mr. Ishigawa. Nasa kalagitnaan s'ya ng kanyang discussion nung biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang late naming kaklase.
Ang tahimik na si Sawada Ryuuji. Ang pangalawang taong nakilala ko nung first day ko sa Empire Academy at transferee rin katulad ko.
"Sumimasen, Ishigawa-sensei, Watashi wa okuremashita," dispensa n'ya. Gusto ko talaga ang accent ni Ryuuji. Purong Nihonggo s'ya eh. Expected na. [TRANS: I'm sorry, Teacher Ishigawa, I'm late.]
"Daijoubu desu. Jaa, ima anata no isu ni ikimasu," sabi ni Mr. Ishigawa. [TRANS: It's okay. Well, you go to your seat now.]
Yumuko naman si Ryuuji bilang paggalang. "Arigatou gozaimasu, sensei," agad naman s'yang pumunta sa kanyang upuan.
"Okay, since you're now equipt on how to do the proper conversation, let's have a demonstration on how to render conversations in Japanese by using the story, 'Japan My Love'. Jaa..." agad namang napatingin sa aming lahat si Mr. Ishigawa. "Sawada Ryuuji-kun to Michelle Sumastre-san, can you give us a demonstration in front?"
Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. ANO RAW?? DEMO?? Oo medyo nakakaintindi ako ng Japanese pero hindi ako maalam magsalita!
"A-Ano... se-sensei," nauutal kong usal.
"Plus 50 points for today," I tsked. Grabe talaga 'to si sir.
Tumayo naman si Ryuuji at walang ka-imik-imik na pumunta sa harap. Napakamot-ulo na lamang akong pumunta sa harap at bahagyang napatingin kay Ryuuji na tahimik parin. Lumunok naman ako ng tatlong beses.
"You use the scenario at Narita International Airport. Okay, start," sabi ni sir.
Napatingin ako sa libro at bahagyang umawang ang bibig ko dahil medyo nanginginig ako pero dahan-dahan narin akong nakapagsalita. "A-Ano... su-sumimasen! Pasupoto-ga ochimashitayo! (Er, excuse me! You've dropped your passport!)"
"Eh? Aa, domo arigatou gozaimasu. (Eh? Ah, thank you very much.)" sagot ni Ryuuji.
"Dou itashimashite. (you're welcome)," nakaka-nosebleed naman 'to. Mas matindi pa sa English!
"Ano, boku-wa Leo... anata wa? (Er, I'm Leo. You are?)" aniya.
"Watashi wa Mika, Okada Mika desu. Dozo yoroshiku. (I'm Mika, Okada Mika. Nice to meet you.)" sabi ko naman.
"Kochira koso, dozo yoroshiku. (Nice to meet you too.)"
"Watashi wa, korekara rimujin basu ni norun dakedo, anata wa? (I'm taking an airport bus. How about you?)" napatingin ako kay Ryuuji at nagulat ako nung nakatingin lang s'ya sa akin. Hindi n'ya binabasa ang libro n'ya. Pambihira.
Ay, ba't pa ako magugulat? Hapones nga s'ya 'di ba? Bopols ka talaga Michelle.
"Do shiyo? Boku, nihon-wa hajimete nan desu. (What shall I do? This is my first time I've ever come to Japan.)" confident pero walang emosyon n'yang saad.
Napatingin naman agad ako sa kopya ko at tumingin ulit sa kanya. "J-Jaa, issho ni kuru? (Do you want to come with me then?)"
"Domo arigatou," aniya.
"Yosh! Arigatou gozaimasu, Sawada-kun to Sumastre-san. I assume that your classmates already understood how to render conversations in Japanese," sabi ni sir. Agad naman kaming yumuko bilang respeto sa kanya tsaka kami bumalik sa mga upuan namin.
Kumunot naman ang noo ko nung nag-flash ulit ang emosyon ni Ryuuji sa utak ko. Seryoso. Required ba sa mga gwapo ang emotionless, suplado at cold-hearted? Kaloka.
Teka sandali. Agad ko namang kinuha ang notepad ko sa bag at binasa ang listahan ko. Sawada Ryuuji... isa pala s'ya sa natitirang apat na lalaking kukumbinsihin ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa isip.
"S-Sawada!" sigaw ko habang hinahabol ko s'ya palabas ng building. Tinatahak na rin n'ya ang daan papunta sa backyard ng school. Lunch break na kasi namin at chance ko na para kausapin s'ya. "Sawada Ryuuji!"
Huminto naman s'ya at lumingon sa akin. Bahagya namang kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa akin. Humahangos pa ako nung makalapit na ako sa kanya. "Hay salamat, buti nalang naabutan kita!"
"Nanda?" tanong n'ya at napahimulsa naman s'yang tinignan ako.
"Ano..." napakamot naman ako ng ulo bago s'ya tinignan ulit. "Itatanong ko lang sana kung saan ka pupunta?" oo, nakakaintindi s'ya ng tagalog kasi 'di rin s'ya maalam magsalita.
"Why are you asking such?" tanong naman n'ya.
"Itatanong ko kasi kung pwede ka bang sumama sa–"
"I'm busy," agad naman s'yang lumakad palayo sa akin.
"T-Teka, Ryuuji!" agad ko naman s'yang hinabol at hinarangan. "T-Teka lang, Ryuuji. Pakinggan mo muna ako."
Napatingin naman s'ya sa akin. "Why do you want us to go to that Outside School?"
"Eh?" napakurap naman ako sa tanong n'ya. "Ano... kasi..."
"I am just a transferee and it has nothing to do with me. I don't wanna talk to other people or be with people. You better stop following me and force me to go to that Outside School. I am not going," aniya at saka s'ya nagpatuloy sa paglalakad.
Napayuko naman ako at bumuntong hininga. "Katulad mo... transferee rin naman ako rito. Wala rin akong kaibigan gaya mo at masyado akong isolated sa eskwelahang ito kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar. Siguro nga dapat ang gawin ko ay maging loner na lamang at mag-focus sa pag-aaral hanggang sa grumaduate ako sa eskwelahang ito. Hindi ko alam kung bakit n'yo ako in-appoint bilang class president eh hindi n'yo pa ako lubusang kilala. Pero paunti-unti'y naiisip ko na, siguro... may tiwala sila sa akin at sa kaya kong gawin para sa kanilang lahat. Kaya eto ako ngayon, kinukumbinsi kayong sumama sa Outside School. Hindi lang naman 'to dahil sa inutusan lang ako ng homeroom teacher natin kundi dahil gusto ko ring magkasama tayong lahat sa Outside School na ito, ang huling outside school natin bago grumaduate."
Nanatili parin akong nakayuko habang hinihintay ang sagot n'ya. Ilang minuto rin kaming nilamon ng katahimikan kaya nama'y napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko na ata s'ya makukumbinse pa. Hindi ko naman s'ya masisisi eh. Transferee s'ya at wala s'yang masyadong kilala sa school. May pagka-introvert naman kasi ang isang 'to. Hay... aalis nalang siguro ako. Hahanap nalang ako ng ibang makukumbinse.
"Mattaku," napatingin naman agad ako sa kanya.
"Eh?"
Napatingala naman s'ya at bahagyang sinabunutan ang buhok n'ya na parang naguguluhan s'ya at na-fu-frustrate. Problema na naman ng isang 'to.
"Kore wa kubi ni itamidayo," napatingin naman s'ya sa akin. "Jaa, I'll just think about it." [TRANS: This is such a pain on the neck.]
Nangislap naman ang mga mata ko nung marinig koi yon mula sa kanya. "T-Talaga?"
"I'm still thinking about it so don't put some hopes and expectations," nagkibit-balikat naman s'ya at tumungo sa fence ng school.
Kyaah! Ang saya ko! Nakumbinse ko na s'ya! Kahit pinag-iisipan pa n'ya ang tungkol doon, alam kong pumapayag na s'ya! Malakas ang loob ko do'n!
Agad naman akong tumigil sa tahimik kong pagdiriwang nung biglang sumigaw si Ryuuji. Nag-panic naman ako nung marinig s'ya kaya agad ko naman s'yang pinuntahan sa kinaroroonan n'ya.
"Usagi! Usagi-chan! Doko desu ka? Usagi!" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryuuji habang nililibot ang kanyang paningin at naghahanap sa paligid ng lugar.
"Ryuuji, ano'ng nangyari?" agad naman s'yang napatingin sa akin nung nilapitan ko s'ya.
"Usagi... is gone," aniya.
"Ha? Usagi?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
"My pet Usagi... s-she's gone," nag-aalalang sagot ni Ryuuji.
"Ah, 'yung... 'yung rabbit mo?" tumango naman s'ya at agad na naghanap sa buong paligid.
"Usagi! Usagi-chan! Doko desu ka? Watashi wa koko ni aru!" sigaw n'ya sa paligid at agad ulit s'yang nag-ikot sa buong lugar.
Tulala akong nakatingin sa kanya dahil ngayon ko lang s'ya nakitang ganito na sobrang nag-aalala sa nawawalang pet n'ya.
Nilapitan ko naman s'ya at nagtanong. "Saan mo ba huling nakita ang kuneho mo?"
Humihingal naman s'ya dahil sa sobrang pag-aalala. "I usually put her here since I used to store carrots in this backyard for her. This is the first time that she's not here and I am so worried! I shouldn't have bring her here!" nasabunot naman n'ya ang sarili n'ya habang naghahanap sa buong paligid.
Hinawakan ko naman ang braso n'ya para huminto s'ya. "Calm down, Ryuuji. Don't blame yourself. It's the first time that she's not here, right? Maybe she's just wandering around. Just calm down and let's search for her. I'll help you."
Tumango naman s'ya at agad naman kaming naghanap sa buong paligid.
"Usagi! Usagi!" sigaw ko habang naghahanap sa ilalim ng mga bench, damuhan at sa buong paligid ngunit wala akong nakitang kuneho roon. "Usagi~ may dala akong carrot oh? Lumabas ka na~" iniwagayway ko pa ang carrot na dala ko, sa pagbabakasakaling lumabas s'ya pero wala parin. "Hays! Saan ba nagsususuot ang kunehong 'yon?"
Walang kung anu-ano'y may narinig akong tahol ng aso. Hindi basta-bastang tahol iyon dahil parang galit na galit ang asong iyon. Agad ko namang pinuntahan ang lugar kung saan narinig ko ang ingay ng aso at bumungad sa akin ang isang asong nakawala dahil sa kadena nito sa leeg. Nasa ilalim ito ng puno at panay tingala at tahol nito. Tumingala naman ako at nakita ko si Usagi na nanginginig na nakapatong sa sanga ng puno. Marahil ay dahil sa sobrang takot.
"Usagi!" bumaling naman ako sa aso at pilit pinapaalis ito. "Psst! Che! Che! Pahawa dirang iroa ka! Che! Hoy! Che! Hawa!" [TRANS: Psst! Che! Che! Alis d'yang aso ka! Che! Hoy! Che! Alis!] nakaramdam naman ako ng sobrang inis dahil dinedma lang ako ng asong 'yon. Pati ba naman aso ang arte? Bwisit ah?
Agad ko namang kinuha ang sapatos ko at tinapon ko sa kanya, ayun natamaan s'ya sa ulo. "Che!"
Mukhang nagulat naman s'ya sa presensya ko doon at dahil rin sa ginawa kong pagtapon ng sapatos sa kanya kaya agad itong tumakbo palayo. Lumapit naman ako sa puno at tumingala habang nilalahad ang mga kamay ko. "Usagi~ wala na 'yung aso. Halika na, bumaba ka na~"
"Usagi!" nanginginig parin ito kaya mas lalo pa itong sumiksik sa sanga. Napasinghap naman ako nung bahagyang gumalaw ang sanga at muntik na s'yang mahulog. "S-Sandali lang Usagi. 'Wag kang gagalaw ah? Aakyat ako d'yan," agad ko namang hinubad ang sapatos at medyas ko at agad na inakyat ang puno.
Aba, master kaya ako sa pag-akyat ng puno! Lalo na 'pag puno ng mangga!
Nung makarating na ako sa kinaroroonan n'ya ay agad ko naman s'yang inabot ngunit napaatras naman ito palayo sa akin. "U-Usagi, ligtas ka na... halika na, ibababa na kita," pinilit ko parin s'yang abutin kahit umaatras s'ya. Pinilit ko parin s'yang abutin kahit hindi ko na kaya. Tahimik naman akong nagdiwang nung mahawakan ko na ang ribbon n'ya at agad s'yang niyakap. "A-Ayan, ligtas ka na. Ibababa na kita."
Akma na sana akong bababa ngunit biglang naputol ang sangang hinahawakan ko. Waaahhh!!! Mahuhulog kami!!!
Napapikit na lamang ako nang mariin at niyakap nang mahigpit si Usagi. Bahala nang mapilay ako, 'wag lang mamatay dahil sa pagkahulog ang kunehong ito!
Ilang segundo rin ang binilang ko para paghandaan ang masakit na pagbagsak ko ngunit walang ni isang tunog o sakit ang naramdaman ko. P-Patay na ba ako?
"Tinakot mo'ko..." unti-unti namang dumilat ang mga mata ko at halos lumuwa na ang mga ito nung makita ko kung sino ang bumubuhat sa akin at ngayon ay yakap-yakap ako.
Naghahallucinate ba ako o gutom na talaga ako? Si Mark Viel Montaño ba talaga 'tong nasa harap ko?
"M-Mark?" usal ko.
Ngumiti naman s'ya. "Ako nga."
Hindi nga ako naghahallucinate. S'ya nga ang taong buhat-buhat ako. Huhuhuhu. Natakot talaga ako do'n. Mark my labs~ you saved me~
Talandi mo talaga, Michelle. Muntik ka nan gang mapahamak, lumalandi ka pa.
"Michelle-chan? Daijoubu desu ka?" nag-aalalang tanong ni Ryuuji nung binaba na ako ni Mark. Agad naman n'yang hinawakan ang balikat ko at chinicheck ako kung may sugat ba ako.
Tumango naman ako. "Okay lang ako."
"Mattaku. You should have called me when you saw Usagi-chan! Look, your life was in danger because of my selfishness," bumuntong-hininga s'ya. "Gomene, Michelle-chan."
Ngumiti naman ako sa kanya at umiling. "Hindi mo naman kasalanan eh. Tsaka, kahit eto nalang ang magawa ko para sa'yo. Alam ko namang mahal na mahal mo ang alaga mo kaya gagawin ko talaga ang lahat, mailigtas lang s'ya. Eto o, si Usagi," binigay ko naman sa kanya ang kuneho n'ya ngunit imbes na kunin iyon ay niyakap n'ya ako nang mahigpit. "Kuwoi... honto ni kuwoi... gomene, Michelle-chan. Gomenasai..."
Tinapik ko naman ang likod n'ya. "Okay lang ako, Ryuuji... don't apologize. I'm okay."
Humiwalay naman s'ya sa yakap namin at niyakap si Usagi. "You bad, bad Usagi. Don't you ever dare do that again, okay? You made us worried."
"Hindi naman kasalanan ni Usagi 'yon. Natakot lang s'ya do'n sa aso kaya napunta s'ya do'n sa puno," sabi ko.
Yumuko naman si Ryuuji. "Thank you so much, Kaichou. Honto ni arigatou gozaimasu, kaichou."
Kumunot naman ang noo ko. "Ano? Kaichou?"
"Yes, president. It means president," he smiled. Ay sorry naman~ nakakabobo lang talaga ang Nippongo. Hahahaha!
Humarap naman ako kay Mark. "Paano ka napadpad rito?"
"Ako? Ah, si Ryuuji talaga ang una kong nakita. Tinanong ko s'ya kung ano'ng hinahanap n'ya. Sabi n'ya, hinahanap n'yo raw ang alaga n'yang kuneho kaya tumulong na rin ako kaya ayun, nakita kita. Nakita ko nga 'yong ginawa mo sa pagpapaalis do'n sa aso eh. Hahaha," sagot n'ya.
Nanlaki naman ang mata ko at bahagya s'yang pinalo sa braso. "Nakita mo naman pala ako eh, bakit 'di moko tinulungan?"
"Aw! Hahaha. Sorry na class pres, eh kasi gusto kong makita kung paano mo paaalisin 'yung aso eh. Sorry 'di ko napigilan," sabi n'ya habang hinihimas ang braso n'ya. "Pero, natakot talaga ako sa ginawa mo kanina."
Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi n'ya. Shet bess kinikilig ako. "S-Salamat pala, sa pagligtas sa akin. Salamat."
"Ah, by the way Kaichou, what do you want us to do in the Outside School?" tanong ni Ryuuji na ikinalaki ng mga mata ko.
"A-Ano Ryuuji? I-Ibig sabihin ba nito, pumapayag ka na?"
Tumango naman s'ya at ngumiti. "You saved my Usagi. I must give you a token of gratitude. I will be joining the Outsie School."
"Not just him," napatingin naman ako kay Mark na ngayon ay nakangiti naman sa akin. "You don't need to convince me. I will be joining the Outside School too."
Napatutop ako ng bibig at impit na napatili bago sila niyakap nang mahigpit. "Salamat talaga! Salamat! Huhuhuhu!"
"Hahaha, you're so funny Michelle."
"Manahimik ka d'yan Mark! 'Di mo ko tinulungan sa aso."
"Hahahaha. Sorry na class pres~"
"Hmph!"
"Mabait naman ako class pres eh~"
"Hindi ka mabait! Inaway mo ako!"
"Shoganai~ hahahaha."
"Pati ba naman ikaw, Ryuuji? Sapakin ko kaya kayong dalawa!"
"Hahahahahaha!"
"Tawa pa kayo d'yan. Che."
"Shokujini ikimashouka? I'm hungry."
"Sige! Tara! Tara!"
"Matakaw talaga 'tong si class pres."
"Hindi ah? Grabe s'ya~"
Day 11. Week 2. 16 down, 2 boys to go.
A/N: Annyeong Hasseo, Chingu! Konnichiwa, Minna-san! Sorry for the very slow update. Kinda busy~ kekekeke. And sorry if this UD is kinda awkward and spoil. I'm kinda stressed and sick and writer's block is friggin' on me. Hahahaha. As I promise, I updated a kinda long chapter! Hahaha! Anyways, thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Thank you so much XIELOs~ enjoy reading~ and Happy Holy Week everyone. Let's reflect, change, pray and remember God's sacrifices for us. ^O^