Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 54 Abby's Resignation

75 2 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 54 💕 Abby's Resignation

Lunch time na. Kaso wala pa din si Bryan. Paano kasi, inexcuse sya ni Coach sa basketball para tignan yung performance ng mga new recruit sa team. At hanggang ngayon, di pa din sya nakakabalik.

Kaya heto, mag-isa ako na naglalakad papunta sa benches. Itinext ko na din si Chloe at Ingrid na sa kanila kami sasabay today.

Halos mapuno ang corridor dahil sa dami ng nakatambay na mga estudyante.

"Ui sandali!",sigaw ng isang lalaki na mabilis na tumatakbo at binibiak ang daan sa corridor. At dahil sa kakamadali nya, nabunggo nya ako bigla, dahilan para magtalsikan yung mga gamit ko. "Sorry miss!",sigaw nya.

Napabuntong-hininga nalang ako at pinulot na agad isa-isa yung mga gamit ko. May mga tumulong naman. Kaso mas marami yung mga walang pakealam at tapak-tapakan lang yung mga gamit ko.

Last na libro ko nang nahulog ang pupulutin ko nang bigla akong makarinig nang matinis na tunog na tila irit mula doon sa speakers ng school. Napadaing din yung ibang mga estudyante. May iaannounce ata. Yung speakers kasi na yun, nakakabit at nakakalat sa iba't ibang parte ng campus. Kada classroom meron din. Kaya kapag may sinabi o pinatunog sa mike na nandoon sa music studio, madidinig ng buong Patterson University.

Mabilis kong pinulot ang libro ko at nagsimula na muling maglakad.

"Iplay mo na!",sigaw ng maarteng boses sa speakers. Nagsimula na agad ang bulung-bulungan sa paligid. Sino pa nga ba ang may-ari ng nakakatuliling boses na yun? Edi si Bethany. Bethany the bitch.

Napailing ako at naglakad lang. Ano namang ginagawa ng babae na yun sa music studio? At ano na naman ang balak nyang ibida?

("Si Abby?")

Automatic akong napahinto sa narinig kong boses sa speaker.

("Yes Bryan. Si Abby. I am asking you if you even like her.")

Chloe? Ano 'to?

("Chloe, alam mo ang sagot sa tanong mong 'yan.")

Napakagat ako sa labi.

("Come on Bryan! Just answer it.")

("No. Of course not.")

Pakiramdam ko, biglang nahinto ang paghinga ko sa narinig ko. Ramdam ko ang mga tingin sakin ng mga tao sa paligid. At gustuhin ko man na umalis sa pwesto ko, hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Ano 'tong naririnig ko ngayon? Kelan pa 'to? Bakit si Bryan...si Chloe...

("Then bakit sya?!") -Chloe

("Dahil sya ang pinakamadaling paraan Chloe!") -Bryan

("So you are just using her?") -Chloe

Napapikit ako nang madiin. Napahawak nang mahigpit sa mga bitbit kong libro.

("Exactly.")

Mabilis na tumulo ang maiinit na luha mula sa pisngi ko. Narinig ko na ang pagsisimula ng bulungan sa paligid.

("Bryan alam mo ang nararamdaman nya para sayo.") -Chloe

Naramdaman ko ang pagriring ng phone ko sa bulsa ko. Pero wala ako sa wisyo na sagutin iyon, kahit sino pa man ang tunatawag. Wala ako sa wisyo na gumawa ng anuman kasi kasalukuyan akong ibinabaon sa sakit ng katotohanan.

("Kaya nga. At kaya nga sya ang napili ko. Did you see how desperate that bestfriend of yours is? I'm sure kapag inalok ko sya na maging girlfriend, ikatutuwa nya at papayag sya agad. Agad-agad. So we don't have to wait any longer. Magkakaroon na tayo agad ng solusyon sa problema natin.")

Nakapikit lang ako nang mariin. Hindi mapigil ang paghikbi. Napatakip ako ng palad sa bibig para pigilan ang paghagulgol. Si Bryan...niloloko ako ni Bryan. All this time ginagamit nya lang ako. At ang mas masakit? Kasabwat nya ang isa sa mga bestfriend ko. Si Chloe! Alam ni Chloe pero hindi nya sinabi. Hinayaan nya akong magmukang tanga!

("After all of this is settled, as easy as how I got her, is how I'll dump her. Simple plan Chloe. Makukuha natin ang gusto natin.") -Bryan

("Pero Bryan, bestfriend ko si Abby.") -Chloe

("We have no choice! Ano ba? Gusto mo ba talagang mahiwalay kay...") -Bryan

("Ayoko Bryan! Kaya oo! Sige. Pumapayag na ako. Gagamitin natin si Abby.") -Chloe

Hindi ko na napigilan. Tuluyan na akong napahagulgol. Napakapit ako sa bakal na nasa corridors para alalayan ang sarili ko na huwag bumagsak.

Tangina ang sakit. Sobrang sakit!

"Abby!"

Mumulat ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Natanaw ko si Bryan na nakikipagsiksikan sa mga estudyante para makadaan. Kasama nya si Dean, si Chanz. Gayundin sina Chloe at Ingrid na mapulang-mapula ang mga mata dahil sa pag-iyak.

Kahit nanghihina, bumitaw ako sa kinakapitan kong bakal. Dahilan para kamuntikan pa akong matumba. Ramdam na ramdam ko ang napakaraming mata na nakatingin sakin. Pero hindi na ako nag-atubili pa. Sinalubong ko ang umpok ng mga estudyante. Tumakbo ako, walang pakealam sa mga nababangga. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha pero wala pa rin akong tigil.

Nadidinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko mula sa likod. Pero wala akong pakealam. Tinakbo ko ang corridors. Bumaba ako ng hagdan nang walang paghinto hanggang sa marating ko ang women's comfort room. Binuksan ko yun. Dalawang babae ang nasalubong kong palabas na habol ang tingin sakin.

"Get the hell out of here!",sigaw ko na agad na nagpabilis sa kanila sa paglabas.

Matapos ay dali-dali akong pumasok sa c.r. Naibagsak ko pa yung pinto bago ito ilock. Napasandal nalang ako sa pintuan. Nabitawan ko yung mga libro ko. Napahagulgol na ako lalo. Hindi ko mapigilan ang pagpadyak at pagsabunot sa sarili ko.

Ang sakit maloko. Sobrang sakit maloko. Bestfriend ko, boyfriend ko. Mga walanghiya!

"Mga walanghiya.",naibulong ko sa hangin habang patuloy pa din sa paglalabas ng wala na atang katapusang mga luha.

Anong karapatan nila na gawin sakin 'to? Na gamitin ako para sa mga problema nila! Na pagmukain akong tanga para lang maayos ang mga issues nila? Anong karapatan nila na isugal yung damdamin ko para sa isang bagay na wala naman akong kinalaman? At ang pinakamasakit na parte, dalawa sila sa itinuring kong pinakamahahalagang tao sa buong buhay ko!

"Babe...Abby..."

Napapikit akong muli nang madinig ang boses ni Bryan sa labas ng pinto ng c.r.

"Baby please. Hayaan na muna natin silang mag-usap ni Brylen.",sabi ni Dean.

"Hindi! I want to explain to Abby, Dean.",sabi ni Chloe.

"Baby please! You have to calm down.",sabi ni Dean.

"Tama sya Chloe. Bigyan muna natin ng panahon na magkausap sina Bryan at Abby.",sabi ni Ingrid.

"Abby. Please talk to me.",sabi ni Bryan.

Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Ayaw ko silang harapin. Pero gusto ko nang marinig ang lahat. Ngayon na! Dahil kung masasaktan man ako, gusto ko isang bagsakan nalang!

Napakagat ako sa labi at pinulot yung mga libro ko. Matapos ay mabilis na binuksan ang pinto.

Napalingon sina Chloe na paalis na sana.

"Abby!",sabi ni Chloe na palapit sana sakin.

"Wag kang lalapit.",mariin kong sabi.

Napahikbi sya at nagsimula na muling umiyak. Niyakap sya ni Dean. Ibinaling ko ang paningin ko kay Bryan na nakatayo sa harap ko na mayroong bigong ekspresyon. Sobrang pungay ng mga mata nya. Pawis na pawis sya.

"Babe---"

"Sabihin mo na agad Bryan! Sabihin mo na agad!",sigaw ko.

Bumukang muli yung bibig nya. Pero walang lumabas sa salita. Napailing lang sya. Muli yung bumuka, pero wala pa din.
Nakatitig ako sa kanya sa matalim na mga mata. Napabuntong-hininga sya at hinila ako sa braso. Niyakap nya ako nang mahigpit.

"Abby...hindi ko alam kung saan magsisimula.",nanginginig at halos pabulong na nyang sabi.

Napakagat ako sa labi at buong lakas syang itinulak. Mabilis din ang paglagapak ng palad ko sa kaliwa nyang pisngi na ikinagulat ng lahat ng nakakakita.

"Hindi mo kayang simulan ang paliwanag?! Pero napakabilis nyong nakapagdesisyon na paglaruan ako!",sigaw ko.

Nag-igting ang bagang ni Bryan.

"Hindi mo kayang ipaliwanag? Pwes ikaw ang tatanungin ko Chloe! Baka ikaw kaya mong ipaliwanag.",nanginginig sa galit kong sabi nang humarap kay Chloe na halatang tensyonado.

Hindi sya makapagsalita. Nakatitig lang sya sakin at patuloy sa pag-iyak.

"Chloe bakit? Akala ko kaibigan kita.",nanghihina ko nang sabi.

"Abby sorry. Kasi...kasi..."

"Kasi paghihiwalayin kayo. Kayo ni Dean.",dugtong ko sabay tingin kay Dean. Nag-iwas ng tingin si Dean.

Nag-angat ng tingin sakin si Chloe. Pero hindi sa mismong mga mata ko.

"Sinabi ni Mommy na kung magkakaboyfriend ako dito sa Pinas, pababalikin ako ng U.S."

I know that.

"But you know, I play with boys. At hindi totoo yung dahilan na gusto ko lang asarin si Mommy. The real thing here is...I want to keep Dean a secret. Ayoko na maghinala sila na meron akong sineseryoso. Ayoko na malaman nila, tapos paghiwalayin kaming dalawa."

At anong kinalaman ko sa relasyon nila? Parang nabasa ang nasa isip ko, nagsalita si Chloe.

"Pero isang araw, nalaman ko din yung tunay na dahilan ni Mommy kung bakit ako bawal magboyfriend. It was because...nakaarrange marriage ako."

Lalong nanikip ang dibdib ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Bryan. Hindi kaya...

"Nakaarrange marriage ako kay Bryan.",dugtong ni Chloe.

Magsasalita pa sana sya pero itinaas ko yung palad ko para senyasan ang pananahimik nya. Wala sa sarili akong napatango.

"At para hindi matuloy yung arrange marriage, nagpanggap ka Bryan na may girlfriend. At ikaw Chloe, naghihintay ka ng pagkakataon na masira ang arrange marriage para maamin sa pamilya mo si Dean at hindi na kayo paghiwalayin. Samantalang si Bryan syempre, magiging malaya na sa buhay. It is a win-win situation for the both of you, tama ba?",pagtatapos ko.

Walang nakaimik sa kanila parehas. Napatawa ako. Napatawa ako habang mas lalong bumubuhos ang mga luha.

"Ang galing ko diba? Ang talino ko! Napagdugsong-dugsong ko agad!",sabi ko habang pumapalakpak pa. "Pero ang sama lang kasi nahuli ako! Nahuli ako..."

"Abby we're really sorry.",sabi ni Dean.

Napasinghap ako sa sinabi ni Dean.

"Alam nyo Dean, sa totoo lang, willing naman sana akong tumulong sa sitwasyon nyo. Bestfriend ko si Chloe eh. Kaibigan kita. Kung sinabi nyo lang sana. Hindi yung ganito. Yung nagsinungaling kayo. Pinaglaruan nyo ako. Pinagmukang tanga at uto-uto. Pinaasa. Kaya eto. Para akong dinikdik sa sobrang sakit. Sobra!",mariin kong sambit.

"Abby, I'm sorry.",nadinig kong sabi ni Bryan. Napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Sorry Bryan? Anong magagawa ng sorry mo? Nasaktan na ako! At ang mas masakit, yung umasa ako sa pagmamahal na akala ko bukal dyan sa kalooban mo!",sambit ko kasabay ng pagduro sa dibdib ni Bryan. "Ang sakit-sakit-sakit na pagkatapos ng lahat ng napagdaanan natin, malalaman ko nalang na lahat ng ipinakita mo, isang malaking kasinungalingan!"

"Abby no. I love you. It's true.",giit nya. At ang sagot ko, isa muling malakas na sampal.

"Stop saying that Bryan! Ayokong marinig! Tama na yung lahat-lahat ng kasinungalingan nyo. Tama na! Wag mo nang dagdagan pa, please. Kasi alam mo, yang mga salitang yan ang mismong naging dahilan ng pagkadurog ko ngayon. Yang mga salitang yan ang naging ugat ng lahat ng hapdi. Bryan mahal kita. Oo mahal kita! Kaya nga halos mabaliw na ata ako sa sakit ngayon eh. Pero kung akala mo na gagaan yung pakiramdam ko dahil sa mga salitang yan, pwes Bryan nagkakamali ka. Kasi simula sa araw na 'to, sa palagay ko, wala na akong ni isang salita na paniniwalaan na manggagaling sa bibig mo!"

Napansin ko ang panginginig ng mga labi ni Bryan. Hindi sya mapakali. Tila hindi nya malaman ang mga salitang dapat bitawan.

"Mahal kita Abby. Please believe me.",samo nya habang hinahawakan ako sa magkabilang braso. Agad akong nagpumiglas.

"Manloloko ka Bryan! Manloloko ka! Ayoko sayo! Ayoko sayo!...",paulit-ulit kong sigaw habang hinahampas sya sa dibdib at balikat nang sobrang lakas. "Ang sakit Bryan! Ang sakit-sakit!!!"

"Abby if you'll just let me explain.",sabi nya.

"I am letting you explain Bryan!",halos isigaw ko sa kanya. "Pero hindi nyo magawang ibigay yung eksplenasyon na hinihingi ko! Paano nyo 'to nagawa sakin?!"

Patuloy ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Pero hindi ako huminto sa pagpapaulan ng mga suntok sa dibdib at braso nya. Hindi sya kumibo.

"Ang tanga-tanga ko. Napakatanga ko kasi naniwala ako sa katulad mo!"

Yan na yung huli kong nasbit nang wala sa sarili kong ibato sa kanya yung hard bound kong libro na kanina ay bitbit. Waring hindi nya yun inasahan kaya wala syang nagawa nang makawala ito sa mga kamay ko, at tumama sa kanyang bibig na naging sanhi ng pagdurugo nito.

"Tangina!"

Halos malaglag ang puso ko sa biglaang nasaksihan. Hindi ko inasahan ang biglang pagsugod ni kuya. Tumatakbo syang dumating at nang makalapit kay Bryan ay agad itong binigyan ng napakalakas na suntok sa labi, sanhi ng pagtalsik nya sa sahig.

"Tangina mo Brylen!",sigaw ni kuya na namumula na sa galit habang hawak sa kwelyo si Bryan. Hinila nya ito patayo.

"Kuya!",pag-awat ko habang hinihila sya sa braso.

Nakatayo na si Bryan. Pero nanginginig pa din si kuya habang hawak sa kwelyo si Bryan. Si Bryan na lalong dumugo ang mga labi. Kahit hawak ko na si kuya, hindi ko napigil nang magpumiglas sya at muling suntukin si Bryan.

"Kuya!!!"

"Seam enough!",saway ni Koden habang inaawat nila ni Chanz si Kuya. Inalalayan ni Dean si Bryan na muling makatayo.

"Ano? Paano mo 'to ipapaliwanag?! Gago ka! Hinayaan kong maging kayo ni Abby kasi sabi mo mahal mo! Pero ano 'to ha?! Tangina ka talaga!",sigaw ni kuya habang pilit na nagpupumiglas sa hawak nina Koden at Chanz.

Hinigit ni Bryan yung braso nya kay Dean at nagpunas ng dugo sa labi.

"I-I'm sorry.",tanging nasabi nya.

Suminghap si kuya.

"Sorry?! Sorry Brylen? Isaksak mo sa baga mo yang sorry mo. Damn you!"

"Kuya tama na.",halos magmakaawa ko nang sabi habang yakap na si kuya sa bewang mula sa likod.

"Abby please. Give me chance to explain. Please babe. Please...",halos magmakaawa na lalong sambit ni Bryan.

Kumalas ako kay kuya at paulit-ulit na napailing.

"Ano pa bang ipapaliwanag mo? Malinaw yung mga narinig ko Bryan! Malinaw na malinaw. Naiintindihan ko na ngayon. Malinaw na sakin na lahat ng meron tayo, palabas! Kasinungalingan! Kaya Bryan, siguro naman kaya nyo na noh? Kaya nyo na kahit wala ako sa inyo..."

"Abby no!",mabilis nyang giit.

Napapikit ako nang madiin at napakagat sa labi.

"I am breaking---"

"Ayoko! Abby hindi!",halos isigaw nya at nagtangka pang lumapit sakin pero agad syang itinulak sa dibdib ni kuya.

"I am breaking up with you."

Napabuntong-hininga si Bryan. Paulit-ulit syang napailing na wari bang binubura sa isip ang mga binitawan kong salita. Huminga ako ng malalim at saglit na pinigil ang mga luha ko.

"Wag kang umarte na parang nasasaktan ka Bryan. Alam ko na wala lang 'to sayo. Kasi hindi mo naman ako mahal diba? Ginamit mo lang ako. Pinaikot. Pero sana lang sinabi mo na aacting pala ako. Para naman nagawa ko nang maayos diba? Pero ngayon, sorry. Ang sakit pala kasi. Kaya please, hanap ka nalang ng iba. Ayoko na Bryan eh...I resign."

"Abby!",sambit nya at muli sanang hahakbang palapit kundi lang hinigit ni kuya ang kamay ko.

"Let's go.",sabi nya.

Sunod-sunod pang luha ang napakawalan ko habang nakatitig sa mga mata ni Bryan. Binalingan ko din si Chloe at Dean. Matapos, wala na akong nasabi pa nang kaladkadin ako ni kuya palayo doon.













Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
6.4M 350K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."