12TH ROSE || Mission Number 5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)
- MICHELLE SUMASTRE -
"Haaaay salamaaaaat!" sinampa ko agad ang likod ko sa aking kama at masayang niyakap ang unan ko. Linggo na rin sa wakas at makakapagpahinga na ako!
Tapos bukas, Lunes na naman. At magpapatuloy na naman ako sa pagkumbinsi ng natitirang sampung lalaking 'yon. Hay! Bakit ba kasi ayaw nilang sumama lahat eh pwede naman 'yun?
Tapos idadahilan na naman nila na dahil sa business or tinatamad lang sila. Prsh.
Humikab muna ako at bahagyang uminat. "Napagod ako sa pagtulong ko kina Tyrone at Errol tapos napagod pa ako sa pagtatrabaho sa restaurant simula kahapon. Iidlip nalang muna ako," hinarap ko naman 'yung right side ko, niyakap ang unan at pinikit ang mga mata ko.
Nang tuluyan na akong nakatulog ay bigla nalang akong napa-pitlag nung nag-vibrate ang cellphone ko sa side table. Masyado kasing malakas kaya nagising ako. Kinapa ko naman ang cellphone ko habang nakapikit ang mga mata ko. Nang mahawakan ko na ito ay agad kong tinignan ang screen. "Unregistered number?" luh? Sino kaya itong Poncio Pilatong ito at sobrang istorbo naman sa tulog ng isang 'to?
Bumangon naman ako at umupo sa kama tsaka sinagot ang tawag. "Hello, sino 'to?"
"Class pres, this is Kai!" sagot ng tumawag sa kabilang linya.
"Ha? Sino ka?" kumunot naman ang ulo ko dahil hindi ko masyadong marinig ang boses n'ya.
"This is Kai, class pres. Kaizzer Ariel Roberts!"
Agad naman akong napatingin sa screen ng cellphone ko tsaka ko s'ya kinausap ulit. "Ikaw 'to, Kai? Paano mo nakuha ang number ko?"
"Hiningi ko kay Quia. Nahirapan nga akong kunin ang number mo sa kanya eh. Kailangan talaga kitang makausap," aniya.
"O, eh, ano'ng kailangan mo ba?" napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa sobrang antok.
"I badly need your help, class pres. Can you meet me? Please help me. Please save me," pakiusap n'ya.
Lumingon-lingon ako sa paligid ng park kung saan ko kikitain si Kai. Balak n'ya sanang puntahan ako sa bahay pero hindi ako pumayag. Mahirap na baka mabuko pa ako. Huhuhu.
"Class pres! Here!" napatingin naman ako sa lalaking naka-shades na kumakaway malapit sa isang magara at makintab na kotse. Sa tindig palang n'ya, masasabi mo nang si Kai nga iyon.
Agad naman akong lumapit sa kanya at tinanggal naman n'ya ang shades n'ya. Aaminin ko, gwapo naman s'ya. Kaso, 'di ko s'ya tipo. Masyadong mapaglaro sa babae ang isang 'to. "Thank God, you met me here," akma na sana s'yang makikipagbes-beso sa'kin pero agad ko naman s'yang pinigilan.
"'Wag ka nang makipagbeso-beso. Sapat na ang hi at hello," sabi ko.
Kumunot naman ang noo n'ya. "Allergic ka ba sa'kin, class pres? Gwapo naman ako ah?"
"Naaalibadbaran ako sa'yo eh," sabi ko. "Nga pala, ano bang kailangan mo at napatawag ka sa'kin?"
Mula sa pagkamasayahin ng mukha n'ya ay napalitan ng nag-aalalang ekspresyon. Napapitlag naman ako nung bigla n'yang hawakan ang magkabilang braso ko. "Class pres, I don't know someone who can help me except you. I badly need your help!"
"E-Eh? T-Teka, Kai, ano ba kasi 'yon?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
Huminga muna s'ya nang malalim bago ako tinignan. "Be my girlfriend."
Wala sa oras ko s'yang naitulak palayo sa akin. "EHH?? ANO'NG SABI MO?? AKO MAGIGING GIRLFRIEND MO?? NAKA-DRUGS KA BA??"
He facepalmed. "Ah, sorry. I said it wrong. What I mean is, please pretend as my girlfriend, my date just for tonight."
"Ha? Bakit? Ano bang meron mamayang gabi? Tsaka, isa pa, bakit ako? Bakit kailangan pa akong magpanggap na girlfriend para sa'yo?" tanong ko.
Bumuntong-hininga s'ya. "My mom and dad set an arrange marriage for me and their business partner's daughter. And I don't want that dahil bukod sa hindi ko type ang babaeng 'yun, ayokong magkaroon ng instant fiancée! Ayokong matali nang maaga!"
"Hindi mo type ang babae at ayaw mong matali nang maaga?"
"Yes. Masyadong maarte, OA, choosy at feeling maganda ang babaeng 'yun! She's too ridiculous for me!" naghi-hysterical n'yang saad.
Para namang 'di s'ya choosy sa lagay na 'yan. Prsh. "And besides, I don't wanna have a serious relationship now. At para hindi matuloy ang arrange marriage na 'yun, I must introduce a so-called girlfriend for them. That's why I did my best to contact you."
"Teka nga muna, bakit ako? Ang dami namang babaeng umaaligid sa'yo at nilalandi mo tas sa akin ka humihingi ng pabor?" ang dami mong babae tas ako ang trip mo? Ano 'yun?
"Kung ang mga flings ko ang gagamitin ko, mas lalo akong hindi paniniwalaan ng parents ko. Look, kung ikaw ang gagamitin ko at ipapakilala sa kanila na girlfriend ko, they will not doubt you. That face, that look, that move, the way you speak, that appearance... they will definitely believe me kung ikaw ang gagamitin ko. So please, Michelle, class pres, be my date just for tonight... please?" pagsusumamo n'ya.
Napakurap naman ako sa sinabi n'ya. Kalauna'y umiling agad ako. "Ay, Kaizzer tigilan mo'ko ah? Ayoko! Baka matuluyan ako d'yan! Basta ayoko! Maghanap ka nalang ng iba," sabi ko sabay talikod at lumakad palayo sa kanya.
"If you'll agree to be my date, I will go to that Outside School," agad naman akong natigilan sa sinabi n'ya at tinignan s'ya. "Kung papayag kang magpanggap na girlfriend ko, sasama ako sa Outside School."
"Binablackmail mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"No, we're just helping each other," he gave me a cunning smile. Tuso talaga.
Bumuntong hininga na lamang ako. "Sige, papayag na ako. Pero, ngayong gabi lang ah? NGAYONG GABI LANG. PERIOD. At dahil pumayag na ako, sasama ka sa'min sa Outside School."
He smiled brilliantly. "Deal."
"O, sige na, aalis na ako. Mamaya nalang tayo magkita," akma na sana akong aalis pero biglang hinawakan ni Kai ang kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Where do you think you're going?" tanong n'ya na ikinakunot naman ng noo ko.
"Uuwi. Sabi mo mamayang gabi pa, 'di ba?" aniko.
Umiling s'ya. "You're coming with me," pangiti naman n'ya akong hinila papunta sa mamahalin n'yang kotse.
"HO-HOY TEKA! SA'N TAYO PUPUNTA?!" tanong ko agad sa kanya habang pinapasok n'ya ako sa kotse n'ya.
"Just keep quiet, okay? Malalaman mo rin we we got there," he smiled as he drove away the car.
"Nah-uh. Not the green. Fit another one," napakamot naman ako ng ulo matapos kong ipakita sa kanya ang damit na sinusuot ko. Nandito kasi kami sa isang mamahaling boutique kung saan parte ng pag-aari nilang mall. OO, may pag-aari silang mall. Kaloka nga eh. Ang yaman pala talaga ng mga 'to.
"Oo na," bumalik ako sa fitting room at nagsukat ulit ng bago. This time, pink cocktail dress naman. Mga cocktail dresses kasi ang pinasukat n'ya sa akin eh.
"No, not that. You look like a brat."
"Nah-uh. Not that."
"No."
"Not that."
"Not that."
"Not that."
"Not that."
"Not that."
"Not that."
"Big no."
Nakaramdam na ako ng sobrang inis sa kanya dahil nakailang sukat na ako ng damit at nakailang balik na ako sa fitting room pero lahat naman ni-re-reject n'ya.
This time, lumabas ako sa fitting room na suot ang isang yellow cocktail dress at aaminin ko, lahat ng mga damit na naisukat ko ay magaganda. Pero... bakit n'ya nire-reject? Hindi ba talaga ako bagay magsuot ng ganito?
"O, ano na naman? Ayaw mo parin nito? Tsk. Sige, babalik na ako sa loob."
"Sino'ng maysabing ayoko n'yan?" napatingin agad ako sa kanya matapos n'yang sabihin iyon.
"Eh?"
Tumango s'ya. "I want that. You're pretty in that dress. Let's take it."
Bumuntong hininga naman ako. Hay salamat naman at nakapag-decide na rin s'ya sa wakas. Tumango naman ako at lumakad pabalik sa fitting room pero agad naman n'yang hinawakan ang braso ko.
"Where do you think you're going?" he frowned.
"Magbibihis na. Bakit?" tanong ko.
"No, okay na 'yan. Babayaran na natin 'yan. Suot mo 'to," binigyan naman n'ya ako ng silver stilletos at agad na pumunta sa counter. Bumuntong hininga na lamang ako at tinignan ang presyo ng sapatos na iyon at halos maitapon ko ito nang wala sa oras dahil sa pagkalula ko sa presyo.
Sa'n ka ba makakakita ng 50,000 Php stilletos?! May ginto ba ang sapatos na ito kaya ganito ka-mahal?!
Tinignan ko rin ang presyo ng damit at...
SERYOSO?! 550,000 Php?! Ano ba namang klaseng damit 'to?!
"Let's go?" nabalik naman ako sa realidad nung lumapit sa akin si Kai.
"H-Ha? A-Ah, oo, si-sige..." sabi ko sabay suot ng stilletos at agad naman n'ya akong hinila papunta sa boutique na iyon at lumipat sa salon.
At kung inabot kami ng dalawang oras para mamili ng damit, inabot naman kami ng tatlong oras sa pag-aayos. Jusko lang. Iniwan pa n'ya akong mag-isa sa parlor dahil bumalik s'ya sa boutique para magbihis.
Nung matapos ako ay tahimik lang akong nakaupo at nanatili sa salon na iyon.
"Is she done?"
"Yes, sir! Perfect timing!" pagkarinig ko ng boses n'ya ay agad namang akong lumingon sa kanya.
"Kai!" agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Eto namang isang 'to ay natulala sa hindi malamang dahilan kaya agad namang kumunot ang noo ko. "Huy! Okay ka lang?"
"Eh?"
"Muntanga ka d'yan. Pangit ba ang kinalabasan ng mukha ko?" tanong ko.
"N-No... you're... you're..."
"You're girlfriend is too gorgeous, sir!" singit nung baklang umayos sa akin.
Ngumiti naman si Kai. "Yes, she's gorgeous," agad naman n'yang pinakita ang braso n'ya. "Let's go?"
Lumunok naman ako at hinawakan ko ang braso niya.
"Ready?" pangiting tanong n'ya.
Tumango naman ako at lumabas na kami ng parlor na iyon.
"Brr... kinakabahan ako," bulong ko sa sarili ko habang kinikiskis ang dalawang palad ko. Andito kasi kami sa mansyon ni Kaizzer. Dito kasi ginanap ang party na sinasabi n'ya.
Naramdaman ko namang tumingin sa akin si Kaizzer at ngumiti. "Don't be nervous, I'm here," agad naman n'yang kinuha ang kamay ko at nilagay iyon sa braso n'ya. "Just keep yourself calm. They're here."
Halos mangatog ang buong kalamnan ko nung naglakad kaming dalawa palapit do'n sa dalawang pares ng tao na kinakausap ang mga bisita nila. Eto na marahil ang mga magulang n'ya. Haah! Tabang mga langit! Huhuhu.
"Mom, dad..." mas lalo pa akong nanginig nung tawagin ni Kai ang parents n'ya at agad namang napatingin sa amin ang mga ito. Ang papa n'ya, kahit may edad na ay makikita ko parin ang kakisigan nito. Ganun din ang mama n'ya, parang may youth elixir ang mama n'ya dahil ang bata at ang sexy parin tignan nito. Pero makikita mo talaga sa personalidad nila ang professionalism at karangyaan.
"Oh~ Kaizzer, our unico hijo~" agad namang bumeso si Kai sa kanyang mama at papa.
"Who is this beautiful young lady beside you?" tanong ng erpat n'ya. Ansaveh sa beautiful young lady n'ya?
Agad namang hinapit ni Kai ang bewang ko at nakangiting tumingin sa mama at papa n'ya. "Mom, dad, I'd like you to meet Michelle, my girlfriend."
Agad namang napatitig sa akin ang mama at papa n'ya. SHET. PINAGPAPAWISAN NA AKO NG MALAMIG!
"Oh, my. She's so elegant and beautiful," his mom smiled in amazement.
"Just like you, darling," nagtawanan naman ang mama at papa ni Kai.
Huminga ako nang malalim bago sila binati. "Hello, Mr. and Mrs. Roberts..." bumeso ako sa mama at papa ni Kai at ngumiti. "You're so gorgeous, madame. And you're so handsome, monsieur."
"Oh, sweet thing, you're so polite. Hindi na ako magtataka kung bakit na-inlove sa'yo ang anak ko." SHETE. Ang awkward pakinggan ng "na-inlove" mula sa mga magulang n'ya.
"What's your name, Miss?" tanong ng papa n'ya.
"I'm Michelle Sumastre, sir," kaswal at kalmado kong sagot sa kanya.
"What's your parents' work? I mean, what's your business?" halos mawala ang boses ko sa tanong n'ya. Hindi naman pasmado ang kamay ko pero ramdam ko ang pamamawis ng mga ito. Bess, KELANGAN PA BANG ITANONG 'YUN?!?!
"Hey, darling, you're pressuring our son's girlfriend," saway ng mama ni Kai.
"I just wanna know her background, darling."
Huminga ako nang malalim at ningitian ko sila ng isang praktisadong ngiti. "My dad owns a five star hotel and restaurant and my mom is in the clothing line industry," paita jud ning magbinotbot uy! Murag masunog akong dila!
"Oh, I see. It's interesting," napatingin naman sila kay Kaizzer. "You're good at choosing a woman to be your love, dear son."
"Of course mom," nagulat naman ako nung biglang hinalikan ni Kai ang pisngi ko at kumindat sa akin. Gusto ko s'yang gulpihin sa ginawa n'ya pero 'di ko ginawa dahil ayokong mabisto kami.
Pero shet! Sexual harassment 'yun! Bwisit talaga ang babaerong ito!
"Madame, sir, your business partners from China are here now," sabi nung isang lalaki sa kanila.
"Oh, really?" agad namang umalis ang papa ni Kai para puntahan ang mga bisita nila.
"I'll talk to them first. Take care of your girlfriend, okay?" agad namang napatingin sa akin ang mama ni Kai. "Enjoy the party, sweety, okay?"
Naiilang naman akong tumango. "Y-Yes, madame."
"Ohoho~ just call me tita, sweety," bumeso ulit ang mama ni Kai sa akin bago umalis.
Agad namang bumagsak ang mga balikat namin ni Kai at nakahinga na kami nang maluwag. Iginiya n'ya ako palabas ng garden nila at doon ko s'ya siniko sa sikmura.
"Aw! What was that for?!" kunot-noo n'yang tanong.
Pinagdilatan ko naman agad s'ya ng mga mata. "Wala sa kasunduan natin ang halikan mo'ko sa pisnge!" binatukan ko agad s'ya.
"Awww! I'm sorry! Hindi ko naman intensyong gawin 'yon pero ginawa ko lang rin 'yon para mas maniwala sina mom and dad sa'tin," aniya habang hinihimas ang batok n'ya.
"Prsh."
"Salamat at 'di ka umalma nung ginawa ko 'yun. And thank you, because you agreed to be my date for tonight," nakangiti n'yang saad.
"Ginawa ko lang 'yon para sumama ka sa Outside School natin. At salamat rin, dahil pumayag ka na sumama," sabi ko.
Ngumiti naman s'ya. "No worries."
Ngumiti naman ako at ininom ang pineapple juice na hawak ko.
"Pero seryoso? Bakit ayaw mong halikan kita? Maraming babaeng gustong halikan ko sila tas ikaw walang ka-effort-effort sa katawan pero hinalikan kita. You should be grateful that I kissed you even if it's just on the cheek."
"Gusto mo ng batok o sapak, Kai? Mamili ka."
"Oo na, oo na hindi na. Pero, bakit? Ayaw mo ba sa kiss ko – aray! Why did you knock my head?!"
"Manyak mo kasi!"
"Sa gwapo kong 'to, manyak? OY! TAMA NA!"
"Prsh. Tumahimik ka na nga lang d'yan!"
"Okay okay."
Day 7. Week 1. 9 down, 9 boys to go.
A/N: Annyeong Hasseo, Chingu! Konnichiwa, Minna-san! Sorry for the very slow update. Kinda busy~ kekekeke. And sorry if this UD is kinda awkward and spoil. College life be like. Hahahaha. Anyways. thanks for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Thank you so much guys~ enjoy reading~ ^O^