Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.7K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 50 Seamus' Girl

81 2 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 50 💕 Seamus' Girl

Abby's POV

"Abby, nasa baba na si Mrs. Enriquez. Baba ka na.",sabi ni Mommy habang kumakatok sa labas ng pinto ko.

Tumingin pa ako one last time sa salamin at inayos yung buhok ko. Pagkatapos ay tumakbo sa may pinto at binuksan yun.

Kinakabahan ako. Pero grabe naeexcite ako! Carla Enriquez yun eh! Bigatin.

"Ready na po ako My.",sabi ko.

"Talaga Abby. Dress na dress.",sabi ni Mommy pagkakita sakin.

"Syempre My. Tara na po.",sabi ko.

Sabay kaming bumaba ni Mommy.

Kararating ko lang galing school. At heto. Aasikasuhin na yung details ng debut ko. My gawd. So excited na me!

Pagbaba namin, nakita ko si Ms. Carla doon sa sala namin. Sa mismong sofa namin.

"Good afternoon po Ms. Carla.",bati ko.

Tumunghay sya mula doon sa mga tinitignan nya.

"Good afternoon Abby.",sabi nya.

Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko. Agad akong naupo sa tabi nya.

"OMG. Ang ganda-ganda nyo po. Pwede po paselfie?",sabi ko.

Bahagya syang napatawa.

"Sure.",sabi nya.

Agad ko namang itinaas yung phone ko. Tapos nakiselfie ako sa kanya. Hinawakan pa nya ako sa balikat.

"My sali ka!",sabi ko.

Sumali nga si Mommy. Tapos ayun. Nagpicture pa kami nang isa pa.

"Thanks Ms. Carla.",sabi ko.

"Nakakatuwa ka naman Abby. Well anyway, let's start? Para madami tayong magawa today.",sabi nya.

"Sige po, sige po.",atat kong sabi.

May mga iniabot syang folder na iba pa doon sa nauna kong natanggap. Pero honestly, hindi pa ako nakapili. Eh paano ba naman, gusto ko lahat!

Unang ginawa namin, tinanong ako tungkol sa mga favorites ko. Tapos sunod nun, pumili na kami ng theme. At ang napili kong theme, yung elegance. Nahahighlight kasi dun yung black na talagang gusto-gusto ko. Kahit ngayong birthday ko lang.

Kaya kapag ang mga bisita dumalo, required na naka black, or gray or silver or gold sila. O kaya naman halo nung mga kulay na yun. Kunware mayaman kami. Hahaha.

"Abby, can I ask you something?",sabi ni Ms. Carla maya-maya lang.

"Sige po. Ano po ba yun?",tanong ko.

"My husband just mentioned. Uhm...Girlfriend ka pala ni Brylen?",sabi nya.

"Ai...",nasabi ko nalang sabay kagat pa sa labi. Tapos marahan akong tumango.

"Alam mo bagay kayo. You are really are pretty Abby.",sabi nya.

"Ah hehe. Thank you po.",sabi ko.

OMG. Sinabihan ako ni Ms. Carla nang maganda. Sinabi nya na bagay daw kami ng boyfriend ko. Tinde.

Dire-diretso kami sa pagpalano. At ang saya-saya ko kasi hindi stressful ang planning na ginawa namin ni Ms. Carla. Ang gaan nya kasi kasama eh. Hindi sya yung sobrang formal. Parang tropa-tropa lang. Feeling ko tuloy ang tagal ko na syang kakilala.

"Okay Abby, hanggang dito nalang muna tayo noh? Tomorrow, sisimulan na natin ang pag-aayos. Ready ka na?",sabi nya maya-maya lang.

"Ready'ing-ready na po!",sagot ko.

Ngumiti sya sakin.

Matapos nun, nagpaalam na din sya dahil madami pa daw syang kailangang asikasuhin. Masaya naman akong nagpaalam.

"O kamusta Abby?",tanong ni Mommy pag-alis ni Mam Carla.

"OMG Mommy, thank you po!",sabi ko sabay damba ng yakap sa kanya. "Sobrang thank you po!"

Natawa si Mommy at niyakap din ako. Pagkatapos ng yakapan at kwentuhan namin, napagdesisyunan ko na munang umakyat.

Agad akong nahiga sa kama. Tapos kinuha ko pa yung phone ko at tinignan dahil baka may text si Bryan. At aba. Hindi ako nagkamali. May text ang bata.

Babe Sungit:

Hi babe. Nakauwi ka na?

Babe why aren't you replying?

Babe naman eh!

You have one missed call from Babe Sungit.

Babe? Are you busy? Saan ka ba?

Abby nag-aalala na 'ko.

You have four missed calls from Babe Sungit.

Hala patay na. Mukang kanina pa nga 'to nag-aalala.

Ako:

Hi babe. Di na ko busy. Tawag ka na.

Inintay ko na magrespond sya. At maya-maya lang, ayun na nga at nagring na ang phone ko.

"Babe? Sorry naman. Kasi nanggaling dito si Ms. Carla. Nagstart na kami magplano para sa debut ko. Diba naiintindihan mo naman?"

Inunahan ko na sya sa naiintindihan mo naman. Baka sakaling matauhan.

["Yeah babe. Pero sana naman, hindi mo iniiwan yung phone mo."]

"Aw. Sige na sorry na. Galit ka ba?"

Kunwari daw mabait ako. Pero sige babe! Kung aawayin mo ako, humanda ka sakin! Akala mo ah.

Bumuntong-hininga sya.

["Well, kanina. Pero...okay na. Nadinig na kita eh.]

Hindi ko naman napigilang mapangiti.

"Asus naman ang batang ito. Tigilan mo ako Bryan.",sabi ko.

["You don't believe me?"]

"Hindi. Tumimo."

Pero ewan. Hindi ko mapigilang mapangiti.

["Babe naman."]

"Oo na, joke lang. Alam ko naman na patay na patay ka sakin eh."

Narinig ko syang tumawa.

["Kaya mahal na mahal kita eh. Masyado ka kasing assuming."]

Ako naman ang natawa.

"O sige hindi na. Ganyan ka naman eh. Gusto mo ako lang ang patay na patay sayo. Ayoko na. Sige bye."

Tapos pinatay ko na yung tawag. At tulad ng inasahan ko, tatawag sya ulit.

Natawa naman ako at sinagot yun.

"O ano na naman?"

["Bakit naman ganyan Abby? Parang nasasawa ka nang kausap ako ah."]

"Eh kasi naman..."

["Uncle! Did you say aunt Abby?! (Bella) Yes La--- (Bryan) Aunt Abbielyyyyynnn!!!]

"Bellaaaaaa!!!!"

Narinig ko ang hagikhik nya.

["Hey aunt. How are you? Miss na kita. Kelan ka ulit pupunta dito? Nakakagalit na nga po si uncle. He's not taking you here. He always says you're busy. Is it true? You are preparing for your upcoming debut?"]

Natawa ako sa kadaldalan ni Bella. Nawala na yung boses ni Bryan sa kabilang linya.

"Yes Bella. Magdedebut na ako. Iinvite kita ah. Kayo nang buong family nyo.",sabi ko.

["Hooray! I'd love to go aunt!...Uncle babe!!! Tawag na po ako ni Tatay! Here's your phone...(Bella) Can you hand it over to me La? Tinatamad ako tumayo. Bakit kasi nilayo mo sakin eh." (Bryan)]

Napakatamad naman ng lalaki na 'to.

["Uncle naman eh. Catch nalang! (Bella)"]

Oh eh isa pa pala 'tong tamad.

["What? Lala no! Sige na. Tatayo na 'ko." (Bryan)"]

Natawa ako sa usapan nila.

["Bye aunt Abby. I love you! Muah! (Bella) ]

"Bye Bella. I love you too. Muah."

Narinig ko pa ulit yung hagikgik nya. Tapos mga yabag patakbo palayo.

["Hi babe."]

"O ano? Naisahan ka na naman ni Bella?",natatawa kong sabi.

["That kid."]

Natawa ako sa kanya.

"Babe na kayna ate Lena ka?"

["Nu-uh. Sila ang nandito samin. They'll sleep over here. Sama ka?"]

"Sira ka ba? As if naman papayag si Mommy at si kuya."

["Yeah. Bakit kasi ang layo ng bahay nyo samin eh?]

"Ewan nga ba."

Parehas nalang kaming natawa sa kabaliwan namin. Mahaba-habang kwentuhan pa ang naganap bago kami masawa sa boses nang isa't-isa at magpaalaman na.

Bumaba na ako para maghapunan. Hindi pa naman nakakapaghain si Mommy kaya tumambay na muna ako sa sala at nagbukas ng t.v. Nakataas pa ang paa ko doon sa center table.

Maya-maya lang din, nakarinig ako ng makina ng sasakyan. Hindi ko na yun pinansin dahil malamang, si kuya lang naman yun.

Nagbago ako ng pwesto at nahiga doon sa sofa. Nilipat ko yung channel sa Disney Channel.

"Hi panget. Ang pangit-pangit mo.",sabi ko nang marinig kong bumukas na yung pinto. Pero nakatutok pa din ang buong atensyon ko sa t.v.

"Alam mo kuya, nanggaling ulit kami ng boyfriend ko sa ice cream parlor. Ang saya nga namin eh. Mas matamis pa kami doon sa kinakain naming ice cream. Ang swerte ko kuya noh? May kamatamisan ako. Samantalang ikaw...Hahaha. Kawawa ka talaga. Tatanda ka nang binata.",dagdag ko pa sabay tawa nang malakas.

Sarap talagang asarin ni kuya. Ambitter din kasi minsan eh.

"Good evening din sayo bantot.",sabi nya. "May ipapakilala nga pala ako sayo."

Agad akong napalingon sa may pinto. At halos lumuwa ang mata ko nang makita si kuya doon, na...na may kasamang magandang babae na sobrang sexy at...kaholding hands pa nya. Hala! Wag nyang sabihing...OMG!

Agad akong napatayo. Mapapahiya ata ako. Oo alam ko na mapapahiya ako sa mga pinagsasabi ko.

"Mommy I'm home!",sabi ni kuya.

Lumabas si Mommy sa kusina na may dalang...turkey?! Hala na. Anong meron?

"Oh Seamus!",sabi ni Mommy sabay lapit kay kuya.

"Good evening po tita.",bati nung anghel na kasama ni kuya.

"Good evening hija.",nakangiting bati ni Mommy.

"Abby, come here.",sabi ni kuya.

Nakatulala pa din akong lumapit sa kanila. Tumabi ako kay Mommy.

"Claire, I want you to meet my family. My mom, Annie and my crazy, pretty sister, Abby. My, Abby, Claire. My girlfriend."

Natulala lang ako. Habang si Mommy, bumati kay Claire. Napatingin sila sakin.

"Abby?",takang tanong ni Mommy.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko. Pero hindi ako nagsalita at nagtatakbo ako paakyat sa kwarto ko. Nadinig ko pang tinatawag ako ni Mommy. Pero hindi ako lumingon.

Sinara ko ang pinto at nahiga sa kama.

Naiinis ako. Hindi ko alam pero naiinis ako. Alam ko hindi 'to ganito dapat. Pero, hindi ko naiintindihan. Nagsiselos ako. Bakit? Kasi alam ko at dama ko na this time, seryoso na nga si kuya. For goodness sake! Unang babaeng ipinakilala nya samin! Unang babaeng dinala nya dito sa bahay. Waaaahhh!!!!

Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok doon. Pero hindi ako sumagot, bagkus ay nagtalukbong nalang.

Maya-maya, nadinig kong bumukas yung pinto.

"Ui Abby. Anong nangyari sayo?",nadinig kong sabi ni kuya. Tapos naupo sya sa kama ko.

Ibinaba ko yung talukbong ko at tinignan sya. Nakataas pa ang kilay nya na nakatingin sakin.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang naupo sa kama.

"Kuya, seryoso ka ba sa kanya?",tanong ko.

Unti-unti syang napangiti.

"Do you think, I'll take her here for you to meet if not?",sabi nya.

"So...seryoso ka nga?",alangan kong tanong.

"What's wrong sis? Aren't you happy for me? Sa wakas nagkagirlfriend na din ako. For real diba?",nakangiti nyang sabi.

Napanguso pa ako lalo.

"Mabait ba yan? Muka syang mabait oo. Pero, don't judge a book by it's front page diba?",sabi ko.

"Cover Abby. Don't judge a book by it's cover.",sabi ni kuya.

Huh? Ganun ba yun? Akala ko...

"Eh! Hayaan mo na. Hindi naman pati din libro yung babaeng yun eh.",sabi ko.

Napangiwi si kuya.

"Ayaw mo sa kanya?",seryoso nyang tanong. Pero malumanay lang yung boses nya.

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi naman sa ganun. Pero kasi kuya..." Napanguso ulit ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa leeg. "Hindi na ako yung prinsesa mo?"

Tinignan nya ako. Tapos napabuntong-hininga sya at inakbayan ako.

"Aw. Nagsiselos ang baby sister ko.",nangingiti nyang sabi.

Sumubsob ako sa dibdib nya. Nakakainis naman! Ipagduldulan pa ba?

"Eto naman. Kung makapagreklamo, akala mo hindi ipinaranas sakin nung magka-boyfriend."

Tiningala ko sya.

"Nagselos ka din kay Bryan?",gulat kong sabi.

"Tapos na yun. Ikaw ang topic ngayon diba?",sabi nya sabay subsob nung muka ko pabalik sa dibdib nya.

Hindi ko naman napigilang mapangiti. Asus naman. Ang kuya ko nagselos pala kay Bryan nun.

"Bakit sa iba ko namang mga babae hindi ka nagkakaganyan?",sabi nya.

"Eh iba naman yun. Kasi sa mga babae na yun...alam ko nalilibugan..."

Pinanliitan nya ako ng mata. Nagpeace sign naman ako. Sige ibahin ko ang term.

"...naaakit ka lang. Sigurado ako na mas mahal ko ako kesa sa kanila. Kaso etong ngayon...kuya ipagpapalit mo na ba 'ko?"

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Madamdamin ako noh. For 17 years ako lang ang prinsesa ni Seamus Conell. Reyna si Mommy syempre. Pero ako talaga yung prinsesa nya eh. Sabi nya yun nung mga bata pa kami! At hanggang ngayon yun pa din yung pinaniniwalaan ko. I can't let go!

"Abby listen. Kahit naman magkagirlfriend na ako, ikaw pa rin ang magiging prinsesa ko eh. I promise that, right? I won't break it. Kahit pa magkaasawa na ako, you'll always be handsome Seamus' ugly and crazy little princess."

Napasimangot ako at tinulak sya.

"Kasasabi mo lang kanina! Pretty ako! Tapos ngayon ugly na?!"

Bakit naman nagbago? Wow ha. So sa harap lang ng bisita nya ako pupurihin, ganun?

Tumawa sya.

"Eh paano ka magiging pretty nyan? Tignan mo nga itsura mo. Muka ka pang dragon eh. Laki ng butas ng ilong, ang haba ng ngus---Aray naman! Isusumbong kita kay Mommy!"

Sinuntok ko kasi sya sa braso.

Tinitigan ko si kuya. Hindi daw nya ako ipagpapalit. Ayos! Prinsesa pa din nya ako. Yeheeeeyyyy!!!

Hindi ko pinansin yung 'isusumbong kita kay Mommy' line nya, bagkus ay yumakap ulit sa kanya. Sa bewang naman. Nakakangalay sa leeg eh. Ang taas.

"Thank you kuya kong mukang unggoy. I love you.",sabi ko sabay kiss sa pisngi nya.

"Nakakadiri naman Abby.",sabi nya sabay punas nung pisngi nya. Tinawanan ko lang sya. Pero niyakap din naman ako. Abnormal.

"Pero oo na. I love you too. Pasalamat ka kapatid kita. Kundi kanina pa kitang tinuktukan sa kadramahan mo.",sabi nya. Pero naramdaman ko naman na hinalikan nya ako sa ulo.

Napangiti ako at kumalas sa kanya.

"Tara na sa baba. Gusto ko na makilala yang Claire na yan. Let's see kung papasa sya sa standards ko.",sabi ko habang kunwari pang nanliliit ang mga mata.

"Sus. Standards your face.",sabi nya.

Binelatan ko lang sya. Tapos ay bumaba na sa kama. Sumunod naman na sya palabas. Pero habang bumababa kami sa hagdan, kumapit pa ako sa braso nya at bahagyang nagtago.

Narealize ko, nakakahiya pala yung mga pinagsasabi ko mula pagpasok nya dito, hanggang doon sa pag run-out ko. Goodness.

"O ano? Bakit parang tumiklop ang inspector?",natatawang bulong ni kuya.

"Manahimik ka nga dyan. Tulak kita dito eh.",sabi ko.

Tinawanan nya lang ako. Pagbaba namin, naabutan ko si Mommy at si Claire na nakaupo doon sa sala at masayang nagkukwentuhan.

Nakakapit pa din ako sa braso ni kuya at medyo nakatago sa likod nya nang makalapit kami sa kanila.

Naramdaman kong tinignan ako ni kuya.

"Oo na nga. Eto na nga eh.",bulong ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa likod nya. Pero, hindi pa rin ako bumitaw sa braso nya. Eh bakit ba?! Ayoko eh!

Napalunok ako.

"Good evening.",sabi ko. "Uhm...My, sorry po sa ginawa ko."

Bahagyang napangiti si Mommy. Tumingin naman ako kay Katrice.

"C-Claire, sorry."

Ngumiti sya at tumayo. Tapos naglakad sya palapit sakin.

"I understand Abby. Kasi..."

Lumapit sya sa isa kong tenga at bumulong.

"...kuya's girl din ako."

Lumayo sya sakin nang nakangiti. Pero ewan ko. Biglang gumaan ang loob ko sa sinabi nya.

"Initial reaction.",dagdag pa nya.

Ewan ko na talaga pero unti-unti akong napangiti. Bumitaw ako kay kuya at lumapit kay Claire.

"Ilan ba yung kuya mo?",sabi ko.

"Well, I have five. I was the only girl, actually.",sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa kamay nya.

"Ang dami! Naku, eh mukang nahirapan yata 'tong kuya ko sa mga kuya mo.",sabi ko.

Natawa sya at lumingon kay kuya na nasa likod ko.

"A little.",sabi nya.

Wow. Eto palang usapan namin pero mukang nagugustuhan ko na sya ah. Naks naman. Good catch 'to.

"Pero mukang worth it naman.",nakangiti kong sabi.

Ngumiti si kuya at inakbayan ako.

"Worth it indeed Abby.",sabi nya. Napangiti naman nang todo si Claire.

"Can I call you ate, Claire?",sabi ko.

Nanlaki yung mga mata nya.

"I would love to hear it.",sabi nya.

Napangiti naman ako.

"Oh sya. Mabuti naman at nagkakilanlanan na kayo nang maayos. Tuloy natin ang kwentuhan habang kumakain?",sabi ni Mommy.

"Sige ba My! Gusto ko yan.",sabi ko.

"Sabi ko sayo matakaw yan eh.",sabi ni kuya kay ate Claire.

Tumawa si ate Claire.

"Hala ate Claire wag mo na yang pansinin. Abnormal yan. Tara nga kain nalang tayo.",sabi ko sabay hila sa kanya sa lamesa.

Narinig ko nalang yung tawa ni kuya at ni Mommy sa likod.

Habang kumakain, nagkwentuhan nga kami tungkol sa kung anu-ano. Ang saya-saya kausap ni ate Claire. Matagal na din pala nanliligaw sa kanya si kuya. Pero nakakayamot dahil wala manlang sinabi sakin si Panget. Letse yun. Galing magsikreto. Pero humanda din sakin yung boyfriend ko. Galing nun magsikreto ah! Di manlang ako chinikahan nang nagaganap kay kuya eh samantalang sila ang palaging magkakasama.

Mahaba-haba ding pagmomoment at bonding ang naganap samin ni ate Claire. Kinwento nya sakin kung paano sila nagkakilala ni kuya. Sa bar pala sila nagmeet. Nilapitan daw sya nun ni kuya. Di na rin ako nagtaka pa dahil informed naman ako kung gaano kababaero si kuya. Nagchikahan daw sila nun hanggang sa magyaya pa si kuya lumabas ng bar at pumunta somewhere. Tapos...

"Sinuntok ko sya.",sabi ni ate Claire.

"Ha?",nakanganga at di ko pa makapaniwalang sabi.

"Oo sinuntok ko sya. Kaso, mukang hindi gaanong malakas kasi hindi naman pumasa.",sabi nya.

"Pero ate Claire, alam mo malamang dahil dun kaya nainlove sayo si kuya. Wala pang ni isang babaeng rumeject dyan eh. Eh lalo namang nanapak!",sabi ko.

Bahagya syang natawa.

"I'm glad I did such thing.",sabi nya.

Kinwento din nya sakin kung paano na nun nanligaw si kuya. Tss. Nangharana pa pala ang loko! Bagay. Magaling naman sya kumanta eh. Pero nakakatuwa. Unang babae kasi si ate Claire na hinarana ni kuya, maliban samin ni Mommy. Tsaka, unang babaeng niligawan, hindi hinarot. Bongga diba?!

Nakikiepal pa si kuya sa kwentuhan namin, na agad ko namang pinapaalis. Eto na naman sya oh. Nagbabalik. Hanep sa kaabnuyan eh. Buti napapagtyagaan 'to ni ate Claire. Wahahaha. Char!

"Dun ka na! Sabi nang mamaya ka na eh!",sabi ko sabay sipa sa kanya. Kaso, di naman sya tinamaan.

Nakaupo kasi kami ni ate Claire dito sa sofa. Tinuturuan nya ako magpout ng labi gamit ang lipstick. 'To naman si kuya tatabi pa eh alam ko namang mang-aasar lang!

"Hoy Abby napakasalbahe mo ah! Sasabihin talaga kita kay Mommy."

"Eh naman kuya! Dun ka na muna. Kainis ka naman eh.",sabi ko.

Binelatan nya ako tapos doon sya naupo sa kabilang sofa.

"Game ate.",sabi ko sabay taas ulit nung chin ko para malagyan nya yun ng lipstick. Tumawa si ate Claire at nilagyan na nga ako.

"Your boyfriend will surely love this.",sabi nya.

Hai. Baka nga gusto ni Bryan nang ganito. Maitry nga minsan.

"I love your lips with or without that Claire. Naglalagay ka pa nyan?",epal na naman ni kuya.

Tumigil si ate Claire sa paglilipstick sakin at tinignan si kuya.

"Sometimes Seam. Why? Hindi mo napapansin? How weird.",sabi ni ate Claire.

Napakunot ang noo ni kuya.

"Am I suppose to notice that?",sabi ni kuya.

Bumalik si ate Claire sa paglilipstick sakin.

"It takes effort and hardwork Seam. And yet, hindi mo pala pinapansin.",sabi ni ate Claire.

Tinignan ko si kuya. Muka naman syang naalarma sa biglang pagbabago ng mood ni ate Claire. Tumayo sya at lumapit samin. Tapos naupo sya sa tabi ni ate Claire.

"Hey Claire, I'm sorry okay? Kasi...well...I don't really care what makeup you put. What's just important to me is that, being with you. You are beautiful even without makeup. So it doesn't make sense to me."

Nakatalikod si ate Claire kay kuya. Kaya malayang-malaya sya nang tumingin sakin at ngumiti. Napangiti din naman ako para lokohin si kuya.

"Wala! Ganyan ba ang boyfriend? Hindi marunong umappreciate? Ang hirap pa naman magpout ng labi tapos babalewalain lang?",gatong ko kay ate Claire.

Ngumiti ulit sakin si ate Claire, tapos humarap sya kay kuya na ngayon eh nanlalaki na ang mga mata sa sinabi ko.

"Oo nga. Tama si Abby.",sabi ni ate Claire.

Nanlaki lalo ang mga mata ni kuya.

"Claire naman! Abby manahimik ka nga dyan.",sabi ni kuya.

"Dahil dyan, hindi mo na ako kelanman mahahalikan.",sabi ni ate Claire.

Napatayo pa si kuya nang dahil dun.

"Claire you aren't serious.",sabi ni kuya.

Tinaasan sya ng kilay ni ate Claire. Tumawa naman ako.

"Seryoso sya. Kawawang kuya. Wala nang halik.",asar ko na nagpagusumot lalo nang muka ni kuya.

Nagkatinginan kami ni ate Claire, tapos kay kuya na hindi na magkaintindihan ang guhit sa muka. Tapos, sabay kaming humagalpak ng tawa.

"Grabe Seam. Your face was priceless.",tatawa-tawa pang sabi ni ate Claire.

"Muka ka talagang unggoy kuya.",sabi ko.

Napabuntong-hininga si kuya at naupo sa gitna namin.

"Gusto nyong pagbuhulin ko kayong dalawa?",sabi nya.

"Isa ka lang. Dalawa kami.",sabi ni ate Claire.

Ha! Kaya kami nagkakasundo eh. Tulad ko, expert din sya sa pang-aasar!

Tinaasan kami ng kilay ni kuya.

"Kaya ko kayo.",sabi ni kuya.

Nagkatinginan kami ni ate Claire. At bago pa man makagalaw si kuya, nahawakan ko na sya sa magkabilang braso. At bago pa din sya makapagreklamo, naipasada na ni ate Claire sa tagiliran ni kuya yung mga daliri nya. In fairness kay ate Claire. Alam nya kung saan ang kiliti ni kuya.

Tawa nang tawa si kuya. Tawa lang din kami nang tawa. Lalo pa nang malaglag sya doon sa sofa. Pero hindi tumigil sa pagkiliti si ate Claire. Tinulungan ko pa sya! Kaya ayun. Halos magpagulong-gulong si kuya sa carpet. Wahahaha!

"Please...Hahahaha...Enough...Dammit! Hahahaha..."

Muntanga si kuya. Siseryoso tapos biglang tatawa na naman. Abnormal. Akala nya makakayanan nyang magseryoso ah!

Nang pareho kaming mapagod ni ate Claire, tinigilan na din namin si kuya. Agad kaming tumayo at lumayo sa kanya.

"Damn.",hinihingal pang sabi ni kuya habang dahan-dahang umuupo na nakahawak sa tyan nyang sumakit yata sa pagtawa.

Natawa na naman kami ni ate Claire.

"What the hell ladies? Sa susunod Claire hindi mo na makikita yan si Abby. Ako ang naaagrabyado eh.",sabi ni kuya na nakatingin nang masama samin. Pero alam ko namang joke-joke lang yun. Abnoy kasi sya.

Ngumiti si ate Claire at nilapitan si kuya. Lumuhod sya sa likod nito at ipinulupot yung mga braso nya sa leeg ni kuya.

"Aw. Sorry na. Please balik tayo dito palagi? I already love your sister. Alam mo naman na wish ko talaga magkalittle sister diba?"

Napangiti ako sa panunuyo ni ate Claire. Pati na din sa sinabi nya na love na nya ako. Love ko na rin kasi sya agad eh.

Tinignan ni kuya si ate Claire. Ngumiti pa lalo si ate Claire at hinalikan si kuya sa pisngi.

"Ha Seam? Sige na. Mahal naman kita eh.",sabi ni ate Claire.

Nakakatuwa talaga sya. Sobrang ganda na, may sense of humor pa. Jackpot si kuya ah! Pero swerte din naman 'to si ate Claire kay kuya kahit papano. Kasi, gwapo din naman si kuya. Dream boy nga yan sa school eh. Matalino din si kuya. Responsable, tsaka maalaga.

"My goodness Claire. You are charming me again.",sabi ni kuya na ikinatawa ni ate Claire.

"Nacharm ka?",sabi ni ate Claire.

"Matagal na. Malala na din kaya tama na. Baka mabaliw na ako.",sabi ni kuya habang tumatayo na.

Inalalayan naman din syang makatayo si ate Claire. Nakatitig lang ako sa kanila. Namiss ko tuloy bigla si Bryan.

"Ooohhh. Somebody is missing someone.",sabi ni ate Claire.

Napatingin ako sa kanya na hawak na ni kuya sa bewang.

"Ha? Ui hindi ah. Magkatawagan lang kami ni Bryan kanina.",sabi ko.

Tumawa sila ni kuya.

"Wala akong sinabing pangalan Abby. Nahuhuli ka eh.",sabi ni ate Claire.

Napakagat nalang ako sa labi. Tsaka ko lang narealize yung sinabi ko.

"Aisus. Wag kang mag-alala. Sabado bukas. Siguradong tatambay na naman yung ugok na yun dito.",sabi ni kuya.

"Maka-ugok naman 'to.",sabi ko.

Binelatan na naman nya ako.

"Wag mong ipagmayabang na may boyfriend ka. May girlfriend na din ako oh. For real. For serious. For forever.",sabi ni kuya na nakapagpangiti nang todo kay ate Claire.

"Ang corny-corny mo!",sabi ko.

"Ha! Ikaw ang mainggit ngayon. Kasama ko yung akin, sayo hindi.",sabi pa nya.

Tapos humarap sya kay ate Claire. At sa mismong harapan ko pa, kiniss nya 'to sa noo. Walangya talaga! Mang-iinggit! Lapastangan!

Pero halik sa noo? Hmm. Seryoso na nga ang babaero kong kuya.






Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]