Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 46 When Babe Got Drunk

61 1 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 46 💕 When Babe Got Drunk

Pagdating namin sa restobar nina Dean, grabe-grabe. Ang daming tao! Nirentahan pala ng school itong buong lugar para lang sa celebration ng championship ng Patterson. Gagraduate na kasi ang marami sa players kaya gusto talaga nila bongga na itech!

Hawak ni Bryan yung kamay ko nang pumasok kami sa restobar. Pinagtitinginan pa kami. Medyo nakakailang pero nasasanay na din naman ako. Ikaw ba naman maging girlfriend ng famous eh!

Pagdating pa namin sa table ng team, huwaw lang. Shout out kung shout out!

Binati din nila ako. Si kuya hindi na umuwi, makaparty lang kaagad. Hamit talaga!

Naghiwa-hiwalay sila ilang saglit lang.

Ang daming babae. Si kuya, nakita ko doon sa isang table, nilalapitan ng mga babae. Nakakayamot. Mga mahadera! Si kuya naman, enjoy na enjoy.

Tapos sa kabila naman, nakita ko si Chanz na may katabi ding babae. Nakaslouch sya at may hawak na inumin. Muka syang inaantok pero party high naman.

Si Koden, andoon sa dancefloor. As usual, energetic sya. At napakadaming babaeng nahahatak. Babaero nila noh?

Sa gilid naman, sa may sofas, nakita ko si Chloe at Dean na magkatabi. Pero hindi sila solo. Nakapaligid sa kanila ang basketball team. Hindi din sila magkaakbay o magkahawak kamay. Magkatabi lang talaga.

Si Bryan? Heto sya sa tabi ko. Simula pa kanina nung dumating kami dito, hindi na sya humiwalay. Nakaupo lang naman ako sa isang lamesa at kumakain ng hapunan na kinuha ko sa nakacater na mga pagkain.

Nakaupo sa tabi ko si Bryan na nanonood lang. Ewan ko kung sakin o sa mga nagdaraan.

"Babe hindi ka ba nagugutom?",sabi ko sabay subo nung ulam kong steak.

"Nope.",sabi nya.

Nilingon ko sya. Nakasandal lang sya sa upuan nya, habang yung isang braso, nakahanday sa sandalan ng upuan ko.

"Bakit hindi ka nakikiparty?",sabi ko.

"Kung nasan ka, nandun ang party.",sabi nya.

"Ha?",sabi ko.

Nagshrugg lang sya at tumingin sa nagkakagulong crowd. Napansin ko yung mga babae sa paligid. Mga nakahanda ang phone. Mukang gusto nilang magpapicture kay Bryan. Kaso, mukang nahihiya...o natatakot ata silang lumapit.

May napansin akong dalawang...junior ata yun na nakatingin samin. Tahimik lang sila. Pero tingin palang, alam mo na yung balak nila.

Napatingin sila sakin. Ngumiti naman ako at sinenyasan silang lumapit. Nanlaki yung mga mata nila. Tumango naman ako para ikonfirm na sila nga yung tinatawag ko.

Dahan-dahan silang lumapit.

"B-Bakit po?",nahihiyang sabi nung isa.

Nilingon ko si Bryan. Nakatingin pa din sya sa crowd habang medyo tumatango at sinasabayan yung music.

"Gusto nyong magpapicture kay Bryan diba?",sabi ko.

Naramdaman ko na lumingon na si Bryan. Nilingon ko din sya. Taka nya akong tinignan.

"Ah...ano po...kasi..."

"Akin na yung phone nyo. Kukunan ko kayo dali. Last year na nya 'to kaya mahalaga na magkaremembrance kayo.",sabi ko.

Agad na nagsingitian yung dalawa. Tapos inabot nila sakin yung phone nila.

Nilingon ko si Bryan.

"Babe smile ka ah.",sabi ko sabay tayo na.

Bahagya pang nakakunot ang noo nya. Pero nang tignan nya dalawang juniors, napalitan yun ng ngiti.

"Upo kayo dyan.",sabi ko.

Pinaggitnaan nilang dalawa si Bryan. Si Bryan naman, kung kanina akala mo bugnot eh umakbay dun sa dalawa, na naging dahilan para magblush pa sila.

Tinutok ko yung phone sa kanila.

"One. Two. Three. Smile!",sabi ko.

Ngumiti yung dalawang juniors. Si Bryan din nakangiti.

"O wacky naman!",sabi ko.

Nagwacky nga silang tatlo. Nakarock sign si Bryan tapos dumila pa. Natawa ako sa kacutan nila. Para syang kuya nung dalawang juniors.

"Ate sali ka naman!",sabi nung isang bata.

"Sige ba!",sabi ko.

Naupo ako doon sa gilid nila. Tapos tinaas ko yung camera. Selfie!

Nakangiti silang tatlo sa likod ko.

"O ayan. Ayos ba?",sabi ko dun sa dalawa.

Tumayo na sila.

"Naku salamat ate! Ang bait nyo po. Ang ganda nyo pa. Salamat din Captain.",sabi nung isa.

"Bagay na bagay po kayo. Sana tumagal pa kayo!",sabi nung isa.

"Salamat po ulit!",sabay nilang sabi bago umalis.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute lang kasi nila. Sinundan ko sila ng tingin. At tsaka ko lang narealize na halos lahat nung babaeng bumibwelo kanina, mga nakatingin na. OMG. Nagbabalak ba silang lahat?

Tumayo ako at bumalik sa tabi ni Bryan at sa pagkain ko. Ayoko! Ang dami nila.

"Bakit ang bait mo?",sabi ni Bryan bigla.

"Ano? Saan?",sabi ko.

"You did help that two, to have pictures with me?",sabi nya.

"Sungit mo kasi. Kawawa naman. Idol ka nila Bryan. Di mo pa pagbigyan eh.",sabi ko.

Ngumiti lang sya, pero wala syang sinabi.

"Last year mo naman na, papicture ka na. Payag akong photographer!",sabi ko.

Napanguso sya at mas lumapit sakin.

"Ayaw.",sabi nya.

"Bakit naman?",sabi ko.

"Lilingkisin ako, hahalikan sa harap mo? Kalokohan Abby.",sabi nya.

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nya. Why so loyal?

"Okay nga lang sakin. Picture lang naman eh.",sabi ko.

Umiling sya.

"Sus. Masyado mo akong mahal eh.",tukso ko sabay kurot sa ilong nya.

"Ayaw mo pa?",sabi nya sabay kiss sa ilong ko.

"Eh! Wag ka ngang halik nang halik. Babe ang daming nakatingin.",sabi ko.

"Why not? Girlfriend naman kita ah.",sabi nya.

"Bawal ang PDA.",sabi ko

Nagsmirk lang sya.

Tapos nilapit nya pa yung muka nya sakin. Hindi naman ako nakagalaw at natuod nalang. Nakadikit na kasi yung ilong nya sa ilong ko.

"Babe, do you know why I don't want to leave you alone?",sabi nya.

Umiling ako. Napangiti naman sya kasi para kaming nagnose to nose.

"You just look so beautiful. And a lot of guy in here...wanted you for their own. I don't want that shit to happen. So I need to show them who really owns you."

Natulala lang ako sa kanya. Nakatitig sa mga mata nya.

Ngumiti ako at hinalikan sya sa tungki ng ilong. Napangiti din sya. Lumayo na ako at bumalik na sa pagkain.

"You own me huh?",sabi ko habang sumusubo.

Sumandal sya ulit sa upuan at naghanday ng braso dun sa sandalan nung akin. Sinadya nya pa talagang mas makalapit sakin.

"Yes I do Ms. Conell. And you... own me. Would you want to?",sabi nya.

Nilingon ko sya. "Bakit hindi?"

Napangisi sya at kinurot ako sa pisngi. Ako naman, tumawa nalang at bumalik sa pagkain.

Nagpatuloy ang party-party. Pagkatapos kong kumain, nagpunta na muna ako kayna Ingrid. Nasa may tabi sila ni Chloe. Si Bryan naman, nagpunta na muna sa mga tropa nya. Nakipagsaya na!

"Inom tayo!",sabi ni Ingrid  na may hawak na alak na.

"Umiinom ka na nga eh.",sabi ko.

"Hoy bruha ka. Magpakalasing ka, iiwan ka namin dito.",sabi ni Chloe.

Parang tanga naman si Ingrid na nambelat pa. Naupo sya at todo tungga. Ako naman, juice lang ang iniinom.

Nanood kami sa mga nagsasayaw sa dancefloor. Hanggang sa maya-maya, bigla nalang dumating si Bryan.

"Babe!",sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko. Tapos pilit nya akong hinihila patayo. "Come let's dance."

"B-Bryan, hindi ako marunong sumayaw.",sabi ko.

"Sige na!",sabi nya sabay hila na naman sakin.

Tumayo na ako. Hawak nya pa din yung kamay ko. Pero nagulat naman ako nang muntik na syang matumba. Kaya agad ko syang hinawakan sa likod nung damit nya. Wala na yung jacket nya. Malamang binanas na 'to.

"Abby! Lasing na yan!",sigaw ni Dean mula sa table.

"Kasalanan ni Koden!",sigaw ni Chanz.

"I'm not drunk you assholes!",sabi ni Bryan. Tapos hinawakan nya ako sa bewang. "Come on babe. We will dance."

"Bryan lasing ka na nga.",sabi ko.

"No I'm not. Kilala nga kita eh.",sabi nya.

"Oh? Sino ako?",sabi ko.

"Si Abbielyn Conell. Yung maganda at sexy at makulit kong girlfriend. Akala mo ah.",sabi nya sabay ngisi pa sakin.

Hindi ko naman napigilang mapatawa. Ganda ko daw. Sexy ko pa! Kaso...makulit?

"Babe halika na! Sayaw nga tayo!",sabi nya sabay hila sakin sa dancefloor.

Mabuti naman at kaya pa nyang maglakad. Hinawakan nya yung magkabilang kamay ko.

"Ito, dito.",sabi nya sabay patong nun sa mga balikat nya.

Tapos hinawakan nya ako sa bewang.

"Game!",sabi nya. Tapos nagsimula na syang magsayaw. Sumusuray na sya kaya talagang inaalalayan ko. Asan na din ba yun si kuya?

"Babe lasing ka na. Higa ka muna.",sabi ko.

"Nu-uh. I don't like.",sabi nya sabay iling pa. "Come on babe. Let's dance."

"Babe enough.",sabi ko.

Umungot sya, tapos ay pinulupot nya yung mga braso nya sa bewang ko at niyakap ako. Pero mukang inaantok na sya eh.

"Bakit mo ako hinayaang mahulog sayo?",sabi nya. O ngulngol.

"I hate you Abby. I hate you... for making me fall this much."

Hindi nalang ako nakapagsalita. Bakit ba naman 'to ganito magsalita. Kung anu-anong sinasabi. Pero...ang saya kasi kahit lasing sya, kilala nya ako. Tapos...he hates me daw kasi minahal nya ako ng sobra.

"I love you too babe.",sabi ko kasabay ng yakap din sa kanya.

Nagsisway sya habang nakayakap sakin. Kahit mabilis at malakas yung tugtog, para kaming nagsasayaw ng slow music.

Paanong hindi? Sumusuray 'tong kasayaw ko.

"Babe, balik na tayo sa sofa.",sabi ko.

Naramdaman ko ang pag-iling nya. Parang bata.

"Dito ka lang.",sabi nya habang nakayakap pa din sakin.

Kumalas ako at tinignan sya. Napapapikit na sya. Hinawakan ko sya sa pisngi.

"Babe, wag nang matigas ang ulo. Halika na.",sabi ko.

Nagpout sya at kumapit sa braso ko. Oo as in sa braso ko! Ano bang nangyayari sa boyfriend ko? Parang limang taon ah.

"O dahan-dahan.",sabi ko habang inaakay sya sa paglalakad.

Mga leche! Wala manlang tumutulong sakin. Pero maya-maya lang, sa wakas eh nakarating na din kami sa sofa. Doon ko sya sa gilid dinaka. Kasi hindi masyadong crowded dun. Tsaka hindi din ganun kaingay at kaliwanag.

Iniupo ko sya.

"Abby...",sabi nya.

Nakapikit na sya. Aba naman! Tinatawag nya pa din ako?

"Po? Andito po ako.",sabi ko habang inaayos sya nang upo.

Bagsak na sya. Kawawa naman.

Hinawakan ko sya sa kamay. Pinisil naman nya yun.

"Ikaw nga.",nakangisi na naman nyang sabi.

Napangiti lang ako. Kinuha ko yung panyo sa bag ko at pinunasan yung noo, leeg at muka nya. Tapos humingi ako ng tubig sa waiter. Nang dumating yun, pinainom ko na sa kanya.

Binitawan nya yung kamay ko. Bigla naman syang tumayo. Tapos naglakad sya kung saanman.

"Babe! Ui san ka pupunta?",sabi ko habang sinusundan sya.

Hindi sya nagsasalita. Ako naman sunod lang nang sunod. Eh sumusuray sya eh! Mamaya bigla nalang 'to matumba.

"Pst! Babe!",tawag ko.

Pumasok sya sa isang pinto. Sumunod naman ako. May lalaki pa kaming nasalubong na kung makatingin eh inam.
Bago ko pa tuluyang marealize kung nasaan kami, natagpuan ko na si Bryan na nakatalikod at nagbubukas ng zipper.

Anak ng siopao! Sinundan ko pala sya hanggang c.r.!

Literal kong nasampal ang sarili ko sa katangahan ko. Lumabas na ako nang mabilis. Hinintay ko si Bryan na makalabas. Maya-maya lang, nakalabas na din sya sa wakas.

"Babe!",parang bata nyang sabi habang ngiting-ngiti pa.

"Oo ako nga. Dyan ka lang ha? Magsi-c.r. lang ako nang madali. Dito ka lang, okay?",sabi ko.

Tumango-tango sya. Agad naman na akong pumasok doon sa c.r. ng girls. Nakakastress si Bryan! Pero in fairness, naaaliw ako sa kanya.

Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako ng cubicle. Kaso nagulat naman ako nang makita si Bryan na nakapasok na sa c.r. at pinaglalaruan yung mga gripo. Binubuksan nya yun isa-isa!

"Babe!",saway ko. Tapos isinara ko nang isa-isa din yung mga gripo.

"Hey Ms. Beautiful.",sabi nya sabay ngisi sakin. Tapos hinalikan nya ako sa tungki ng ilong.

"Sino ako?",sabi ko.

"Si babe. Si Abbielyn Buenaventura Conell. Diba tama ako?",sabi nya.

Yun naman. Akala ko pumuporma na sya sa iba eh.

"Okay. Halika na.",sabi ko.

"Halikan?",sabi nya habang nakakunot pa ang noo.

Ano daw?!

"Sabi ko...ha-li-ka na. Come on.",sabi ko.

Ngumisi na naman sya.

"You want me to kiss you!",sabi nya. Tapos humakbang sya palapit sakin.

Napahakbang naman ako patalikod. Hakabang sya nang hakbang, urong ako nang urong. Hanggang sa maramdaman ko nalang yung pinto sa likod ko.

"Babe want me to kiss her?",sabi nya habang nakahaday ang isang kamay doon sa pinto, sa may uluhan ko.

"Babe mali yung dinig mo. Ang sabi ko---"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko, dahil nakayuko na sya at nasunggaban yung mga labi ko.

Shete.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko sya magawang itulak. Ewan ko! Ayoko din naman kasi.

Bahagya akong tumingala at sinalubong, sinundan yung galaw ng mga labi nya. Naramdaman ko naman ang mas lalo nyang paglapit sakin. Wala na akong nagawa kundi ilagay nalang sa bewang nya yung mga kamay ko. Habang yung mga kamay nya, nasa magkabila kong pisngi.

Hindi na ako makahinga sa sobrang init ng mga halik na ibinibigay nya. Pero hindi sya huminto. Hindi ko kayang kumawala.

Abby lasing sya! Hindi nya alam yung ginagawa nya!

Bumaba yung isa nyang kamay sa braso ko. Hanggang sa mapapunta yun sa bewang ko. Hinila nya pa ako palapit sa katawan nya. Pero hindi sya tumitigil sa paghalik. Naramdaman ko na din yung dila nya na nakikipaglaro sa mga labi ko, at sa mismong dila ko.

Naaamoy ako, nalalasahan ko yung ininom nyang alak.

Nagbalik ako sa ulirat nang makarinig ng katok mula sa labas.

Ipinatong ko yung mga palad ko sa dibdib ni Bryan para itulak sya. Pilit ko ding iniwas yung muka ko sa kanya.

"Shh...Be quiet.",sabi ko sabay patong ng hintuturo ko sa labi nya.

Sobrang pula ng mga yun. At malamang yung sa akin din. Tapos yung buhok nya nagulo nang dahil sa paghaplos ko.

Ngumisi sya sakin. Tapos walang pakundangan, binuksan nya yung pinto ng c.r.

"Babe!",sabi ko sabay hila sa braso nya.

Napatingin ako sa kumatok. Apat na babae ang nakatayo sa harap namin at halatang gulat na gulat.

"We are making out! Dammit!",sabi ni Bryan sabay bagsak nung pinto.

"Bryan!",sabi ko.

"Abala sila.",inosente nyang sabi.

Anak ng shokoy!

Napahilamos ako ng palad sa muka at binuksang muli yung pinto.

"Ah...hehe. Wag kayong maniwala dito. Lasing na eh. Sumuka lang sya, tapos inassist ko. Pero tapos na. Sige na, pasok na kayo.",sabi ko sabay hila kay Bryan.

"Babe!",ungot ni Bryan sa likod ko habang hinihila ko sya.

Ipagkalandakan ba naman na...hai ewan! May sapak talaga 'tong boyfriend ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Dinala ko sya doon sa may table nila. Buhay pa si Dean, at ikang members ng team. Ayun at katabi si Chloe na mukang matino pa din naman.

"Dean.",tawag ko.

Nilingon nila ako.

"Babe!",ungot ni Bryan sabay akbay sakin. Pasuray-suray na sya.

"Manahimik ka Bryan ah. Enough with your stubborness.",saway ko.

Napanguso naman sya at parang batang tumango-tango. Tapos nagsubsob sya ng muka sa buhok ko.

"Sorry.",sabi nya.

Napakamot ako sa leeg.

"Dean, patulong naman. Lasing na lasing na nga 'to. Napakakulit na.",sabi ko.

At napakawild, jusmiyo.

Natawa si Dean at tumayo na.

"Tiklop ang siga.",sabi nya habang inaakay si Bryan.

Natawa yung ibang mga nasa lamesa.

Inakay ko sa kabilang kamay nya. Tapos ay nilabas na namin sya ng bar. Sinakay namin sya sa kotse, doon sa backseat. Doon na din ako naupo at hinayaang umunan si Bryan sa lap ko. Kasama din namin si Chloe na nasa front seat.

"Abby...don't be mad at me, please?",sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Hinalikan pa nya yun.

"Hindi ako galit. Basta wag ka nalang makulit ha?",sabi ko habang hinahaplos yung pisngi nya.

"Yes.",sabi nya habang tumatango.

Niyakap nya yung hawak nyang braso ko at pumikit na. Hindi ko naman napigilang mapangiti habang tinititigan yung maamo nyang muka.

Hindi ko mahanap si kuya. Pero sigurado naman ako na uuwi din yun. Baka may kasama lang yung babae sa kung saang lupalop.

Hinaplos-haplos ko nalang yung buhok nya habang nasa daan kami. Mabuti nalang hindi 'to palasuka.

"Naman kasi Dean. Bakit nyo naman nilasing 'to?",sabi ko.

Tumawa sya. "Not me. Ask the whole team, except me. I'm innocent."

"Eh ikaw! Magaling naman hindi ka uminom. Kundi, iniwan na talaga kita dun.",sabi ni Chloe.

"Aw... Baby syempre naman hindi ako maglalasing. I'd rather have fun with you.",sabi ni Dean sabay kindat kay Chloe.

Nailing nalang ako sa kanilang dalawa at ibinalik ang atensyon ko kay Bryan. Tapos ay pinunasan ko ulit sya. Pinawisan na naman eh.

Sinuklay ko ng palad yung buhok nya. Medyo magulo na nga kasi. Itinaas ko yun para mapreskuhan yung noo nya.

Maya-maya lang, nakarating na rin kami sa wakas sa bahay nila. Mabuti nalang at wala yung mga magulang nya. Yari na dahil lasing na lasing na si Bryan.

Pinagtulungan namin syang akayin paakyat sa kwarto nya. Nang maihiga na nila si Bryan, lumabas kami ng kwarto.

"Sige Dean. Maiwan muna ako dito. Asikasuhin ko si Bryan. Kawawa naman eh. Kita mo naman itsura. Pakisabi nalang kay kuya.",sabi ko.

"Sige Abby. Ako nang bahala kay Seam.",sabi nya.

Nagpaalam na din ako kay Chloe. Pagkatapos nun, umalis na din sila.

Tulog na yung mga tao sa bahay nila. Kaya ako nalang mag-isa nagpunta sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig. Tapos iniakyat ko yun sa taas.

Pumasok ako sa kwarto ni Bryan at binuksan na muna yung ilaw. Ibinaba ko yung basin. Tapos nagpunta ako doon sa drawer nya.

Kumuha ako ng towel, at ng pamalit na damit. Sando kinuha ko para presko na.

Bumalik ako sa kama. Yumuko ako at hinubadan sya ng sapatos. At dahil pawisan na sya, hinubad ko na din yung shirt nya. Awee. Anim na pandesal nakabalandra sakin?

Kumuha ako ng towel at pinunasan na sya. Ang himbing ng tulog eh.

Nang matapos ko na syang punasan, dinamitan ko na sya ulit.

Nakita ko naman na may umilaw sa pantas nya. Tsk. Tsk. Yung phone nya andoon pa pala.

Sinuot ko yung kamay ko sa front pocket nya at kinuha yung phone nya. Tapos ay pinatong yun sa bedside table. Ayan secure na. Sayang naman kasi 'tong iPhone nya. Baka madurog pa.

"Ayan babe. Okay ka na.",sabi ko.

Hinaplos ko ulit yung buhok nya at hinalikan sya sa pisngi.

Inayos ko na yung mga basin at pinaghubadan nya. Nilagay ko na muna yun sa tabi. Inayos ko yung comforter nya.

Kinuha ko yung phone ko at nag-iwan ng message kay Mommy at pinaalam kung nasaan ako. Hindi na sya nakapagreply. Malamang tulog na yun.

"Hai naku babe. Pakalasing pa. Tinde mo din eh noh?",sabi ko habang hinahaplos naman sya sa pisngi.

Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo na. Pinatay ko na yung ilaw.

Nagpunta ako doon sa kabilang gilid ng kama nya at nahiga. Nakikumot na din ako.

Hindi na ako makahihintay pa ng magsusundo sakin dito. Inaantok na ako. Pgakapatay ko nung lampshade, pumikit na agad ako. At, nagsimula nang gumawa ng tulog.






Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 178 43
"Bakit tayo iniiwan ng mga taong nagsabi sa ating 'wag natin silang iwan?" - Zadist Thorns After Everything follows the story of Maris, a young girl...
471K 14.2K 37
Akala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlak...
624K 15.8K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
257K 7.7K 68
[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of u...