CHAPTER 44 💕 Babe's Sleepover
"O paano? Mukang RDA na naman pala ang kalaban natin sa trono ah.",sabi ni kuya pagkalabas namin ng arena.
Nanalo sila sa lahat ng last three games nila today. Kaya bukas, sila ang lalaban sa championship! Wohoo!
Pero natawa talaga ako sa reaksyon nila kanina pagpasok namin ng arena. Para kaming celebrity tae! As in halos lahat ng mata, sa amin nakatingin. Suot pa kasi namin yung couple shirt namin. Hawak pa pati kasi ni Bryan yung kamay ko.
Tapos nun, pagpasok nya sa bench, hinubad nya, tsaka pa sya nagpalit ng jersey. Ako naman, hindi ko na nahubad. Nagcheer ako ng nakaganun.
At ngayon, heto na naman, suot nya, kahawak-kamay na naman ako. Naglalakad kami papunta sa parking lot para makauwi na. Ginabi na nga kami eh. Kasi naman tagal ng laban nina kuya sa Princeton College.
"The trophy will be ours Seam.",sabi ni Bryan.
"Wow. Confident.",sabi ko.
"Ganun talaga Abby. Kung gusto mo ng something, put confident on it.",sabi ni Dean.
"Oo nga. Parang ikaw nung gusto mo si Bryan. Confident ka na mapapasayo sya. O tignan mo nangyare. Boyfriend mo ngayon.",sabi ni Ingrid.
Muntik ko na syang dagukan sa kadaldalan nya. Pasalamat sya at malayo sya sakin.
Bigla silang nagtawanan.
"Oi hindi naman totoo yun!",tanggi ko.
"Aw. Babe wag mo nang itanggi. Alam ko naman na eh.",sabi ni Bryan sabay akbay pa sakin.
"Sapak, gusto mo?",sabi ko.
"Eto si Abby mang-aalok nalang sapak pa! Hindi nalang halik eh.",sabi ni Koden.
"Oo nga.",sabi ni Bryan.
"Eh kung kayo kayang dalawa ang paghalikin ko?",sabi ni kuya kay Bryan at kay Koden.
Natawa naman ako.
"Ang bait mo kuya.",sabi ni Bryan.
"Gusto mo mapilayan ulit?",sabi ni kuya.
"Kung para sa ikaaayos ng ating pamilya, handa akong masaktan.",sabi ni Bryan.
"Tarantado.",sabi ni kuya. Tinawanan lang naman sya.
Nang makarating sa parking lot, nagsisakayan na yung mga players sa bus na dala nila.
"May dala akong kotse. Dun nalang kami ni Abby.",sabi ni Bryan.
"Oo na. Basta idiretso mo yan sa bahay.",sabi ni kuya.
"Yes kuya. Babye!",sabi ko sabay kaway sa kanya.
Nagpaalam na din kami sa iba pa. Sina Chloe at Ingrid doon na din sa bus sumabay. Mga wala din kasing dalang sasakyan. Eh kesa mamasahe pa sila ng taxi, syempre dun na sa libre.
Nagpunta na kami sa sasakyan ni Bryan. Tapos ay sumakay. Nagmaneho sya kaagad. Pero, tahimik lang ako sa byahe.
"Babe, I just noticed something. Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon?",sabi ni Bryan.
Nilingon ko sya.
"Babe kasi...masakit tyan ko.",sabi ko sabay ngiwi at hawak sa tyan ko.
Kanina-nina pa 'to. Tumitibok eh.
"You need to go the comfort room?",tanong nya.
Napanguso ako at umiling. Hindi naman ako natatae!
"Babe na-empatcho na ata ako.",sabi ko.
Napadami ata talaga yung kain ko ng ice cream.
"Babe I told you eh. Control sa pagkain.",sabi nya.
Hindi ako nagsalita. Sesermonan pa ba nya ako?
"Well, how can we take the pain away? Medicine? Or liniment? What?",sabi nya.
"Gamot.",sabi ko.
"Babe, kaya mo pa bang tiisin kahit ilang minuto nalang? Kasi, sabi ni Mommy, hindi maganda ang umiinom ng gamot ng wala pang laman ang tyan.",sabi nya.
"K-Kaya pa naman.",halos pabulong ko nang sabi.
"Don't worry. Malapit na tayo.",sabi nya.
Tumango lang ako.
Tahimik lang ako. Napansin ko naman na kung kanina, medyo mabagal pa ang pagpapatakbo nya, mabilis na ngayon.
"Babe, slow down.",sabi ko.
"It's okay. I know what I'm doing.",sabi nya.
"Babe please? Kaya ko pa. Hindi ako manganganak okay? Hindi din ako natatae kaya relax lang.",sabi ko.
Napanguso sya at dahan-dahan na ngang binagalan yung sasakyan. Normal speed lang.
Nakahawak ako sa tyan ko habang hinihimas yun. Leche naman! Katakawan eh!
Ilang saglit lang ng pagtitiis, nakarating na din kami sa bahay. Agad bumaba si Bryan at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Tapos inalalayan nya akong makababa at makapasok sa bahay.
"Oh God babe. I'm sorry. I shouldn't let you eat that much.",sabi nya habang papasok kami sa bahay.
"Babe wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko okay? Siba ko kase. Kaya wag kang magsorry dyan.",sabi ko.
Hindi na sya nagsalita nang makarating kami sa tapat ng pinto namin. Kumatok ako kaagad. Tahimik naming hinintay hanggang sa magbukas yun. At pagbukas, bumungad samin si Mommy nannakaapron pa.
"Good evening tita.",bati ni Bryan.
"Hi My.",sabi ko.
"Hello kids. Pasok kayo.",sabi ni Mommy.
Pumasok na kami ni Bryan. Agad nya akong iniupo sa sofa.
"Tita, I'm sorry. Abby is..."
Napatingin sakin si Mommy. Nakangiwi pa ako at hinihimas yung tyan kong may beating.
Napansin ko ang panlalaki ng mga mata ni Mommy.
"Oh my God Bryan! Don't tell me..."
Humarap sakin si Mommy.
"Abbielyn are you pregnant?",sabi ni Mommy.
Parehas kaming napanganga ni Bryan. Hindi pa kami makapagsalita dahil in state of shock pa kami parehas.
"Pregnant?"
Napatingin kami sa nagsalita. Si kuya na kararating lang, kasunod sina Dean, Koden at Chanz.
"Pregnant? Who? You Abby?!",nanlalaki ang mga matang sabi ni Koden.
Kunot na kunot ang noo ni kuya.
"T-Tita no. That's not what I want to say.",mabilis na sabi ni Bryan.
Tumayo naman ako.
"My, hindi po. Tsaka paano po mangyayari yun eh wala namang nagaganap na milagro samin ni Bryan. Mommy ang bait ko kaya.",sabi ko.
"Me too.",sabi ni Bryan. Agad naman syang napakagat sa labi. "I mean, Abby is right tita. Hindi po namin yun ginagawa."
"Ha? Eh ano ba?",sabi ni Mommy.
"Eh kasi My, kanina dinala ako ni Bryan sa isang ice cream parlor. Eh napadami yung kain ko kaya...alam mo na. Naempatcho.",sabi ko sabay upo na ulit.
"Eh why is Bryan saying sorry?",sabi ni Mommy.
"Eh kasi My sinisisi nya yung sarili nya kasi sya daw nagdala sakin dun.",sabi ko.
"Ah...",sabay-sabay na sabi ng lahat habang tumatango pa.
"Katakawan kasi.",sabi ni kuya sabay upo sa sofa. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Hi tita.",sabi nina Dean.
"Hello.",sabi ni Mommy.
Nag-upuan sila sa sofa. Si Bryan naman, kumuha naupo din sa tabi ko.
"Teka. Kukuha ako ng pagkain para makakain na yan si Abby at makainom ng gamot. Wait lang boys ah. Hindi pa ako tapos magluto eh.",sabi ni Mommy. "Akyat na kayo dun sa guest rooms. Palit na kayo."
"Huh? Anong magpalit Mommy? Bakit po? Anong meron dito satin?"
"Hindi mo pa pala alam. Mag-oover night sila dito.",sabi ni Mommy, tapos umalis na sya.
"Para sabay-sabay kami makapagpractice sa madaling-araw. Tsaka, makapunta na din sa venue.",sabi ni Dean.
Nilingon ko si Bryan.
"Bakit di mo sinasabi sakin?",tanong ko.
"Eh..." Napakamot sya sa ulo. "I forgot."
"Tss.",sabi ko lang.
"Hoy Brylen.",sabi ni kuya. Tapos nagsenyas sya ng 'I'm watching you' kay Bryan.
"Ano naman yan kuya?",sabi ko.
"Wala ka na dun. Tumae ka na nalang.",sabi nya.
"Hoy ang kapal mo! Hindi naman ako nadudumi eh. Sabi nang masakit lang ang tyan ko."
Hindi naman talaga. Tsaka si kuya hindi na nahiya. Ang dami namin dito, kung makapagsabi ng natatae wagas.
"Kunwari pa.",sabi nya.
"Ewan ko sayo.",sabi ko lang.
"Hoy!",sabi ni kuya habang nakatingin kay Bryan.
Nilingon ko si Bryan. Ibinaba naman nya yung kamay nya na mukang aakbay sakin.
"Ano ba yan Seam! Napaka..."
"Epal mo naman.",pagdugsong ko sa naunang comment ni Koden.
Napakunot ang noo ni kuya.
"Kuya, ano ba namang masama sa akbay? Hindi ko naman siguro yun ikapapamahak diba?",sabi ko.
"Kahit pa. Bawal. Sa harap ko.",sabi ni kuya.
"Kuya...hindi kaya mabibitter ka lang? Kasi ako may lovelife na, ikaw...wala pa din. Yung permanente ba.",sabi ko sabay ngisi.
Nanlaki naman ang mga mata ni kuya.
"Excuse me sis? I don't need that.",sabi nya.
"Ehhh???",asar ko pa.
Nagtawanan naman yung mga kabarkada nya. Pinanliitan nya ako ng mata.
"O sige. Kung ayaw mo na umaakbay sakin si Bryan, ako nalang aakbay sa kanya.",sabi ko sabay akbay nga kay Bryan. Natawa naman si babe.
"Pilosopo ka Abbyntot ah.",sabi nya.
"May lovelife naman ako. Ikaw wala.",sabi ko sabay dila sa kanya.
"Akala ko ba masakit ang tyan mo Abby?",sabi ni Chanz.
"Ewan. Nawala eh. Si kuya kasi.",sabi ko.
"Ano?",sabi ni kuya.
"Amoy efficacent oil!",sabi ko sabay tawa.
Tumawa na naman yung mga kabarkada nya. Ako naman, agad tumayo at nagtatakbo papunta sa kusina.
"Mommy kakain na po ako?",sabi ko.
"O? Bakit kung makatawa ka dyan eh inam? Akala ko ba masakit ang tyan mo?",sabi ni Mommy.
"Ewan My. Wala na po eh.",sabi ko.
"Hai Abbielyn. Ang imortal kong anak.",sabi ni Mommy. Napatawa naman ako.
"Ano? Sasabay ka ba kayna Bryan o mauuna ka na?",sabi ni Mommy.
"Sasabay nalang po. Parang nakakalungkot naman kumain mag-isa.",sabi ko.
"Sige. Umakyat ka muna sa kwarto mo at magpalit na.",sabi nya.
Tumango ako.
"Opo My.",sabi ko sabay talikod na at lakad. Pero hindi pa ako nakakalayo, tinawag ulit ako ni Mommy.
"Po?",sabi ko.
"Your couple shirt looks great.",nakangiting sabi ni Mommy.
Napangiti din ako.
"Thanks Mommy.",sabi ko. Tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Umakyat na muna ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Typical shorts at t-shirt lang naman ang suot ko. Pagkapalit ko, naglakad na ulit ako pababa.
Nakakatuwa naman. Dito tutulog sina babe. So, magdamag ko pala syang makikita!
Pagkababa ko, nakita ko na silang naglalakad papunta sa kusina. Pero si Bryan, nakita ko na nakaupo pa doon sa sofa sa sala.
"Ui babe!",tawag ko.
Nilingon nya ako.
"Bakit hindi ka pa pumupunta sa kusina?",sabi ko.
"Waiting for you.",sabi nya.
Hindi ko naman napigilang mapangiti.
"Asus naman. O halika na.",sabi ko.
Ngumiti sya at tumayo na. Pagkatapos ay sabay kaming nagpunta sa dining room.
"Wow Mommy!",sabi ko nang makita yung mga nakahandang pagkain sa lamesa.
Dali-dali kaming naupo lahat. Pinaghila pa ako ng upuan ng boyfriend kong gentleman.
Nang makaupo ako, humila din sya ng upuan sa tabi ko. Nang makapwesto ang lahat, kainan na!
"Wow tita! Sarap nito.",sabi ni Koden habang nilalantakan na yung luto ni Mommy.
"Sympre noh. May sahog yang pagmamahal.",sabi ko.
"Asus naman ang anak kong 'to. Napakabolera.",sabi ni Mommy.
"Naku ang Mommy kong ito. Hindi pa naniwala. The best ka kaya.",sabi ko.
Natawa si Mommy at sina Bryan. Napatingin naman sila kay kuya pagkatapos. Nakatingin lang ito sa plato nya habang sumasandok.
"Naku mga nilalang. Wag nyo akong tignan. Wala akong gustong sabihin.",sabi ni kuya.
Sya naman ang tinawanan namin.
Habang kumakain, nagkwentuhan sila kuya tungkol sa naging game kanina. Yung magaganda nilang laro at yung pag-alis namin at pagbalik na nakacouple shirt. Napakawawalanghiya.
Pagkatapos ng kainan, diretso kami sa sala. Si Mommy kasi ayaw na magpatulong sa paghuhugas. Kaya sumunod nalang ako kayna Bryan nung niyaya nya ako na makinood nung movie na panonoorin nila sa sala.
Nakaupo na sila doon sa mga sala. Ako naman syempre, nakapwesto sa tabi ni Bryan. Nandoon sya sa may pinakagilid. Habang sa tabi ko, bakante. Kaya naman, itinaas ko na yung paa ko.
"Kuya ano yan?",tanong ko kay kuya habang nagsasalang sya ng c.d.
"Cannibal.",sabi nya.
"Kuya naman eh!",sabi ko.
"It's an action movie.",bulong ni Bryan.
Tumango-tango nalang ako. Pumwesto na si kuya doon sa single sofa sa dulo nung inuupuan naman ni Bryan. Tapos, nagsimula na din ang palabas.
Noong una, natutuwa pa akong manood. Kaso nang tumagal-tagal, nakaramdam ako ng bagot. Napakatahimik naman kasi nila manood. Hindi tulad naming tatlo nina Ingrid at Chloe na nagbabounce pa sa upuan kapag may nakakaexcite na eksena. With matching tili o sigaw pa yun. Minsan may hampasan pa.
At dahil nakakatamad at nakakantok manood, sinandal ko yung likod ko sa braso ni Bryan. Napatingin sya sakin. Pero hindi sya nagsalita at tinanggal yung braso nya sa likod ko, bagkus ay pinang-akbay at pinangtulak sakin para maisandal naman sa dibdib nya. Kaya nakaiswad na ang upo ko, habang nakatuwid pa ang mga paa sa sofa. Nakaupo-higa na ako. Nakaupo, nakasandal kay Bryan, nakahiga ang kalahating katawan sa sofa.
Hinawakan ko yung kamay nya na nakaaikot sa katawan ko. Tapos, nagsimula na akong paglaruan yung mga daliri nun, habang absent-minded na nanonood sa t.v.
"Good night boys and girl.",sabi ni Mommy na napadaan sa sala.
"Good night tita/Mommy.",sabay-sabay naming sabi.
Napatingin si Mommy samin ni Bryan. Makahulugan lang syang ngumiti, tapos ay dumiretso na sa pag-akyat.
Si kuya, wapakels na sa pwesto namin ni Bryan. Nakahiga sya doon sa single sofa at nakatutok sa t.v.
Kinakalikot ko yung mahahabang daliri ni Bryan habang nanunuod lang din sya sa t.v. Napahikab naman ako at nagsandal ng ulo sa balikat nya. Bigla ko nalang naramdaman yung paghalik sa ulo ko.
"Sleepy already babe?",sabi nya.
"Konti.",sabi ko.
Napanguso naman sya.
"O bakit?",sabi ko.
"Aakyat ka na?",sabi nya.
Tinitigan ko sya. Nakatitig lang din sya sakin. Aw... Ayaw pa nya akong umakyat.
"Hmm... Mamaya nalang. Hindi pa naman ako sobrang-sobrang antok eh.",sabi ko.
Napangiti sya at nagsandal din ng ulo sa ulo ko. Ai kalambing naman ng batang are.
Nakasandal lang kami sa isa't isa habang nanonood ng t.v. Hanggang sa maya-maya, hindi ko na rin namalayan ang sarili ko, at napapikit na talaga ako.
~♥~
"Abby... Abby."
Napaungot ako at sumisksik sa yakap-yakap ko at itinaboy yung kumukulbit sa balikat ko.
"Naku. Naglue na yata yan kay Brylen eh. Mukang hindi na yan maaalis.",nadinig kong sabi ni Koden.
"Told you Seam. Dito na sya.",nadinig kong sabi ni Bryan. Tapos naramdaman ko na may humaplos sa braso ko.
"Damn you. Gisingin mo na yan ah. Tapos paakyatin mo sa kwarto nya. Then you, proceed to the guest room.",sabi ni kuya.
Tsk. Tsk. Si kuya talaga.
"Babe. Baby ko... Gising muna..."
Hindi ko napigilang mapangiti sa isip sa narinig ko. Hai ang babe ko.
Hinigpitan ko ang yakap sa braso nya, bago ako dahan-dahang magmulat. Hai. Feeling ko kumapit yung mata ko sa magkabilang talukap ah.
Pero nagulat ako nang makita yung pwesto ko. Nakahiga lang naman ako sa unan na nakapatong sa lap ni Bryan. Tapos nakayakap ako sa braso nya. Napangiti sya nang makita akong nakamulat na.
"Oh hi babe.",sabi nya sa medyo inaantok nang boses.
Tumingin ako sa paligid. Nakaakyat na pala sina kuya. Naiwan kami dito ni Bryan sa sala.
"Babe, akyat ka na.",sabi nya habang hinahaplos yung buhok ko, gamit yung isa nyang kamay.
Napahikab pa ako habang bumabangon.
"Bakit hindi mo agad ako ginising?",sabi ko sabay sandal sa dibdib nya. Hindi pa naman kasi ako nakakaupo ng maayos. At nanlalambot pa ako.
Bahagya nyang tinulak yung ulo ko sa balikat nya.
"Eh babe, you we're sleeping so soundly kanina. Tsaka, I just...just like to have you in my arms. Sorry.",parang naguilty pa nyang sabi.
"Bakit ka naman nagsusorry? Ang cute-cute mo kaya.",sabi ko sabay pisil sa pisngi nya.
Bahagya syang natawa at nagsubsob ng muka sa pisngi ko.
"Tara na sa taas babe. Gabing-gabi na oh. Maaga pa kayo bukas.",sabi ko habang bahagya pa din pinipisil yung pisngi nya.
Kiniss nya pa muna ng isa yung pingi ko bago sya kumalas sakin at tumayo na. Tumayo na din ako. Pagkatapos, sabay kaming umakyat sa taas.
Pagkatapat namin sa pinto ng kwarto ko, binuksan ko na yun agad.
"Sige na. Dun ka na sa guest room. Good night.",sabi ko sabay yakap sa leeg nya ng mahigpit.
"Good night babe.",sabi nya. Tapos ay napabuntong-hininga pa sya. "I wish I could sleep beside you.",sabi nya habang yakap din ako.
Oo naman yes nagulat ako na malaman na gusto pala nyang tumabi sakin.
Kumalas ako at tinignan sya.
"Eh babe, sorry pero hindi naman ata pwede yun.",sabi ko.
"Yeah. I know.",sabi nya. Medyo napakunot ang noo nya.
"Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi...alam mo na. Rules ni kuya.",sabi ko.
"It's okay babe. I understand. You don't have to explain. Sige na. Tulog ka na.",sabi nya.
Ngumiti lang ako at tumango. Hinalikan nya pa muna ako sa noo, bago ako tuluyang pumasok doon sa kwarto.
Sinara ko na yung pinto, matapos ay sumampa sa kama. Nawala ata antok ko ah.
Tinignan ko yung orasan. Alas onse na pala. Nahiga na ako sa kama at tumingin lang sa kisame.
Si Bryan, he's indeed romantic. Not in a way na mahilig sya sa babae pero, he is sweet. You know that? Romantic na sweet?
Pero sa totoo lang kasi, aaminin ko yung relationship namin, it's a little intimate. Yun bang parang kapag magkakasama kami, para kaming napapaso ng isa't isa.
Katulad nalang nung nangyari nun sa bahay nila. Sa kwarto nya. Alam ko hindi naman nya sinasadya. Pero wala eh. Nadala sya nung sinasabi kong init.
Kaya siguro, tama din si kuya. Hindi pa muna kami dapat nagtatabi sa pagtulog. Mahirap na. Baka pareho kaming magkamali.
But anyway, may tiwala naman ako kay Bryan. Nakikita ko kung paano sya sumusunod sa rules ni kuya. Nakikita ko kung paano nya ako igalang. Sa halik palang nya sa noo ko, dama ko na. Siguro, ingat at kontrol lang talaga ang kailangan namin.
Sa pagtitig sa kisame, para akong nahipnotize bigla. Unti-unti na akong napapapikit. Inayos ko yung comforter sa katawan ko. Matapos nun ay, dumiretso na akong pumikit at muling nahimbing.
Kailangan ko 'to. Cheerer pa naman ako.