Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 41 Sungit's Accident

89 2 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 41 💕 Sungit's Accident

"Nakakaaliw talaga yung kambal.",sabi ko kay Bryan nang makasakay na kami sa sasakyan. Ihahatid na nya ako pauwi.

Ang saya ng mga nilaro namin. Nagluto-lutuan pa kami, tagu-taguan at habulan.

"Naaliw din sila sayo ng sobra.",sabi ni Bryan.

Napangiti naman ako.

"Pagod ka na noh?",sabi ko.

Nilingon nya ako.

"Well, a little. But happy.",sabi nya.

"Pag dating mo sa bahay nyo, kumain ka na agad, tapos matulog ka. Bukas, okay lang kahit di mo muna ako sabayan sa pagpasok. Matulog ka ng mahaba.",sabi ko.

"Nah. Babe kaya kong gumising nang---"

"Alam ko. Pero hindi yun ang dinedemand ng katawan mo. Kailangan mo ng mas maraming energy kasi active ka na masyado. Okay lang ako. Naiintindihan ko naman eh.",sabi ko.

Hindi sya nagsalita at nangiti lang.

"Thank you. You don't know how much that means to me.",sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya.

"I aim to support babe.",sabi ko.

"I know. You're just so amazing.",sabi nya.

"Talaga?"

Tumango sya.

"Eh mahal ka eh. Anong magagawa?",sabi ko.

Tumawa sya at kinuha yung kamay ko. Tapos hinalikan nya yun.

"I love you too.",sabi nya.

OMG! Kinikilig ako! Waaahhh!!!

Ngumiti lang ako sa kanya. Matapos nun, hindi na ako nagsalita. Pinanood ko nalang yung kamay naming magkahawak habang parang tangang napapangiti.

~♥~

Bukas na ang simula ng sports fest. Bukas na ang game nina Bryan. Excited na ako! Sana manalo sila. Pero alam ko naman na mananalo talaga sila. Sina Bryan pa!

Nandito ako sa bahay. Gumagawa ako ng banner para bukas. Hahaha. Oo naman noh. Todo support ako tomorrow.

Nakadoodle yun na 'Go Bryan'. Naisip ko lang kasi, ang clingy naman kung babe pa ang ilalagay ko. Makulay yung gawa kong banner. Maganda!

Hindi 'to alam ni Bryan. Surprise ko eh.

Pagkatapos kong magawa yung banner, bumaba na muna ako para kumain ng panghalian. Wala si Mommy eh. Si kuya naman, nasa practice.

Naupo ako doon sa sala at dun kumain habang nanonood ng t.v. Kaso ang pangit ng palabas. Kaya naisipan ko munang itext si Bryan. Kamusta naman kaya yun?

Ako:

Hello Sungit. Kamusta?

Hinintay ko sya magreply. Naiintindihan ko naman kung hindi sya agad makakareply eh. Pero sana magreply sya.

Babe Sungit:

I'm fine babe. Kumain ka na?

Ako:

Kumakain palang. Ikaw?

Pagkatapos nun, hindi na sya nakareply. Malamang bumalik na sya sa laro. Kaya ako, nagpatuloy nalang sa pagkain.

Pero eksaktong pagtayo ko, dala yung plato ko, nakatanggap ako ng text. Pero hindi galing kay Bryan. Galing kay Koden.

Koden Daldal:

St. Luke's. Room 463. Bryan Esguerra.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa natanggap kong text. Kahit putol-putol yun, nagets ko ang idea!

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit. Anong nangyari kay Bryan?!

Hindi naman ako marunong magmaneho kaya kinailangan ko pang magpatawag ng taxi. Day off kasi ni kuya kong driver ngayon.

Nang dumating yung taxi, dali-dali na akong sumakay at nagpahatid sa tinext na hospital ni Koden.

Maya-maya lang, nakarating na rin ako sa hospital. Agad akong bumaba. Isasara ko na sana yung pinto kaso nagsalita si Manong driver.

"Neng! Neng! Bayad mo!",sabi nya.

"Ai naku sorry po.",sabi ko.

Dumukot ako ng dalawang daan sa wallet ko. Eh wala naman akong barya eh!

"Eto po.",sabi ko.

Hindi ko na inintay yung sukli ko at nagtatakbo na ako papasok ng hospital.

Room 463.

Sumakay ako ng elevator paakyat sa floor nun. Nang makababa, halos patakbo na akong magpunta sa kung saanmang room yung 463.

Nang makita yun, wala nang katok-katok! Pasok agad.

At hayun si Bryan na nakaupo sa kama. Pinupukpok ng doctor yung tuhod nya. Ano na naman bang nangyari dito?

Nandito yung team mates nya. Lahat, pati si coach. Nang matunugan nilang bumukas yung pinto, napatingin silang lahat sakin. Pati si Bryan.

"Babe?",gulat nyang sabi.

Hindi ko sya binati at agad nalang akong lumapit sa kanya.

"Maayos naman. Luckily, hindi naman ganun kalala ang naging damage. Minor lang. Rest will make this better.",sabi ni doc.

"How long doc?",sabi ni coach.

"Maybe atleast 24 hours."

"24 hours?!",gulat na sabi nilang lahat.

"Doc bukas na ang game namin eh!",sabi ni Dean.

"We can't take risk. Kung pipilitin, baka lalo lang 'tong lumala. So I suggest, 24 hours of foot rest. Bawal muna ang palakad-lakad. Do you still have any questions?",sabi ni doctor.

"Pwede na ba syang ilabas ng hospital doc?",sabi ni coach.

"Pwede naman na."

"Thank you doc.",sabi ni Bryan.

"Okay. Excuse me, I have to go."

Tumango lang kami at pinanood syang lumabas.

"Anyare?",sabi ko.

"Naout of balance. For real.",sabi ni kuya.

"Hai babe. Ang lampa.",sabi ko sabay tap ng daliri dun sa tuhod nya.

Napasinghap naman sya.

"Anong lampa? Binunggo ako nyang kuya mo.",sabi nya.

"Kasalanan ko ba? Pahara-hara yan si Dean eh.",sabi ni kuya.

"Anong ako? Eh natisod ako ni Kody.",sabi ni Dean.

"Si Chanz kasi, ang bagal. Sya nasa harap eh.",sabi ni Koden.

Tumingin kami kay Chanz.

"May sinasabi kasi si coach.",poker face nyang sabi.

Tumingin kaming lahat kay coach.

"Okay fine. Sorry. May idinidikta lang akong run nun.",sabi nya.

Naku naman. Si coach naman pala may kasalanan.

"O eh pano yan? Wala na tayong captain.",sabi nung isang lalaki dun na di ko kilala.

"Seam will stand as.",sabi ni coach. "Zayne, Seam's place."

"Akala ko naman kung ano nang nangyari sayo.",sabi ko kay Bryan.

"Why? You expected for worse? And you got disappointed to see na ganito lang pala inabot ko?",sabi nya.

"Hmm...Medyo.",sabi ko.

"Seriously?",sabi nya.

Natawa naman ako.

"Joke lang.",sabi ko. "Hindi ka na muna pala makakalaro bukas?"

"Yeah. Pero tatlong araw naman yun. I'll be there on the second.",sabi nya.

Tumango lang ako.

"But, how'd you know I was sent here?"

"Koden.",sagot ko.

"I knew it.",sabi nya. "But thanks for coming."

"Siraulo ka ba? Eh malay ko kung baka agaw buhay ka na dito? Syempre naman susugod talaga ko noh.",sabi ko.

Tumawa sya at inakbayan ako. Tapos hinalikan sa ulo.

"Hoy andito pa kami!",sabi ni Koden.

Napalunok naman ako at humiwalay kay Bryan.

"Edi lumabas kayo.",sabi ni Bryan. "Ah shit!"

Tinapik ni kuya kase yung tuhod nya.

"Seam.",saway ni coach.

"Kuya naman! Edi lalo na 'tong di nakalaro.",sabi ko.

"Sige na. Sa labas muna kami. We'll call for some wheelchair para mailabas ka na.",sabi ni coach. "Come on boys."

Nagtanguan sila at sumunod na nga kay coach. Tinitignan pa ni kuya ng masama si Bryan.

"Masakit ba talaga?",sabi ko kay Bryan pagkalabas nina kuya.

Ngumiti sya at inakbayan ako ulit.

"Kanina. Pero nung dumating ka, hindi na.",sabi nya.

"Aisus! Hayan ka na naman eh.",sabi ko.

"Babe, hindi ako makakalaro bukas.",sabi nya.

"Oo nga eh. Pero hayaan mo na. Kaya naman yun nina kuya. Tsaka, wag kang mag-alala. Aalagaan kita.",sabi ko.

"Talaga?",sabi nya habang nangingiti pa.

"Oo naman. Basta magpakabait ka."

"Magagawa ko pa bang mangulit sa lagay na 'to?",sabi nya.

Natawa ako.

"Oo nga naman. Pero basta maging mabait ka sakin.",sabi ko.

"Palagi naman akong mabait sayo ah."

"O talaga lang ah?",sabi ko.

"Oo kaya.",sabi nya. Tapos kiniss nya ako sa pisngi. "I miss you."

Bakit I miss you? Eh halos tatlong araw na kaming hindi nagkasama ng ganito katagal eh. Oo matagal na 'to. Paano hindi naman na nya ako nasusundo at nahahatid nang dahil sa training. Hindi kami nagkakasabay kumain. Nagkikita lang kami kapag magpapaalam ako kunwari umuwi. Magsasabi lang ako ng 'uwi na ako, babye.' Yun na yun.

"Aw...",sabi ko sabay kurot sa ilong nya. "Namiss din kita."

Ngumiti sya. Ngumiti din ako at niyakap sya sa bewang.

"Kumain ka na?",sabi ko.

"Not yet. Maybe later."

"Hapon na eh. Ano ba naman yan?",sabi ko.

"Tinamad ako eh."

"Jusme Bryan. Kakain nalang tinatamad ka pa?"

Ngumisi sya at mas hinila pa ako palapit sa kanya. Inisqueeze nya yung kamay nya sa braso ko.

"Sorry.",sabi nya.

Naku pacute na naman sya. Palibhasa alam na masesermonan eh.

"Sorry? Pacute ka pa dyan eh.",sabi ko.

"Cute naman ako talaga.",sabi nya.

"Yabang mo.",sabi ko.

"Kiss mo nga 'ko.",sabi nya.

"Ano?"

"Kiss mo 'ko. Sige na. Namiss mo ako diba?",sabi nya.

"Para-paraan ka din eh noh?",sabi ko.

Ngumiti sya. Tapos nilapit nya yung muka nya sakin.

"Pasaway kang lalaki ka.",sabi ko.

Tumingala ako at sinalubong yung mga labi nya. Peck lang naman yun. Pero yung puso ko malalaglag. At ang mokong naman, ngising-ngisi pagkatapos.

Natawa ako sa kanya at hinilamos yung palad ko sa muka nya.

"Babe!",sabi nya.

Kumalas na ako sa kanya dahil baka gumanti pa sya. Sakto naman pagkalas ko, may pumasok na dalawang nurse na may tulak na wheelchair.

Isang babae at lalaki yun. Yung babae, mukang nastar struck kay Bryan, napatitig na. Kaya yung lalaki na ang nagsalita na isasakay dun si Bryan.

Inalalayan sya nung lalaki. Tapos sa kabilang side nya yung babae.

Okay lang naman kahit mukang may crush yung nurse kay Bryan. Di ko naman sya masisisi eh. Tsaka ginagawa lang nya ang trabaho nya.

Nang maisakay dun si Bryan, ako na ang nagprisinta na magtutulak sa wheelchair.

"Urgh Bryan ang bigat mo!",sabi ko habang tinutulak yun.

"You volunteered babe. Wag mo akong sisihin.",sabi nya habang halata namang nangingiti.

Tinulak ko yun ng buong lakas. Napansin ko yung mga kateam mates nya sa may ahead namin, na nakatayo lang.

Bakit ba napakaganit naman yata ng wheelchair na 'to?

Habang hirap pa din sa pagtulak nung wheelchair, sinilip ko yung gulong nun. At kaya naman pala, ang walanghiyang si Bryan hawak-hawak yun at pinipigilan sa pag-andar.

"Babe!",sigaw ko sabay hampas nung isa nyang kamay.

Bigla namang nagtawanan yung mga kateam mates nya.

"Hai bahala ka dyan! Paandarin mo yan mag-isa.",sabi ko sabay lampas na sa kanya.

"Walang tutulong dyan ah.",sabi ko sa mga kateam mates nya.

"Babe sorry!",natatawa pa nyang sabi.

Nilingon ko sya at tinignan ng masama. Pinapaandar nya yun gamit yung gulong. Kaso nahihirapan sya. Hindi nya yun mapaandar. Bakit? Eh niyapakan ko yung lock nun sa ilalim eh.

"What the!",sabi nya sabay dungaw sa ilalim nun.

"Babe.",nakapout nyang sabi.

"Galing Abby.",sabi ng tatawa-tawang si Koden na nakipaghigh five sakin.

"Tara na coach?",sabi ko.

Napangiti si coach at tumingin kay Bryan. Tapos ay tumango. Naglakad na kami. Sumunod naman silang lahat.

"Coach, hey! Dammit! Mga traydor kayo!",sigaw ni Bryan habang naglalakad kami palayo.

Lumiko na kami. Kaya di na nya kami kita. Pero naririnig ko pa syang nagsisigaw. Huminto ako sa paglalakad at natawa nalang.

"Oh? It stuck?",narinig kong sabi nang isang babae.

"33 seconds.",sabi ni Koden.

Oo alam ko! 33 seconds palang ang nakakalipas nakabingwit na agad si Bryan ng babae. Na malamang patutulungin nya sa wheelchair nya.

"My girlfriend left me here.",sabi ni Bryan.

"Really? How come?"

"She got mad. Cause I tricked her."

Mabuti alam mo kang Bryan ka!

"Oh. Well you should break up with her."

"Anak n---"

Hindi ko na naituloy ang pagrereact ko dahil tinakpan ni kuya ang bibig ko.

"Just because of this?",sabi ni Bryan.

"Yeah. Anong klase syang girlfriend para iwanan ka dito ng ganyan?"

"Well, kasalanan ko naman. Palagi ko syang inaasar."

"She don't deserve you.",sabi nung babae.

"Don't judge her miss. She is wonderful, I'm telling you. Tsaka kung hindi mo naman pala ako tutulungan at lalaitin mo lang ang ugali ng girlfriend ko, sige na. Lumayas ka na sa harap ko."

"My God! You know ang gwapo mo pa naman, kaso...urgh! You're so rude!",sabi nya.

"I don't care. Get lost.",sabi ni Bryan.

Tinanggal na ni kuya yung kamay nya sa bibig ko. Nang mapatingin naman ako sa kanila na nasa likod. Mga nagpipigil ng tawa.

Napatingin kaming lahat sa babaeng lumiko sa kinaroroonan namin. Nakared na maiksi at hapit na dress yung babae na medyo kulot yung buhok. Eh leche ang ganda at ang sexy naman pala eh!

Napatigil sya at napatingin samin. Napa-woah naman yung mga lalaki. Tapos nun, umirap sya at naglakad na palayo. Habol tingin naman yung mga players. Lalo na si kuya.

Napakamot ako sa ulo at naglakad na para balikan si Bryan. Nakita ko naman sya na nakalingon sa likod nya. At nakita ko din yung isang babae dun na nakangiti at parang nakikipag-usap sa kanya.

Nagcross arms ako sa harap ng wheelchair nya.

"Kindat pa.",sabi ko.

Agad naman syang napaayos ng upo. Halata pang nagulat sya dahil nanlalaki yung mga mata nya.

"Babe. You came back.",sabi nya.

"Nangingindat ka na naman dyan. Gusto mo iwanan kita talaga?",sabi ko.

"Eh kasi naman... Naghahanap lang ako ng katulong.",sabi nya.

Yumuko ako sa kanya. "Eh diba sabi ko, maging mabait ka lang, akong bahala sayo?"

"Kaya nga. Sorry na okay?"

Tinitigan ko sya. Sinabi nya doon sa babae kanina...doon sa maganda at sexy na babae na ang wonderful ko. Hindi din nya pinatulan yung babae kahit na hindi ko sya kita.

"Pasaway ka eh.",sabi ko.

Pero napangiti ako at hinalikan nalang sya sa tungki ng ilong. Tapos ay naglakad papunta sa likod nung wheelchair at sinimulan na yung itulak.

"Sabi ko na di mo ako matitiis eh.",sabi nya.

"Pinag-isipan ko kaya 'tong mabuti. Pero, pwede pa rin naman kitang iwanan dito kung gugustuhin ko.",sabi ko.

"Joke. Sabi ko nga pinag-isipan mo eh.",sabi nya.

Natawa nalang ako at ipinagpatuloy ang pagtulak sa kanya. Hanggang sa makarating kami doon sa may exit.

~♥~

Nang madischarge si Bryan sa ospital, diniretso sila sa bahay nila. Ako naman sa bahay namin.

Ngayon na ang first day ng game. Kaso hindi naman na ako pumunta dahil syempre, nangako ako kay Bryan na aalagaan ko sya. Kaya heto ako, nasa mansion nila.

"Are you really sure Abby?",sabi ni tita Dessa sa ikaapat na pagkakataon.

"Opo tita. Alam ko po maligalig si Bryan. Pero wag po kayong mag-alala. Kayang-kaya ko po yun.",sabi ko.

Tumawa si tita Dessa.

"Well, thank you Abby. Babalik din naman ako kaagad. I'll just bring some papers to the office.",sabi nya.

"Sige po. Ingat po kayo."

Ngumiti sya at tumango. Tapos ay nakipagbeso sakin at nagpaalam na na aalis. Kaya ako, naiwan dito sa bahay nila, kasama yung mga yaya para alagaan si Bryan.

Naglakad na ako paakyat sa kwarto nya. Itinuro naman na sakin nung mga yaya kung nasaan yun. Tsaka, wow ha. Unang beses ko palang makakapasok sa kwarto nya.

Kumatok na muna ako.

"Who's that?",sabi nya.

"Si Abby sir.",sabi ko.

"Babe? C-Come in."

Napangiti ako at binuksan na yung pinto nya. Eh ang dilim naman sa loob. Lamp lang yung bukas.

"Hi.",bati ko.

Nakaupo sya at nakasandal sa headboard ng kama nya. Nagsi-cellphone sya kanina eh. Malamang nakikibalita sa game.

"Hello babe. I'm happy you're here.",sabi nya.

Napangiti ako at naupo sa kama nya. Doon ko lang narealize na topless pala sya.

"Babe, hindi uso sayo magbukas ng ilaw noh?",sabi ko.

"I just woke up actually. I can't sleep with the lights on.",sabi nya.

Tumango-tango naman ako.

"Nananghalian ka na ba?",tanong ko.

"Not yet.",sabi nya.

"Ai naman babe. Hindi ka na nagtanda.",sabi ko.

"Eh kasi naman inantok ako.",katwiran nya. Tapos kinuha nya yung kamay ko. Hayan na naman sya.

"Aisht. O wait lang, kukuha ako ng pagkain.",sabi ko.

Ngumiti sya at tumango.

Tumayo na ako sa kama.

"Intay.",sabi ko sabay haplos sa buhok nya.

Tapos ay naglakad na palabas ng kwarto nya. Nagpunta ako sa kusina at humingi ng pagkain doon sa mga yaya nya. Sari-sari yung hiningi ko. Spaghetti at tinapay. Tapos yung gatas. May dinala pa akong kanin at menudo.

Pero napapansin ko yung tingin nung mga yaya nila. Medyo nagbubulungan sila. Pero nakangiti naman sila.

Ngumingiti nalang din ako sa kanila. Pagkakuha nung mga pagkain, ako na ang nagprisinta na magdala nun sa taas. Iniwan kong nakakawang yung pinto kaya sinipa ko nalang yun. Tapos pumasok na ako. Sinara ko yun pagkatapos, at inilapag ko yung bedtable doon sa sidetable ni Bryan sa gilid ng bed.

"Heto na sir.",sabi ko.

Naglakad ko papunta doon sa kurtina nya at hinila yun. Kaya maliwanag na!

Napatingin ako sa kabuuan nung kwarto nya. Nashock naman ako dahil...kulay pula yun. As in pula! Pula at black. Yung mga furnitures lang ang kakaiba ang kulay. Black yung sapin ng kama nya. Yung comforter, yung mga unan. Yung dingding at kisame, red sya as in.

"Wow.",nasabi ko nalang.

Nilingon ko sya sa kama. Nakat-shirt na sya, at nakatingin sakin.

"Your room...it's..."

"Weird?",sabi nya.

"It's so cool.",sabi ko habang lumilibot pa din ang mga mata.

Lumapit ako sa kanya at naupo din doon sa kama. Halata ang gulat sa mga mata nya.

"Ang totoo kasi nyan, gusto ko din ng ganito na kwarto. Gusto ko nga black lang eh. Kaso ayaw ni Mommy. Hindi daw bagay sa babae. Pero eto...etong kwarto mo! Dream room 'to!",excited na excited kong sabi. "Ang ganda noh?",sabi ko sabay kuha nung unan nyang black ang cover sabay yakap dun. Ang bango ah!

"You like color black?",sabi nya.

"Sobra. Kung makikita mo lang yung mga itinatago kong black items dun sa kwarto ko!",sabi ko.

"Meron din akong black bedsheets. Regalo sakin ng pinsan ko. Kaso, hindi ko mailagay dahil ayaw ni Mommy.",sabi ko.

Napangiti sya bigla.

"So, we have the same favorite color.",sabi nya.

"Muka nga.",sabi ko.

Hindi pa ako nakuntento at sumampa na ako doon sa kama. Tumayo ako doon at tumalon-talon.

"Sana ganito din yung bed ko.",sabi ko.

Natawa si Bryan na nakatingala sakin. Tumalon-talon ako, matapos ay lumakdaw doon sa paa ni Bryan na nasa ilalim ng comforter. Nanlaki pa yung mga mata nya dahil akala nya siguro mayayapakan ko sya.

Naupo ako sa tabi nya.

"Babe, sabihin mo naman kay Mommy, maganda ang ganitong sheet sa kama oh. Baka sayo makinig yun!",sabi ko.

Natawa sya at inakbayan ako.

"I'll try.",sabi nya.

"Talaga? Salamat!",sabi ko sabay yakap sa kanya sa bewang.

Tiningala ko sya. Nakatitig sya at nakangiti sakin.

"Kain ka na.",sabi ko.

Tumango sya at hinalikan ako sa noo. Kumalas ako at nilakdawan sya ulit. Tapos sa kabila ako naupo. Kinuha ko yung maliit na table na pagpapatungan nung pagkain nya at pinwesto yun sa may legs nya. Tapos ay pinatong ko na yung tray dun.

"Hindi mo ba ako susubuan?",sabi nya.

"Babe, nainjure yung tuhod mo. Hindi ka naparalyze.",sabi ko.

Napapout sya. Hai ang arte!

"O sige na nga. Kawawa ka naman eh.",sabi ko sabay kurot sa magkabila nyang pisngi.

"Ano gusto mo? Etong kanin o etong spag---Ah tanghalian. Eto nalang kanin.",sabi ko.

"What? Babe I Iike the pasta.",sabi nya.

"Eh babe naman, mamaya nalang pagkatapos nitong kanin mo.",sabi ko.

Napabuntong-hininga sya.

"Okay.",sabi nya.

Napangiti ako at sinimulan na syang subuan. Nacucutan talaga ako sa pagnguya nya.

"Ikaw? You wanna eat?",sabi nya.

"Hindi na. Kakahiya sayo.",sabi ko.

Tumaas yung kilay nya tapos kinuha nya sakin yung kutsara at tinidor. Tapos nagsandok sya, at itinapat yun sa bibig ko.

"Say ah.",sabi nya.

Natawa ako at ngumanga na nga. Sinubo nya sakin yung kanin at ulam.

"Ako na.",sabi ko sabay kuha na nung kutsara at tinidor sa kanya.

Ngumiti sya at ngumanga. Tinawanan ko sya, tsaka pa ako sumandok at sinubo yun sa kanya.

"Nakakagutom nga.",sabi ko sabay subo na ulit.

Weird. Iisang kutsara ginagamit namin. Pero, hindi ako nadidiri. Tss. Sino ba namang madidiri dito kay Bryan Esguerra na 'to?

"Babe.",tawag nya maya-maya lang.

Nang tignan ko sya. Ngumunguso-nguso sya dun sa pasta.

"Ayaw mo na ng kanin?",sabi ko. Umiling sya. Napabuntong-hininga ako at kinuha na yung pasta. Muka talaga syang spaghetti.

Kumuha ako at sinubuan sya. Magana naman syang kumain.

"Try it babe. It's Mom's recipe.",sabi nya.

"Talaga?",sabi ko at tinikman nga yun. "Wow ang sarap!",sabi ko sabay subo ulit.

Kinuha ko yung plato at ipinatong yun sa lap ko. Nang mapatingin ako kay Bryan, nalalaki yung mga mata nya. Natawa naman ako.

"Joke lang!",sabi ko sabay balik na nun doon sa table. Napangiti lang sya. Kumuha ako at sinubo ulit yun sa kanya.

Pinagtulungan namin yung spaghetti hanggang sa maubos na yun. Pagkatapos, pinainom ko na sya ng gatas nya. Baby!

"Dalhin ko lang 'to sa baba ah.",sabi ko.

Ngumiti sya at tumango. Kinuha ko yung lamesa at dinala na nga yun pababa. Binigay ko yun dun sa yaya nila. Pagkatapos, bumalik na ako sa taas.

Habang paakyat sa hagdan, tumunog bigla yung phone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Ingrid.

Bess I:

Panalo tayo sa first game!

Napangiti ako at excited na umakyat at pumasok sa kwarto ni Bryan.

"Babe. Panalo daw kayo sa first game.",sabi ko.

Napatunghay sya at napangiti.

"Cool. As I expected.",sabi nya.

Napangiti din ako at naupo.

"Lalo pa kung nandun ka diba?",sabi ko.

"Course.",sabi nya.

"Sus. Ang yabang!",sabi ko.

"Ikaw na rin ang nagsabi babe.",sabi nya.

Napahikab sya bigla.

"O? Antok ka na ulit?",sabi ko.

"Maybe. Can I?",sabi nya.

"Oo naman noh!",sabi ko. "Teka. Isasara ko yung blinds mo."

Tumayo ako at ibinaba yung mga kurtina nya. Kaya madilim na ulit. Lamp nalang ang ilaw.

Bumalik ako sa bed at naupo. Nahiga na sya. Inayos ko naman yung comforter.

"Uuwi ka na?",parang malungkot nyang sabi.

"Hindi pa. Dito lang ako. Sige na, tulog ka na.",sabi ko habang hinahaplos na naman yung buhok nya.

Ngumiti sya at pumikit na. Nakaupo lang ako sa tabi nya. Hanggang sa maya-maya, naramdaman ko nalang na, ulo at talukap ng mata ko na ang bumabagsak.

~♥~

Ang sarap-sarap matulog. Ang lamig tapos ang bango pa ng unan ko.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko dun sa unan ko at sinubsob ko dun yung muka ko. Nagulat naman ako nang may biglang humawak sa braso ko na nakayakap sa unan.

Mumulat ako. Tsaka ko lang napagtanto na hindi naman pala unan yung sinubsuban ko. Si Bryan!

Tulog pa din sya. At ako, nakahiga na sa tabi nya habang...yakap nga sya. Sya yung humawak sa braso ko.

Hindi ako bumangon dahil nakakatamad pa. Inextend ko nalang yung kamay ko sa tyan ni Bryan at inamoy ulit yung pisngi nya. Nakapikit lang ako.

Maya-maya, naramdaman ko syang gumalaw. Dahan-dahan naman akong mumulat. Nakamulat na pala. Nakatingin sya sakin, tapos unti-unti syang napangiti. Tumagilid sya at humarap sakin. Nakayakap sya sa bewang ko.

"I knew you'll also fell asleep.",sabi nya.

OMG. Yung bagong-gising voice nya. Ang sexy...

"Sorry.",sabi ko.

"Why say sorry? I love your cuddling.",sabi nya.

Napangiti ako sa sinabi nya.

"O edi magthank you ka sakin.",sabi ko.

Nagchuckle sya. "Thank you."

"You're welcome Sungit.",sabi ko sabay kurot nung ilong nya.

Ngumiti ako at tinanggal yung buhok na nakahara sa mata nya. Hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan yun.

Malapit yung muka namin sa isa't isa. Nakatitig lang kami sa mga mata namin. Pero ewan. Iba yung pakiramdam ko.

Dahan-dahang bumaba yung mga mata ni Bryan. Nakatingin sya sa mga labi ko. Nilagay nya yung kamay ko sa may leeg nya. Tapos yung isa nyang kamay, hinawakan yung pisngi ko. Hinaplos nya yun ng hinlalaki.

Tinitigan ko lang sya. Naghintay sa mga susunod nyang gagawin. Hanggang sa dahan-dahan, lumapat yung mga labi nya sa labi ko. Para na naman akong nakuryente.

Naramdaman ko yung sarili kong kamay na bahagyang humigpit ang kapit sa leeg nya, at humaplos papunta sa batok, pataas sa buhok nya. I pulled him closer to me. And I kiss back.

Yung kamay nya, nararamdaman ko na bumaba sa leeg ko, sa braso ko, hanggang sa bumaba na yun sa bewang ko. Pumulupot dun yung braso nya.

Lumalim yung mga halik namin sa isa't isa. Damang-dama ko yung malalim nyang paghinga eh.

Sobrang lapit namin, na parang wala na talagang kahit na ano pang distansya na makikita sa pagitan namin. Pinapasada ko yung mga daliri ko sa buhok nya. Naramdaman ko nalang din yung palad nya na hinahaplos yung likod ko.

Hanggang sa...hanggang sa bumaba yung mga labi nya sa panga ko. Dahan-dahan nya akong hinahalikan dun. Hindi na rin ako nakagalaw nang isubsob nya yung muka nya sa leeg ko, at doon sya magsimulang humalik.

"Bryan.",tawag ko.

Hindi ko sinasadya pero parang buntong-hininga yun na lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko syang umungot. Hindi ko alam kung ungot nga ba yun o ungol. Basta kakaibang tunog yun na nanggaling sa lalaki na 'to na kasalukuyan akong tinutunaw ng mga halik.

"Bryan. Babe enough, please.",sabi ko.

Halos bulong nalang yun. Pero pinilit kong sabihin kahit na sobra na akong nanlalambot. Na parang kahit na anong oras, susuko ako sa kanya. Pero kailangan. Dahil kung hindi kami titigil, alam ko kung saan kami maaring dalhin nito.




























Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
64.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞