Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 9 Abby's Visit

90 3 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 9 💕 Abby's Visit

"Oh good heavens! Mr. Esguerra, Ms. Conell! What in the world are you doing?!"

Mula sa buhok ni Bryan na tumatakip sa muka ko, mumulat ako at tinignan kung sino yung nagsalita. Kaso hindi ko makita dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Hindi lang isang tao ang nakikita ko. Madami sila. Madaming-madami.

"Dammit. I can't move.",bulong ni Bryan.

"Ha?"

"You stupid. I'm fractured."

Eh... Eh paano kami tatayo?!

"Ai jusmiyo! Hoy Brylen dito talaga?!"

"Damn it Kody.",bulong na naman ni Bryan.

Letse ka Koden. Bwiset.

"A... Mam, h-hindi po sya makagalaw.",sabi ko. "Ang bigat mo leche.",bulong ko sa kanya.

"Kasalanan mo 'to. So shut up.",sabi nya.

"Why aren't you still standing up?! Come on!",sabi nung malamang, principal.

Hindi nya ako narinig, bwisit.

"Maaaam! ANG SABI KO PO, HINDI MAKAGALAW SI BRYAN! DI SYA MAKATAYO! AT ALAM NYO PO ANG BIGAT NYA?"

"O goodness! Call our nurses and doctors!",sabi ni Mam.

"What the hell woman. Yung tenga ko.",sabi ni Bryan.

"Sorry.",sabi ko.

"Brylen?! Abby?"

"Kuya.",halos pabulong ko nang sabi. Ang bigat ni Bryan.

Pero, eto ba talagang kasalukuyan naming pwesto, masagwa talaga tignan? Kasi feeling ko oo eh. Ramdam ko eh.

"Oh damn it. Humanda ka sakin kapag naayos ako.",sabi nya. Nagkikiskis yung ngipin nya senyales na nasasaktan sya.

Napangiwi ako sa sinabi nya. Pero sa may buhok lang naman nya.

"Mamaya na natin yan pag-usapan please. Alam mo hirap na hirap na ako.",sabi ko.

Sa lahat ba naman kasi ng pwesto na mapapafracture sya, yung nasa ibabaw ko pa sya.

"Kasalanan mo.",sabi nya.

"Manahimik ka na.",sabi ko.

Akalin mo yun? Ako na yung nagpapatahimik?

"Tatanggi ka pa ba eh---"

Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil hinalikan ko sya sa gilid ng labi. OMG. Hindi ko akalain na magagawa ko yun. Nakatingin sya sakin, ng syempre, may gulat na ekspresyon. Gosh! First kiss ko yun. OMG! OMG! First kiss ko si Bryan!

"Wag ka nang magsalita.",sabi ko.

"What the hell.",narinig kong sabi ni Chloe mula sa kung saan. Siguro nakita nya yung ginawa ko.

Hindi na nga sya nagsalita. Yung isa nyang braso, nakatuon sa damuhan, sa may gilid ng ulo ko. Tapos yung isa nakapatong, palm down sa damuhan din. Nakadikit yung gilid ng ulo nya sa gilid ng ulo ko. Kaya, nahalikan ko sya. Maya-maya lang dumating na yung mga doctor.

Ang dami pa nilang pinag-usapan kung paano ibaba si Bryan sa katawan ko nang hindi nagagalaw yung fracture.

"Nagugutom na ako.",nasabi ko nalang.

"Buti ka nga gutom lang, alam mo ako hirap na.",sabi nya.

"Akala mo ikaw lang?",sabi ko.

"Tss. If I know you are enjoying this. You want more of my lips?"

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya.

"Hala si Conell namumula! Hindi na makahinga!",nadinig kong sabi nung isang estudyante.

Naramdaman ko naman ang smirk ni Bryan sa may tenga ko.

"Ms. Conell, are you okay?",sabi ni Mam Principal.

"O-Okay pa po.",sabi ko.

"Oh Engr. Bryle!",bulalas nung principal namin.

"What?!",gulat na sabi ni Bryan.

Napatunghay sya. Napatingin din ako sa bagong dating. Si kuya Bryle nga. Grabe na naman ang mga estudyante. Nakakita lang ng gwapo eh.

Nagskwat si kuya Bryle samin.

"O bro, what the hell has hap---"

"I'm fractured!"

Nangingiti at naiiling si kuya Bryle.

"Kasi kuya, nakita namin, buhat ni Brylen si Abby in bridal carry. Tapos nagpupumiglas si Abby, tapos bigla nalang syang sumigaw ng 'rape'. Tapos bigla silang bumagsak. Napasama ata yung bagsak ni Brylen kaya ganyan. But we don't believe that Brylen would do such thing. And to that girl? Oh come on.",sabi ni Bitchany. Woo landi mo!

Bahagyang tumaas ang kilay ni kuya Bryle sa sinabi ni Bitchany.

"Damn it. Matagal pa ba?",sabi ni Bryan.

"Konti nalang hijo. Eto na. On the count of three, we'll lift you, okay?"

Napakagat sa labi si Bryan. Oh God. Ang lapit nya sakin. His lips...

"Wag mong pagnasaan yung labi ko, mahiya ka naman.",bulong nya.

"Hindi naman. Ang yabang mo."

"Okay sir. One..."

Napakagat na naman sya sa labi. Is he nervous? Siguro ganito sya kapag kinakabahan.

"Kaya mo yan.",bulong ko.

Tinignan nya ako sa kunot na noo.

"...two..."

Nginitian ko sya. Tapos tinapik ko yung kamay nya na nakapatong sa damuhan.

"...three."

"Aw...Shit.",bulong nya. Nang maalis sya sa katawan ko, inilipat sya sa stretcher. Nakakagat pa din sya sa labi. Nakakaani naman yung mga kaklase ko na halos tulo laway na.

Nagulat naman ako nang maglahad sakin ng kamay si kuya Bryle. Tinanggap ko naman yun. Tapos inalalayan nya akong makatayo.

"Thank you po.",sabi ko.

Ngumiti lang si kuya Bryle.

"Hai naku Abbielyn!",sabi ni kuya. Tapos hinarap nya ako sa kanya at sya nang nagbutones nung lahat ng butones na tinanggal ko. Nag-'aw' naman yung mga nanunuod. Ang bait ni kuya ah.

"Sorry about Brylen.",sabi ni kuya Bryle.

"Kuya naku. Malamang hindi lang naman si Brylen ang may kasalanan.",sabi ni kuya sabay sulyap sakin. Hala.

Bahagyang natawa si kuya Bryle.

"You remind me of my wife.",sabi nya sabay gulo pa ng buhok ko. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Narinig ko pa yung biglang pagbubulungan ng mga estudyante sa paligid. "I gotta go Abby, Seam. Ichicheck ko lang yung pasaway na yun."

Tumango si kuya.

"Sorry kuya Bryle.",sabi ko.

"Wala yun. Kasalanan yun ni Brylen.",sabi nya. Tapos naglakad na sya paalis.

Magsasalita na sana si kuya pero inunahan ko na sya. "Narinig mo diba? Kasalanan yun ni Brylen. Hindi ni Abby. So...kita nalang tayo sa bahay kuya!"

"Abby!",tawag nya nang magtatakbo na ako paalis dun. Kaso bigla ko nalang naramdaman yung kirot sa tuhod ko. Ang sakit pa ng likod at mga siko ko. Hai naku. Kung makapangdagan kasi. Kaya imbis na dumiretso na ako sa classroom, nagpunta muna ako sa clinic. Magkukusa na ako. Epic kapag nagpabuhat pa ulit ako kay Bryan eh.

~*~

Hindi na nakabalik si Bryan nang dalahin sya sa hospital kahapon. Mukang kasalanan ko pa nga ata na naospital sya. Kung hindi ako sumigaw ng 'rape! rape!', edi hindi sana sya nagulat at nadapa.

Eh teka! Sino bang bumuhat sakin?

Eh teka ulit! Sino bang nagrequest?

Teka bakit sya sumunod?

Eh teka nga. Mukang kasalanan ko nga talaga eh. Hala. Hala. Hala. Sorry naman. Kahapon pa din ako nag-aalala kung ano nang nangyari sa paa nya. Kamusta na kaya sya? Baka puputulin na yung paa nya. Hala!!! Hai OA. Di naman siguro. Nakauwi na kaya sya?

"Kuyaaaaa!"

"Oh?!"

Habang bumababa ng hagdan, nakita ko sya na nakaupo sa sofa namin sa sala. Naglakad ako palapit sa kanya at tumabi.

"Si Bryan ba nakauwi na sa kuya nya o kinailangan syang iadmit?",tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?",sabi nya habang nakatingin sa t.v.

"A-Ano kasi..." Napakamot ako sa ulo. "Feeling ko nga kasalanan ko."

Nilingon nya ako. "Kung hindi ka rin naman may sapak at kalahati na magsisisigaw ng rape sa gitna ng grounds. Sino ba namang lalaki ang hindi magugulat nun ha?"

"Eh sorry na nga eh. Tsaka magsosorry na din ako kay Bryan. Ano nga? Nakauwi na sya?",tanong ko.

"Oo. Sinimentuhan lang yung paa nya. Baka hindi pa sya makapasok ng isang linggo."

"Isang linggo?! Ang tagal naman!",sabi ko.

"Matagal talaga. Ang sama ng bagsak nya sayo. Palibhasa buto-buto ka eh."

"Hoy yabang mo! Makabuto-buto wagas!",sabi ko.

"Talaga naman. Lakas lumamon di naman tumataba. Bulatihin kasi."

"Hoy kuya napakayabang mo talaga! Sexy lang kasi talaga ako. Yun 'yon."

"Sexy ba yan? Payatot!"

"Muka mo!",sabi ko sabay hagis sa kanya ng throw pillow. Binelatan nya ako. Binelatan ko din sya.

"Bahala ka dyan kuya. Pupuntahan ko nalang si Bryan.",sabi ko.

"At ano namang gagawin mo dun?"

"Malamang yung assignment. Di naman ako papayag na ako lang ang gagawa noh. Tsaka, di ko naman yun alam. Bibisita na din ako at hihingi ng dispensa. Sige bye.",sabi ko sabay akyat na sa taas para magpalit.

Pagkatapos, bumaba na ako para umalis.

"Hatid na kita.",sabi ni kuya.

"Ano?! Wag na!"

Kapag nandoon sya, baka makahalata pa sya sa mga moves ko kay Bryan. Hai naku. Di pa nya alam na sinusubukan kong mapainlove yung lalaki na yun?

"Bakit naman? Ikaw na nga 'tong inaalok dyan eh."

"Wag na kuya. Sa driver nalang. Uuwi ako agad. Basta magpaluto ka ng piritong manok ah. Bye!",sabi ko sabay kiss sa pisngi nya at takbo na palabas.

"Yak Abby!",sigaw nya. Tumawa lang ako nang malakas. Napakaarte talaga.

"Hi kuya! Aalis po tayo.",sabi ko.

Agad naman nyang binuksan yung pinto ng sasakyan at pinasakay ako. Nang makasakay na din sya, nagmaneho na sya.

"Saan tayo Abby?",sabi nya.

Kinuha ko yung papel na bigay ni Bryan at iniabot yun kay kuya.

"Yan. Dyan po.",sabi ko.

Binasa nya yun. Tapos tumango-tango. O diba alam nya? Ganyan kalupit ang driver namin. Kinuha ko sa bag ko yung kopya ko ng equations. Grabe. Walang duda. Di ko talaga 'to kayang sagutan. Alam ko naman yung iba kaso, baka mali nakakahiya.

"Ai nga pala kuya. Daan naman po tayo sa supermarket. May bibilhin lang po ako ng madali.",sabi ko.

Tumango si kuya. Nang makarating kami sa supermarket, bumili ako ng mga prutas. Apat na pirasong apple, dalawang orange, isang malaking bungkos ng grapes, tapos may lansones. Eto pa. Kinulit ko yung isang babae dun na iarrange yun sa bilao at plastic, tapos lagyan sya ng ribbon. Binigyan ko sya ng malaking tip pagakatapos. Nagustuhan ko yung gawa nya eh. Pero sana, maguatuhan din ni Bryan.

Pagbalik ko sa sasakyan, nakatulog na si kuya. Natawa nalang ako at ginising sya. Pagkatapos, nagpatuloy na kami sa daan.

Ilang saglit lang, isang papasok daan sa highway na ang tinatahak namin.

"Kuya paano nyo po ito nalaman?",tanong ko.

"Dito ko minsan hinahatid si Bryan kapag nalalasing silang barkada ng kuya mo. Sya ang pupuntahan mo diba?"

"Ah opo.",sabi ko.

Hai susmiyo. Kaya naman pala. Pero ang ganda ng pinagtatayuan nitong bahay nina ate Lena ah. Medyo inlayo talaga sya sa highway. Kaya ang tahimik at mafresh pa ang hangin. Napansin ko din, ang daming halaman. Muka syang resthouse. Hai ang ganda.

"May passcode ang gate nila Abby. Hanggang dito nalang ako.",sabi ni kuya.

"Ah ganun po ba? Sige po. Salamat kuya. Text nalang po ako.",sabi ko at bumaba na. Umalis na si kuya pagkatapos.

Tinignan ko yung mataas na gate sa harap ko. May patusok-tusok sya. Yung parang sa palasyo. Patay ang magtatangkang mag-akyat bahay dito. Tuhog kung tuhog. Tapos may malaking parang pampalasyo nga na plate sa gitna nung gate, na nakalagay, Esguerra.

Ang tataas ng bakod ng bahay nila. Yung gate, may takip din sya. Grabe muka talagang sa palasyo 'to. Kung sabagay. Muka namang mga hari at reyna ang nakatira.

"Tao po! Tao po!",tawag ko.

Walang sumagot. Tsaka ko lang narealize na may doorbell pala. Hai jusme bobita.

Pinindot ko yun. Nagulat naman ako nang may aso na bigla nalang tumahol. Hala! May K9 ata sila. Ang laki nung tahol.

Wala pa ring nagbubukas kaya inulit ko yung doorbell. Maya-maya lang, nakakita ako ng mga paa ng lalaki sa paanan nung gate. Tapos biglang bumukas yung kalahating part nung gate. At bumungad sakin si kuya Bryle na basa ang buhok, topless at may towel sa balikat. Nakabalandra lang naman yung...yung...yung anim na goiter sa tyan nya.

"Oh hey Abby.",sabi nya.

"H-Hello po. Uhm... Si Bryan po?"

"He's in the house. Pasok ka. Let me help you with that.",sabi nya. Tapos kinuha nya yung bilao ng fruits na dala ko. Pinagbuksan din nya ako ng gate. Kung ganito lang sana kagentleman si Bryan sakin, edi hayahay ang buhay!

"Wow.",yan nalang yung nasabi ko nang makita ko yung paraiso sa likod nung mataas na gate. Ang lawak ng bakuran nila, as in. May isang malaking puno pa sa gilid na may gulong na duyan. Tapos yung pathway paikot doon papunta ata sa likod bahay nila. Tapos ang daming bulaklak.

"Kami ang nagtanim nyan ni bab---I mean ni Lena.",sabi ni kuya Bryle.

"Lahat po ng bulaklak dito?"

"Every single one of them.",sabi nya.

"Ang galing. Grabe paraiso po 'to!",sabi ko.

"Thank you."

Ang kapal ng Bermuda grass nila. Buong bakuran nila meron. Naglakad kami papunta doon sa mismong bahay nila. Ang ganda. May dalawang hagdan na parang sa mga palasyo. Ewan ko ba!

"Muka pong palasyo 'tong tirahan nyo.",sabi ko.

"Well, dinesign ko talaga sya na magmukang palace, kasi yun yung gusto ni Lena."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Kayo po ang nagdesign nito?",hindi makapaniwala kong sabi. Tumango sya.

"Hala ang galing! Idol ko na po kayo."

Natawa lang sya. Umakyat kami sa isa doon sa hagdan nila. Sinundan ko lang si kuya habang naglilibot ang mata ko.

"We are having a swimming party in here, si Brylen, nasa kwarto nya. Akyat ka nalang dun. Left aisle, second room to the right."

"Thank you po kuya. Ano...sorry po sa istorbo.",sabi ko.

"No, it's okay. I'm glad you're here. Eto oh. Dalhin mo nalang sa room ni Brylen."

Inabot nya na sakin yung mga fruits.

"Salamat po ulit."

"You're welcome.",sabi nya.

Pag-alis ni kuya, naglakad na ako paakyat sa hagdan nila. Ano daw? Left aisle, second room to the right. Hai jusko! Tangahin pa naman ako sa direksyon. Tanungin mo nga ako ng biglaan ng kung alin ang kanan at kaliwa malilito pa ako.

Luminga-linga ako at tinignan pa sa kamay ko kung alin ba talaga ang kanan at ang kaliwa. Nang makita ko na ang left aisle, dumiretso ako dun. At hindi ko mapigilang mamangha doon sa mga pinto ng kada kwarto. Hindi sya basta kahoy. Mamahalin kahoy sila ginawa tapos kada isa may mga nakaukit na disenyo. Wow talaga. Gusto ko nang tumira dito.

Matapos ng magulong argumento sa utak ko kung saan ang second room to the right, nahanap ko na din yun at kinatok kaagad. Katok ako nang katok. Kaso naalala ko may fracture nga pala sya. Paano naman kaya sya tatayo?

Kaya dahan-dahan, inikot ko yung doorknob at binuksan yun. Sinilip ko yung loob. Nakita ko si Bryan na nakaupo na doon sa kama at sinusubukang tumayo.

"Hi...",bati ko habang pumapasok.

Agad syang napalingon.

"What the... Anong ginagawa mo dito?",kunot noo nyang sabi.

Tinignan ko yung binti nyang may semento nga.

"Uhm... Dinadalaw ka.",sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"Dyan ka lang.",sabi nya kaya napahinto ako. "Who told you na pwede kang pumasok dito?"

"Kuya mo.",sabi ko.

Napabuntong-hininga sya at napahilamos ng palad sa muka.

"Kamusta ka?",sabi ko.

"Okay ako. Nakikita mo may injury ako noh? Okay na okay ako.",sarcastic nyang sabi.

"Alam ko naman na ako ang sinisisi mo eh. Kaya, sorry na nga. Eto oh. Dinalhan kita ng maraming prutas.",sabi ko.

Tinignan nya ako. Pero masama pa rin. Nginitian ko sya tapos pinatong ko sa bedside table nya yung bulaklak.

"Ano namang gagawin ko dyan? Mapapagaling ba nyan ang bali ko?"

"Syempre hindi. Pero, mapapalakas ka nyan noh. Mapapabilis ang paggaling mo.",sabi ko sabay upo sa kama nya. Tumalbog pa ako kasi ang lambot nun.

"Hoy umalis ka nga dyan!",sabi nya.

"Tss.",sabi ko sabay higa pa. Kinuha ko yung isa nyang unan at niyakap. Ang bango naman.

"Ano ba talagang pakay mo dito ha?"

"Ikaw."

"Ako?",cool nyang sabi.

"Ibig kong sabihin, oo ikaw." Bumangon ako at hinarap sya. "Magpapatulong ako sa assignment."

"Hindi pa ako makakapasok. Kaya, excuse ako dyan. Bahala ka.",sabi nya habang dahan-dahang inaangat yung nakasemento nyang paa sa kama.

"Bryan naman. Study partners tayo diba? Kaya obligasyon mong tulungan ako."

"Obligasyon? Mahiya ka nga.",sabi nya sabay higa na.

"Bryan... Please?"

"Umalis ka na. Salamat sa prutas."

"Pero...pero yung assignment. Hui... Hindi ko alam yun."

"Labas na. Matutulog pa ako.",sabi nya sabay talukbong.

Bumuntong-hininga ko at tumayo sa kama nya. Tapos nagpunta ako doon sa kabilang gilid at doon naupo. Kinuha ko yung kumot nya at pumasok din sa loob.

"What the! Hoy ano bang ginagawa mo?"

Hindi ko sya pinansin at nahiga din ako.

"Matutulog ka diba? Babantayan kita at hihintaying magising. Sige na. Matulog ka na. Tapos paggising mo, tuturuan mo ako sa assignment.",sabi ko.

"Oh God.",buntong-hininga nya. Tapos kumuha sya ng isa pang unan at inihara yun sa pagitan namin. Ang arte. Daig pa babae eh.

"Para saan naman 'to?",sabi ko habang turo-turo yung inihara nyang unan.

"Boundary yan. Baka kung ano pang gawin mo sakin habang tulog ako eh.",sabi nya.

"Yabang neto."

"Don't even deny. Akala mo nakalimutan ko yung ginawa mo kahapon? You have just ki---"

"Matulog ka na. Promise di kita gagalawin.",putol ko.

Nagsmirk sya at pumikit nalang. Ako naman, tumitig lang sa kisame. Naaalala pa din nya at talagang inuungkat pa nya sakin. Bwisit na lalaki.

Kinuha ko nalang yung bag ko sa sahig at binuksan yun. Tapos kinuha ko ulit yung kopya ko ng assignment at tinitigan yun. Wala pa akong ginagawa sumasakit na ang ulo ko. Nilingon ko si Bryan. Hai. Ang gwapo nya kahit tulog. Ang amo ng muka.

Ibinaba ko yung bag ko at dahan-dahang tumagilid ng higa para mas matitigan ko ng maiigi si Bryan. Ang haba ng pilik nya. Tapos ang tangos ng ilong. Tapos yung lips nya. OMG nahalikan ko kahapon lang. Sana pwede kong ulitin. Kaso, baka naman magwala na sya.

"Ang gwapo mo din talaga eh noh?",sabi ko. Wow. Para namang sasagot sya. "Matalino ka pa. Eh kaso, bakit ang sungit mo? Para kang laging may dalaw. Pero kahit ganun ka, crush pa rin kita. Alam mo, anim na taon na akong patay na patay sayo. Bwisit lang kasi manhid ka. Tsaka sino ba naman ako para magustuhan mo diba? Sa dinami-rami ng magagandang babae na nagkakandarapa sayo, sino ako para pag-aksayahan mo ng panahon?"

Napabuntong-hininga ako at umayos ng higa.

"Alam mo, wala naman talaga akong balak na kulitin ka nang kulitin eh. Okay na ako sa patingin-tingin, pasulyap-sulyap sayo noon. Kaso naisip ko lang, para 'san pa at malapit ka sakin? Tsaka sayang ang panahon. Gagraduate na tayo, mahihiwalay na ako sayo. Baka di na tayo magkita. Sabi din ni Mommy sa America na ako mag-aral ng college. Pero alam mo Bryan mamimiss kita. Sobra, kahit di man tayo close. Nagnakaw ka kasi ng espesyal na pwesto sa puso ko. Tapos ayaw mo nang umalis."

Napabuntong-hininga ulit ako.

"Parte ka na ng buhay ko, anumang gawin ko. Hindi lang ng buhay ko. Ng pagkatao ko na. Pero wag kang maingay kay kuya ha? Hindi nya kasi alam. Tsaka, baka hindi sya umagree. Alam ko naman sasabihin nya eh. Masasaktan lang ako. Pero okay lang masaktan. At least natuto akong magmahal diba?"

Magmahal. Oo nga. Mahal ko na sya. Simpleng crush noon, hindi man nagprogress, naggrow naman into love.

Napabuntong-hininga na naman ako at tumalikod kay Bryan. Mahal ko na nga sya. Kaso, wala namang pag-asa na maging kami.




























Continue Reading

You'll Also Like

47K 758 19
✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba n...
61K 712 40
Kit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. ...
4.3M 56.4K 35
Being noticed by Lawrence is Abigail's lifelong dream. But when chance turns her dream into reality, she realizes that being with him isn't how she p...
He's Mine By Gette

Teen Fiction

23K 621 37
Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.