Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 5 Hurt

83 3 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 5 💕 Hurt

Tahimik lang akong sumunod kay Bryan. Ang dami naming likong ginawa, bago pa sya tumigil sa isang pintuan. Pumasok sya pagkabukas nya nun. Sumunod lang ako. And wow. Ang daming libro. Kaso tamad ako magbasa eh. Masipag lang magbitbit pero tamad talaga magbasa.

Ibinagsak ni Bryan yung mga libro ko sa lamesa. Tapos naupo sya at tumingin sya sakin. Ngumiti lang ako.

"Ang dami mo palang version.",sabi ko habang umuupo sa opposite chair nya.

"Version?",kunot noo nyang sabi.

"Oo. Una yung si Bella. Parang miniature mo sya in girl version. Pangalawa si Brix. Kamuka mo din. Tapos yung kuya mo, si Bryle. Ang gwapo. Kamuka mo din yun. Tapos yung daddy mo na pogi din."

"So gwapo ako?",sabi nya.

"Oo!...A-Ang ibig kong sabihin..." Napakagat nalang ako sa labi dahil wala na akong maisip na palusot.

"Yung notebook mo.",sabi nya.

Napatunghay ako.

"Ha?"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko yung notebook mo."

Napalunok ako at hinubad na yung bag ko. Tapos kinuha ko yung notebook ko. Naalala ko nandito pala yung doodle ng pangalan nya.

"Sandali.",sabi ko. Tapos binuklat ko yun ng patago, tsaka ko pinilas. "Oh."

Nakakunot ang noo na naman nya nang kunin yun sakin. Tinupi ko yung pinilas ko tapos tinago ko sa bag ko. Tapos nun, tinignan ko na sya. Binubuklat nya yung notebook ko. Nakakunot ang noo nya pero ang gwapo nya pa rin talaga. Ano pa bang magpapapangit sa kanya?

"Class notebook ba talaga 'to o doodle notebook?",sabi nya sabay pakita sakin nung mga pages ng notebook ko na puro drawing at guri-guri.

"Eh sa yan yung naiintindihan ko sa sinasabi ni sir, bakit ba?!",sabi ko sabay hanggit nung notebook ko.

"Walang kwenta.",sabi nya. Tapos tumayo sya at naglakad palabas.

Grabe ang sakit naman nun. Alin ba tinukoy nya? Yung notebook ko o ako?

Inintay ko lang sya na makabalik habang binubuklat ko sa book yung page na pag-aaralan namin. Ilang saglit lang, dumating na sya. May dala syang laptop. Binuksan nya yun nang hindi nagsasalita. Ako naman, si titig na naman.

"Anong ginagawa mo?",sabi nya.

"Tinititigan ka, ano pa?"

Napakunot ang noo nya at tinignan ako.

"I mean, tinititigan ka kita kasi... may dumi ka kaya sa muka.",sabi ko.

Hinawakan nya yung pisngi nya.

"Wala na!",sabi ko.

Nailing-iling sya tapos bumalik na sya sa laptop nya.

"Di pa ba tayo magsisimula?",sabi ko.

"Maghintay ka.",sabi nya.

"Sungit.",sabi ko sabay ub-ob.

"Hoy."

Hindi ako si hoy.

"Hoy."

Bahala ka. Banggitin mo muna pangalan ko. Gusto kong marinig na banggitin nya.

"Hoy kapatid ni Seamus."

"May pangalan ako."

"Pake ko?"

Napatunghay ako at napatingin sa kanya ng masama.

"Ang pangalan ko---"

"Nakikita mo 'yan?",sabi nya sabay harap sakin nung laptop.

Tinignan ko yun. Mga listahan ng methods at kung paano gawin.

"Kopyahin mo yan lahat. Give your notebook some sense.",sabi nya.

"Ano?! Eh ang dami nyan eh!",sabi ko.

"Wag ka nang magreklamo. Bilisan mo ah." Tapos tumayo na sya.

"Hindi ka kokopya?",sabi ko.

"Mapiperfect ko ba yung test kung hindi ko saulo yan?"

Perfect sya?! May God! Kamusta naman ang 78 ko?

"78 ako noh.",sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. Naiintindihan ko naman.

"Masaya ka na dun?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa naman. Pero dahil sa nakapartner ko sya nang dahil sa 78 na yun, nasiyahan ako.

"Oo na! Sabi ko nga kokopya na ako eh.",sabi ko sabay kuha na nung ballpen ko.

Lumabas na sya pagkatapos. Ako, kumopya na nga lang tulad ng sinabi nya. Naku! Kung hindi ko lang sya crush baka naibato ko na sa kanya 'tong laptop.

Nakakalahati pa lang ako ang sakit na ng kamay ko. Pero maya-maya lang, bumukas yung pintuan ng study room. Pumasok si ate Lena na may dala-dalang tray ng pagkain. Dali-dali naman akong tumayo para tulungan sya.

"Thank you.",sabi nya.

Nilapag namin yun doon sa table.

"O. Nasaan si Brylen?"

"Eh lumabas po eh. Kumopya nalang daw po muna ako.",sabi ko.

Napakunot ang noo nya tapos tinignan nya yung kinokopya ko.

"Ang haba naman!",sabi nya.

Nakakatawa si ate Lena. Para syang high school student magsalita. Pati muka nya pang high school lang. Di mo aakalain na may kambal na eh.

"Eh sabi po ni Bryan eh.",sabi ko.

"Naku ihinto mo na yan. Pinagloloko ka nung bata na yun. Makikipaglaro lang yun dun sa kambal.",sabi nya tapos naupo sya doon sa pwesto ni Bryan kanina. "Kain ka na."

Tinignan ko yung nasa plato. Cheesecake! Agad akong kumuha ng isa at kumagat.

"Ang sarap ate Lena. Wow naman.",sabi ko habang nginunguya yun.

"Thanks. Ito pala yung recipe.",sabi nya tapos may inabot sya saking papel.

"Hala thank you po! Ang ganda pa po ng sulat nyo."

Tumawa sya.

"Alam nyo po ate Lena ang ganda-ganda nyo. Para po kayong kaedaran lang namin.",sabi ko.

Tumawa sya. "Bolera ka pala Abby."

"Naku hindi po. Tska yung asawa nyo po. Kamuka po sya ni Bryan."

Tumango-tango sya. "Sobra. Pero teka nga Abby. Bakit Bryan ang tawag mo kay Brylen?"

"Eh kasi po.."

"Wag mo na akong i-po. Nakakatanda.",tumatawa nyang sabi.

Eh muka namang hindi sya tumatanda.

"Ah... okay. Kasi, sa school, Bryan talaga yung tawag kay Bryan. Yung mga kaclose lang daw nya yung tumatawag sa kanya na Brylen."

"So, hindi kayo close?"

Umiling ako.

"Talaga? So first time mo na magpunta dito?",sabi nya.

Tumango ako.

"Well, let me tell you this. Hindi naman totoo yung mga close-close na yan. Brylen kasi, yun yung palayaw nya nung bata pa sya. Nang magbinata, ewan. Napalitan na siguro kaya, Bryan nalang.",sabi nya.

"Kaya pala Brylen yung tawag sa kanya nung mga guard sa labas nitong subdivision."

Tumango si ate Lena.

"So, ate Lena, pwede ko syang tawagin na Brylen kung gugustuhin ko?"

"Oo. Sa tingin ko ah. Pero, ewan ko lang din kay Brylen. Baka kasi, yun na din yung pananaw nya, you know. Sa close-close na yan."

Tumango naman ako.

"Ai ate Lena. Yung cute babies nyo po, saan ba yun pinaglihi? Ang ganda at ang pogi."

Tumawa si ate Lena.

"Pinaglihi yun sa tatay nila.",sabi nya.

"Eh muka nga po.",sabi ko. "Pero yung mata po nila, natural po talaga yun?"

"Yes. Yung kay Brix, namana nya yun sa daddy nya. Parehas sila ng orb color. Yung kay Bella naman, hindi ko alam kung dahil sa adik ako sa color blue o talagang namana nya sa great grandfather nila.",sabi nya.

"Ang galing naman! Tapos yung buhok po ng baby nyong si Bella? Natural din po yun?"

Tumango sya. "Kulot kasi yung Inay ko, kaya siguro, doon naman naman ni Bella. Maganda ba?"

"Naku sobra ate Lena! Pwedeng mga artista anak nyo."

Napangiti lang sya.

"Bella and Brix.",ulit ko.

"Actually it's Brix Alistair and Bella Sapphire."

"Ang gaganda ng pangalan! Mayamanin.",sabi ko.

Natawa na naman sya.

"You know what Abby, I like you. Sana...sana maging kayo ni Brylen."

Automatic na nanlaki ang mga mata ko.

"Eh ate Lena, hindi naman ako gusto ni Bryan eh."

Nanliit ang mga mata nya.

"Pero...gusto mo sya."

Lalong lumaki ang mga mata ko.

"Hala naku!...Ano...h-hindi po ah."

Napangiti sya at humalumbaba.

"You do. Well Abby, hindi naman masama umamin ng nararamdaman. Just remember, ginagawa mo yun to express your feelings and, at the same time, to be free. Tsaka, malay mo naman. Madevelop yan oras na nalaman ni Brylen."

Napaisip ako bigla. Parang may punto si ate Lena. Kung umamin na nga kaya ako?

"Hindi ko po alam ate Lena. Pero, susubukan ko."

Ngumiti sya at tumango. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Ang sarap nya kausap. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ang ganun kagwapong kuya ni Bryan, nagkagusto sa kanya. Nasa kanya na kasi ata ang lahat. Uso pala ang perfection sa family nila. Mukang hindi nga talaga ako babagay kay Bryan.

Napatingin kami ni ate Lena sa pinto nang bigla yung bumukas. Tapos pumasok sa loob si Bryan na kasunod yung dalawang baby.

"Mommy!",sabi ni Bella sabay takbo kay ate Lena. Naupo sya sa lap nito.

May hawak na bola ng basketball si Bryan tapos hawak nya sa kabilang kamay yung kamay ni Brix.

"Mommy can I get one?",sabi ni Bella habang nakaturo doon sa cheescake.

Kumuha si ate Lena ng isa tapos inabot sa baby Bella nya.

"Thank you.",sabi nito.

"You're welcome.",sabi ni ate Lena sabay kiss sa pisngi nito.

Ang cute.

"Tapos na?"

Napatingin ako kay Bryan na palapit sakin.

"Hai naku Brylen. Sinabi ko sa kanya na wag na nyang ituloy. Ikaw talaga. Pahirap ka eh.",sabi ni ate Lena.

"Ate Lena naman eh. Kailangan nya yun. Tignan mo kaya yung notebook nya.",sabi ni Bryan.

"Brix, baby ko gusto mo?",sabi ni ate Lena kay Brix. Tapos inabutan nya yun nung cheescake.

"Thank you Mom.",sabi ni Brix.

"You're welcome.",sabi ni ate Lena. Tapos humarap sya kay Bryan. "Alam mo Brylen, kahit hindi mo na ipakopya yan sa kanya, basta maituro mo ng maayos matatandaan at maiintindihan nya.",sabi ni ate Lena.

Napakamot sa ulo si Bryan. Tapos naupo sya... Naupo sya sa tabi ko. Hoo. Hangin!
Kumuha sya ng cheese cake tapos kumain din. Ang bango nya.

"Mommy sabi ni Tatay bibili daw kami mamaya ng toys nina Baba.",sabi ni Bella.

"Toys ulit? Kakabili nyo lang nung isang linggo ah. What did Mommy told you about wasting money?"

"Wasting money is bad. We should only buy what we need.",sabay na sabi nina Bella at Brix.

Napanganga naman ako sa kanila. Ang lupet.

"Oh? So, anong gagawin nyo na?",sabi ni ate Lena.

"Sasabihin nalang po namin kay Daddy na hindi nalang. Kasi, we still have lots of toys.",sabi ni Brix.

"And tell him na masama mag-aksaya ng pera.",sabi ni Bella.

Napatawa naman ako. Ang cute lang kasi nila.

"Hoy. Tawa-tawa ka dyan. Ni wala ka manlang ginawa. Nakikain ka lang dito.",bulong ni Bryan.

Nilingon ko sya.

"Madaya ka kasi. Mabuti nalang dumating si ate Lena. Makapagpasulat ka, daig mo pa si sir."

"Ang arte mo. Akala mo naman talino mo.",sabi nya pa.

Nanlaki ang mga mata ko. Papatol pa sana ako nang bumukas na naman yung pinto.

"O! Andito pala ang mag-iina ko.",sabi nung kuya ni Bryan. Tapos kinuha nya yung si Brix at kinalong 'to. "Am I missing something?"

"Wala kuya. Pero si ate Lena, iniligtas sa pagsusulat 'tong tamad kong study partner.",sabi ni Bryan.

"Ako pa talaga ang tamad? Eh ikaw nga 'tong lumabas para lang makipaglaro."

"Ang hirap mo kaya turuan.",sabi nya.

"Eh mabuti kung nagsimula ka na."

"Tss.",sabi nya sabay kuha ulit ng cheese cake.

Nang mapatingin naman ako doon sa mag-anak, mga nakatingin pala sa amin at nanunuod. Pero yung kuya ni Bryan bigla nalang tumawa.

"Come on bro. Buhayin mo ang chivalry.",sabi nito.

"With her? Nevermind.",sabi ni Bryan.

Kung makapagsalita akala mo hindi nakakasakit. Nakakainis.

"Ano... kung, wala na tayong gagawin, uuwi na ako.",sabi ko.

"Good. Wala na nga.",sabi ni Bryan na parang sobrang saya nya dahil uuwi na ako.

Bahagya lang akong ngumiti at mabilis na inayos yung mga gamit ko.

"Sige po ate Lena, Mr. Bryle.",sabi ko sabay tayo na. "Thank you po."

"Bye aunt Abby!",sabi ni Bella.

"Bye.",sabi ko habang kumakaway.

Pagkatapos, mabilis na akong naglakad palabas. Nasa daan palang palabas ng mansion nila, tinatawagan ko na si kuya kong driver. Hindi ko na rin nakita pa yung daddy ni Bryan kaya dire-diretso na ako palabas. Ilang saglit lang, dumating na rin si kuya kaya dali-dali na akong sumakay.

Nang umandar na yun, halos hindi ako makahinga sa sikip ng dibdib ko. Grabe magsalita si Bryan. Hindi ba nya alam na nakakasakit na sya talaga? Hindi naman kasi porke nakakasagot ako sa pang-iinsulto nya eh wala na yung epekto sakin. Masakit yun, lalo pa't sa kanya nanggaling.

"Okay ka lang Abby?",tanong ni kuya.

"O-Opo kuya."

Nag-iwas ako ng tingin sa rearview mirror at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Masakit Bryan Esguerra, hindi mo lang alam.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 7.7K 68
[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of u...
Wanna Bet? By Susie Ann

General Fiction

1.1M 16.8K 61
Read and you'll find out.
4.3M 56.4K 35
Being noticed by Lawrence is Abigail's lifelong dream. But when chance turns her dream into reality, she realizes that being with him isn't how she p...
5K 803 43
Dracey Anise Cordova is already living her life to the fullest after she experienced her first ever heartbreak. She maybe stopped studying, but she...