Hopelessly in Love with Mr...

Від ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... Більше

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 3 Crush's Condition
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 4 Meet the Versions

116 3 0
Від ArmagedonXena

CHAPTER 4 💕 Meet the Versions

Anong oras na akong nakatulog kagabi dahil sa kakasaulo ng mga methods para sa exam. Syempre desidido ako na ipasa yun noh. Leche naman kasi si Bryan. Binlack mail ako! Of course gusto ko na hindi sya humanap ng ibang study buddy. Swerte ko na nga na sya partner ko, pakakawalan ko pa ba?

At dahil late na ako nakatulog kabagi, tinanghali ako ng gising. Kaya heto, tumatakbo ako ngayon papunta sa classroom ko. Sinilip ko sa bintana kung nandoon na si sir. Wala pa naman. Kaya dahan-dahan na akong naglakad papunta doon sa may pinto.

Huminga muna ako ng malalim at pahakbang na sana nang may kumulbit sakin. Pagharap ko, nyaaa! Si sir!

"You're late Ms. Conell."

"Po? N-Nauna po ako sa inyo ah.",sabi ko.

"Kinuha ko lang ang test papers. Sige na. Pumasok ka na. But later after class, detention.",sabi nya.

"Po? Sir... Wag naman. Please..."

"I said get inside."

Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na. Naghanap ako ng mauupuan. Doon pa sa unahan yung bakante. Ang sama ng mga tingin sakin ng mga kaklase ko. Yung iba tinatawanan ako. Tinignan ko si Bryan. Nagsmirk lang sya sakin. Akala ba nya! Ipapasa ko 'to.

Naupo na ako. Di pa lumalapat pwet ko sa upuan, pinapasa na ni sir yung test papers. Apurado?!

Nang matanggap ko yung testpaper, tinitigan ko muna yun. Sige Abbielyn. Kaya mo yan! Alalahanin mo yung mga tinuro ni Dean, tsaka yung nireview mo. Pati na rin yung deal nyo ni Bryan. Nilingon ko si Bryan. Relax na relax syang nagsasagot at nakadekwatro pa.

Binalik ko ang tingin ko sa testpaper ko. Tapos sinagutan ko na yung mga alam ko. Nakakainis. Gaano ba kalaki ang brain ko? Ai mali! Gaano kaliit ba naman ang brain ko at hindi manlang naging kasing laki ng kay Bryan o nang kay kuya manlang?

Tahimik kaming nagsagot. Nananalangin pa ako habang nagsasagot. Sana talaga pumasa ako.

"Finish or not pass your papers now.",sabi ni sir.

Napakagat ako sa labi at napahinga ng malalim. Heto na.

Ipinasa ko yung paper ko kay sir. Pagkatapos ay naupo na ulit ako. Matapos kaming idismiss, bumalik agad na akong nagpunta sa cafeteria kung nasaan nandoon sina Ingrid. Mamaya ipamimigay ni sir yung mga nacheck na naming papel. Kaso sa mamayang yun, nasa detention ako. Kasi naman!

"O Abby! Musta exam?",bungad ni Ingrid.

"Wala pang result. Pero...alis na ako ah. Nadetention ako. Wag kayong maingay kay kuya.",sabi ko sabay dampot ng cupcake. Tapos nagtatakbo na ako palabas.

Binigay ni sir yung detention slip ko kanina pagkatapos ng class. Tinignan ko yun. Sa Arts room ako naassign Di na rin masama. Makakakita ako ng maraming panting. Favorite ko dun yung may babaeng maganda eh. Muka kasing diwata.

Naglakad na ako papunta doon. Nang makarating ako, doon agad ako nagpunta sa painting nung babae. May suot syang kwintas. Susi yung pendant nung kwintas nya at ang ganda-ganda nun.

Naupo ako sa paanan nung painting. Maya-maya, dinalaw ako ng antok. Kaya, nahiga na muna ako habang unan-unan ko yung bag ko.

~*~

"Ms. Conell. Ms. Conell."

"Nasaan na yung kabayo?!"

Napatingin ako sa kabay---este tao na nakatayo sa harap ko. Nang makita yun, dali-dali akong tumayo.

"Sir. Sorry po.",sabi ko.

Nanaginip kasi kasi ako ng hacienda. Yung maraming kabayo na iba't-iba ang kulay. May pink, blue, violet, yellow... Tapos dun sa color violet, nakasakay kami ni Bryan, tapos yakap-yakap ko sya sa bewang, tapos---

"Ms. Conell..",sabi ni sir. Tapos inabot nya sakin yung testpaper na hawak nya.

Tinignan ko yun. At literal akong napatalon sa tuwa nang makita yung grade ko. Haha. 78!

"Salamat sir. Yes!",sabi ko.

Nakataas ang kilay ni sir habang nakatingin sakin. Nginisihan ko lang sya.

"Babye sir. Salamat po.",sabi ko sabay takbo na palabas ng arts room.

Hahaha! Nasaan na ba yung Bryan na yun? Ipagmamalaki ko sa kanya 'tong grade kong hindi pasang-awa. Pasado!

Bumalik na ako sa classroom dahil baka nandun sya. Pagpasok ko, agad akong luminga-linga. Hindi ako nagkamali. Andito na nga sya. Nakaupo sya doon sa pwesto nya at nakapikit. Naglakad ako palapit sa kanya. Habol-tingin naman yung mga kaklase ko. At aba. Nanahimik pa sila.

Tumayo ako sa harap ng table ni Bryan. Hindi pa muna ako nagsalita dahil tinitigan ko pa sya habang nakapikit. Ang gwapo talaga.

"What do you want?",tanong nya, tsaka pa sya mumulat. At paano nya nalaman na nakatayo ako sa harap nya?

Hindi ako nagsalita at ipinatong yung testpaper ko sa desk nya. Tumaas ang kilay nya. Tapos kinuha nya yun at tinignan. Bumuntong-hininga sya at ibinalik yun sa table.

"Later after class. Magpahatid ka sa bahay namin.",sabi lang nya.

"Good afternoon everyone!"

Dali-dali kong kinuha yung testpaper at naupo na sa table ko. Pero hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Pupunta ako kayna Bryan mamaya! Study buddy ko na sya! Wow thank you Lord! Dinidinig nyo ang mga panalangin ko.

~*~

Pagkatapos ng last period, excited akong lumabas ng classroom. Napakasasama ng tingin na naman sakin ng mga kaklase ko. Halos lahat naman kasi ng girls dito, kasali sa fans club nung lima. Tawag nila sa mga sarili nila, The Five Princes' Angels. Ew. Corny.

"Abbielyn, bakit ang saya mo naman ata ngayon ha?",sabi ni Ingrid habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Kasi...pupunta ako sa bahay nina Bryan.",sabi ko.

"Hala anong gagawin nyo ha?",nanliliit ang mata pang sabi ni Ingrid.

"Mag-aaral kami!",sabi ko.

"Eh?! So, naipasa mo yung Calculus test mo?",hindi makapaniwalang sabi ni Chloe.

"Parang gulat na gulat ka ah! Oo noh! Salamat kay Dean at sa brilliant brain ko."

"Yabang ne'to eh babagsakin naman." ,sabi ni Ingrid.

"Hoy! Hiyang-hiya ako sayo ah. Yabang ne'to akala mo napakatalino.",sabi ko.

"Pero ayos yan Abby. Ganito ah. Kapag sa kwarto ka nya niyaya mag-aral, wag mo nang palagpasin ang pagkakataon. Gawin mo na agad! Yung sinabi ko sayo ah..."

"Alin dun? Yung hahalikan, hihipuan o pipikutin?",tanong ko.

"Hala hui Chloe! Ano yang mga itinuturo mo kay Abby?! Jusko Abby wag. Masayadong imoral. Tama na muna yung tunawin mo sa titig.",sabi ni Ingrid.

Tumango-tango nalang ako. Yun naman talaga ang iniisip kong gawin eh. Sira ulo si Chloe. Pero alam ko na joke lang naman yun eh. Tsaka duh! Hindi ako masamang babae noh! Oo tanga ako kay Bryan, pero hindi naman ganun sa kasukdulan na.

Nang dumating na yung sundo ko, agad na akong nagpaalam kayna Ingrid at sumakay.

Later after class. Magpahatid ka sa bahay namin.

"Ai kuya. Sa ano po tayo...sa El Luxurias Subdivision. Block 7, Lot 34.",sabi ko.

Oha ang galing ko? Matagal ko na yang alam. Naitanong ko kay kuya. Syempre stalker ako eh. Hahaha.

"Eh hija, nagpaalam ka na ba sa Mommy mo?",tanong ni kuya.

"Ai oo nga po pala. Wait kuya ah."

Binuksan ko yung phone ko at tumawag kay Mommy. Sinabi ko na may pupuntahan ako. Sinabi ko na din kung saan. Kilala naman nya si Bryan kaya okay daw.

"Kuya aprub!",sabi ko.

Tumango sya at iniba na nga yung direksyon ng sasakyan. Nasa sasakyan palang, hindi na ako mapakali. Excited ako at kinakabahan. Hala makikita ako ng Mommy at Daddy nya. Nakita ko naman na yung Mommy nya eh. Umaattend ng meeting yun sa school. Pero hindi nya ako kilala. Si kuya lang.

Kinuha ko yung suklay ko at nagsuklay na muna. Tapos nagpulbo na rin ako at naglagay ng lip shiner. Nakakahiya naman.

"Aba Abby, mukang espesyal ang pupuntahan natin ah.",sabi ni kuya.

"Hala kuya. Ano po...hindi po.",tanggi ko.

Natawa nalang sya at nailing-iling. Masyado bang obvious?

Ayon sa aking pananaliksik, si Bryan ay may kuya na nagngangalang Bryle. Dalawa lang silang magkapatid. May asawa ito na ngangangalang Lena. Tapos yung Mommy nya, si Odessa, yung Daddy nya, si Mike. Ang galing ko talaga noh?

Ilang saglit lang, natatanaw ko na yung subdivision nila. Sikat na subdivision 'to at mayayamang pamilya ang nakatira.

Inihinto ni kuya yung kotse sa guard house.

"Kay Bryan Esguerra po.",sabi ko.

"Bryan Esguerra hija?"

"Opo. Bryan Leonard Esguerra po. Anak nina Mike Esguerra at Odessa Esguerra. Kapatid po ni Bryle Esguerra na asawa ni Lena."

Tumawa yung dalawang guard.

"Si Brylen ano?"

Aba! Brylen ang tawag nina Manong guard. So close sila?

"Opo. Yun nga po.",sabi ko.

"Eh kaano-ano ka ba ni Brylen hija? Nobya?"

Nobya? Girlfriend? Aba parang gusto ko yun ah. Eh kung sabihin kong kaibigan ako? Hala baka hindi ako papasukin.

"Ah... Opo. Opo nobya nya po ako.",sabi ko.

Ayun na. Naniwala yung dalawang guard. Akalain mo nga naman noh? Hiningi nila yung lisensya ni kuya kong driver. Tska kami pinatuloy.

"Hija nobyo mo na si Bryan?",sabi ni kuya.

"Naku kuya hindi po. Sinabi ko lang po yun para papasukin tayo. Diba po ang galing ko?"

Tumawa lang si kuya at tumango.

Hai. Sana nga totoo yun.

Hinanap namin yung Block 7, Lot 34. At huwaw! Kanila pala halos ang pinakamalawak dito. Parang anim na regular lot ata yung sinakop ng bahay nila eh.

"Sige kuya. Text ko nalang po kayo pag magpapasundo na ako.",sabi ko pagkababa.

"Sige hija. Enjoy.",sabi nya. Tapos nagmaneho na sya paalis.

Tinignan ko yung bahay nina Bryan. Ang laki nga talaga. Tsaka, ang dami nilang kotse sa garahe. Pero nakakapagtaka naman. Wala pa ang kay Bryan. Lumapit ako sa may gate at nagdoorbell. Ilang saglit lang, binuksan yun nung guard.

"Magandang hapon po.",bati ko.

"Magandang hapon ineng. Sinong sadya?"

"Si Bryan Esguerra po. Dito po yung bahay nila noh?",sabi ko.

"Dito nga Neng."

"Ano po...kaklase nya po ako. Pinapunta nya po ako, gagawa po kami ng assignment.",sabi ko.

Halata naman manong. Nakauniform ako ng katulad sa school ni Bryan diba?

"Ganun ba? Sige Ne, tuloy ka."

"Salamat po.",sabi ko.

Pumasok na nga ako. Ang gara ng fountain. Pero grabe lang. Hindi naman ako nainform na mahaba-haba pa pala ang tatahakin kong pathway papunta sa main door ng mansion nila. Pero dahil batang matiyaga ako, nilakad ko yun.

Nang makarating na ako sa main door, agad akong nakita noong mayordoma ata nila.

"O hija, sinong sadya nila?"

Isa lang ako pero bakit nila?

"Ah ano po, si Bryan po. Andyan na po ba sya?",sabi ko.

"Ah si sir Bryan, naku Neng wala pa eh. Pero wag kang mag-alala. Dadating na rin yung nobyo mong yun maya-maya lang. Tuloy ka.",sabi nito.

Sumunod lang ako sa kanya. Nobyo ko daw si Bryan? Hala ka. Pero wow ha. Saya dito sa subdivision nila. Girlfriend ako dito ni Bryan.

Ang ganda ng loob ng bahay nila. Napakaaliwalas. Napadpad ako sa sala nila. Kung saan, may nakita akong manikang malaki na parang tunay na bata!

"Wow!",sabi ko at agad na naupo doon sa sofa na inuupuan nito. Kaso laking gulat ko nang lumingon ito sakin. Hala bata nga!

Tumawa yung yaya.

"Naku hija. Oo tunay na bata yan. Kay ganda ano? Pamangkin yan ni sir Bryan.",sabi nung yaya.

Hala oo nga. Kamuka ni Bryan eh. Nakatitig sakin yung bata. Ang ganda ng mata nya! Kulay asul. Ang tangos ng ilong tapos yung hugis ng mata perfect. Ang hahaba ng pilik at medyo nakataas, parang kinurl. Tapos yung buhok nya, itim na itim na may malalaking kulot sa dulo. Tapos nakablue syang dress at may hawak na manika.

"Hi.",sabi ko dun sa bata. Hindi sya nagsalita at tinitigan lang ako. Hala. Lara syang maliit na girl version ni Bryan.
"Bakit hindi ka nagsasalita?",sabi ko.

"Because Tatay told me, wag daw po makikipag-usap sa strangers.",sabi nya.

Ang cute! Hindi nakabawas sa ganda nya yung kulang nyang isang ngipin sa front teeth.

"Sino po kayo?",sabi nya.

"Ai hi. I'm Abby. I'm your tito Brya---Brylen. Your tito Brylen's classmate."

"Oh! Your uncle Brylen's classmate. Is that the girl's school uniform?",sabi nya habang hinahawakan yung palda ko.

"Yes... Uhm...baby."

"Ai ate. Hindi na po ako baby. Sabi ni Mommy big girl na daw po ako.",sabi nya. She's smiling. Grabe ang ganda.

Kung sino man ang mga magulang ng bata na ito, saludo na ako sa kanila sa paggawa ng ganito kacute at katalino na bata.

"Okay, sorry. So you are?"

"Lala!"

Napatingin ako sa papalapit sa sofa. At halos malaglag ako nang makita naman ang isang batang lalakina kamukang-kamuka nung batang babae na kausap ko. Ang gwapong bata! Eto miniature ni Bryan. Ang ganda nung mata. Maputlang brown tapos yung buhok, itim na itim din. Basta kamuka nya yung baby girl na hindi na daw baby dahil big girl na sabi ng mommy nya.

"I'm Bella, Ms. Abby. And this is my twin brother Brix."

Tinitigan ako nung baby boy. Ang cute-cute. Hala kung pwede lang silang iuwi.

"Lala diba sabi ni Daddy wag daw makikipag-usap sa di kilala?",narinig kong sabi ni Brix kay Bella.

"Hindi Baba. Kilala ko na sya. She's Abby. Classmate sya ni Uncle Brylen.",sabi naman ni Bella kay Brix.

Sabay silang tumingin sakin. Tapos ngumiti. O my God ang puso ko. Kapag kaya kami nagkaanak ni Bryan ganito din kagaganda at kagagwapo? Tsaka katatalino? Asus! Ni hindi ko pa nga kaibigan anak na agad iniisip ko?

"Lala, Brix. Kain na."

Napatingin naman ako sa dyosang paparating. Teka. Pamilyar sya.

"O may bisita. Hello.",sabi nya.

Hai. Ang gandor. Nakakainsicure. Agad akong tumayo para bumati.

"Hello po. Kapatid nyo po yung mga bata? Ang ganda at ang gwapo po. Ang tatalino pa. Ako po si Abby. Kaklase po ni Bryan.",sabi ko.

Ngumiti sya sakin. Muka talaga syang pamilyar.

"Nice to meet you Abby. Upo ka.",sabi nya. Tapos naupo sya sa tabi ko.
"Brix, honey sit down.",sabi nya doon sa boy na baby at pinaupo sa pagitan namin. "Ako nga pala si Lena. And, hindi ko sila kapatid. They're my kids."

Literal na nanlaki ang mga mata ko.

"Mga anak nyo po?! Totoo?"

Tumango sya.

"Hala. Muka po kayong dalaga pa.",sabi ko. Ngumiti lang sya. "Muka po kayong pamilyar."

"Talaga?",sabi nya

Tinitigan ko sya. Tsaka ko lang narealize nang makita ko yung kuwintas na suot nya. Compass at yung...yung susi yung pendant! Yung susi!

"Hala kayo po yun! Yung babae po na nasa painting sa arts room sa school! Opo kayo nga.",sabi ko.

"Painting? Sa arts room ng Patterson University?",gulat nyang sabi.

"Well Abby I think, alam ko kung ano yung tinutukoy mo. Yun bang babae na may ganitong kwintas?" Itinaas nya yung kwintas nya. Tumango-tango naman ako. "Naku hindi ako yun. Nanay ko yun. Pinanint ko sya nung Grade 11 ako sa PU nun."

"Wow! Talaga po? Hindi po kayo yun at...kayo po ang nagpaint? Wow ang galing!"

"Thank you. So, nandun pa rin pala yun."

Tumango-tango ako.

"Excuse me Mommy. But, bakit ang tagal ni Uncle Brylen?",sabi ni Brix.

"Hindi ko alam 'nak eh. Pero mamaya baka nandyan na rin yun.",sabi ni Ms. Lena.

"Baby."

Napalingon kami sa pumasok sa main door. Hala! Si Bryan. Si Bryan na may trimmed na bigote na bagay na bagay sa hugis ng muka, na ang gwapo pa lalo at mas malaki ang katawan, mas matangkad at...OMG nalang.

"Ai, Hubby come here.",sabi ni Ms. Lena.

Hubby? Wow ang sweet. Lumapit nga si Hubby sa amin.

"Tatay buhat.",sabi ni baby Bella. Kinarga naman sya nung daddy nya. Sya ang kamuka nung kambal. No doubt. Pero yung mata nila, kuhang-kuha sa mommy.

"Hubby meet Abby. Kaklase ni Brylen. And Abby, asawa ko, si Bryle. Brother ni Brylen."

"Good afternoon sir.",sabi ko.

"Good afternoon Abby.",sabi nya. Tapos tinitigan nya ako. Hala. Ang gwapo ni kuya.

Kanina may first version si Bryan na girl miniature. Tapos sunod, mini me nya. Tapos sunod naman daddy version nya. At ano namang susunod?

"Papaaaa!",sigaw nung dalawang bata. Tapos dali-daling bumaba si Bella sa daddy nya, tapos si Brix sa sofa. Tapos sabay silang tumakbo palapit kay...

"O my God.",nasabi ko nalang.

Fourth version ni Bryan! Mas matandang version. Waaahhh!!! Ang daming version ng Bryan dito.

"Hello my sweet grandchildren.",sabi nya doon sa twins.

Grandchildren? So ibig sabihin, sya yung daddy ni Bryan? Kaya naman pala.

Lumapit ito sa amin. Pero nakakalalahati palang sya sa daan nang bigla namang sumulpot sa likod si... ayun! Yung original version ng Bryan.

Nanalaki pa ang mata nya nang makita ako.

"Ang aga mo?",sabi nya sakin habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Wow ha. Napakagandang pagbati.

"Eh sabi mo, pagkatapos ng klase magpahatid ako dito sa inyo ah.",sabi ko.

Napakamot sya sa ulo. Nang mapatingin naman ako sa mga kamag-anak nya, para silang may kung anong tumatakbo sa isip at panay nakangiti nang makahulugan. Hindi kaya...

"Hindi po ka---"
"She's not my---"

Nakikisabay pa kasi.

"H-Hindi po kami...ano...tulad ng iniisip nyo.",sabi ko.

"Uncle Brylen, girlfriend mo si Ms. Abby?",tanong bigla ni Bella.

Bigla namang tumaw yung kuya ni Bryan.

"What? No Bella. She's just my classmate.",sabi ni Bryan.

Pero sana balang araw.

"She's my Math study buddy. Teacher's pick.",sabi nya na para bang nagpaliwanag na sya.

"Good afternoon sir. Abbielyn Conell po.",pakilala ko.

"It's nice to meet you Abbielyn.",sabi ni Mr. Esguerra.

"Uncle Brylen, kanina ka pa namin iniintay. Let's play basketball.",sabi ni Brix.

Napakamot na naman sa ulo si Bryan.

"Baba, he's going to study with her girlfriend."

"Bella she's not my girlfriend.",sabi ni Bryan.

"Pero Uncle Brylen gusto ko sya. Sya nalang girlfriend mo.",sabi pa nya.

Napatungo nalang ako dahil pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Bella.

"Lala hindi maganda yan ha. You are embarrasing them.",sabi ni Ms. Lena.

"Sorry Mom. Sorry Uncle Brylen. And Aunt Abby.",sabi ni Bella.

Nakita ko na bahagyang napatawa si Ms. Lena, pati yung asawa nya at si daddy nila.

Aunt? Seryoso? Nakita ko na napapakamot na naman sa ulo si Bryan. And cute nya kapag ginagawa nya yun.

"Oo nga pala Brylen. Andito sila, para sana sunduin ka.",sabi ni daddy nya.

"Sunduin?",sabi ni Bryan.

"Sa amin ka muna bro. Aalis sina daddy. May honeymoon sila ni mommy, remember?",sabi ni kuya.

Honeymoon? Ang sweet naman.

"Oh yeah. I forgot. But...sa inyo nga ako tutuloy?"

"Yes Uncle Brylen!",sabay na sabi nung kambal.

Mukang close na close sya doon sa twins.

"Cool! Tara na.",sabi ni Bryan.

Tumaas yung kilay nina ate at kuya.

"Mamaya na Brylen kapag tapos na kayo sa study session nyo. Sige na. Take her to the study room. I'll make cupcakes for you.",sabi ni Ms. Lena.

"Wow! Gumagawa po kayo ng cupcakes? Ang galing.",sabi ko.

"Oo. Ikaw ba?",sabi nya.

"Medyo po. Marunong po ako ng cheesecake. Paborito po yun ng mommy."

"Cheescake? Gusto din yan ng kambal ko.",sabi nya.

"Pwede po ba malaman yung recipe nyo po?"

"Oo naman. Sige mamaya isusulat ko. Tapos ibibigay ko sayo.",sabi nya.

"Yes! Salamat po Ms. Lena."

"Call me ate.",sabi nya.

"Ah... Ate. Salamat po."

"Ate Lena, we're going.",sabi ni Bryan.

"Okay. Bye Abby. I'll see you later.",sabi ni ate Lena.

"Sige po."

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko at sandamakmak na libro.

"Brylen...",sabi nung daddy ni Bryan.

Napabuntong-hininga si Bryan at kinuha yung mga libro ko. Di na ako tumanggi at binitawan ko na yung lahat. Nashock yata sya kaya muntik na syang masubsob.

"Shit. Lahat ba talaga 'to binabasa mo?",sabi nya.

"Libro natin yan sa school. Palibhasa hindi nagdadala eh.",sabi ko.

Sinamaan nya ako ng tingin tapos nauna na syang maglakad. Wow. Pinagbibitbit ako ng libro ni Bryan.

"Sige po.",sabi ko, tapos sumunod na ako kay Bryan. Pero nang mapadaan ako kay kuya Bryle, humarap muna ako sa kanya. "Kuya ang artistahin po ng mga anak nyo. Ang tatalino pa. Galing nyo po!",sabi ko sabay takbo na.


























Продовжити читання

Вам також сподобається

Play The King: Act Two Від akosiibarra

Підліткова література

392K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9K 120 30
He WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?
He's Mine Від Gette

Підліткова література

23K 621 37
Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.
heaven has gained an angel Від nekoys

Підліткова література

62.4K 984 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023