Hopelessly in Love with Mr...

By ArmagedonXena

5.6K 148 2

Bryan Leonard "Brylen" Esguerra. Perfection. 'Yan na yata talaga ang eksaktong salitang makapagdi-describe sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Seventh Year
Chapter 2 I'll make Way
Chapter 4 Meet the Versions
Chapter 5 Hurt
Chapter 6 Epic Plan
Chapter 7 First Chat Convo
Chapter 8 The Bridal Carry
Chapter 9 Abby's Visit
Chapter 10 I love You
Chapter 11 Fight with a Bitch
Chapter 12 Take her Home
Chapter 13 Frowning Bryan
Chapter 14 Abby in Trouble
Chapter 15 Shoulder for Sleep
Chapter 16 His Smile
Chapter 17 Text Message
Chapter 18 Jealousy Issues
Chapter 19 The Photo
Chapter 20 Bryan's Proposal
Chapter 21 First Day as His Girl
Chapter 22 Double Date
Chapter 23 Recess Date Together
Chapter 24 Brylen's Guilt (For What?)
Chapter 25 His Smiling Face
Chapter 26 Dinner with the Esguerras
Chapter 27 Stolen Shot from Babe
Chapter 28 Am I Really Falling?
Chapter 29 Secret Admirer
Chapter 30 Bryan's Gift
Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions
Chapter 32 Surigao, Here I Come!
Chapter 33 My Special Girl
Chapter 34 Fire Dance Show and After
Chapter 35 Kuya's Confrontation
Chapter 36 Crazy Couple?
Chapter 37 My Boyfriend, My Savior
Chapter 38 Sleepless Babe
Chapter 39 Proud Girlfriend
Chapter 40 Childish Babe
Chapter 41 Sungit's Accident
Chapter 42 Debut Excitement
Chapter 43 Ice Cream Date
Chapter 44 Babe's Sleepover
Chapter 45 'I Love You, That's Why'
Chapter 46 When Babe Got Drunk
Chapter 47 Caretaker for Drunken Babe
Chapter 48 Ate Lena's Dress
Chapter 49 The Truth Behind the Lies
Chapter 50 Seamus' Girl
Chapter 51 Whoever You Are
Chapter 52 Abby's Debut
Chapter 53 Very, Very Cute
Chapter 54 Abby's Resignation
Chapter 55 Broken
Chapter 56 Back to School
Chapter 57 Cinema with Jester
Chapter 58 He's also in Pain
Chapter 59 First Day of Recollection
Chapter 61 Voice of Love
Chapter 62 Last Day of Recollection
Chapter 63 Be with Me
Chapter 64 The Escape
Epilogue

Chapter 3 Crush's Condition

100 3 0
By ArmagedonXena

CHAPTER 3 💕 Crush's Condition

"For your Integral and Differential Calculus, I will be assigning pairs. Napapansin ko kasi na ilan sa inyo ang medyo nahihirapan na makacope up sa lesson na 'to. So I think, pairing you might help. Magtulungan kayo."

Alam ko isa ako sa bad ones sa subjects na'to. Tanggap ko naman yun. Pero yung mga matatalino, nag-ungulan. Maliban lang kay Bryan. Wapakels sa mundo.

"Wala kayong magagawa. And to make this more challenging, every afternoon, bago mag-uwian, aasahan ko ang pagtutulungan nyo. Kung ayaw nyo, I don't care. Basta bagsak ng isa, bagsak nyo parehas."

"What?!",react nilang lahat na magagaling. Kasama na dun si Bryan.

Yes! Sana si Bryan partner ko. Panginoon si Bryan po ah. Hahaha. Please... Please...

"I've already printed the list of pairings. So, here...please pass."

Nang makakuha ako ng papel, agad kong hinanap yung pangalan ko. Conell... Conell... Conell and... Halos tumalon ako sa tuwa nang makita yung apelyido ng kapartner ko! Conell and Esguerra.

Wohoo! Lord thank you!!!!

Napakagat ako sa labi para pigilan ang pag... Yes! Tapos nilingon ko si Bryan sa likod. Tumunghay sya, at tumingin sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanya. Pero wala syang expression at naiiling na ibinalik ang tingin nya doon sa papel.

Akala mo Bryan Esguerra ha?! Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang makakapartner mo. Muhahaha! Arte-arte ka pa.

Pagkatapos ng pinakamasayang Math class sa buong buhay ko, lumabas na ako ng klase at hinabol si Bryan.

"Bryan!",tawag ko sa kanya.

Lumingon sya sakin with a deathly glare. Grabe sya! Pero mabuti nalang gwapo sya. Hindi sya masyadong nakakatakot.

"Magrereview tayo mamaya?",tanong ko.

"No."

"Pero sabi ni sir..."

"Kaya mo na yan.",sabi nya tapos nagpatuloy sya sapaglalakad.

"B-B-Brya-a-annn."

Wala na sya.

Anong kaya ko na?! Anong sabi ni sir?! Bagsak ng isa, bagsak namin parehas! Kamusta naman ang 75, 77 kong grade sa Math last year? Pasang awa ako palagi. Oo as in palagi, hindi pala palagi. Minsan bagsak ako sa exam. OMG. Kung Science lang sana with kaunting Chemistry, kakayanin ko pa eh. Pero... Pero Calculus?! Heeeeelllloooo???

Mabuti nalang talaga dahil consistent akong 90+ achiever sa Science. Kundi, hindi ako mapapasection A!

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa classroom ni Chloe. Inintay ko syang lumabas. Dumating na rin eksakto si Ingrid nang makalabas sya.

"May good news ako!",masaya kong sabi habang iwinawasiwas yung papel.

"Ano yan? Tinignan ka ni Bryan?",sarcastic na tanong ni Chloe.

"More than that! Study buddy ko sya sa Math Class for the whole year!",sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nila tapos nagtitili sila at nagtatalon.

"OMG! Simula na yan Abby. Sa wakas. Magkakaprogress na rin yang feelings mo!",sabi ni Ingrid.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, kung anu-anong sinasabi nila sa gagawin ko kapag nagsimula na kaming magreview ng magkasama ni Bryan. Para silang mga ewan. Baliw nila parehas.

Pero, eto lang ang tumatak sa isip ko. Make him fall for you.

Nakakatawa ang gusto kong mangyari, alam ko. Mukang imposible, oo. Pero hindi naman masamang magtry diba? Mahaba-habang panahon na rin ang tiniis ko sa pagtatago ng feelings ko kay Bryan. Wala akong magawa. Ngayon, gagraduate na kami. Lalayo na sya. Magkaklayo na kami. Ng hello? Wala man lang nangyayari? Hindi na talaga ako makakapayag. Kaya humanda talaga sya. Kung nung una gusto ko kaibigan lang, ngayon... I will make that Bryan Esguerra, fall for Abbielyn Conell.

"Bye girl. Congrats!",sabi ni Ingrid.

"Babye.",sabi ko. Kumaway-kaway kami ni Chloe.

Tapos sumakay na sya sa car nya at nagdrive pauwi. Mabuti pa nga sila ni Chloe marunong magmaneho at may sariling kotse. Ako? May sariling driver, walang sariling kotse. Bakit? Eh hindi naman ako marunong magmaneho eh.

Nakakainis. Mag-isa na naman akong uuwi. Kahapon nga mag-isa nalang ako ulit. Hindi pa ako nakapunta kayna Chanz dahil sabi ni kuya umuwi ako ng maaga. Nakakabwisit. Hindi ko tuloy nakita si Bryan. Magbabasketball pa naman daw sila. Eh syempre makikita ko syang pawisan habang naglalaro. Galing pa naman nya.

"Abby, you wanna come?",sabi ni Chloe.

"Saan naman?"

"Sa bahay. Narinig ko kay Chanz, punta ulit ang tropa dun.",taas baba ang kilay nyang sabi.

"Talaga? Sige ba.",sabi ko.

Ayos! Pipilitin ko na rin si Bryan na turuan ako. May exam daw bukas sabi ni sir. Pero, hindi ko kasi nagets yung tinuro nya kaya magpapaturo ako kay Bryan. Tutal sya naman ang study buddy ko eh. Sana lang pumayag sya. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung paano ako kukuha ng 75 bukas.

Sumakay na ako kaagad sa kotse ni Chloe. Sinuot ko kaagad yung seatbelt. Isinuot ko yun ng mahigpit. Kumapit na rin ako sa gilid nung kotse.

"Okay let's go?",sabi ni Chloe.

Tumango lang ako. At tulad ng inaasahan ko, para kaming lilipad sa bilis nyang magpatakbo. Nung unang sakay ko nga dito hindi ako mapigil sa pagpalakat. Walangya kasi byaheng langit. Pero magaling naman sya magmaneho kaya may tiwala na ako.

"Abby, kelan ka aamin kay Bryan?",tanong bigla ni Chloe.

"Ha? Ano... Ewan. Hindi na?"

"What? Are you serious?",hindi makapaniwala nyang sabi.

"Oo...Bahala na. Kung malaman man nya edi go. Pero, tingin mo wala pa rin syang ideya makalipas ang anim na taon?"

"Yes Abby. Malawak ang mundong ginagalawan ni Bryan. At yung mga ganyang mga bagay, mga tagahanga o whatsoever you call yourself, hindi na nya bibigyan pa ng panahon. Sanay na kasi."

Right. Definitely right.

"But...if you make way para mapansin, di rin magtatagal, magtatagumpay ka. You will make him a friend. Or best, a lover."

Natawa ako sa huli nyang sinabi.

"Pinapangarap ko yung huli bess. Pero mukang yung una lang ang kakayanin ng powers ko."

"Be positive Abby. Malay mo naman diba?"

Napangiti lang ako at tumango-tango. Malay ko nga naman.

Pagdating namin ng bahay nina Chloe...or Chanz, at pagbaba ng sasakyan, dinig na dinig ko na ang maingay na boses ni Koden. Tapos tawanan nila. Narinig ko din yung tawa ni Bryan. OMG!

Kinuha ko yung bag at books ko at pumasok sa loob. Napadaan kami doon sa sliding door nila papunta sa court sa likod, kung saan kamalas-malasan, si kuya pa ang nakakita sakin.

"Abby! Why are you here?",sabi nya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakatingin na silang lahat sa amin, maliban lang kay Chanz na tulog na naman. Nakaub-ob sya doon sa tea table.

"Ah... Uhm..."

"Mag-aaral sila ni Bryan.",sabi ni Chloe sabay hagis nung bag nya sa sofa.

"What?",nakakunot ang noong sabi ni Bryan na natigil sa pagdi-dribble ng bola.

"Narinig ko kay Chanz na pupunta kayo dito. Naikwento ni Abby na study buddy ka nya sa Math class. So, isinama ko sya dito. May exam daw kayo bukas, di nya naintindihan yung idiniscuss."

"Chloe...",saway ko.

"Tsk. Tsk. O my goodness Abby, hindi ka siguro nakikinig.",sabi ni Koden.

"Maybe she did. Hindi lang nya talaga nagets.",sabi ni Dean.

Tumango-tango ako sa sinabi ni Dean.

Napapasada ng kamay sa buhok si Bryan.

"Maglalaro kami. Bukas nalang.",sabi nya.

Ha! Kinausap nya ako.

"A-Ano...pero first period natin ang Math!"

"Hindi mo ba talaga kayang mag-aral mag-isa Abby?",sabi ni kuya.

"Dadayo pa ba ako dito kung kaya ko?",sabi ko.

"Tsk. Okay na ang 75. Kaya mo na yan.",sabi ni kuya. Tumawa ng malakas si Koden.

"75? Well Abby, hindi tayo nagkakalayo ng grade.",sabi nya habang tatawa-tawa pa. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Grabe si kuya. Isiwalat daw ba?

"Ako na magtuturo.",sabi ni Dean sabay tayo doon sa inuupuan nyang upuan.

What? Talaga?

"You sure Dean?",sabi ni kuya.

"Sige, kayo muna dyan.",sabi nya.

Nakakamangha talaga 'to si Dean. Kahit half British ang fluent sa tagalog. Hindi pa ako makapaniwala nang maglakad sya palapit sakin. Nakatitig ako sa muka nya na...wow. As in wow. Mas gwapo sya sa malapitan. Pero syempre mas masaya kapag si Bryan.

"O Abby, baka matunaw 'yan.",sabi ni Koden.

"Damn you Kody.",nangingiting sabi ni Dean.

"T-Totoo? Tutulungan mo ako?",sabi ko.

Ngumiti sya tapos tumango.

"Tara.",sabi nya.

Tinignan ko muna si Bryan ng isang pang beses. Nakatingin lang sya samin. Tapos nang magyaya na si kuya maglaro, sumunod na sya. Wala manlang pake sakin.

"Abby."

Nilingon ko si Dean.

"Ah... Oo. Tara.",sabi ko at sumunod na sa kanya.

"Wapakels talaga yung lalaki na yun. Hayaan mo na Abby. Matalino din naman 'yan si Dean. Madami kang matututunan.",sabi ni Chloe. Napansin ko pa ang ngitian nila ni Dean. Tapos kinuha na nya yung bag nya at umakyat sa taas.

Sa sala kami nag punta ni Dean. Wala naman akong kaclose sa apat na tropa ni kuya. Kaya ngayon, heto naiilang pa ako.

"Abby I'm not gonna bite.",sabi bigla ni Dean.

"A-Ano... Wala naman akong sinabi ah.",sabi ko.

Nagchuckle sya.

"Girls.",naiiling nyang sabi.

Naupo sya doon sa sofa. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi malaman kung saan uupo. Tapos tinapik nya yung katabi nyang upuan. Napakamot ako sa ulo at hinubad yung bag ko. Tapos naupo ako doon.

"So, I suppose, integral calculus?",sabi nya.

Tumango-tango ako at inilabas yung books ko at notebook. Kinuha nya yung notebook ko, tapos binuksan nya. At halos lumuwa ang mata ko nang makita kung ano yung nandun.

Kaya dali-dali ko yung hinaggit. Hala. Nakita nya yung doodle ko ng pangalan ni Bryan.

"A-Ano... L-Let me explain."

Napatawa sya at nailing-iling. Napansin ko yung hiwa sa gilid ng kilay nya. Mukang napaaway na naman sya.

"So, you like Brylen.",sabi nya. Sa gulat ko sa bigla nyang pagsasabi tinakpan ko agad yung bibig nya.

"Wag kang maingay please!",sabi ko.

Nang marealize ko yung ginawa ko, agad akong lumayo. "S-Sorry."

"Don't worry Abby. My mouth is shut.",sabi nya.

"Promise?",sabi ko.

"Promise.",sabi nya.

"Cross your heart?"

Tumaas yung kilay nya. Tapos pinakita ko sa kanya kung paano. Natawa na naman sya.

"Cross my heart.",sabi nya sabay cross sa dibdib nya.

"Kelan pa?",sabi nya.

Ako naman ang napataas ng kilay.

"Diba tuturuan mo ako ng Calculus?",sabi ko.

Nagshrugg sya at kinuha na ulit yung notebook ko.

"Pakilikdangan.",sabi ko, tinutukoy yung doodle.

"Nice lettering.",sabi nya habang pinagmamasdan yun.

"Dean naman.",saway ko sabay takip nun. Natawa sya at hinila yun. Tapos binuklat na.

"Ms. Conell, class notebooks are not a private place to doodle your crush's name that's suppose to be a secret.",sabi nya.

"Alam ko. Eh kasi naman... Wala akong naiintindihan sa tinuturo ni sir kaya...yan nalang ginagawa ko."

Nang mukang wala syang nakitang impormasyon sa notebook ko, ibinaba nalang nya yun at binuksan naman yung book ko. Yung book na puro doodle lang din at drawing ng kung anu-ano. Pati na rin guri-guri.

"Do you give even little attention to your teacher?",sabi nya habang binubuklat yung workbook ko.

"Yes. Pero mahirap eh. Mas madaling magdrawing.",sabi ko.

Nailing na naman sya. Tapos kumuha sya ng unan at ipinatong dun yung book.

"Okay let's start.",sabi nya.

Nang magsimula na syang magsalita, medyo lumapit ako para makita ko yung isinusulat nya. Kahit parang kinahig ng manok yung sulat nya, nagigets ko naman. Mano-mano nya ipinaliwanag kaya nagigets ko sya paunti-unti.

"You try.",sabi nya.

Masaya kong kinuha yung ballpen at yellow pad na pinagsulatan nya ng sasagutan ko. Tapos sinagutan ko yun. Kalahati na ako nang may nakalimutan akong method. Kaya nilingon ko sya para tanungin.

Nakangiti sya at nakatitig sa akin.

"P-Paano nga dito?",tanong ko sabay turo doon sa papel.

Lumapit sya at tinignan yun. Ang bango naman neto. Hiyang-hiya ako ah. Nang macheck nya, ipinaliwanag nya sakin kung paano gawin. Tapos itinuloy ko na ang pagsasagot.

"Ayan! Tapos na.",sabi ko sabay abot nun sa kanya.

Kinuha nya yun at chineck. Tapos ngumiti sya.

"You got it right.",sabi nya.

"Talaga?!"

Tumango sya.

"Wow! Ang galing naman! First time 'to!",sabi ko sabay kuha nung papel at titig doon.

"Very good Ms. Conell. So, tama na muna 'yan. Maglalaro muna ako."

Tumango-tango ako.

"Salamat. Salamat talaga."

"No problem. Good luck sa exam bukas.",sabi nya sabay gulo pa sa buhok ko habang tumatayo.

"Thanks ulit."

"At nga pala. Don't worry, pagsasabihan ko si Brylen na tulungan ka."

"Wow. Thank you!",sabi ko.

Tumango lang sya at naglakad na palabas.

Napangiti ako at inilapag yung papel sa lap ko. Tapos kinuha ko yung phone ko at pinicturan yun. Unang equation na nasagutan ko. Grabe memorable!

"O Abby, musta?",sabi ni Chloe na kararating lang.

"Tadah! Nakasagot ako.",sabi ko sabay duldol sa muka nya nung nasagutan ko.
Kinuha nya yun at tinignan.

"Hindi ko naintindihan bess. Pero congrats.",sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Anong oras na ba? Hindi pa uwi sina kuya? Sasabay ako sa kanya eh.",sabi ko.

"Tanong mo.",sabi nya sabay tayo.

Sumunod ako sa kanya papunta doon sa court nila. At aba! Gising na si Chanz. Nakikipaglaro na sya. Pero nang mapatingin ako sa may gilid ko, nakita ko doon si Bryan na nakaupo at nagpapaypay, habang...habang...topless. OMG.

Napalunok ako sa tanawin. Nakabalandra lang naman kasi yung ano...yung ano...

"Chole, pengeng kanin."

"Ano? Anong kanin?!",sabi nya.

Nailing ako at napatingin kay Chloe. "Wala. Sabi ko, gutom na ako. Gusto ko nang kumain ng kanin. Maghapunan ba."

"Tss.",sabi lang nya.

"Seamus! Nagugutom na daw 'tong kapatid mo. Ihatid mo na pauwi.",sigaw ni Chloe sa may court.

"Mamaya na Abby! Makikain ka nalang muna dyan.",sabi ni kuya.

"Kapal mo talaga!",sabi ko.

Hindi nya ako pinansin.

"O sige Abby. Maupo ka na muna dyan. Kukuha ako ng pagkain.",sabi ni Chloe sabay alis na.

Hahabol pa sana ako kaso muka naman akong tanga. Maupo nga daw diba?

Tinignan ko yung upuan nila. Doon sa may pabilog na lamesa kung saan may mga bakal na upuan. Yung tea table kung saan...nakaupo din si Bryan na hanggang ngayon, topless pa din.

Napalunok ako at dahan-dahang hinila yung upuan. Iniwasan ko na wag yun tumunog. Tapos tsaka ako slow mo din na naupo. Tinitigan ko si Bryan habang nakaupo ako. Ang tangos ng ilong nya. Nakaside view kasi sya at nanonood kayna kuya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang lingunin nya ako. Napakunot ang noo nya.

"Are you checking me out?",sabi nya.

"Ha? H-Hindi ah!"

Hindi sya nagsalita at bumalik sa pinapanood nya.

"A-Ano... Bukas ba, tutulungan mo na ako sa pagrireview?",sabi ko.

Lumingon sya ulit sakin.

"Do really need help with that? It's just Integral Calculus. Kaya mo na 'yan.",kunot noo nyang sabi.

Just? Seriously?!

"Akala mo lang yun. Babagsak ako kung hindi mo ako tutulungan. Babagsak ka din. Diba sabi ni sir, bagsak ng isa, bagsak ng magpartner.",sabi ko.

Lalong kumunot ang noo nya. Tapos napabuntong-hininga sya.

"Fine. Pero sa isang kondisyon.",sabi nya.

"Ano?"

"Ipasama mo yung exam bukas."

"Ano?!"

"Diba nireview ka na ni Dean?"

"P-Pero... pero..."

"If not, magpapapalit nalang talaga ako ng partner.",sabi nya.

"Okay! Pero okay na ang 75 ah!"

Napangiwi sya. "Seriously?"

"Seriously.",sagot ko.

"Pwede na. Basta pasado.",sabi nya.

"Sige.",sabi ko.

"Let's see.",nakasmirk pa nyang sabi. Tapos tumayo na sya at nakisali ulit sa laro.

Let's see nga. O my goodness! Kailangan ko nang manalangin para bukas. Leche naman oh! Si crush na magiging bato pa. Wag naman sana...





























Continue Reading

You'll Also Like

47K 758 19
✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba n...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
He's Mine By Gette

Teen Fiction

23K 621 37
Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.
2.6K 178 43
"Bakit tayo iniiwan ng mga taong nagsabi sa ating 'wag natin silang iwan?" - Zadist Thorns After Everything follows the story of Maris, a young girl...