CHAPTER 1 💕 Seventh Year
"Abbielyn! Ang tagal-tagal mo malelate na tayo!",sigaw ni kuya sa ibaba.
Humarap pa ulit ako sa salamin at mabilis na hinaplos-haplos yung buhok ko, tapos tsaka ako lumabas ng kwarto. Yes! Start na ng school year today! Makikita ko na si Bryan. Makikita ko na si Bryan. Makikita ko. Makikita ko.
"Nandyan na Seamus! Ang ingay mo!",pabiro kong sigaw habang bumababa sa hagdan.
"Mommy ang bastos ni Abby!",sumbong na naman nya. Tumawa lang naman si mommy.
"Sorry KUYA! Sorry PO talaga."
Inirapan nya ako tapos naglakad na sya palabas. Nagtatakbo ako papunta kay Mommy at nagkiss.
"Babye Mommy! I love you!",sabi ko.
"Bye baby ko. Ingat kayo.",sabi nya.
Nagtatakbo na ako palabas ng bahay, papunta kay kuya. Baka iwan pa ako nito eh. Binuksan ko yung front seat at uupo na sana nang magsalita sya.
"Abby, uupo dyan si Gina.",sabi nya.
Hindi na ako nagtanong kung sino si Gina dahil malamang isa na naman sa mga babae nya. Kaya doon nalang ako naupo sa backseat.
"Kuya, 'san lakad nyo ng tropa mo mamaya?",tanong ko.
"Why?"
"Wala lang. Masama na bang alamin kung saan pupunta ang kuya ko?"
"Hindi ko pa alam. Baka magbabasketball.",sabi nya.
Tumango-tango ako.
"Saan?"
"Kayna Chanz.",sabi nya.
Wala daw plano pero alam na kung saan. Pero tamang-tama! Kayna Chanz sila. Sasabihin ko kay Chloe doon kami gumawa ng assignment. Pinsan nya kasi si Chanz at doon sya nakatira sa bahay nila. Dapat nasa States sya kaso pinadala sya dito para patinuin. Bad girl kasi masyado. Pero nakasundo ko sya kasi mabait naman sya kahit papano eh.
Tumango-tango ulit ako. After ilang minutes, nasundo na namin si Gina.
"Hi babe!",bati nya kay kuya. Tapos nagkiss sila sa lips. Ew! "Hi lil' sis.",bati nya sakin.
"H-Hi.",bati ko lang din.
Nakakadiri naman sya. Akala ba nya type talaga sya ni kuya? Trip lang sya ui. Nakakainis ang kalandian ni Gina kaya isinuot ko nalang ang earphones ko at pumikit.
Okay. Bago pa kayo maguluhan ipapakilala ko na sa inyo ang barkada nina Bryan, kung saan kasama ang kuya ko.
Okay. First personality, Chanz Agron. The artistic one. Maputi sya na malapit na sa maputla, pero over sa gwapo din. Kinakikiligan sya dahil sa mapungay nyang mga mata. Tahimik lang sya, dahil madalas syang tulog.
Si Koden Lucas. Ang pinakamaingay sa kanila. Pero kinikilig sa kanya yung mga girls sa school dahil mahilig syang bumanat. Gwapo din sya at palagi nang pakindat-kindat. GGSS kaya kaasar din minsan.
Next naman, si Dean Weisz. Half-British sya. Magaling sya sumayaw kaya ang daming nabinighani. May killer smile din sya kaya lakas sa chiks. Gwapo din eh. Kaso nga lang basagulero.
Sunod, si Seamus Conell. Pinakapangit sya. Pinakaengot din. Unfortunately, kuya ko sya. Hahaha. Joke! Naiinis kasi ako kay kuya ngayon eh. Pinasabay pa si Gina. Pero eto seryoso na.
Si Seamus Conell. Sabi nila, si kuya daw ang pinakamagaling kumanta sa lima. Kahit sa amin namang dalawa eh. At matagal ko na rin yung tinanggap. Sya din ang pinaka-chickboy. Pinakababaero!
Last but not the least...Aaahhhhh!!! Hahaha. Eto na, eto na.
Si Bryan Esguerra. Sya yung pinakagwapo, pinakamatalino, pinakatalented... Hindi ko 'to sinasabi dahil sa crush ko sya. Totoo naman kasi eh. Naririnig ko pa nga sa mga kaschool mates ko, jackpot na daw si Bryan. Perfect na kasi. Kaya nga heto, kahit muka na akong tanga, pinagpapantasyahan ko pa rin sya. Pero ang masama, sya ang pinakamasungit. Oo mas masungit pa sa kuya ko!
Isa na yan sa milyong-milyong dahilan kung bakit hindi ako makaamin. Natatakot ako eh. Baka mawasak ang puso ko. Tsaka, alam ko naman na hindi nya ako magugustuhan. Nakikita ko naman yung muka ng mga babaeng idinedate nya eh. Mga Queen Bee tsaka, mga famous. Eh ako? Kapatid nga ako ng isa sa mga pinakasikat na nilalang sa PU, pero wala pa rin naman. Kapatid lang ako. Hindi nya ako katulad.
Pero all in all, heartbreak silang lima!
"Abbielyn!"
Agad akong napamulat at napaus-os pa sa upuan na naging dahilan ng pagkalaglag ng mga gamit ko. Nakakainis si kuya lagi nalang sumisigaw! Tinaggal ko yung isa ko pang earphone.
"Kuya hindi ako bingi!",sabi ko.
"Sana nga eh. Come on, down. Matutulog ka pa dyan eh.",sabi nya.
Tumayo na sya at umakbay kay Gina. At dahil sa pag-alis nya, doon ko lang nakita na yung buong brakada nya, nakamasid sakin. O my God!
Napakagat nalang ako sa labi at agad nang pinulot yung mga gamit ko. Tapos dali-dali na akong bumaba ng sasakyan.
"Oi Abby! Umuwi ka nang maaga mamaya ah.",sabi nya.
"Hindi tayo sabay?",tanong ko.
"Nope."
"Eh saan ako sasakay?"
"Pasundo ka nalang kay Manong. Ingat ka mamaya.",sabi nya.
"Nakakainis ka ku---Seamus!"
Nanlaki ang mga mata nya.
"Isusumbong kita kay Mo---"
"Ikaw ang isusumbong ko! May bago kana namang girlfriend.",sabi ko. "Sige bye. Ingat ka din mamaya."
Tapos naglakad na ako paalis. Pero bago yun, sinulyapan ko na muna si Bryan. Nakakunot ang noo nya. Hala! Ano ba yun? Baka naturn off sya sa pagsisigaw ko. Naku po naman! Hai ang bobo mo Abby. Pwede naman kasing hindi sumigaw! Pero kasi si kuya nakakahawa eh.
Sa sobrang kahihiyan, hindi na ako nakatiis. Nagtatakbo na ako. Narinig ko pa na tumawa si Koden at binanggit yung pangalan ko. Nyeta! Pinagtatawanan nila ako! Hala baka si Bryan din...
"Abby!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Chloe Agron. Ang ganda nya talaga. Lakas ng dating. Pero ewan ko ba kung bakit ako ang pinili nitong friend eh. Loser ako. Alam ko naman yun. Kasama nya si Ingrid. Si Ingrid Falcon naman, bestfriend ko din. Madami syang boyfriend. Padamihan sila ni Chloe, actually. Magaganda eh. Ako? Nevermind!
NBSB ako mga brad. Well may mga nanliligaw naman kaso, kapag hindi haharangin ni kuya, hindi ko din naman gusto. Kalimitan talaga dahil hindi ko gusto. Syempre Bryan pa rin ako. Oo tanga na kung tanga. Eh sya ang gusto ko eh. Bakit ba? Edi niloko ko lang ang sarili ko kung nagpaligaw ako sa hindi ko type.
"Tara na. Dedaydream na naman ba kay Bryan?",sabi ni Ingrid.
"Ui!",saway ko sabay lingon to the left, to the right. Tumawa ng malakas si Chloe.
Naglalakad na kami papunta sa room namin. STEM class din sila. Kaso malas Class-2 si Ingrid. Si Chloe Class-3. Pasaway kasi eh.
"Girl! Nga pala ah. Happy seventh anniversarry sayo.",sabi nya.
"Ha?"
"Happy seventh anniversarry ng pag-asa kay Bryan Esguerra."
"Grabe ah.",nasabi ko nalang.
"Alam mo kasi bess..." Inakbayan ako ni Chloe. "...kapag may gusto ka, hindi tama na antay ka lang nang antay. Go for it!"
"And what do you mean about that?"
"Umamin ka kay Bryan. Gumawa ka ng paraan para magustuhan ka nya!"
"Chloe nababaliw ka na.",sabi ko sabay tanggal nung kamay nya sa balikat ko.
"Abby, Bryan Esguerra yung pinapantasya mo. Kung hindi ka gagawa ng paraan, hinding-hindi 'yan mapapasayo.",sabi nya.
"Babae ako.",sabi ko.
"So? Chivalry is dead Abby!",sabi ni Ingrid.
Napakamot ako sa ulo. Pero aray ah. Nakalmot ko yung anit ko.
"Ayoko nga. Tsaka...Haist! Hayaan nyo na nga ako. Kaya ko na 'to.",sabi ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Bahala ka Abby. Alam mo, gagraduate na tayo. At kapag hindi ka pa gumawa ng paraan ngayon, pagsisisihan mo talaga yan sa huli. Ikaw din.",sabi ni Chloe. Tumango-tango naman si Ingrid.
Kapag hindi pa ako gumawa ng paraan ngayon, pagsisihan ko sa huli. Pagsisihan ko sa huli.
"Sige na girl! Dito na kami. Babush!",sabi ni Ingrid.
"Sige na. Babye.",sabi ko sabay pasok na sa classroom ko.
Parang may point sila. Ilang taon na akong patay na patay kay Bryan? My God. Pinilit kong magmove on pero ang lakas lang talaga ng kapit nya sa brain ko. Ano bang problema nya? O baka naman ako talaga ang may problema?
Dahan-dahan pa akong naupo sa upuang natanaw ng naglalakbay kong utak.
"Argh please! Lubayan mo na ako.",bulong ko sabay ub-ob sa desk. "Stupid. Stupid. Stupid.",bulong ko pa habang inuumpog yung ulo ko.
Nakakainis ka Bryan! Bakit ba napakamanhid mo at napakasira ulo mo? Bwiset ka! For six years?! For six 'effin years umaasa ako? Tapos eto! Pangpitong taon na, wala pa ring nangyayari. My God!
"Argh!",inis kong sabi sabay padyak pa at gulo sa buhok ko.
"Hey. Hey."
Gusto yatang masapak nitong katabi ko eh. Alam nang busy ako tatawag-tawag at mangungulbit pa.
"Hey---"
"What?!"
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino yung nasa tabi ko, at tulad ko, nanlalaki din ang mga mata.
"B-Bryan?"