Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Thirty six

53.1K 1.8K 335
By dauntlehs


36: The dangerous deal.
-

“W-what the hell are you saying?” Nauutal kong tanong.

“Ititigil ko na ‘to pero sa isang kondisyon.” Kumunot ang noo ko pero bago pa siya magsalita ay bigla na lang ulit sumulpot si Zero.

“I knew it.” Aniya at saka ako hinatak palayo kay Josh.

“Sabi na at may mali. Fine! In love, huh? Ibibigay ko sa ‘yo si Erin.” Mabilis akong napalingon nang sabihin iyon ni Zero. Wha the hell?

“But let’s make a deal. Grupo mo laban sa grupo ko. Kapag nanalo kayo, sa ‘yo na si Erin pero kapag nanalo kami. Ititigil mo na ‘yang ilusyon mo.”

“Are you fucking serious? Ano ‘to, gagawin niyo akong human trophy? Stop this nonsenㅡ”

“Fine, you vs. me? Labanan ng intrepid. Jun vs. Jester, labanan ng insolent. Ming vs. Tyler, labanan ng amiable. Xian vs. Hoshi, labanan ng probity at Alex vs. Kevin, labanan ng keen.”

“Wait, paano nasali si Kevin dito?” Tanong ni Zero. Naitago ko ang labi ko gusto kong pumalakpak sa galing niyang umarte.

“Uh, nakakasawa na magpanggap. Okay fine, to set things straight. Kami ang may kagagawan ng lahat ng ‘to. Si Kevin ang bumaril sa ex mo, masaya ka na?” Nabigla na lang ako dahil hindi ko inaasahan na aamin siya ng gano’n kadali, pero mas nabigla ako nang bigla na lang siyang suntukin ni Zero.

Hindi ako umawat kasi tinatamad ako. Hinayaan ko lang silang magsuntukan, tutal mukhang hindi rin naman sila papaawat.

“Hayop ka talaga!” Sigaw ni Zero bago niya sipain si Josh, nakaiwas ito at ngumisi.

“Still a loser, huh” Pang-aasar pa ni Josh nang suntukin niya si Zero. Nagsuntukan sila hanggang sa dumating sila si Xian at Hoshi para umawat.

“Lumaban ka ng patas kung hindi ka talaga duwag at saka sinasabi mong girlfriend mo si Erin? Sino ginawa mong tanga? Para lang sabihin ko sa ‘yo. Akin si Erin!” Sigaw ni Zero. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

“Pagsisisihan niyo lahat ng ginagawa niyo. Ako na mismo nagsasabi sa ‘yo, Josh. ‘Wag mong hintaying mapatay kita.” Dagdag pa niya bago ako hinila palayo kasama si Xian. Napalingon ako kay Josh at nakitang nakatingin lang siya sa akin habang nakahawak sa panga niya.

Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Pagtapos ng lahat ng nangyari bigla na lang niyang ititigil? What is he plotting to?

“Hoy, Zero! Oa na, ah. Pwede ka nang tumigil sa paghila sa ‘kin.” Sabi ko nang makalayo kami. Napahawak ako sa palapulsuhan ko dahil namanhid iyon. Hindi ko naman inaasahan na bigla na lang niya akong yayakapin ng mahigpit.

“Maiwan ko muna kayo.” Ani Xian at saka siya umalis pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay bumitaw na si Zero.

“Follow him.” Tumango ako at mabilis na tumakbo papunta kay Xian, pinalo ko ang braso nito ng pabiro para lumingon siya sa akin.

“I missed you, Xi. Sorry, pinag-alala ko kayo.” Ngumiti siya at saka kinurot ang pisngi ko pero laking gulat ko na lang nang may pumalo sa kamay niya.

“What are you doing?” Tanong ni Jennie. May problema talaga sa utak ang isang ‘to.

“Hindi ba pinaalam ni Xian sa ‘yo na mas una nila akong naging kaibigan kaysa sa ‘yo?” Sabi ko nang yakapin ko ang braso ni Xian. Nakita ko naman kung paano magdilim ang aura ni Jennie kaya napangisi ako. Would you look at that.

“Hey.” Napalingon ako nang akbayan ako ni Zero.

“Hindi rin ba nasabi ni Xian sa ‘yo na may gusto rin siya kay Erin gaya ko?” Panggagatong pa ni Zero.

“Tama na nga. Kinakawawa niyo si Jennieㅡ” Hindi naituloy ni Xian ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang hawakan ni Jennie sa magkabilang pisngi at nanlaki ang mata ko nang walang pasabi niya itong halikan. Si Zero naman ay napabitaw sa akin sa gulat.

“What the hell?” Kasabay ng pagsabi ko noon ay ang pagdating nila Jester. Para siyang sinabuyan ng mainit na tubig. Nararamdaman kong umuusok ang tainga niya sa galit nang makita niya ang nangyari.

Bago pa siya magsalita ay nahatak ko na siya palayo. Alam kong marami pa akong problemang dapat isipin pero may pakialam pa rin naman ako sa mga nararamdaman ng kaibigan ko.

“Uy, Jester. Hindi mo ba ako na-miss?” Pabiro kong tanong nang mapunta kami sa likod ng main building. Hindi siya nagsasalita kaya hinila ko ang buhok niya.

“What the fuck!” Inis na sigaw niya at nag-peace sign lang ako.

“May good news ako. Alam mo ba? Ititigil na raw ni Josh ang panggugulo sa atin.” Sabi ko pero nginisian niya lang ako.

“Imposible na ititigil niya. Paniguradong may binabalak ‘yon.”

“I know.” Tumango ako kasi gano’n din ang nasa isip ko. Pagtapos ng ginagawa nila ay titigil siya bigla dahil may gusto siya sa akin? Sino naman kaya ang niloko ng lalaking ‘yon?

Pero at least malaya na ako sa kanya. Ang inaalala ko na lang ngayon ay ‘yong deal nila ni Zero at saka bakit inamin niya na sila ang may kagagawan ng lahat ng ‘to? Ano ba talagang iniisip niya?

“Akala ko ba next month pa ang uwi ni Jennie? Bakit mukhang napaaga yata? At saka ang lakas ng loob niyang mag maganda sa harapan ko. Eh no’ng nasa America nga kami ni hindi niya ako magawang tignan o lapitan man lang.” Kwento ko.

“Matagal na raw siyang nagtitimpi sa ‘yo, masyado ka raw kasing pabida sa team niyo noon kaya rito niya na nilalabas lahat kasi malayo ‘yong daddy niya. Hindi siya mapagsasabihan.” Napairap lang ako. Sabi na nga ba at may galit talaga sa akin ang babaeng ‘yon. Kung hindi ko lang alam na anak siya ni Tito Ramon, sinampulan ko na siya eh.

“So... Are you okay?” Pagseseryoso ko.

“What do you mean? Of course I’m okay. Alam ko naman na may gusto si Jennie kay Xian. Masyado nang obvious, simula no’ng dumating siya rito ay puro Xian na lang ang bukang bibig niya.” Nilingon niya ako.

“By the way, what’s wrong with Tyler? Bakit ayaw mong ipaalam sa kanya ‘yong nangyayari? Nag-away ba kayo?” Napabuntong hininga ako sa tanong niyang iyon. Maging ako naman ay nakokonsensya dahil pinaghihinalaan ko si Tyler pero kailangan ko pa rin kasing mag-ingat.

“Let’s not talk about that. Ayoko munang mag-isip ng kahit anong problema.” Sabi ko at tumango lang siya.

Maya-maya ay bumalik na rin kami sa classroom. Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng atmosphere rito. Dahil ba kay Jester at Xian? Sinamaan ko ng tingin si Jennie at ginantihan niya rin ‘yon ng masamang tingin.

Pag-dismiss ng klase ay hindi ko inaasahan na nag-aabang sa labas ang grupo nila Josh. Hindi nila kasama si Kevin kaya napalingon ako sa likuran ko kung nasaan sila Alex.

“Anong kailangan niyo? May deal na tayo, right?” Tanong ni Zero.

“Ngayon na natin gagawin ‘yong deal. Sumunod kayo sa ‘kin.” Malamig na sabi ni Josh at nagkibit-balikat lang ‘yong lima. Napanganga na lang din ako. Seriously? Now? As in ngayon na? Hindi man lang ba nila ako pagpapahingahin sa mga problema? Like, I mean kapag natapos ang problema ko ay mayroon na namang kasunod? Kumusta? Kumusta naman?!

“Kasama ka ba sa grupo namin?” Mataray na tanong ko kay Jennie na nakasunod sa amin ngayon.

“Wala akong natatandaang may Jennie sa suicide squad dito sa Monstrous.” Dagdag ko at saka hinila sa Chloe na nakikipag-usap sa kaklase niya.

“Oh my God, Erin!” Gulat na reaksyon niya nang makita niya ako. Ngumiti ako ng malawak at saka siya inakbayan.

“Sa Suice squad version ng Monstrous. Ako at si Chloe lang ang babae, so what are you doing here? You’re not part of the grouㅡ” Mabilis ako nakaiwas nang makita kong paparating ang kamao niya sa direksyon ko.

“Sorry but, you’re too slow... Konting practice paㅡby the way, Chloe. Sama ka sa ‘min, marami akong ikukwento.” Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ramdam na ramdam ko ang masamang tingin na ibinibigay sa akin ni Jennie.

Nang makarating kami sa parking lot ay sinabihan lang kami ni Josh na sundan ‘yong sasakyan nila. Gaya ng dati, ‘yong kay Xian ang ginamit namin dahil malaki ang kotse niya.

“Magmo-motor na lang ako.” Sabi ni Jester bago kami sumakay.

“Oh, isama mo na si Chloe. Masikip na rito sa loob, eh. May pilit kasing sumasama sa grupo natin, eh. Hindi naman belong.” Pagpaparinig ko kay Jennie na nakaupo na sa front seat kung saan katabi niya si Xian.

Nilakihan ako ng mata ni Chloe pero ngumiti lang ako at kumindat.

“Hoy! Kilala kita magmaneho, Jester. Wala ka sa karera kaya magdahan dahan ka, ingatan mo si Chloe.” Paalala ko kay Jester at saka tuluyang sumakay sa back seat. Napapagitnaan ako ni Alex at Zero.

“Tyler, are you okay?” Tanong ko nang mapansin na kanina pa siya tahimik. Tila laging malalim ang iniisip.

“I’m fine, masyado lang biglaan ‘yong nangyayari.” Sagot niya at napatango lang ako.

“Bakit nga pala ako pinapatawag ni Tito Axel?” Tanong ko kay Alex.

“I don’t have any idea... So what’s the plan now?” Tanong niya.

“Let’s just go with the flow. Hindi ko naman inaasahan na aamin si Joshua na sila ang may kagagawan ng mga nangyayari.” Nagkibit ako ng balikat.

“Troublemaker as ever.” Rinig kong bulong ni Jennie sa harapan. Nabigla naman ako nang bigla akong hawakan ni Zero. Tinignan ko siya at gano’n din siya sa akin.

“What’s wrong?”

“Wala, gusto lang kitang hawakan.” Ngumiti ako ng tipid at hinayaan siyang gawin iyon.

“Saan ba tayo dadalhin ng Josh na ‘yan?” Iritang tanong ni Alex. Wala naman kaming idea basta sinusundan lang namin ‘yong kotse nila.

Maya-maya ay huminto na kami sa isang lumang establishment. Wala kaming alam kung anong mayroon sa loob pero bumaba kami sa hagdan at pumasok sa isang pintuan kung saan maraming tao ang nasa loob.

“Anong lugar ‘to?” Tanong ko kay Jester na nasa likuran na namin.

“Ground Zero.”

Continue Reading

You'll Also Like

18.4M 573K 87
Though tagged Fantasy, this story is 60% Romance, 20% Humor, 20% Fantasy. Enjoy! -------------- This is a story about Four Mysterious Nerds who e...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
2.4M 85K 47
Book 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle gr...
10M 310K 68
(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action.