Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Thirty two

55.7K 2K 332
By dauntlehs


32: Unexpected betrayal.
-

Erin’s POV

“Her brain deprived of oxygen due to blood loss, the patient is in coma.” Awtomatiko akong napaupo nang ibungad sa akin iyon ng doctor pagkalabas ng operating room.

“Erin.” Hingal na tawag ni Zero, agad ko siyang nilingon at niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang paglabas ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang nasa ambulansya. In the end ako pa rin ang naghatid kay Akira rito sa hospital.

“May nakita ka ba? May nahabol ka?” Nagmadali akong punasan ang luha ko nang kumalas ako sa pagyakap. Hinintay kong magsalita si Zero ngunit tanging pag-iling lang ang isinagot niya sa akin. Sobrang nanghihina ang tuhod ko sa mga nangyayari kaya hindi ko na napigilan ang mapaupo.

I was so lost in thought na hindi ko na naiisip kung anong itsura mayroon ako ngayon. Punong-puno ng dugo ang damit ko at tagaktak ang pawis ko.

“Ano nang nangyari kay Akira?”

“She’s in coma.” Tipid na sagot ko. Maya-maya lang ay naririnig ko na ang boses nila Chloe. Mabilis niya akong nayakap habang si Kevin naman ay pilit pumapasok sa operating room. He was crying and it hurtsㅡKasalanan ko ‘to, eh.

“Pupunta rito si dad mamaya, siya na ang bahala sa hospital bills.” Sabi ni Alex at napatango na lang ako bago nilapitan si Kevin na nakatulala sa sa tapat ng pintuan.

“Sweetie, anong nangyari kay Akira? Sino gumawa nito?” Niyakap ko lang siya. Kahit ako ay hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. Wala akong ideya, and I hate myself for that. I’m so useless.

“Erin, magpahinga ka muna. Ako na magpapaliwanag kay Kevin.” Sabi ni Zero nang hawakan niya ang balikat ko. Kumalas ako sa pagyakap at saka siya tinignan, tumango lang ako ng tipid.

“Gusto kong umuwi sa bahay.” Agad akong nilapitan ni Tyler para alalayan.

“Ako na maghahatid sa ‘yo.” Tipid akong ngumiti at bago tuluyang umalis ay tinignan ko muna si Xian.

“Keep an eye to Zero, don’t let him to do reckless things on his own.” Bilin ko at tumango naman siya.

“Baby, what happened?” Nagmamadaling tanong ni dad pagpasok namin ni Tyler ng bahay.

“Nabaril ‘yong kaibigan ko, dad. And it’s my fault. What should I do?” Napayakap ako sa kanya kahit na ang dumi-dumi ko. Ramdam na ramdam ko naman ang higpit ng yakap ni dad at ilang segundo lang din ay kumalas siya at saka hinawakan ang balikat ko.

“Don’t blame yourself, it’s not your fault. Maglinis ka muna, manghiram ka ng damit kay mommy, natutulog siya kaya ikaw na bahalang mamili... Tyler let’s talk.” Umakyat na ako sa taas at hinayaan nang si Tyler ang magpaliwanag kay dad.

Pagpasok na pagpasok ko sa cr ay agad akong naligo. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. I really need to find out kung sino ang may gawa nito. Hindi ko na hahayaan na may iba pang madamay.

“Nak, Erin.” Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni mom. Nagmadali ako sa pagligo at saka kinuha ‘yong twalya.

“Mom.”

“I heard what happened. It’s going to be okay, naranasan ko na ‘yan noon nang masaksak ang Tita Ayesha mo... Hindi ko alam kung anong mayroon sa pamilya natin at nagiging lapitin tayo sa mga ganitong klase ng problema. Pero trust me, Anak. Kung nalagpasan ko ‘yong akin noon, sure ako na malalagpasan mo rin ‘to.”

Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi ni mom at saka nagbihis. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap sa ibaba kung saan naroon pa rin si Tyler.

“Baby, pwede bang dalin mo muna si Tyler sa itaas? Mag-uusap lang kami ng mommy mo.” Sabi ni dad. Tumango lang ako at saka dinala si Ty sa kwarto ko.

“Wow! Ang laki ng pinagbago ng kwarto mo, ah. We used to play here when we were young, right?” Bungad niya pagpasok namin sa loob. To be honest, hindi ko na napansin ‘yong pagbabago rito.

“Yeah. It feel so nostalgic.” Sabi ko at saka naupo sa kama.

“Nandito pa rin ‘yong cabinet kung saan ka kinulong ni Zero noon.” Nang marinig ko ‘yon ay bigla na lang akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit gayong bad memory iyon.

“Yan. Smile, alam kong mahirap ‘yong mga nangyayari but don’t forget to smile. Maraming gustong makakita ng ngiti mo na ‘yan. Isa na ko roon.” Tinabihan ako ni Tyler dito sa kama at saka ipinatong ang isa niyang kamay sa ulo ko.

“You’re brave, Erin. Kasama mo kami sa lahat ng problema so, depend on us more.” Dagdag niya at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya.

“Salamat, Ty. I’m really blessed to have you. Pati sila Alex, Jester, Xi at Zero. Kung wala kayo hindi ko alam kung makakaya kong maka-survive ng ganito.” Kumalas kami sa pagyakap at saka ngumiti sa isa’t isa.

“Gagawin namin lahat para protektahan ka. Hindi ko na lang ito ginagawa dahil sa hiling ni dad. I’m doing this because I really do like you and I want to see your smile. I want you to have a happy life.” Hinawakan niya ang pisngi ko at napahawak na lang ako sa kamay niya habang nakapikit. He’s so warm.

“You’re tired. Matulog ka muna, babantayan kita. Ipapaalam ko na lang kila Zero.” Tumango ako at saka humiga. Kinuha naman niya ‘yong kumot at saka ako kinumutan, habang siya ay nakasandal sa headboard at nakatingin sa akin.

Ilang oras ang lumipas at nagising din ako, kahit paano ay nawala ang pagod na nararamdaman ko kanina. Medyo okay na rin ako, at least for now.

“Ty?” Tawag ko sa kanya. Nakatayo siya sa may bintana habang may kausap sa phone kaya mukhang hindi niya ako narinig.

“Yeah, naiintindihan ko. Rest assured na masusunod ‘yong sinabi mo.” Rinig kong sabi niya at saka niya ibinaba ang phone. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng matamis.

“Gising ka na pala.” Lumapit siya kaya bumangon na ako.

“Sino ‘yong kausap mo?”

“Si Zero.” Tipid na sagot niya at ngumiti lang ako ng tipid. Sabay naman kaming bumaba at halos mag gagabi na rin pala.

“Anak. Okay ka na ba?” Bungad sa akin ni mom na nasa kusina.

“Medyo po. Where’s dad?”

“May inaasikasoㅡTyler kumain ka muna.” Lumapit sa amin si Tyler at saka naupo.

“Salamat po, tita.” Ngumiti lang si mom at sabay-sabay kaming kumain. Ilang oras pa ang lumipas at minabuti na naming bumalik sa hospital.

Tahimik lang ako sa kotse habang nakatingin sa may bintana.

“Erin.” Tawag ni Tyler habang nagmamaneho.

“Yes?”

“Hmm, nothing.” Kumunot ang noo ko at saka tumingin ulit sa bintana. Pagdating namin sa hospital ay agad kaming dumiretso sa private room kung saan nilipat si Akira.

“Where’s Chloe?” Tanong ko nang mapansin na wala siya rito. Tanging si Kevin lang na natutulog sa couch at ‘yong apat na nakaupo sa sahig.

“May binili, babalik din ‘yon. Ayos ka na ba?” Tanong ni Xian at marahan lang akong tumango saka lumapit sa kama. Hinawakan ko ang kamay ni Akira at nilagay iyon sa pisngi ko

“Sorry.” Paghingi ng tawad.

“Erin, stop blaming yourself.” Sabi ni Alex pero hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko. Kung hindi lang sana ako nakipagkaibigan sa kanyaㅡhindi mangyayari ‘to. This is one of the reason kung bakit ayoko ng kaibigan. Madadamay at madadamay lang sila sa mga problema ko.

“Lalabas lang ako saglit.” Paalam ni Zero. Tumango lang kami at lumabas na rin siya ng kwarto. I’m sure, sinisisi rin niya ang sarili niya sa nangyari.

Thimik kaming nakabantay kay Akira. Iniisip ko kung paano kapag nalaman ito ng mommy niya. Sure ako na mas malala pa ang mga mangyayari sa akin. Napapaisip din ako kung may kinalaman siya dmrito pero imposible naman na gagawin niya ‘to sa sarili niyang anak.

“Guys, kain muna kayo.” Napalingon ako kay Chloe na may dala-dalang plastic. Agad naman iyong kinuha ni Jester sa kanya at nilapag sa mesa.

“Nakasalubong mo ba si Zero sa labas?” Tanong ko.

“Ah oo, nandoon siya sa may tapat ng vending machine. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.” Tumango ako at saka tumayo.

“Puntahan ko lang siya.” Paalam ko at paglabas ko ay agad kong hinanap si Zero. Nakasandal lang siya malapit sa vending machine habang umiinom ng coke.

“Okay ka lang?” Tanong ko.

“Not really, nakokonsensya ako.” Hinawakan ko ang ulo niya at saka ginulo ang buhok niya.

“Hey, stop making that face. It doesn’t suit you.” Nginitian niya ako ng tipid at nanlaki naman ang mata ko nang kuhain niya ang kamay ko. And for some strange reason, naalala ko iyong pag-uusap naming tatlo nila Aki bago mangyari ang insidente.

“Hindi ko naman talaga gusto si Aki. Kaya ko lang siya inaya maging girlfriend ay para malaman ang mga kilos nya. Alam kong si Sunny ‘yong mommy niya kaya naisip ko na kapag napalapit ako kay Aki mas masisigurado ko ‘yong safety mo.”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi niyang iyon... Nakatingin lang kami pareho sa kamay naming magkahawak.

“I really do love you, Erin. Sorry sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kung nasaktan ka sa pagiging malapit ko kay Akiㅡ”

“Ha? Hindi naman ako nasaktan.” Mabilis na pag-deny ko. Damn it, Erin.

“Wag mo na itanggi. Sinabi na sa ‘kin ni Xian na gusto mo rin ako.” Agad kong nabitawan ang kamay niya at wala sa sariling inuntog ang sarili ko sa pader. Nakakahiya. I don’t know what to do!

“Hey, stop being cute. Lalo akong nai-in love.” Tinigil ko ang ginagawa ko at saka siya sinamaan ng tingin. Why are we having these kind of conversation? Ugh!

“Wag masyadong lalaki ‘yang ulo mo, hindi porque’t may gusto ako sa ‘yo ay pwede ka nang bumanat sa akin ng ganyan.” Tumawa lang siya at saka ginulo ang buhok ko pabalik.

“Magiging okay rin ang lahat.” Sabi niya at tumango ako habang nakangiti ng tipid.

“Nakalimutan ko ‘yong phone ko sa bahay. Pahiram ng phone mo. Ipapaalam ko lang kay mommy na nandito na ako sa hospital.”

“Hindi ko dala phone ko. Naiwan ko sa dorm.” Natigilan ako bigla nang sabihin iyon ni Zero.

“Magkausap kayo ni Tyler kanina ‘di ba?”

“Ha? What are you talking about? Hindi pa kami nag-uusap.” Tipid akong tumango at saka tumingin sa ibang direksyon.

“Okay ka lang? May problema ba?”

“W-wala.”

Imposible. Hindi naman ako t-traydurin ni Tyler ‘di ba? Hindi niya ‘yon magagawa... Pero kung hindi sila nagkausap ni Zero. Sino ‘yong kausap niya kanina sa phone? Why did he lie? What’s his reason? Ugh! Ayaw kong pagbintangan si Tyler but what if?

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 85K 47
Book 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle gr...
1M 22.4K 55
Gangster? Gangster ang mommy at daddy ko noon. Sila ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas sa isang organisasyon. Ang orginasisasyong ito ang...
1.7M 55K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
Detective senses By Angelica

Mystery / Thriller

12.3K 709 53
Book 2 of my gangster detective. "I the queen shall protect the king. And I as pawn shall protect the lord" New beginning, new mysteries to solve. Ho...