Monstrous Academy 2: Chasing...

By dauntlehs

3M 101K 17.9K

(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't k... More

Book Two
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
E P I L O G U E.
Book 3.

Chapter Twenty five

51.2K 2K 458
By dauntlehs


25: Change of heart.
-

Gusto kong tanungin si Akira, gusto kong itanong kung bakit sila nagkikita at nag-uusap ni Zero but damn it! I can’t do it, that was very unusual of me kung gagawin ko ‘yon at isa pa ay baka may malalim na dahilan kung bakit hindi rin pinapaalam sa akin ni Akira ang tungkol doon.

“Wala pa rin si Zero.” Ani Xian pagpasok namin ng classroom. Hindi na ako kumibo at tumingin lang sa ibang direksyon.

“Montero, bakit hindi pumapasok si Villaruel? Wala siyang excuse na binibigay.” Bungad ng prof pagpasok nito ng classroom.

“Ah... Sorry po, sir. Kakausapin ko siya mamaya.” Sagot ni Xian at nag-umpisa na ‘yong klase, tinignan lang ako nila Tyler at Alex. Ugh! Ano bang nangyayari? Seriously. May mas gugulo pa ba rito?

Ilang oras ang lumipas, pag-dismiss ng klase ay dumiretso ako sa infirmary kung saan nakasalubong ko si Chloe.

“Erin, saan ka pupunta?” Tanong niya.

“Hihingi ako ng gamot sa infirmary, ang sakit ng ulo ko eh.” Nagpatuloy ako sa paglakad at sinamahan niya ako. Tahimik lang kaming naglalakad pero bigla na lang niya akong hinatak para magtago.

“Bakit?” Tanong ko ngunit no’ng sasagot na siya ay may pamilyar na boses ang nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon, hindi ako pwedeng magkamali, boses ‘yon ni Zero.

Magkita tayo mamaya sa parking lot.” Sinilip ko kung sino ang kausap niyaㅡsi Akira.

Sige, but are you sure about this?”

“Of course. Sige na, babalik na ako sa dorm.” Bumalik ako sa pagkakatago at tinignan si Chloe. Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinasabi niya na okay lang ‘yon. Ngumisi ako kasi gano’n na ba ka-obvious na nasasaktan ako? Para akong tanga. I should be happy, right? Nakapag-confess na si Akira and now, nagkakamabutihan na sila, so bakit hindi ako masaya?! How stupid!

“They’re gone.” Sabi ni Chloe kaya lumabas na kami sa pagkakatago at pumasok sa infirmary.

“Mukhang nagiging close na sila, ah. Okay lang ba ‘yon sa ‘yo?”

“Oo naman! Bagay nga sila, eh.” Tinawanan lang niya ang sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang makahingi na ako ng gamot ay minabuti kong magpahangin muna sa field ng mag-isa. Mabuti na lang at marunong makabasa ng sitwasyon si Chloe kaya hinayaan niya ako.

Bakit hindi kinikwento sa akin ni Akira ‘yong mga nangyayari? That was very unusual of her, madaldal siyang tao. Kapag nasa dorm, kwento siya nang kwento sa akin kahit hindi ako nakikinig but now... Ugh! Erin, stop stressing yourself!

“Alone?” Sinamaan ko lang ng tingin si Josh nang maupo siya sa tabi ko.

“May nakikita ka pa bang kasama ko?” Iritang tanong ko.

“Intrepid ka rin ‘di ba? Pwede mo ba ko samahan?” Tinaasan ko siya ng kilay at nagpanggap na wala siya sa paligid ko.

“Please?”

“Uy, dali na. Hindi ko pa kabisado ‘yong lugar na ‘to.”

“At isa pa, ang daming kailangan gawin, sige na.” Napatayo na lang ako sa pagkabwisit. Hindi siya titigil sa kakasalita, gustong gusto ko siyang suntukin para mabasawan ang inis na nararamdaman ko.

“Fine! Sa isang kondisyon, mag-sparring tayo.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko pero agad ding napalitan ng pilyong ngiti.

“Deal.” Naglakad na ako papunta sa Intrepid’s headquarter habang siya ay nakasunod lang. He kept on asking pero ni isa ay wala akong sinagot.

“He’s with me, bagong student.” Sabi ko sa security na nasa tapat ng scanner. Tinapat ko ang tattoo at saka pumasok sa loob, walang masyadong estudyante rito ngayon kaya dumiretso na kami sa kwartong pinasukan namin noon ni Zero.

“May babae d’yan sa loob, sabihin mo lang ‘yong pangalan mo.” Walang emosyong sabi ko. Tumango lang siya at pumasok na sa kwarto habang ako ay nag-abang lang dito sa labas.

Nakasandal lang ako sa pader at nakatingim sa sahig. I don’t know what the fuck is happening to me, I’m not in my usual self, napaka-nonsense. Bakit ko ba bino-bother ang sarili ko sa bagay na ‘yon? Eh, ano kung nagkikita sila, iyon naman ‘yong gusto ko ‘di ba?

“What are you doing here?” Napatingala ako nang marinig ang boses na ‘yon.

“Nothing.” Iniwas ko ang tingin kay Zero at akma na sanang aalis ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

“Let’s talk.” Sumandal ulit ako sa pader at hinintay lang ang gusto niyang sabihin. Bumitaw na rin siya sa akin.

“About the confession I made, that’s not true. It was a lie kaya kalimutan mo na.” Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa sinabi niyang iyon. Naghalo na lang sa loob ko ang sakit, gulat at galit, ni hindi ko magawang magsalita.

“Bigyan mo na lang ng chance si Xian. Mas deserve niyaㅡ”

“There’s no need for you to say that, nakausap ko na si Xian. In the first place hindi naman ako naniniwala sa sinabi mo noon and by the way, I’m happy for you. Sana sinabi mo nang mas maaga, eh ‘di sana mas natulungan kita kay Aki.” Ngumiti ako at saka siya tinitigan ng diretso sa mata.

“What are you talking about?”

“You’re hanging out with her, right?” Tanong ko nang lumingon ako sa pinto, pinagdadasal na sana ay lumabas na si Josh nang sa gano’n ay magkaroon ako ng rason para umalis na rito.

“Ah right, we’re actually dating.” Nilingon ko siya nang kaswal niya iyong sabihin. Pakiramdam ko ay maluluha ano mang oras, damn it! Ganito na ba ako kahina ngayon?

“ErinㅡOh hi Zero.” I mentally sigh in relief nang sa wakas ay lumabas na si Josh at tumabi sa akin.

“I see, well congrats and take care of Aki. We’ll go ahead.” Akma na sana akong aalis ngunit sa pangalawang pagkakataon, hinawakan ni Zero ang kamay ko habang nakatingin ng masama kay Josh.

“Bakit magkasama kayo?” Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot. Tinabig ko lang ang kamay niya at mabilis hinatak si Josh palabas. Dinala ko siya sa back building kung saan walang makakakita sa amin. Pagbitaw ko sa kanya ay mabilis ko siyang sinugod ng suntok pero nakaiwas siya.

“Woah! Wait. Chill lang.” Aniya pero napaupo na lang ako, tila nanghina ako at bumigay na.

“Umalis ka na. Saka na natin ituloy ‘yong deal.” Sabi ko nang takpan ko ang mukha ko at tuluyan na ngang kumawala ang traydor na luha na kanina ko pa pinipigilan. Ugh! This isn’t me! And I hate this version of myself.

“It’s okay, hindi kita pagtatawanan.” Hinayaan ko na siyang panuorin kung gaano ako kahina. Kaya ayoko ng attachment, eh! In the first place hindi ko na dapat hinayaan ‘yong sarili ko na magbago and now, look at me. Mukha akong tanga! Crying for that stupid reason.

“Ugh! Annoying. Ano? May tattoo ka na?” Tumayo ako at saka nagpunas ng luha. Ipinakita lang sa akin ni Josh ang palapulsuhan niya ngunit nabigla na lang ako nang suntukin niya ko, hindi ako nakaiwas agad kaya nadaplisan niya ang balikat ko.

“What the hell?!”

“Let’s go. Sa ‘kin mo ilabas ‘yang galit mo.” Ngumisi siya kaya naman sinugod ko siya ng suntok. We’re both intrepid kaya wala naman sigurong masama kung mag-sparring kami.

“Too slow.” Sabi ko nang akma siyang iiwas, hindi niya alam na nakaabang ang paa ko para sipain siya. Tumama ‘yon sa tagiliran niya kaya naman natumba siya, mabilis lang din siyang nakatayo at saka sumugod ulit. I dodged the first punch and made a counter attack pero bigla na lang siyang tumakbo at umakyat sa puno.

“What the hell are you doing?!”

“Ayoko na! Mapapatay mo ko, eh!” Natawa na lang ako nang sabihin niya iyon habang nakayakap sa puno. Nakakasira ng image ang ginawa niya considering na may itsura niya.

“Mas maganda ka kapag nakangiti. Nag-enjoy ako, by the way salamat.” Tumalon siya sa puno at saka tumakbo habang ako ay nanatili lang na nakatayo at pinanuod siyang makalayo. What’s with that guy? tsk.

“Erin, saan ka nanggaling? Late ka na bumalik.” Bungad ni Akira pagpasok ko ng kwarto.

“Ah, wala nagpahangin lang.” Tipid na sagot ko at saka pumasok sa banyo.

“Oo nga pala Aki, congrats. Hindi mo sinasabi sa ‘kin, kayo na pala ni Zero.” Narinig ko siyang tumakbo papunta sa may pintuan ng banyo.

“Wait. Paano mo nalaman? Sinabi ba niya sa ‘yo?”

“Oo kanina, nakasalubong ko siya.”  Ilang segundo bago siya nakasagot ulit.

“Sorry, Erin. Hindi ko nasabi sa ‘yo agad. Ang bilis kasi ng pangyayari, eh.” Binuksan ko ‘yong shower at saka sinalo ang tubig gamit ang mukha ko.

“Okay lang, masaya ko para sa ‘yo.” Pagkasabi ko ng bagay na ‘yon ay tumulo na naman ang luha ko and that’s when I realized kung gaano ako nasasaktan dahil sa nangyayari. Gano’n ko na ba kamahal si Zero? Since when?

Ilang oras ang lumipas at nagpaalam ako kay Akira na lalabas. Halos gabi na rin at wala talaga akong ideya kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, gusto kong mapag-isa.

Napadpdad ako sa rooftop ng main building at doon nagpahangin mag-isa. Masyadong mabilis ang pangyayari, parang noong linggo lang ay ayaw niyang ipinagtutulakan ko siya kay Akira and now, all of a suddenㅡthey’re dating? What the hell?

“What are you doing here?” Napalingon ako sa likuran kung nasaan si Jester. Maya-maya ay tinabihan niya ako at dumungaw rin.

“Papahangin. Ikaw?”

“I’m looking for you.” Kumunot ang noo ko at saka siya tinignan.

“Why?”

“I have a favor. Well ayoko naman talaga pero makulit sila dad...” Bumuntong hininga siya.

“Just get to the point, will you?”

“Let’s date.”

Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
958K 31.7K 23
(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?
1.7M 55.1K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
2.8M 73.4K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...